Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

HaBenARBA

Sitio Arceo, Brgy. Alangilan, Bacolod City

September 25, 2018

Atty. JOHN R. CASTRICIONES 

Secretary
Department of Agrarian Reform
Elliptical Road, Diliman, Quezon City, Philippines 

Attention:
Atty. ELMER N. DISTOR
Assistant Secretary
Field Operations Office

Atty. Castriciones,

Pagbati ng kapayapaan!

Kami po ay mga miyembro ng Hacienda Bendito Agrarian Reform Beneficiaries Association

(HABENARBA) na naninirahan sa Bacolod City, Negros Occidental. Kami ay sumusulat upang isangguni
ang isang pangyayari sa naganap na “public hearing” noong September 22, 2018, sa Brgy. Alangilan,
Bacolod City. Pinag-usapan sa “public hearing” na ito ang bagong “Application for Quarry Operation” ng
pamilya Arceo sa CARP-Covered Area na may lot. No. 1332 at may title no. T-143360. Dinaluhan ito ng
iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Agrarian Reform Municipal Office (DARMO),
Environmental Management Bureau (EMB) Bacolod City, Local Government Unit (Brgy. Captain at mga
Kagawad) at Environment and Natural Resources Office (ENRO). Maliban po sa mga CARP beneficiaries
at miyembro ng HABENARBA, dumalo rin ang mga residente ng Brgy. Alangilan at mga civil society
organizations (CSO) kagaya ng KAISAHAN, Social Action Center (SAC) Diocese of Bacolod, at Brgy.
Alangilan Parish.

Kami pong mga CARP beneficiaries ay tumututol sa bagong aplikasyon.

Una sa lahat, may naunang quarry operation na ang pamilya Arceo na umabot sa 5 hectares sa
CARP-covered area pero sila ay binigyan pa rin ng 10 hectare na retention area ng DARMO at DARPO.
Hindi po kasama sa retention area ng Landowner ang 5 hectares na quarry area.

Sa isang dialogue sa pagitan ng Landbank, DARPO, ENRO, Kaisahan at Social Action Center
Diocese of Bacolod na ginanap noong Agosto 7, 2018, nilinaw ni Atty. Elmer Distor na bahagi na dapat ng
retention rights ng Landowner ang 5-hectare na quarry area dahil tila na-“circumvent” ng pamilya Arceo
ang CARP implementation.

Nauna po ang pag-issue ng NOC sa mga landholdings na ito bago pa ang quarry operation at
wala pong conversion order galing sa DAR na nagpapahintulot sa pag-quarry sa CARP-Covered areas.
Ang NOC ay na-issue noong 2012 at ang quarry permit ay na-issue lamang noong 2014.

Sa nangyari pong public hearing, taliwas po sa rekomendasyon ni Atty. Elmer Distor ang sinabi ni
OIC-MARPO Ma. Corazon T. Mondia at SARPT Anna Theresa S. Honrado, mga representante ng DAR
HaBenARBA
Sitio Arceo, Brgy. Alangilan, Bacolod City
Municipal Office – Bacolod City. Ang sabi po ni MARPO Mondia bago lang daw sa kaso si Atty. Distor at
kaunti pa lamang ang nalalaman sa kaso. Iginiit niya na hindi mako-cover ang quarry areas. Sa halip na
tulungan ang mga CARP-beneficiaries, ipinagdiinan pa ng mga kawani ng DARMO na walang makukuha
ang mga ito.

Maliban sa 10 hectares na retention area, mayroon nang quarry operation ang landowner sa
CARP-covered area na hindi parte ng nasabing retention. Maliban pa sa mga ito, nag-laan pa ang
DARMO ng 3 hectares para sa preferred beneficiary ng landowner. Ang preferred beneficiary po na ito
ay kapatid ng landowner at hindi po nila gagamitin sa agraryo ang lupa, sa halip, ito po ay ilalaan nila
para sa panibagong quarry application. Umaabot po ng 18 hectares ang nais ilaan ng DARMO para sa
landowner at ikinakatakot namin na wala nang matitira pang lupa para sa mga farmer beneficiaries.

Labing walong (18) taon na po kaming nakikibaka para sa repormang pang-agraryo. Nagpasa ko
kami ng Petition for Coverage noon pang 2002 at hanggang ngayon po ay hindi pa rin namin masigurado
na may makukuha kaming lupa.

Maraming na pong nilalabag na alituntunin ng CARP ang DARMO Bacolod, lalo na po sina MARO
Edwin Sanchez, OIC-MARPO Ma. Corazon T. Mondia at SARPT Anna Theresa A. Honrado. Tahasan nilang
pinapaburan ang mga landowners sa mga public hearings at dialogue.

Sa kanilang mga ginagawa, natapakan na po ng DARMO ang aming karapatan bilang mga
agrarian reform beneficiaries at nilalabag na rin nila ang agrarian reform law. Sana po ay matulungan
ninyong mabigyang linaw muli sa mga kawani ng DARMO ang mga guidelines sa pagpapatupad ng CARP.

Sana po ay mabigyan nyo ng kaukulang aksyon ang mga nagaganap na ito dito sa aming lugar.

Maraming Salamat po!

Ang mga Gumagalang,

_______________________________ _________________________________

You might also like