Professional Documents
Culture Documents
Awtobiograpiya (Sericon, Angelika)
Awtobiograpiya (Sericon, Angelika)
Awtobiograpiya (Sericon, Angelika)
Sericon
BSEd-Math 3
Ang aking hilig ay magsayaw. Ang aking paboritong pagkain ay adobong manok at
sinigang na luto ng aking ina. Ang paborito kong mga artista ay sina Donny Pangilinan at Belle
Mariano dahil sila yong taong nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan. Ang paborito kong kulay
ay puti at sa asignatura naman ay Mathematics. Libangan ko din ang magbasa ng mga libro,
manuod ng telebisyon at ang makinig ng musika. Tumutulong ako sa mga gawaing bahay lalo na
kapag walang pasok.
Sa aking karanasan naman sa buhay ang hindi ko malilimutan ay noong nahulog ako sa puno
noong ako'y bata pa. Ako ay simple lamang mapagmahal, mabait ngunit kung minsan ay may
pagka "moody." Bilang kaibigan naman ako ay mapagbiro at siyempre may pagpapahalaga ako
sa mga kaibigan ko at madalas ay inaalala ko muna ang kanilang nararamdaman bago ko
magsalita.
Tuwing ako ay may problema madalas akong umiiyak sa Diyos, sa kanya ko lahat sinasabi ang
sama ng loob, kasiyahan at paghingi ng tawad lahat-lahat sa buhay ko at sa kanya din ako
humihiling ng mga nais ko siya ang aking tagapagligtas.
Ang mithiin ko sa buhay ay masuklian ang paghihirap ng aking magulang, paglingkuran ang
Diyos habambuhay at maging matagumpay sa buhay. Ngayon ay sinisimulan ko ito sa pag-aaral,
pagsisikap at pananalig sa Diyos.
Lubos ang aking pasasalamat sa mga taong naging malaking parte ng aking buhay. Ang
aking mga kaibigan na laging nandiyan para sa akin, mga guro, kamag-anak, pamilya at higit sa
lahat ay ang Panginoon. Sa huli, masasabi ko na tanggap ko kung ano at sino ako sa paningin ng
ibang tao ngunit pinipilit kong maging mabuti sa lahat.