Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 182

BULACAN STATE UNIVERSITY

Name: Cherry Mae F. Piodos


Beed 3B

Ang BUHAY,
GAWA
at mga naisulat ni Dr.
Jose Rizal
BULACAN STATE UNIVERSITY
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pangkalahatang Pananaw
Si Dr.Jose Rizal ay isang natatanging anak ng ating Bayan na naging huwaran ng lahing Pilipino
sa larangan ng matapat na paglilingkod at lubos na pagmamahal sa ating Bayan. Sa kabila ng hindi na
mabilang ng iba’t-ibang anyo ng pag-durusa na dinanas nila noon sa kamay ng mga mananakop na
kastila, hindi siya kailanman nalimitahan sa kinaya niyang gawin para sa pagtatanggol sa karapatan ng
kapwa Pilipino at para sa kapakanan ng Inang-Bayan sa kanilang kapanahunan.
Katulad ni Dr. Rizal ang mga kabataang milenyal na makakabasa ng modyul na ito ay tunay ding
mga anak ng ating Inang-Bayan na marahil ay may katulad ding kakayanan na makagawa ng mga
bagay na higit pa sa pagmamahal sa sarili at pamilya, sa madaling salita ay may kapasidad na
maipakita din ang sariling bersiyon ng kanilang pagmamahal sa Bayan na maaaring makatutugon sa
pangangailangan ng ating bansa laluna sa kasalukuyan.
Sa ganitong diwa nabanghay ang modyul na ito upang sa mga aralin na dito ay sunod-sunod na
inilatag kasama na ang mga gawaing binanghay para mapalalim ang kamuwangan at kaalaman ng mga
mag-aaral sa kursong Rizal, inaasahang makapagbigay ng oportunidad ang mga ito sa mga mag-aaral
na balikan ang nakaraan sa buhay, sa mga ginawa, at mga mahahalagang kaisipang dumaloy sa mga
akda ni Dr. Rizal laluna ang kanyang dalawang nobela: ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo kung
saan man maari nilang kapulutan ng magandang aral sa buhay upang kanila ding maipagpatuloy ang
sinimulan ng mga huwarang Pilipino katulad ng ating Bayani
Bilang Pambansang Bayani ng ating Bayan malaki ang naiambag ni Jose Rizal sa pagkamit ng
ating kalayaan sa mga dayuhang mananakop. Ipinamalas niya ang pagmamahal sa ating tinubuang
lupa sa pagbubuwis ng kanyang buhay.Siya ay naging inspirasyon upang magkaroon ng reporma tungo
sa kinakailangan upang higit na mapagbuti ang kalagayan ng ating bansa.
Matutunghayan natin sa modyul na ito ang talambuhay ni Jose Rizal ,ang kwento ng angkan at
pamilyang pumanday ng katatagan ng batang lumaki at yumabong sa kahusayang si Jose Rizal,
kasama na ang mga detalye ng kanyang panimulang masumpungan ang liwanag na dulot ng kaisipang
napanday sa kanyang karanasan sa paglayo sa kanilang tahanan upang simulan ang kanyang
edukasyon sa pribadong paaralan sa Biñan hanggang sa buhay probinsyang mag-aaral na napunta sa
Maynila at nag- aral sa Ateneo de Municipal, at malaunan sa kanyang kolehiyo sa Unibersidad Santo
Tomas. Ang mga kwento ng kanyang kabiguan at kahusayan sa larangang pinili niya, pagtuklas ng
karunungan sa Europa, sa sariling Bayan ng Calamba, buhay Destierro sa Dapitan Mindanao, hanggang
sa sumapit siya sa kanyang maagang kamatayan na ibinunga ng kanyang pasyang lisanin ang
komportableng kalagayan sa buhay niya sa Hongkong, para ialay ang buhay sa kanyang tunay na
BULACAN STATE UNIVERSITY

pinag-alayan ng kanyang lubos na pagmamahal. Ang Inang Bayang Pilipinas: “Ang kanyang Dakilang
Pag-ibig”.
Sa bandang huli ng modyul na ito matutunghayan ang mga naisulat niyang akda, nobela, tula,
liham at mga sanaysay na tunay namang nakapag-iwan ng magagandang aral at inspirasyon.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Mga Nilalaman

MODYUL I
1. Ang Batas Rizal .................................................................................................................. 2 A. Ang
Pulitika sa likod ng Batas Rizal .........................................................................2
B. Mga layunin at itinadhana ng Batas Rizal ................................................................ 6
C. Pagpili ng Pambansang Bayani sa panahon ng mga Amerikano ............................10
D. Ang kabuluhan ng Kabayanihan ni Dr. Rizal sa Kasalukuyang panahon ................ 15
MODYUL II
2. Ang Pilipinas sa Ika-19 Dantaon sa Konteksto ni Dr. Rizal ................................................ 22
a. Sistemang Pang-ekonomiya................................................................................... 23
- Kalakalang Galyon .............................................................................................23
- Pagbubukas ng Kanal Suez .............................................................................. 24
- Pagbubukas ng Pilipinas sa Kalakalang Pandaigdig ......................................... 25
- Paglakas ng Kalakalang Pagluluwas ng mga Ani at Monopolyo........................ 25
b. Sistemang Panlipunan ............................................................................................ 56
- Edukasyong Kontrolado ng mga Prayle ............................................................
26
- Pagdami ng mga Mestizong Tsino .....................................................................
28
- Pagdami ng mga Ingkilino ..................................................................................
29 c. Sistemang Pampolitika ............................................................................................
30 - Paglaganap ng Ideyang Liberalismo sa Europa ................................................
30
- Konstitusyong Cadiz sa Espanya.......................................................................
30
- Mga Kaakibat na Suliraning Pambayan na Naranansan ng mga Pilipino ...........
31
- Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo ....................................................................
35
MODYUL III
3. Kabataan at Rebolusyong Pangkaisipan ni Dr. Rizal .......................................................... 47
BULACAN STATE UNIVERSITY

A. Pagsilang, Pamilya,at kamusmusan ........................................................................ 49


B. Kabataan at unang Edukasyon ................................................................................ 52
C. Mataas na Edukasyon sa Ateneo de Municipal at Universidad de Santo Tomas ..... 53
D. Paghahambing sa Pamamaraan ng Pagtuturo sa Ateneo at UST ............................ 58
E. Pagsibol ng Pag-ibig: Si Rizal Bilang Isang Dakilang Mangingibig ...........................
60
MODYUL IV

4. Si Rizal at ang Daigdig ........................................................................................................ 69


A. Paglalakbay sa Europa: Una, 1882-1887; Ikalawa, 1882-1892 ................................ 70
B. Unang Paglalakbay sa Europa ................................................................................. 71
C. Pagbabalik sa Pilipinas............................................................................................. 73
D. Mga Pangyayari sa Buhay ni Dr. Rizal sa Muling Paglayo sa Bayan ........................ 74
E. Si Dr. Rizal at ang Kaniyang Partisipasyon sa Kilusang Propaganda ....................... 78
F. Ang Pagsulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ............................................. 78
G. Ang Matigas na Hangaring Makabalik sa Pilipinas .................................................. 79
MODYUL V
5. Ang Pagharap sa Panganib at Kadakilaan ni Dr. Rizal .................................................... 85
A. Si Dr. Rizal at ang La Liga Filipina ............................................................................ 87
B. Buhay sa Dapitan, Mindanao sa Loob ng Apat na Taon ........................................... 89
C. Si Dr. Rizal at ang Kaniyang Pagkakasangkot sa Kilusang Katipunan...................... 93
D. Ang Paglilitis kay Dr. Rizal......................................................................................... 94
E. Mga Huling Sandali ni Dr. Rizal ................................................................................ 96
F. Ang Labi ni Dr. Rizal Makaraan ang Pagbitay at ang Kanyang Bantayog ................. 99
G. Iniwang Bakas… ..................................................................................................... 101

MODYUL VI
6. Mga Iba’t-ibang Akda ni Dr. Rizal ...................................................................................... 110
A. Nobela
Noli Me Tangere ..................................................................................................106
a. Mga Tala sa Pagkakasulat ng Nobela ................................................ 109
b. Ideya sa pagkakasulat ng nobela ....................................................... 109
c. Mga teoryang pampanitikan ................................................................ 110
d. Buod ng Noli Me Tangere .................................................................. 112
El Filibusterismo ................................................................................................. 120
a. Ang El Filibusterismo at ang Paralelismo nito sa Lipunang
Pilipino sa Kasalukuyan ................................................................. 120
b. Pagsusuri ng mga teoryang pampanitikan........................................ 121
BULACAN STATE UNIVERSITY

c. Buod ng El Filibusterismo ..................................................................


122
B. Liham sa Kadalagahan ng Malolos............................................................................ 127
C. Sanaysay
a. Ang Pilipinas sa loob ng Isang Daang Taon ....................................... 131
b. Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ........................................................ 133
k. Ang Katamaran ng mga Pilipino .......................................................... 135

Mungkahing Babasahin .................................................................................................................... 139


Glossary .............................................................................................................................................. 141
Answer Keys ..................................................................................................................................... 142
Sanggunian ....................................................................................................................................... 154
BANGHAY NG KURSO
Ang Buhay, Gawa, at mga Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Unang Semestre, AY 2020-2021

KOLEHIYO: College of Social Science and Philosophy


DEPARTAMENTO: Public Administration
KODA NG KURSO: SocSci 413/Soc.sci 413b/RLW 101
PAMAGAT NG KURSO: Ang Buhay, Gawa at mga Naisulat ni Dr. Jose Rizal
CREDIT UNITS: 3
PAUNANG REKISITO: Wala FAKULTI:
ORAS NG PAGSASANGUNI: DESKRIPSYON
NG KURSO:

Ang kurso ay bilang pagtalima sa itinakda at isinasaad ng Batas Republika 1425 na naglalayong
mapag-aralan ang buhay, mga gawa, at mga naisulat ni Dr. Jose Rizal. Bibigyang-pansin ng kurso ang
mga mahahalagang kaganapan sa naging buhay ni Dr. Rizal na kapupulutan ng aral at magbibigay ng
perspektiba sa mga mag-aaral na lalong paalabin ang diwang nasyonalismo sa mga Pilipino na
nararapat ding maikintal sa isipan ng mga kabataan sa ating panahon. Bukod pa rito, matutunghayan
din sa kursong ito ang kanyang mga naisulat na may malaki ring ambag sa panitikan at kasaysayang
Pilipino.

University Vision
Bulacan State University is a progressive knowledge-generating institution, globally-recognized
for excellent instruction, pioneering research, and responsive community engagements.

University Mission
Bulacan State University exists to produce highly competent, ethical and service-oriented
professionals that contribute to the sustainable socio-economic growth and development of the nation
BULACAN STATE UNIVERSITY

Core Values: SOAR BulSU!

Service to God and Community


Order and Peace
Assurance of Quality and Accountability
Respect and Responsibility
The BulSU Ideal Graduates Attributes (BIG A) reflect the graduate’s capacity as:
a. highly and globally competent;
b. ethical and service-oriented citizen;
c. analytical and critical thinker; and
d. reflective life-long learner.

Course Outcomes and Relationship to Program Outcomes

Course Outcomes Program Outcomes


Matapos na maipasa ang kurso, ang mga mag-aaral ay a b C
inaasahan na:
LO1. Nauunawaan ang mga layunin sa pagsasabatas ng
Batas Republika 1425 o ang pag-aaral sa buhay, mga gawa,
at mga naisulat ni Dr. Rizal;
LO2. Natatalakay ang kahalagahan ng pag-aaral sa buhay at
mga akda ni Dr. Rizal;
LO3. Nailalarawan ang naging kalagayan ng bansang
Pilipinas noong dantaong labing siyam sa panahong
nabuhay si Dr. Rizal;
LO4. Nakikilala ang pamilyang pinag-mulan, nagluwal , nag-
aruga at luminang kay Dr. Rizal.
LO5. Naitatanim sa isipan ang nasyonalismong sumibol sa
mga Pilipino matapos ang pagbitay kay Rizal
BULACAN STATE UNIVERSITY

LO6. Natatalakay ang naging buhay at mga karanasan ni Dr.


Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Maynila;
LO7. Nauunawaan ang mga naging layunin ng ginawang
paglisan sa bayan ni Dr. Rizal;
LO8. Natatalakay ang kasaysayan ng pagkakasulat ni Dr.
Rizal sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo;
LO9. Nasusuri ang kontekstong nais ituro ng dalawang
nobela ni Dr. Rizal at ang kaugnayan nito sa lipunang
Pilipino;
LO10. Napapahalagahan ang mga nagawa at inspirasyong
naiwan ni Dr. Rizal sa naging produktibong buhay destierro
niya sa Dapitan.
LO11. Natatalakay ang mahahalagang kaganapan sa mga
huling sandali ni Dr. Rizal sa Pilipinas;
LO12. Naikikintal sa isipan ang aral ng naging kamatayan ni
Dr. Rizal;
LO13. Naiuugnay sa kasalukuyang panahon ang diwa ng
nasyonalismong ipinakipaglaban ni Dr. Rizal at ng iba pang
bayaning Pilipino; at
LO14. Nasusuri ang nilalaman at konteksto ng mga isinulat
na akda ni Dr. Rizal at ang nais niyang ipakahulugan sa
sinumang babasa nito.
Note: (I) Introductory Course to an Outcome (E) Enabling Course to an Outcome (D) Demonstrative Course to an Outcome

NILALAMAN NG KURSO:

Learning Bilang
Outcomes MGA ng Pamamaraan/Estrate
PAKSA linggo hiya

1
Oryentasyon sa Kurso Malayang
talakayan

I. Ang Batas Rizal bilang 1425


Malayang talakayan
BULACAN STATE UNIVERSITY

a. Ang Pulitika sa likod ng Batas


Rizal Pagsasagot ng Modyul
b. Mga layunin at itinadhana ng
Batas Rizal
LO1 c. Papili ng Pambansang Bayani Pagdalo sa birtwal na
sa panahon ng mga 2-3
klase
Amerikano
d. Mga Bayaning Pilipino sa Pakikipag-ugnayan sa
Kasaysayan Instruktor para sa
e. Ang kabuluhan ng karagdagang gawain
Kabayanihan ni Dr. Rizal sa
Kasalukuyang panahon
II. Ang Pilipinas sa Ika-19 Dantaon Malayang talakayan
sa Konteksto ni Dr. Rizal

d. Sistemang Pang- Pagsasagot ng Modyul


ekonomiya -
LO2, Kalakalang
4-5
LO3 Galyon Pagdalo sa birtwal na
- Pagbubukas ng Kanal klase
Suez
- Pagbubukas ng Partisipasyon sa
Pilipinas sa talakayan
Kalakalang
Pandaigdig

e. - Paglakas ng
Kalakalang
Pagluluwas ng
mga Ani at
Monopolyo
Sistemang
Panlipunan
- Edukasyong
Kontrolado ng
mga Prayle
- Pagdami ng
mga Mestizong
Tsino
- Pagdami ng
mga Ingkilino
BULACAN STATE UNIVERSITY

f. Sistemang
Pampolitika
- Paglaganap ng
Ideyang
Liberalismo sa
Europa.
- Konstitusyong
Cadiz sa
Espanya
- Mga Kaakibat
na Suliraning
Pambayan na
Naranansan ng
mga Pilipino
- Pagsibol ng
Diwang
Nasyonalismo

III. Kabataan at Rebolusyong


Pangkaisipan ni Dr. Rizal Malayang talakayan

a. Pagsilang, Pamilya,at Pagsasagot ng Modyul


LO3 6-8
kamusmusan
b. Kabataan at unang
Edukasyon Pagdalo sa birtwal na
c. Mataas na Edukasyon sa klase
Ateneo de Municipal at
Universidad de Santo Tomas
(UST)

d. Paghahambing sa Partisipasyon sa
Pamamaraan ng Pagtuturo sa talakayan
Ateneo at UST
e. Pagsibol ng Pag-ibig: Si Rizal
Bilang Isang Dakilang
Mangingibig

Panggitnang Pagsusulit 9
BULACAN STATE UNIVERSITY

IV. Si Rizal at ang Daigdig

a. Paglalakbay sa Europa: Una,


1882-1887; Ikalawa, 1882- Malayang talakayan
1892
b. Mga Layunin at Karanasan sa
Unang Paglalakbay sa
Daigdig
c. Pagbabalik sa Pilipinas Pagsasagot ng Modyul
10-12
d. Mga Pangyayari sa Buhay ni
Dr. Rizal sa Muling Paglayo
sa Bayan Pagdalo sa birtwal na
e. Si Dr. Rizal at ang Kaniyang klase
Partisipasyon sa Kilusang
Propaganda Partisipasyon sa
f. Ang Pagsulat ng Noli Me talakayan
Tangere at El Filibusterismo
g. Ang Matigas na Hangaring
Makabalik sa Pilipinas

V. Ang Pagharap sa Panganib at


Kadakilaan ni Dr. Rizal Pagsasagot ng Modyul

a. Si Dr. Rizal at ang La Liga Pagdalo sa birtwal na


Filipina klase
13-14
b. Buhay sa Dapitan, Mindanao
sa Loob ng Apat na Taon
c. Si Dr. Rizal at ang Kaniyang Partisipasyon sa
Pagkakasangkot sa Kilusang talakayan
Katipunan
d. Ang Paglilitis kay Dr. Rizal
e. Mga Huling Sandali ni Dr.
Rizal

f. Ang Labi ni Dr. Rizal


Makaraan ang Pagbitay at ang
Kanyang Bantayog
g. Iniwang Bakas
BULACAN STATE UNIVERSITY

VI. Mga Iba’t-ibang Akda ni Dr. Rizal

A. Nobela
a. Noli Me Tangere
b. Mga Tala sa Pagkakasulat ng
Nobela
c. Ideya sa pagkakasulat ng
nobela
d. Mga teoryang pampanitikan
e. Buod ng Noli Me Tangere
f. El Filibusterismo Pagsasagot ng Modyul
g. Ang El Filibusterismo at ang
Paralelismo nito sa Lipunang
Pilipino sa Kasalukuyan 15-16 Pagdalo sa birtwal na
h. Pagsusuri sa mga Teoryang klase
Pampanitikan
i. Buod ng El Filibusterismo Partisipasyon sa
B. Liham sa Kadalagahan ng talakayan
Malolos
C. Sanaysay
a. Ang Pilipinas sa loob ng
Isang Daang Taon
(Filipinas Dentro de Cien
años)
b. Ang Katamaran ng mga
Pilipino (Sobre la
Indolencia de los Filipinos)
c. Ang Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa (El Amor
Patrio)
Pagsasagot ng Modyul
Ebalwasyon
Si Jose Rizal at ang Nasyonalismong Pagdalo sa birtwal na
Filipino-Bayani at Kabayanihan at 17 klase
ang implikasyon nito sa
kasalukuyang henerasyon ng mga
kabataan
Partisipasyon sa
talakayan
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pangwakas na Pagsusulit 18

FINAL COURSE OUTPUT:


1. Repleksyong papel na nauukol sa pagsusuri ng dalawang nobela ni Dr. Rizal at
implikasyon nito sa kasalukuyang panahon.
2. Pagsusuri ng pelikulang panoorin ( “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon”, Rizal ,
Rizal sa Dapitan, )

RUBRIC FOR ASSESSMENT:

Name: Course sec


Date: yr. &

Criterias for Exemplary Satisfactory Developing Rating


Evaluation
31-40 16-30 1-15

Mahusay na Naipahayag ng Di malinaw ang


naipakita ang kasiya-siya ang pokus ng tinalakay
Nilalaman maayos na ugnayan ng mga at nakalihis sa
ugnayan ng mga tinalakay sa akmang konsepto/
tinalakay sa konsepto,
konsepto

Buong husay na naipaliwanag ng Maligoy lamang at


Kalidad nailahad ng malinaw ang mga walang direksiyon
malinaw at inaasahang ang nagging daloy
eksakto ang kaisipan nang pagtalakay
kaukulang ideya
o kaisipan
Walang Bahagyang naiba Karaniwan lamang
BULACAN STATE UNIVERSITY

kahalintulad at sa karaniwan, at lubos na


tunay na kakaiba bunga ng kahalintulad din
kapansin- malikhaing pag- ng ginawa ng
Pagka- pansing ibinunga iisip at nakakarami.
malikhain ng isang pagtalakay.
malikhaing
kaisipan

Naisabmit ng Bahagyang Di nakasunod


Pagsunod higit na mas nakasunod sa samga batayan ng
sa maaga pa mga batayan sa paggawa.
direksiyon takdang panahon paggawa
o mga Nasunod ang
kailanganin mga Batayan sa
paggawa

SISTEMA NG PAGMAMARKA:
Panggitna at Pangwakas na Pagsusulit 30%
Pagsasanay/Maikling Pagsusulit 20%
Proyekto 30%
Pakikilahok sa Talakayan 10%
Pagdalo sa klase 10%
KABUOAN 100%

Final Grade = Midterm Grade + Tentative Final Grade Period


2
Range Grad
e
97-100 1.00
94 – 96 1.25
91 – 93 1.50
BULACAN STATE UNIVERSITY

88 – 90 1.75
85 – 87 2.00
82 – 84 2.25
79 – 81 2.50
76 – 78 2.75
75 3.00
74 and below 5.00

Mga Sanggunian

Almario, Virgilio. Si Rizal: Nobelista. Quezon City: UP Press, 2008


Almario, Virgilio S. Rizal: Makata. Manila: Anvil Publishing, 2011
Acido, Libert Amorganda & Adanza, Estrella Galicano. Jose P. Rizal : His Lifeworks and Role in the
Philippine Revolution. Manila: Rex Bookstore, Inc. 1995.
Anderson, Benedict. Why Counting Counts: A Study of Forms of Conciousness and Problems of
Language in Noli me Tangere and El Filibusterismo. Q.C. Ateneo de Manila University Press, 2008
Danganan, Regina G. (2007) Jose Rizal- Ang Pilipinong para sa mga Pilipino El Bulakenyo Printing
House: Malolos
Duka, C. D. and Pila, R. A (2011) Rizal: His Legacy to Philippine Society. Mandaluyong: Anvil
Publishing, 2010.
Guerrero,Leon Ma. The First Filipino: The Award winning Biography of jose Rizal, Manila : Guererro
Publishing, 2010.
Ileto, Reynaldo. “Rizal and the Underside of Philippine History”IN Filipinos and their Revolution: Event
Discourse,& Historiography. Q.C. Ateneo de Manila University Press,1998
Matic, Avelina J.,San Andres Teody C. (1996) Jose Rizal Pangunahing Bayani Jireh Bulakenya Press:
Malolos, Bulacan
Muchi, Estrellita & Maguigad, Rogelio B. Jose Rizal: Father of Filipino National Consciousness Manila:
Cueto Publishing House, 1999.
Nery, J. ( 2011) Revolutionary Spirit : Jose Rizal in Southeast Asia Quezon City: Ateneo de Manila
University Press, 2011.
Ocampo, Ambeth R. ( 2008) Rizal Without the Overcoat, Manila : Anvil Publishing, 2001.
Ocampo, Ambeth R. Makamisa: The Search for Rizal’s Third Novel. Pasig City: Anvil Publishing,
2008. Ramos, Victor C. Lalic, Erlinda D. (2004) Jose Rizal: Over His Dead Body Guiguinto Press:
Guiguinto, Bulacan. Rivera, Filomena V. (1997) Jose Rizal’s Immortal Legacy, National Book Store,
Manila, Philippines. San Juan, M (2011) Rizal in our time revised ed. Mandaluyong City : Anvil
Publishing House, 2011.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Zaide,GregorioF., Zaide, Sonia M.(1997) Jose Rizal, Buhay, ginawa at mga sinulat Manila: National
Book Store. Zulueta, Francisco M. Rizal Life, Works, and Ideals Mandaluyong City: National Book
Store,2011

Online Resources:

rihttps://www.oocities.org/kabitenyo_ph/bioriz1.htm https://books.google.com.ph/books?
id=NefNZZ9ughYC&printsec=frontcover&dq=life+and+works+of+jos e+Rizal&hl
https://books.google.com.ph/books?id=YLnCDwAAQBAJ&printsec=frontcover&dq=life+and+works+of+j
ose+Rizal&hl
https://books.google.com.ph/books?id=1rx1DwAAQBAJ&printsec=frontcover&dq=life+and+works+of+jo
se+Rizal&hl=en&

Patakaran sa Klase: Ang mga mag-aaral ay inaasahang dadalo sa kanilang klase sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnayan nila sa kanilang Instruktor upang makapasok sa birtwal na klase. Para sa mga mag-
aaral sa ilalim ng remote printed learning na moda ng pag-aaral, inaasahan ang kanilang pakikipag-
ugnayan sa kanilang guro gamit ang iba’t-ibang pamamaraan tulad ng text message, chat, o ang
pagtawag sa telepono. Inaasahan din ang kamalayan ng mga mag-aaral sa kanilang responsibilidad.
Ang pagliban ng mag-aaral sa klase ay nararapat na may kaakibat na makatwirang dahilan sang-ayon
sa isinasaad sa Student Handbook.
1. Para sa isang makabuluhang klase, inaasahan din sa mga mag-aaral ang kanilang pakikilahok sa
talakayan. Nararapat din na kanilang isumite ang mga kahingian ng kurso na nararapat ipasa sa
takdang araw at oras.
2. Isasagawa din bilang kahingian ng kurso ang pagpasa sa panggitna at pangwakas na pagsusulit.
Dahil dito, sinomang mag-aaral na magpapakita ng ‘di katapatan sa pagsusulit tulad ng
pandaraya sa anomang paraan ay awtomatikong bibigyan ng marka na 5.00 at alinsunod din sa
kaparusahang isinasaad sa Student Handbook.

Prepared By: Members:


Dr. Regina G. Danganan Dr. Josephus Rañopa Team Leader Mr.
Ezekiel Bautista
Mrs. Emilie Conquilla
Dr. Flaviano Mazo (Contributor)

Content Editor:
Mrs. Marissa R. Enriquez

Approved By:
BULACAN STATE UNIVERSITY

Sherwin M. Parinas, Ph. D.


Dean

Declaration
I have read and understood the above syllabus in full and in participating in this course I agree to
the above rules. I have a clear understanding of the policies and my responsibilities, and I have
discussed everything unclear to me with the instructor.
I will adhere to the academic integrity and policy and I will treat my fellow students and my
teacher with due respect.
I understand that this syllabus can be modified or overruled by announcements of the instructor
in class or on any social media site at any time

Student’s Printed name Signature Date

Parent’s Printed name Signature Date

Student’s Copy

-------------------------------------------------------Cut here----------------------------------------------------------

Declaration
I have read and understood the above syllabus in full and in participating in this course I agree to
the above rules. I have a clear understanding of the policies and my responsibilities, and I have
discussed everything unclear to me with the instructor.
I will adhere to the academic integrity and policy and I will treat my fellow students and my
teacher with due respect.

I understand that this syllabus can be modified or overruled by announcements of the instructor
in class or on any social media site at any time
___

Student’s Printed name Signature Date

Parent’s Printed name Signature Date


Instructor's Copy
BULACAN STATE UNIVERSITY

MODULE I ANG BATAS RIZAL


BULACAN STATE UNIVERSITY

1|Page

Pambungad na Salita
Sa bisa ng Republic Act bilang 1425 (Batas Rizal), mahigit nang anim na pong taon (60) nang
kinukuha ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang kursong tumatalakay sa buhay at mga akda ni Dr Jose
Rizal.

Mahalagang balikan ang konteksto ng pagpanukala ng mga batas at ang mga naging kaakibat na isyu
sa pagsusulong nito.
Tatalakayin sa module na ito ang krisis panlipunan na kinahakaharap ng mga Pilipino matapos ang
ikalawang digmaang pandaigdig.

Mga Aralin:

I. Ang Pulitika sa likod ng Batas Rizal


II. Mga Layunin at itinadhana ng Batas Rizal
III. Pagpili ng Pambansang Bayani sa Panahon ng mga Amerikano
IV. Ang kabuluhan ng Kabayanihan ni Dr Jose Rizal sa kasalukuyang panahon.

Sa pagtatapos ng module, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:


1. Nailalahad ang mga pangyayari na may kinalaman sa pagpapanukala at
pagpapatibay ng Batas Rizal.
Nakikilala ang mga taong nasa likod ng tunggalian ng interes bago pa ito ganap
na napagtibay bilang isang batas.
Nakapagbibigay ng sariling katwiran labag man o pagsang-ayon sa iba’t-ibang
naging argumento sa R.A 1425.
Naipapaliwanag ang mga tiyak na probisyon ng R.A 1425
Naipapaliwanang ang mga pangyayari na nagbigay daan sa pagkilala kay Dr.
Rizal bilang isang Pambansang Bayani.

Takdang Oras
Anim (6) na oras
BULACAN STATE UNIVERSITY

ANG PULITIKA SA LIKOD NG BATAS RIZAL

2|Page

Talaan ng mga Resultang Nais Makamit:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagawa ang mga sumusunod:


Nailalarawan ang kasaysayan ng Batas Rizal at mga kaugnay na batas nito.
Natatalakay ang mga isyung pulitikal na kinaharap ng Batas Rizal.
Nauunawaan ang halaga ng pag-aaral ng Kursong Rizal.
Naipapaliwanag ang ilan pang batas na nagpapahalaga kay Dr. Rizal.

Paunang Pagsusulit:
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Ano ang bersyon ng panukalang batas Rizal sa Mataas


Senate Bill 438 o Panukalang Batas Blg 438 na
1. Kapulungan?
Sino ang naghain ng panukalang batas Rizal sa
Kong. Jacobo Gonzales 2. Mababang
Kapulungan?
Sino ang primaryang nagsulong ng panukalang batas
Sen. Claro M. Recto 3. Rizal sa Mataas na
Kapulungan?
House Bill 5561 o Panukalang Batas Blg 5561 4. Ano ang bersyon ng panukalang batas Rizal sa Mababang
Kapulungan?
Pang. Ramon Magsaysay 5. Sino ang pangulo ng Pilipinas noong 1956?

Panukalang Batas Blg. 438 (Senate Bill No. 438)


Ika-3 ng Abril 1956 nang ihain nina Sen. Claro
M. Recto at Sen. Jose P Laurel sa Mataas na
Kapulungan ang Senate Bill No. 438 (“An Act to Make
Noli Me

3|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY

Tangere and El Filibusterismo Compulsory Reading Matter In All Public and Private Colleges and
Universities and For Other Purposes”).
Hindi naging madali ang pagkapasa ng batas na ito sa Mataas na Kapulungan. May mga di
sang-ayon sa pag-aaral ng Noli at Fili sa lahat ng unibersidad at kolehiyo. Kabilang sa mga
sumasalungat sa panukalang batas na ito ay sina Decoroso Rosales, kapatid ni
Arsobispo Rosales; Mariano Cuenco, kapatid ni Arsobispo Cuenco; at Francisco “Soc” Rodrigo, dating
pangulo ng Catholic Action. Ayon sa kanila, nilalabag ng naturang panukalang batas ang kalayaan sa
pagpili at pananampalataya. Mahigpit na tumutol ang mga Katolikong grupo sa pagpapasa ng
panukalang batas na ito.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Panukalang Batas Blg. 5561 (House Bill No. 5561)


Ika-19 ng Abril 1956 nang ipinakula ni Kong. Jacobo Z. Gonzales ang House Bill No. 5561. Ang
panukalang batas na ito sa Mababang Kapulungan ay nanganib na maibasura noong ika-3 ng Mayo sa
simula ng deliberasyon dahil walong boto lamang ang naging lamang ng 45 na sumang-ayon sa 37 na
tumutol, at may isang nag-abstain. Ang deliberasyon sa Mababang Kapulungan ay naging maaksyon at
humatong pa sa suntukan.

Batas Republika Blg. 1425


Ika-12 ng Hunyo 1956 nang opisyal na nalagdaan ng Pangulong Ramon Magsasaysay ang Batas
Republika Blg. 1425 o Batas Rizal. Ang batas na ito ay nag-aatas na isama sa umiiral na kurikulum ng
bawat paaralan maging pribado o pampubliko man, sa lahat ng antas ng pag-aaral (Elementarya,
Sekundarya, o Kolehiyo) ang pag-aaral sa buhay, ginawa at sinulat ni Dr. Jose Rizal, lalo na ang
kanyang dalawang nobelang Noli me Tangere At El Filibusterismo, pagbibigay kapahintulutan sa
paglilimbag at pamamahagi ng mga nabanggit na aklat at sa iba pang kapakinabangan.

Ang mga probisyon sa batas na ito ay ang mga sumusunod:


1. Kailangan na masama sa kurikulum ng mga mag-aaral sa elementarya hanggang kolehiyo ang Noli
at ang El Fili ng walang anumang pagbabago.
2. Gumamit ng primaryang batayan.
3. Kailangang may sapat na bilang ng kopya ng El
Filibusterismo at Noli Me Tangere sa mga silid-
aklatan ng bawat paaralan.
4. Dapat ay nakasalin ang mga ito sa Filipino, Ingles
at mga wikang umiiral sa Pilipinas.
5. Dapat maglimbag ng kopya nito sa murang
halaga o di kaya'y nang walang bayad.

6. Kailangan ay may kopya ang mga organisasyon o


himpilan ng barangay.
Batas Republika Blg. 229
Isang kautusan na ipinagbabawal ang sabong,
karera ng kabayo at Jai alai sa ika-30 araw ng
Disyembre kada taon at bumuo ng lupon para
manguna sa tamang pagdiriwang ng araw ni Rizal sa
bawat bayan at lungsod sa tamang kadahilanan.

5|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY

Nilikha ng Senado at ng Mababang Kapulungan sa Kongreso ng Pilipinas.


SECTION 1. Ang batas at kautusang ito ay nagbabawal sa pagsasabong,pagkakarera at jai
alai sa ika-30 disyembre kada taon, ang araw ng kagitingan ng ating dakilang bayaning si Dr. Jose
Rizal.
SECTION 2. Magiging opisyal na gawain ng punong bayan ng bawat municipalidad at mga
siyudad na gumawa ng lupon na mangunguna sa tamang pagdiriwang ng araw ni Rizal kada
taon, at kung saan ang punong bayan, ang kanilang pinuno at sa kooperasyon ng mga ahensiya,
departamento, opisina, kawanihan ng gobyerno at local na institusiyon. Ang ilan sa mga
seremonya ay ang paglagay sa kalahati ng hagdan ng pagtaas ng bandila sa lahat ng
pampublikong lugar.
SECTION 3. Ang sino mang sumuway sa kautusan ay pagbabayarin ng karampatang
multa na hindi hihigit sa dalawandaang piso o pagkakakulong na hindi lalagpas sa anim na
buwan o parehong parusa sa paghatol ng hukuman. At kung ang nagkasala ay ang punong
bayan karagdagang parusa na ipapataw ay ang pagkasuspendi sa kanyang termino ng isang
buwan. Kung may paglabag ang isang korporasyon, ay mayroong pananagutang kriminal ang
presidente nito, direktor o ibang opisyales nito.
SECTION 4. Ang batas na ito ay epektibo matapos ito ay aprubahan.
Naaprubahan: Hunyo 9, 1948.

Ang Kautusan Blg. 247 s. 1994


Sa kautusan ito ng Malacañang ay inaatasan ang Kalihim ng Edukasyon, Kultura, at Sports, at
ang tagapangasiwa ng CHED na ipatupad ang Batas Republika Blg. 1425 na nag-uutos na isama sa
pag- aaral ng mga pampubliko at pribadong paaralan, mga kolehiyo at unibersidad ang buhay, mga
nagawa, at naisulat ni Jose Rizal, lalo na ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, at
ang paglimbag at isa-publiko ang mga nasabing nobela.

Pagsasanay I
Sagutin ng buong husay ang bawat tanong.
- Bakit ninais ng mga mambabatas na maisabatas ang pag-aaral sa buhay at mga ginawa ni
Dr. Jose Rizal?

- Upang nakilala natin si Rizal at para malaman Kung bakit siya itinanghal na bayani.

a) Ano-ano ang mga isyung politikal na kinaharap ng Batas Rizal ?

6|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY

- Ang pagpapatupad sa batas Rizal ay hindi naging madali. Mahabang proseso ang pinagdaanan
bago ito naging batas, Ito ay magkaroon ng mainit na debate at nagkaroon ng ibat't ibang
opinyon galing sa mga lider upang matupad ang kanilang adhikain.

MGA LAYUNIN AT ITINADHANA NG BATAS RIZAL


Talaan ng mga Resultang Nais Makamit:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan malinang ang mga sumusunod na kasanayan:


Natatalakay ang tiyak na probisyon ng batas Rizal alinsunod sa mga mithiin at
layunin ng batas na ito.
Nakapaghahanda ang mga kabataan sa mga mithiing pangkalayaan
at nasyonalismo, na siyang naging daan ng buhay at ikinamatay ng
ating bayani.
Nakapagbibigay parangal sa ating pambansang bayani sa pag-aalay niya ng
kanyang buhay at mga akda para sa paghubog ng katauhan Pilipino.

Paunang Pagsusulit
Ano-ano’ng mga ideya o konsepto ang maaring iugnay sa salitang “nasyonalismo”? Isulat ang
mga ito sa paligid ng salitang nasyonalismo sa loob ng kahon.

7|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY

Batas Republika Blg. 1425


Section 1. Ang mga kurso ukol sa buhay, gawa at mga akda ni Jose Rizal, partiKular na
ang kanyang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay dapat ibilan sa lahat ng kurikulum
ng lahat ng paaralan, kolehiyo at unibersidad pambuliko man o pribado. Sa kondisyong, sa mga
kurson pangkolehiyo, ang orihinal at hindi binagong edisyon ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo o ang kanilang mga salin sa Ingles ay dapat gamitin bilang pangunahing aklat.
Ang Board of National Education sa pamamagitan nito ay binigyan kapangyarihan at inatasang
tnaggapin ang kagyat at maingat na pagpapatupad ng mga probisyon ng seksyon na ito. Kasama na rin
ang pagsulat at pag-imprenta ng mga aklat para sa bata, babasahing aklat at aklat-pampaaralan. Ang
kapulungan ay marapat na ipakalat ang mga tuntunin at patakaran ng batas na ito sa loob ng 60 araw
bago ito tuluyang magkabisa. Inaatasan din ang mga mayroong kapangyarihan na ipatupad ang mga
probisyon ng batas na ito. Ang kapulungan aay inaasahan gumawa ng mga tuntunin at patakaran na
mag papawalang saklaw ng batas na ito sa mga mag-aaral na magkaroon ng problimang may
kinalaman sa paniniwalang pangrelihiyon na nakasulat sa isang pahayag ng pagsumpa, mula sa
kautusan ng probisyong ito na nakapaloob s ikalawang bahagi unang talata ng sekyon na ito; ngunit
hindi sa pagkuha ng kursong (asignatura) kinakailangan sa unang parte ng nasabing talata. Ang mga
nasabing talata. Ang mga nasabing batas at alintunin ay nagkabisa sa loob ng 30 araw matapos ang
pagkalathala ng mga ito sa Official Gazette.
Section 2. Ito ay marapat gawing obligasyon sa lahat ng paaralan, kolehiyo at unibersidad
na maghanda sa kanilang mga silid-aklatan ng sapat na bilang ng kopya ng original at walang
binagong edisyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. O ang mga salin nito sa Ingles

8|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY

gayundin ang iba pang mga akda ni Rizal, na kinakailangan maisama sa mga aprobadong aklat
na marapat basahin sa lahat ng pambubliko at pribadong paaralan, kolehiyo at unibersidad.
Ang Board of National Education ay siyang magtatakda ng kasapatan ng bilang ng mga aklat,
depende sa bilang ng mag-aaral ng paaralan, kolehiyo at unibersidad.

9|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY

Section 3. Ang Board of National Education ay dapat magdulot na ang salin ng Noli Me
Tangere at El Filibusterismo. Gayundin ang mga iba pang sulat ni Jose Rizal ay maisalin sa
Ingles, Tagalog at iba pang mga pangunahing dayalekto o wika; ipag-utos ang pagpapa-imprenta
ng mga ito ng mura at bilang mga tanyag na edisyon; ipag-utos ang pagpapakalat ng mga ito ng
walang bayad sa mga taong nagnanasang bashain ang mga ito sa pamamagitan ng mga
organisasyon s amga Purok at konsehong pambarangay sa buong bansa.
Section 4. Wala alinman sa batas na ito ang marapat na ibilang o ipakahulugan na
pagbago o pagpapawalang bisa sa seksyon 927 ng Administrative Code, na nagbabawal sa
pagtalakay ng mga pambublikong guro at iba pang mga tao na may kinalaman o kabilang sa
alinmang pambulikong paaralan sa mga doktrinang pangrelihiyon.
Section 5. Ang kabuuang halagang tatlong daang libong piso ay binigyang awtorisasyon
na ialis sa bilang ng alin mang pondo maliban lamang na apropyado ng National Treasury na
isagawa ang layunin ng batas na ito.
Section 6. Ang batas na ito ay magkakaroon ng bisa matapus itong maaprobahan.
Naaprubahan: JUNE 12, 1956
Ang batas na ito ay nagbibigay ng pangunahing katwiran kung bakit ang batas na ito ay kailangan
isagawa at ipatupad matapos itong maaprobahan. Ang paglilinaw ay kalakip ang mga sumusonod na
probisyon:
Una, ito ay napatunayan na higit pa sa kahit anong pagkakataon sa ating kasaysayan ay
kinakailangang italagang muli ang mga mithiing pangkalayaan at nasyonalismo na siyang nagging daan
ng buhay at ikinamatay ng ating mga bayani. Malinaw na ang batas na ito ay itinatalaga sa lahat ng mga
Pilipino at para sa mga susunod na henerasyon upang ang mga sakripisyo, luha, dugo’t pawis ng ating
mga ninuno at mga bayani tulad ni Rizal tungo sa pagkakamit ng kalayaan at nasyonalismo ay
mabigyan kasiguruhan, gagawin itong isang pangangailangan sa pamamagitan ng pormal na proseso
ng edukasyon. Ang kalayaan at nasyonalismo ay dalawang importanteng katawagan na totoong nasa
puso ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal at lahat ng mga rebolusyonaryong bayani. Ang
mga Pilipino sa ilalim ng pananakop ng mga dayuhan ay patuloy na nagnasa ng kalayaan, kawalan ng
pamimilit, paniniil at limitasyon sa pagpili o pagkilos at kalayaan mula sa pagkaalipin sa ilalim ng
kapangyarihan ng iba. Ang kasarinlan ay maiuugnay sa kalayaan sa kaparaanan ang sambayanan
Pilipino ay nagnanais ng sariling pagkakakilanlan at gobyerno na pinamumunuan ng mga Pilipino tungo
sa pambansang kasarinlan at kapangyarihan. Ang lahat ng pagpupunyaging ito ay nakahilig tungo sa
katapatan at pagmamahal sa bayan. Mga bayaning Pilipino Pilipino sa pangkalahatan ay ipinagbubunyi
ang bansa higit sa lahat at binigyan pagpapahalaga ang pagtaguyod, pagtatanggol at pangangalaga ng
kultura at kapakanan nito. Ang mga ito ay naglalarawan ng totoong diwa ng nasyonalismo sa mga
Pilipino.

Pangalawa, napatunayan na sa pagpaparangal sa kanila (mga bayani), particular na sa ating


pambansang bayani at makabayang si Jose Rizal, tayo ay umaalalang may giliw at pagmamahal. Ang
kanilang buhay at mga gawa ay humobog sa karakter ng ating bansa. Ang batas na ito ay magsisilbing

10 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

haligi na siyang magbibigay kasiguruhan sa mga Pilipino at sa mga susunod na henerasyon na


pangangalagaan ang pinagsikapang kalayaan at dalisay na diwa ng nasyonalismong inialay ng ating
mga bayani. Tayo ang mga ganap na tagapagmana ng lahat ng mga bungang ito at marapat lamang na
sila

11 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

ay ating parangalan na ang kanilang buhay at mga gawa ay hindi mailagay sa kahihiyan at kawalang
kabuluhan.
Pangatlo, napatunayan na ang buhay, gawa at mga akda ni Jose Rizal particular na ang kanyang
mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ay parehong matatag at nakapagpapaalab na bukal
ng pagkamakabayan kung saan ang kaisipan ng mga kabataan lao na sa yugto ng kanilang pagsibol at
pagkatuto sa paaralan na dapat hustong mapunan.
Pang-apat, napatunayan na ang lahat ng mga paaralan sa ilalim at sakop ng ating estado ay
hinihikayat na makiisa sa paghubog ng katauhang moral, disiplina sa sarili, konsensyang panlungsod
(komunidad) at magtuturong tungkulin ng isang mamamayan. Ang pangangasiwa ay isang importanteng
sangkap ng pamumuno. Ito ay lubhang mahalaga dahil isa itong paraan upang mabantayan ang isang
particular na proseso. Ang proseso ng pangangasiwa ang siyang nagpapatakbo at nagpapanatili ng
malusog na operasyon ng mga institution alinsunod sa mga mithiin at layunin kung kaya sa ganitong
paraan ang hangarin at layunin ng RA 1425 mas kilala bilang The Rizal Law ay nabibigyang katiyakan
na naipapatupad at naisagawa sa pinakamataas na antas.

Pagsasanay II
Sagutin ang mga susunod na tanong
a) Ano ang kahalagaan ng pag-aaral sa buhay at isinulat ni Rizal?
- Ang kahalagahan sa pag aaral ng buhay ni Rizal ay para makilala natin siya lubos at para
malaman natin ang kanyang mga tulang isinulat. Upang malaman sin natin ang mga
magandang mensahe sa kanya mga aklat na isinulat.

b) Paano naapektuhan ang buhay ng mga mag-aaral ng asignaturang Rizal?


- Ito ay nakapagbibigay halaga sa mga sakripisyong kanyang ginawa at Ito ay nakapagbibigay
inspirasyon sa mga mag aaral na gumawa ng tama.

c) Ano ang kahalagaan at gampanin ng asignaturang Rizal sa pagkakaroon ng kalayaan at


demokrasya sa bansa?

12 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

- Ito ay nakakaroon ng malaking gampanin dahil sa asignaturang Rizal Dito naipapakita ang
pagmamahal ni Rizal sa ating bayan.
d) Anong mungkahi ang maibibigay mo sa pamahalaan kaugnay ng pagkilala at pagpahalaga kay
Rizal upang patuloy na maalala ng bawat Pilipino?
- Ating ipagpatuloy at bigyang pagappahalaga ang mga sakripisyo at paghihirap na ginawa sa
atin ni Rizal. At huwag natin syang kalimutan at ating ipagmalaki.

PAGPILI NG PAMBANSANG BAYANI SA PANAHON NG MGA AMERIKANO


Talaan ng mga Resultang Nais Makamit:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang makakamit ang mga sumusunod:


Naipaliliwanag at naiisa-isa ang mga merito ng mga pinagpiliang bayani.
Nabibigyang puna ang mga pamantayang ginamit sa pagpili ng
pambansang bayani ng Pilipinas.
Natatalakay kung bakit si Rizal ang naging pambansang bayani ng Pilipinas.

Paunang Pagsusulit
Pagbabalik-aral. Piliin sa kahon ang hinihingi ng mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang
kasagutan.

Emilio Jacinto Dr. Jose Rizal Antonio Luna

Marcelo H. del Pilar Graciano Lopez-Jaena

Antonio Luna 1. Siya ang gumamit ng sagisag-panulat na “Taga-ilog”.

Marcelo H. del Pilar 2. Siya ang may sagisag-panulat na “Dolores Manapat”.

13 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Graciano Lopez-Jaena 3. Siya ang may sagisag-panulat na “Diego Laura”.

Emilio Jacinto 4. Siya ang may sagisag-panulat na “Dimas-ilaw”. Dr.

Jose Rizal 5. Siya ang may sagisag-panulat na “Dimas-alang”.

Ang lupon na pumili sa pambansang bayani


Naganap ang pagpili kay Dr. Jose Rizal bilang bayaning pambansa noong panahon ng
Amerikano sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng Gobernador Sibil na si William Howard Taft.
Ang mga sumusunod ang nagsagawa ng diskusyon upang pag-usapan ang mga merito ng mga
pagpipiliang bayani:
William Howard Taft (Setyembre 15, 1857 – Marso 8, 1930) – Siya ang 27 pangulo ng Estados
Unidos ng Amerika (1909-1913). Ito ang naging tulay niya upang maging pangulo ng Estados Unidos at
naging Gobernador Sibil ng Pilipinas noong 1901 hanggang 1904. Siya ang nanguna sa pagpili kay Dr.
Jose Rizal upang maging pambansang bayani ng Pilipinas.
William Morgan Shuster (1877-1960) – Siya ay naging custom collector ng Estados Unidos para
sa Cuba noong 1899, at noong Spanish – American War. Siya ay mas nakilala sa kasaysayan ng mundo
bilang pinakamahusay na treasurer – general ng bansang Persia (Iran) noong 1911.
Bernard Moses (1846 – 1930) – Commissioner ng Bureau of Education at nang huli’y naging
kalihim ng Public Instruction. Nakilala siya sa kasaysayan ng mundo bilang pioneer of the Latin-
American scholarship.
Dean Conant Worcester (Oktubre 1, 1866 – 1924) – Kilalang pulitiko at zoologist. Siya noo’y
kasapi ng United States Philippine Commission at Commissioner ng Interior Government ng Bansa.
Henry Clay Ide – Siya ay Commissioner ng Finance and Justice ng Philippine Commission.
Trinidad Hermenigildo – Pardo de Tavera (1857-1925) – Kilalang maka-Amerikanong creole
(mga Pilipinong may dugo o pamilyang Kastila na ipinanganak sa bansa) nang Lubao, Pampanga. Isa
siya sa tatlong napiling kumakatawan sa bansa sa Second Philippine Commission bilang isang resident
commissioner.
Gregorio Soriano – Araneta (1869 – 1930) – Siya ay isa sa mga Pilipinong pinili ng gobernador-
heneral Elwell Otis bilang kinatawan ng tribunal na siyang ipinapalit sa Real Audencia (katumbas na
Korte Suprema) kasama sina Cayetano Arellano, Florentino Torres, Manuel Araullo, Julio Llorente, at
Dionisio Chanco.

14 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Jose Luzuriaga – Isa sa tatlong unang Pilipinong napiling kumakatawan sa bansa sa Second
Philippine Commission bilang resident commissioner (ang isa pa ay si Benito Legarda na di napiling
maging bahagi ng lupon ng pagpili.)
Cayetano Arellano (Marso 2, 1847 – Disyembre 23, 1920) Siya ang unang punong mahistrado
ng Korte Suprema ng Pilipinas.

Ang pamantayan sa pagpili ng pambansang bayani


Isinaayos ni Prof. Henry Otley Beyer, propesor ng Antropolohiya at katulong sa tekniko ng lupon
mula sa Unibersidad ng Pilipinas, ang naging pamantayan ng pagpili ng komisyon, at ito ay ang mga
sumusunod:
1) Isang Pilipino
2) Namayapa na
3) May matayog na pagmamahal sa bayan (nagpapakita ng nasyonalismo)
4) May Mahinahong Damdamin (Calm disposition)

Ang mga pinagpilian na bayani ng lahi


Sa mga pinagpilian naman ng mga dakilang Pilipino na maging pambansang bayani, sila ay sina
Marcelo H.del Pilar, Antonio Luna, Graciano Lopez-Jaena, Emilio Jacinto, at Jose Rizal
Marcelo H. Del Pilar ng Bulakan, Bulacan Isang propagandista, hindi napili sapagkat
nangibabaw ang pagiging pinuno nang magkaroon ng alitan sa pagitan ni Rizal sa La Solidaridad.
Antonio Luna ng Binondo, Maynila, isang parmasyutiko at heneral, hindi din napili dahil siya ay
sinasabing bugnutin, may napatay umanong isang sundalo, sa pamilya at sa mga kapwa Pilipino. Higit
sa lahat, namatay siya dahil sa kapwa Pilipino (hindi kanais-nais o kadaki-dakila ang kamatayan).
Graciano Lopez-Jaena ng Jaro, Iloilo, isa ding reformista at propagandista, hindi din napili sa
kadahilanang namatay sa depresyon (hindi angkop sa pamantayan o kadaki-dakila ang naging
kamatayan).
Emilio Jacinto ng Trozo, Maynila, isang manunulat at katipunero, isa siyang utak ng Katipunan
na sumuporta sa rebolusyon. (walang mahinahong damdamin)
Jose Rizal ng Calamba Laguna isang reformista at propagandista, isang Pilipinong ginising
ang kaisipan at kamalayan ng bansa sa totoong kalagayan nito. Huwaran ng kapayapaan.
Prominenteng taong may malaking ambag sa bansa. Katapangan sa pagharap sa panganib , tanyag
at ikinararangal ang kamatayan.

12 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ayon sa tala, maraming pumili kay Marcelo H. del Pilar ngunit ito ay kanilang binago ayon kay
Dr. H. Otley Beyer, sa kadahilanang higit na naging madula ang buhay at kamatayan ni Rizal, lalung
lalo na ang pagiging martir niya sa Bagumbayan.

Tunay ngang pinili ng Komisyong Taft si Rizal mula sa ibang dakilang Pilipino bilang
pangunahing bayani ng kanyang mga kababayan, ngunit masasabi rin natin na ang kanilang ginawa
ay pagpapatibay lamang ng katotohanan na si Jose Rizal ay ipinagbunyi na ng kanyang mga
kababayan na bilang pinakadakilang tao ng lahing Malayo at martir ng bayan niyang sinilangan.
Noong barilin si Jose Rizal sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896, maraming tao ang
nagluksa at humanga sa kanyang kadakilaan at katapangan. Noong hindi pa natutuklasan ng mga
Kastila ang Katipunan, ginawa na ni Andres Bonifacio ang pagsugo kay Pio Valenzuela upang
mabatid ang panig ni Rizal hinggil sa pinaplanong paghihimagsik. Pinapatunayan lamang ng
pangyayaring ito ang pagtitiwala at paggalang sa katalinuhan ni Rizal.
Sina Heneral Emilio Aguinlado at iba pang mga pinuno ng himagsikan na ipinatapon sa
Hongkong ay Nagbigay ng pang-alaalang palatuntunan noong Disyembre 29, 1897 upang dakilain
ang mga nagawa ni Rizal sa okasyon ng unang anibersaryo ng pagbaril sa bayani.
Ang pahayagan La Independecia, na pinamatnugutan ni Antonio Luna at ang El Heraldo de la
Revolucion, sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Aguinaldo ay naglabas ng dagdag na sipi bilang
paggunita sa kamatayan ni Jose Rizal.
Noong Disyembre 20, 1898, nagpalabas si Pangulong Aguinaldo ng opisyal na proklamasyon na
nagtatalaga sa Disyembre 30, ng taong iyon bilang Araw ni Rizal. Batay rin sa proklamasyon, iniuutos
ang pagtataas ng bandilang Pilipino sa kalagitnaan ng palo mula tanghali ng Disyembre 29 hanggang
tanghali ng Disyembre 30, at ang pagsasara ng lahat ng mga opisina ng pamahalaan sa buong araw ng
Disyembre 30.
Marami namang taong sumang-ayon kay Professor Ferdinand Blumentritt na nagsabi noong
1897:
Si Rizal ay hindi lamang “Ang pinakabantog na tao sa kanyang mga
kababayan kundi ang pinakadakilang tao na nalikha ng lahing Malayo”.
Ang kanyang alaala ay hindi maglalaho sa kanyang tinubuang lupa at
matututuhan pa ng susunod na mga henerasyonng mga Kastila ang pag-
bigkas sa kanyang pangalan na may paggalang at pagpipitagan.

Mula sa sanaysay na sinulat ni Esteban A. de Ocampo, Sino ang pumili kay Rizal Bilang
Pambansang Bayani natin at bakit? Binanggit niya:

“Bakit si Rizal ang naging pambansang bayani? Siya ang ating


pinakadakilang bayani sapagkat, bilang nangingibabaw na tao sa Kampanyang
Propaganda, gumanap siya ng “kahanga-hangang bahagi” sa kilusang iyon na
humigit kumulang ay papipiliin tayo ng isang katha ng isang Pilipinong manunulat
sa panhaong ito, na higit sa ibang mga sinulat ay nakatulong nang malaki sa
13 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

pagbubuo ng nasyonalidad ng mga Pilipino, hindi tayo mag-aatubili sa pagpili sa


Noli Me Tangere (Berlin, 1887) ni Rizal. Totoo na ipinalathala ni Pedro Paterno ang
kanyang nobelang Ninay sa Madrid noong 1885; ni Marcelo H. del Pilar, ang
kanyang Discursos y Articulos Varios Impresiones sa madrid noong 1893, ngunit
wala sa mga

aklat na ito ang nakapaglikha ng papuri o pagpuna mula sa mga kaibigan o mga
kaaway na tulad ng Noli Me Tangere ni dr Jose Rizal.”

Pagsasanay III
Pagsusuri: Bilugan ang titik ng pinakawastong sagot.

1) Sino ang gobernador-heneral na pumili kay Gregorio Soriano-Araneta bilang kinatawan


ng tribunal na siyang ipinapalit sa Real Audencia?
b. Gob-Hen Elwell
a. Gob-Hen Wesley Merritt c. Gob-Hen Henry Clay Ide
Otis
2) Sino ang unang naging Punong Mahistrado ng KorteSuprema ng Pilipinas?
a. Benito Legarda b. Manuel Araullo c. Cayetano Arellano
3) Sino ang nanguna sa pagpili kay Dr. Jose Rizal upang maging pambansang bayani ng
Pilipinas?
b. William Howard
a. William Morgan Shuster Taft c. Leonard Wood

4) Sino ang nakilala sa kasaysayan ng mundo bilang pioneer of the Latin-American


scholarship?
a. Ferdinand Blumentritt b. Dean Worcester c. Bernard Moses
5) Sino ang maka-Amerikanong creole na isa sa tatlong napiling resident commissioner
ng Second Philippine Commission?
a. Trinidad Pardo de Tavera b. Florentino Torres c. Julio Lorente

Pagsasanay IV
Sagutin ng buong husay ang bawat tanong.
➢ Kung ikaw ba ay kasapi sa lupon ng pipili sa pambansang bayani, sino ang iyong pipiliing
pambansang bayani? At bakit?

➢ Andrés Bonifacio, dahil siya ay kilalang matapang at handang magbuwis ng buhay para sa
ating bayan.

14 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

➢ Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang katangian ng ating pambansang bayani na


dapat tularan at taglayin ng bawat kabataang Pilipino?
➢ Ang mahahalagang katangian ng ating pangbansang bayani ay ang paging matapang
at pagkakaroon ng pagmamahal para sa ating bayan.

ANG KABULUHAN NG KABAYANIHAN NI RIZAL SA KASALUKUYANG PANAHON


Talaan ng mga Resultang Nais Makamit:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagawa ang mga sumusunod:


Natatalakay ang kahulugan ng salitang Bayani at ang kabayanihan ni Jose Rizal.
Naisasa puso at napapalawak ang kaalaman sa mga naiambag ni Rizal at iba
pang bayani ng ating bansa.
Naipapaliwanang ang kahalagaan ng buhay at mga nagawa ni Jose Rizal sa
kasalukuyang panahon.

Paunang Pagsusulit:
Punan ang bawat oblong ng mga salitang maiuugnay sa salitang “bayani.”

15 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

16 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang Kabayanihan ni Dr Jose Rizal


Natatangi at isang pulang araw sa kasaysayan ng iniibig natin Pilipinas ang ika-30 ng Disyembre
sapagkat ginugunita ang kabayanihan at pagiging martir ng ating pambansang bayaning si Dr Jose
Rizal.
Madalas nating naririnig ang salitang “bayani” kahit saan tayo magpunta. Naririnig natin ito sa
radyo, napapanood sa mga pelikula at nababasa sa mga libro, pahayagan at internet. Tinatawag na
“bayani” ang mga pangkaraniwan tao na gumagawa ng isang bagay na taliwas sa inaasahan ng marami
na gagawin niya, o ng isang bagay na napakahirap gawin, o bagay na magdudulot ng malaking
sakripisyo at hirap. Ngunit ano ba talaga ang totoong kahulugan ng salitang “bayani”?
Binigyang kahulugan ni Dr. Zeus Salazar, isang historyador at pangunahing tagapagpalaganap
ng Pantayong Pananaw sa bansa, ang “bayani” bilang “isang nagkukusang makipagtulungan nang
walang anumang bayad sa mga gawaing pangkomunidad.” Kaugnay ng pagpapakahulugang ito ang
salitang Bisayang “bagani”, na nangangahulugang “mandirigma”, at “wani” o malasakit at pagtulong.
Sa kabilang banda, kung titingnan sa mga diksyunaryo ang pagpapakahulugan sa salitang “hero”,
kadalasang tumutukoy ito sa isang magiting, matalino at malakas na lalaki, maaaring sa totoong buhay o
binigyang-buhay sa mga kwento at epiko.
Si Melchora Aquino, o Tandang Sora, ay hindi ininda ang kanyang edad makatulong lamang sa
mga sugatan at nagugutom na mga Katipunero sa panahon ng Himagsikan.
Sa pagsiklab ng Himagsikan noong 1896, maraming mga Katipunero at mga karaniwang tao na
nakilahok sa rebolusyon ang maituturing na mga bayani. Sa kagustuhan nilang makamit ang inaasam
na kalayaan ng bansa, nakipaglaban sila sa mga Espanyol, kahit walang kasiguruhan ang kanilang
tagumpay. Ang mga Katipunerong ito ay mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan.
Bagama’t nakamtan ng bansa ang kalayaan nito mula sa mga Espanyol, ang mga Amerikanong
tumulong upang makalaya ang mga Pilipino ay siya ring sumunod na sumakop dito. Ang mga bayaning
katulad ni Macario Sakay, na patuloy na tinutulan ang pananakop ng mga Amerikano, ay nagsilbing
inspirasyon sa ilang mga Pilipinong pilit itinatakwil ang mga bagong mananakop.
Sa panahon ng Commonwealth, binigyan ng karapatan ng mga Amerikano ang mga Pilipino na
pamunuan ang kanilang sariling bansa. Hindi man ito naging madali, lalo na’t nasangkot ang Pilipinas sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipinakita ng mga pangulong tulad nina Manuel Quezon, Sergio
Osmeña at ManueSi Melchora Aquino, o Tandang Sora, ay hindi ininda ang kanyang edad makatulong
lamang sa mga sugatan at nagugutom na mga Katipunero sa panahon ng Himagsikan.

Si Dr Jose Rizal sa Panahon Ngayon


“Ang hindi marunong lumingon pinanggalingan ay hindi makarating sa paroroonan.” Hindi
makakamit ang tagumpay nang walang kasamang gabay at tulong mula sa pamilya, mga kaibigan at
mga mahal sa buhay lalo na sa ating Maykapal. Ang kalayaang mayroon ang ating bansa ay hindi
makakamit kung hindi lumaban ang ating mga bayani. Ngunit sa panahon ngayon, tayo ba ay mula at
nagmamalasakit pa sa ating mga bayani o kahit man lang sa ating pambansang bayani?

17 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

“Kung nabubuhay si Dr. Rizal ngayon, unang-una siya sa mga magkokomento ukol sa mga isyu
sa ating lipunan. Bago niya gawin ‘yon nakapagsaliksik na siya at inalam na niya ang kabuuan ng mga
isyung ito, kagaya ng ginawa niya noong ika-labinsiyam na siglo,” ani Eloisa de Castro, propesor mula
sa Unibersidad, sa isang panayam sa Varsitarian.
Iginiit ni de Castro na makatutulong ang makabuluhang kamalayan sa pagtugon sa bawat isyu,
lalo na sa pagkilatis ng tama at mali. “Kung wala kang malalim na kaalaman o pagkakaintindi ng
konteksto, wala ka ring karapatan na magbigay ng opinyon, kasi nagdaragdag ka lang ng mas
maraming kalituhan at hindi lang kalituhan kung hindi, you are a purveyor of fake news,” giit ni de
Castro. Ayon pa sa kaniya, nakapaloob din sa critical engagement ang malalim na kaalaman sa
kasaysayan ng bansa.
“Kung mababaw ang pagkakakilanlan mo sa iyong sarili, mababaw ang kaalaman mo sa
kasaysayan. Pinag-iiwanan tayo ng kasaysayan dahilan sa hindi natin siya pinapansin,” Wika ni de
Castro, kung nabubuhay si Rizal ngayon, siguradong may opinyon siya mga napapanahong isyu sa
bansa tulad ng extrajudicial killings, isyu sa South China Sea, estado ng politika at sa mga taong
ginagawang biro ang kasaysayan.
Pinuna rin ni De Castro ang mga taong ginagamit si Rizal sa mga uri ng pagbibiro sa social
media. “Ang ginagawa nila ay paglapastangan even if it is in modern day context. Kalapastangan pa rin
‘yon para sa akin. Ang taong ginagamit nila ay isang tao na excellent at napakagandang halimbawa
bilang isang tao at Filipino,”
Nagampanan ni Rizal ang kaniyang mga tungkulin para sa bayan noon na dapat mabigyang ng
pansin ng sambayanang Filipino. Hindi mo masasabing nagpabaya si Dr. Jose Rizal sa responsibilidad
niya bilang isang Filipino noong ika-labinsiyam na siglo. Sa katunayan, ano ba ang irereklamo mo sa
buhay niya, ibinigay niya ang kaisa-isa niyang buhay para sa sambayanang Filipino.

Pagsasanay V
Sagutin ng buong husay ang bawat tanong.

a) Ano ang iyong pananaw sa mga katagang, “patay na ang tao bago ito parangalan”?
- Sya ay pinangaralan dahil sya ay namatay ng may dangal.

b) Bilang kabataang Pilipino, ano ang maihahandog gamit ang sariling pamamaraan,
upang maging dangal ka ng bansa?

- Kabataan ang magsisilbing pag asa ng ating bayan. Kaya't ipakita ang pagmamahal at
paggalang sa ating bansa.

HULING PAGSUSULIT
I. Modipikadong Tama o Mali. Isulat ang titik T kung tama ang pahayag. Kung mali ang
pahayag, bilugan ang maling bahagi nito at isulat ang wastong sagot sa patlang.
18 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

T 1. Ang Batas Rizal ay magsisilbing haligi na siyang magbibigay


kasiguruhan sa mga Pilipino at sa mga susunod na henerasyon na
pangangalagaan ang pinagsikapang kalayaan at dalisay na diwa
ng nasyonalismong inialay ng ating mga bayani.
La Independencia 2. Ang pahayagang La Solidaridad, na pinamatnugutan ni Antonio
Luna, at ang El Heraldo de la Revolucion sa ilalim ng pamahalaan
ni Pangulong Aguinaldo ay naglabas ng dagdag na sipi bilang
paggunita sa kamatayan ni Jose Rizal.

T 3. Ayon sa tala, maraming pumili kay Marcelo H. del Pilar ngunit ito ay
kanilang binago ayon kay Dr. H. Otley Beyer, sa kadahilanang higit
na naging madula ang buhay at kamatayan ni Rizal, lalung lalo na
ang pagiging martir niya sa Bagumbayan.
Ang Commission on Higher Education ay siyang magtatakda ng
Board of National Education 4. kasapatan ng bilang ng mga aklat ni Rizal, depende sa bilang ng
magaaral ng paaralan, kolehiyo at unibersidad.

Ipinagbabawal ng Kautusan Blg. 247 s. 1994 ang sabong, karera


Batas Republika Blg 229 5. ng kabayo at Jai alai sa ika-30 araw ng Disyembre kada taon at
bumuo ng lupon para manguna sa tamang pagdiriwang ng araw ni
Rizal sa bawat bayan at lungsod sa tamang kadahilanan.

II. Hanapin at bilugan ang sagot sa kahon. Isulat ito sa patlang. Ang mga salita ay maaaring
pababa, pahalang, o palihis.

19 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

1. Ito ang sakit na ikinamatay ni Graciano Lopez-Jaena. -Depresyon

2. Siya ay nagsilbing Commissioner ng Finance and Justice ng Philippine Commission. Siya ay


kasapi ng lupon na pipili sa pambansang bayani. -Henry Clay Ide

3. Siya ang isa pang senador na naghain ng Panukalang Batas 438. -Jose Laurel

4. Siya ang isinugo ni Andres Bonifacio upang mabatid ang panig ni Rizal hinggil sa
pinaplanong paghihimagsik. -Pio Valenzuela

5. Siya ay isang senador na may kapatid ng arsobispo. Isa siya sa mga tumutol sa Panukalang
Batas 438. -Decoroso Rosales

III. Isa-isahin ang mga hinihinging sagot sa ibaba.


A. Pamantayan sa pagpili ng pambansang bayani:

1. Isang Pilipino
2. Namayapa na

20 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

3. May matayog na pagmamahal sa bayan


4. May mahinanong damdamin

21 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

B. Dalawang nobela ni Dr. Jose Rizal:

1. Noli Me Tangere

2. El Filibusterismo
C. Mga Bayani ng Lahi na pinagpilian na hiranging pambansang bayani:
1. Marcelo H. del Pilar

2. Emilio jacinto
3. Antonio Luna
4. Graciano Lopez-Jaena

22 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

MODULE II ANG PILIPINAS SA


IKA-19 DANTAON SA
KONTEKSTO NI RIZAL

23 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

ANG PILIPINAS SA IKA - 19 NA DANTON SA KONTEKSTO NI RIZAL


Pambungad na Salita
Upang mas higit nating maunawaan ang buhay ni Dr. Rizal kailangan nating balikan ang mga
nakaraang kasaysayan ng ating bansa.Ito ay ang ika-19 na dantaon.
Matutunghayan sa aralin na ito ang naging kalagayan ng Pilipinas sa kamay ng mga dayuhang
mananakop noong pagkasilang ni Dr. Rizal. Matatalakay din ang patakarang kolonyal na ipinatupad at
kung paano isinulong ng mga kastila ang kanilang mga layunin sa Pilipinas.
Sa panahon ng pananakop maraming pagbabago ang naganap sa ekonomiya, edukasyon , kabuhayan
at pulitika ng bansa na nakapagpabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga suliraning kinaharap
ng bayan tulad ng maling pamamalakad at sobrang pagmamalabis sa mga mamamayan ang dahilan ng
pagkilos ng mga Pilipinong maykaya at nakapag –aral sa pagbuo ng kilusang Propaganda na naging
daan upang umusbong ang damdaming nasyonalimo sa mga Pilipino.

Mga Paksa
➢ Sistemang Pang ekonomiya
➢ Sistemang Panlipunan
➢ Sitemang Pampolitika
➢ Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo
➢ Ang Pagkilos ng mga illustrados at ang Kilusang Propaganda

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:


Natutunton ang mga pagbabagong naganap sa Pilipinas sa ekonomiya,
Panlipunan at pampolitika noong 19 dantaton
Nauunawaan si Jose Rizal sa konteksto ng kaniyang panahon
Naipapaliwanag ang paraan ng pakikitungo at pagtutol ng mga Pilipino sa
mga mananakop na Kastila
Nasusuri ang epekto ng patakarang kolonyal sa pagsibol ng Diwang
Nasyonalismo
Nailalarawan ang pagkilos ng mga illustrados at ang kilusang Propaganda
batay sa nagawa at kinahinatnan.
Napaghahambing ang buhay ng mga Pilipino bago dumating ang mga
kastila at nang sinakop ng kastila ang bansa.

22 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Takdang oras
Anim na oras (6 Hours)

Subukin
a. Magtala ng mga patakarang ipinatupad ng mga kastila na nakapagpabago sa buhay ng mga
Pilipino. Ano ang mga naging bisa nito sa kaunlaran ng bayan.
➢ Patakarang pangkabuhayan
➢ Patakarang pangkultura
➢ Patakarang pampolitika
b. Ano ang kalakalang Maynila-Acapulco? - Ito ay tinatawag ding
Kalakalang Galyon.
c. Ilarawan ang edukasyon sa ilalim ng pamamahala ng mga kastila.
- Ang edukasyon noon ay nakatuon lang sa relihiyon pagtuturo ng kagandahang asal at
mga kasanayan sa pamumuhay.

d. Ano ang pang unawa mo sa salitang Nasyonalismo?


- Ito ay pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa ating bansa, pagmamalaki sa ating
tradisyon at kultura. At pagmamalaki na ikaw ay isang Filipino.
e. Isa isahin ang mga salik sa pag usbong ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.
➢ Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakan
➢ Paglitaw ng Panggitnang Uri ng Lipunan
➢ Pagsibol ng Kaisipang Liberal

Si Jose Rizal ay naisilang noong ika-19 dantaon, isang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas na
nakasaksi ng malawakang pagbabagong pang-ekonomiya, panlipunan at pampolitika.
May mga pandaigdigang kaganapan at pangyayari na hindi man direktang humubog kay Rizal,
ngunit masasabi nating naging daan para maging posible ang pagsibol ng isang pagbabago sa buhay
ng mga Pilipino at pagbuo sa pagkatao ni Rizal bilang isang dakilang tao.

Sa pagtatappos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan.


Nailalarawan ang sistemang Pang ekonomiya na ipinatupad ng mga
kastila.

23 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Naisa-isa ang mga pagbabago sa buhay ng mga Pilipino dulot ng


pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang Pandaigdig.
Nasusuri ang naging bisa ng mga monopluo sa buhay ng mga Pilipino.

A. Ekonomiya
Ang Rebolusyong Industriyal na nagsimula sa Hilagang Europa ay nagdala ng malaking
pagbabagong sosyo-ekonomiko sa buong mundo. Ito ang nagbunsod sa mga Kastila na buksan ang
Pilipinas sa kalakalang pandaigdig. Naging resulta nito ang paglago ng ekonomiya dahil sa pagdagsa ng
mga dayuhang negosyante sa ating bansa.
Kalakalang Galyon .Ang monopolyong kalakalang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol sa
Maynila at sa Acapulco ay tinawag na Kálakaláng Galeón. Noong 1565, si Andres de Urdaneta ay
naglayag mula Cebu papuntang Acapulco at dito niya natuklasan ang ruta mula sa Karagatang Pasipiko
papuntang Mexico. Ipinangalan ang kalakalang ito sa malalaking barkong Galeón na karamihan ay
ipinagagawa ng pamahalaang Espanyol sa lalawigan ng Cavite at sa iba pang bahagi ng Filipinas sa
pamamagitan ng sapilitang pagtatrabaho ng libo-libong katutubong Filipino. Noong 1565 sinimulan ang

24 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Kalakalang Galyon sa Maynila pagkatapos matuklasan ni Andrés de Urdaneta, fraileng Agustino, ang
tornaviaje o daanang pabalik mula sa Filipinas patungong Mexico. Nagtagal ang daanan hanggang
1815 noong nagsimula ang Pangkalayaang Digmaan ng Mexico. Nailuluwas ng Galyon sa Maynila ang
mga mamahaling bagay tulad ng mga kasangkapan, porselana bulak at pilak .Nagbigay-daan din ang
daanan sa pagbabago at pagbabahagi ng kultura na nakahubog sa pagkakakilanlan ng dalawang
bansa.

Hindi lamang mga produkto ang paroo’t paritong iniluluwas sa Maynila at Acapulco. Maging ang
tulong na pinansyal ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas na tinatawag na Situado Real o tulong na
Royal ay dala-dala rin nito. Taun-taon, dalawang daan at limampung pisong tulong ang tinatanggap ng
Pilipinas bilang situado real. Dala-dala rin ng Galyon ang mga kasulatan, batas, kagamitan at mga
pinuno at kawal na Kastila mula sa Espanya. Ganito nang ganito ang naging kalakaran mula noong
1565 hangggang 1821. Ngunit hindi laging nakikinabang ang nangangalakal sa galyon. May
pagkakataong ito’y sinasalakay ng mga mangungulimbat na Olandes o Inggles.
Kanal Suez. Ito ay isang artipisyal o likha ng tao na daanan ng mga barko at iba’t iba pang uri ng
sasakyang pangdagat. Makikita ito sa bansang Ehipto na nagkokonekta ng Pulang Dagat (Red Sea) at
Dagat Mediterano (Mediterranean Sea).
Binuksan ang kanal na ito upang maging daluyan ng pandaigdigang kalakalan at komersyo, na
maaaring gamitin nino man kahit sa panahon ng giyera o kapayapaan. Naging parte ang kanal na
ito sa mga hidwaan sa Gitnang Silangan tulad ng digmaang Arab-Israeli.

25 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

26 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang Pandaigdig


Ang pagbubukas nito noong 1869 ay lalo pang nagpabilis sa pagpasok sa bansa ng mga
kaisipang liberal tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, kapayapaan, at nagpamulat sa maraming
Pilipino sa kanilang karapatan. Napadali ang paglabas-masok ng mga mangangalakal at ang sistema ng
komunikasyon sa Pilipinas. Nagresulta rin ito ng madaling pagpasok ng mga babasahing aklat na
nagsusulong sa kaisipang liberal at rebolusyonaryo. Bagamat ipinagbabawal ang pagbabasa nito,
nagsimula namang mamulat ang ilan sa mga Pilipino sa mga kaisipang liberal na matagal nang
lumalaganap sa Europa at sa iba pang bansa sa dakong kanluranin.
Nagbukas ang Pilipinas sa Kalakalang Pandaigdig. Noong mga huling bahagi ng ikalabinsiyam
na siglo ay binuksan ng mga Espanyol ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan na nakapagdulot ng
maraming pagbabago sa buhay ng mga Pilipino tulad ng mga sumusunod:
a. Nakilala ang Pilipinas bilang top exporter ng ilang produkto tulad ng abaka, tabako, at tubo.
b. Napabilis ang transportasyon para sa maayos na pagdadala ng mga produkto sa mga iba’t
ibang lugar ng bansa.
c. Dumami ang mga bangkong nagpapautang sa mga negosyanteng Pilipino sa Maynila.
d. Napabilis ang paglalakbay at palitan ng produkto sa ibang bansa .
e. Nakatulong sa pag angat ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Sa ganitong sitwasyon maraming mga Pilipino ang yumaman dahil sa pagtatanim at
pakikipagkalakalan. Sila ang bumuo ng gitnang uri sa lipunan na umusbong noong huling bahagi ng ika-
19 na siglo.
Ang mga nabibilang sa gitnang uri ay ang mga nakapag aral sa Europa at tinawag na Ilustrado o
“Naliwanagan”. Sa Hanay nila nagmula sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at iba pang mga Pilipino na
nagsulong ng reporma o pagbabago.
Paglakas ng Kalakalang Pagluluwas ng mga Ani at Monopolyo. Sa pakikipagkalakan sa
ibang bansa, kinokontrol ng mga Espanyol ang kalakalan. Pinamahalaan nila ang pagbebenta ng mga
produktong nabili sa Europa tulad ng tabako. Sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol kumita sila ng
malaki sa Kalakalang Galyon.
Monopolyo- ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nag-iisang korporasyon
ang nagtitinda ng isang produkto. Sa pagsapit ng ika-19 dantaon nanaig ang monopolyo sa kalakalang
Galyon bagaman pinakinabangan ng mga kastilang may karapatanng mangalakal sa galyon, ay hindi
nakabuti sa Pilipinas. Una, nasalanta ang kabuhayan ng mga Pilipino dahil sa pagiging pabaya ng mga
pinunong kastila na walang inatupag kundi ang pagpapayaman sa galyon. Pangalawa, tanging mga
kastila lamang ang nakinabang at kumita sa kalakalang galyon. Ikatlo, napabayaan ang pangangalaga
sa mga lalawigan, kaya nang maputol ang kalakalan nagkaroon ng panahon ang mga kastila na
asikasuhin ang kani kaniyang lalawigan.

25 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Gawain I
Isulat sa patlang ang tamang sagot sa bawat bilang.
Kalakalang galyon 1. Isang monopolyo sa kalakalan na ipinatupad ng
pamahalaang Espanya sa Maynila at Acapulco.
Situado Real 2. Ang tawag sa tulong pinansiyal ng kastila sa Pilipinas na
dala-dala ng galyon.
Kanal Suez 3. Ang daanan na nagkokonekta sa Pulang dagat at dagat
Mediterano na likhang- artipisyal na dinadaanan ng mga barko.
Ilustrado o Naliwanagan 4. Ang tawag sa mga Pilipinong nabibilang sa gitnang uri at
nakapag-aral sa Europa.
Monopolyo 5. Isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan
tanging nag iisang korporasyon ang nagtitinda ng isang produkto.

B. Panlipunan
Tatalakayin sa araling ito kung paano kinontrol ng mga prayle and edukasyon at ang pagdami ng mga
mestisong tsino at Inquilino sa Pilipinas.

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan


Naipapaliwanag ang sistema ng edukasyon sa panahon ng mga
kastila. Nasusuri ang mga dahilan ng pagdami ng mestisong Tsino at inquilino sa Pilipinas.
Edukasyon kontrolado ng mga Prayle. Sa kasaysayan ng mga Pilipino bago pa dumating ang
mga kastila ay may sariling kabihasnan na. Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas nakarating ang mga
misyonerong prayle at pinalawig ang kristiyanismo kasabay na pinakialaman ang edukasyon, sinunog
ng mga misyonerong prayle ang mga tala na nakasulat sa mga dahon , banakal at punong kahoy sa
paniwalang ang mga ito ay likha ng masasamang espiritu. Bilang bansang mananakop ay naging
patakaran ng Espanya ang magturo sa mga nasasakupang mamamayan ng doktrina Kristiyana at
magtatag ng mga paaralang magtuturo nito. Hindi nilayon ng mga kastila na magturo ng naaayon sa
mundong ito. Relihiyon ang namamayani sa kanilang isipan sapagkat nais nilang maging mabuting
mamamayan sa kabilang buhay. Ayon kay Rafael Palma, naging Pangulo ng Universidad ng Pilipinas,
sa aklat ni Teodoro Agoncillo, “Ang mga layun at pakay ng buong paraan ng edukasyon ay maliwanag
na itanim at ipilit sa isip ang kabutihan sa pamamagitan ng disiplinang panrelihiyon, at isalin ang
karunungan at bagay bagay na nahihingil sa mundo at kalikasan, na ipinalalagay nilang lumilipas at di-
palagian, sa mga bagay na nauukol sa buhay na walang hanggan at sa kahanga hangang bagay ng
kabilang daigdig”.

26 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang mga unang paaralan ay mga paaralang parokya o pinamamahalaan ng kura.Tinuruan ang
mga bata ng relihiyon, kastila, pagsulat, pagbasa, pagbilang, musika at paghahanap buhay.
Nagtatag din sila ng mga paaralang sekundarya upang maihanda ang mga mag- aaral sa mataas
na paralan. Ang mga paring Heswita at Dominikano ang nagtatag ng mga kolehiyo. Tulad ng kauna-
unahang kolehiyo para sa mga babae, ang kolehiyo ng Santa Potenciana na naitatag noong 1594.

Naitatag din ang Paaralang Normal noong 1865 para sa babae’t lalake. Dahil sa pagdami ng mga
estudyante nagtayo rin ang mga prayle ng mga Paaralang –Bayan, sapilitan at walang bayad ang
pagpasok sa mga paaralang iyan. Tinuturuan ang mga batang lalaki ng Kasaysayan ng Espanya,
hiyograpiya, pagsasaka, aritmetika, doktrina kristiyana, pagsulat, pag awit at magandang asal. Ang mga
babae naman ay nagbuburda, panggagantsilyo at pagluluto na siyang kapalit ng pagsasaka,
hiyograpiya, at kasaysayan ng Espanya. Bukod sa pagtatag ng mga kolehiyo nagtayo rin ang mga
prayle ng unibersidad upang makapagpatuloy sa pagkuha ng karera ang mga nagsipagtapos sa mga
kolehiyo. Ang kauna unahang unibersidad sa Pilipinas na naitatag ay ang unibersidad ng San Ignacio na
itinatag ng mga paring Heswita noong 1589 at ang mga prayleng Dominikano naman ay itinatag ang
Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario noong 1611 nang lumaon ay naging Colegio de Santo
Tomas sa alala ng Dominikanong si Thomas Aquainas noong 1645.Dahil sa atas ni Pope Innocent X
naiangat ang antas ng Colegio at naging Universidad.
Naging talamak na ang kalupitan ng mga prayle dahil naging bukas lamang ang mga paaralan,
kolehiyo at unibersidad sa mga mestisong kastila at pinid ang pinto para sa mag Pilipino. May kautusan
ang Hari ng Espanya na ituro sa mga Pilipino ang wikang kastila, ang nangyari’y hindi sinunod ng mga
namamahala sa Pilipinas ang nasabing mga kautusan sapagkat natatakot silang matututo ang mga
Pilipino dahil ito ang magiging dahilan ng kanilang paglaban sa mga mananakop.

27 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Nabuksan na lamang ang mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa mga Pilipino noong ikalawang hati
ng 19 dantaon. Sa likod ng pagiging madamot ng mga prayle sa mga Pilipino sa edukasyon nagkaroon
ang Pilipinas ng mga Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar, Cayetano Arellano,
Apolinario Mabini at marami pang iba.

Mga Pilosopiya ni Rizal ukol sa Edukasyon


• Para kay Rizal, ang edukasyon ay isang karapatan para sa lahat na
walang sinusukat na estado sa lipunan para lang masabi kung sino
lamang ang may oportunidad para makapag-aral.
• Ang edukasyon ay isang sandata para sa pag-usad ng
nasyonalismo.
• Ang Edukasyon ang makakapagpalaya sa tao. Makakapagpalaya sa
hindi makataong dominasyon ng bansa.
• Ang Edukasyon ay isang Tanglaw ng Lipunan.
• Ang paaralan ang saligan ng lipunan at ang lipunan ang salamin ng
paaralan.

Pagdami ng mga Mestisong Tsino at mga Inquilino


Mestiso .Ang salitang mestíso (mestizo) ay tumutukoy sa mga anak ng mag-asawang magkaiba
ang lahi. Noong panahon ng Espanyol, ito ang naging taguri sa anak ng Espanyol o Tsino na ama at ng
inang Filipina o Indio o ang kabaligtaran nito.
Hindi ipinagbabawal ang pagsasama ng magkaibang lahi. Sa katunayan, kinilala ang mga mestiso
bilang isang natatanging sektor ng lipunan simula pa noong 1750. Gayunman, higit na mababà pa rin
ang tingin sa kanila kumpara sa mga anak ng parehong Espanyol o Tsino. Dahil dito, mas iniuugnay ang
mga mestiso sa grupo ng mga Filipino o Indio kaysa mga lahing Espanyol o Tsino.
Karamihan sa mga mestiso bago ang ika-19 na siglo ay mga “Mestizo de Sangley” o mga
produkto ng ugnayang Tsino at Filipino. Di tulad ng mga mestisong Espanyol, karamihan sa mga
mestisong Tsino ay madaling nakakahalubilo sa mga katutubong Filipino. Dumami lamang ang mga
mestisong Espanyol pagsapit ng siglo 19 nang buksan ang Filipinas sa pandaigdigang kalakalan at
napadali ang paglalakbay mula sa Espanya matapos buksan ang Kanal Suez. Maraming mga Filipino
ang nakapag asawa ng dayuhan dahil sa kanilang pakikipagkalakalan sa Pilipinas.
Noong kalagitnaang bahagi ng ika- 19 na siglo, marami na sa mga mestiso ang yumaman,
nagmay- ari ng lupa, nakapag-aral at nagkaroon ng posisyon sa pamahalaan. Dahil sa hangaring
tumaas ang pagkilala sa kanila sa lipunan, at bilang pakikiisa sa ibang inaaping sektor, naging aktibo
ang mga mestiso sa usapin ng sekularisasyon ng mga parokya, sa Kilusang Propaganda, at sa
Himagsikang 1896. Isang halimbawa si Dr. Jose Rizal na may lahing mestiso.

28 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Inquilino. Ang mga inquilino sa Pilipinas ang nagpapaupa o nagbebenta ng mga lupang ibinenta
sa kanila ng mga prayle. Sila rin ang nagsisilbing tagapamahala ng mga lupaing pagmamay ari ng mga
prayle at mayayaman.
Ang sistemang inquilino sa Pilipinas ay ang naging batayan sa pagpapatakbo ng mga lupain. Ang
sistemang ito ang naging dahilan upang mas malaki ang kita ng inquilino kesa sa mga magsasaka. At
ito rin ang patakang pangkabuhayan na hindi makatarungan at mapang-api.
Ang mga inquilino sa Pilipinas ay naging halimbawa ng pagsasamantala sa kapwa noong panahon ng
mga Espanyol at Amerikano.

Gawain I
Sagutin ang mga sumusunod na tanong
1. Basahin at pag aralan ang Sistema ng edukasyon noong panahon ng kastila. Ito ba ay
nakatulong sa mga pangangailangan ng mga tao noon? Bakit?
- Isinagawa ang edukasyon sa pagbubukas ng mga pari sa parokya at ito ay naging
paaralan Ito ay naging kontrolado kahit na ganon ang mahalaga tayo ay natututo.

-
2. Ipaliwanag ang dahilan ng pagdami ng mga mestisong tsino at Inquilino sa Pilipinas?
- Dahil Ito sa pag aasawa ng ibang lahi at ang kanilang anak ay tinatawag na mestisong
tsino.

Tatalakayin sa araling ito ang sistemang pampolitika sa panahon ng mga kastila.Kung paano
lumagap ang mga kaisipang liberal sa Espanya na umabot hanggang s Pilipinas.

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan


Naipapaliwanag ang paglaganap ng ideyang liberalismo sa Europa na umabot sa
Pilipinas.
Nasusuri ang mga naging epekto sa Pilipinas ng Konstitusyong Cadiz ng
Espanya
Naisa-isa ang mga suliraning Pambayan na naranasan ng mga
Pilipino. Natatalakay ang mga reaksyon ng mga Pilipino sa mapanupil
na pamamalakad ng mga kastila.

K. Pampolitika
Paglaganap ng Ideyang Liberalismo sa Europa

29 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Liberalismo (Enlightenment). Isang malawak na uri ng pilosopiyang politikal kung saan


binibigyang-diin ang kahalagahan ng kalayaan at pagkakapantay-pantay.
Liberal na ideya. Ito ay nagmula sa Europa at umusbong dahil sa hindi pantay na katayuan ng
mga tao sa lipunan.
Mabilis na lumaganap sa Espanya ang liberal na kaisipan. Nakilala ang mga pampolitikong
manunulat na tulad nina Voltaire, Jean-Jacques Rousseau at John Locke na ‘di sang-ayon sa umiiral na
sistemang monarkiyal.
Ayon sa kanila kung mapapatunayan ng mga mamamayan na hindi na karapat-dapat ang pinuno
sa kanilang pagtitiwala ay kailangang alisin na ito at palitan.
Ang kaisipang liberal na ito ay umusbong sa naganap na Himagsikang Pranses. Ang mga
simulain ng mga Pranses na, “Pagkakapantay-pantay, kalayaan, at pagkakapatiran ay umabot at
nakarating sa Pilipinas. Naging inspirasyon ng mga Pilipino ang mga simulaing ito para sa kanilang mga
minimithing pagbabago o reporma.
Konstitusyon ng Cadiz sa Espanya
Ang Cadiz Constitution ng 1812 ay nilikha bunga ng hangarin ng Espanya na wakasan ang mga
pang-aabusong dala ng sistemang konserbatibong umiiral sa kanilang bansa. Binibigyang halaga sa
nasabing konstitusyon ang mga ideyang liberal gaya ng karapatan sa pagboto ng mga kalalakihan,
pambansang soberanya, monarkiyang konstitusyonal, kalayaan sa pamamahayag, reporma sa lupa, at
malayang kalakalan. Ang sistemang ito ay direktang nakaapekto sa kalagayan ng Pilipinas bilang
kolonya at sa paggising sa hangarin ng mga Filipino na maging Malaya.
Bago naipasa ito, nagkaroon ng halalan sa maynila upang piliin ang kinatawang Pilipinong
ipapadala sa Cadiz. Si Ventura Delos Reyes, isang mayamang Pilipino ang nahalal bilang
kinatawan.Hiniling niya ang mga sumusunod:
- Pag –alis ng sapilitang paggawa
- Pagkakapantay-pantay ng mamamayan
- Pagtanggal ng mga monopolyo kasama ang kalakalang Galyon
- Pagtatag ng malayang kalakalan
- Kalayaan sa pamamahayag, paglilimbag at relihiyon

Hindi man nagtagumpay ang tangkang ipatupad ito sa Pilipinas, nagkaroon ito ng epekto sa
pamamahala ng Espanya sa Pilipinas:
1. Ipinatigil ang kalakalang galyon
2. Napalitan ang merkantilismo ng malayang kalakalan
3. Pagsiklab ng pag-aalsa sa Ilocos laban sa pagkansela sa pagpapatupad ng
konstitusyon sa Pilipinas noong 1815.
4. 4. Paglaganap ng mga bagong kamalayang bunga ng kaliwanagan sa Europa lalo na
sa hanay ng mga Pilipinong kabilang sa panggitnang uri na nagkaroon ng
pagkakataong makapag-aral sa Europa pagsapit ng ika-19 siglo.
30 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Gawain I
Pagtambalin ang mga salita sa dalawang hanay. Isulat ang titik lamang ng
mga salita sa kanan sa patlang sa unahan ng bilang sa kaliwa.
A B

C 1. Ventura delos Reyes A. Konstabularyo


D 2. Liberalismo
B. Mataas na opisyal
A 3. Guardia Sibil
C. Kinatawan
E 4. Konstitusyong Cadiz
B 5. Gobernador Heneral D. Naliwanagan

E. Sistemang konserbatibo

Mga Kaakibat na Suliraning Pambayan na naranasan ng mga Pilipino

Noong huling dalawampung taon ng ika 19 na dantaon ay maraming napagdaanang suliranin ang mga
Pilipino sa kamay ng mga kastila. Ang suluiraning iya’y nauukol sa walang katarungang pamamahala ng
mga kastila sa mga Pilipino. Isa isahin natin ang mga suliraning ito:
1. Nagkaroon ng kapangyarihan ang mga prayle at pamahalaan
• Sumibol ang natatanging anyo ng Espanyol na pamahalaan sa Pilipinas,
ang"Pamahalaan ng mga prayle" o frailocracia.
• Hawak ng mga prayle ang Buhay panrelihiyon at edukasyon ng Pilipinas
• Kontrolado din nila ang pulitika, impluwensiya, at kayamanan
• Pag usbong ng mga prayleng masasama
i. Sekularisasyon ng mga parokya
• Katiwalian ng mga Gobernador Heneral
• Nalimitahan ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pagpili ng relihiyon at iba
pa.
2. Diskriminasyon at Usaping Pang agraryo
• Mga Indio
• Mga kababaihan
• Pag –aari ng mga Lupang pansakahan/Hacienda
3. Pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino
• Guardia sibil (Konstabularyo)

31 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

4. Ang litigasyon
• Pandaraya sa hukuman
• Pagsasakdal ng mga inosente
• Pag ikot ng pera
• Mabagal na pagproseso
• Ang pagkakasangkot sa isang kaso ay isang "Kalamidad"
5. Ang pagbabawal sa pagtitipon ng mga Pilipino
• Ang lumalaban sa pamahalaan ay pinarurusahan
• Arsenal
Reaksiyon ng mga Pilipino sa Mapanupil na Pamamalakad ng mga Kastila
Maganda ang hangarin ng Hari ng Espanya hinggil sa pagsubaybay sa Pilipinas ngunit malayo ito
sa Espanya kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga opisyal ng pamahalaan, at mga prayle na mang
abuso sa mga Pilipino. Kaliwa’t kanan ang pandaraya, pang aalipusta, panggigipit, pandaraya ng mga
opisyal ng pamahalaan at kabuktutan ng mga prayle.
Ang mga ito ang naging dahilan ng paghihirap at pagtitiis ng mga Pilipino.Ngunit noong kalahati ng ika
19 dantaon ay natuto ang mga may pinag-aralang Pilipino na tumutol sa palakad ng mga kastila at ang
pagtutol na iyon ay lumakas hanggang umabot sa himagsikan.

Sa kabuuan, ang ginawa ng mga Pilipino ay:


a) Pagtakas (Escape). Napilitan ang ibang mga Pilipino na iwan ang kanilang nakalakhang
tahanan at magpakalayo tungo sa lugar na hindi abot ng kapangyarihan ng mga Espanyol.
Sila ang iilan na nagawang maipanatili ang tunay na kultura ng mga Pilipino na naging
dahilan upang sila'y maging kakaiba sa paningin ng iba.
b) Pagtanggap (Acceptance). Napilitang tanggapin ng mga katutubong Pilipino ang lahat ng
mga batas at alituntunin na ipinatutupad ng mga ito. Tinanggap rin nila ang sapilitang
paggawa, na kilala sa tawag na polo y servicio, kahit nangangahulugan iyon ng pagkawalay
sa kanilang pamilya. Tinanggap rin nila ang kulturang dala ng mga Espanyol: ang
pagkakaroon ng mga piyesta at iba pang magagarbong selebrasyon, ang pagbabago ng
klase ng kanilang pananamit, at pagpapalit ng kanilang mga katutubong pangalan sa mga
pangalang hango sa mga salitang Espanyol.
c) Paglaban (Resistance). Noong mamulat ang mga katutubong Pilipino sa masamang sistema
ng pagpapalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas, nagkaroon sila ng lakas ng loob na
kalabanin ang mga ito. Nagsagawa sila ng mga rebolusyon, walang takot nilang hinarap ang
mga Espanyol kahit alam nilang wala silang laban dito dahil sa mga makabagong kagamitang
pandigma na gamit nila.

Gawain II

• Sagutin ang mga sumusunod na tanong

32 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

1. Apat na epekto ng konstitusyong Cadiz sa pamamahala ng Espanya sa Pilipinas.

Konstitusyong Cadiz

Pagkalat Ng Ang kalakalang Pagpapairal ng Pag aalsa sa


mga bagong galyon ay malayang ilocos laban sa
kaalaman. pinatigil. kalakalan pagkansela ng
pagpapatupad ng
konstitusyon.

33 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

2. Limang kahilingan ni Ventura Delos Reyes sa Espanya bilang Kinatawan ng Cadiz.

3. Anim na suliraning pambayan na naranasan ng mga Pilipino.

1) Litigasyon
2) Diskriminasyon at usaping pang agraryo
3) Pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga prayle at pamahalaan
4) Pagmamalupit ng mga kastila
5) Pagbabawal sa pagtitipon ng mga Pilipino
Gawain III

• Panoorin ang Pelikulang “Ganito kami noon,


Paano kayo ngayon?”

34 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Sa Pelikulang iyong napanood, Ikumpara mo ang kalagayang ekonomiya, panlipunan


at politika sa kasalukuyang panahon.
NOON NGAYON

EKONOMIYA

1. Mga Espanyol ang nagpap atakbo 1.N gayon tayo na ang nagpapatakbo
sa ekonomiya. nito.
2. Noon sa mga espanyol napupunta 2. Ngayon sa atin na Ito napupunta.
ang mga likas yaman at produkto.
3. Noon ang ekonomiya ay SA 3. Salapi na ang nagpapaikot sa ating
sistemang barter umiikot. ekonomiya.
PANLIPUNAN

1. Ang kanilamg buhay noon ay 1. S ila ay masaya at Malaya na.


magulo sa kamay ng mga espanyol
2. Noon Ito ay laging naayon 2. Ngayon ay tayo ay nasa malayang
o pabor lamang sa mga bansa na.
purong kastila.
3. Mangmang at mababa ang tingin 3. Ngayon ay pantay pantay na ang
sa mga pilipno. tingin sa atin ng mga Tao
POLITIKA

1. Mga banyaga ang namumuno 1. Kapawa pilipino na ang namumuno


sa atin. sa atin.
2. Pinagbabawal ang pamimili ng 2. Malayang mamili ng gusting
pinuno. mamuno sa ating bayan.
3. Ang mga nasa pwesto ng 3. Kapwa pilipino ang nasa gobyerno.
gobyerno ay mga Espanyol.

Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo


Tatalakayin sa araling ito ang pakahulugan ng mga Pilipino sa salitang Nasyonalismo at ang mga
salik na nagbunsod upang lumaban sila sa mga dayuhan.Gayun din, ang mga bagay na nakapagbigay-
lakas upang magkaisa ang mga naaaping Pilipino sa panahon ng mga kastila.

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan


Natatalakay ang pagdating ng kaisipang liberal sa bansa.

35 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Naipapaliwanag ang mga pangyayaring nagbigay daan sa paglinang


damdaming nasyonalismo.
Nasusuri ang mga epekto ng patakarang kolonyal sa pag usbong ng
nasyonalismo.

Nasyonalismo - ito ang katawagan sa maalab na pagmamahal at pag-aalaga sa lupaing


sinilangan at pagkakaroon ng adhikain para sa Inang Bayan. Hinangad ng mga Pilipino na makalaya sa
kamay ng mapang abusong Espanyol.
Mga Salik na nakapagpausbong ng damdaming Nasyonalismo
1. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan
Isang dikri noong 1789 ang bahagyang nagbukas sa Maynila sa kalakalang Pandaigdig bilang
pagbibigay pahintulot sa Campania Real de Pilipinas. Bunga nito umunlad ang mga produkto
ng panluwas at lumaki ang kapital ng bansa. Pinabuti ang teknolohiyang pansakahan at
dumami ang ani at mga produkto. Dahil sa pag unlad nagsimulang makakilala ang mga tao at
namulat sila sa sariling kalagayan.

2. Pagkakaroon ng pang-gitnang uri ng lipunan


Tinatawag sila bilang “Class Media” yumaman sila dahil sa pag unlad ng komersiyo at Agrikultura.
Sila ang bumubuo sa antas Principalia sa lipunan, na siyang nagpasimula ng paghiling ng
pagbabago at nagtatanggol sa mga karapatan ng mga Pilipino.
3. Pagsibol ng kaisipang liberal sa Pilipinas
Dala ng Espanyol ang mga kaisipang liberal na ito buhat sa Europa. Ito ay ipinamalas nila sa
kanilang malayang pagkilos at pananalita. Ang ganitong kaisipan, bagamat hindi tuwirang
ipinalaganap ay tumimo sa isipan ng mga katutubong Pilipino.
4. Kilusang Sekularisasyon:
Ang kilusang sekularisasyon ay itinatag upang ipagtanggol ang karapatan ng mga paring sekular
sa mga parokya. Mayroon dalawang uri ng paring katoliko sa ating bansa noon. Ang regular at
ang sekular. Ang paring regular ay may kinakaanibang orden tulad ng Dominikano, Heswita,
Pransiskano at iba pa. Ang paring sekular naman ay hindi kabilang sa kahit anong orden.
5. Si Gobernador Carlos Maria Dela Torre:
Naniniwala siya sa liberalismo at ipinamalas niya ito sa pamamagitan ng mga patakaran at
mahusay na pakikitungo sa mga Pilipino. Siya ay may pantay na pagtingin sa mga Espanyol at
mga Pilipino.
6. Ang pag aalsa sa Cavite noong 1872

36 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Noong panahon ng pamamahala ni Gobernador Rafael Izquierdo naging mahigpit at nagdulot ng


pahihirap sa mga Pilipino ang kanyang mga kautusan. Ang lahat ng mga manggawang Pilipino sa
Cavite na hindi nagbababyad ng taunang buwis ay inalisan niya ng karapatan at kabuhayan.
Gawain I
Magbigay ng anim (6) na salita sa pagkaunawa mo sa salitang nasyonalismo?
1. Pagpapakita ng pagkakaisa
2. Pagtutol sa di makatarungang pamamahala
3. Pagmamalaki sa sariling kultura
4. Pagtutulungan at paggalang sa kapwa
5. Pagmamahal sa bayan
6. Pagtangkilik sa sariling produkto

Nagprotesta ang mga mangagawa at ito ay ginawang isyu ng Gobernador at sinabing iyon ay pag
aalsa laban sa Inang Espanya.
7. Pagbitay sa tatlong paring martir
Ang pagbitay sa tatlong Pilipinong pari na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at
Padre Jacinto Zamora sa pamamagitan ng garrote ay isa sa pinakamahalagang salik sa
pagbubuklod sa damdamin ng mga Pilipino.

Gawain II
Isulat ang tsek ( ) sa patlang kung ang sumusunod ay salik na nakapagpausbong ng
damdaming nasyonalismo.Lagyan
✓ ng ekis (x) kung hindi.

✓ 1 , kilusang Sekularisasyun ✓ 6. Panggitnang -uri

✓ 2 . Liberal na kaisipan X 7 . Pag -aalsa ng mga kastila

3. Pag aalsa sa Cavite X 8 .Pabagu -bagung ng nanunukulan sa bansa



X 4 . Pagtatangi sa lahi ✓ 9. Pandaigdigang kalakalan

X 5 . Pagkatalo ng mga himagsikang

Pilipino laban sa mga kastila X 10.Pagkakaroon ng paring Pilipino sa

37 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang Pagkilos ng mga Ilustrados at Ang Kilusang Propaganda


Tatalakayin sa araling ito kung paano kumilos ng mga illustrados at paano naitatag ang Kilusang
Propaganda.

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan


Nakapagtatalakay sa mga pagkilos na ginawa ng mga illustrados upang
ipagtanggol ang ating bayan.
Nakapagbibigay ng mga nagawa at ibinunga ng kilusang
propaganda
Naihahambing at makapagpapaliwanag ng mga layunin ng
kilusang Propaganda at La Liga Filipina.

Sa mga nasaksihan ng mga Pilipinong ilustrados sa klase ng pamamahala na ipinatutupad ng


mga kastila ay unti- unti na silang nagsikilos at bumalangkas ng mga programa at bumuo ng mga
samahan na naglalayun ng pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng Espanya.
Ang Kilusang Propaganda
Isang kilusan na itinatag sa Espanya noong 1872 hanggang 1892 na naglalayon na humingi
sa pamahalaang Espanya ng reporma sa mapayapang pamamaraan. Nakilala sina Jose Rizal, Graciano
Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar bilang mga pangunahing propagandista.
Mga Layunin ng Kilusang Propaganda
1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas.
2. Gawing lalawigan o bahagi ng bansang Espanya ang Pilipinas.
3. Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Kortes ng Espanya.
4. Sekularisasyon ng mga pari o parokya sa Pilipinas.
5. Pagkalooban ang mga Pilipino ng kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag, pagpupulong
at paghaharap ng mga karaingan laban sa mga pang-aabuso.
6. Bigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino na maipagtanggol ang sarili sa mga
kasalanang ipinararatang sa kanila.
La Solidaridad. Ito ang pahayagan ng Kilusang Propaganda. Si Graciano Lopez Jaena ang
hinirang na patnugot ng nasabing pahayagan na naglabas ng unang isyu noong ika-15 ng Pebrero,
1889. Sina Mariano Ponce, Antonio Luna, Jose Ma. Panganiban, ay kasama sa pagpapalaganap ng
mithiing Pilipino at ilan pang hindi naging masigasig sa bandang huli. Gumamit sila ng iba’t ibang
sagisag upang hindi makilala at mailigtas ang kanilang mga kaanak kung sakaling paghigantihan sila ng
mga Kastila.
38 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang mga Layunin ng La Solidaridad


1. Tumulong sa mapayapang paraan upang makamtan ang mga pagbabago sa politika at
lipunan.
2. Ilantad ang nakalulunos na kalagayan ng mga Pilipino sa bansa upang mabigyang-lunas ng
Espanya.
3. Hadlangan ang masasamang impluwesiya ng nepotismo (paggamit ng impluwensiya upang
mapaunlakan ang isang kaanak) at konserbatismo (pagiging makaluma) sa pamamalakad ng
pamahalaan.
4. Itaguyod ang mga kaisipang liberal at kaunlaran ng bansa.
5. Ipaglaban ang mga makatuwirang mithiin ng mga Pilipino sa buhay, demokrasiya, at
pamumuhay na mapayapa at maligaya.
6. Ilantad ang mga di kanais-nais na gawi ng mga prayle at mga tiwaling patakaran ng
simbahan.
7. Sikaping himukin ang mga Pilipino tungo sa pagkakaisa.
Si Graciano Lopez Jaena ang unang patnugot at sumulat ng Fray Botod na tumuligsa sa mga
pang- aabuso ng mga prayleng Espanyol. Ang ikalawang patnugot ay si Marcelo H. del Pilar, na gunamit
ng sagisag na “Plaridel”. Itinatag at pinamatnugutan niya ang Diariong Tagalong noong 1882 kung saan
inilathala niya ang karaingan at kahilingan para sa mga pagbabago ng mahihirap. Si Dr Jose Rizal, ang
sumalat naman ng nobelang Noli Me Tangere kung saan tinalakay niya ang maling sistema ng lipunan
na nagpapahirap sa mga Pilipino noon. Sa kaniyang akdang El Filibusterismo, tinalakay naman niya ang
mga gawain ng isang rebolusyonaryo. “Dimasalang” at “Laong-Laan”nman ang ginamit niyang sagisag.
Ang iba pang manunulat at ang kanilang sagisag ay sina Mariano Ponce (Tikbalang, Naning, at
Kalipulako), Dominador Gomez (Romiro Franco), Antonio Luna (Tagailog), at Jose Ma. Panganiban
(Jomapa).
Mahigit na pitong taon naging tinig ang La solidaridad sa paghingi ng reporma. Mahalaga ang
pahayagang ito dahil matutunton dito ang pagyabong ng pampolitikang kaisipan ng mga Filipino. Nung
lumaun, nagsara ang La Solidaridad bunga ng maraming balakid na kinaharap nito tulad nang: kulang
sa pondo, walang kalayaan ang operasyon, at walang pagkakaisa ang mga Pilipino.
Dr. Jose Rizal
Naging pangunahing propagandista at tinaguriang Pambansang Bayani ng mga Pilipino si Dr.
Jose Rizal. Sa ibang bansa, bagamat maraming sumusuporta sa Kilusang Propaganda, nalimi ni Rizal
na hindi lubusang magtatagumpay ang kilusan kung hindi pag-iisahin ang mga Pilipino. Nilayun rin niya
na bumalik sa sariling bansa upang pag-isahin ang mga Pilipino. Itinatag ni Dr. Jose Rizal ang
samahang La Liga Filipina noong July 3, 1892 sa Pilipinas bunga ng pagkabigo ng Kilusang Propaganda
sa Espanya na makamit ang mithiin nito. Ang La Liga Filipina ay isang pansibikong organisasyong

39 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

sinimulan ni Rizal pagbalik niya sa Pilipinas na naglalayun ng pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng


mga kastila.

Ang mga Layunin ng La Liga Filipina


1. Magkaroon ng pagkakaisa ang buong kapuluan para sa kapakanan ng lahat.

2. Matugunan ang bawat kaanib sa panahon ng pangangailangan. 3. Matugunan ang


bawat kaanib sa panahon ng pangangailangan.
4. Matugunan ang bawat kaanib sa panahon ng pangangailangan.
5. Maisagawa ang mga pagbabago o reporma sa pamahalaan.

Konsepto ni Rizal tungo sa pagtatag ng isang bansa

Ang pagtatag ng isang bansang Pilipinas at ang kanyang konsepto ng nasyonalismo ay


nabuo at nag “mature: noong mga taong 1882 at 1887. Buhat sa labas ng bansa ay
nagkaroon siya ng mas malawak, at mas maliwanag na pananaw tungo sa kanyang bayang
sinilangan at ang mga tao rito. Buhat sa malayo, nakita niya at naintindihan ang mga suliranin
ng kanyang bayan. Kung paano at bakit inabuso at inalipusta ng mga dayuhan at mga
kakutyabang mga indio ang kanyang bayan. Dito nag-ugat sa isip, puso at damdamin ni Jose
Rizal ang pagmamahal, pagmamalasakit at pag-ibig para sa isang bayan. Sa mga panahong
ito niya nakita kung bakit sa loob ng ilang taon ang lumipas ay walang hanggan ang pang-
aabuso at pagsasamantala sa kanyang bayan. Ito ay ang mga sumusunod. Una, ang kawalan
ng pambansang kamalayan o “National consciousness”, ang uri ng mga indios at kawalan ng
sapat na edukasyon at kasanayan ng mga tao o mamamayan.

Tinuruan niya ang mga tao paano isasabuhay ang nasyonalismo o pagmamahal sa
bayan, sa isip, sa salita at sa gawa. Kaya sa kanyang iginuhit na plano tungo sa pagtatag ng
bayang Pilipinas binigyan niya ng halaga at diin ang edukasyon, pag-ibig at dangal sa bayan,
pagpukaw at paggising sa pamabangsang kamalayan, pagbabago ng mga mali o likong
pagpapahalaga (Values) at ang pagsasakripisyo tungo sa kabutihan ng lahat ng mamamayan.
Sa pamamagitan ng edukasyon ay magsisismulang magkakaroon ng pagkamulat ang mga
indio upang sila ay makawala sa kamangmangan. Sa pamamagitan rin ng edukasyon ay
malalaman ng mga tao na mayroon silang sariling bansa at sa pamamagitan rin nito ay
maitutuwid ang maling turo ng mga dayuhan na ang mga Filipino ay may mababang uri at
mga mangmang at hindi isinilang upang maging alipin lamang, sa pamamagitan ng pag-aaral
ng tamang kasaysayan ay malalaman ng mga Filipino (Indio) ang katotohanang sila ay may
maganda, masaya at may isang malayang kahapon. Sa pamamagitan nito ay makikita ng
mga Indio (Filipino) na may isang bansa at hindi hiwa-hiwalay ang mga tao at bawat isa ay
gumagawa at nag-aambag tungo sa pagtatatag ng isang bansa, Ang Filipinas.

40 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ipinaliwanang ni Jose Rizal na hindi madali ang magtatag ng isang bansa dahil kalakip
nito ang pagpapakasakit at mga paghihirap upang makamit ang kalayaan. Sa kaisipan ni Jose
Rizal tayo ay mga pinuno o “Leader” at ito ay ginagawa natin, maayos man o hindi, ang
pagiging pinuno ay nagbubuhat sa ating kalooban. Ang liderato ay larawan nang pagpapakita
ng pagkatao at patuloy na dumadaloy sa iyo habang ika’y nabubuhay.

Gawain I
Hanapin at bilugan ang mga sagisag sa crossword puzzle ng mga
sumusunod na propagandista. Maaring dalawa o tatlo sa bawat propagandista. Ang
mga Salita ay maaring pababa, pahalang,palihis o pabaliktad.

• Marcelo H. Del Pilar • Dominador


• Antonio Luna
• Mariano Ponce
• Jose Rizal
• Jose Ma. Panganiban

41 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

42 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Gawain II
Lagyan ng letrang O sa patlang kung layunin ng kilusang Propaganda at M kung hindi
ang mga sumusunod.
M 1. Kalayaan sa pagpili ng relihiyon.
M 2. Pagpapalaya sa mga Pilipinong napipiit.
O 3. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa
harap ng batas.
O 4. Kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag at pagpupulong.
M 5. Pagbibigay sigla sa edukasyon, pagsasaka at pangangalakal.
O 6. Gawing lalawigan o bahagi ng bansang Espanya ang Pilipinas.
O 7. Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa kortes ng Espanya.
M 8. Paghiwalay sa Espanya.
M 9. Itaguyod ang malayang kaisipan.
O 10. Sekularisasyon ng mga pari sa Pilipinas.

Post- Test
Huling Pagsususlit
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Bilugin ang titik lamang.
1. Ito ang sinsabing pinaka mahalagang salik na nagpausbong ng damdaming nasyonalismo ng
mga
Pilipino.
A. Sekularisasyon ng mga pari
B. Panggitnang-uri
C. Pagbitay sa tatlong paring martir
D. Paglaganap ng liberal na kaisipan.
2. Ang mga sumusunod ay mga layunin ng kilusang Propaganda maliban sa isa:
A. Pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan
B. Pagkakapantay pantay ng mga Pilipino at Espanyol
C. Asimilasyon ng Pilipinas bilang isang lalawigan ng Espanya.
D. Pagkakabuklod ng buong kapuluan ng Pilipinas.
3. Ang pahayagan ng Kilusang Propaganda
A. La solidaridad
B. La Liga Filipina
43 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

C. Gazeta de Manila
D. Kalayaan
4. Ang mga Pilipinong may kaya at nakapag-aral sa ibang bansa ay tinatawag na
A. Propagandista
B. Illustrados
C. Ang Tinig
D. Regular
5. Ang dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang Kilusang Propaganda
A. Walang pagkakaisa ang mga Pilipino
B. Hindi magkasundo sa mga layuning binabalangkas
C. Walang mahusay na pinuno
D. Hindi nagbabayad sa pagiging kasapi
6. Ang tawag sa mga pari noong panahon ng kastila na walang kinakaanibang orden
A. Regular
B. Dominikano
C. Sekular
D. Heswita
7. Ang halaga ng “Situado Real” na natatanggap ng Pilipinas sa pamahalaang kastila A. Dalawang
daan at limampung piso
B. Tatlumpung daang piso
C. Dalawangdaang piso
D. Tatlongdaan at limampung piso
8. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagsasara ng kalakalang Galyon maliban sa isa:
A. Nasalanta ang kabuhayan ng mga Pilipino
B. Tanging mga kastila lamang ang kumikita
C. Nakontrol ng mga kastila ang mga negosyo
D. Napabayaan ang pamamahala sa mga nasasakupan.
9. Ang kauna-unahang kolehiyo para sa mga babae na naitatag ng mga prayle sa Pilpinas
A. Santa Potenciana
B. Paaralang Normal
C. San Ignacio
D. Santo Tomas
10. Ang tawag sa mga nagpapaupa o nagbebenta ng mga lupang ibinebenta sa kanila ng mga
prayle. A. Mestiso
B. Sangley
C. Inquilino
D. Encomendero
11. Siya ang naging kinatawan ng mga Pilipino sa Kortes ng Espanya
A. Graciano Lopez Jaena
B. Ventura delos Reyes
C. Carlos Maria dela Torre
D. Rafael Izquierdo
44 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

12. Ang samahan na itinatag ng mga pari upang ipagtanggol ang kanilang karapatan
A. Nasyonalismo
B. Sekularisasyon
C. Liberalismo
D. Kristiyanismo
13. Ang Gobernador Heneral na namahala sa Pilipinas na may patakarang liberal at mahusay sa
pakikitungo sa mga Pilipino.
A. Valeriano Weyler
B. Ventura delos Reyes
C. Rafael Izquierdo
D. Carlos Maria dela Torre
14. Ang lugar kung saan nag alsa ang mga manggagawang Pilipino na kinasangkot ng tatlong paring
Pilipino na nabitay
A. Laguna
B. Tarlac
C. Cavite
D. Nueve Ecija
15. Ang patnugot ng Diaryong Tagalog
A. Graciano Lopez Jaena
B. Mariano Ponce
C. Marcelo H. del Pilar
D. Antonio Luna
16. Ang tawag sa kapangyarihan ng mga Prayle na pamahalaan ang edukasyon at relihiyon sa
Pilipinas
A. Frailocracia
B. Sangley
C. Kristiyanismo
D. Sekularisasyon
17. Ang kauna unahang unibersidad na naitatag sa Pilipinas
A. Santo Tomas
B. San Ignacio
C. Santa Potenciana
D. Paaralang Normal
18. Ang nakatuklas ng tornavieja o daanang kipot pabalik mula sa Pilipinas patungong Mexico
A. Alonzo de Arellano
B. Andres de Urdaneta
C. Carlos Maria dela Torre
D. Rafael Izquierdo
19. Ano ang epekto ng kalakalang Galyon sa pangangalakal sa Pilipinas?
A. Umunlad ang pangangalakal ng mga Arabe
B. Umunlad and Pilipinas
C. Umunlad ang pangangalakal ng mga Pilipino at Espanyol sa Pilipinas

45 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

D. Umunlad ang pangangalakal ng mga Tsino


20. Noong panahon ng kastila, anong pangyayari ang nagbigay ng pagkakataon sa Pilipinas at alin
mang bansa upang makapaglabas at makapagsarili ng paninda?
A. Pagbabagong tubo ng bansa
B. Pagbubukas sa Pandaigdigang kalakalan
C. Pagpasok ng mga produkto sa labas ng bansa
D. Paglaki ng kita at ani

46 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

MODYUL III “KABATAAN AT


REBOLUSYONG
PANGKAISIPAN NI JOSE
RIZAL”

“ Ang karunungan ay para sa


tao, ngunit huwag mong
lilimuting iya’y natatamo ng
may puso lamang “.

47 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

KABATAAN AT REBOLUSYONG PANGKAISIPAN NI RIZAL


Pambungad na Salita
Ang modyul na ito ay naglalayong matutugunan ang pangangailangan ng isang babasahing
tagalog tungkol sa pagsilang, pamilya, kabataan, pagkamulat at karanasan sa pag-ibig ni Jose Rizal.
Nakapaloob din sa modyul na ito ang naratibo na nauukol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng
dakilang bayani, na hindi pa gaanong nababatid ng karamihan,upang makaganyak ng maraming pang
Pilipino lalu na ang kabataan na matularan din nila at malaunan ay makita din nila ang oportunidad na
tinagin ang kanilang mga sarili na mapaiba din sa karaniwang Pilipino kahalintulad din ng naiwang
halimbawa o inspirasyon ni Jose Rizal. Sabi nga, ang buhay ni Rizal ay maihahalintulad sa isang balon
na habang sinasalukan ay lalo naming sumasarap ang tubig na idinudulot sa isang mauhawin sa
magagandang aral.

Mga Paksa
a. Pagsilang,pamilya at kamusmusan
b. Kabataan at unang edukasyon
c. Mataas na edukasyon
d. Paghahambing sa pamamaraan ng pagtuturo sa Ateneo at Santo Tomas
e. Pagsibol ng pag-ibig: Si Rizal bilang isang Dakilang Mangingibig

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod


Nababatid ang ilang mga tala sa pagsilang at kamusmusan ni
Jose Rizal
Nailalarawan ang natamong edukasyon ni Rizal
Naisa -isa ang mga babaing nakadaupang palad ni Rizal.
48 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Takdang Oras
Anim (6) na oras

Subukin

I. Isulat ang wastong sagot sa bawa’t puwang:

1. Ang unang guro ni Rizal sa Ateneo na tila baliw ay si Jose Bech .


2. Ang tulang sinulat niya para sa album ng mga manlililok na Pilipino ay ang
A. Filipina ..
3. Ang kamag-aral ng kanyang ama na kinuha nito upang magturo ng Latin kay Rizal sa kanilang
bahay ay si G. Leon Monroy .
4. Ang guro niya sa Ateneo na nagganyak sa kanya upang mag-aral na mabuti at sumulat ng
tula ay si Padre Francisco de Paula sanchez .
5. Ang dalawang dahilan kung bakit nag-aral ng medisina si Rizal sa Santo Tomas ay Gamutin
ang mata ng ina at dahil sa ipinayo sa kaniya ng kaibigang Rektor ng Ateneo .

Pagsilang at pamilya

Sa pagtatapos ng aralin ,inaasahang malinang ang sumusunod na kasanayan Nababatid


ang ilang tala pagsilang at pamilya ng bayani.
Nailalarawan ang kamusmusan ni Jose Rizal
Natutukoy ang pinagmulan ng pangalang Jose Protacio Rizal

Isinilang si Jose Rizal noong ika-l9 ng Hunyo, 1861. Isinilang siya sa Calamba sa lalawigan ng
Laguna. Ang bayang ito ay napapagitnaan ng Lawa ng Laguna at Batangas.Si Jose Rizal ang ika-pito sa
labing –isang anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda. Siya ay biniyagan noong
ika-22 ng Hunyo,1861 ni Pari Rufino Collantes, kura paroko ng Calamba. Ang kanyang ninong ay si
Pedro Casañas.
Ang Ama ng bayani, si Francisco (1818-1898) ay isinilang sa Binan, Laguna, noong Mayo
11,1818. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Noong bata pa,
pagkaraan mamatay ng mga magulang, lumipat siya sa Calamba at naging kasamang magsasaka sa
asyendang pag-aari ng mga Dominiko. Masipag siya, bihirang magsalita, ngunit mas maraming
nagagawa, malakas ang pangangatawan, at maayos ang pag-iisip. Namatay siya sa Maynila noong
Enero 5,1898 sa edad na 80. Sa tala ng kanyang buhay, tinawag ni Rizal ang kanyang ama na
"Huwarang Ama".
49 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Si Donya Teodora (1826-1911), ang ina ng bayani, ay isinilang sa Maynila noong Nobyembre 8,1826, at
nakapag-aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa, isang kilalang kolehiyo para sa kababaihan sa lungsod.
Kahanga-hanga siyang babae, mabini kung kumilos, may talino sa panitikan, negosyo, at taglay niya
ang kahalintulad na katatagan ng isang babaing Sparta. Masuyo siyang inilarawan ni Rizal: "Ang aking
Nanay at katangi-tangi; maalam siya sa panitikan at mahusay mag Espanyol kaysa sa akin. Siya ang
nagwawasto ng aking mga tula at binibigyan niya ako ng magagandang payo nang nag-aaral ako ng
retorika. Siya ay mahusay sa matematika at maraming aklat na nabasa. Namatay si Donya Teodora sa
Maynila noong Agosto 16,1911 sa edad na 85.

Ang Pamilya Rizal


Biniyayaan ng Diyos ang mag-asawang Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda ng
labinng-isang anak – dalawang lalaki at siyam na babae. Sila ay sina:

Saturnina (1850 – 1913) – panganay sa magkakapatid na Rizal, ang palayaw niya’y Neneng;
ikinasal siya kay Manuel T. Hidalgo ng Tanawan, Batangas.

50 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Paciano - kapatid na lalaki at katapatang-loob ni Jose Rizal; pagkaraang bitayin ang


nakababatang kapatid na lalaki , sumapi siya sa Rebolusyong Pilipino at naging Heneral; pagkaraan ng
Rebolusyon nagretiro siya sa kanyang bukid sa Los Baños , kung saan siya ay naging magsasaka at
namatay noong Abril 30,1930, isang matandang binata sa edad na 79. May dalawa siyang anak sa
kanyang kinakasama (Severina Decena) – isang lalaki at isang babae.
Narcisa (1852-1939) – palayaw niya ay Sisa at ikinasal siya kay Antonio Lopez (pamangkin ni
Padre Leoncio Lopez), isang guro sa Morong.
Olimpia (1855-1887) –ikinasal kay Silvestre Ubaldo, isang operator ng telegrapo mula Maynila.
Lucia (1857- 1919) – ikinasal siya kay Mariano Herbosa ng Calamba, na pamangkin ni Padre
Casañas. Namatay sa sakit na kolera si Herbosa noong 1889 at itinanggi sa kanya ang isang
Kristiyanong libing dahil bayaw siya ni Jose Rizal.
Maria (1859-1945) – Biang ang kanyang palayaw; ikinasal siya kay Daniel Faustino Cruz ng
Biñan, Laguna.
JOSE (1861-1896) – ang pinakadakilang bayaning Pilipino at henyo; ang kanyang palayaw ay
Pepe; habang bilanggo sa Dapitan, nakisama siya kay Josephine Bracken, isang Irlandes mula
Hongkong; nagkaanak siya rito ng lalaki ngunit ilang oras lamang nabuhay ang sanggol at namatay,
pinangalanan siyang "Francisco” ni Rizal, sunod sa ngalan ng ama, at inilibing siya sa Dapitan.
Concepcion (1862-1865) – ang kanyang palayaw ay Concha; namatay siya sa sakit sa edad na 3;
ang kanyang pagkamatay ay unang kalungkutan naranasan ni Rizal.
Josefa (1865-1945) – ang kanyang palayaw ay Panggoy; namatay siyang matandang dalaga sa
edad na 80.
Trinidad (1868-1951) – Trining ang kanyang palayaw; namatay rin siyang isang matandang
dalaga noon 1951 sa edad na 83.
Soledad (1870-1929) – bunso sa magkakapatid na Rizal; ang kanyang palayaw ay Choleng;
ikinasal siya kay Pantaleon Quintero ng Calamba.

Ang pangalan ng Bayani


Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda ang buong pangalan ng bayani..Ang Jose ay
ipinangalan sa kanya ng kanyang ina bilang pagbibigay-karangalan kay San Jose na isinilang noong
ika-
19 ng Marso
Ang pangalang Protacio ay buhat sa kalendaryo, sapagkat lahat ng isinilang sa ika-19 ng
Hunyo ay may katumbas na pangalan sa kalendaryong katoliko na Gervacio y Protacio at Sta.
Julian falconeri at noong panahon ng kastila ang pangalan ng bata ay kinukuha sa kalendaryo.
Ang apelyidong Mercado ay galing sa kanyang nuno na si Domingo Lamco,isang
mangangalakal na intsik.
Ang apelyidong Rizal naman ay napili ni Don Francisco na idinikit sa kanilang pangalan
alinsunod sa kautusan ni Gob. Narciso Claveria noong nobyembre 11, 1849, na lahat ng mga

51 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pilipinong walang apelyido ay maglagay at magdagdag sa kanilang pangalan.Napili niya ang


Rizal dahil hango ito sa salitang kastila na Ricial na ang kahulugan ay “Luntiang Bukirin”, akma ito
sa kanyang trabaho na isang magsasaka.
Ang apelyidong Realonda ay buhat sa apelyidong ginagamit ng kanyang ina na kinuha
naman sa kanyang ninang. A

Gawain II
I.Pagtambalin ang mga aytem sa hanay A sa mga salita o pangalan na nasa hanay B.
Isulat lamang ang titik sa bawat patlang bago ang tambilang.

ng apelyidong Alonzo ay matandang apelyido ng pamilya ng kanyang ina.

A B
H 1. Ninong ni Rizal a. Ricial
E 2. Unang kalungkutan ni Rizal b. Soledad
I 3. Buhat sa kalendaryo k.Domingo Lamco
A 4.Luntiang Bukirin d. Josefa
L 5. Sisa e. Concepcion
M 6. Huwarang Ama g. Maria
K 7. Mangangalakal na Intsik h.Pedro Casañas
G 8. Biang i Protacio
D 9. Panggoy l. Narcisa
B 10. Choleng m.Kikoy

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang malinang ang sumusunod na kasanayan.

Nailalarawan ang naging kabataan ni Rizal.


Natutunghayan ang mga bagay na nagmulat kay Rizal.
Nababatid kung saaang paaralan natamo ni Rizal ang kanyang
karunungan.

Kabataan at Edukasyon
52 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang unang naging guro ni Jose ay ang kanyang ina, tinuturuan na siyang magbasa sa edad na
tatlong taong gulang.Kaya bata palang si Jose ay mahilig na siya sa pagbabasa ng mga aklat.Naturuan
siya ng kanyang ina na magbasa sa aklat na “Amigo de los Niños” (kaibigan ng mga bata) kung saan
nakalimbag ang kwento ng gamu-gamo na nanging huwaran niya sa kanyang paglaki.
Sa tulong ng kanyang kapatid na si Saturnina ay natutuhan niya ang abakada.Sa gulang na
limang taon ay nabasa niya ang banal na kasulatan sa kanilang tahanan.
Noong tatlong taong gulang si Jose ay namatay ang kanyang kapatid na si Concha.Iyon ang
kauna unahan niyang pagluha dahil sa pagmamahal sa kapatid at pagdaramdam sa kanyang
pagkawala.
Nung siya ay pitong taong gulang kanyang naisulat niya ang isang dula na itinanghal sa pista ng
bayan.Binili ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna ang manuskrito sa halagang dalawang piso.
Nahilig din siya sa pagsusulat ng tula, kaya sa edad na walo ay naisulat niya ang tulang tagalog na “Sa
aking mga Kabata”, ito ay tungkol sa kahalagahan at pag-ibig sa wika.

Habang lumalaki si Jose, kinuha siya ng mga pribadong tagapag- turo sa


Alam mo
kanilang tahanan. Ang una ay si Maestro Celestino, ang pangalawa ay si
ba?
Maestro Lucas Padua. At ang huli ay isang matandang lalaki, na si Leon Monroy
na dating kaklase ng kanyang ama, naging guro ni Rizal sa Latin. Sa Ang
kasamaang-palad, hindi nagtagal ang kanyang buhay. Namatay siya
paboritong
pagkaraan ng limang buwan.
almusal ni
Pagkamatay ng kanyang gurong si G, Leon Monroy, nagpasiya Rizal ay ang
mga magulang niya na ipadala siya sa isang pribadong paaralan sa sardinas Biñan.
Noong Hunyo, 1870, hinatid ni Paciano ni Rizal sa Biñan. Ang secas o tuyo
magkapatid ay sumakay ng Karomata, at narating ang Biñan at isang
pagkaraan ng isa’t kalahating oras. tasang kanin
Kinahapunan ng una niyang araw sa paaralan, habang ang guro na may ay
nagsisiyesta. Nagalit siya kay Pedro dahil pinagkatuwaan kasamang
siya.Hinamon ni Jose si Pedro ng suntukan. Hindi naman nagdalawang mainit na isip si
Pedro at tinanggap ang hamon. Marahil ay naisip nito na madali niyang tsokolate.Sa
matatalo ang taga –Calamba na mas bata at mas maliit sa kanya. pananghalia
Nagsuntukan ang dalawang bata sa silid-aralan, na ikinatuwa ng n madalas
kanilang mga kaklase. Si Jose, na tinuruan ng kanyang Tiyo Manuel ng niyang ulam sining
ng pakikipaglaban, ang siyang tumalo sa mas malaking bata. Dahil ang isadang dito,
naging popular na siya sa kanyang mga kaklase. ayungin.
Pagkatapos ng klase sa hapon, isa pang kamag-aral, si Andres
Salandanan, ang humamon sa kanya ng bunong braso. Dahil mahina ang braso ni Rizal, natalo si Rizal
at nang mag-away ay muntik nang mabasag ang kanyang ulo sa bangketa.
Sa mga araling pang-akademiko, tinalo ni Jose ang lahat ng mga kaklaseng taga Biñan.
Naunahan niya ang lahat sa Espanyol, Latin, at iba pang asignatura. Dito niya nakabisado ang
multiplication table.May ilang kaklase ang naiinggit sa kanyang talino.Lagi nilang isinusumbong si Rizal
53 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

sa guro tuwing nakikipag-away siya. Kung anu-ano ring kasinungalingan tungkol kay Rizal ang sinasabi
nila sa guro. Kaya napipilitan ang guro na parusahan si Jose. Kaya nasabi ni Rizal na "kahit mabait na
bata ang reputasyon ko, bibihira ang araw na hindi ako nabibigyan ng lima o anim na palo ng aking
guro”.
Bago mag-pasko noong 1870, nakatanggap si Jose ng liham mula sa kapatid niyang si Saturnina,
at ipinaalam sa kanya ang pagdating ng barkong Talim sa Biñan na siyang mag-uuwi sa kanya sa
Calamba. Nang mabasa niya ang sulat nagkaroon siya ng premonisyong di na siya babalik sa Biñan
kaya naging malungkot siya. Nagdasal siya sa simbahan, nangolekta ng mga bato sa ilog bilang alaala,
at nagpaalam sa kanyang guro at mga kaklase.
Umalis siya ng Biñan ng Sabado ng Hapon ng Disyembre 7,1871, pagkaraan ng isa’t kalahating
taon ng pag-aaral sa bayang iyon. Tuwang-tuwang lumulan sa barkong Talim, dahil ito ang kauna-
unahang pagkakataon niyang makasakay sa isang barko.

Ateneo De Municipal
Dahilan sa ipinamalas na kahusayan sa
larangang pang-akademya, naging mataas ang
pangarap ng kanyang pamilya para sa kanya
kaya naman kapwa ninais ni Don Francisco, ang
kanyang ama, at ni Paciano,
kanyang nakatatandang kapatid, na
makipagkarera siya sa isang paaralan sa
Maynila.Ang orihinal na plano ng ama ay sa San
Juan de Letran mag- aaral si Rizal ngunit mas
nagustuhan niya ang turo sa Ateneo kaya doon
siya nakipag eksamen.
Sa panahong yaon ang paaralan ay nasa
ilalim ng pamamahala ng mga paring Heswita.
Sa umpisa ay hindi tinanggap si Rizal dito dahil
nahuli siya sa pagpapatala at napakaliit niya para sa kanyang gulang.Sa tulong ni G. Manuel Xeres
pamangkin ni Padre Burgos, ay natanggap si Jose sa Ateneo.Sa kanyang pagpapatala ay ginamit niya
ang apelyidong “Rizal”.
Unang Taon sa Ateneo (1872– 1873)-sa unang buwan pa lang ng pag-aaral ni Rizal sa Ateneo ay
nakapagmalas na siya ng kakayahan.Siya ang tinanghal na pinakamahusay sa klase at tinawag siyang
“Emperador”.Si Padre Jose Bech - ang guro ni Rizal sa unang taon niya sa Ateneo.Noon ay hindi pa
siya gaanong matatas sa pagsasalita ng wikang kastila kaya tuwing rises nila ay nagpupunta siya s
Colegio de Santa Isabel upang mag-aral ng kastila.
Malungkot si Rizal sa unang taon niya sa Ateneo sa dahilang ang kanyang ina ay nasa
bilangguan.Napagbintangan na nilalason ni Donya Teodora ang kanyang hipag.Nung nung siya ay
magbakasyon lihim siyang pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kanyang ina at kinuwentuhan ang
ina ukol sa kanyang pag-aaral.

54 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pangalawang Taon (1873 –1874). Masaya si Rizal dahil dumating sa Ateneo ang ilan sa mga dati
niyang kamag –aral sa Biñan. Sa taong 1874 nakalaya si Donya Teodora at ito ay nagdulot ng di
matawarang kasiyahan kay Rizal .Napamalas ang kasiyahan ni Rizal sa pagkakaroon ng mabubuting
marka at pagbabalik ng pagkahilig sa pagsusulat.Dito niya naisulat ang unang kastilang tula na may
pamagat na Mi Primera Inspiracion (ang aking unang Salamisim)na inialay niya sa kaarawan ng
kanyang ina.. Nahilig din siya sa pagbabasa ng mga nobela ng pag –ibig. Ang unang nobelang nahiligan
niya ay ang The Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas.Ipinabili niya sa kanyang ama ang Universal
History ni Cesar Cantu na nakatulong ng malaki sa kanyang pag-aaral. Binasa rin niya ang Travels in
the Philippines ni Dr. Feodore Jagor.
Ikatlong taon (1874-1875). Isa sa mga naging guro ni Rizal ay si Padre Francisco de Paula
Sanchez, inilarawan niya bilang isang modelo ng katuwiran at pagsisikap para sa pag – unlad ng
kanyang mga mag –aaral. Humanga ang mga paring Heswita sa galling ni Rizal sa paglililok kaya
hiningan siya ni Padre Lleonart na ililok siya para sa Sagrado Corazon de Jesus. Ang guro niya rito ay si
Romualdo de Jesus.
Ikaapat na Taon (1875-1876) Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsulat ng mga tula at naisulat niya sa
panahong ito ang Felicitacion (pagbati) bilang tugon sa kahilingan ng kanyang kapatid na si Narcisa
para sa kanyang asawa na si Antonio Lopez. Marami rin siyang naisulat na tulang pangrelihiyon.
Huling Taon (1876 – 1877) Nag – aral si Rizal ng Pilosopiya, Physics, Chemistry at Natural History.
Hinikayat siya ni Padre Jose Villaclara na itigil ang pagsusulat at iwanan na niya ang grupong Musa
(Muses) subalit hindi ito sinunod ni Rizal.Tuloy-tuloy ang pagpapamalas ni Rizal ng kanyang
katalinuhan. Nalinang ng husto ang kanyang kakayahan sa paglikha ng mga sining-biswal at iba pang
anyo sa gabay ng kanyang paboritong guro na si Padre Francisco de Paula Sanchez.
Sa kanyang pagtatapos nakamit ni Rizal ang Bachiller en Artes noong Marso 23,1877 at limang medalya.

Universidad ng Santo Tomas


Pagkaraang makatapos ni Rizal sa Ateneo
nang may pinakamataas na karangalan, ay
nagtungo naman siya sa Unibersidad ng Santo
Tomas upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Ang balak na ito ni Rizal ay tinutulan ng kanyang
ina, dahil nararamdaman ni Donya Teodora ang
hindi magandang pweding mangyari kay Rizal.
Aniya, ang sobrang katalinuhan ni Rizal ang
magdadala sa kanya sa hukay.
Ang Universidad sa panahon na iyon ay
pinamamahalaan ng mga paring Dominikano.
Ang unang kursong kinuha ni Rizal rito ay
Pilosopiya Y Letras. kasunod nito ay nagpatala siya
sa apat na sabay-sabay na kurso ang Kosmolohiya,
Metapisika, Teolohiya at Kasaysayan ng Pilosopiya.
Habang nag-aaral sa Santo Tomas nahikayat siya ng kanyang mga dating guro sa Ateneo na bumalik
55 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

doon kaya kumuha siya ng bokasyunal na Agrimensor. Nabigyan siya sa Ateneo ng Titulong Perito de
Agrimensor (pinaka mahusay na surbeyor).Dahil mahusay sa pagtatakda si Rizal (Scheduling) ng oras
nagampanan niya lahat ng gawain sa pag-aaral at pakikisalamuha sa kanyang mga kaibigan.
Nang sumunod na taon, sa payo ng kanyang kaibigang rector sa Ateneo na bagay sa kanya ang
kursong medisina.Sumang ayun si Rizal kaya agad na nagpatala, dahil sa panahong iyon ay nanlalabo
na ang mga mata ng kanyang ina at nais niyang gamutin ang mga ito.
Patuloy siyang dumadalaw sa Ateneo kahit na nag-aaral siya sa Pamantasan ng Santo Tomas.
(Ang Ateneo at Santo Tomas sa panahong ito ay parehong nasa intramuros)Siya ay pangulo ng
Pampanitikang Akademya ng kastila at kalihim ng Akademya ng mga Likas na Agham.Ipinagpatuloy din
niya ang pagiging kasapi at kalihim ng Marian Congregation sa Ateneo.
Noong 1879 ay nagdaos ng patimpalak ang Liceo Artistico-Literario de Manila, ito ay samahan
ng mga mahihilig sa panitikan at sining.Isinali ni Rizal ang kanyang tulang Ala Jueventud Filipina. (Sa
Kabataang Pilipino)
Nagustuhan ng mga hurado ang tula ni Rizal at nanalo ng unang gantimpala.Ang premyo ay
isang plumang pilak,hugis –pakpak na may lasong kulay ginto.Natuwa si Rizal dahil kahit lahat ng mga
hurado sa timpalak ay mga kastila ay nagustuhan pa rin ang kanyang gawa.
Ang tulang Ala Juventud Filipina ay nagpapahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino.Sa
tula ay hinihiling ni Rizal ‘na ang mga kabataan ay magbangon sa pagkakahimlay, gamitin ang kanilang
katalinuhan upang mapatid ang tanikalang pumipigil sa pag usbong sa mga matatalinong kabataang
Pilipino”
Sa panahong ding ito naramdaman ni Rizal ang umibig at mabigo.Bilang binata ay marami ring
siyang babaing nakadaupang palad.Isa na rito ay si Leonor Rivera, nag-aaral sa Colegio ng La
Concordia at kamag-aral ng pinakabatang kapatid ni Rizal na si Soledad.Ang pag-iibigan nina Leonor at
Jose ay nagsimulang yumabong ng makipag-away si Rizal at umuwing duguan.Ang sugat ni Rizal ay
ginamot ni Leonor.
Sila ay naging magkasintahan. Sa kanilang mga sulat ay ginamit ni Rizal ang pangalang “ Pepe”
at si Leonor naman ay ginamit ang pangalang “Taimis”.
Naging aktibo si Rizal sa mga pagsali sa mga patimpalak sa Santo Tomas.Halos lahat ng
isinasali niya na mga tula ay nagwawagi tulad ng El consejo delos Dioces nakamit ang unang
gantimpala.Isang singsing na ginto na may nakaangat na busto ni Cervantes ang ibinigayn kay Rizal
bilang gantimpala.
Noong Disyembre 8, 1880 ay itinanghal sa Ateneo ang isang tulang Junto Al Pasig ni Rizal
bilang parangal sa kapistahan ng Birhen Imakulada.Sa taong ding ito naisulat ni Rizal ang isang sonata
na A Filipinas sa aklat ng samahan ng mga manlililok.Sa sonetang ito naipakita ni Rizal ang
pagpapahalaga niya sa bansang Pilipinas. Natagpuan ni G.Romualdo de Jesus ang orihinal na
manuskrito ng soneta.
Naitatag din si Rizal ang Compañerismo, isang samahan o kapatiran ng mga Plipinong mag-
aaral sa Santo Tomas na naglalayun na ipagtanggol ang bawat miyembro laban sa mga mapangutyang
estudyanteng kastila.

56 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Sa kabila ng mga tagumpay na natamo ni Rizal sa Pamantasan ng Santo Tomas ay hindi pa rin
siya nasiyahan.Sa kanyang palagay ang mga gurong Dominikano ay galit sa kanya, napansin ni Rizal ay
may mababang pagtingin sa mga mag-aaral na Pilipino at tinatawag silang Indiyo.Kaya’t nung matapos
niya ang apat na taon sa medisina noong 1882 ay sinunod niya ang payo ng kanyang tiyuhin at kapatid
na si Saturnina na sa ibang bansa niya ipagpatuloy ang pag-aaral na medisina.
Naisangguni ni Rizal ito sa kanyang kuya Paciano kaya nagkasundo ang dalawang magkapatid
na si Rizal ay mag-aaral sa ibang bansa at susuportahan ni Paciano habang inaalagaan ang kanilang
mga magulang.Napagkaisahan din nila ang paglalakbay na ito ni Rizal ay ililihim nila sa kanilang mga
magulang at sa mga may kapangyarihan.
Gawain I
Direksiyon: Lagyan ng Tsek ( ) ang hanay ng TAMA kung naayon sa kawastuan ang saysay
ng pangungusap at kung di naayon sa kawastuan lagyan ng ( X ) sa hanay ng Mali at ibigay ang
katumbas na salita ng may salungguhit na salita o parirala upang maiwasto ang saysay ng
pangungusap

Ano ang katumbas ng may


Mga Pangungusap TAMA MALI salungguhit na parirala upang
maiwasto ang saysay ng
pangungusap
1Sa edad na walo naisulat niya ang ✓
tulang Sa aking mga kabata.
2. Unang taon pa lamang niya sa ✓ Ateneo de Municipal
Santo Tomas ay tinagurian na siyang
Emperador.
3. Labis na ininda ng batang si Pepe ✓ Concepcion
ang maagang kamatayan ng kapatid
na si Olympia
4. Labis na naimpluwensiyahan ng ✓ Tiyo Manuel, Sining sa
kanyang Tiyo Gregorio ang batang si pakikipaglaban
Jose Rizal sa pagpapahalaga sa
larangan ng palakasan
5. Si Don Francisco ang ✓
nagpasiyang dalhin si Pepe
sa pribadong paaralan sa
Binan.
6. Parehong nakapag-aral sa ✓ Kolehiyo ng San Jose
Colegio de San Juan de Letran si
Don Francisco at Kuya Paciano ni
Jose Rizal.
7. Samantalang ang Ina na si Donya ✓
Teodora ay nakapag-aral naman sa
57 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Colegio de Sta Rosa.


8. Sa napakaagang idad 3 taong ✓ Limang taong gulang
gulang pa lamang ay nakababasa
nan g bibliyang nakasulat sa latin ang
batang si Pepe.

9. Sa Ateneo de Municipal unang ✓


ginamit ang apelyidong Rizal
10. Si Maestro Lucas Padua ang ✓ Leon Monroy
guro niya sa wikang Latin.

Gawain II
Ibalik sa gunita ang mga ibat –ibang karanasan ng batang si Jose Rizal sa kanyang unti –unting
pagtuklas ng karunungan. Isulat lamang ang titik na katumbas ng karanasan sa talahanayan na
nasa ibaba at iakma ito sa akmang hanay.

A. Napalaban ng suntukan sa kamag-aral na si Pedro.


B. Nagkamit siya ng unang gantimpala sa isang timpalak sa tula.
C. Malimit na kinaingitan ng kanyang mga mag-aaral at di na niya mabilang ang dami ng palong
tinanggap mula sa kanyang guro.
D. Labis niyang ikinamangha ang aral sa kwento ng gamo-gamo
E. Nabasa niya ang aklat na The Count of Monte Cristo
F. Nagsimula siyang magsulat ng tula na nakasulat sa wikang espanyol.
G. Napabilang siya sa grupo ng mga mag-aaral na Kartigiyano.
H. Nadagdag sa kanyang natutuhan ang Multiplication Table
I. Di siya gasinong nakakapagsalita pa ng wikang espanyol kaya kinailangan pa niyang magpatutor
sa kalapit na paaralan.
J. Naging tagapag-turo niya sa Latin si Maestro Leon Monroy

Calamba Maynila
Binan (Santo Tomas at
Ateneo de Municipal)
D A B
F C E
J H G
I

58 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang malinang ang sumusunod na kasanayan


Naipaghahambing ang naging pamamaraan ng pagtuturo sa Ateneo at
Santo Tomas sa panahon ni Rizal
Nababatid ang tunay na saloobin ng mga prayleng Dominikano sa mga mag-
aaral n Pilipino.
Nalalaman ang dahil kung bakit ninais ni Rizal na mag –aral sa ibang
bansa.

Paghahambing sa pamamaraan ng pagtuturo sa Ateneo at Santo Tomas sa karanasan ni Rizal


Ang Ateneo sa panahong iyon ay
pinamamahalaan ng mga
paring
Heswita.Ayun kay Rizal ang mga guro nila
ay mga bata pa at masisipag magturo.
May pantay na pagtingin sa mga mag-
aaral ng Pilipino at Espanyol.Madisiplina
rin ang mga paring Heswita sa kanilang
mag-aaral. Matataas ang kanilang pinag-
aralan, karamihan sa kanila ay nagtataglay
ng makabagong kaisipan tungkol sa
agham,at totoong malayo sila sa ibang
mga fraile. Sa Sistema ng pamamalakad ng mga heswita sa Ateneo ay may dalawang pangkat ng mga
mag-aaral: Unang pangkat ay tinatawag na imperyong Romano,karamihan sa nabibilang rito ay nakatira
sa loob ng paaralan at ang ikawalang pangkat ay ang imperyong Kartigyano, na ang karamihan naman
sa labas ng paaralan nakatira. Ang mga miyembro ng bawat pangkat ay inihahanay sa kanilang
tagumpay sa pang-araw-araw na leksyon.Sa simula ng unang taon si Rizal ay nabilang sa imperyong
kartigyano subalit nang gawaran siya ng parangal bilang pinakamarunong sa klase at tumanggap ng
mga medalya ay nalipat na siya sa unang pangkat. Isa sa mga naging guro ni Rizal sa Ateneo ay si
Padre de Paula Sanchez. Sa paglalarawan ni Rizal kay Sanchez ay
“isang huwaran ng pagkamakatwiran, pagkamaagap at may pagmamahal para sa pag-unlad ng
kanyang mga mag-aaral”.
Sa loob ng limang taon na pag-aaral ni Rizal sa Ateneo ay naging maayos at kapakipakinabang
ang pananatili niya rito.Nalinang ng husto ang kanyang kakayahan sa literature at
panitikan.Nakatanggap siya ng maraming parangal at nagtapos ng kanyang karera sa Ateneo ng may
pinakamatas na marka.
59 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Sa udyok ng kapatid ni Rizal na si Paciano na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Lumuwas siya
ng Maynila at nagpatala sa Pamantasan ng Santo Tomas.Noong panahon na iyon mga paring
Dominikano ang nagpapatakbo ng Santo Tomas.Ang mga Dominikano ang halos nagmamay-ari ng mga
lupang pansakahan kasama na dito ang lupang sinasaka ni Don Francisco, ama ni Rizal.
Sa unang taon palang ni Rizal sa Santo Tomas nakaranas na siya ng kalupitan ng isang opisyal.
Ito ay nung hagupitin siya ng buntot pagui ng isang teniente ng Guwardiya Sibil dahil daw sa hindi niya
pagbibigay galang sa teniente. Kasabay ng pagpapakadaluhasa ni Rizal sa medisina ay abala rin siya sa
pagsali sa mga timpalak at pagsulat ng mga tula,drama at sonata.
Aktibo rin si Rizal sa mga gawaing pang estudyante. Siya ang madalas na nagiging kampyon sa
mga palarong paligsahan. Dahil dito ay maraming nakakakilala sa kanya at madals ay kinakaingitan siya
lalo ng mga estudyanteng kastila na madalas na nagiging sanhi ng awayan.
Napapansin ni Rizal na madalas na nabubully ang mga estudyanteng Pilipino kaya bumuo si
Rizal ng isang samahan ng mga estudyanteng Pilipino.Tinawag niya itong Compañerismo kung saan
ang mga miyembro ay tinatawag na kasama ni Jehu, hango sa isang bantog na personalidad sa
kasaysayan ni Israel.Si Rizal ang pangulo at ang kanyang pinsan na si Galicano Apacible ang kalihim.
Hindi nasiyahan si Rizal sa pamamahala ng mga Dominikano sa Santo Tomas dahil sa ‘di pantay
na pagtingin nila sa mga estudyanteng Pilipino.Mapagmataas ang mga guro at mababa ang tingin sa
mga estudyanteng Pilipino. Makaluma ang kanilang pamamaraan sa pagtuturo at luma rin ang kanilang
mga kagamitan sa pagtuturo.Ang mga gamit sa laboratoryo ay nakatago lamang sa aparador hindi
pinapagamit sa mga estudyante at bulok ang Sistema sa pamantasan.
Kung sa Ateneo ay matatas ang marka ni Rizal hanggang makapagtapos, sa Santo Tomas
naman ay hindi napantayan ang marka noong siya ay nasa Ateneo.Hindi siya kumbinsido sa mga grado
na nakuha sa Santo Tomas na sa kanyang palagay ay hindi akma sa kanyang kakayahan.
Nakintal sa isipan ni Rizal ang mga panlalait at diskriminayon ng mga Dominikanong prayle sa
Santo Tomas.Naramdaman niya na may kinikilingan ang mga ito at ayaw nilang nalalamangan ng mga
estudyanteng Pilipino ang mga estudyanteng kastila. Ito ang nagtulak kay Rizal na lisanin ang Pilipinas.
Ang mga karanasan ni Rizal sa pag-aaral sa dalawang pamantasan ay magkaiba ngunit
masasabi nating mas may malaking impluwensiya sa kanya ang Santo Tomas dahil dito siya nakaranas
ng pagmamalupit at diskriminasyon na naging dahilan upang umusbong ang damdaming nasyonalismo
sa kanya at magnais na madagdagan ang kanyang kaalaman sa ibang bansa. Nang sa ganun ay
magkaroon siya ng lakas ng loob na lumaban at humingi ng reporma sa ilalim ng pamamalakad ng mga
kastila.

Gawain I
Sagutin ang bawat tanong gamit ang 2-4 na pangungusap lamang.
1. Ipaliwanag ang kaibahan ng pamamaraan ng pagtuturo sa Ateneo at Santo Tomas sa
panahon nio Rizal.
➢ Ang malaking pagkakaiba sa sistema ng Ateneo at Santo Tomas noong panahon ni
Rizal ay ang pantay na pagtrato sa mga estudyanteng Pilipino at estudyanteng
Kastila. Tila sinisigurado ng mga guro sa Santo Tomas na di malalamangan ng mga
60 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pilipino ang mga Kastila at ang kanilang sistema ay makaluma din hindi tulad ng
Ateneo na maraming kaalaman lalo na sa agham.
2. Ilarawan ang Sistema ng edukasyon sa Ateneo sa panahon ng mga kastila.
➢ May pantay na pagtingin sa mga mag-aaral ng Pilipino at Espanyol, at madisiplina
ang mga paring Heswita sa kanilang mag-aaral. Matataas ang kanilang pinag-aralan
na may mataas din na kaalaman tungkol sa agham

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang malinang ang sumusunod na kasanayan


Naisa-isa ang mga babaing nakadaupang palad niya.
Nabibigyang -puna ang naging pamamaraan ni Rizal sa pagtatangi ng babae.
Nakikilala kung sino ang tunay niyang iniibig.

Pagsibol ng pag-ibig: Si Rizal bilang isang Dakilang Mangingibig Si


Julia
Si Julia ang puppy love ni Dr. Rizal. Nakilala niya si Julia noong isang
araw ng Abril 1877 habang nasa dalampasigan ng ilog ng Dampit, Los
Baños, Laguna upang maligo. Narinig niya na tinawag ang dilag ng kanyang
lola sa pangalang Julia kaya’t kanyang nalaman ang pangalan nito.
Nabighani siya habang pinagmamasdan ang dalagita. Nakita niya
itong nanghuhuli ng paru-paro at para makilala niya ito ay humuli din siya ng
dalawang paru-paro at ibinigay niya ito kay Julia. Ito ang naging daan upang
sila ay magkakilala. Naging magkaibigan ang dalawa at kanyang masuyong
inihahatid ang maglola sa Los Baños. Siya rin ang tinuturing na Minang ni Dr.
Rizal sa kanyang alaala.
Segunda Katigbak
Si Segunda ang unang pag-ibig ni Rizal.Siya ay
labing apat (14) na taong gulang na dalagita na kapatid
ng kaklase at kaibigan ni Pepe na si Mariano Katigbak.
Kolehiyo ng La Concordia ang kanyang paaralang
pinasukan kung saan rin nag-aral ang kapatid ni Rizal na
si Olympia.
Ayon sa iba, nagkita ang dalawa sa Trozo, Manila
kung saan binisita ni Rizal ang kanyang lola na nakatira
mismo sa nasabing lugar. May mga nagsasabi rin na
nagkita sila sa Lipa, Batangas kung saan nanggaling ang

61 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

pamilya Katigbak. Malimit na pumupunta noon si Pepe sa


Kolehiyo ng La Concordia hindi lang para dalawin ang
kanyang
kapatid kundi upang masulyapan ang dalagita. Ngunit hindi nagtagal ang panliligaw ni Rizal dahil
nakatakda ang pagpapakasal ni Segunda sa isang taga-Lipa rin na si Manuel Luz.
Leonor Valenzuela
Si Leonor na kilala sa palayaw na “Orang”. Siya
ay katorse anyos at si Rizal ay labing walong taon (18)
magkapitbahay ang dalawa sa Intramuros nang
minsang mag-aral ito sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Matangkad ang dalaga, at tiga Pagsanjan Laguna.
Sa kadahilanang magkapitbahay lamang ang
dalawa, madalas makitang nakaistambay si Pepe
kasama si Orang. Madalas din ang pagsusulat ni Rizal
ng liham pag-ibig sa dalaga sa pamamagitan ng
paggamit tintang hindi nakikita.
May espesyal na pagtingin ang batang Rizal kay
Orang, subalit maaaring hindi parehas ang
nararamdaman nila para sa isa’t isa sa pagtanggap niya ng ibang manliligaw. Naudlot ang kanilang
magandang pagtitinginan.
Leonor Rivera
Si Leonor ay anak ng kanyang amain na si
Antonio Rivera na siyang pinsan ng kanyang amang si
Francisco. Sa madaling sabi, naging katipan niya ang
kanyang pinsan noong siya ay nag-aaral sa Santo
Tomas. Siya ang inspirasyon ni Rizal sa paglikha ng
karakter na si Maria Clara sa Noli Me Tangere at El
Filibusterismo.
Nagkakilala ang dalawa noong 13 taong gulang
pa lamang si Leonor. Hindi naputol ang koneksyon ng
dalawa kahit nangibang-bayan ni Rizal matapos ang
dalawang taon upang magpakadalubhasa. Sa unang
taon ay patuloy ang sulatan ng dalawa. Gumamit ng
sagisag na Taimis si Leonor sa kanilang sulatan. Sa
katunayan, nagtagal ng 11 taon ang kanilang relasyon at sa mga panahong yaon naging inspirasyon
ang dalaga sa kanyang pag-aaral.
Ngunit tutol ang ina ni Leonor sa pag-iibigan nila. Sa halip na kay Rizal, gusto nito na maipakasal
ang dalaga kay Henry Charles Kipping, isang Ingles na inhinyero. Ayaw ni Leonor sa Ingles na ito,
subalit pilit siyang kinumbinsi ng matigas niyang ina rito. Nagawa pa nitong itago ang mga sulat mula
kay Pepe at sabihan ang dalaga na ikakasal na diumano si Rizal sa anak ni Ferdinand Blumentritt. Sa
kalaunan ay napaniwala si Leonor sa kasinungalingang ito at napilitang magpakasal kay Kipping.
62 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Consuelo Ortiga y Rey


Si Consuelo ay sinasabing pinakamagandang
anak dating alkalde ng Maynila na si Don Pablo Ortiga y
Perez, sa panahon ng panunungkulan ni Gobernador-
Heneral Carlos Maria dela Torre noong 1869-1871.
Labing walong taong gulang ang dalaga.
Setyembre taong 1882 ng magkita ang dalawa.
Dahil nga nag-iisa at malayo sa kanyang pamilya at
bayang sinilangan, hindi maiiwasang tumibok muli ang
puso ni Rizal para sa iba. Maraming regalo ang
inihandog niya kay Consuelo: telang gawa sa sinamay,
panyong gawa sa pinya at tsinelas bilang paghanga sa
dalaga, napasulat pa nga ito ng tula na pinamagatang A
La Senorita C.O. y P.
Nilihim nalan ni Pepe ang relasyong namamagitan sa kanila ni Consuelo. Ito ay sa kadahilanang
may ugnayan pa siya kay Leonor Rivera noong mga panahon na iyon. Isa pang dahilan ay ang pagtingin
ng kaibigan niyang si Eduardo de Lete, isang mestizo mula sa Leyte, sa dalaga. Mas nanaig ang
pagkakaibigan kaysa sa isang babae.

O Sei-San
Ang tunay na pangalan ni O sei –san ay Seiko Usui,
isang anak ng Samurai. Nagtatrabaho ang dalaga sa
legasyon ng Espanyol sa Tokyo. Noong Pebrero 1888,
nagtrabaho si Pepe sa legasyon ng Espanyol sa bansang
Hapon at doon nakilala ni Rizal si O sei-San. May
kakayahang magsalita ng wikang Ingles at Pranses ang
Hapones, kaya madaling nakapagbuo ng relasyon ang
dalawa. Tinuruan rin ng dalaga si Rizal ng wikang Hapon.
Mababasa sa kanyang talaarawan ang sulat niya para kay
Seiko na nagsasabing,
…Sa iyo ay inialay ko ang mga huling
bahagi ng aking kabataan.Binuhay mo ang bawat hibla ng aking
diwa. Ikaw, na nagtataglay ng kulay, kasawian at kagandahan
ng saresa (cherry blossoms)…
Ngunit dahil sa kanyang misyon para sa Inang Bayan, kinailangan niyang umalis at iwan ang
Haponesa papuntang San Francisco sa Estados Unidos noong April 13, 1888.
Gertrude Beckett

63 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Si Gertrude ay isa sa anim na anak ni Charles


Beckett. Si Charles ay ang Ingles na nagmamay-ari ng
37 Chalcot Cresent, isang paupahang bahay sa
London, England kung saan namalagi noon si Rizal
noong Mayo taong 1888.
Nangupahan si Rizal sa bahay ng mga Beckett,
nakilala niya si Gertrude na tinawag niyang Gettie.
Hindi naglaon ay nagkagusto na ang dalaga kay Pepe.
Pinagluluto siya ng masasarap na pagkain at
tinutulungan niya si Rizal sa kanyang mga gawang
sining. Kabilang dito ay ang Prometheus Bound, The
Triump of Science over Death at The Triump of Death over Life.
Bago pumunta ng Paris noong Marso 1889, ibinigay niya ang eskultura ng magkakapatid na
Beckett na mismong kanyang nililok. Umiwas si Rizal sa lalo pang lumalalim na pagtingin ni Gettie.
Suzane Jacoby
Dahil mahal ang gastusin sa Paris, naisipan niyang
iwan ang lugar para pumunta sa Brussels at doon mamalagi.
Dito niya nakilala si Suzane. Si Suzane ay ang pamangkin ng
may- ari ng paupahang bahay na tinirhan ni Rizal sa Brussels
noong Pebrero taong 1890.Anim na buwan rin ng sila ay
nagkasama.
Nilisan ni Rizal ang Brussels nagpunta ng Madrid.
Ganun pa man inialay ang kanyang mga akdang Filipinas
Dentro de Cien Anos (Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Siglo)
at ang Sobre de la Indolencia de los Filipinos (Ang Katamaran ng mga Pilipino)sa dalaga.
Adelina at Nellie Boustead
Si Nellie ay may dugong Pinoy. Ang kanyang ina
ay Pilipina samantalang ang kanyang ama ay isang nag
nagngangalang Eduardo Boustead, isang negosyante.
Manliligaw niya si Antonio, kapatid ng kilalang pintor na
si Juan Luna.
Tumira si Rizal sa Villa Eliada sa Biarritz, French
Riviera noong Pebrero 1891 kung saan nakatira ang
mga Boustead.Naging kabigan niya ang buong
pamilya. Sa katotohanan, mas una siyang nabighani sa
panganay na kapatid ni Nelly na si Adelina dahil ito ay
kimi at mahiyain na kabaligtaran ni Nelly. Subalit mas
napalapit siya kay Nelly dahil pareho silang may hilig sa palakasan, lalo na sa eskrima. Nakita din niya
kay Nelly ang isang ugali ng Pilipina, bagamat siya’y hindi lumaki sa Pilipinas. At mula dito ay nagkaroon
sila ng maigting na pagtitinginan. Sa panahon na ito naputol na ang relasyon na namamagitan kay Rizal
at Leonor Rivera, dahil ikakasal na ang huli kay Henry Kipping.
64 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Dahil sa balitang nakarating sa kanya na magpapaksal na si Leonor inalok niya ng kasal ang
dalaga, subalit hindi ito natuloy. Dahil nagbigay ng kondisyon si Nelly sa kanya, at ito ay ang yakapin ni
Rizal ang Protestantismo at tumiwalag sa pagkakatoliko. Hindi pumayag si Rizal sa kasunduang ito kahit
na siya’y sumapi na sa kilusang Mason kontra sa Katolisisimo at halos pabor sa kilusang Repormasyon.
Dahil dito ay hiniwalayan niya si Nelly at sila’y nanatiling magkaibigan na lamang.
Pastora Necesario
Si pastora ay isang tagahabi ng Dapitan.Kilala siya sa tawag na Torak.Naging magkaibigan ang
dalawa noong nakatira si Rizal sa Dapitan.Madalas siyang dumadalaw sa tahanan ni Torak at
pinapanuod ang paghahabi niya sa silong ng kanilang tahanan.Hanggang sa naging malapit ang lobb
nila sa isa’t-isa dahil sa madalas na pagkikita.Niregaluhan niya si Pastora ng estatwang luwad at
ginawan ng mga tula sa wikang kastila.Nahinto ang kanilang pagkikita ng naging abala na si Rizal sa
mga gawain niya sa kanyang klinika sa Dapitan.
Josephine Bracken
Si Josephine ang maituturing na legal na asawa
ni Rizal. Ang kanyang mga magulang ay parehong Irish,
ngunit siya ay isinilang sa Hong Kong. Dulce extranjera
ang bansag ni Pepe sa kanya.
Noon ay 18 anyos lamang si Josephine, naglayag
papuntang Dapitan upang samahan ang kanyang ama-
amahan na si George Taufer na magpatingin ng mata
kay Rizal. Nabighani si Pepe sa alindog ng dalaga. Hindi
nagtagal ay nagkamabutihan ang dalawa at namuhay sa
Dapitan bilang mag-asawa.
Dahil si Josephine ay alaga ng mga Prayleng dominikano hindi boto ang mga kapatid na babae ni
Rizal sa kanya para sa kanila ay espiya siya. Gayunpaman, hindi natinag ang relasyon ng dalawa. Nang
makabalik si Josephine sa Dapitan mula sa pamamalagi niya sa pamilya Rizal sa Maynila, inareglo ni
Pepe ang ang kanilang pagpapakasal. Nakipag-usap siya kay Padre Antonio Obach ng Dapitan ngunit
ayon sa paring ito, ikakasal lamang niya ang dalawa kapalit ng retraksyon ni Rizal. Sa kabila nito,
itinuloy ng dalawa ang kanilang pagpapakasal kahit walang basbas ng simbahan. Nagkaroon ng anak si
Pepe kay Bracken, subalit patay ang bata pagkasilang. Pinangalan ni Rizal ang kanyang anak na ito na
Francisco.
Pagkamatay ni Rizal si Josephine ay sumapi sa katipunan at namundok.Pagkaraan ng isang taon
siya ay bumalik ng Hong Kong sa kanyang ama. Napangasawa niya si Vicente Abad noong taong 1900.
Nagkaroon siya ng anak dito at pinangalanang Dolores.Noong 1902 namatay si Josephine sa sakit na
tuberkulosis sa edad na dawampu’t lima.
Maraming babae ang dumaaan sa buhay ni Rizal, ang mga ito ay nagdulot ng ligaya at
sakit.Ngunit sa pananaw ni Rizal ang mga ito ay dumating sa buhay niya ng may dalang dahilan, ang
mga ito ay nagbigay kulay at naghatid ng inspirasyon sa kanyang buhay.
Iba’t-ibang babae man ang nakadaupang palad niya ay hindi maikakailang siya’y isang maginoo sa pag-
ibig sapagkat hindi niya hinayaang mahulog ang loob niya sa isang babae habang may pinag-aalayan
na siya ng pagmamahal.. Subali’t ang pagmamahal na ito ay wagas at hindi napaparam. Ito ay ang pag-
65 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

ibig niya sa kanyang bayang tinubuan..Sa kanya inalay ni Rizal ang kanyang buhay upang maging
dahilan ng pagkagising ng damdamin ng mga Pilipino.
Dahil dito maitutuiring na dakilang mangingibig si Rizal sa Inang bayan!

Gawain II
Piliin sa kahon ang sagot sa mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Consuelo Nellie Josephine


Julia Segunda Lenor Rivera
Osei-San Suzane Gertrude
Leonor Valenzuela

Josephine 1. “Dulce Estrangera” ang pagturing ni Jose Rizal sa kanya.


Pastora Necesario 2. Tiga habi nga Dapitan
Suzane 3. Inalayan ni Rizal sa dalawang sanaysay.
Osei-San 4. Tagapagturo ni Rizal ng wikang Hapon.
Leonor Valenzuela 5. Itinatangi at kasulatan niya gamit ang tintang hindi nakikita.
Segunda 6. Unang pag-ibig ni Rizal.
Consuelo 7. Ginawa niya ng tula na may pamagat na ALA Señorita C.O.y P
Gertrude 8. Tiga Londres na may gusto kay Rizal.
Nellie 9. Nagsubok sa katatagan ni Rizal bilang katoliko.
Leonor Rivera 10.Ang Taimis sa buhay ni Rizal.

Huling Pagsusulit
Bilugin ang tamang sagot
1. Ang apelyidong idinagdag ni Donya Teodora alisunod sa dikreto ni Gobernador Claveria.
a. Quintos k.Mercado
b. Alonza d. Realonda

66 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

2. Ang humamon kay Rizal ng bunong Braso sa Biñan


a. Andres Salandanan k.Joselito
b. Pedro d. Alejandrino
3. Ang aklat na natutunan na basahin ni Rizal noong siya ay tatlong taong gulang pa lamang
a. Amigo delos Niños k. The Count of Monte Cristo
b. Kuwento ng gamu-gamo d. Sa aking mga kabata
4. Ang unang nagging guro ni Rizal sa Ateneo
a. Padre Pedro Pablo k. Padre Jose Burgos
b. Padre Jose Bech d. Padre Manuel Xeres
5. Pangalan ng barkong unang sinakyan ni Rizal
a. Bapor Tabo k.Barkong Talim
b. Barkong Jemnah d.Barkong Karomata
6. Ang may ideya na sa Maynila mag-aaral ng karera si Rizal
a.Don Francisco k. Saturnina
b. Donya Teodora d. Antonio Rivera
7. Ang Colegio kung saan nag-aral ng wikang kastila si Rizal.
a. Colegio de Santa Isabel k. Colegio Santo Tomas
b. Colegio Santa Potenciano d. Ateneo de Municipal
8. Pang-ilang taon si Rizal sa Ateneo ng dumalaw sa kanya ang dati niyang mga kamag-aral sa
Biñan
a. Pang-apat na taon k. Pangalawang Taon
b. Unang Taon d. Pangatlong Taon
9. Paboritong guro ni Rizal sa Ateneo
a. Francisco de Paula Sanchez k. Jose Villaprada
b. Jose Bech d. Manuel Xeres
10. Ang tula na naisulat ni Rizal bilang tugon sa kahilingan ng kanyang kapatid na si Narcisa para
sa kanyang asawa.
a. Mi Primera Inspiracion k. Travels in the Philippines
b. Felicitation d. The count of Monte Cristo
11. Ang kurso na kinuha sa Ateneo sa pangalawang pagkakataon
a. Agrimensor k.Medisina
b. Pilosopiya Y Letras d. Bachiller en Artes
12. Ang tula kung saan nanalo si Rizal ng unang gantimpala noong siya ay nasa Santo Tomas
a. Felicitation k. El Consejo de las Dioces

67 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

b. Mi Primera Inspiracion d. Ala Juventud Filipina


13. Ang nakatagpo ng orihinal na manuskritop ng A Filipinas
a. Cervantes k Feodoe Jagor
b. Romualdo de Jesus d. Antonio Lopez
14. Ang huwaran ng pagkamakatuwiran,pagkamaagap at may pagmamahal para sa pag-unlad ng
kanyang mag-aaral
a. Jose Bech k. Franciscom de Paula Sanchez
b. Romualdo de Jesus d. Padre Jose Villaclara
15. Ang nagmamay-ari ng mga lupang pansakahan sa Pilipinas sa panahon ng mga kastila
a. Prayleng Augustino k. Prayleng Dominikano
b. Prayleng Heswita d.Prayleng Pransiskano
16. Tinuturing na Minang ni Rizal sa kanyang alaala
a. Segunda k. Pastora
b. Julia d. Leonor
17. Huminto ng pag-aaral ni Rizal sa Santo Tomas sa kadahilanang
a. Nakakaranas ng panlalait at diskriminasyon
b. Aasikasuhin ang kanilang lupang pansakahan
k. Maglalakbay papuntang Europa
d. Babalik siya sa Ateneo
18. Ang Puppy Love ni Rizal
a. Josephine Bracken k. Segunda Ktigbak
b. Leonor Rivera d. Julia
19. Inalayan niya ng tulang may pamagat na Ala Señorita C.O y P
a. Consuelo k. Osei-San
b. Julia d. Suzane
20. Ang Dakilang Pag-ibig ni Rizal
a. k. Osei- San
Pilipinas
d. Consuelo

68 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

b.
Leonor Rivera
Final Requirement

Gumawa ng maikling sanaysay ng iyong talambuhay at ihambing ito sa mga pinagdaanan ni Jose
Rizal sa kaniyang kabataan.
(Ipadala gamit ang email ad ng guro)

Si Dr. Jose Rizal ay kilalang mahusay at handang isakripisyo ang kanyang buhay para sa kanyang mga
kababayan. Katulad ni Dr. Jose Rizal ay handa akong gawin ang aking makakaya para sa aking pamilya. At
sisikaping makapagtapos ng pag aaral upang mabot ang aking pamilya. Dahil katulad ng sabi Dr. Jose Rizal
ang kabataan ang pag asa ng bayan.

69 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

MODYUL IV
SI RIZAL AT ANG DAIGDIG

PAGPAPAKILALA:

70 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang pangingibang bansa ni Rizal ay dulot ng mga mapapait na karanasan niya sa Unibersidad de
Santo Tomas. Ito ang unang dahilan kung bakit niya gustong umalis ng bansa. Pangalawa ay upang
maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral na malayo sa mga mata ng mga prayle ng Universidad.
Gusto rin niyang malaman o mapag-aralan ang mga kanser na lumalaganap sa iba-ibang larangan ng
buhay dito sa Filipinas at pagkatapos ay makahanap siya ng paraan kung paano maipapabatid sa bansa
at sa pamahalaang Kastila ang mga pagbabagong kakailanganin ng Pilipinas. Sa kanyang palagay ito
ang paraan upang makaahon sa hirap na dulot ng diskriminasyong panlahi na nararanasan ng mga
katutubong mamamayan sa bansa.

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan

Nabibigyang puna ang mga Layunin ni Jose Rizal sa Europa sa unang


pagkakataon.
Naipapaliwanag ang mga kadahilanan ng muling Paglisan sa Bayan ni
Jose P. Rizal.
Napapahalagahan ang mga nagawa ni Dr. Rizal bilang Kasapi ng
Kilusang Propaganda
Naihahambing batay sa nilalaman at mensahe ang dalawang nobela ni Jose
Rizal
Natutunton ang mga mapanghamong pangyayari sa buhay ni Dr. Rizal
sa pananatili sa Europa.
Napapahalagahan ang mga ginawa at binalak gawin ni Jose Rizal para sa
Bayan habang malayo sa sariling Bayan.
Nailalarawan ang ibat- ibang lugar na narating ni Dr. Rizal sa Asya at Europa.

Takdang Oras: Tatlong Oras Subukin


Isulat sa isang papel ang mga bansang napuntahan ni Rizal sa kanyang unang paglalakbay.
➢ Singapore, Colombo, Naples at Marseilles, Barcelona, Madrid, Paris, Heidelberg,
Liepzig, Berlin

UNANG PAGLALAKBAY SA IBANG BANSA

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan

71 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Nailalarawan ang mga nagawa ng ilang kilusang kung saan naging


kaanib si Dr. Rizal sa kanyang pananatili sa Ibang Bayan.
Naiisa-isa ang mga magagandang ugaling Pilipino na naisabuhay ni Dr.
Rizal at iba pang Pilipino nagtungo din sa Europa upang maka-pagaral.
Nakapag-bibigay puna sa naging desisyon ni Dr. Rizal na pagbalik sa Inang-
Bayan sa kabila ng panganib sa kanyang buhay.

PAGLALAKBAY SA EUROPA
Mayo 1, 1882-umalis ng Calamba dala ang halagang P356, lumipat ng sasakyan pagdating ng
Biñan, nakarating sa Maynila pagkaraan ng 10 oras ng paglalakbay. Mayo 3, 1882-Nilisan ang Maynila
patungong Singapore sakay ng Bapor Salvador. Mayo 9, 1882-dumating sa Singapore, tumuloy sa otel
La Paz. Mayo 11, 1882-sumakay sa Djemnah (bapor Pranses) patungong Marseilles (France), dinaanan
ang Point de Galle, Colombo, Cafe' Guardafui, Aden, tinawid ang Suez Canal ng 5 araw. Hunyo 7,
1882- dumaong sa Port Said, pinuntahan ang Liwasang Lesseps. Hunyo 11, 1882-dumating sa Naples
at Sicily, naghulog ng sulat sa bayan ng Mellitus, nakita ang St. Telmo (bilangguan) at Tore ng
Mansanello (palasyo royal) Hunyo 13, 1882-dumaong sa Marseilles, tumira sa Otel Nelisse, nagpunta sa
Chateau d'If (pook na kinabibilangguan ng pangunahing tauhan ng nobelang Count of Monte Cristo).
Hunyo 15, 1882-lumulan sa isang de primerang klaseng tren, huminto sandali sa Port Bou at nagpatuloy
sa Barcelona.

BUHAY SA BARCELONA
Tumuloy sa Fonda de España, hinandugan siya
ng salu-salo ng mga dating kaeskwela sa Ateneo, sinulat
ang El Amor Patrio, isang tula upang bigyang-daan ang
kanyang kasabikan sa sariling bayan na ibinigay kay
Basilio Teodoro, kasapi ng patnugutan ng Diariong
Tagalog na kanilang inilathala noong Agosto 20 sa ilalim
ng ngalan sa panulat na Laong-Laan sa 2 wika-Kastila at
Tagalog (salin ni Marcelo H. del Pilar) Setyembre
(kalagitnaan)-nagtungo sa Madrid at nagpatala sa
Central Universidad de Madrid sa kursong Medisina at
Filosofia y Letras (unang Linggo ng Oktubre).

Nag-aral ng eskultura at pagpipinta sa Academia ng San Fernando at nagsanay sa Hall of Arms of


Sanz y Carbonell sa pagpapalusog ng katawan.Nagpasyang pag-aralang lubusan ang iba't ibang partido
pulitikal ng Spain.Natatag ang Circulo Hispano-Filipino sa pangunguna ng Kastila-Pilipinong si Don Juan
Atayde na di katagala'y nagsara rin dahil sa kakulangan ng pondo sanhi ng pagwawalang-bahala ng mga
kasapi.Sinulat ang Me Piden Versos-tulang nagpapahayag ng masidhing pananabik ni Rizal sa kanyang
bayan (nalathala sa La Solidaridad sa Barcelona noong Marso 31, 1889) Nakapagtatag ng sariling aklatan

72 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

kung saan kabilang ang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe at The Wandering Jew ni Eugene
Sue-mga akdang nagtanim sa kanyang isipan ng pagkaawa sa mga tauhan dahil sa kanilang kaapihan.
Hunyo 17,1883-pinalipas ang bakasyon sa Paris, pinuntahan ang mahahalagang pook tulad ng Champ
Elysees, Colonne Vendome (kinalalagyan ng estatwa ni Napoleon I), Opera House, Place de la Concorde,
Simbahan ni Magdalena, Simbahan ng Notre Dame at Museo de Louvre-lumang palasyo ni Francis I,
pinakamahalagang gusali na pinagdarausan ng mga dula't kababalaghan ng mga Valvis, Medicis at
Sorbon.Napansin ang mga palikuran sa lansangan (Gabinet d'Aisence) Unang linggo ng Setyembre, 1883-
nagbalik sa Madrid upang ipagpatuloy ang pag-aaral Pormal na sumapi sa Lohiya Acasia gamit ang
pangalang pangmason na Dimasalang Hunyo 21, 1884-nakapasa sa titulong Doktor ng Medisina.Hunyo
25, 1884-nagsalu-salo sa Restaurant Ingles dahil sa pagkapanalo ng mga pinta nina Juan Luna
(Spolarium-unang gantimpala) at Felix Resurreccion Hidalgo (Christian Virgins Exposed to the
Populaceikalawang gantimpala) sa Pambansang Eksposisyon ng Bellas Artes. Napili si Rizal bilang
pangunahing mananalumpati Sinulat ang kalahating bahagi ng Noli Me Tangere. Humanga kay Consuelo
Ortiga y Perez, anak ni Don Pablo Ortiga y Rey (dating alkalde ng Maynila noong panahon ni dela torre)
ngunit pinigil sapagka’t alam niyang gusto rin siya ni Eduardo de Lete kaya’t sinulat ang tulang A La
Señorita C.O. y R. Sumapi sa Masonerya-samahang ipinagbabawal ng Simbahang Katoliko na
naglalayong palawakin ang pandaigdigang kapatiran ng tao sa ilalim ng pagkaama ng Diyos, dahil sa
pagtitiwala niya sa layunin ng samahan at paniniwalang makakuha ng kasama sa pakikipaglaban sa
masasamang pari sa Pilipinas. (Nobyembre 15, 1890-naging Master Mason ng Lohiya Solidaridad at
Pebrero 15,1892-sumapi sa Le Grand Orient France) Tatlong buwang hindi tumanggap ng padalang salapi
mula kay Paciano dahil sa salot at kalamidad. Ipinagbili ni Paciano ang kanyang kabayong si Castaño sa
halagang P200. Nanghiram kay Valentin Ventura upang ipambayad sa Lisensyado sa Pilosopiya at Letras.
BUHAY SA PARIS
Hulyo 1885-nagtungo sa Paris upang
ipagpatuloy ang pag-aaral sa Optalmolohiya.
Unang linggo ng Oktubre-nagpatala bilang okulista
sa klinika ni Dr. Louis de Wecker-kilalang
optalmologong Pranses. Kapag walang ginagawa,
dumadalaw kina Luna at Hidalgo at nagsisilbing
modelo ni Luna. Sa pintang Ang Kamatayan ni
Cleopatra, siya ang paring taga-Ehipto at Sikatuna
sa Sanduguan. Naging abala sa pag-aaral ng
Aleman, Pranses, Italyano, Polish at Griyego.
Tinapos ang ikatlong-kapat na bahagi ng Noli.
Pebrero 1, 1886-umalis sa Paris upang magtungo
sa Heidelberg.

BUHAY SA HEIDELBERG
Pebrero 3,
1886- dumating sa
Heidelberg-isa sa
makasaysayang lungsod sa
73 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Alemanya, sentro ng karunungan dahil sa pinakamatandang pamantasang


itinayo ng Elector na si Ruperto I (1386)
at pangunahing pook ng Repormasyong Protestante.
Lungsod din ng serbesa.
Nagtrabaho sa klinika ni Dr. Javier Galezonski (Polish)-dalubhasa sa sakit sa mata. Naglingkod bilang
katulong sa paggagamot sa Augen Klinik-klinika sa mata ng okulistang si Dr. Otto Becker.
(Pagpapatuloy: Buhay sa Berlin). Abril 27, 1887-ibinalita kay Paciano ang pagtanggap ng Php 1000,
biayaran ang pagkakautang kay Viola, nagpaalam sa mga kaibigan at nagbalita ng kanyang balak na
bumalik sa Pilipinas. Mayo 11, 1887-iniwan ang Berlin patungong Dresden at Leitzmeritz. Mayo 13,
1887-nakipagkita kay Blumentritt, ipinakilala kina Sr. Jose Kromholz (pangulo ng Leitzmeritz Tourist
Club), Dr. Karl Czepelak (paralitikong manggagamot) at Robert Klutzchak. Mayo 17, 1887-nagtungo sa
Prague, nakilala si Dr. Willkomm-propesor sa kasaysayan sa kalikasan sa Unib. ng Prague. Mayo 27,
1887-nagtungo sa Vienna, nakipagkita kina Sr. Masner, Nordman at Norfenfals, mga kilalang iskolar at
nobelista ng Austria. Mayo 24, 1887-nagbigay ng panayam kay G. Adler (reporter ng pahayagang Extra-
Blatt) tungkol sa tunay na kalagayan ng Pilipinas. Mayo 25-31, 1887-nagtungo sa Lintz, Salzburg,
Munchen, Nuremberg (isa sa matandang lungsod ng Aleman), Ulm, Stuttgart, Baden Rheinfall (dinalaw
ang Rin waterfalls- pinakamagandang talon sa buong Europa), Schaffhausen. Hunyo 4, 1887-nagtungo
ng Bern, Lousanne, Geneva, inbinalita kay Blumentritt ang pasyang bumalik sa Pilipinas. Hunyo 23,
1887-dumaan ng Turin, Milan, Venice at Florence bago nagtuloy sa Roma-lungsod ng Vaticano.
Tinungo ang Capitolium, Tanpeian Rock, Palatium, Forum Romanorum, Ampitheatre.

Aralin II
PAG BABALIK SA PILIPINAS
Hunyo 29, 1887-nagpadala ng postcard sa mga magulang upang ibalita ang pagdating sa Pilipinas.
Hulyo 30, 1887-nakarating sa Saigon, lumipat ng bapor Haiphong patungong Maynila Hulyo 3, 1887-
Umuwi ng Pilipinas si Rizal sa kadahilanang:
1. titistisin ang mata ng ina
2. aalamin ang katotohanan tungkol sa ligalig na nilikha ng Noli
3. aalamin ang dahilan ng panlalamig at katahimikan ni Leonor Rivera

4. tutulungan ang mga kababayan


Agosto 5, 1887-dumating sa Maynila, lumulan ng Bapor Binyang, lumipat ng Bapor Bakal.
Agosto 8, 1887-dumating ng Calamba.
1. Tinistis ang mata ng ina (sa loob ng isang buwan, nagbali ang paningin ng ina-unang pagtitistis na
ginanap sa Pilipinas at nagbigay ng pangalan at katanyagan kay Rizal bilang manggagamot

74 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

2. Ipinatawag ni Gob. Hen. Emilio Terrero y Perinat upang alamin ang katotohanan tungkol sa
subersibong kaisipan ng Noli
3. Itinalaga bilang tanod ni Rizal si Don Jose Taviel de Andrada. Nagpadala ng isang sipi ng Noli si P.
Pedro Payo (Arsobispo ng Maynila) kay P. Gregorio Echavarria (Rector ng UST) upang suriin. Bumuo
ng komiteng susuri sa aklat: P. Matias Gomez, Norberto del Prado, Fernandez Arias. Hatol sa Noli:
Heretiko, lapastangan, isakandaloso sa punto ng relihiyon, laban sa pagkamakabayan, subersibo, laban
sa kapayapaan, nakasisira sa pamahalaan ng Kastila at sa gawain nito sa Pilipinas sa puntong pulitikal.
Ipinadala ng Gob. Hen. ang ulat ng komite matapos basahin sa Palagiang Komisyon ng Sensura
na binubuo ng mga pari at karaniwang mamamayan sa pamumuno ni Padre Salvador Font (Agustino,
kura ng Tondo).Dahil sa resulta ng pagsusuri ng aklat naging delikado ang buhay ni Rizal, kaya
pinayuhan siya na mas magandang lisanin muna niya ulit ang Pilipinas para sa ikabubuti niya at
ikatatahimik ng bansa.

IKALAWANG PAGLALAKBAY
1888 - Si Jose Rizal ay 27 taong gulang at isa nang manggagamot at kilalang manunulat. Dahilan
kung bakit umalis muli si Rizal sa Pilipinas: tinutugis siya ng mga makapangyarihang kaaway kaya’t di
mapakali ang kanyang pamilya sa Calamba sa panganib kung siya’y mananatili sa bansa.
SI RIZAL SA HONGKONG AT MACAO
Pebrero 3, 1888 sumakay si Rizal sa barkong Zafiro
patungo sa HongKong. Pebrero 7, 1888 nakarating sa
Amoy, China si Rizal dahil hindi mabuti ang kanyang
pakiramdam malakas ang ulan narinig niyang marumi ang
lungsod. Dito ang unang lugar na pinuntahan ni Rizal sa
kanyang ikalawang paglalakbay. Sumapit siya sa
Hongkong at buhat sa bapor ay tumuloy siya sa Otel
Victoria.
Sa Macau ay tumuloy si Rizal sa bahay ni G.
Lecaros, isang Pilipino na nakapagasawa ng babaing Portuegesa.
Pagkatapos ay pumunta si Rizal sa Hapon.

HAPON
Dumating siya sa Yokohama at tumuloy sa Otel Grande. Siya ay nagtagal sa Hapon dahil gusto
niyang mabatid ang kabuhayan, ang industriya, ang sining, ang kapaligiran at ang wikang Hapones. Dito
niya nakilala si Ose-San isang magandang Haponesa na muntik na niyang napakasalan. Naisip lamang
ni Rizal na mayroon siyang misyon na dapat gampanan kaya hindi sila nagkatuluyan.

75 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

AMERIKA
Nakarating si Rizal sa San Francisco, California,Estados Unidos noong Abril 28,1888.Nakita niya
sa panahon na iyon ang Amerika ay maunlad na bansa na. Maraming oportunidad ditto at mataas ang
antas ng pamumuhay ng mga Amerikano.Ngunit nalungkot si Rizal nang malaman niya na mayroong
tinatawag na diskriminasyon sa mga amerikanong Negro.Mas mababa ang tingin sa mga amerikanong
itim kaysa sa amerikanong puti.Hindi nagustuhan ni Rizal ang ganito dahil taliwas sa kanyang prinsipyo
na kailangan ay pantay-pantay ang karapatan ng mga tao sa isang bansa katulad ng inaasam niyang
mangyari sa Pilipinas.
Mula San Francisco ay tumawid si Rizal patungong Nueva York (New York). Dito ay sumakay
siya ng barko patungong Londres (London).

LONDON
Dito sa Londres ay natagpuan niya ang ilang
natitirang tomo ng Sucesos de las islas Filipinas (Mga
Pangyayari sa kapuluang Pilipinas) ni Antonio Morga.
Ginugol niya ang maraming araw sa pagbabasa,
pagsuri at pagsipi sa aklat ni Morga. Ninais niyang
mabatid kung bakit itinuturing ng mga Kastilla na ang
mga
Pilipino ay lahing may mababang uri. Binasa
niya rin ang ibang awtor na sumulat tungkol sa ating
bansa. Pinagpasiyahan niya na sipiin ang aklat ni Morga
upang makapaglathala ang ilang kamalian ng aklat sa
mga katutubong kultura ng ating bansa Dito rin sa
Londres ay marami siyang naisulat na bagay at isyu sa
larangan ng pulitika.

PARIS
Dito sa Paris ay patuloy niyang ginugol ang mahahalagang panahon niya sa Pambansang
Aklatan sa Pransiya. Ang Aklatan dito ay hindi kasing laki nang nasa Londres nguni’t ito ay hindi naging
sagabal sa hangarin maisulat niya ang karugtong ng nobelang Noli Me Tangere at tapusin ang Sucesos
delas Islas Filipinas ni Antonio de Morga. Itinayo niya ang Samahang Kidlat na binubuo ng Pilipinong
sina Juan at Antonio Luna, Felix R. Hidalgo, Gregorio Aguilera, Fernando Canon, Lauro Dimayuga, Julio
Llorente, Guillermo Puatu at Bladomero Roxas.Ang samahan ay panandalian lamang at naglalayon na
paglalapitin ang mga Pilipino sa Paris upang higit silang masiyahan sa panonood ng eksposisyon.
Sinulat ni Rizal ang La Verdad Para Todos (Ang katotohanan para sa Lahat). Ang lathalang ito ay
kauna-unahang artikulo ni
Rizal na lumabas noong Mayo1889.May hangarin si Rizal kung bakit siya bumalik ng Londres at iyon ay
(2) upang makita ang ilang dokumento na pinatitityak sa kanya ni Dr. Adolf Meyer, at (3) nais niyang
dalawin ang pamilya ng mga Beckett na napakabuti sa kanya lalong-lalo na si Gertude. Kalagitnaan ng

76 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Enero, 1890 ay bumalik si Rizal sa Paris. Sa mga panahong ito’y nilimbag ang mga paliwanag niya sa
Sucesos ni Morga sa Garnier.

BRUSSELS
Siya ay tumira sa pamilya ng mga Jacoby. Nilisan niya
ang Paris kasama ni Jose Albert, dahil napakamahal ng upahan
ng tirahan doon dahil sa Pandaigdig na Tanghalan noong 1889.
Dito sa Brussels ay walang tigil siya sa paggawa. Sinimulan
niyang isulat ang El Filibusterismo at pinagpatuloy rin ang
pagpapadala ng artikulo sa La Solidaridad. Dahil sa pag-uusig
na nadarama ng kanyang pamilya ay nagbalak siyang umuwi, sa
dahilang hindi siya maaring manatili na nagsusulat lamang
habang “ang mga magulang at mga kapatid ko ay nagdaranas
ng lupit ng mga paring Espanyol. Ang kanyang balaking umuwi ay sinalungat ni Graciano Lopez-
Jaena at ng kanyang mga kaibigang sina Basa, Blumentritt, at Mariano Ponce. Nagbago lamang ang
isip ni Rizal nang matanggap niya ang sulat ni Paciano na nagsasabing natalo sila sa kaso na
pagpapaalis sa mga taga- Calamba mula sa hacienda ng mga Dominko at ito ay kanilang iaapela sa
Royal Audiencia sa Madrid at dito si Rizal ay nagtungo para tingnan ang kanyang magagawa sa kaso.

MADRID
Sa unang araw ng Agosto, 1890 ay
simula ng mga kabiguan ni Rizal. Sa paghingi ni
Rizal ng katarungan para sa kanyang pamilya ay
tumayo si Marcelo H. del Pilar bilang abogado at
kanilang idinulog ang kanilang protesta laban sa
kawalang katarungan ni Gobernador Heneral
Valeriano Weyler at ng mga paring Dominikano.
Natanggap niya rin ang masamang balita na
natanggap na nila ang kautusan na pagpaalis sa
mga taga-
Calamba mula sa hacienda ng
mga dominiko.Habang bigo sa pagbibigay
katarungan sa kanyang magulang ay namatay
ang kanyang kaibigan na si Jose
Maria Panganiban. Nagkaroon din siya ng mga hamon. Lumisan siya sa Madrid pero sumulat ng
isang maikling sulat
ng pasasalamat sa mga kababayanan na naghalal sa kanya at nagtungo sa Biarritz. Lumisan siyang
papuntang Hongkong dahil sa mga suliraning bumabagabag sa kanya sa Europa, dahilan sa
magkasalungat na paniniwala niya kay del Pilar at sa ilang mga Pilipino sa Europa, at upang mas higit
siyang maging malapit sa Pilipinas, at para kupkupin na rin ang kanyang pamilya na kasalukuyang
inuusig ng mga Kastila.

77 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

HONGKONG
Dumating siya sa Hongkong noong Nobyembre 20, 1891 at sinalubong ng mga kaibigan na
naninirahan dito. Bago magpasko ay dumating ang kanyang pamilya at dito ay ipinagdiwang nila ang
pasko. Dito rin niya ginamot ang kanyang ina at ang iba pang mga pasyente. Dito rin sa Hongkong ay
sinulat niya Konsepto at Saligang-batas ng La Liga Filipina. Ginawa ni Rizal ang mga sumusunod na
sulat bago siya umalis ng Hongkong na iningatan ni Dr. Marquez na bubuksan lamang ito kung siya ay
mamamatay: una ay,
1. sulat sa kanyang mga magulang at mga kapatid,
2. Sulat sa sambayanang Pilipino, at
3. Sulat kay Gobernador Heneral Eulogio Despujol.

Aralin IV

SI RIZAL AT ANG KANYANG PARTISIPASYON SA PROPAGANDA


Ang mga gawain sa Kilusang Propaganda ay pumukaw ng interest ng mga Espanyol ngunit
hindi sapat upang makamit ang mga hinihiling nilang pagbabago. Ilang repormang naipasa ng
pamahalaang kolonyal ngunit hindi naipatupad sa Pilipinas.
a. Ang kakulangan ng salapi ay naging malaking hamon sa kilusang naging dahilan ng
paghinto ng LaSolidaridad noong 1895.
b. Nahati rin ang komunidad ng mga Pilipino sa Espanya dahil sa ilang hindi
pagkakaunawaan.
c. Pinangunahan ni Marcelo H. del Pilar ang pangkat na nagsusulong na mananatili ang
mga propagandista sa Espanya at patuloy na hikayatin ang pamahalaan upang
ipatupad ang mga hinihinging reporma sa Pilipinas.
Naniwala si Jose Rizal na panahon na upang bumalik ang mga propagandista sa Pilipinas at
doon ipagpatuloy ang pagkilos tungo sa reporma. Nagpasyang umalis si Rizal sa Espanya noong
1890 at nakabalik siya sa Pilipinas noong 1892. Ngunit sa kabila ng mga isyung humati sa Kilusang
Propaganda, ang pinakamalaking dahilan ng pagkabigo ng kilusan ay ang kapangyarihan ng mga
prayle na nagtagumpay na mapigilan ang mga repormang isinusulong ng mga propagandista.

Mahalagang bunga ng Kilusang Propaganda:


a) Ang pagpapatuloy ng pagsulong ng reporma sa Pilipinas.
b) Ilan sa mga propagandista ay naniniwala na kailangang isulong ang paghingi ng reporma sa
mismong kapuluan.
c) Kailangan ding maipaalam sa mas marami ang mensahe ng reporma. Upang maisakatuparan ito,
itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina noong 1892 upang pangunahanang pagoorganisa tungo sa
pagbabago at linangin ang diwa ng kapatiran sa mga Pilipino. Ang La Liga Filipina–kakaiba ito sa
mga naunang samahang panreporma dahil karamihan sa mga kasapi nito ay nagmula sa masa.
Pangunahing hangarin ng samahan ang pagtutulungan ng bawat miyembro at paghahanda ng
kanilang sarili para sa inaasahang pagbabago sa lipunan.
Aralin V

78 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

PAGSULAT NG NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO

Noong siya ay nasa Europa, nagsimula siyang magsulat ng mga nobela. Isa sa kanyang mga
isinulat ay ang Noli Me Tangere. Ang Noli Me Tangere ay tungkol sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas
at nagbibigay tugon din ito sa mga Katolikong Prayle. Isinulat niya ang nobelang iyon upang maimulat
ang mga Pilipino sa mga paghihirap na nangyayari sa bansa dahil sa pagsakop ng mga Espanyol.
Ang kanyang nobela ay nailathala noong 1887 sa Berlin. Ipinagbawal ang kanyang libro sa
Pilipinas ngunit may mga ibang palihim na nagdadala. Dahil sa kanyang nobela, nang bumisita si Rizal
sa Pilipinas, siya’y pinatawag ng Gobernador Heneral dahil sa mga paratang niya sa mga Espanyol.
Ipinagtanggol ni Rizal ang kanyang sarili at siya rin ay humingi ng paumanhin. Nang bumalik si Rizal sa
Europa, hindi siya tumigil sa pagsusulat. Noong 1891, inilathala niya ang kanyang pangalawang
nobela na El Filibusterismo. Ito ay ang pangalawang nobela na kanyang naisulat. Kanyang inialay ang
nobelang El Filibusterismo sa tatlong paring martir o “GOMBURZA”.
Nakilala si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani sa kanyang dalawang nobela na
pinamagatang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Itong dalawang nobela na ito ay kilalang kilala,
sapagkat ang mga tinalakay dito ni Rizal ay ang mga sensitibong paksa noong kapanahunan nang
pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Isa sa mga ito ay ang kalupitan at hindi makatarungang pagtrato
nang mga Kastila sa mga Pilipino. Tinalakay din sa mga libro na ito ang mga Pilipino na walang
ginagawa at tinatanggap na lamang ang mga pananakit at pang-aabuso nang mga Kastila sa kanila. Isa
ring dahilan kung bakit sumikat and dalawang libro ni Rizal na ito ay dahil sa dami ng naging epekto nito
sa mamamayan at lipunan.
Isa sa mga epekto na ito ay ang pagbigay liwanag sa kahirapan na naranasan nang mga Pilipino
sa kamay ng mga Kastila. Nagising at namulat din ang ilang mga Pilipino sa pang-aabuso na ginagawa
nang mga Kastilang prayle sa kanila. Dahil din sa mga librong ito ni Jose Rizal, maraming mga Pilipino
ang naging matapang at nahikayat na itigil ang mga pang-aabuso at pananakit na ginagawa nang mga
Kastila sa mga kapwa Pilipino nila. Masasabi natin na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang
gumising at nagbigay lakas sa ibang mga Pilipino at dahil din sa dalawang libro na ito ay naliwanagan
ang mga Pilipino sa mga pagbabago at reporma na kailangan at dapat gawin nang mga Kastila.
Naliwanagan din sila sa pagtatapos na dapat mangyari sa mga pang-aabuso at pananakit na ginagawa
nang mga
Kastila.
Aralin VI
MATIGAS NA HANGARING MAKABALIK SA PILIPINAS
Habang nasa Espanya si Rizal ay nagbalak na magtayo ng isang samahan sa Pilipinas upang
matulungan ang kanyang mga kababayan na mapalaya sa mga mapang-aping mga kastila.Sinulatan
niya ang Gobernador Heneral Despujol upang siya ay mabigyan ng proteksyon dahil alam niyang
delikado ang buhay niya sa kanyang balak na pag-uwi ng Pilipinas.Sa kabila ng pagpigil sa kanya ng
mga magulang at kaibigan ay nagpumilit pa ring siyang makabalik ng Pilipinas sa dahilang:
a). Maisakatupan ang proyekto niyang magtayo ng Kolonya sa Hilagang Borneo at;
b). Magtatag ng samahan ng mga Pilipino, ang La Liga PIlipina.

79 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Hunyo 26,1892- umuwi si Rizal kasama ang kanyang kapatid na si Lucia. Tumuloy sila sa Hotel
de Oriente upang doon manatili habang nagpaplano si Rizal sa kanyang samahan na itatag.

GAWAIN: Sagutin ang mga sumusunod na tanong gamit ang 2-4 na pangungusap lamang.

1. Ano-anu ang mga layunin at karanasan ni Rizal sa unang paglalakbay niya sa daigig?

• Dahil sa mga mapapait na karanasan ni Rizal sa unibersidad ng Santo Tomas ito


ang naging dahilan nya ng pag alis ng bansa. At gusto nyang maipagpatuloy ang
kanyang pag aaral malayo sa mga prayle, at para makahanap ng paraan kung paano
maipapabatid sa mga pilipino ang mga pagbabago kailangan ng pilipinas.

2. Ipaliwanag ang dahilan ng pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas.


• Ang dahilan ng pagbabalik ni Rizal sa pilipinas ay dahil gusto nyang gamitin ang mata ng
kanyang ina gusto rin nyang malaman kung bakit Hindi na sumusulat si leonar Rivera sa
kanya. At gusto rin nyang alamin kung anong naging epekto ng noli me tangere sa bansa.

3. Paano naganap ang partisipasyon ni Rizal sa Kilusang Propaganda?


• Ang gawain ng kilusang propaganda ay pukawin ang interes ng mga espanyol ngunit
Hindi Ito sapat upang makuha ang hinihiling nilang pagbabago. paniniwala ni Jose
Rizal na panahon na upang bumalik angmga propagandista sa Pilipinas ngunit
pinangunahan ni Marcelo Del Pilarang pangkat nanagsusulong na manatili ang mga
propagandista sa Espanya at patuloy na hikayatin angpamahalaan.
4. Ipaliwanag kung paano naisulat ang Noli Me Tangere at El Filibusterimo?
• Ang isinulat nyang aklat at Noli Me Tangere at El Filibusterismo nung sya ay nasa Europa, Ang
Noli Me Tangere ay tungkol sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas at nagbibigay tuon din ito sa
mga Katolikong Prayle. At ang pangalawang isinulat nya ay el Filibusterismo Ito ay inaalay nya
para sa tatlong paring martir na tinawag na GOMBURZA.

5. Anu-ano ang mga naranasan ni Rizal sa kanyang paglalakbay sa Europa?


➢ Pinatawag sya Gobernador Heneral dahil sa mga pagpaparatang niya sa
mga Espanyol. Ipinagtanggol ni Rizal ang kanyang sarili at siya rin ay
humingi ng paumanhin.
6. Ipaliwanag paano siya nanirahan bilang isang Malay sa mga lungsod sa Europa.
➢ Ginugol niya ang maraming araw sa pagbabasa, pagsuri at pagsipi sa aklat
ni morga.nagsulat. Sya ay nagbalak din na magtayo ng isang samahan
sa upang matulungan ang kanyang mga kababayan na mapalaya sa mga
mapang aping mga kastila.
80 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

REPLEKSYON:
Ang kabayanihan ni Rizal ay maaari din naman na mabigyang buhay ng
bawat isa sa atin sa pamamagitan ng taos-pusong pagmamahal sa bayan, ang
pagsasakripisyo at pag-aalay ng talino, lakas at isipan para sa ikalalaya at ika-
uunlad ng ating Inang Bansa. Sa bawat kilos at isipan ni Rizal ay nasasalamin dito
ang walang kahulilip na pagmamahal sa ating bansa, ang pagtatangol niya sa atin
laban sa diskriminasyong panlipunan na nakasira sa ating malayang kaisipan. Ang
kanser na panlipunan na isiniwalat niya ay naging sanhi ng ating kawalan ng
pagmamahal sa ating Kultura,sa ating pinagmulan, sa ating mga minanang
tradisyon na sadyang nawala upang mapalitan ng Kulturang Kastila.Sa pananaw
ni Rizal sa kanyang nobela ay nasasalamin ditto ang Lipunang hanggang ngayon
naman ay nakikita , ginagawa at sinusundan ng ating mga kababayan. Sa
repleksyon ng ating anino sa liwanag ay makikita natin dito ang pagkukunwaring
halos nailarawang maigi ni Rizal sa mg atauhan ng kanyang mga nobela. Ano pa’t
kahit na yata ilang Rizal ang barilin sa Luneta ay hindi na mawawala ito sa ating
Kultura at Lipunan. Nakalulungkot subalit huli man daw at magaling ay naihahabol
din, may panahon pa naman upang mawala ang kanser ng Lipunan na naririto
pa rin sa atin.

PAGTATAPOS NA GAWAIN
Sagutan ang mga katanungang ito:
1. Gaano kahalaga sa iyong opinion ang makalawang ulit na paglayo sa Pilipinas ni Dr. Rizal
para sa kanyang sariling transpormasyon at sa kanyang kinayang gawin para sa ating Inang-
Bayan?
• Ang buhay ni Rizal ay mahalaga para sa atin dahil marami siynag ginagawa at sinakripisyo
nya ang kanyang buhay upang maging malaya tayo sa pananakop sa atin ng mga espanyol. At
ang kanyang mga aklat na isinulat ay magsisilbing inspirasyon para sa ating mga Filipino.

81 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

2. Paano kongkretong naipakita ni Dr. Rizal ang kanyang pagmamahal sa Bayan habang siya ay
namalagi sa ibang Bansa sa loob ng halos 9 na taon sa una at ikalwa niyang paglalakbay sa
Mundo)
Ipaliwanag. Kahit siya ay nasa malayong lugar ay hindi pa rin mawawala ang pagpapakita
niya ng pagmamahal sa bayan. At maging ang mga isinusulat niyang mga aklat ay patungkol sa
pagmamahal at sa ikabubuti ng kanyang kapwa.

3. Kung nabigo man ang Kilusang Propaganda na makamit ang mga nilayon nito, ano ang
maituturing na pinakamahalagang nagawa nito para sa Pilipinas na noo’y kolonya pa ng
Espanya.
• Ito ay ngabigay sa atin ng lakas ng loob sa ating kapwa Pilipino upang ipaglaban at
ipakita ang pagmamahal sa bayan. Ito ay nagkaroon ng magandang epekto at bagong
pag asa sa atin upang makamit ang kalayaan natin.

Pagsususlit:
Pangalan:
Taon at Kurso:
PILIIN ANG TAMANG SAGOT:
1. Ang hotel na tinuluyan ni Rizal sa Singapore.
a. La Paz c. Dela Pas
b. La Trinidad d. Dela Trinidad
3. Petsa ng pagalis si Rizal ng Calamba sa unang pagkakataon.
a. Mayo 2, 1882 c. Mayo 3, 1882
b. Mayo 1, 1882 d. Mayo 4, 1882
4. Ang pamagat sanaysay na sinulat ni Rizal bunga ng kanyang pangungulila sa Inang-Bayan
na nilisan.
a. Sa Aking Kababata c. El Amor Patrio
b. La Verdad Paratodos d. Mi Primera Inspiracion
5. Siya ang gumuhit ng Spolarium.
a. Pedro Paterno c. Felix Hildalgo

82 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

b. Amorsolo d. Juan Luna


6. Isa sa pinaka-magandang Talon sa Europa.
a. Baden Rainfall c. Salzburg
b. Lintz d. Ulm
7. Ang barkong sinakyan ni Rizal patungong Hongkong.
a. Salvador c. Djemnah
b. Zafiro d.Bohol

8. Ito ang bumubuo ng “Samahang Kidlat” maliban sa isa;


a. Juan Luna c. Julio Baldomero
b. Antinio Luna d. Gregorio Aguilera
9. Ang tumayong bilang abogado ni Rizal para sa kanyang pamilya.
a. Antonio Luna c. Andrade

b. Graciano Lopez Jaena d. Marcelo H. Del Pilar


10. Ito ang kilusang na ang layunin ay humingi ng mapayapang repormang pampolitika at
panglayunin. ( Isang Kilusang ang layunin ay humiling ng reporma sa Pamahalang kastila)
a. La Solidaridad c. La Liga Filipina
b. Kilusang propaganda d. Katipunan
11. Petsa ng itinatag ang Diaryong Tagalog.
a. August 29, 1850 c. August 30, 1851
b. August 30, 1850 d. August 29, 1849
12. Nakilala dahil sa husay na pagsulat at sa paggamit ng armas.
a. Juan luna c. Antonio Luna
b. Antonio Ricarte d. Pio Valenzuela
13. Lugar kung saan naglatha ng Noli Me Tangere.
a. Hong kong c. Espanya
b. France d. Berlin
14. Ito ang samahang itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892;
a. La Liga Filipina c. Propaganda
83 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

b. La Solidaridad d. Katipunan
15. Ang katungkulan ni bonifacio sa samahag La Liga Filipina.
a. Pangulo c. Ingat Yaman
b. kagawad d. Ikalawang Pangulo
16. Ito ang nobela na nagpapahayag ng tungkol sa pagsakop ng Europa sa Pilipinas at
nagbibigay tuon din ito sa mga katolikong prayle
a. El Filibustirismo c. Noli Me Tangere
b. Molanism d. Sa mga katapatan ng mg tao

MODYUL V ANG PAGHARAP SA


PANGANIB AT KADAKILAAN NI
JOSE RIZAL

84 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Takdang Dami ng Oras: 6 oras (Dalawang linggo) Panimula:


Matapos na muling malayo si Dr. Rizal sa Pilipinas, muling sumagi sa kanyang isipan ang muli nyang
pagbabalik sa bansa. Sa kabila ng maraming kaalamang natamo nya sa kanyang pangingibang-bayan,
tila may kung ano na lang ang humihila kay Dr. Rizal upang bumalik sa kanyang Inang bayan.
Sa yunit na ito ay iyong matututunan ang muling pagbabalik ni Dr. Rizal sa Pilipinas. Hindi
lamang ito simpleng pagbabalik sapagka’t naghihintay sa kaniya ang maraming panganib sa kaniyang
buhay. Inyong matutunghayan ang mga panggigipit na isinagawa ng mga Kastila laban kay Dr. Rizal na
siyang magpapakita rin naman ng kaniyang kadakilaan.

Mga Paksa:
a. Si Dr. Rizal at La liga Filipina
b. Buhay sa Dapitan, Mindanao sa loob ng apat na taon
c. Si Dr. Rizal at pagkakasangkot niya sa kilusang Katipunan
d. Ang paglilitis kay Dr. Rizal
e. Mga huling sandali ni Dr. Rizal
f. Ang labi ni Dr. Rizal makaraan ang pagbitay at ang kanyang bantayog
g. Mga naidulot na epekto ng kamatayan ni Dr. Rizal sa bansa at sa rebolusyon pangkalayaan

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


Nabibigyang puna ang mga kadahilanan sa muling pagbabalik ni Dr.
Rizal sa Pilipinas
85 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Nailalarawan ang naging kabuluhan ng bawat oras na inilagi ni Dr. Rizal


sa Dapitan;
Naipapaliwanang ang kadahilanan ng pagkakasangkot ni Dr. Rizal sa
Kilusang Katipunan;
Naipapaliwanag ang mga kaganapan sa ginawang paglilitis kay Dr.
Rizal; at
Nakapag-bibigay ng sariling hinuha sa naging epekto ng kamatayan
ni Dr. Rizal sa mga mamamayang Pilipino at sa mga pagkilos para sa
rebolusyong pangkalayaan.

Panimulang Pagtataya
Sa panimulang gawaing ito ay malalaman natin ang inyong pagkakaunawa patungkol sa mga
naging kalagayan ni Dr. Rizal sa kaniyang balaking umuwi muli sa Piipinas. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong at ilagay ang inyong mga sagot sa isang bukod na sagutang papel.

1. Anu-ano ng dahilan ni Dr. Rizal kung bakit niya ninasa na muling bumalik sa Pilipinas?
• Ang dahilan ng muling pagbalik ni rizal ay upang paglingkuran ang kanya mga kababayan. At
para gamutin ang kanyang ina na may katarata at para malaman Kung bakit hindi na
sumusulat si Leonor Rivera.

2. Sa anong mga kadahilanan nakabatay ang pagpapatapon kay Dr. Rizal sa Dapitan?
• Pinaghinalaan si Rizal dahil sa pag aaklas laban sa pamahalaan ng espanya dahil Kung bakit
sya pinatapon sa dapitan.

2. Ilarawan ang naging pamumuhay ni Dr. Rizal sa Dapitan.


• Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ni Dr. Jose Rizal, hindi niya hinayaan ang mga ito na
magsilbing hadlang upang makamit niya ang mga naisin sa buhay bagkus ay lalo siyang
pinatibay ng mga ito.
4. Ano ang mga mahahalagang kaganapan sa paglilitis kay Dr. Rizal?
• Pagpalilitis ay isang patunay ng kawalang katarungan ng isang Espanyol.
5. Mayroon bang naging epekto ang kamatayan ni Dr. Rizal sa ating bansa? Ipaliwanag.
• Mayroon alam ang mga pilipino lalo na ang mga katipunero na si Dr. Jose Rizal ay hindi sang ayon
sa pagkakaroon ng madugong himagsikan at dahil sa kanyang pagkamatay dito nagsimula ang
himagsikang Pilipino.

Si Dr. Rizal at ang La Liga Filipina

86 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Sa araling ito ay iyong matutunghayan ang mga kaganapan kay Dr. Rizal sa kanyang muling
pagbabalik sa bansa at ang kaniyang koneksyon sa La Liga Filipina.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

Natutukoy ang layunin ng pagkakatatag ni Dr. Rizal sa La Liga Filipina;


at
Nailalarawan ang mahahalagang kaganapan sa pagkakatatag ng La
Liga Filipina.

Sa kabila ng maraming banta sa buhay ni Dr. Rizal, hindi niya inalintana ang mga ito para lamang
makabalik muli sa kaniyang Inang bayan. Masidhi ang kaniyang pagnanasang muling makita ang
bansang kanyang nililiyag, maisakatuparan ang kanyang mga iniwan na balakin, at higit sa lahat ay
makausap si Hen. Despujol upang ilatag ang kanyang plano na pagtatayo ng kolonisasyon ng mga
Pilipino sa Hilagang Borneo.
Hunyo 26, 1892 - nang umuwi si Dr. Rizal sa Pilipinas kasama ang kaniyang kapatid na si Lucia
at pansamantalang nanuluyan sa Hotel de Oriente. Sa kaparehong araw din nagtungo si Dr. Rizal sa
Palacio de Malacañan upang makausap si Hen. Despujol
sa kabila ng babala sa kanya ng kaniyang kaibigan na
huwag basta magtiwala kay Hen. Despujol. Nang
makausap na ni Dr. Rizal si Hen. Despujol, hindi sinang-
ayunan ni Hen. Despujol ang balakin ni Dr. Rizal na
magtayo ng kolonya ang mga Pilipino sa Hilagang Borneo.
Hunyo 27, 1892 - bumisita si Dr. Rizal sa kaniyang
mga kaibigan sa Malolos, Bulacan; San Fernando,
Pampanga; Tarlac, Tarlac; at sa Bacolor, Pampanga upang
hikayatin ang mga ito na maging kasapi ng isang smahang
itatatag niya na ang layon ay ang pagbabago.

87 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Hulyo 03, 1892 – nagsagawa si Dr. Rizal ng isang pagpupulong sa tahanan ng kaniyang kaibigan na si
Doroteo Ongjunco upang ipaliwanag ang layunin at mithiin ng isang samahang itatatag niya, ang La Liga
Filipina.
Ayon kay Dr. Rizal, ang mga sumusunod ay ang layunin ng La Liga Filipina:
1. Mapag-isa ang buong kapulungan ng may lakas;
2. Mapangalagaan ang bawat isa sa oras ng kagipitan;
3. Mapaunlad ang edukasyon at komersiyo; at
4. Maisulong ang marami pang mga pagbabago.

Bawat isang inidibidwal na nagnanais maging kasapi ng samahan ay kinakailangang magbayad


ng membership fee na nagkakahalagang diyes (.10) sentimos lamang piso na gagamitin sa mga
gawaing ilulunsad ng samahan.

Sa pulong na iyon ay nagkita sa unang pagkakataon si Dr. Jose Rizal at si Andres Bonifacio,
pormal na pumili din ng mga opisyales o kawani ang samahan:
Pangulo: Ambrosio Salvador
Kalihim: Deodato Arellano
Ingat-Yaman: Bonifacio Arevalo
Piskal: Agustin Dela Rosa
Ang opisyal na motto ng samahan ay Vnus (unus ang pagkabigkas) Instar Omnium o “pagkakaisa
ng lahat” (VIO).

Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Kung sakaling anyayahan ka ni Dr. Rizal na maging kasapi ng La Liga Filipina, pauunlakan mo ba
ang kaniyang paanyaya? Bakit?
88 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Kung sakaling ako ay aanyayahan ni Dr. Jose Rizal na maging kasapi ng La Liga Filipina, ay
pauunlakan ko ang kanyang paanyaya. Ito ay sa kadahilanang. Maaari ko iyong nagamit upang
maprotektahan ang aking sarili laban sa mga taong mapang api. At itong La Liga Filipina ay
makakatutulong para sa ating bansa.

2. Kung ikaw naman ang nasa kalagayan ni Dr. Rizal, pipiliin mo pa rin bang umuwi sa Pilipinas sa
kabila ng maraming banta na naghihintay sa iyo sa iyong pagbabalik? Ipaliwanag.
➢ Kung ako ang nasa katayuan ni Dr. Rizal ay pipiliin ko pa rin na umuwi sa Pilipinas
Upang malaman ang kalagayan ng ating bansa laban sa mga kastila at dahil ako ang
inaasahan ng aking kapwa Filipino bagamat may takot ako ay Buong lakas na laban
para sa akin bansa at kapwa.

➢ Buhay sa Dapitan, Mindanao sa Loob ng Apat na Taon


Sa araling ito ay iyong mauunawaan ang naging buhay ni Dr. Rizal sa Dapitan sa
kaniyang pagkakatapon sa nasabing lugar. Bibigyang-pansin din ang kahalagahan ng kaniyang mga
ginawa sa Dapitan.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

Nailarawan ang naging buhay ni Dr. Rizal sa bayan ng Dapitan;


Natutukoy ang mga gawaing pinasimulan ni Dr. Rizal sa kanyang
pananatili sa Dapitan;
Naiuugnay sa kasalukuyang panahon ang mga makabuluhang ambag
na iniwan ni Dr. Rizal mula sa kanyang mga pagkakatuklas
(discoveries) sa Dapitan.
Napapahalagahan ang pagiging huwaran ni Dr. Rizal sa kanyang
pagpapasiyang gawing produktibo ang bawat araw na inilagi niya bilang
isang deportado sa Dapitan.

Ang Dapitan ay isang liblib na bayan na matatagpuan sa Kamindanawan. Bahagi ito ngayon ng
lalawigan ng Zamboanga del Norte at mayaman sa kasaysayan. Natuklasan ng mga Kastila ang Dapitan
noong 1629 sa pamumuno ng isang misyonerong Heswita na si Fray Pedro Guitierrez. Sa bisa ng Batas
Republika Blg. 3811, naging lungsod ang bayan ng
Dapitan sa panahon ng administrasyon ni Pangulong
Diosdado Macapagal noong Mayo 12, 1963.
Makasaysayan ang lungsod ng Dapitan sapagkat dito
namalagi si Dr. Rizal mula noong Hulyo 17, 1892
hanggang Hulyo 31, 1896. Inyong matutunghayan sa

89 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

kabuuan ng araling ito ang naging buhay ng ating bayani na si Dr. Rizal sa kaniyang pananatili sa lugar
na ito.
Hulyo 17, 1892 – nang gabi na ang oras ay
dumating si Dr. Rizal sa Dapitan lulan ng barkong Cebu.
Siya ay nakatakdang manuluyan sa loob ng kumbento
kapalit ng ilang mga kondisyon na iniuutos na gawin sa
kanya. Sa halip, siya ay tumuloy sa tahanan ni Cap.
Ricardo Carcinero, pinuno ng pulitiko-militar ng Dapitan.

Ang mga kondisyong ipinagagawa kay Rizal ay nakasaad sa isang liham na ipinadala ni Fray
Pablo Pastells, superior ng ordeng Heswita noong panahon na iyon para kay Fray Antonio Obach, ang
misyonero sa Dapitan. Ito ang mga ss:

1. Pagsisisihan ni Dr. Rizal ang lahat ng kanyang ginawa at sinabi laban sa


relihiyong Katoliko at magpahayag siya na magiging tapat sa pagsunod sa
lahat ng kautusan ng pamahalaang España;
2. Siya ay gagawa ng santo ejercicio at confesion general sa kaniyang
dinaanang buhay; at
3. Maging ulirang mamamayan sa simbahang Katoliko at Espanya.

Mapayapa naman ang naging buhay ni Dr.


Rizal sa kaniyang pananatili sa Dapitan. Nagtayo
siya ng sariling bahay at tinawag itong Talisay. Sa
kabila ng mapayapang buhay ay hindi pa rin siya
tinigilan ng mga kaaway sa pamamagitan ng
pagpapadala ng isang bayarang mamamatay-tao at
maniniktik na nagpanggap na kaniyang pinsan upang
bantayan ang bawat kilos nya. Sa huli, hindi ito
nagtagumpay dahil natuklasan niyang isa palang
impostor ang di umanong nagpakilala na pinsan niya.
Sa Dapitan din niya naisulat ang tula na Mi Retiro na patungkol sa kaniyang buhay bilang
bilanggo sa Dapitan na kaniyang iniaalay sa kaniyang pinakamamahal na ina. Nilikha niya rin ang isang
awitin na may pamagat na Himno Al Talisai, awiting alay niya sa mga taumbayan ng Talisay,
Zamboanga del Norte.
Dito niya naisakatuparan ang kaniyang hiling na makapagtayo ng isang paaralan. Nagtayo siya
ng isang munting bahay na magsisilbing silid-aralan. Ang pagpapatayo niya ng maliit na eskwelahan sa
Dapitan ay ayon sa kanilang napag-usapan ni Blumentritt sa liham. Sa Dapitan niya lalo napaunlad ang
kaniyang kaalaman sa iba’t ibang disiplina tulad ng panggagamot, pag-aaral, gawaing kalakal,
pagsasaka at iba pa. Natuklasan niya rin ang ibang species ng hayop na kalauna’y ipinangalan din sa

90 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

kaniya: ang Draco rizali (butiking lumilipad), Apogonia rizali (maliit na uwang), at ang Rhacophorus rizali
(isang ‘di pangkaraniwang palaka).
Sa aspeto ng pag-ibig, sa Dapitan niya nakilala ang isang babaeng dumating sa kaniyang buhay
na ang ngala’y Josephine Bracken. Sila ay nagsama bilang mag-asawa at nabiyayaan ng isang anak na
lalaki na agad din namang pumanaw ilang oras matapos itong ipanganak. Naging katulong ni ya si
Josephine sa pagtuturo sa mga bata sa paaralang kaniyang itinayo at maging sa panggagamot. Pinunan
ni Dr. Rizal ng pagmamahal ang asawa nyang ito dahil alam niyang ulilang lubos na si Josephine.
Sinamantala na rin ni Dr. Rizal ang pagkakataong makapagbukas na rin ng isang klinika na
tutulong para sa lahat ng mga taga Dapitan na nangangailangan ng atensyong medikal. Dahil dito,
dumating sa Dapitan ang kaniyang kapatid na si Maria at ang kanyang ina noong Agosto 1893.
Isinagawa ni Dr. Rizal ang pangatlong pagtitistis niya sa mata ng kaniyang ina na naging matagumpay
naman, nguni’t nagkaroon ng implikasyon nang alisin ang bendang nakatakip sa mata nito, isang bagay
na hindi nalalaman ni Dr. Rizal.
Bukod pa rito, sinimulan din ni Dr. Rizal ang pagsasagawa ng maayos na sistema ng patubig sa
Dapitan. Nais niyang ang mga taga-Dapitan ay makagamit ng malinis na tubig na magmumula sa
bundok, kaya sinimulan niya ang paggawa ng patubig sa pamamagitan ng paggamit ng mga kawayan.
Hindi lamang pansariling kapakanan ang inisip ni Dr. Rizal sa kaniyang pagkakabilanggo sa Dapitan,
binigyang halaga niya rin ang kapakanan ng mga mamamayan sa nasabing lugar sa pamamagitan ng
kaniyang mga pinasimulang gawain sa bayan.
Ipinakita rin ni Dr. Rizal ang kaniyang kaalaman pagdating sa negosyo. Maging sa aspetong
pinansyal ay mayroon syang kaalaman kung papaano gugugulin ang perang mayroon siya. Ang
kasanayan sa pag-imbento ng isang makinang kahoy ang isang paraan upang siya ay magkapera, ang
makinang kahoy na ito ay kayang lumikha ng 6,000 piraso ng tisa sa isang araw. Si Ramon Carreon na
isang negosyanteng taga-Dapitan ang kaniyang naging kasosyo.
Sa kabuoan, apat na taon nanatili si Dr. Rizal sa bayan ng Dapitan.

Gawain 1
Isulat ang tamang sagot sa bawat patlang bago ang bilang.
Josephine Bracken 1. Siya ang babaeng nakilala ni Dr. Rizal sa Dapitan na naging asawa niya.
Kap. Ricardo Carcinero 2. Sa kanyang tahanan tumuloy si Dr. Rizal nang siya’y makarating sa Dapitan.
Himno Al Talisai 3. Ito ang awiting nilikha ni Dr. Rizal na alay niya sa mga taong nakatira sa
nabanggit na lugar.
Mi Retiro 4. Ito ang tulang nilikha ni Rizal na tungkol sa kaniyang buhay sa Dapitan.
Draco Rizali 5. Isang species ng butiki na natuklasan ni Dr. Rizal sa Dapitan.

Gawain 2
Batay sa inyong naunawaan sa aralin, isulat ang mahahalagang ambag ni Dr. Rizal sa Dapitan sa mga
sumusunod na larangan.

91 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Agham
➢ Gamit ang kanyang kaalaman sa agham, gumawa siya ng sistemang pang-agrikultura
gamit ang mga lupang kanyang binili. Siya rin ang lumikha ng sariling irigasyon para
sa kanyang mga taniman gamit ang konsepto ng gravity. Sa karagdagan, nangolekta
at naglista siya ng ibat-ibang uri ng kabibe, reptiles, at kung ano-ano pang spesimen.
Natuklasan niya ang ibang species ng hayop na kalauna’y ipinangalan din sa kaniya:
ang Draco rizali (butiking lumilipad), Apogonia rizali (maliit na uwang), at ang
Rhacophorus rizali (isang ‘di pangkaraniwang palaka
Medisina
➢ Dahil sa pagiging mahusay na manggagamot ni Dr. Rizal, nakapag gagamot siya ng
mga mahihirap at mayaman na may mga karamdaman o sakit. Nakagawa din siya ng
sarili niyang gamot, maaaring galing sa herbal medicine.
Panitikan
➢ Naimbag ni Dr. Jose Rizal sa panitikan ay ang kanyang mga tula at libro na isinulat.
Dito nakakatulong sa mga mamamayang Pilipino na magkaisa laban sa mga kolonyal
at nananakop. Naipapakita din at nailalarawan ang mga gawain at masamang hangarin
o epekto ng mga taga Europa at kanluraning mananakop. Sa pamamagitan ng mga
sinulat ni Rizal, nagkakaroon ng ideya at kaalaman ang mga tao laban sa mga
kastila/mananakop. Ipinakita ni Dr. Rizal ang kaniyang kaalaman pagdating sa
negosyo. Maging sa aspetong pinansyal ay mayroon siyang kaalaman kung papaano
gugugulin ang perang mayroon siya. Ang kasanayan sa pag-imbento ng isang
makinang kahoy ang isang paraan upang siya ay magkapera, ang makinang kahoy na
ito ay kayang lumikha ng 6,000 piraso ng tisasa isang araw.
Edukasyon
➢ Nagtayo siya ng silid-aralan upang maturuan ang mga bata sa Dapitan. Upang
magkaroon sila ng edukasyon.

Si Dr. Rizal at ang Pagkakasangkot niya sa Kilusang Katipunan


Tatalakayin sa araling ito ang mga kaganapan na nagbigay daan sa pagkakasangkot ni Dr. Rizal
sa kilusang Katipunan o ang KKK ANB.

92 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

Natutukoy ang layon ng pagkakatatag ng kilusang Katipunan ng 1892; at


Naiisa-isa ang mga kadahilanan ng pagkakasangkot ni Dr. Rizal sa
kilusang Katipunan.

Kung ating babalikan ang ating pinag-aralan sa Kasaysayan ng Pilipinas, matatandaang naitatag
ang Kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong Hulyo 07, 1892. Ang
samahan ay naitatag sa tahanan ni Deodato Arellano sa Calle Azcarraga, Tondo, Maynila kung saan si
Arellano ang nahalal na lider ng samahan. Kabilang din sa mga nagtatag ng samahan sina Andres
Bonifacio, Teodoro Plata, at Ladislao Diwa, samantalang si Emilio Jacinto naman ang Utak ng
Katipunan.
Apat na taon na pinaghandaan ng Katipunan ang binabalak nilang panghihimagsik. Sa loob ng
apat na taong paghahanda, pinagsumikapan ni Andres Bonifacio na lumawak ang samahan at dumami
ang maging kasapi ng Katipunan mula sa iba’t ibang lalawigan ng Pilipinas. Inatasan ni Andres Bonifacio
si Pio Valenzuela na magtungo sa Dapitan, Mindanao upang kanyang maging emisaryo o kinatawan sa
layuning isangguni kay Dr. Rizal ang balaking nilang paghihimagsik.
Agad pinuntahan ni Dr. Pio Valenzuela si Dr. Rizal sa Dapitan upang agad na ibalita ang
binabalak na panghihimagsik laban sa mga Kastila naging kasama niya ang isang kunwaring pasyente
na nais magpagamot kay Dr. Rizal.
Si Dr. Valenzuela ay mula sa Polo, Bulacan (Lungsod ng Valenzuela ngayon) na isinugo ni Andres
Bonifacio upang ibalita kay Rizal ang mga plano. Sinabi ni Dr. Rizal kay Valenzuela na tiyakin lamang ng
Katipunan na sila ay totoong handa at may sapat na armas upang labanan ang mga Kastila nang sa
gayo’y huwag silang mabigo sa kanilang hangarin.
Bukod pa rito, ipinabatid ni Dr. Valenzuela kay Dr. Rizal ang balak na itakas siya ng Katipunan
mula sa Dapitan bago sumiklab ang himagsikan, nguni’t hindi ito inayunan ni Dr. Rizal at sinabing
kawalanggalang at ‘di pagkamaginoo sa laban ang pagtakas. Sa halip, sinabi ni Dr. Rizal kay Dr.
Valenzuela ang balak nyang paglilingkod bilang isang manggagamot sa Cuba at upang malaman na rin
ang taktikang pandigma na ginamit ng Cuba laban sa Espanya.

93 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit itinatag ang Katipunan? Ano ang mga layunin nito?

➢ Itinatag ang katipunan upang maghimagsik laban sa mga kastila.


upang magkaisa ang mga Pilipino. Isa rin sa mga dahilan ay
upang maipagtanggol natin ang ating kapwa laban sa mga
kastila. At nagpapakita Ito ng pagmamahal sa bansa.

➢ Ano ang balak ni Dr. Rizal sa Cuba? Bakit niya gustong pumunta sa
bansang iyon?
➢ Ang balak ni Dr. Rizal sa Cuba ay upang siya maglingkod siya ay isang
manggagamot at upang malaman ang pandigma na ginamit

ng Cuba laban sa Espanya.

Ang Paglilitis kay Dr. Rizal


Sa araling ito ay iyong matutunghayan ang isinagawang paglilitis kay Dr. Jose Rizal. Ang
panggigipit ng mga Kastila kay Dr. Rizal na kailanma’y ‘di niya ninasang talikuran at kakitaan ng
karuwagan. At ang mga detalyeng may kinalaman sa nalalabing araw niya sa mundo.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

Natutukoy ang mga dahilan ng pagkakasakdal kay Dr. Rizal sa


hukuman;
Nailalarawan ang mahahalagang kaganapan sa naging paglilitis kay Dr.
Rizal; at
Nailalapat sa kasalukuyang mga isyu ang usapin patungkol sa ‘di pantay
na pagtingin at hatol ng batas sa bawat indibidwal.

94 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Maraming mga kasamahan si Dr. Rizal ang nakaranas din ng panggigipit ng mga Kastila upang
paaminin na may kinalaman si Dr. Rizal sa pagkakatatag ng Katipunan. Isa na ang kaniyang kapatid na
si Paciano na nakaranas ng matinding kagipitan nguni’t nanatiling matatag siya sa pagtatanggol sa
kapatid.
Nobyembre 29, 1896 nang simulan ang paunang imbestigasyon na tumagal ng limang araw sa
pangunguna ni Col. Francisco Olive. Ang resulta ng nasabing imbestigasyon ay nakarating kay Oidor
Rafael Dominguez, ang huwes-panghukom sa Fuerza Santiago.
Ang mga ebidensyang lumitaw na ginamit laban kay Dr. Rizal ay mga dokumentong tulad ng tula,
talumpati, nota, at mga liham. Kaagad na gumawa si Dominguez ng buod ng kaso na syang isusumite
kay Hen. Blanco at Huwes Nicolas dela Peña. Napagdesisyunan ng korte na isailalim si Dr. Rizal sa
court marshall, ito ang sistemang isinasailalim sa mga kasapi ng sandatahang lakas o mga taksil sa
Espanya. Nangyari ito kahit hindi naman nararapat sapagka’t si Dr. Rizal ay isa lamang ordinaryong
mamamayan.

Ang resulta ng imbestigasyon ay ipinarating agad kay Dr. Rizal at siya ay pinapili ng isang
abogado na magtatanggol sa kaniya. Napili niya si Teniente Luis Taviel de Andrade. Sa loob ng
kanyang selda ay binasa ni Andrade na kanyang abogado ang kasong kinakaharap ni Dr. Rizal. Mga
kaso tulad ng sedisyon, at ilegal na pagtatatag ng isang samahan na di umano’y may balak pabagsakin
ang pamahalaang Kastila at Simbahang Katoliko.
Ang susunod na pagliiltis ay nakaiskedyul sa Disyembre 26, alinsunod kay Hen. Camilo Polavieja,
ang pumalit kay Hen. Blanco. Si Sr. Enrique de Alcocer y de vaamonde ang itinakdang mag-uusig at
maghaharap kay Rizal sa lupon at syang babasa ng buod ng kaso at magiging sentensya nito.
Maayos na ipinahayag ni Ten. De Andrade ang kaniyang talumpati upang ipagtanggol ang
kaniyang kliyente na si Dr. Rizal. Sa abot ng kaniyang makakaya ay pinagsikapan niyang mapatunayan
na walang kasalanan si Dr. Rizal. Sa kasamaang palad, hindi nabigyan ng matuwid na paghatol si Dr.
Rizal, may sentensya na para sa kaniya bago pa maganap ang paglilitis. Sa madaling salita, isang
huwad na paghatol ang naganap, isang palabas lang ang paglilitis na nangyari. Hindi man lang siya
nabigyan ng pagkakataong maiharap ang testigo laban sa mga paratang sa kanya. Binigyan siya ng
pagkakataong mailahad ang kaniyang katuwiran ngunit nagbingi-bingihan lamang ang mga hukom.
Lumabas din agad ang hatol sa kaniya. Pinagtibay ni Gob. Hen. Polavieja ang hatol na parusang
kamatayan. Nakatakda ang pagbibitay sa Disyembre 30 na gaganapin sa Bagumbayan, Maynila kung
saan maraming tao ang makakasaksi sa pagbitay sapagkat maraming namamasyal sa pook na iyon.

Gawain 1
Isulat ang tamang sagot sa bawat patlang bago ang bilang.
Teniente Luis Taviel de Andrade 1. Siya ang nagsilbing manananggol o abogado ni Dr. Rizal
Gob. Hen. Camilo Polavieja 2. Pinagtibay niya ang hatol na parusang kamatayan kay Dr. Rizal
Bagumbayan, Maynila 3. Sa lugar na ito gaganapin ang pagbitay kay Dr. Rizal
|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY

Limang (5) araw. 4. Ito ang bilang ng mga araw kung kailan tumagal ang imbestigasyon kay Dr.
Rizal

95

Sr. Enrique de Alcocer y de Vaamonde 5. Siya ang itinakdang mang-uusig at maghaharap ng mga buod ng
kaso sa paglilitis kay Dr. Rizal.

Gawain 2
Sagutin ng buong husay ang mga sumusunod na katanungan.
1. Naging patas ba ang hatol ng hukom kay Dr. Rizal sa kaniyang paglilitis? Ipaliwanag.

➢ Hindi nagging pata ang hatol ng hukom kay Dr. Rizal, sapagkat
Hindi manlang hinarap sa kanya ang testigo at hindi manlang pinakinggan ang kanyang saloobi.

Mga huling Sandali ni Dr. Rizal


Sa araling ito tatalakayin ang mga kaganapan sa huling sandali ng Buhay ni Dr. Rizal bago ang
pagsasakatuparan ng itinakdang paarusang Kamatayan.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

Natatalakay ang mga huling sandali ni Dr. Rizal sa loob ng bilangguan;


Nailalarawan ang mga naging kaganapan sa pagpatay kay Dr. Rizal sa
Bagumbayan; at
Napahahalagahan ang mga isinakripisyo ni Dr. Rizal para sa Inang-Bayan.

Sa nalalabing sandali ni Dr. Rizal ay marami pa siyang tinapos na gawain. Mababanaag ang
kahinahunan sa mukha ni Dr. Rizal, tila ‘di siya nakakaramdam ng kaba at takot.
Sunud-sunod ang mga dumalaw kay Dr. Rizal sa bilangguan, mga kamag-anak at mga naging
guro. Inalayan siya ng panalangin ng mga naging guro niya sa Ateneo at hinikayat na magbalik-loob na
sa Simbahan (ipinakalat ng mga fraile ang balitang siya’y isang erehe at pilibustero). Dinalaw din siya ng
ilang mga mamamahayag upang kapanayamin. Hindi pa din nawawaglit sa mukha ni Dr. Rizal ang
kahinahunan. Kaunting oras na lamang ang nalalabi sa buhay ni Dr. Rizal nguni’t nagawa pa niyang
sumulat ng mga liham para sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Sinulat niya ang kaniyang huling tula na
inumpisahan niya noong Disyembre 12, 1896 at tinapos na lamang nitong Disyembre 29, 1896.
96 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Disyembre 29, 1896 nang dalawin si Dr. Rizal ng kanyang ina at mga kapatid. Humingi ng tawad
si Dr. Rizal sa ina dahil sa lahat ng pasakit, pag-aalala, at pagsuway sa utos at bilin ng ina. Sa kanilang
pagyayakapan ay agad silang pinaghiwalay ng isang guardia civil. Isa-isa namang pinapasok sa loob ng
kanyang selda ang mga kapatid niyang babae at ibinilin sa mga ito ang kaniyan mga gamit. Ang
kanyang silyang yantok ay kaniyang ibinilin kay Narcisa. Ang kaniyang panyolito naman ay para sa
kaniyang pamagngkin na si Angelika. Kay Josefa naman ang sapatos na may nakasilid sa loob nito. At
ang huli, kay Trinidad niya iniabot ang lutuang alcohol kung saan nakalagay sa loob nito ang isang
tulang walang pamagat at tungkol sa pamamaalam ang nilalaman. Kalaunan, ang walang pamagat na
tula na ito ay nakilala bilang Mi Ultimo Adios.
Ika-30 ng Disyembre, 1896
Alas 3:00 ng umaga – si Dr. Rizal ay nakinig ng misa, nangumunyon, at nangumpisal. Pagkatapos
nito’y sumulat siya ng liham para sa pamilya at kapatid na si Paciano pagkatapos niyang mag-agahan.
Bandang 5:00 ng umaga – dumating si Josephine Bracken kasama si Josefa. Ikinasal ni Fray
Balaguer si Dr. Rizal kay Josephine sa mga nalalabing oras ni Dr. Rizal at pinagkalooban ng regalo ang
asawa ng isang aklat.
Mag-iika 6:30 ng umaga – kailangan nang magtungo ni Dr. Rizal sa Bagumbayan kasama ang
iba pa. Apat na sundalo ang nasa harapan niya, napapagitnaan siya ng kanyang abogado na si Ten.
Andrade at nina Fray March at Fray Villaclara. Nakadamit siya ng itim mula ulo hanggang paa at may
hawak na rosaryo.
Sa kabila ng kanyang nalalapit na kamatayan, mababanaag pa din ang kahinahunan sa mukha ni
Dr. Rizal. Sinuri ni Dr. Felipe Ruiz Castillo ang kaniyang pulso at namangha na kalmado si Dr. Rizal
sapagkat normal ang pintig nito. Patunay lamang na hindi kinakabahan at hindi natatakot si Dr. Rizal.
Ayon sa tala ng kasaysayan at pananaliksik, may mga kahilingan si Dr. Rizal sa kaniyang pagbitay, ito
ay ang mga sumusunod:
1. Huwag siyang patatamaan sa mukha.
2. Huwag siyang lalagyan ng piring sa mata.
3. Huwag siyang babarilin ng nakatalikod.
4. Hangga’t maaari ay huwag mga Pilipinong voluntarios ang babaril sa kanya.
5. Kalagin ang pagkakatali ng kanyang mga braso.
6. Patatamaan siya sa puso at dibdib.
7. Ibigay ang kanyang bangkay sa mga mahal niya sa buhay.

Ipinuwesto si Dr. Rizal sa isang malawak na parisukat na naliligiran ng mga sundalo. Siya ay
binasbasan ng isang prayle na kung saan ay ipinahalik sa kanya ang isang krus. Tinutulan ng isang
prayle na huwag syang barilin ng nakatalikod, sapagkat traydor o taksil lamang ang binabaril ng
nakatalikod.

97 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Handa na ang walong sundalong Pilipino na kikitil sa buhay ni Dr. Rizal, sa likod ng mga
Pilipinong sundalo na ito ay may walo namang sundalong Kastila na may dala ring baril kung sakaling di
magwang barilin ng mga sundalong Pilipino si Dr. Rizal.
Sa kabila ng isang paligid na tahimik, umalingawngaw ang tinig na nagsasabing:
“Peliton… Cargen… Apunten…”
Habang binabanggit ang mga katagang iyon ay binanggit naman ni Dr. Rizal ang mga katagang:
“Consummatum Est!”
Ibig sabihin ng mga katagang binitawan niya ay “naganap na”. Umalingawngaw naman ang tinig
na:
“Ajunte… Fuego!”
Pagkatapos mabanggit ang mga salitang iyon ay binaril na ng tuluyan si Dr. Rizal. Bumagsak ang
kanyang katawan sa lupa na nakaharap ang mukha sa dakong sinisikatan ng araw. Lumapit ang isang
kapitan kay Dr. Rizal at binaril siya sa dibdib gamit ang isang revolver upang tiyaking patay na si Dr.
Rizal.
Eksaktong 7:03 ng umaga – binawian na ng buhay si Dr. Rizal. Ang mga elite at kontra-rizal ay
nagsigawan ng katagang “Viva España! Muerte a los traidores! Viva!”

Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Naging makatuwiran ba ang hatol kay Dr. Rizal? Oo o Hindi? Pangatwiranan

➢ Hindi naging makatwiran ang hatol na ibnigay kay Dr. Rizal dahil sya ay pinagplanuhan at

dinaya.
98 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

2. Bigyang Puna ang naging paninindigan ng Kastilang tumayong manananggol ni Dr. Rizal: si Luis
Taviel de Andrade paano siya naiiba sa kanyang kapwa kastila na nasa likod ng di-patas na paglilitis
na isinagawa laban kay Dr. Rizal.

Si Luis Taviel de Andrade ay isang mabuting kastila. Siya ay isang abogado hangarin nyang
ipagtanggol at bigyan ng hustisya ang mga naaapi. Ganon din Kay Dr. Jose Rizal tinulungan
nya Ito upang gawin ang tama.

3. Anu-ano ang mga pakiwari mong mga karapatan ng isang akusado o nasasakdal na hindi na ipinag-
kaloob kay Dr. Rizal?

➢ Hindi pinagkalooban si Dr. Rizal ay walang kakakayahan maipagtanggol ang kaniyang sarili.

Ang Labi ni Dr. Rizal Makaraan ang Pagbitay at ang Kanyang Bantayog
Sa araling ito, tatalakayin ang iba pang mga kaganapan matapos mamatay si Dr. Rizal mula sa
hatol ng inhustisya. Mga kaganapang may kinalaman sa mga pangyayari sa kaniyang labi ang
pagtutuunan ng pansin.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

Naipaliliwanag ang mga kaganapan matapos ang naging pagbitay kay Dr.
Rizal;
Natatalakay ang mga di makataong sinapit ng labi ni Dr. Rizal; at
Nasusuri ang kahalagahan ng kanyang bantayog sa iba’t ibang panig ng
mundo.

Isang bagay na ikinababahala ng mga Kastila ay ang pagiging bantog ni Dr. Rizal, kaya minarapat
nilang itago mula sa awtoridad ang kaniyang bangkay maging sa kaniyang pamilya. Inilibing nila sa isang
sementeryo sa Paco, Maynila ang kanyang bangkay. Itinago nila ang bangkay baka sakaling nakawin ito
ng mga Katipunero at gamiting propaganda sa paghihimagsik.

99 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Nang nabubuhay pa ang bayani ay hiniling niya sa kanyang ina na hingin agad mula sa
awtoridad ang kaniyang bangkay, ngunit bigo ang kanyang ina. Ang kanyang kapatid na si Narcisa
naman ang gumawa ng paraan sa pamamagitan ng pagkasabwat sa isang guardia civil upang malaman
ang lugar na kinahihimlayan ng labi ni Dr. Rizal. Nalaman na lang nila ang bangkay ay nakalibing sa
isag sementeryo sa Paco, Maynila at may tanda na nakalagay na R. P. J. na baliktad na inisyal nga
pangalan ni Dr. Rizal.

Agosto 17, 1898 – naipalibing ng pamilya Rizal ang bangkay ni Dr. Rizal sa disenteng
pamamaraan. Nang kukunin ang bangkay niya sa sementeryo sa Paco, napag-alamang inilibing si Dr.
Rizal ng walang kabaong at tila hinagis ang kanyang bangkay na pabaliktad. Natagpuan nila itong buto
na agad at inilagak sa tahanan ng kanyang ina.
Ang kaniyang pangalan ay isinama sa mga binitay noong Enero 11, 1897 kasama ang tatlo pang
miyembro ng La Liga Filipina. Hanggang sa kamatayan ay binalot nila sa kasinungalingan si Dr. Rizal.
Disyembre 30, 1912 – ang bangkay ni
Dr. Rizal ay inilipat sa Bagumbayan kung
saan sya binaril. Dito siya pormal na
inalayan ng bantayog dahil sa kaniyang
kabayanihan. Ang kaniyang buto ay nasa
loob ng monumento na idinisenyo
ni Richard Kissling. Ang disenyo ng
monument ni Kissling ang siyang nagwagi
sa patimpalak ng mga arkitekto na gagawa

100 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

ng monumento ni Dr. Rizal, ito rin ang naging opisyal na disenyo ng mga matatayog na monumento ni
Rizal sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang Iniwang Bakas ni Dr. Rizal


Mula sa pagkamulat ni Dr. Rizal hanggang sa kaniyang kamatayan ay natikman niya ang bagsik
ng hustisya sa kaniyang bayan mula sa kamay ng mga mananakop.
Hindi batid ng mga Kastila na may kapalit ang kanilang ginawa. Sunod-sunod na mga pag-aalsa ang
naganap sa Pilipinas ilang taon matapos mamatay si Dr. Rizal. Dumagdag pa sa kaba ng mga Kastila
ang pag-aalsang nagaganap noong panahon na iyon sa Cuba at ang unti-unting paghina ng kanilang
pwersa laban sa mga Amerikano.
Si Dr. Rizal ay tunay na kamangha-mangha. Ang kaniyang iniwang bakas sa atin ay hanggang
ngayo’y nananalaytay sa ating diwa. Kilala siya hindi lamang sa Pilipinas kundi sa maraming parte pa
ng daigdig. Dalubhasa rin na maituturing dahil sa mataas na antas ng kaalaman na taglay niya sa iba’t
ibang larangan. Higit sa lahat, naging tanglaw siya sa panahong ang Pilipinas ay nilulugmok ng
kadiliman.

Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ipaliwanag bakit kinailangan pang ipagkait ng mga kastila sa pamilya ni Dr. Rizal ang kanyang labi?

➢ ang bangkay ay kanilamg itinago baka sakaling nakawin ito ng mga Katipunero at gamiting

propaganda

sa paghihimagsik.

2. Papaano hinarap ni Dr. Rizal ang lahat ng panggigipit na dinanas niya mula sa kamay ng mga
Kastila?

➢ Tinanggap niya lhat ng hatol para sa kanya nang buong buo. At pinakita nya ang kanyang
paggiging matapang.

101 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

3. Sa iyong palagay, sapat na ba ang bantayog sa Maynila upang ihayag at alalahanin ang kaniyang
kadakilaan? Ipaliwanag.

➢ Para sa akin ay hindi pa sapat, dahil may iilan pa rin na Hindi sila kilala Kaya marapat na pag
aralan at bigyang halaga Ito.

Gawain 2
Isulat ang Tama kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at isulat naman ang Mali kung ito’y hindi
wasto.

Mali 1. Si Dr. Rizal ay binaril sa Bagumbayan bandang hapon na.


Mali 2. Mga sundalong Espanyol ang bumaril kay Dr. Rizal.
Tama 3. Disyembre 30, 1896 ang petsa ng kamatayan ni Dr. Rizal.
Tama 4. Si Dr. Rizal ay namatay sa pamumuno ni Gob. Hen. Blanco.
Mali 5. Iniabot ni Dr. Rizal ang lutuang alcohol na naglalaman ng tulang walang pamagat sa
kaniyang
kapatid na si Narcisa.

HULING PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat patlang
bago ang mga bilang.

C 1. Ito ay isang bayan sa Mindanao kung saan nanatili si Dr. Rizal bilang isang bilanggo. a.
Basilan
b. Sulu
c. Dapitan
d. Butuan
D 2. Siya ang gobernador-heneral na namumuno sa Pilipinas sa panahong binaril si Dr. Rizal sa
Bagumbayan.
a. Gob. Hen. Ramon Blanco

102 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

b. Gob. Hen. Narciso Claveria


c. Gob. Hen. Valeriano Weyler
d. Gob. Hen. Camilo Polavieja
A 3. Siya ang unang nahalal na pangulo ng kilusang Katipunan o ang KKKANB. a.
Deodato Arellano
b. Roman Basa
c. Andres Bonifacio
d. Trinidad Pardo de Tavera
C 4. Sa taong ito naganap ang himagsikan na pinangunahan ng kilusang Katipunan. a.
1894
b. 1895
c. 1896
d. 1897
B 5. Sino ang babaeng kapatid ni Dr. Rizal na kasama niyang bumalik muli sa Pilipinas noong 1892? a.
Narcisa
b. Lucia
c. Trinidad
d. Angelika
B 6. Sa tahanan niya naganap ang pagpupulong na isinagawa ni Dr. Rizal para sa kanyang itatatag na
samahan.
a. Apolinario Mabini
b. Doroteo Ongjunco
c. Macario Sakay
d. Marcelo H. Del Pilar
D 7. Bukod sa pagpapagamot sa bansang iyon, ano pa ang isang layon ni Dr. Rizal kung bakit nais
niyang tumungo sa bansang Cuba?
a. Nais niyang dalawin ang ilang mga kaibigan sa Cuba.
b. Nais niyang balikan ang kaniyang mga naiwang gamit.
c. Nais niyang mag-aral pa ng isa pang kurso
d. Nais niyang malaman ang paraan ng Cuba sa pakikipagdigma laban sa España.
B 8. Sa kasaysayan ng bayan ng Dapitan, siya ang misyonerong namuno sa pagkakatuklas ng bayang
ito.
a. Padre Pedro de Valderrama

103 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

b. Padre Pedro Gutierrez


c. Padre Andres de Urdaneta
d. Padre Mariano Pilapil

A 9. Siya ang babaeng nakilala ni Dr. Rizal sa Dapitan na kalauna’y naging asawa niya. a.
Josephine Bracken
b. Leonor Rivera
c. Gertrude Beckett
d. Seiko Usui
C 10. Ito ang halaga ng buwanang bayad sa mga kasapi ng La Liga Filipina.
a. Limang (5) piso
b. Pitong (7) piso
c. Sampung (10) piso
d. Labinlimang (15) piso
B 11. Sa pagpupulong ng mga kasapi ng La Liga, siya ang nahalal na Pangulo ng samahan.
a. Jose Rizal
b. Ambrosio Salvador
c. Deodato Arellano
d. Teodoro Plata
A 12. Ito ang lugar sa Maynila kung saan unang inilibing si Dr. Rizal.
a. Paco, Maynila
b. Tondo, Maynila
c. Pandacan, Maynila
d. Sampaloc, Maynila
B 13. Siya ang dumalaw kay Dr. Rizal sa Dapitan upang ihayag ang plano ng Katipunan at ipabatid
ang plano nyang pagtakas kay Dr. Rizal.
a. Ferdinand Blumentritt
b. Pio Valenzuela
c. Padre Mariano Gomez
d. Andres Bonifacio
D 14. Ito ang petsa ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal.
a. Disyembre 30, 1893
b. Disyembre 30, 1894
c. Disyembre 30, 1895

104 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

d. Disyembre 30, 1896

C 15. Ito ang awiting nilikha ni Dr. Rizal na kaniyang niletrahan sa Dpitan. a.
Doctrina Cristiana
b. Pasiong Mahal ni JesuKristo
c. Himno Al Talisai
d. Dasalan at Tocsohan
C 16. Siya ang Gobernador-Heneral na namuno sa Pilipinas sa panahong muling bumalik sa bansa si
Dr. Rizal.
a. Gob. Hen. Narciso Claveria y Zaldua
b. Gob. Hen. Carlos Maria Dela Torre
c. Gob. Hen. Eulogio Despujol
d. Gob. Hen. Rafael Izquierdo
D 17. Sa lugar na ito unang naitayo ang pinakaunang monumento ni Dr. Rizal.
a. Bagumbayan, Maynila
b. Madrid, Spain
c. Calamba, Laguna
d. Daet, Camarines Norte
B 18. Ito ang bilang ng taon na inilagi ni Dr. Rizal sa Dapitan. a. Tatlo
b. Apat
c. Lima
d. Anim
C 19. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagpapatapon kay Dr. Rizal sa Dapitan
maliban sa isa:
a. Naglathala si Rizal ng mga babasahin na naglalaman ng pagtutol sa Simbahan.
b. Ang El Fili niyang nobela na inialay sa GomBurZa ay nagpasama sa imahe ng Simbahan sa
Pilipinas.
c. Ang kaniyang personal na isyu laban kay Gob. Hen. Despujol.
d. Mga babasahing natuklasan sa kanyang mga dala-dalahan.
B 20. Siya ang misyonero ng Dapitan sa panahon ng pagkakabilanggo ni Dr. Rizal sa bayan.
a. Padre Pablo Pastells
b. Padre Antonio Obach
c. Padre Rufino Pascual

105 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

d. Padre Andres de Urdaneta

MODULE VI Mga iba’t ibang akda ni


Jose Rizal

106 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pambungad na Salita
Alam ng lahat maliban sa pagiging Pambansang Bayani ni Jose Rizal ay marami siyang
kakayahan at talento. Isa rito ay ang talento niya sa pagsusulat. Marami siyang nagawang mga nobela,
tula, sanaysay at liham na nakapagbigay inspirasyon sa mga kabataan upang tularan ang kanyang mga
kaisipan. Ang mga akda niya ay naging daan upang ang mga Pilipino ay magising at maimpluwensiyahan
ang kanilang kamalayan upang lumaban at ipangtanggol ang ating bayan laban sa mga mapanakop na
Espanyol.
Ang pagtalakay sa mga ito ay isang paraan upang mapaunlad at mapayaman ang kaisipan ng
bawat mag-aaral sa kasanayan sa pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at pananaw sa buhay.

Mga Paksa
A. Nobela
Noli Me Tangere
Mga Tala sa pagkakasulat ng Nobela
Ideya ng pagkakasulat
Pagsusuri sa mga Teoryang pampanitikan Buod
ng Noli
El Filibusterismo
Ang El Filibusterismo at ang paralelismo nito sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan
Pagsusuri gamit ang iba’t-ibang Teoryang pampanitikan Buod
ng el Filibusterismo
B. Liham
Liham sa Kadalagahan ng Malolos
C. Sanaysay
Ang Pilipinas sa loob ng Isang Daang Taon (Filipinas Dentro de Cien Años)
Pag-ibig sa tinubuang Lupa
Ang Katamaran ng mga Pilipino (Sobre la Indolencia de los Filipinos)
Takdang Oras
Siyam na Oras (9 hours)

107 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Subukin
I. Panuto. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. Ang nobelang Noli Me Tangere ang naglantad ng tunay na kalagayan ng Pilipinas noong
panahon ng kastila.
2. Ang nobelang El Filibusterismo ay isang pampulitika, na naglalarawan ng mga
pangyayaring nagmulat sa mga Pilipino upang maging kaaway ng pamahalaan at simbahan.
3. Ang obra maestra ni Rizal na nagpapakita ng matinding pagmamahal sa mga Pilipino at sa
bayan ay ang tulang Huling Paalam .
4. Ang sanaysay na Katamaran ng mga Pilipino (Sobre la indolencia delas Filipinas isang
matalino’t makatwirang tugon ni Rizal sa mga kastila na ang mga Pilipinong’y hindi tamad.
5. Ang sanaysay na Ang Pilipinas sa loob ng isang daang Taon (Islas Filipinas dentro de cien
años ay nagsasaad ng panghuhulang darating ang araw na ang mga Pilipino’y maghihimagsik
laban sa mga kastila at magiging Malaya.

II. Sagutin ang mga sumusunod.Ipaliwanag sa 2-4 na pangungusap ang bawat tanong.

1. Anu-anong sanhi ng katamaran ng mga Pilipino ang binanggit ni Rizal sa kanyang sanysay?

➢ ang naging sanhi ay ang klima sa pilipinas, may mga pilipinong nahihirapan

➢ gumawa ng kanilang gawain dahil sa init ng araw. Isa pang dahilan ay ang pagsakop ng
kastila sa pilipinas.

➢ Anu-ano ang mga bagay na nakaimpluwensya kay Rizal upang sulatin ang kanyang mga
akda na nagbigay buhay sa kanya?

➢ Mula sa nunong Espanyol, nakuha niya ang pagiging elegante, maramda min sa mga

insulto, at galante sa kababaihan. Mula sa kanyang ama, minana niya ang tunay na

pagpapahalaga sa sarili, pagmamahal sa gawa, at pagiging malaya sa pag-iisip. At mula

sa kanyang ina, namana niya ang pagiging relihiyoso, diwa ng pagmamalasakit, at

pagmamahal sa sining at literatura.

108 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Mga Nobela: Noli Me Tangere at El Filibusterismo

Pagkatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan.

1. Naipapaliwanag ang mga tala sa pagkakasulat ng Noli Me Tangere


2. Nailalarawan ang naging kalagayan at suliranin ng lipunana ng Pilipinas noong
ika-19 dantaon sa pamamagitan ng Noli Me Tangere.
3. Naipapamalas ang tunay na takbo ng pamahalaan at lipunan, sa edukasyon, at
pananampalataya sa panahaon ng mga kastila.

NOLI ME TANGERE
Mga tala sa pagkakasulat ng nobela
Ang Noli Me Tangere ay hinango ni Rizal sa Bibliya, ayon sa kanyang liham kay Resurrecion
Hidalgo. Ang kahulugan nito ay “huwag mo akong salingin”. Pinapahiwatig nito na “hindi dapat
hawakan”. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga bagay na kahit sarili natin ay hindi maipaliwanag
hanggang sa ngayon. Ito ay sadyang delikado kaya hindi dapat hawakan ng kahit sino. Isinasalaysay ko
sa magandang kondisyon, pati na rin ang buhay, ang paniniwala, pag-asa at kapayapaan nito ayon kay
Rizal.
Ideya ng pagsulat ng Nobela
Sa Pagbabasa ni Rizal ng Uncle Toms Cabin ni Harriet Beecher Stowe na naglalarawan ng
brutalidad ng Amerika na naging alipin noon ang mga Amerikanong Negro. Nadama niya ang naging
katayuang panlipunan ng mga Pilipino sa Pilipinas, at ang mga kalupitang nagawa sa lipunang Pilipino
ng mga kastila, na kahawig ng buhay ng mga aliping Negro sa aklat.
Ang aklat na iyon, na nag-udyok sa kanya ng mithiing ipakita ang larawan ng lipunang Pilipino sa
isang nobela, ito ay nabasa nya habang nag-aaral sa Universidad Central de Madrid, at ito ay
iminungkahi niya sa kanyang mga kaibigan na sina Graciano Lopez Jaena, Evariste Aguirre, Eduardo
de lete, Julio Llorrente, Valentin Ventura at mga paterno (Pedro, maximo at Antonio) na magsulat ng
nobela. Umayon ang mga ito at nangako na magbibigay ng kontribusyong artikulo sa aklat, ngunit nauwi
sa wala ang mga plano at mag isang nagpatuloy si Rizal sa pagsusulat.
At bago matapos ang taong 1884, pinasimulan ni Rizal ang pagsulat ng nobela sa Madrid, at
doon ay natapos niyang sulatin ang kalahati ng unang bahagi ng aklat. Magtatapos na ang 1884 nang
makatapos siya ng pag –aaral sa Madrid, at siya’y tumungo sa Paris, ipinagpatuloy niya ang pagsulat,
haggang sa matapos niya ang kalahati ng ikalawang bahagi ng aklat. Sa Alemanya na niya tinapos ang
huling ikaapat na bahagi ng nobela.

109 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Sa Espanya nakaranas ng paghihirap si Rizal, nagkasakit siya dahil sa sobrang lamig at


kakulangan ng nutrisyun dahil sa hindi sapat ang kinakain, ngunit hindi naging hadlang sa kanya ang
paghihirap ipinagpatuloy parin ang pagsusulat sa nobela.

Lahat ng panganib at kapaguran ay hinarap ni Rizal upang kanyang ihandog sa kanyang Inang
bayan. Ang sabi nya: “Sa paghahangad ko ng iyong kagalingan at paghahanap ng pinakamabuting
lunas, gagawin ko ang ginagawa ng mga tao noong lumang panahon sa mga maysakit: itinambad sa
mga baiting ng templo upang ang sino mang dumalangin doon, ay makapaghahatol sa kanila ng lunas”.
Ang kanyang bayan, ayon sa kanya, ay may kanser na panlipunan na kailangan niyang ibilad, sa
templo ng sambayanang Pilipino. At ipinangako niya: ..sisikapin kong maikintal ang iyong kalagayan
nang buong katapatan, nang walang itinatanggi; itatakas ko ang lambong na nagtatago sa kalinisan, na
ipinagpapakasakit ang lahat sa katotohanan, maging ang pag-ibig sa sarili, sapagkat bilang anak, talos
kong ako man ay may sarili ring pagkukulang at katuwaan.
Sa kahirapan ni Rizal sa Espanya ay nawalan ng pera para ipalimbag ang nobela, buti nalang
isang kaibigan niyang tiga Bulakan ang tumulong sa kanya at nagpadala ng telegrama na siya ay
darating sa Berlin. Ang kaibigan niyang si Dr. Maximo Viola ang nagpahiram ng halagang P300 para sa
pagpapalimbag ng Nobela.
Noong Marso 29, 1887, sa Berlin, ang unang 2,000 sipi ng aklat ay nalimbag, na siyang naging
simula ng paggising sa damdamin ng lipunan ng sambayanang Pilipino.
Iba’t ibang teoryang pampanitikan at mga karakter sa Noli
Pormalismo
Ang teoryang pormalismo ay malimit gamitin upang mabasag ang mga komplikadong detalye ng
isang nobela at maisalarawan ito gamit ang mga sumusunod na aspeto: Banghay, Tauhan, Genre, at
Lugar at Panahon (Setting).
Magagamit ang teoryang Pormalismo upang mailarawan ang naging takbo ng mga yugto ng
nobela at para maitangi ang daloy ng nobela sa mas madali at malinaw na paraan. Para sa nobelang
Noli Me Tangere, magagamit ang pormalistikong pamamaraan ng pag-aanalisa sa pagbabaklas ng mga
teknikal na aspeto ng nobela katulad ng sumusunod.
Genre – Romansa – Trahedya
Lugar at Panahon – Ika labing siyam na Siglo, Pilipinas
Mga Tauhan
Ang Noli Me Tangere ay lipunang Pilipino na sumasaklaw halos ng sampung taon, ayon kay
Rizal, hindi katakatakang ang mga tauhan doon ay may tunay na nilikhang nabubuhay noon sa lipunan.
Sa nobelang ito, si Rizal ay nasa katauhan nina Crisostomo Ibarra at Elias. Si Maria Clara ay si Leonor
Rivera. Si Pilisopo Tasyo ay si Paciano, matandang kapatid ni Rizal, ngunit ayon kay Antonio Rigidor sa
kanyang sulat kay Rizal, ang matandang Pilosopo ay ang mga kababayang nabuwal sa dilim ng gabi na
kinabibilangan ni Francisco Rodriguez, isang katauhan na kilala ni Rizal. Si Padre Salvi ay si Padre
110 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Antonio Piernavieja, ang kinapopootang Paring Agustino sa Cavite na napatay ng mga rebolusyonaryo.
Si Kapitan Tiago ay si Kapitan Hilario Sunico ng San Nicolas, si Donya Victorina ay si Donya Agustin
Medel at sina Basilio at Crispin ay ang magkakapatid na Crisistomo ng Hagonoy, Bulacan.

Don Santiago delos Santos – ama-amahan ni Maria Clara; kaibigan ng maykapangyarihan.


Tenyente Guevarra – tenyente ng mga guwardiya sibil na kaibigan ni Don Rafael Ibarra.
Pari Sibyla – kura sa San Diego at propesor sa kolehiyo ng San Juan de Letran.
Pari Damaso – isang paring totoong mapusok at may dalawampung taong kura ng San Diego.
Don Tiburcio de Espadana – asawa ni Donya Victorina; pipilay-pilay at utal.
Donya Victorina de Espadana – asawa ni Don Tiburcio; indiya na nagkukunwaring Europeo.
Don Crisostomo Ibarra – anak ni Don Rafael Ibarra; kasintahan ni Maria Clara.
Maria Clara- babaing kahali-halina na kalalabas pa lamang ng beateryo.
Tiya Isabel – kapatid ni Kapitan Tiago; nag-alaga kay Maria Clara.
Pia Alba – asawa ni Kapitan Tiago na taga-Santa Cruz.
Don Saturnino – lolo o nuno ni Crisostomo Ibarra.
Pari Salvi – ang kurang humalili kay Pari Damaso sa San Diego.
Alperes – pinuno ng guwardiya sibil at kaaway ni Pari Salvi.
Donya Consolacion – asawa ng alperes.
Pilosopo Tasyo – dahil sa kaisipang masyadong makabago ay hindi maunawaan ng mga tao at
sinasabing isang baliw.
Basilio at Crispin – mga sakristan.
Sisa – ina ni Crispin at Basilio.
Elias – isang bangkero na kaibigan ni Ibarra.
Lucas -taong madilaw na nabagsakan ng kalo na siya rin ang may gawa.
Kapitan Pablo – pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias
Salome – kasintahan ni Elias.
Albino- dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

111 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Kapitana Maria – tanging babaeng makabayan na pumanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng


ama.
Señor Nol Juan – namahala ng mga Gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

BUOD NG NOLI ME TANGERE


Isang malaking pagdiriwang ang inihandog ni Kapitan Tiyago sa kaniyang tahanan sa Kalye
Anloague sa karangalan ni Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik sa Pilipinas mula sa Europa
matapos aang pitong taong pagpapadalubhasa. Si Ibarra ay kaisa-isang anak ni Don Rafael
Ibarra at kasintahan ni Maria Clara.
Naging diwa at paksa ng usapan sa hapunang yaon ang pag-aaral at mga karanasan ni Ibarra
sa ibang bansa. Ikinasaya ng mga panauhin ang mga isinasalaysay ni Ibarra, maliban kay Padre
Damaso, na naghihimagsik ang kalooban dahil sa ang natapat sa kanya ay ang leeg at matigas
na pakpak na manok ng tinola.Pagkatapos ng hapunan, nagpaumanhin ang binata at
mahinahong nagpaalam upang di umano’y may mahalagang bagay siyang aayusin at tatapusin.
Habang papauwi si Ibarra sa otel na kaniyang tutuluyan, sumabay sa kaniya si Tenyente
Guevarra na di- nakatiis na di maisalaysay sa binata ang tungkol sa kamatayan ng ama sa San
Diego.
Ayon sa Tenyente, si Don Rafael ay isang matapang na lalaki, na ipinagtanggol ang isang bata
sa kapaslangan ng isang walang pinag-aralang kolektor na Kastila. Kaniyang naitulak ito at
namatay na siyang naging sanhi ng kaniyang pagkabilanggo. Dito sa bilangguan inabot siya ng
kamatayan. Sa libingan ng mga Kristiyano siya inilibing subalit ang kaniyang bangkay ay
ipinahukay ng kaniyang kalaban.
Nagpasalamat si Ibarra sa Tenyente at ipinanata sa kaniyang sarili na paghahanapin niya ang
katotohanan hinggil sa kamatayan ng kaniyang yumaong ama. Kinabukasan, matapos dalawin
ang katipan, si Ibarra ay nagtuloy sa San Diego upang dalawin ang libingan ng ama pagkat noon
ay araw ng mga banal. Doon niya natuklasan sa sepulturero na ang bangkay ni Don Rafael ay
ipinahukay ng pari at ipinalipat sa libingan ng mga Intsik. Ngunit sa dahil doon ay maulan at
lubhang mabigat ang bangkay, ipinasya niyang itapon na lamang ito sa lawa. Poot na poot na
nilisan ni Ibarra ang libingan at sa kaniyang paglabas ay nasalubong niya si Padre Salvi, ang
kura ng San Diego, na siya niyang pinagbuhusan ng galit.
Ipinagtapat ng pari na wala siyang kinalaman doon sapagkat noon ay hindi pa siya ang
nakatalagang kura ng San Diego. Nang isang araw na nagpiknik sila Ibarra kasama ang ilan
pang mga kabataan sa may ilog, nakakita sila ng buwaya na buong tapang na kinalaban ni Elias.
Ngunit nang unti-unti na siyang ginagapi ng buwaya ay iniligtas siya ni Ibarra sa kamatayan.
Nang matapos iyon at naglalaro na sila sa pampang ay may dumating namang mga guwardiya
sibil upang dakpin si Elias ngunit nakatakas ito. Kinabukasan, sinadya ni Ibarra si Pilosopo
Tasyo upang isangguni ang panukalang magpatayo ng paaralan na kaniyang ihahandog sa mga
taga- San Diego. Sinabi ng pilosopo na walang kahihinatnan ang proyektong ito at pasinayaan
na. Bago magsimula ang pagbabasbas ng paaralan at binalaan ni Elias na mag-ingat si Ibarra
112 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

upang tumupad ng kaniyang bahagi sa seremonya ng pagbabasbas, umugong sa kapaligiran


sapagkat ang kalo, ang unang batong panulukan ng bahay paaralang ito ay biglang bumagsak.

Mabilis siyang naitulak ni Elias at sa halip ang taong dilaw ang siyang nabagsakan. Pagkatapos
ng pagdiriwang at pagbabasbas, nagkaroon ng salu-salo sa ilalim ng kiosko. Sa pagkakataong
ito ay hinamak ni Padre Damaso ang gunita ng ama ni Ibarra; hindi natagalan ni Ibarra ang
ganitong paghamak kaya’t siniil ng binata ang pari, at sa pamamagitan ng isang kutsilyong
nakuha sa hapag-kainan ay halos baliw nang tatarakan si Padre Damaso kung hindi namagitan
si Maria Clara.
Nagbunga ito sa pagkapatid ng pagmamahalan nila Ibarra at Maria Clara at ng pagkakatiwalag
ni Ibarra sa simbahang Katoliko. Si Maria Clara ay nagkasakit din dahil sa pangyayaring ito.
Nilakad ni Ibarra sa Maynila na mapawalang-bisa ang pagkatiwalag sa kaniya sa simbahang
Katoliko at sa tulong ng Kapitan Heneral ay pinatawan na rin ng Arsobispo si Ibarra at pinabalik
at tinanggap muli sa simbahan. Hindi naglubay ang mga kaaway ni Ibarra sa pagwawasak sa
kaniya. Nagpakana sila ng pagsalakay sa tanggulan ng guwardiya sibil, at yaon ay ipinaalam
nila sa alperes. Sa mga nagaalsa, ang ipinababatid nilang utak ay si Ibarra. Kung kaya’t iyong
huli ay dinakip at binilanggo. Mapapawalang-sala na sana siya kung hindi lamang sa sulat na
ipinadala niya kay Maria Clara na wala rin namang kinalaman sa pagsalakay ngunit naging
dahilan pa rin ng kaniyang pagkadiin.
Nakatakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Sa huling pagkakataon ay nakipagkita siya sa katipan.
Sinumbatan niya ito tungkol sa mga sulat. Sinabi naman ni Maria Clara na ibinigay lamang niya
ang mga ito upang ibalik ni Padre Salvi ang mga sulat sa kaniyang ina na kung saan nakalagat
na ang tunay na ama niya ay si Padre Damaso. Sinabi rin ng dalaga na pakakasal man siya kay
Linares ay si Ibarra pa rin ang mahal niya. Gagawin lamang niya ito upang ipagtanggol ang
dangal ng ina. Nagpatuloy na sina Elias at Ibarra sa pagtakas. Ngunit napansin nilang tinutugis
sila ng humahabol sa guwardiya sibil. Inutusan ni Elias si Ibarra na magtago sa ilalim ng mga
damo sa loob ng bangka. Upang mailigaw ang mga humahabol at lumundag si Elias sa tubig.
Pinaputukan siya hanggang sa mawala ang hawi ng tubig na nababakasan ng kaniyang
paglangoy.
Dahil inakala ni Maria Clara na patay na patay na si Ibarra ay hiniling niya kay Padre Damaso na
ipasok siya sa kumbento kung hindi ay magpapakamatay siya. Dahil dito ay pumayag ang pari.
Si Ibarra naman at nakatakas at walang naka-alam kung saan siya napadpad. Samantalang
nakasapit si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan at halos naghihingalo na. Doon niya
natagpuan si Basilio na umiiyak sa tabi ng bangkay ni Sisa, ang kaniyang ina. Inihayag ni Elias
sa bata na pagkalipas ng panahon maghukay siya at makikita niya ang kayamanan. Ito ang
kukunin niya upang mag-aral. Ang yamang ito ay pag-aari at salapi ni Ibarra, Iniutos din ni Elias
na ang bangkay ng kaniyang inang si Sisa at ang kaniyang bangkay ay sunugin. Bisperas ng
Pasko noon, at sa kabilugan ng buwan, habang unti-unting tumatakas ang buhay, si Elias ay
humarap sa silangan at umusal: “Mamamatay akong di man nakikita ang ningning ng bukang-
liwayway sa aking bayan! Kayong mga nangabulid sa dilim ng gabi.”

113 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Feminismo
Ang Feminismo ay isang teoryang nagbibigay diin sa mga karanasan na dinadanas ng isang
babae nagmumula sa kanyang paligid at kulturang pinamumunuan patriyarkal na kaisipan. Sa teoryang
ito, tinitingnan ang kalagayan isang babaeng karakter; ang kanyang pagkababae, pagkatao, at
gampanin sa lipunan bilang isang babae. Ang isang feministang kritisismo ay masasabing
“pamamaraan ng malalim at mahimay na diskursong nakatuon sa itinakda ng kultura na kaibhan ng
kasarian pagdating sa interpretasyon ng mga akdang pampanitikan.”. Sa madaling sabi, nilalayon ng
feministang kritisismo ang paghimay sa nilalaman ng isang panitikan sa pamamagitan ng paglalarawan
ng kaanohan ng isang babae sa partikular na panitikang iyon.
Gamit ang perspektibong feminista, maaring himayin ang nilalaman ng Noli Me Tangere base sa
mga katangian at kaganapan ng mga babaeng tauhan sa nobela.
Sa pamamagitan ng Feminismo maaring maisalarawan ang mga sumusunod na babaeng tauhan ng
nobela.

Tauhan Gampanin ng Nobela Katangian at pagsasalarawan

Maria Kasintahan ni Crisostomo Pangunahing tauhan ng nobela.


Clara Ibarra Mahinhin, magalang, relihiyosa,pinalaki
ng mga madre
Ina ni Cripin at Basilio Personipikasyon kung paano
Narcisa/Sisa nagmahal ang isang Ina sa kanyang mga
anak kultura ng mga Pilipino.
Mapagmahal,mapag-aruga at
hindi nakapag-aral.
Donya Asawa ni Don Tiburcio Isang Indio na nagpapanggap na
Victorina mestiza.Kinatatakutan dahil sa kanyang
panlabas na anyo,masamang ugali at
karibal ni Donya Consolacion

Donya Asawa ng Alperes Dating labandera ng alperes na


Consolacion nagging mayaman sa pamamagitan ng
pagpapakasal sa isang
mayamang kastila. Karibal ni
Donya victorina.

114 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Tiya Isabel Tiyahin at Tumayong mapag-arugang


naging katuwang ni tiyahin ni Maria Clara.
Kap.tiago sa pagpapalaki kay
Maria Clara
Andeng Katiwala sa bahay ni Magaling magluto at maasikaso
kap. Tiago ng mga Gawain sa bahay
Iday Kaibigan ni Maria Clara Maganda at marunong tumugtog
ng harpa
Sinang Kaibigan ni Maria Clara Masayahin at mabiro,
pinakamatalik na kaibigan ni Maria. Clara
Victoria Kaibigan ni Maria Clara Striktang nakakatandang kapatid
ni sinang
Neneng Kaibigan ni Maria Clara Tahimik at mahiyain na kaibigan
ni Maria Clara
Salome Kasintahan ni Dalagita na nakatira malapit sa
Elias(Bahagi ng nobela na lawa na nagnais himukin si Elias na
hindi nasma sa paglimbag ng umalis upang puunta sa Mindoro at
orihinal na libro pagkat sa magpakasal
kakulangan ng salapi ni Dr.
Jose Rizal)

Sa pananaw feminista, makikitang ang ginagamit na kultura sa paradigma ng nobelang Noli Me


Tangere ay isang konserbatibo at patriyarkal na lipunan na naayon sa ika-19 na siglong tema ng
nobela. Maoobserbahan na datapwa’t may mga pangunahing tauhang babae tulad ni Maria Clara at
Sisa, karamihan ng kanilang gampanin sa nobela ay pumapangalawa lamang sa galaw ng mga tauhang
lalaki. Halimbawa, si Maria Clara ay nabibigyang diin lamang tuwing may kinalaman sa lalaking tauhan
ang pangyayari (Bilang kasintahan ni Crisostomo Ibarra, tinatanging anak ni Kap. Tiago, Anak sa labas
ni Padre Damaso, etc.).
Lalong lumilitaw ang kulay patriyarkal ng nobela, sa mga pinagdaanan ni Sisa, na kung saan ang
huli ay madalas natatandaan bilang isang inang nabaliw dahilan sa pag alala sa kanyang mga anak, na
imbes kondenahin ay nagagamit pang isang papuri pagka’t ito ay isang tinatanging kaugalian ng isang
ina sa kulturang Pilipino-katoliko. Dito nakikita na naisasantabi pagkatao ni Sisa bilang isang babae, at
nakikita lamang siya bilang isang Ina, kung saan pumapangalawa lamang ang pagiging tao niya sa
kanyang gampanin bilang isang magulang, dahil iyon lang kanyang halaga sa lipunan ng akda.
Gamit ang teoryang Feminismo, napapalitaw ang imahe ng kababaihan sa pamamagitan ng
pagpapalutang ng pagturing sa kanila ng kanilang lipunang ginagalawan sa akda.

115 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Marxismo
Ang pananaw marxismo ay isang pagsusuring pilosopikal at pampanitikan na karaniwang
nakatuon sa pagtutunggaliang nag uugat sa pagitan ng mga naghaharing uri (bourgeois) at ng mga
pangkaraniwang uri (proletariat). Gamit ang pananaw na ito, maaring mas maintindihan ang layunin ng
nobelang Noli Me Tangere sapagkat mabisang mailalarawan ang mga tunggaliang nangyari sa nobela.
Sa pamamagitan ng pananaw na Marxismo ang mga tunggalian na naganap sa Nobelang Noli
Me Tangere ay maaring ilarawan gamit ang sumusunod:

Uri ng Tunggalian Tauhan


Tao laban sa tao Crisostomom Ibarra vs Padre Damaso
Crisostomo Ibarra vs Padre Salvi
Crisostomo Ibarra vs Elias
Donya Victorino vs Donya Consolacion

Tao laban sa lipunan/ Crisostomo Ibarra


Kultura Pilosopo Tasyo
Maria Clara
Elias
Tao laban sa kanyang Crisostomo Ibarra Elias
sarili

Crisostomo Padre Damaso


Ibarra Tunggalian ng
ideyang Naglalayong
Naglalayung panatilihin ang
pagbabago
ibahin ang kasalukuyang
laban sa
status quo sa sistema ng
naghaharing
Frailocacia
pamamagitan sistema
ng edukasyon

116 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Makikita sa naunang larawan ang tunggalian ni Crisostomo Ibarra at Padre Damaso.


Matutunghayan sa unang bilog ang layunin ni Crisostomo Ibarra na may kagustuhang magtaguyod ng
reporma sa lipunan sa pamamagitan ng pagpapatayo ng isang paaralang hiwalay sa pamamahala ng
mga prayle. Ito ay manipestasyon ng layunin ng may akda na ipakita na ang edukasyon ay may
mahalagang gampanin sa pagbuo ng pagkatao ng mga Pilipino. Bukod pa rito, ito ay naglalaman ng
mensahe na upang mamulat ang mga Pilipino, kailangang paghiwalayin ang relihiyon at edukasyon, na
magreresulta sa paghina ng impluwensya ng relihiyon pagka’t mababawasan na ang kapangyarihan nito
na magpaliwanag ng mga penomenang nangyayari sa lipunan. Sa pagyabong ng isang sekular na uri ng
edukasyon, ito ay magdudulot ng isang kaisipan na magkukwestyon sa pedestal ng relihiyon bilang
pinakamahalang pinag uugatan ng kaalaman. Samantala, makikita sa ikalawang bilog ang katayuan ni
Padre Damaso bilang tagapagpanatili ng sistemang nagpapalutang sa naghaharing uri sa nobela.
Datapwa’t may iba pang dahilan ang hindi pagkagusto ng Padre Damaso kay Ibarra, hindi maitatanggi
na isa sa mga mabigat na punto ay pagiging panganib ng mga ideya ng pagbabago sa lipunang
pinaghaharian ng frailocracia. Dito makikita na bukod sa personal na pagkamuhi kay Ibarra, si Padre
Damaso ay naging imahe ng naghaharing uri upang ipreserba ang kanilang mataas na kalagayan sa
lipunan.

117 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

118 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

119 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Gawain II
A. Pagkilala sa mga karakter na kababaihan sa nobela (batay sa Perspektibong
Peminismo) kilalanin ang mga nabanggit na karakter na kababaihan sa nobela at
ihambing ang mga ito sa maaring maging katumbas nila sa kasalukuyang panahon sa
pamamagitan ng pagpupuno ng mga kailangang detalye o impormasyon ang mga puwang
sa talahanayan.

Mga tauhan sa Noli Paglalarawan ni Dr.


Me Tangere Rizal sa mga Mga positibo at negatibong Sino kaya sila marahil
nabanggit na tauhan katangian ng mga karakter sa lipunang Pilipino
sa Nobela. sa kasalukuyan.

Maganda, mahinhin Mahinhin, Mahina ang Siya ay isang taong


at kaakit-akit na konserbatibo loob at hindi mabuti ang kalooban
1. Maria Clara
babae. Na kayang at sinasamantala
maihahalintulad sa at kayang ipagtanggol naman ng ibang
isang dalagang indahin ang ang kaniyang taona nakapaligid sa
Pilipina. pananakit sa sarili kaniya.
kaniya

2. Sisa Mapagmahal
Isang magandang Mahina ang Siya ay isang taong
dalagang Pilipinang Loob sobra sobra kung
nasadlak sa magmahal sa
kahirapan at kaniyang pamilya
kawalan ng na
hustisya. hindi nya na
naiingatan ang
kaniyang
3. Donya Victorina
Tagapag-silbi ang Mapagmahal sarili.
dati niyang trabaho. Mainisin,
Ngunit naging na asawa Mapagbalat –
malaki ang Isang Pilipinang
kayo, puno ng
impluwensiya ng lubos na iniidolo ang
mga Kastila sa pagkukunwari mga Kastila.
kanyang karakter at at
pamamaraan ng kasinungaling
pamumuhay. an, mapang –
Madalas siyang
alipusta,
manigarilyo ng
inggitera, may
tabako at madalas
120 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

ay nakasuot ito ng pansariling


mga damit na pang interes
mga taga-Kanluran.

4. Donya siya ay Mahilig magsa


Siya ay dating Siya ay isa sa mga
Consolacion labandera ng palaging lita ng tao na mataas ang
napangasawa nasaloob masasama at tingin sa sarili.
niyang alperes. Mula lamang ng
noon ay lagi na mahilig
siyang nagsasalita bahay mang
sa wikang Espanyol alipusta
kahit na
napakapangit
naman nitong
pakinggan.

5. Pia Alba Asawa ni Kapitan


Relihiyosa/
Tiago; hinalay ni
ma dasalin,
Padre Damaso; ina Duwag sa Siya ay sumisimbolo
mahinhin na paglaban bilang babaeng
ni Maria Clara
babae para sa naabuso na hindi
kaniyang naipagtanggol ang
sarili sarili .

121 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Gawain II
B. Pagkilala sa mga karakter na kalalakihan na gumanap sa nobela,

Ginampanang Katangiang nilang walang kasama.


papel o taglay batay sa
Mga Tauhan pagkakakilanlan paglalarawansa sa kanila
batay sa nobela nobela

mapusok sa
4. Kapitan Tiago Siya ang Masipag
1. Don Rafael Anak ni Don
sa nagsilbing ama ni kaniyang
Ibara pananalita,
Saturnino Ibarra at trabaho Anong mga Maaring maging
positibong katumbas nila sa katangian
Isa sa mga mayaman na tao nila ang kasalukuyang nagbigay sa iyo

sa kanyang lugar ng lipunang inspirasyon Pilipino.

Mahilig siyang Isang magbasa ng


mga philanthropist o
aklat makapag kawanggawa lalo
2. Crisostomo siya ang sagisag na sa mga Pilipinong
nakapagaral mahihirap.
Ibara ng mga pilipinong Magalang, Tapat
na
May mabuting Isa sa mga puso
maituturing na na mangingibig, at may nangarap na
magandang makapagpatayo
may maunlad at Matalino, Mataas hangarin sa ng paaralan kaniyang
makabagong ang mga upang matiyak kababayan.
kaisipan. Siya rin pagpapahalaga sa ang magandang
kinabukasan ng
ang kasintahan ni Maria Clara. pamilya,
mga kabataan

3. Pilosopo Kilala siya sa Siya ay isang

Tasyo kanyang matalinong tao. Mahusay kung Siya ay isa sa


kakaibang pananaw sa magbigay ng mga tumutugon
opinyon na sa tunay na tumutugon
mundo.. Sa kasamaang palad,
sa nararanasan ng tunay na
dahil mas gusto niyang Pilipinas sa nararanasan ng
kamay ng mga
mapag-isa, namatay siyang

122 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pilipinas sa kamay Kastila.


ng mga kastila.

Mabait at Siya ay nakikita


palakaibigan bilang taong
kayang bilhin

Maria Clara. ang kabanalan

5. Elias Siya ang tumulong Matapang, Matatag May pagmamahal Siya ang
kay Crisostomo sa bayan,May sumisimbolo sa
Ibarra para mga taong
malasakit sa
makilala ang walang pakialam
kanyang bayan at Kupuwa sa iniisip ng iba.
gayundin ang
suliranin nit

123 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

EL FILIBUSTERISMO
Ang El Filibusterismo at ang paralelismo nito sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan
Ang ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo, ang sikwel o karugtong ng Noli
Me Tangere, ay sinimulan niyang isulat sa kaniyang tinubuang Calamba noong Oktubre, 1887, sa
kaparehong taon kung kailan natapos ang manuskripto at maipalimbag ang kaniyang unang nobela.
Samantala, ipinagpatuloy naman niya ang pagsusulat ng El Filibusterismo sa Paris, Madrid, at
Biarritz, Pransiya. Mapapansing iba-ibang lugar ang napuntahan ni Dr. Rizal habang sinusulat pa niya
ang kaniyang mga nobela. Para sa una niyang nobelang Noli Me Tangere, ang mga dahilan ay may
kinalaman sa kaniyang pamamasyal sa iba’t ibang bansa at sa kaniyang propesyon. Para sa
ikalawang nobela niya ay patungkol sa pang aabuso at maling pamamalakad sa pamahalaan ng mga
kastila. Samantala, mula sa Biarritz, Pransiya kung saan niya tinapos ang pagsusulat ng ikalawang
nobela ay lumipat naman siya sa Ghent, Belgium dahil sa dalawang bagay: (1) makaiwas kay
Suzanne Jacoby na kaniyang sinisinta nang mga oras na iyon, at (2) higit na mababa ang halaga ng
palimbagan sa nasabing lugar. Noong matapos maisulat ni Dr. Rizal ang ikalawang nobela ay
nagawa mismong tipirin ang sarili sa pagkain para lamang maipalimbag ang nobela. Subalit sa hindi
magandang palad, tulad sa mga nangyari sa kaniya habang ipinapalathala ang unang nobela, muli na
namang kinapos sa salapi si Dr. Rizal. Naubos na ang perang nakuha mula sa pagsangla niya sa
kaniyang mga alahas. Muli na naman siyang humingi ng tulong sa kaniyang mga kaibigan ngunit
natalagan bago dumating kaya noong 6 Agosto 1891 ay itinigil ang paglilimbag sa nobela na noo’y
nasa ika-112 pahina na. Hindi nagtagal, tulad muli sa mga nangyari habang ipinapalimbag ang Noli
Me Tangere, ay dumating ang salaping kailangan ni Dr. Rizal mula sa isa sa kaniyang mga kaibigan
na si Valentin Ventura na noo’y nasa Paris. Sa tulong ng sugo ng Diyos, ang ikalawang nobela ni Dr.
Rizal ay natapos sa pagpapalimbag noong 18 Setyembre 1891.

Ang salitang Filibusterismo ay nanggaling sa salitang Kastila na “filibustero” na hiniram naman


sa salitang Pranses na “flibustier” na tumutukoy sa sumusunod na mga kahulugan: pirata (pirate),
isang taong mangingikil ng buwis o pag-aari ng iba (plunderer), at isang taong may kinalaman sa
rebolusyon o pumupunta pa sa ibang bayan para suportahan ang isang pag-aaklas (freebooter).
Ayon mismo kay Dr. Jose Rizal, na mababasa rin sa ginawang introduksiyon ng kaibigan niyang si
Ferdinand Blumentritt para sa kaniyang ikalawang nobela, ang “filibustero” ay nangangahulugang
“mapanganib na taong (makabayan) mamamatay kahit na anong oras”. Ito ang kontekstuwal na
pagpapakahulugan ng mga Espanyol at ilang Filipino noon na nakaaalam ng salitang ito. Unang
pagkakataon na narinig ito ni Dr. Rizal ay noong binitay ang tatlong paring martir dahil sa
pagkakadawit sa Cavite Munity. Labis-labis na pagkabalisa ang idinulot ng salitang ito sa mga Pilipino
maging sa mga nakapag-aral dahil ito ay parang parusang bigla na lamang ipapataw ng mga
Espanyol sa kung sinumang Pilipinong nais nilang mamatay. Dahil dito, ipinagbawal mismo ni
Francisco Mercado, ama ni Dr. Rizal, ang pagbanggit ng mapanganib na salitang ito, maging ng mga
salitang “Cavite” at “Burgos” (isa sa tatlong paring martir na kaibigan ng kapatid ni Dr. Rizal na si
Paciano), dahilan para kakaunti lamang ang nakaaalam ng salitang ito.
Ang karumal-dumal na pangyayaring pagbitay sa tatlong paring Pilipino ay nakintal sa isipan ni

124 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Rizal dahil sa kwento sa kanya ng kanyang kuya na si Paciano. Kahit maraming taon na ang lumipas,
ay

125 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

bumiyak sa puso ni Dr. Rizal kaya ang GOMBURZA ang kaniyang pinag-alayan ng pagsusulat ng
nobelang El Filibusterismo.
Sa ipinakita ni Jose Rizal sa El Filibusterismo na naging kalagayan ng Pilipinas, hanggang sa
kasalukuyang lipunang Pilipino ay masasalamin pa rin ang mga di kanais-nais na lipunang kastila.
Katulad lamang ng kabulukan ng Sistema ng pulitika sa bansa na kabi-kabilang korupsyon. Katumbas
ito ng mga pagkakamkam ng mga lupa at iba pang di mabuting paggamit ng kapangyarihan ng mga
prayle. Ngayon din ay ginagawa ng mga pulitiko kahit na ngayon na may kinakaharap na pandemya ang
bansa. Nananalaytay na sa mga ugat nating mga Pilipino ang mga masasamang ugali na naitanim sa
atin ng mga kastila. Gayundin, ang impluwensiya ng simbahan ay hindi pa rin natatanggal at kung
uugatin ay babalik sa panahon ng mga kastila. May kanser pa rin ang ating lipunan haggang sa
kasalukuyang panahon. Ibang klase nga lamang ito dahil ito ay komplikasyon nalang ng dating kanser
noong panahon ng kastila ngunit mas malala dahil nagdulot pa ito ng ibang sakit. Ang kanser ng
kahirapan na komplikasyon ng kabikabilang korapsyon sa gobyerno at hindi mahusay na pamamahala.
Pagsusuri gamit ang iba’t ibang teoryang pampanitikan
Pormalismo
Gamit ang pormalismo, maaring himayin ang nobelang El Filibusterismo gamit ang
mga sumusunod na aspeto: Genre – Drama - Trahedya
Lugar at Panahon – Ika labing siyam na Siglo, Pilipinas

Mga Tauhan
Simuon – ang makapangyarihang mangangalakal.
Basilio – ang binatang nag-aral ng medisina at kasinatahan ni Juli.
Juli – ang pumili ng kamatayan huwag lamang madungisan ang karangalan.
Isagani – ang makatang kasintahan ni Paulita Gomez.
Kabesang Tales – ang inagawan ng lupa ng mga pari sa Tiani at naging kalaban ng pamahalaan
sa ilalim ng sagisag na Matanglawin.
Padre Florentino – ang matalinong paring Filipino.
Padre Camora – ang mapanganib na kura.
Sandoval – ang estudyanteng Kastila na kaisa ng mga mag-aaral na Pilipino na nagnanais na magaral
ng Kastila.
Makaraig – ang puno ng mag-aaral na Pilipino.
Padre Millon – ang dominikanong magtuturo ng Pisika na walang mga instrumento sa Pamantasan
ng Santo Tomas.
Juanito Pelaez – ang naging kaagaw ni Isagani sa pag-ibig ni Paulita Gomez.
Placido Penitente – ang matalinong estudyanteng taga-Batangas na lubhang sumusumpa sa
makalumang pamamaraan ng pagtuturo ng panahong iyon. Kabesang Andang – ang ina ni
Placido Penitente Don Timoteo – ang ama ni Juanito Pelaez.
Padre Fernandez – ang dominikanong paring kaibigan ni Isagani.
Señor Pasta – ang abogadong Pilipino na ayaw tumulong sa mga kabataan sa paghiling sa
pamahalaan ng ilang pagbabago.
Tano – ang kapatid ni Juli.

121 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Tandang Selo – ang ama ni Kabesang Tales.


Pepay – ang magandang mananayaw. Ben
Zayb – ang mamamahayag.

BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Ang nobela ay nagsisimula sa eksena sa ilog-Pasig at dito’y ang bapor Tabo ay patungo
sa Laguna. Lulan nito ang matataas na pinuno ng pamahalaan, mga prayle, si Isagani, si Basilio,
ilang indio, mangangalakal na Intsik at mga estudyanteng pauwi na buhat sa Maynila.
Lulan din nito ang mag-aalahas na si Simon na hindi alam ng lahat ay si Ibarra.
Nanggaling siya sa Cuba bilang isang kaibigan at tagapayo ng Kapitan Heneral. Nagbalik sila sa
Pilipinas sa tulong ng mayamang mangangalakal na Intsik na si Quiroga upang sagipin si Maria
Clara sa Kumbento sa Sta. Clara at upang maghiganti sa pamamagitan ng paghihimagsik dahil
sa mga kahirapang dinanas sa kamay ng mga makapangyarihang Kastila. Ginamit niya ang
kanyang kayamanan upang pasamain lalo ang pamahalaan sa mata ng mga mamamayan
upang hikayatin ang pamahalaan na apihin ang mga Pilipino nang sa gayon ay mag-alsa ang
mga tao laban sa Espanya. Upang maisagawa ang kaniyang balak, kinaibigan niya ang mga
makapangyarihan at nasa posisyon sa pamahalaan. Hinikayat niya ang mga opisyal at mga
prayle sa di-mabuting pamamahala ng bayan upang magalit sa kanila ang mga tao. Inayunan
niya ang pagpapairal ng mga batas na magdudulot ng kahirapan at pagka-aba ng mga tao nang
makapaghanda sa isang madugong rebolusyon. Sa kabilang dako, lihim na nakipagsundo si
Simuon sa mga taong naging biktima ng kabuktutan at paghamak sa mga Kastila na
maghimagsik laban sa pamahalaan.
Sa isang matandang sementeryo ang katagpo sina Simuon at Basilio. Nandoon si
Simuon dahil sa ibinaon niyang kayamanan, samantalang si Basilio nama’y upang dumalaw sa
ina. Nakilala ni Basilio si Simuon, at babarilin sana siya ng huli pero naisip nito na sumama sa
kaniyang balak na paghihimagsik. Tumanggi ang binata kaya hiniling na lamang sa kaniya ni
Simuon na ipaglihim ang katauhan niya at kung kailangan siya nito at sinabi kung saan siya
matatagpuan.
Minsan nagsamasama ang mga estudyante sa isang pansiteryang Intsik bilang
panunudyo sa pagbibigay ng pahintulot ng pamahalaan sa pagtatag ng Akademyang Espanyol.
Minasama ito ng mga Kastila at sila ay hinuli. Nakasama rito si Basilio. Sa tulong ni Simuon, si
Basilio ay pinakawalan na rin sa bilangguan. Dahil dito napapayag na rin ang binata na sumali
sa rebolusyon.
Ang nakatakdang gagawin niya ay pangunahan ang maghihimagsik sa pagsalakay sa
kumbento sa Sta. Clara at sagipin si Maria Clara, subali’t ipinabatid ni Basilio kay Simuon na huli
na ang lahat sapagkat patay na si Maria Clara. Natulig si Simuon sa narinig niyang magbigay ng
hudyat upang simulan ang pag-aalsa. Nagkasakit si Simuon ng ilang buwan kaya ang unang
tangkang rebolusyon ay naging bigo. Nang siya’y gumaling na, madali niyang naisaayos ang
pagsira sa pamahalaan ng Kastila.

122 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Sa piging ng pag-iisang dibdib nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez, nagpadala si Simuon ng
isang regalo para sa bagong kasal. Ito ay isang lampara na may lamang pampasabog. Sa
kanilang pakana, sasabog ang buong bahay pati na ang mga opisyal ng pamahalaan at mga
prayle na nandoroon. Sina Basilio at Simuon lamang ang nakakaalam nito. Ito ang magiging
hudyat ng sabay-sabay na pagsabog ng lahat ng mga gusali ng pamahalaan sa Maynila ng mga
tauhan ni Simuon.
Dumating si Simuon sa tahanan ng bagong kasal na dala ang lampara. Si Basilio ay nasa
lansangan habang pinanonood ang pagpanhik ni Simuon sa hagdanan. Ang Gobernador
Heneral ay nakaupo sa kabisera ng pangunahing mesa, at ang lahat ng mga pinuno ay
nakapaligid sa kanya. Samantala, si Isagani, ang tinanggihang mangingibig ni Paulita ay naroon
sa labas at nanonood. Inilagay ni Simuon ang lampara sa gitna ng mesa, sinindihan at lumabas
ng bahay. Nasa ganitong kalagayan nang pagsabihan ni Basilio si Isagani na madaling lumayo
roon dahil sasabog na ang lampara. Nang mabatid ni Isagani naisip niyang mamamatay si
Paulita kaya kinuha niya ang lampara at itinapon sa ilog. Dahil dito, nabigo na naman ang
himagsikan.
Dahil sa pangyayaring ito, ang balak ni Simuon na mag-alsa ang bayan sa pamahalaan
ay natuklasan siya ng mga opisyal pero nakatakas siya. Dala-dala ang kaniyang kayamanan,
nagtungo siya sa tahanan ni Padre Florentino sa malayong lugar sa tabi ng dagat. Napag-
alaman ng guwardiya sibil na si Simuon ay nasa bahay ni Padre Florentino. Iniutos ni Tenyente
Perez na dakpin si Simuon ngunit ito’y uminom ng lason. Sa banig ng kamatayan, ikinumpisal ni
Simuon kay Padre Florentino ang tunay niyang katauham at ang kaniyang mga balak na
paghihiganti sa pamahalaan sa pamamagitan ng kaniyang salapi. Sinabi pa niyang balak niyang
sirain ang kaniyang mga kaaway at kaibigan upang matupad ang kaniyang hangaring makasarili.
Inalo ni Padre Florentino si Simuon at sinabi niyang ang Diyos ay mapagpapatawad sa kaniya.
Namatay si Simuon sa harapan ni Padre Florentino. Kinuha ng pari ang kaban ng yaman na
naiwan ni Simuon, nagtungo siya sa tabi ng dagat at dito itinapon ang kaban ng yaman upang
huwag nang magamit pang muli sa kasamaan.

Naturalismo
Sa teoryang Naturalismo binibigyang-patunay na ang buhay ay tila isang madilim, mabangis na
lungsod at walang awang kagubatan. Ipinakikita rin ng manunulat nito ang mga kasuklam-suklam na
mga pangyayari. Gamit ang teoryang ito, nagpapahiwatig ang manunulat na walang lugar ang pag asa,
moralidad, katarungan, at pagbabago sa mundo dahil ito ay isa lamang masukal na kagubatan.

123 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang himig ng teoryang Naturalismo ay nagpapahiwatig ng pesimismo, dahil laging may


pagkabigo at pagkatalo ang mga tauhan sa akda, at determinismo, na nagpapahiwatig na ang mga
tauhan ay nakatali lamang sa kanyang kapiligiran at wala silang magagawa para mabago ang mundong
ginagalawan (Lin Xianghua, 1989).
Sa pagsusuri ng El Filibusterismo gamit ang Naturalismo maaring tingnan ang kalagayan ng mga
sumusunod na tauhan:

Tauhan Uri ng Pagkabigo Interpretasyon


Simoun • Pagkamatay ni • Hindi maaaring
Maria Clara magtagumpay ang hangarin
• Pagkabigo ng kahit na ito ay may dakilang
Himagsika layunin
• Pagpapatiwakal
Kabesang Tales • Pagnanakaw sa • Ang pagtitiwala sa Sistema
kanyang lupain ng hustisya ay walang
• Pagkawala ng kapupulutan kung ikaw ay
kanyang Ina walang kapangyarihan
• Pagpapaalipin ni • Makukuha lamang ang
Juli katarungan sa pamamagitan
• Pagkadakip at ng sarili mong mga kamay
malaunan ay
pagsali sa mga
tulisanes
Juli • Pagkabigo sa Pag- • Realidad na walang pag-ibig
ibig para sa mga dukha
Basilio • Pagkabigo sa pag- • Walang kakayahan ang taong
ibig baguhin ang kanyang
• Pagkabigo sa kapalaran kahit gaano pa
layuning niya ito naisin
pagbabago gamit
ang reporma
Placido Penitente • Pagkabigo sa • Tanging ang mga nasa taas
sistemang lamang ng lipunan ang may
mapaunlad ang kakayahang umuunlad
sarili

Marxismo
Ang Marxismong pananaw ay lutang na lutang sa nobelang El Filibusterismo kaysa sa Noli Me Tangere.
Sa pananaw na ito, tinitingnan at sinusuri ang mga tungaliang nagaganap sa isang nobela lalo na ang
mga simbolismong nagpapakita ng sistemang mapang-api at nag-aalis ng pagkatao ng mga tauhan sa

124 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

isang nobela. Ang El Filibusterismo ay nag uumapaw sa mga alegoryang tumutumbok sa marxsitang
pananaw tulad ng mga sumusunod:

Simbolismo Interpretasyon
Bapor Tabo Nagpapakita ng pagkakahiwa-hiwalay ng uri ng tao base sa
kanilang kalagayan sa lipunan. Mga taong makapangyarihan
(Peninsulares, Insulares, Kawani ng Pamahalaan, mga May ari ng
Lupa, at mga Fraile) na mga nag-uusap sa may itaas ng bapor,
mga panggitnang uri (mga mestizo, mag aaral, pangkaraniwang
tao) na nasa loob ng bapor, at mga mababang uri (Indio) na
nagbubuwis buhay sa pagsasagwan para sa bapor.
Pagtatalo sa pagtuturo ng Nagpapakita ito ng dalawang kaisipang nagbabanggaan. Una, ay
wikang kastila ang puntong kapag natuto ang mga Pilipino ng kastila ay
magiging kapantay na sila ng mga kastila. Pangalawa, ay ang
paggamit ng wikang kastila ang kikitil sa pagkatao ng mga Pilipino
na lalong magbubunga sa kanilang pagka-alipin
Panghihimok ng Nagpapamalas ng kaisipan na hindi maaring mabago ang lipunan
himagsikan kung hindi magkakaroon ng isang armadong himagsikan.
Binibigyang diin dito na ang sistema ay hindi uunlad bagkus ay
lalong lalala lamang para sa mga taong nasa ibaba nito, kaya
kailangang baguhin ito gamit ang isang marahas na pag-aalsa.
Paghihiganti ni Kabesang Naglalahad na ang isang taong matuwid ay hindi maaring
Tales magwagi sa isang sistema na kung saan langit at lupa ang
pinagkaiba ng nasa mataas/gitnang uri (bourgeois) at ng
nakakababang uri (proletariat). Nagpapahiwatig ito na ang
katarungan ay maaari lamang makamtan gamit ang sariling
kamay, at kailangang itakwil ang buong sistema para lamang
maatim ito.
Paglalatag ng Ang pagpapakita ng angking kayamanan ni Simoun ay maituturing
klayamanan ni Simoun na alegorya sa kung paano pinapatakbo ng salapi/kapangyarihan
kay kabesang Tales ang mundo. Na kung wala ang isang tao nito, wala siyang
matatamasang katarungan pagka’t ito ay para lamang sa mga
taong nasa mataas na katayuan ng isang sistemang mapaniil.

Gawain I
Pagsusuri sa Nobela : El Filibusterismo
Pagpapalalim ng Aralin

125 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pagkilatis sa katauhan ng ilang karakter sa nobela;


SIMBOLISMO

Isang mabuting
Pagkilanlan mag -aaral na
makata

Kilos at Hindi siya katarungan para sa


ISAGANI Pananalita mapaghigante at lahat nang kanyang
siya ay isang kababayan.
simpleng tao.

matibay na ang
bayan ay uunlad
Paniniwala
at magiging
malaya

isang doktor na
Pagkilanlan mabuti ang
hangarin para Sa
kanyang bayan.

Kilos at matapang Mabait, Matalino


BASILO Pananalita matulungin at Mapagmahal
masipag

katarungan at
karunungan ay
Paniniwala
dapat gamitin ng
tama at hindi
lahat
na bagay
ay
kailangang
daanin sa
dahas.

126 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan.


Nasusuri ang nais ipahiwatig ni Rizal sa kanyang liham sa mga kababihan ng Malolos.
Naipapaliwanag ang mga kaisipang tungkol sa kahalagahan ng tungkuling
ginampanan ng isang Ina o babae.
Naihahambing ang dalagang Pilipina sa mga babae ng ibang bayan.

Ang Liham ni Rizal sa mga kadalagahan ng Malolos

Sa panahong ang mga kababaihan ay natali sa tradisyunal na gampanin tulad ng pag-aalaga ng


mga anak, pagpapanatiling malinis ng tahanan, matiyagang pag-uusal ng mga mahahabang dasal,
pananahi ng mga damit ng mga santo, may isang pangkat ng mga kadalagahan sa bayan ng Malolos
ang napaiba sa karaniwang kababaihan noon.

Ang mga kadalagahan ng Malolos ay naghain ng petisyon sa noo’y Gobernador Heneral Weyler
na sila ay mapahintulutan na magkaroon ng paaralang panggabi upang sila ay makapagaral at matuto
ng wikang espanyol sa ilalim sana ng pagtuturo ni G. Teodoro Sandiko, ngunit ito ay agad kinontra ng
noo’y kura paroko na si Padre Felipe Garcia. Sa kabila ng kanilang kabiguan di sila bumitaw sa kanilang
paniniwala na maipag-laban ang kanilang ninanais na paaralan, malaunan sa kanilang matiyagang
pakikipaglaban, malaunan sila din nama’y napagbigyan ng permiso ng pamahalaan sa kanilang
kahilingan dangan nga lamang na sa halip na si G. Teodoro Sandiko ang naging guro nila, naging
kundisyon sa pagpapahintulot na nakamit na isang babae ang maging kanilang guro; si Senyorita
Guadalupe Reyes.

Ang nabanggit na pangyayari ay ipinagbunyi ng mga makabayang Pilipino nakarating din ang
balita sa Espanya, noong ika 17, ng Pebrero taong 1889 sinulatan ni Marcelo Del Pilar si Dr. Rizal na
humihiling na sulatan niya ang mga nabanggit na kadalagahan ng Malolos, at noon ngang Ika 22 ng
Pebrero, sa parehong taon naisulat ni Dr, Rizal ang Liham niya sa kadalagahan ng Malolos na
naglalaman ng kanyang pagbati sa mga kadalagahan sa kanilang ipinakitang katapangan na makamit
ang isang bagay na ipinagkakait sa kanila na di karaniwang nangyayari sa kanilang panahon.

Ang 21 na kadalagahang taga-Malolos na pinadalhan ng liham ni Dr. Jose Rizal.


1. Alberta Ui Tangcoy 10. Feliciana Tiongson 19. Aleja
2. Filomena 11. Elisea Reyes 20. Cecilia
3. Merced Tiongson 12. Basilia Tiongson 21. Juana
4. Olimpia Tanctoco 13. Aurea Tanchongco
5. Teresita Tantoco 14. Maria Tantoco
6. Agapita Tiongson 15. Eugenia Tang

127 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

7. Leoncia Reyes 16. Anastacia


8. Olimpia Reyes 17. Basilia Tantoco
9. Paz Tiongson 18. Rufin
Inilantad ni Rizal ang paghanga sa mga kababaihang taga-Malolos. Binigyan niya ng inspirasyon
ang mga ito upang ipagpatuloy ang kanilang gawain nang mahango sa kamangmangan at pagka-alipin
ang mga mamamayan.

Mababasa rin sa liham na ito ang mga katangiang ninais ni Rizal na taglayin ng mga babaing
Pilipina sa panahong ito. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng edukasyon. Ipinahayag niya ang mga
responsibilidad at katungkulan ng kababaihan sa bayan. Narito ang bahagi ng kanyang liham: “Malaki
ngang di bahagya ang katungkulang gaganapin ng babae sa pagkabihis ngg hirap ng bayan, ngunit ang
lahat ng ito’y di hihigit sa lakas ng loob ng babaing Tagalog. Talastas ng lahat ang kapangyarihan at
galing ng babae sa Pilipinas, kaya kanilang binulag at iniyuko ang loob, panatag sila habang ang ina’y
alipin ay maaalipin din naman ang lahat ng mga anak. Ito ang dahilan ng pagkalugami ng Asia: ang
babae sa Asia’y mangmang at alipin. Makapangyarihan ang Europa at Amerika dahil doo’y ang mga
babae ay madaya’t marunong, dilat ang isip at malakas ang loob.”

Isa pang magandang halimbawa ng mga kababaihang taga-Malolos ang isinama niya sa liham
upang higit na mabigyang-diin ang tungkulin ng kababaihan sa paghubog ng mga kabataang siyang
pag- asa ng bayan sa kinabukasan. Narito ang bahagi ng liham:

“Sa mga bayang gumagalang sa babaing para sa Pilipinas, dapat nilang kilalanin ang tunay na
lagay upang magampanan ang sa kanila’y iniaasa. Ugaling dati’y kapag nanliligaw ang nagaaral na
binata ay ipinanganganyang lahat, dunong, puri’t salapi, na tila bagang ang dalaga’y walang naisasabog
kundi kasamaan. Ang katapang-tapanga’y kapag napakasal ay nagiging duwag, ang duwag na datihan
at nagwawalang-hiya, na tila walang inaantay kundi ang mag-asawa, para maipahayag ang sariling
karuwagan. Ang anak ay walang pantakip sa hina ng loob kundi ang alaala sa ina, at dahilan dito,
nalunok ang apdo, nagtitiis ng sampal, nasunod sa lalong hunghang na utos at tumutulong sa kataksilan
ng iba sapagka’t kung walang tatakbo’y walang maghahangad, kung walang isdang munti’y walang
isdang malaki. Bakit kaya baga di nalang isang pusong lalaking makapag-aampon sa kahinaan ng
babae, isang marangal na loob na di papayag magkaanak ng alipin.”
Ipinapupukaw niya sa kababaihan ang sigla at sipag ng kalalakihan. Sinabi di dapat isuko ang
pagkadalaga sa may mahinang puso. At kung sakaling mag-aasawa naman ang dalagang ito, dapat
siyang maging katuwang ng lalaki sa hirap at maging tanglaw ng anak sa pag-ibig sa bayan at kapwa.

At idinugtong pa niya ang tungkol sa kababaihan ng Esparta: “Nang iniaabot ng isang ina ang
ang kalasag sa papasahukbong anak, ay ito lamang ang sinabi: “Ibalik mo o babalik ka,” ito nga umuwi
kang manalo o mamatay ka, sapagkat ugaling iwaksi ang kalasag ng taong natalo o inusig kaya ang
bangkay sa ibabaw ng kalasag. Nabalitaan ng isang ina na namatay sa laban ang kaniyang anak at
hukbo’y natalo. Hindi umimik kundi nagpasalamat dahil ang kaniyang anak ay naligtas sa pula ngunit
ang anak ay bumalik nang buhay; nagluksa ang ina nang siya’y makita. Sa isang sumasalubong na ina
ay mga umuwing galing sa labanan at ibinabalita na isa sa namatay sa pagbabaka ang tatlo niyang
128 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

anak, “Hindi iyan ang tanong ko,” ang sagot ng ina, “kundi nanalo o natalo tayo?” “Nanalo,” ang sagot ng
bayani. “Kung ganoo’y magpasalamat tayo sa Diyos!” ang wika at napasasimbahan.”

Minsa’y nagtago sa simbahan ang isang napatalong hari nila, sa takot sa galit ng bayan:
pinagkaisahang kulungin siya doon at patayin sa gutom. Nang papaderan na ang pinto’y ang una ang
unang naghalo ng bato. Ang mga ugaling ito’y karaniwan sa kanila, kaya nga’t iginalang nang buong
Gresya ang babaing Esparta, - “Sa lahat ng babae,” ang pula ng isa, “ay kayo na lamang na taga-
Esparta ay hindi inianak para mabuhay sa sarili, kundi para sa kanilang bayan,” habang nanatili ang
ganitong mga isipan at ganitong mga babae, ay walang kaaway na nakatungtong sa lupaing Esparta, at
walang babaing taga-Esparta na nakatanaw na hukbo ng kaaway.
Tungkol naman sa relihiyon, sinabi niyang ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuwid.
Sinabi ni Kristo sa gawa at hindi salita ang hinihiling Niya sa tao, kaya nararapat na magmulat ng mata
ang kababaihan at iwasan ang bulag na pagsunod.

Bilang pangwakas at tagubilin sa sulat niya, nagbigay si Rizal ng mga paninindigan at


sinabing pagmumuni-muniin ng kababaihan ang kanyang mga sinabi. Anim na bagay ang iminungkahi
niya:
1. Ang ipinagiging taksil ng ilan ay nasa karuwagan at kapabayaan ng iba.
2. Ang inaalipusta ng isa ay nasa kulang ng pagmamahal sa sarili at nasa labis na
pagkasilaw sa umaalipusta.
3. Ang kamangmangan kaalipinan, sapagkat kung ano ang isip, ay ganoon ang tao; ang
taong walang sariling isip ay taong walang pagkatao; ang bulag na tagasunod sa isip
ng iba ay parang hayop na susunud-sunod sa tali.
4. Ang ibig magtago ng sarili ay tumulong sa ibang magtago ng kanila, sapagkat kung
pabayaan mo ang iyong kapwa ay pababayaan ka rin naman; dapat ay magkaisa-isang
bigkis na walis.
5. Kung ang babaing Tagalog ay di magbabago ay hindi dapat magpalaki ng anak, kundi
gawing pasibulan lamang; dapat alisin sa kanya ang kapangyarihan sa bahay,
sapagkat kung dili’y ipagkakanulong walang malay, ang asawa, anak, bayan at lahat.
6. Ang tao’y inianak na paris-paris, hubad at walang tali. Di nilalang ng Diyos upang
maalipin, di bigyan ng isip para pabulag, at di hinayaan ng katwiran at nang maulol ng
iba. Hindi kapalaluan ng isip ang paggamit nang matuwid sa anumang bagay. Ang
palalo’y ang nagpasasamba, ang bumubulag sa iba at ang ibig papanaigin at ang
kanyang ibig sa matuwid at katapatan.
7. Liningin ninyong magaling kung ano ang relihiyong itinuro sa atin.

Gawain I: Pagpapalalim sa Aralin:


Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at Ipaliwanag gamit 2-4 na pangungusap,
gamitin ang espasyo na nakalaab

129 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

1. Ano marahil ang mga katangian ng mga kababaihan sa Malolos na maaring maging katumbas
din ng mga katangian ng kababaihan sa kasalukuyang panahon? Ipaliwanag

➢ Ang mga babae sa malolos ay mga mahinhin, maawain, mapagpatawad at


palaging nasa loob ng bahay at walang karapatan na magaral kung baga
mahihina.

2. Anong kaibahan ng mga kadalagahan o kababaihan sa Malolos sa kanilang kapwa kababaihan


pilipina sa kanilang kapanahunan noong dantaong-19.

➢ Ang kaibahan po ay kung dati ay hindi marunong lumaban ang mga kababaihan
at halos nasa loob lamang ng mga bahay ngayon ay sila ay matatapang at
kayang makipagsabayan sa mga kalalakihan.

3. Ano ang binanggit ni Dr. Rizal sa kanyang liham na dapat maging gampanin ng isang babae sa
kanyang asawa, at anu-ano ang mga itinatagubilin niyang dapat na ituro ng isang babaeng nagiging
isang Ina sa kanyang mga magiging anak laluna sa kanyang mga anak na lalaki?
➢ Talastas ng lahat ang kapangyarihan at galing ng babae sa Pilipinas, kaya
kanilang binulag at iniyuko ang loob, panatag sila habang ang ina’y alipin ay
maaalipin din naman ang lahat ng mga anak.

4. Ipaliwanag: (Hango sa 7 tagubilin ni Dr. Rizal sa kanyang Liham sa kadalagahan ng Malolos)


A.“ Ang ipinagiging taksil ng ilan ay nasa kaduwagan at kapabayaan ng iba”

➢ ito ay naipakita sa kanyang introduksyon. Ang mga bulaklak na walang bango.


Sapagkat karamihan sa mga kababaihan sa Pilipinas ay pawang mga uto-uto sa
mga mas makakapangyarihan sa kanila.

B. “Kung ang babaing Tagalog ay di magbabago, ay hindi dapat magpalaki ng anak, kungdi
gawing pasibulan lamang: dapat alisin sa kanya ang kapangyarihan sa bahay,sapagkat kung diliý
pagkakanulong walang malay, asawa, anak, bayan at lahat.
130 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

i Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan.


1. Nababatid sa mga sanaysay ang naging kalagayan ng ating bansa sa kamay ng
mga dayuhang mananakop.
2. Naisa-isa ang mga hula ni Rizal na mangyayari sa Pilipinas sa huling banda ng
pananakop ng mga kastila.
3. Nalalaman ang mga layunin ni Rizal sa pagsulat ng mga sayasay.
4. Natatalakay ang mga sanhi ng katamaran ng mga Pilipino.

Ang Pilipinas sa Loob ng 100 Taon

Ang pamagat nito’y Filipinas Dentro de Cien Años. Inilathala ito sa La Solidaridad buhat noong
Setyembre hanggang Enero, 1890.

Sa akdang ito’y nagtila-propeta si Rizal sapagkat ang nilalaman ng akda’y naganap. Dito’y sinabi
ni Rizal kung ano ang kakaharapin ng Pilipinas sa darating na 100 taon. Sinabi niyang bago makita ang
tadhana ng isang bayan, kailangan munang buklatin ang aklat ng kanyang nakalipas, sapagkat
naniniwala siyang ang lahat ng bagay ay may batayang simula.

Ipinakita ni Rizal nang buong linaw at husay ang naging kondisyon ng Pilipinas. Sinabi niyang
nagbago ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Nagbago ang batas, kagamitan, kaugalian,
pananampalataya at paniniwala ng mga Pilipino. Nagsimula ang isang panahon, nawala ang mga
matatandang alamat, alaala, kinalimutan ang sariling panulat, kantahin, tula at batas. Iwinaksi na ang
kinagisnang kultura at kaugalian. Naging sunud-sunuran sa kagustuhan ng mga Kastila. Pinagaralan
ang kultura, pag-iisip at gawi ng mga dayuhan at ipinagmakahiya ang pagiging Pilipino.

Noon bago pa lamang ang mga Kastila, ang kanilang pakikitungo sa mga katutubo’y napakabuti,
sapagkat nais nilang mapalapit ang puso ng mga tao sa kanila. Naging bukas ang kanilang palad sa
pagtulong sa mga nangangailangan at naghihikahos, sa gayon nagkaroon ng malaking tiwala sa kanila
ang mga mamamayang Pilipino.

Naging bulag ang pagsunod ng mga ito sa kanilang kagustuhan, lalo na sa mga prayle at dahil
dito’y umabuso naman ang mga dayuhan, nanghingi sila ng matataas na buwis, inalis nila ang
karapatan ng mga tao, at ginawang tauhan lamang. Masasabing naging masama ang bunga ng ganito
sapagkat naparatangan pa silang masama at hindi pinapahalagahan ang kanilang ginagawa.

Sa mga paratang na ito, hindi naging pipi ang bayan sapagkat nagising din ang kanilang puso at
damdamin sa paghihimagsik at pagtutol sa mga kalabisan.

131 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ito ang kahapon ng Pilipinas. Ano ang magiging kalagayan niya sa hinaharap? Magiging alipin
bang muli? Ano na namang pagtitiis ang kaniyang mararanasan? Hihiwalay kaya siya sa Inang Espanya
upang mamuhay na malaya o kaya’y upang mahulog sa kamay ng ibang bansa o makipagkasundo sa
ibang bansa.

Ang hula naman niya sa bayan ay narito: “Labis na maaasahang pikitmata’t buong kabayanihang
ipagtatanggol ng Pilipinas ang kaniyang kalayaang binili ng libong hirap at masaganang dugo. Ang mga
taong bagong sisipot sa silong ng kanyang langit, kasaliw ng mga alaala ng panahong nagdaan, ay di-
sasalang magsusumikap ng makapagpagawa nang maluwang na landasin tungo sa ikasusulong, at ang
lahat ay sama-samang magsisigawa upang bigyang-lakas at tibay ang bayan, maging sa sariling
pamumuhay at maging sa pakikipagkapwa-bayan, at ang kasiglahan nila sa paggawang iyan ay
maihahambing sa kasiglahan ng isang binatang muling nagbubungkal ng bukiring naiwan ng kaniyang
magulang na malaong napabayaa’t di napaganihan, salamat sa pagwawalang-bahala ng mga unang
nagsikuha, sa gayo’y muling huhukayin sa kailaliman ng lupa ang kanyang mga ginto upang makahango
sa pagdaralita, ang kanyang mga bakal upang gawing sandata, gayundin huhukayin ang kanyang mga
tanso, tingga, uling atbp. Sa ganyan marahil, ang baya’y muling magbabagong lakas at buhay upang
magpaibayong-dagat at mangalakal, mga bagay na katutubong ugali ng mga mamamayan at may sapat
na hilig at talino sa mga bagay na ito. At kung maging malaya na muli, gaya ng ibong nakawala sa
hawla, gaya ng bulaklak na tinatangay ng hangin, muling mapapasaulli ang mga gawi niyang mabubuti
na untiunting nangawala, at siya’y magiging magiliwing muli sa kapayapaan, masaya, maaliw, palangiti,
mapag-aruga at mapangahas.

Gawain I
Paglinang ng kaalaman. Sagutin ang mga sumusunod na tanong gamit ang 2-4 na
pangungusap lamang.
1. Anu-ano ang mga hula ni Rizal na mangyayari sa Pilipinas sa sanaysay na ito?
➢ Ang mga hula ni Rizal na mangyayari sa pilipinas ay buong kabayanihang
ipagtatanggol ng pilipinas ang kanyang kalayaang binibili ng ilang libong taon. At
maging malaya katulad ng mga ibong malayang lumilipad, at magkaroon ng
kapayapaan.

2. Ilarawan ang ang kondisyun ng Pilipinas bago dumating ang mga kastila ayon kay Rizal.
➢ Noon ang pakikitungo sa mga katutubo ay napakabuti, at naging bukas palad din
itong tumutulong sa mga kapos palad at nangangailangan. At nagkakaroon ng
malaking tiwala sa mga mamamayang pilipino.

132 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

3. Ipaliwanag ang iyong reaksyon sa mensahe ng sanaysay.


➢ Ang mensahe ng sanaysay na ito ay nagpapakita ng karanasan ng mga pilipino laban
sa mga kastila. At kung paano tayo naging malaya at naging masaya.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ay isa sa mga kauna-unahang sinulat ni Rizal sa Espanya.
Ginamit niya rito ang sagisag na Laong-Laan. Noong Agosto 22, 1882, ang sanaysay na ito ay lumabas
sa Diariong Tagalog. Ito’y nasulat sa Kastila subali’t isinalin sa Tagalog ni Marcelo H. del Pilar.

Ayon kay Rizal, ang Inang Bayan ay isang paksang kinagigiliwan ng mga manunulat, mang-
aawit, manggagawa, makasining, mandirigma at iba’t ibang uri ng tao sa ating lipunan. Ang Inang Bayan
ay isang paksang magandang pag-usapan sapagkat ang damdamin o pagmamahal sa ating bayan ay
katutubo, likas sa mga magagandang karanasang nakamtan natin mula pa sa pagkabata hanggang sa
lumaki, bukod sa kagandahan ng kalikasang natutunguhan sa paligid ng tahanan at ng bayan. Mahal na
mahal ni Rizal ang Inang Bayan.

Nabanggit ni Rizal ang mga matatandang Ebreong nag-aala ng sakripisyo sa templo bilang tanda
ng kanilang pagmamahal sa bayan. Ang mga mag-aaral na nangibang bayan tulad niya ay
inihahambing niya sa mga Ebreong nabanggit, na iba nga lamang ang sakripisyong inihahandog.

...”O! kailanma’y huwag ninyong pasakitang loob ng taga-ibang bayan, ang umahon sa inyong
dalampasigan; huwag ninyong gisingin ang buhay na gunita ng kaniyang bayan, ng mga ligaya sa
kaniyang tahanan, sapagka’t kung magkagayon, ang kanilang sakit na pamamanglaw ay muling uukilkil
sa kaniyang isipan at hindi magtutugot hangga’t hindi niya nakikitang muli ang kaniyang bayan.”

Sinabi rin ni Rizal na ang pag-ibig sa bayan ay hindi magmamaliw kapag ito ay nakatanim sa
puso at isipan. ...”ang iba’t nahandog sa kaniya ng kanilang kabataan, ng kanilang kasiyahan; may iba
ring naghandog sa kaniya ng angking katalinuhan; ang iba’y nagbubo ng dugo; ang lahat ng
nangamatay ay
nag-iwan sa kaniyang Inang Bayan ng malaking kapalaran; kalayaan at kaluwalhatian.”
At narito ang kaniyang mga tagubilin:

“Ikaw na may nawalan ng ideyalismo sa inyong kaluluwa, ikaw na may sugatang puso,
namasdang pumaram ang iyong mga lunggating isa-isang tulad ng mga puno ay pinanlalaglagan ng
mga bulaklak at dahon at humahanap ng nais na mahalin, wala nang iba pang babagay sa iyo, nariyan
ang Inang Bayan, mahalin mo. Ikaw na nawalan ng ama, ina, kapatid, asawa at anak, sa maikling salita,
pag-ibig, na siyang pinaglagakan ng iyong mga pangarap, nariyan ang iyong mga pangarap, nariyan
ang iyong Inang Bayan, mahalin mo siya pagka’t nararapat sa kaniya. Mahalin siya! Oo! Subalit hindi
pagmamahal sa kaniya sa pamamagitan ng kasuklamsuklam na gawain, tanggihan at pinagbawal nang
tunay na kabanalan; sa pamamagitan ng pantisismo, pagwawasak at kaimbiian, hindi. Ang may

133 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

magandang bukang liwayway ay namamanaag na - ang malamyos na liwanag, ang tagapaghatid ng


buhay at katahimikan – ang bukang liwayway, sa madaling salita, ng tunay na Kristiyanismo, ang
pangunahin sa maligaya at tahimik na mga araw.”

Gawain II
Ipaliwanag ang mga sumusunod.Gamitin ang 2-4 na pangungusap lamang.
1. Anong gawain ng matatandang Ebreo ang tinularan ng mga Pilpinong nangibang- lupain?
Paano ito isinagawa ni Rizal?
➢ Ang gawain ng matatandang ebreo na tinularan ng mga pilipinong nangibang
lupain ay ito ang pagpapakita ng pag aalala at
pagsasakripisyo para sa inang bayan. Dahil ang pagmamahal sa bayan
ay kailanman hindi magwawala dahil ito ay nakatanim na sa puso.

2. Bakit hindi napaparam kalian man ang pag-ibig sa inang-bayan sa sandaling ito’y tumaos sa
puso?
➢ Ito ay nagpapakita na kahit ikaw ay nangibang bayan hindi pa rin maaalis ang
pagmamahal sa inang bayan dahil ito ang humubog sa ating pagkabata nagdulot
ito ng kasiyahan sa atin. At kailan man ang pag ibig sa bayan ay hindi
magmamaliw.
3. Ipaliwanag ang mga tagubilin ni Rizal sa sanaysay na ito.

➢ Aalis at lilipas ang mga pangyayari ngunit ang pagmamamhal sa inang bayan ay
mananatili. Kaya’t mahalin at pangalagaan ang inanng bayan at isapuso mo ang
iyong pagiging kristiyano.

Ang Katamaran ng mga Pilipino

May mga isinulat si Rizal na nagdulot ng kalinawan, isa rito ang sanhi ng katamaran ng mga Pilipino, na
pinalalagay na pinakamahabang sanaysay. Nalathala nang limang labas sa La Solidaridad na
makalawa sa isang buwan kung lumabas. Simula noong ika-15 ng Hulyo hanggang ika-15 ng
Setyembre, 1890.

Napuna ni Rizal na kapag may hindi magandang pangyayaring nagaganap sa kapuluan, isinisisi
ito sa “katamaran” ng mga Pilipino. Kaya sinimulan niyang suriin ang panlipunang kalagayan at
pampulitikal na nasabing panahon upang ipakita na ang sinasabing “katamaran”, na kanyang
pinakahuluganang “walang pagmamahal sa paggawa o sa kakulangan sa gawain”, ay hindi ang sanhi,
kundi ang bunga ng kaguluhan at kahulihan sa panahon ng bansa.
134 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Hindi tahasang pinabulaanan ni Rizal ang sinasabing “katamaran” ng mga Pilipino. Sinabi niyang
may nakikita ngang katamaran ngunit hindi ipinanganak na tamad ang mga Pilipino; ang klima ng
Pilipinas ay mainit at natural lamang na hindi sila magmadali sa paggawa di tulad sa mga klimang
malamig na kailangan ang mabilisang pagkilos upang mapaglabanan ang paninigas ng katawan. Sa
Pilipinas ginawa ng inang kalikasang mataba ang lupa upang ang magsasaka’y hindi gaanong
mahirapan sa paggawa upang makatiyak ng masaganang ani.

Ang katamaran, wika pa niya’y isang sakit, ngunit hindi namamana, ang mga katutubong Pilipino
sa Pilipinas ay dating kilala sa kanilang kasipagan sa paggawa at katapatan. Noong hindi pa dumarating
dito ang mga Kastila, makikipagkalakalan na sila sa mga Tsino na siyang nagdadala ng iba’t ibang
produkto at ilang kaalaman sa kapuluan. Mula sa tala ng mga manlalakbay at mananalaysay ay
mapaghuhulong ang bayan ay may “may minahan, mga pinaglalagyan ng kalakal, paggawa ng
sasakyang-dagat, manukan at alagang mga hayop, paghahabi ng seda at bulak, mga dalisayan,
paggawa ng armas, perlas, pangingisda, industriya ng sungay, balat at iba pa.”

Ngunit ano ang mga dahilan ng tinatawag na katamaran:


a) Yaong maaaring kabakasan ng kolonyal na patakaran ng mga Kastila at,
b) Taong maiuukol sa mga Pilipino na rin.

Sa unang uri at pagpuna, sinabi niyang ang mga sanhi nito’y ang mga kaluhuan at pangaabuso
ng mga Kastila. Binanggit niya ang mga pagbubuo ng dugo dahil sa pakikipagdigmaan sa mga Kastila,
sa mga Olandes, Portuges, at Tsino; ang mga pagsulpot ng mga pirata; pagpaparusa ng kamatayan sa
mga nahuling nagkasala. Kaya’t masasabing sa loob ng kalahiting dantaon, ang bilang ng taong-bayan
ay nababawasan din sa pagsalakay ng mga moro mula sa timog. Hindi na kayang ipagtanggol ng taong-
bayan ang sarili nila sa mga pirata sapagkat wala silang mga armas. Ang mga pangyayaring ito ang
nakawala ng insentibo ng mga tao upang magpahalaga sa paggawa. Bakit pa nga ba sila gagawa kundi
naman sila aani at magtatamasa ng kanilang pinagpaguran? Kaya ang iba’y nabaling na lamang sa
pagsusugal dahil sa paghahangad na kumita nang malaki sa mabilisang pangyayari na kabaligtaran
naman ang kadalasang nagiging bunga.

Ang mga bayan, patuloy ni Rizal, ay lalong nabawasan dahil sa pagpapatala ng mga
manggagawa upang magtrabaho sa konstruksiyon ng mga malalaking sasakyang-dagat na
kinakailangan ng mga Kastila para sa mga ekspedisyon nito sa mga kalapit-bansa at kasama na rito ang
makahayop na pakikitungo ng mga mananakop sa mga manggagawang Pilipino.

Bukod pa rito, mayroon pang pang-aabuso ng mga engkomendero. Dahil sa kanilang napakalupit
na pagtrato, ang mga prayle na ang mga kadalasang nagpapayo sa kanilang nasasakupan na “hintuan
ang paggawa ng minahan, iwan ang industriya at itinuturo ang langit bilang tanging pag-asa at ang
paghahanda sa kamatayan bilang tanging kaligtasan.” Sinasabi rin ng mga prayle na ang mga may
salapi’y hindi napupunta sa langit at nalalantad lamang sa lahat ng uri ng pagpapagalit at suliranin tulad
ng pagsingil ng mga buwis, pagpapatapon at sapilitang pagiging bangkero ng kumander ng bayan.

135 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Sa kawalan ng hangarin at pampasigla, natural lamang na mapasadlak sa katamaran ang mga


Pilipino. Nawalan na sila ng hangarin sa materyal at moral na mga bagay.

Ang mga bayan din ay napahiwalay sa kanyang mga kalapit-bayang dating pinakikipagkalakalan.
Ang tanging kalakal na pinahihintulutan ay sa pamamagitan lamang ng galyon na nagpapabalik-balik sa
Mexico at Pilipinas. Nasira ang lokal na pakikipagkalakalan dahil sa nasiraan ng loob ang mga
mangangalakal sa mga pandarambong ng mga pirata sa karagatan, sa pagbabawal ng pamahalaan sa
iba’t ibang pamamaraan ng pagpipigil sa pagbibigay-pahintulot ng pamahalaan para sa pangangalakal.

Karagdagan pa rin sa sinasabing katamaran ang mga masasagwang gawain ng mga


mananakop, sila ang halimbawa ng katamaran sapagkat tambak-tambak ang kanilang mga utos, ang
mga utusan nama’y labis nilang hinahamak, ipinakikita nilang hindi karapat-dapat sa mga maharlika at
aristokrata ang manwal o pangkamay na gawain.

Ngunit hindi naman isinising lahat ni Rizal sa pamahalaan ang sanhi ng katamaran sapagkat ang
mga katutubo ay may bahagi rin dito. Salat sila ng edukasyon at nasyonalismo. Wala silang kamalayang
pambansa.

Sa maraming halimbawa, pinatunayan ni Rizal, na hindi mababa ang Pilipino sa anumang lahi ng
daigdig, maraming katibayan na higit pa ngang tamad ang mga Kastila kaysa sa mga Pilipino, at ang tao’y
hindi isang makina na gagawa lamang para sa kasiyahan ng iba, nais niyang gumawa kung ito’y para sa
kaligayahan niya at ang kanyang pamilya.

Sa dakong huli, sinabi pa ni Rizal na darating ang panahon na namumulat ang mga Pilipino. Na
higit na mainam ang boluntaryong pagkamulat kaysa sapilitan.

“Kaya upang ang Pilipino’y umunlad, kailangang ang boluntaryong pagkamulat ang kumulo sa
kaniyang mga ugat, sapagkat ang pag-unlad ay sadyang nangangailangan ng pagbabago, at
nagpapahiwatig ng pagbagsak ng nakaraan, at ang pagtatagumpay ng bagong kaisipan. Ang
kakulangan ng isang pambansang kamalayan ay nagbibigay-daan sa isa pang kasamaan, na siyang
kawalan ng tagasalungat sa mga hakbang na hindi makabubuti sa taongbayan, at ang kawalan ng
pammpasigla na hahantong sa kanilang kabutihan. Mangyari pa, ang tao sa Pilipinas ay isa lamang
indibidwal, siya ay hindi kasapi ng isang bansa.”

Gawain III

Lagyan mo ng tsek (✔️) ang mga kaisipan na sa palagay mo ay matatagpuan sa sanaysay ni Dr.
Jose Rizal na “Katamaran ng mga Pilipino”.

1. Ayon kay Rizal, kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong
maisasagawa, walang hakbang na makakapagdulot ng bungang ninanais.
✔️ 2. Ang sabi ng mga prayle hintuan ang paggawa sa minahan at paghandaan ang
136 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

kamatayan.
3. Ang mga Pilipino ay nagkaroon ng mababang pagkilala sa sarili at pagwawalang-
bahala sa paggwa dahil sa malulupit na Sistema ng edukasyon.
✔️ 4. Hindi tamad ang mga Pilipino.
✔️ 5. Ang katamaran ng mga Pilipino ay bunga ng kalagayang panlipunan sa Panahon ng
mga Espanyol.
✔️ 6. Ang kabuhayan ng mga Pilipino ay napabayaan dahil sa sapilitang paggawa na
ipinatupad ng pamahalaan.
7. Isa sa dahilan ng katamaran ng mga Pilipino ay ang mainit na singaw ng panahon.
8. Ang sikap at pagkukusa ay napanatili ng mga Pilipino sa kabila ng di- magandang
sistemang umiiral sa panahon ng mga espanyol.
9. Sinusuportahan ng mga Espanyol ang mga magsasaka na ang panananim ay
pinipinsala ng mga hayop o bagyo.
✔️ 10. Kailangan ng boluntaryong pagkamulat.

Huling Pagsusulit
Suriin ang mga nobela, liham at sanaysay ni Dr. Rizal. Isulat sa tamang hanay ang pamagat, kung
kanino ito inaalay at mensaheng nakapaloob dito. Sundin ang balangkas sa ibaba.

Pamagat Kanino inaalay Mensahe

Noli Me Tangere Inaalay ito sa inang bayan. Ang mensahe ng Noli me


tangere ay gusto niyang

mamulat ang mga pilipino sa


kasamaang ginawa ng mga
kastila.

El Filibusterismo Ang nobelang el filibusterismo ay Ang mensahe ng nobelang ito ay


inaalay sa tatlong paring martir na naging daan upang sumiklab
sina padre Burgos, padre Jacinto at ang damdamin ng mga pilipino
padre Matiano Gomez. maging ni Dr. Jose Rizal na
naging dahilan ng pagsulat nya
nito. Dahil sa tatlong paring
martir na mas kilalang
GOMBURZA
Ito ay inaalay sa kahalagahan ng Ito ay nagpapakita ng
Liham sa Kadalagahan ng ginagampanan ng isang ina o katapangan ipinamalas ng mga
Malolos babae. kababaihan sa pagsulong ng
karapatan lalo na sa edukasyon
137 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang katamaran ng mga Pilipino Inaalay sa mga kastilang sinisisi sa Ito ay nagpapakita ng dahilan ng
kanila ang pagiging tamad ng mga pagiging tamad at pala asa sa
pilipino. diyos ng mga pilipino.

138 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Final Requirement
Magsaliksik sa mga tula ni Jose Rizal. Isulat ang kasaysayan sa pagkakasulat at
mensahe ng tula.
Huling Paalam (Mi Ultimo adios)
Sa kabataang Pilipino (Ala
Juventud Filipina) A Filipinas (
Ang Pilipinas)

✓ Huling Paalam( Mi Ultimo adios)

Ang huling paalam ay tulang isinulat ni Jose Rizal . Ngunit hindi matiyak kung kailan isinulat
ang kahuli hulihan ang tulang ito. Sinasabi na isinulat ito ng gabi bisperas ng pagbaril sa
kanya. Ang mensahe sa tulang ito ay tayo ay dapat na maging makabayan at ipakita ang
pagmamahal sa ating bansa. At naipapakita sa tulang ito ang pagmamahal at pag iisip niya sa
ating bansa kahit siya ay wala na.

✓ Sa Kabataang Pilipino(Ala Juventud Filipina)

Ang tulang sa kabataang pilipino ay dito unang lantarang pinahayag ni Jose Rizal ang kanyang
damdaming makabansa.
Ang mensahe ng tulang ito ay hinihimok at nililinang ni Jose Rizal ang mga kabataang pikipino
na mamukadkad at linangin ang kaisipan sa misining na katalinuhan. Dito rin naipapakita na
ang kabataan ang pag asa ng bayan. Sinasabi ditong ganitin ang katalinuhan at karunungan
ng mga kabataan upang magtulong tulong sa pag unlad ng bayan.

✓ A Filipinas(Ang Pilipinas)

Ang A Filipinas ay isinulat ni Jose Rizal noon pebrero 1880 sa album na society of culture.
Ang mensahe ng tulang ito ay ang pagpuri sa bayan tungkol sa kagandahang tinataglay nito
at tinuturing ding lakambini ni Jose Rizal iang pilipinas. Ang pilipinas ay nagpapakita ng
punong puno ng pagiging makabayan at nagpapakita ng hindi madamot sa pagmamahal sa
ating bayan na siyang pumupukaw sa damdamin ng maraming pilipino.

139 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

140 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Suggested Readings Modyul


I:

Iniego, Florentino A. Jr. Ang “Ikalawang Paglilitis” kay Jose Rizal: Ang Pagpapasa ng Batas
Republika 1425. Unpublished manuscript.
Ocampo, Ambeth R. 2008. Rizal Without the Overcoat. Anvil Publishing Inc. Pasig City, Philippines.

138 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Modyul II:
Chua, Apolonio Bayani and Patricia Melendrez Cruz. Himalay ni Rizal. Manila: Sentrong
Pangkultura ng Pilipinas,1991.
Constantino, Renato. The Making of a Filipino:A story of Philippine Colonial Politics. Quezon City:
R.Constantino, 1982.
Diestro, Dwight David et al.Talambuhay at Lipunan: Si Heneral Paciano Rizal sa Ksaysayang
Pilipino. University of the Philippines Los Baños Sentro ng Wikang Pilipino.2006
Guerrero, Leon Ma. The First Filipino: A Biography of Rizal. Manila: National Heroes
Commission,1963.
Ocampo, Ambeth. Rizal Without the Overcoat. Pasig City: Anvil Publishing Inc.1990
Quibuyen, Floro C.A Nation aborted: Rizal, American Hegemony and
Philippine Nationalism.Quezon City: Ateneo de Manila University Press.1990
Wickberg, Edgar. The Chinese in Philippine Life, 1850-1898.Quezon City: ateneo de Manila
University Press,1965
Yabes, Leopoldo. Jose Rizal on his Centenary. Quezon City. University of the Philippines.1963
Zaide, Gregorio at Sonia Zaide. Jose Rizal: Buhay, Mga ginawa at mga Sinulat ng isang Henyo,
Manunulat,Siyentipiko at Pambansang Bayani. Quezon City: all Nations Publishing Co.Inc., 1997.
Modyul III:
Guerero, Leon Ma. The First Pilipino: A Biography of Rizal, Manila: National Heroes Commission,
1963. Ileto, Reynaldo. “Rizal and the Underside of Philipppine History” In Filipinos and their
Revolution: Event, Discourse, and Historiography. Quezon City: Ateneo de Manila University
Press,1998.
Reyes, Miguel Paolo.”El Filibusterismo and Jose Rizal as “Science Fictionist”in Humanities
Diliman vol.10n0.2 (2013)
Rizal, Jose. The Indolence of the Filipinos
Rizal, Jose. Letter to the Young Women of Malolos
Schumacher, John.”Rizal in the Context of the 19th Century Philippines”in The Making of a
Nation: Essays on Nineteenth-Century Filipino Nationalism. Quezon City:Ateneo de Manila
university Press, 1991.
Modyul IV:
139 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

San Andres, Teody, Tigno, Ma. Adora at Cruz, Teodulo JOSE RIZAL Bayani ng Lahi ng TCS
Publishing House, karapatang ari 2008
Lacandula, Constancia M., Salonga, Gerardo V. at Inalvez, Daisy T. Rizal ANG PAMBANSANG
BAYANI, ng TCS Publishing House, karapatang ari 2009

Modyul V:
Danganan, Regina G., Jose Rizal: Ang Pilipinong Para sa Pilipino. Malolos, Bulacan: RGD
Publishing, 2007
San Andres, Teody C., et al., Jose Rizal: Bayani ng Lahi. Plaridel Bulacan: TCS Publishing
House, 2008

Modyul VI:
Almario, Virgilio. Si Rizal: Nobelista. Quezon City: Up Press, 2008
Guerrero, Leon Ma. The first Filipino: A Biography of Rizal. Manila: National Heroes
Commission,1963
Reyes, Miguel Paolo.”El Filibusterismo and Jose Rizal as “Science Fictionist”in Humanities
Diliman vol.10n0.2 (2013)
Rizal, Jose. The Indolence of the Filipinos
Rizal, Jose. Letter to the Young Women of Malolos

Schumacher, John.”Rizal in the Context of the 19 th Century Philippines”in The Making of a Nation:
Essays on Nineteenth-Century Filipino Nationalism. Quezon City:Ateneo de Manila university
Press, 1991. https://www.scribd.com/doc/41674700/Handouts -El-Filibusterismo-2
https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul -18
https://www.slideshare.net/markabadines/mga-akdanaisulat-ni-dr-jose-rizal
https://www.academia.edu/Documents/in/The_life_and_works_of_Dr._Jose_Rizal
Glossary

140 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Class Media – tawag sa mga Pilipinong nabibilang sa panggitnang-uri sa panahon ng kastila.


Compañerismo – ang samahan na itinatag ni Rizal sa Santo Tomas.

141 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

Emperador – tawag sa titulo sa Ateneo sa pinakamahusay sa klase sa panahon ni Rizal.


Femenismo – teoryang nagbibigay diin sa mga karanasan ng isang babae mula sa kanyang paligid at
pinamumunuan.
Filibusterismo – salitang kastilang filibuster na nangangahulugang pirate at maghihimagsik.
Frailocracia – tawag sa kapangyarihan ng mga prayle sa Pilipinas.
Galyon – isang barkong pangkalakalan sa Pilipinas sa panahon ng mga kastila.
Huwag mo akong salingin – hindi dapat hawakan.
Illustrado – ang tawag sa mga Pilipino noong panahon ng kastila na nakapag-aral sa Europa.
Indio – tawag sa mga Pilipino ng mga kastila.
Inquilino – mga nagpapaupa o nagbebenta ng lupa sa Pilipinas na ibinenta sa kanila ng mga prayle.
Kanal Suez – ito ay isang artipisyal na daanan ng mga barko at iba’t-ibang uri ng sasakyang pandagat.
Liberalismo – malayang kaisipan.
Liceo Artistico Literario – samahan ng mga artista at manunulat sa Santo Tomas.
Marxismo – isang pagsusuring pilosopikal na karaniwang nakatuon sa pagtutungaliang nag-uugat sa
pagitan ng mga naghaharing uri at ng mga pangkaraniwang uri.
Mestizo – tumutukoy sa mga anak ng mag-asawang magkaiba ng lahi.
Nasyonalismo – pagmamahal sa bayan.
Naturalismo – isang teorya na nagbibigay patunay na ang buhay ay tila isang madilim, mabangis na
lungsod at walang away kagubatan.
Sekularisasyon – kilusan na itinatag tungkol sa hidwaan ng mga paring regular at secular sa Pilipinas.
Pepe – sagisag panulat ni Rizal sa pakikipagsulatan kay Leonor.
Pormalismo – ginagamit upang mabasag ang mga komplikadong detalye ng isang nobela at
maisulong itong ginigiit na banghay, tauhan,genre at lugar at panahon.
Taimis – sagisag panulat ni Leonor sa pakikipagsulatan niya kay Rzal.

153 |
BULACAN STATE UNIVERSITY

Page

REFERENCES
Agoncillo, Teodoro A. (1990) History of the Filipino People, Eight edition, Garotech Publishing: 117
2nd St., Biton Circle Bgy. Commonwealth, Quezon City.
Alejandro at Medina (1972) Buhay at Diwa ni Jose Rizal, National Book Store: Mandaluyong City
Danganan, Regina G. (2007) Jose Rizal, Ang Pilipinong para sa mga Pilipino, El Bulakenyo Printing
House: Malolos Bulacan
Danganan, Regina G., Jose Rizal: Ang Pilipinong Para sa Pilipino. Malolos, Bulacan: RGD Publishing,
2007
Danganan, Regina G.(2017) Jose Rizal: Ang Pilipino Para sa mga Pilipino. Unang Edisyon
Dela Cruz, Zulueta (1995) Rizal, Buhay at mga Kaisipan, National Book Store: Mandaluyong City.
Flores, Soriaga, Quiray (1983) Ang Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas, Social Science Publication
Inc.: Metro Manila
Iniego, Florentino A. Jr. Ang “Ikalawang Paglilitis” kay Jose Rizal: Ang Pagpapasa ng Batas Republika
1425. Unpublished manuscript.
Jose Rizal (Bayani ng Lahi) by Teody C. San Andres, Penelope F. Tica-a, Ph.D., Ma. Adora C. Tigno,
Janet B. Mede, MA, Teodulo R. Cruz, Fatima S.A. Lim
Lacandula, Constancia M., Salonga, Gerardo V. at Inalvez, Daisy T. Rizal ANG
PAMBANSANG BAYANI, ng TCS Publishing House, karapatang ari 2009
Nazareno Isagani , et al.(2019) Aklat-Manual Tungkol sa Buhay at Mga Ginawa ni Rizal.
Ortega, Daniel S. Discourse of Rizal Course
Photo from Pablo Trillana III, The Loves of Rizal and other Essays on Philippine History, Art, and
Public
Policy
San Andres, Teody C. Penelope F. Tica-a, Ph.D., Ma. Adora C. Tigno, Janet B. Mede, MA, Teodulo R.
Cruz, Fatima S.A. Lim .Jose Rizal (Bayani ng Lahi)
San Andres, Teody C., et al., Jose Rizal: Bayani ng Lahi. Plaridel Bulacan: TCS Publishing House, 2008
San Andres, Teody C., et al. (2019) Jose Rizal Bayaning Lahi. Binagong Edisyon.
San Andres, Teody, Tigno, Ma. Adora at Cruz, Teodulo JOSE RIZAL Bayani ng Lahi ng TCS
154 |
BULACAN STATE UNIVERSITY

Publishing House, karapatang ari 2008


Wikipedia ang malayang ensiklopedia

Page

https://angtagapagmulat.wordpress.com/2013/06/19/ang -batas-rizal-ra-1425/
https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/09/talambuhay -ng-mga-bayaning-pilipino.html
https://brainly.ph/question/613068#readmore
https://en.wikipedia.org/wiki/Rizal_Monument http://historyblog-umalohokan.blogspot.com
https://joserizalss014.wordpress.com/2012/11/07/discoveries/
https://kzriman.wordpress.com/tag/courtship/
http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_8_PAGSIBOL_NG_KAMALAYANG.PDF
https://nhcp.gov.ph/%EF%BB%BF%EF%BB%BFisang-pagpupugay-sa-ating-mga-bayani-at-sa-
pamana-nilang-kalayaan
https://prezi.com/m/uphw0cjqoiqb/ang-pag-usbong-ng-liberal-na-ideya/
https://prezi.com/r8cq8soz7jsw/pagbubukas-ng-maynila-sa-pandaigdigang-kalakalan/
https://rizal.raphaelmarco.com/works/view/draco-rizali
https://rizalatsinene.wordpress.com/2016/05/18/rizal -at-ang-makulay-niyang-buhay-pag-ibig/
https://rizaluste.wordpress.com/rc-1-5-2/rc-1-5/
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Kalakalang_Galeon https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Liberalismo
https://tl.wikipedia.org/wiki/Monopolyo
http://www.academia.edu/24355934/Reading_Material_for_Grade_6_First_Quarter_Lesson_4
https://www.brainly.ph
http://www.choosephilippines.com/do/history-and-culture/3145/rizal-and-loves-his-life/
https://en.wikipedia.org/wiki/Paciano_Rizal
https://www.facebook.com/2276036479342409/photos/d41d8cd9/227603873934218
3/ https://www.flickr.com https://www.flickr.com/photos/johntewell/11640706185

155 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

https://www.flickr.com/photos/leezhenyu/4735346984/
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/17826466293

156 |
BULACAN STATE UNIVERSITY

https://www.google.com/search?q=katamaran+ng+mga+Pilipino&oq=katamaran+ng+mga+Pilipino&aqs
=chrome..69i57j0l7.13077j0j9&sourceid=chrome&ie=UTF -8 https://www.google.com/search?
sa=X&hl=en-US&source=android-
browser&q=liberalismo+at+ang+gomburza&ved=2ahUKEwi0rqywlrbgAhXLvo8KHQx9APkQ1QIoAXoEC
AsQEA&biw=360&bih=560 https://www.google.com/search?
sxsrf=ALeKk03uPACBdObqaT391mBmNOTKl0A_Fg:1600102415610&
source=univ&tbm=isch&q=katamaran+ng+mga+Pilipino&sa=X&ved=2ahUKEwitq9iAjunrAhV5xIsBHYuX
CkcQsAR6BAgKEAE&cshid=1600102532969598&biw=19
https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/341496/paalala -ng-palasyo-walang-sabong-karera-
ng-kabayo-jai-alai-sa-rizal-day/story/ http://onbecomingabetterperson.blogspot.com/2015/09/in -defense-
of-josephine-bracken.html https://www.oocities.org/kabitenyo_ph/bioriz1.htm
https://www.pinoyadventurista.com/2013/12/rizal -shrine-in-dapitan-city.html
https://www.scribd.com/doc/242729431/Pagpili -at-Paghahayag-Ng-Pambansang-Bayani
https://www.scribd.com/document/421179176/RIZAL -Kabanata-1
https://www.scribd.com/doc/62000578/Sistema-Ng-Edukasyon-Sa-Pilipinas-Noong-Panahon-Ng-Kastila-
https://www.scribd.com/doc/76408835/RA-1425-memo-247

157 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

https://www.slideshare.net/mobile/MariaLuisaMaycong/pagusbong -ng-liberal-na-ideya
https://www.slideshare.net/neccoduran/sa-loob-ng-isang-daang-taon https://www.youtube.com/watch?
v=5CH6ah6LwhM

Prepared By:
Team Leader: Dr. Regina G. Danganan Members:

Dr. Josephus Rañopa

Mr. Ezekiel Bautista


Mrs. Emilie Conquilla
Contributor:
Dr. Flaviano Mazo
Content Editor:
Mrs. Marissa R. Enriquez

Approved By:

Sherwin M.
Parinas, Ph.

158 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

D. Dean

159 | P a g e
BULACAN STATE UNIVERSITY

160 | P a g e

You might also like