Sabong Guide - Diagnosis Sa Pamamagitan NG Ipot

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Diagnosis sa Pamamagitan ng Ipot

Bloody diarhhea o coccidiosis? Pasteurollosis? Collibacillosis? Salmonellosis? Avian


mallaria? Worm infestations? Ano ang common denominator ng mga sakit na ito?
At gaano kalaki ang epekto kung hindi natin ito maagapan? Ano ang dapat nating
gawin?

Ang tuka ng manok ay kung saan papasok ang pagkain. Pag lalabasan ng laway,
mabilis itong malulunok at ito'y tumutoloy sa esophagus na siyang dinadaanan ng
pagkain papunta sa crop. Ang crop ang nag-iimbak ng di pa tunaw na pagkain
hanggang papunta na ito sa tiyan.

Ang stomach acid ay nagdudurog sa mga pagkain na di nadurog ng tuka or bibig ng


manok. Mula rito ay pupunta ito sa proventriculus na siyang tunay na tiyan ng
manok. Dito ay lumalabas ang digestive acid na tumutunaw sa pagkain. Karugtong
din nito ang esophagus at ang balun-balonan o gizzard. Ang gizzard ay dumudurog
at tumutunaw sa pagkain na di kayang tunawin ng proventriculus.

Ang maliliit na bituka ay tumutulong naman sa pagtunaw ng mga sustansya tulad


ng sugar, fats at vitamins. Ang malaking bituka ang imbakan ng dumi at ito rin ang
naglalabas ng nasabing dumi. Ang cloaca naman ay nasa puwet ng manok at dito
nakatabi ang dumi hanggang sa mailabas ito. Ang sakit sa digestive system ng
manok ay nakikita sa kulay at consistency ng kanilang ipot o dropping.

Kapag ang ipot ay malabnaw at may kasamang dugo, ang manok ay may bloody
diarhhea o coccidiosis at maaring magpabalik-balik. Ang isa pang sakit sa digestive
sytem ng manok na makikita naman sa kanilang mala berdeng (greenish)
droppings ay ang avian malaria. Ang avian malaria ay dala ng lamok na infected ng
Plasmodium Gallenaceum.

Ang mabisang gamot sa coccidiosis o avian malaria ay ang PYRISTAT


POWDER. Kumbinasyon ng Pyrimethamine Hydrochloride, Sodium
Sulfaquinoxaline at Menadione (Vitamin K3). Para sa mga sisiw. Maghalo ng isang
sachet ng Pyristat Powder (2 teaspoon) sa limang galong tubig sa loob 2 to 4 araw.
Ulitin tuwing makalawang buwan (2 months) sa loob ng anim na buwan.

Sa mga breeders or cocks, magbigay ng isang sachet sa limang galong tubig sa loob
ng apat na araw.dalawang magkasunod na araw. Kapag ang droppings ay maputi or
madilaw at may kabaho-an ang amoy ang manok ay may pasteurollosis o
collibacillosis o kayay salmonellosis. Ang pasteurulosis o fowl cholera ay ang
matinding diarhhea dala ng bacteria pasteurella multocida at ito ay madaling
makahawa o makamatay.

Ang collibacillosis ay dulot ng bacteriang e.coli at ito ay kadalasang dahilan ng


matinding diarhhea ng mga sisiw at maaring sanhi ng intestinal infections at
bandang huli, kamatayan. Ang salmonellosis naman ay dala ng bacteriang
salmonella at siyang sanhi ng abdominal distress at diarhhea at maaring kumalat
sa dugo at internal organs ng manok.
Ang kanilang droppings ay maberde o madilaw at kadalasang may kasamang dugo.
Ang sakit na ito ay nakamamatay rin. Sa tatlong ito—pasteurollosis, collibacillosis
or salmonellosis, iisa lang ang gamot dito—TRISULLAK CAPLET. Sa mga sisiw,
magbigay ng isang sachet at ihalo sa isang galong tubig at ibigay sa loob ng tatlo
hanggang limang araw. Sa mas malaking manok, magbigay ng isang caplet sa bawat
apektadong manok sa loob ng 3 to 5 araw.

Worm Infestation

Ang pesteng bulate na kadalasang tumatama sa ating manok panabong ay ang


pinworm, roundworm, tape worm at hair worm. Ang sagot natin dyan ay VERMEX
Tablet at TAPE TERMINATOR. Ang vermex ay pinagsamang bisa ng niclosamide at
levamisole. Napatunayan na mabisa sa round worms, pin worms at hair worms sa
mga manok. Bukod sa mabisa, hindi na kailangang i-fasting ang manok panabong
bago ito ibigay.
Para sa manok na may edad 4 hanggang 6 na buwan. Isubo ang kalahating capleta
ng Vermex. Gawin ito tuwing ikalawang buwan. Para naman sa manok na mahigit
na 6 na buwan ang edad. Isang buong Vermex Caplet ang ibigay. Ulitin ito tuwing
ikalawang buwan. Kung liquid dewormer naman po ang ating kailangan. Ibigay po
nating ang Tape Terminator na may bisa ng praziquantel at levamisole
hydrochloride. Kontra round worms at tape worms sa manok.

Para sa mga sisiw. Edad 2 hanggang 3 buwan. Maghalo ng isang kutsarita (1


teaspoon) sa isang galong tubig. Sa edad 4 hanggang 5 buwan, maghalo ng
dalawang kutsarita (2 teaspoon) sa isang galong tubig. Ibigay sa 2 magkasunod na
araw. Purgahin sila tuwing ikalawang buwan upang maiwasan ang pabalik-balik
na bulate. Sa mga stags at breeders. 1 hanggang 2 cc kada ulo. Sa bullstags at cocks,
2 cc kada ulo.

Sa Tape Terminator, matatanggal natin ang tape worms at round worms.

Sabong Depot, Gamefowl Supplement Store.

at December 20, 2017

Share

No comments:

You might also like