Sa Pamamagitan NG Radial Cluster Maunawaan NG Mga Mag-Aaral Ang Uri NG Pagkonsumo at Pamaraan Sa Paggamit Nito

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PILAR COLLEGE OF ZAMBOANGA CITY, INC.

R.T. Lim Boulevard, Zamboanga City


Basic Education Department
PAASCU Accredited Level III
A.Y. 2019-2020

Subject Area: Araling Panlipunan 9 Date: Hulyo 2019 Day/s: 2


Unit Topic: Konsepto ng Pagkonsumo Lesson # 4 Quarter: 1
Paglipat ng Tunguhin:Ang mga mag-aaral sa kalaunan at sa kanilang sariling kakayahan ay inaasahang
maging mapanuri sa mga konsepto ng ekonomiks at naisakatuparan ang tungkulin bilang isang responsableng
mamamayan at tagapangalaga sa mga biyaya na bigay ng Poong Maykapal sa pamamagitan ng matalinong
pagpapasiya sa pagpili ng mga sariling pangangailangan at kagustuhan sa gitna ng limitadong pinagkukunang
yaman para sa kapakanan ng lahat at ng susunod na henerasyon

Kakailanganing Pag-unawa:
Mauunawaan ng mga mag-aaral na ang matalinong pagpapasya, bilang tagapangalaga ng Panginoon, ay
mahalaga sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at nakakatulong sa pagkakaroon ng maayos at maunlad na
lipunan.

Mahalagang Katanungan:
1. Ang desisyon ba ng tao ay nakakaapekto sa pagtugon sa kanyang pangangailangan?
2. Ano kaya ang mangyayari kapag nauubos na ang likas na yaman sa bansa?

Layunin:
1. maipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo; at
2. masusuri ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo.

I. PANIMULANG GAWAIN:

 Pagbabalik-aral: Paano tinutugunan ng tao ang pangangailangan sa araw-araw?


 Paksa: Pagkonsumo
 Talasalitaan:
a. Import
b. Brand Name
c. Pag-aanunsiyo
d. Presyo
Pangganyak :
Pagsusuri sa isang ilustrasyon. Pagpapakita ng isang collage ukol sa pagkonsumo

 Pagsimula sa Dating Kaalaman


Sa pamamagitan ng Radial Cluster maunawaan ng mga mag-aaral ang uri ng pagkonsumo at pamaraan
sa paggamit nito

II. PAGLILINANG NG KAALAMAN

Inaasahang kaalaman
 Mga uri ng Pagkonsumo

Inaasahang kakayahan…
 Naihahambing ang uri ng pagkonsumo

Mga Pangkatang Gawain:


Ipagawa sa isang estudyante ang sumusunod;
Hatiin ang mga mag-aaral sa limang pangkat. Ang bawat pangkat inaatasang,
Pangkat 1 - Gumawa ng isang awitin kung paano tinutugunan ang pagkonsumo sa pangangailangan ng tao.
Pangkat 2 - Gumawa ng isang tula kung paano tinutugunan ang pagkonsumo ng tao naayon sa produkto at
serbisyo.
Pangkat 3- Bumuo ng isang poster/slogan kung paano tinutugunan ang pagkonsumo sa araw-araw na
pangangailangan.
Pangkat 4 - Bumuo ng isang RAP ukol sa kahalagahan ng pagkonsumo kung paano ipinakikita ang
pagiging matalinong mamimili.
Pangkat 5- Magpagawa ng isang role play kung paano labanan ang mga salik na nakaimpluwensiya sa
pagkonsumo.

III. PAG-UUGNAY

Kaugnay na Disiplina:
CL: Paano ka nagiging makatarungan at matuwid para sa ikakabuti ng iyong kapwa?
Science: Ano ang dapat mong gawin upang magamit ang pinagkukunang yaman sa kapaligiran?

Pagpapahalaga: Excellence
Kaugnay na Pagpapahalaga: Resourcefulness
Kamulatang Panlipunan:
Paano mo ipinakikita ang pagiging matalinong mamimili?

Kaisipang Biblikal:
Kawikaan: 21:20

“Ang bahay ng matalino’y napupuno ng kayamanan ngunit lahat ay winawaldas ng taong mangmang.”

IV. PAGTATAYA
- Piliin ang tiyak na bagay at teminolohiya. Isulat sa patlang.

______________1. Ang paraan ng paghihikayat sa mamimili na tangkilikin ang isang produkto.

______________2. Ang tumutukoy sa kasiyang natatamo ng tao sa pagkonsumo ng produkto.

______________3. Ang halagang katumbas ng ginagawang produkto o serbisyo.

______________4. Ang batas ng pagkokonsumo na nagsasabing mas higit ang kasiyahan ng isang tao kappa
nanggagaya.

______________5. Ang nakaimpluwensya sa mga Pilipino sa pagtangkilik ng mga imported goods.

AKSYON:
Dugtungan mo:Ang pagkonsumo ay -----------------------------------------------------------------

V. MAKATUTURANG KASUNDUAN

Magsasaliksik tungkol sa Alokasyon at Ibat’ibang sistemang pang-ekonomiya.

VI. MGA BATAYAN AT KAGAMITAN

Bernard R. Balitao, G. T. (2015). Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad. Manila City, Davao City, Cebu

City: Vibal Group, Inc.

Inihanda ni: Mr. Yuri Harris S. Pamaran Ipinasa kay: Ms. Razil L. Dela Rosa

Petsa: Petsa:
Inalam ni: Inaprobahan ni: Mrs. Gina E. Barrios

Petsa:
Petsa:

Status of Implementation: Modifications:

____Implemented
____ Partially Implemented
____ Not Implemented

Remarks:
Date Observed:___________________

Observed by: ____________________

You might also like