BANGHAY

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO BAITANG 8

LEARNING DOMAIN: Pag-unawa sa binasa

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng


pang-unawa sa nilalaman ng bawat aralin.

I. LAYUNIN
A. Nailalahad ang mga tagubilin ng guro.kay Florante.
B. Naisasalaysay ang mga mahahalagang pangyayari sa akda.
C. Nasusuri ang mga konsepo na nais ipabatid ng aralin.

II. PAKSANG-ARALIN

A. PAKSA: (P) Aralin 19 Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay


masayang mukha at pakitang giliw lalong pakaingatat kaaway na lihim
siyang isa-isip na kakabakahin 242 -257

B. KAGAMITAN: Kagamitang Biswal

C. SANGGUNIAN: Obra Maestra Florante at Laura

III. PAMAMARAAN:

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin a pagsasaayos ng klase.
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban
. b. Balik-aral

Maglahad ng ilang mahahalagang pangyayari sa nakaraang aralin

ATENAS MAGKAPATID PINAGTANGKAAN INILIGTAS UNANG LIHAM

B. TALASALITAAN
1. lumulan-sumakay
Lumulan siya sa eroplanong papunta sa Spain para sa kanyang bakasyon.
2. Kalatas-sulat
Nakatanggap si Sopia ng kalatas galing kay Lorenzo na nagpapahayag ng pagmamahal niya para
sa kanya.
3. Bumalisbis-umagos
Agad bumalisbis ang kanyang mga luha nang narinig niya na namatay ang
kanyang ama.

C.PAGGANYAK

Ipaliwanag:

Sa pagharap sa trahedya ng buhay ,huwag hayaang igupo tayo sa lumbay bagkus pag-
asa at pananampalataya ay panghawakan dahil ang lahat ng ito ay sadyang
malalampasan

D. PAGLALAHAD

Pagpapabasa sa aralin 19 Sabayang Pagbigkas

Mga gabay na tanong


1. Basahing mabuti ang saknong 246 naniniwala ka ba sa
sinasabi ng saknong na ito?Ipaliwanag ang sagot.
2. Paano ipinakia ng mga kamag-aral ni Florante na mahal siya
ng mga ito?
3. Bakit pinasama ni Antenor si Menandro kay Florante?
4. Anong paghahanda ang nararapat gawin ni Florante upang
mapigilan ang lupit na dulot ng paghihiganti sa kanya ni
Adolfo?
E. Pangkatang Gawain
Hatiin sa klase sa apat na pangkat isasagawa ang sumusunod na
gawain.
Pangkat 1: Ilahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin gamit ang organizer.

Pangkat 2:Isa-isahin ang bilin ng guro kay Florante pagdating sa Albanya.


(Isasadula)

Pangkat 3:Ano ang nilalaman ng ikalawang liham na dumating kay Florante?

Pangkat 4:. Magsalaysay ng mahahalagang pangyayari mula sa pag-alis nina Florante at


Menadro sa Atenas hanggang sa dumating ang embahador mula sa Crotona.
. F. Presentasyon ng mga mag-aaral.

.G. Pagbibigay ng feedback ng mga mag-aaral.

H. Pagbibigay ng feedback ng guro.

I. PAGLALAPAT:

Kung ikaw si Menandro ,Anu ano ang iyong gagawin

I. PAGLALAGOM:

Bakit palaging nangingibabaw ang kalungkutan sa tuwing nagaganap ang


pagpapaalaman

IV. .PAGTATAYA

A. Alin sa palagay mo ang gagawin ni Adolfo kay Florante pagdating sa


Albanya.Lagyan ng bituin ang patlang.

______1. Aagawin ni Adolfo si Laura kay Florante.

______2. Sisiraan ni Adolfo si Florante.

______3. Hihingi ng patawad si Adolfo kay Florante sa nangyari sa kanila sa Atenas.

______4. Maghihiganti si Adolfo kay Florante.

______.5. Kukunin niya ang karangalang para kay Florante.

.B. Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

_____Kalungkutan ang sumalubong sa mag-ama ng magkita

_____Dahil ditto pinasama na ni Antenor si Menandro.

_____Tumanggap ng sulat si Florante galing sa kanyang ama.

_____Sa pag-alis ni Florante pinayuhan siya ng gurong maging handa sa mga lihim na
kaaway.

_____Pagdating sa Albanya ay kaagad nagtuloy sa kinta sina Florante.

__V .TakdangAralin:

1. Basahin ang saknong 258-273


2. Magdala ng magasin,tabloid at iba pang print media.

Inihanda ni :
Gng. Jemebel A. Nosares

You might also like