Filipino 8 Q4 Week 3 Kopya NG Guro

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

 

 TVBI-Quarter 4-Episode 4

Teacher’s Copy

Filipino 8

Kasanayan sa Pampagkatuto: Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling


damdamin tungkol sa pagkapoot, pagkatakot at iba pang
damdamin. (F8PU-Ivc-d-36)

I. Paunang Gawain

a. Kasanayan
Sa araling ito, susulat kayo ng monologo base sa mga pansariling damdamin
gaya ng pagkapoot, pagkatakot at iba pang damdamin.

b. Kahalagahan
Mahalagang matuto tayong sumulat ng monologo batay sa pansariling
damdamin upang magkaroon tayo ng malawak na kaalaman sa larangan ng
pelikula, dula, animasyon, at iba pa.

c. Ebalwasyon
Sa katapusan ng araling ito ay maisusulat mo ang iyong pansariling damdamin
sa isang monologo.

d. Rebyu
Noong nakaraang linggo, tinalakay natin ang matatalinghagang pahayag mula sa
akdang Florante at Laura. Sa pamamagitan rin nito ay nakapaglahad kayo ng
inyong sariling karanasan na may temang pag-ibig gaya ng sa binasang akda.

II. Talakayan

Ang monologo ay isang uri ng pagsasadula na pampanitikan na ginagampanan ng iisang


tao lamang. Maaaring ito’y pagsasalita ukol sa kanyang kaisipan na ipinararating sa mga
manonood, o sa karakter na kanyang ginagampanan. Ito ay pangkaraniwang isinasagawa sa mga
panooring pang drama (teatro, pelikula, palabas sa eskwelahan, etc.)

Sa akdang Florante at Laura, iba’t ibang damdamin ang masasalamin sa mga kabanata nito.
Nariyan ang pagkapoot, pagkagalit, pagkatakot at iba pa. Sa ilang kabanata rin ay mapapansin ang
paghihinagpis nina Aladin at Florante habang sila ay nag-iisa. Ang kanilang pag-iisa at paglalahad ng
kanilang pansariling damdamin ay katulad rin ng pagsasadulang pampanitikan tulad ng monologo.
III. Pagmomodelo ng Kasanayan
Mayroong maraming pangunahing pagsasaalang-alang na dapat mong tandaan kapag
sumusulat ng isang monologo:

Una, pagpili ng karakter


Mahalagang alam mo ang edad, katangian, paraan ng pagsasalita, uri ng lenggwaheng
ginagamit, lugar na kinaroroonan, sitwasyong kinalalagyan, at mga damdaming nais bigyang-
buhay.

Pangalawa, pagganyak ng tauhan


a. Tiyakin ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng iyong karakter. Iplano na ang buhay
ng tauhang iyong napili.
b. Simulan ang salaysay sa nakaraang bahagi ng kanyang buhay at gumawa ng isang
flashback.
Maaaring simulan ito sa pamamagitan ng pagpapahayag ng iniisip sa mga manonood.

Hal:
Paano niya kaya nagawa sa aking iyon?
Ikaw sabihin mo sa akin!

Pangatlo, isunod ang pagsasalaysay ng mga mahahalagang pangyayari. Tandaang ito ay sa


pamamagitan ng diyalogo at nagpapahiwatig ng iba-ibang damdamin.

Pang-apat, lagi nang isama ang iyong manonood sa bawat tagpong iyong isasabuhay. Dapat
malinaw ang transisyon o paglilipat-lipat ng bawat tagpo upang hindi malito ang manonood.

Matapos maiaplay ang lahat ng hakbang, tingnan natin ang nabuong halimbawang monologo:

“ Halika, Mama. Lapitan mo ako. Hipuin mo at damhin mo ang mga sakit ko. Huwag kang
matakot, Mama. Hindi ka naman natakot noon nang patayin mo ako.

Heto, hipuin mo ito…nararamdaman mo ba ito ngayon, Mama? Ang di-matingkalang


sakit na nanunuot sa mura kong katawan? Ikaw ang may kagagawan nito, hindi ba?

Tingnan mo ang aking katawan, ngayon ay buto na lamang ng nabubulok na laman at


namumuong dugo. Ang mga latak ng isang munting katawan ng tao noon. Isang katawan na
noon ay malambot at may maliit na ulong may maninipis na buhok ng isang sanggol. Isang
maliit na katawang may munting pusong tumitibok nang kasabay sa pagtibok ng sa iyo.

Ang mga ito ang aking mga daliri. Heto, ang aking hinlalaki na aking sinisipsip habang
nasa iyong sinapupunan.
Tingnan mo, mahaba ang aking pilikmata na katulad ng kay Papa. Ang sensitibo kong
bibig ay katulad ng sa iyo. At heto ang aking taingang nakaririnig ng mabilis na pintig ng iyong
puso kung ikaw ay natatakot.

Naging kahanga-hanga sana akong bata kong hinayaan mong mabuhay, Mama.
Isa sana akong sanggol na lalaki tulad ng pinapangarap ni Papa. Isang malaking bulas
na karga-kargahin mo. Ang aking kalikutan marahil ay ikalinis mo.

Si Papa? Hmmn…siya sana ang coach ko sa paglalaro ng baseball. Siya ang tagahagis
at ako naman ang tagapalo. Lalaki sana akong isang manunulat. Ipagmamalaki mo ako dahil
sasali ako sa mga paligsahan.
Mama, tingnan mo, buhay ako noon, ngunit hindi na ngayon. Kaya, pakiusap, hayaan
mo ang bunso kong kapatid na lalaking mabuhay. Magiging isang kahanga-hangang bata rin
siyang katulad ko. Ang kanyang buhay ay hindi magiging katulad ng sa akin. Isang buhay na
hindi binigyan ng pagkakataon.
(sa panulat ni Marylen Sanchez)

IV. Gawain at Ebalwasyon (Parallel Assessment)

Panuto: Sumulat ng monologong magsasalaysay at magpapakita sa damdaming napili


mo. Pumili ng isa sa mga damdaming nakalahad sa ibaba para sa iyong
gagawin.

 Poot o matinding galit


 Pagkatakot o kawalang pag-asa
 Matinding dalamhati o kalungkutan
 Kaligayahan

Ang kasagutan at puntos ay nasa pagpapasya ng guro

You might also like