Munting Tinig

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Cabangcla, Norland C.

BSCE-2C

I. Pamagat: “Mga Munting Tinig”

II. Buod: Bagong guro si Melinda Santiago sa Mababang Paaralan ng Malawig. Siya ang pumalit kay
Pilar na nagtungo sa ibang bansa upang doon magtrabaho at magkaroon ng mas malaking suweldo. Si
Melinda ay may talento sa pagtugtog ng “flute”. Katatapos lamang niya ng kolehiyo sa kursong
“education”. Inaasahan ng kaniyang pamilya, lalo na ng kaniyang ina, na susunod siya sa Amerika at
doon magtrabaho, ngunit ayaw niya sapagkat nais muna niyang pag-isipang mabuti kung saan ba talaga
siya nararapat tumigil. Nais niyang alamin kung ano ba talaga ang para sa kaniya, ang magtungo sa
Amerika kasama ng kaniyang ina o ang magpunta sa Malawig at doon magturo. Nagtungo muna siya sa
Malawig. Tinanggap niya ang malaking hamon sa kaniyang buhay – ang magturo sa paaralan ng Malawig
kung saan salat sa kabuhayan ang mga pamilya ng mga mag-aaral sa lugar na ito, kaya't ang mga bata ay
inoobliga ng kanilang mga magulang ng responsibilidad sa bahay at sa paghahanapbuhay. Ang sitwasyon
na ito ay nakaapekto sa pananaw ng mga kabataan sa pangarap, edukasyon, katarungan, at kababaihan na
ikinabahala naman ni Melinda. Kasama sa pagsubok na kaniyang kinaharap ay ang pagiging korupt ni
Mrs. Pantalan, ang punong guro ng paaralan ng Malawig. Siya ay nagtitinda ng “ice candy” sa mga bata
at nagkaroon pa ng pagkakataon na sinabi niya sa mga bata na kapag hindi sila bibili ay hindi nila
makukuha ang kanilang card. Ngunit nagagawa lamang ito ni Mrs. Pantalan dahil may pinag-aaral itong
mga anak na nasa kolehiyo na. Makikita sa pelikula na si Mr. Singh, isang Bumbay, ay nagpapatong ng
sampong pursyentong interes sa mga tseke ng titser dahil siya ang nagpapasuweldo sa mga ito. Nagtitinda
rin siya ng iba’t-ibang bagay na may malaking halaga. Ngunit sa kabila nito, natutuwa pa ang mga
residente sa kaniya dahil kumpleto siya sa mga pangangailangan ng mga tao at dahil siya naman ay ubod
nang mabait. Nagkaroon din ng mga bagyo at sunog na nagsilbing dahilan ng pagkasira ng mga libro,
silid-aralan, at iba pang mga kagamitan sa eskuwelahan. Ang sitwasyong ito ay nagsilbing hamon kay
Melinda. Nasubok ang kaniyang pakikihamon nang sumali ang paaralan ng Malawig sa isang choral
contest. Bagama’t nakitaan niya ng interes at kakayahan ang mga mag-aaral, hindi naman naging madali
sa kaniya ang paghimok sa mga magulang ng mga ito na payagan silang sumali sa paligsahan. Tanging si
Luz, ina nina Popoy at Obet, ang pumayag sa kaniyang hinihiling. Si Luz ang tumulong kay Melinda na
himukin ang iba pang mga magulang na napagtagumpayan naman nila. Nangako si Melinda na
magbibigay siya ng bagong uniporme kina Popoy at Obet upang hindi na sila maghiraman. Subalit isang
araw, nadamay at napatay ang batang si Popoy sa isang enkwentro ng NPA at military nang minsan
siyang sumama sa kanyang amang si Fidel na isa sa mga lider ng NPA. Dahil sa trahedya ay tumamlay
ang dating masiglang paghahanda ng mga bata para sa paligsahan. Ngunit sa kabila nito, napagdesisyunan
pa rin nang mga batang ipagpatuloy ang kanilang pag-eensayo maliban lang kay Obet, kapatid ni Popoy,
dahil sila ay lilipat sa ibang bayan kung nasaan ang iba nilang kamag-anak.
Sa huli, nakasali pa rin si Obet sa paligsahan dahil sa pagpayag ng kaniyang ina na sundin ang kaniyang
kagustuhan. Sa kaniyang pagkahuli, nakita niya si Mr. Singh at inihatid naman siya nito sa Central
School, ang pagdarausan ng paligsahan. Nanalo ang kanilang grupo na lubos nilang ikinagalak.
Pagkalipas ng panahon, umalis si Melinda patungong Amerika at doon naman niya sinubukang mamuhay.
Iniwan ni Melinda ang baryo na puno ng inspirasyon at pag-asa. Tinuruan niya ang bawat isa na
ipaglaban ang nais na pagbabago sapagkat nasa kamay lang natin ang lahat.

III. Banghay:
a. Tauhan: Melinda, Mrs. Pantalan, Chayong, Luz, Popoy, Obet, Fe, Solita, Fidel, Mr. Tibayan,
Pilar, Adong, Gela, Lino, Ida,
b. Protagunista: Melinda
c. Antagonista: Kahirapan
d. Suliranin: - Pagharap sa hamon ng kahirapan at bulok na sistema ng lipunan lalo na sa edukasyon.
Nabigyang-diin ang mga karapat-dapat pag-ukulan ng pagpapahalaga katulad ng pamilya,
kabuhayan, edukasyon, pangarap, tinig ng kababaihan, relihiyon at paglinang sa malikhaing
kakayahan ng mga kabataan, Sa ilang punto ay aakalain na pinababa ang kalagayan ng mga guro
sa pelikula ngunit sa bandang huli ay makikita ang kanilang kadakilaan.
e. Paglutas sa Suliranin:
- Hindi nawalan ng pag-asa si melinda. Ipinaglaban niya hindi lang ang kanyang karapatan
bilang isang babae, isang gurong nagmamalasakit kundi pati ng kinabukasan at karapatan
ng kanyang mga mag-aaral.
IV. Paksa/Tema

- Ang tema o paksa ng pelikula ay tungkol sa totoong buhay. Sinasalamin nito ang
kasalukuyang problemang pinagdadaanan ng nakakarami sa kasalukuyang panahon.
- Ang tema ng pelikulang ito ay ang “Kahirapan ay hindi hadlang sa pangarap at pag-asa
ng mga tao lalo na nang mga kabataan”.

V. Aspektong Teknikal a Sinematograpiya

- Maganda ang pagkakapalabas ng sinematograpiya ng pelikula. Aakalain mong tunay ang


mga kaganapan at effects na makikita.

b. Musika

- Mga Munting Tinig” ay mayaman sa musika. Ang editor nito sa musika ay si Joy Marfil at
ang sa “sound effects” naman ay sina Noel Cruz Bruan at Ari Trofeo. Ang paggamit nila ng musika sa
pelikulang ito ang siyang naging isang elementong nagpadala at nagpaantig sa mga damdamin ng
manunuod. Ang pangunahing kanta o “theme song” ng pelikulang ito ay hinggil na rin sa pamagat, Mga
Munting Tinig. c. Visual effects - May tatlong uri ng shot na ipinakita sa pelikulang “Mga Munting
Tinig”. Una rito ay ang “Long Shot”. Ang istilo nang pagkuhang ito ay nagpapakita ng pangunahing lugar
o tauhan na may malayong agwat sa kamera. Ipinapakita din ng “Long Shot” ang relasyon ng mga bagay
o mga tauhan sa kapaligiran. Ginamit ito upang Makita ang kabuuan ng lugar kung saan isinagawa ang
mga pangyayari. Halimbawa nito ay ang tagpuan sa pelikulang noong nagtuturo ang gurong si Melinda sa
kaniyang mga estudyante sa isang patag na lupa sa labas ng kanilang silidaralan sapagkat katatapos
lamang nang bagyo na nagdulot ng pinsala sa mga silid-aralan na pinag-aaralan nang mga bata. Ang
pangalawang shot naman ay ang “Medium Shot”. Sa kuhang ito naman makikita ang pantay na taas mula
baywang hanggang taas ng mga tauhan o mga bagay. Makikita ito noong nag-uusap si Melinda at
Chayong na ina ni Pilar. At ang pinakahuli namang shot
ay ang tinatawag na “Close-up Shot”. Ang kuhang ito ay nagpapakita ng maliliit na
distansya sa pagitan ng tauhan at ng kamera.
VI. Mensahe
- Mahusay ang pagkakagawa sa pelikulang "Munting Tinig". Mula sa pamagat, tema at paksa,
mga tauhan, iskrip, musika, ang pagganap hanggang sa daloy at pagpapabatid ng mga aktor sa kwento.
Napapanahon at talaga nga namang makabagbag damdamin ang pelikula. Hindi mo mapigilang maluha
sapagkat nasasalamin sa kwento ang tunay na kalagayan ng mga tao lalo na ng mga kabataan sa ngayon.
Inirerekomenda ko ang pelikulang ito at nawa'y tulad ko, may bapulot ring aral ang mga nanood at
manonood pa lamang ng palabas na ito.

You might also like