Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

HaBenARBA

Sitio Arceo, Brgy. Alangilan, Bacolod City


September 25, 2018

Atty. JOHN R. CASTRICIONES 


Secretary
Department of Agrarian Reform
Elliptical Road, Diliman, Quezon City, Philippines 

Attention:
Atty. ELMER N. DISTOR
Assistant Secretary
Field Operations Office

Atty. Castriciones,

Pagbati ng kapayapaan!

Nais naming isangguni ang isang pangyayari sa naganap na “Public Hearing” noong September
22, 2018, sa Brgy. Alangilan, Bacolod City. Pinag-usapan sa “public hearing” na ito ang bagong
“Application for Quarry Operation” ng pamilya Arceo sa CARP-Covered Area na may lot. No. 1332 at may
title no. T-143360. Dinaluhan ito ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Agrarian
Reform Municipal Office, Environmental Management Bureau (EMB) Bacolod City, Local Government
Unit (Brgy. Captain at mga Kagawad) at Environment and Natural Resources Office (ENRO). Maliban po
sa mga CARP beneficiaries at miyembro ng Hacienda Bendito Agrarian Reform Beneficiaries Association
(HABENARBA), kasama rin po na dumalo ang mga residente ng Brgy. Alangilan at mga Civil Society
Organization (CSO) kagaya ng Kaisahan, Social Action Center (SAC) Diocese of Bacolod at Brgy. Alangilan
Parish.

Kami po na mga CARP beneficiaries ay tutol sa bagong application, una po kasi sa lahat, may
naunang quarry operation na ang pamilya Arceo na umabot sa 5 hectares sa CARP-covered area pero
sila ay binigyan pa rin ng 10 hectare na retention area ng DARMO at DARPO. Hindi po kasama sa
retention area ng Landowner ang 5 hectares na quarry area. Minungkahi po ni Atty. Elmer Distor sa
dialogue na naganap noong August 7, 2018 kasama ang Landbank, DARPO, ENRO, Kaisahan at Social
Action Center Diocese of Bacolod ay dapat parte na ng retention rights ng Landowner ang 5-hectare na
quarry area dahil parang na circumvent ng pamilya Arceo ang CARP Implementation. Nauna po ang pag-
issue ng NOC sa mga landholdings na ito bago pa ang quarry operation at wala pong conversion order
galing sa DAR na nagpapahintulot sa pag-quarry sa CARP-Covered areas.

Sa nangyari pong Public Hearing, taliwas po sa rekomendasyon ni Atty. Elmer Distor ang sinabi ni
OIC-MARPO Ma. Corazon T. Mondia at SARPT Anna Theresa S. Honrado, mga representante ng DAR
Municipal Office – Bacolod City. Ang sabi po ni MARPO Mondia bago lg daw sa kaso si Atty. Distor at
iginiit ni MARPO na hindi mako-cover ang quarry areas. Nauna po na ma-issue ang NOC noong 2012 at
ang quarry permit ay na issue lg noong 2014. Sa halip na tulungan ang mga CARP-beneficiaries,
ipinagdiinan pa ng mga kawani ng DARMO na wala silang makukuha.
HaBenARBA
Sitio Arceo, Brgy. Alangilan, Bacolod City

Gusto po naming e-reklamo ito sa inyo dahil Labin-walong taon (18 Years) na po kaming
nakikibaka para sa repormang pang-agraryo. Nagpasa ko kami ng Petition for Coverage noon pang 2002
at hanggang ngayon po ay hindi pa rin namin masigurado na may makukuha kaming lupa.

Labis na po ang pang-aalipusta ng DARMO Bacolod City sa amin, lalo na po sina MARO Edwin
Sanchez, OIC-MARPO Ma. Corazon T. Mondia at SARPT Anna Theresa A. Honrado. Sa mga public
hearings po at sa mga dialogue, pinapaburan po nila ang landowner. Nasabi po namin ito dahil maliban
sa 10 hectares na retention area, mayroon ng quarry operation ang landowner sa CARP-covered area na
hindi parte ng nasabing retention, at maliban pa sa mga ito, nag-laan pa ang DARMO ng 3 hectares para
sa preferred beneficiary ng LO. Ang preferred beneficiary po na ito ay kapatid ng Landowner at hindi po
nila gagamitin sa agraryo ang lupa, sa halip, ito po ay ilalaan nila para sa panibagong quarry application.
Umaabot po ng 18 hectares ang nais ilaan ng DARMO para sa Landowner at kinakatakot namin na wala
ng matitira para sa mga farmer beneficiaries. Tinatapakan na po ng DARMO ang aming karapatan bilang
mga agrarian reform beneficiaries at inaalipusta na po nila ang Comprehensive Agrarian Reform
Program sa kanilang mga ginagawa.

You might also like