Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KONTRADIKSIYON SA MGA ISYUNG

PANGWIKA SA FILIPINO
Vasil Victoria
Buod

naglatag ang papel na ito ng 30 kontradiksiyon sa mga isyu, signal, penomenon,problema, solusyon,
kairalan at kalakaran sa mga usaping pangwika sa Filipino. Ito ay pagpapatunay na buhay na buhay
nabuhay ang wikang Filipino sapagkat sadyang katangian nitonang pagiging dinamiko at kailanman ay
hindi makakatanggi sa batas ng pagbabago. Ang mga dalumat at diskurso sa mga kataliwasang ito ay
masinop na pagpapaliwanag, pagsusuri at pagninilay ng mismong mananaliksik batay sa kaniyang
sariling danas sa pagtuturo ng wikang Filipino sa loob ng 15 taon. Hindi pa ganap o sarado ang mga
kontradiksiyon ito. Maaaring mayhindi pa nakita at nakikita ang papel na ito.

Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang


Filipino sa Disiplinang Filipino
(Konteksto ng K-12)
Galileo S. Zafra

abstrak

Naglalahad sa papel ng isang dulog sa pagtuturo ng wika na lumilihis na nakagawiang pagtuturo na may
diin sa gramatika at komunikasyon. Ang ipinapanukalang dulog ay nagpapatingkad sa ugnayan ng wika at
kulturang Filipino. May iba’t ibang aspekto ang ugnayang ito ngunit itinatampok ang pagtingin sa wika
bilang “daluyan” o “sisidlan” ng kultura. Gayumpaman, hindi humihinto ang pananaw na ito sa
enumerasyon lamang ng mga tao, lugar, bagay, pangyayari, konsepto, at iba pang sagisag-kulturang
Filipino, at sa halip, laging iginigiit na ang kultura ay dinamiko, kolektibo, at may ginagalawang
konteksto. Naglatag din ng isang kongkretong modelo, at halimbawang aplikasyon, sa pagsusuri ng mga
cultural domain o pangkulturang larang na nakatuon sa wika. Sa huling bahagi ng papel ay iminungkahi
kung paano puwedeng ituro sa konteksto ng K-12 ang wika at kultura na nakabalangkas ayon sa wika ng
paglalarawan, wika ng pagbuo ng kahulugan, wika ng pagtugon, at wika ng paglahok.
Kabataan at Pagkabata sa Panitikang
Bakla
Chuckberry J. Pascual

Sintesis na paghahalimbawa

Sa tulang “The conversion” naman ni Neil Garcia, hindi lamang ang ama ang mag-isang nagpatupad ng
karahasan ng heterosexismo, kundi isinama rin ang iba pang “kalalakihan” ng pamilya. Grapiko ang
inilarawan ng tula at klasiko na sa ngayon: ang paglulublob ng batang bakla sa isang dram na puno ng
tubig, akmang lulunurin siya at iaangat, at maliligtas lamang kapag namutawi na sa kanyang mga labi ang
“tamang sagot” sa tanong na “Girl or boy?”5 Posibleng sumilip sa mata ng isip ng mambabasa ang iba’t
ibang uri ng torture—mula sa water torture ni San Lorenzo Ruiz, hanggang sa mga imahen ng mga
rallyistang binobomba ng tubig bilang pagpapatupad ng crowd control at ang samu’t saring
pagpapahirap sa katawan ng mga kriminal na inilarawan at idinetalye ni Michel Foucault sa Discipline
and Punish. Maaaring maging publikong espektakulo—kung kaya mayroong basbas ng publiko—ang
pagpaparusa sa sinumang hindi sumunod sa batas ng heterosexualidad, kahit pa naghuhumiyaw ang
karahasan sa pagpapatupad nito.

Dalawang Antolohiya, Isang Kasaysayang


Pampanitikan: Ilang Tala sa Likod ng
Tatlong Aklat Tungkol sa mga Filipinong
Manunulat sa Australia
Jose Wendell P. Capili

Bionote

Si Jose Wendell P. Capili ay nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas, Unibersidad ng Pilipinas Diliman,
The University of Tokyo, University of Cambridge, at Australian National University. Nakapaglathala na
siya ng pitong aklat at mahigit 300 artikulo sa Asya, Europa, Hilagang America, at Australia. Nagkamit na
siya ng mga gantimpala mula sa Carlos Palanca Foundation, Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, at
National Book Awards. Isa siya sa pitong Achievement Awardees para sa 2020 ng Department of Science
and Technology-National Research Council of the Philippines (DOST-NRCP). Nakaupo din siya sa
International Advisory Board ng Hawai’i Journal of the Humanities; at 3L: Language, Linguistics,
Literature: The Southeast Asian Journal of English Language Studies na nakabase sa Universiti
Kebangsaan Malaysia. Kasalukuyan din siyang Propesor 12 sa Departamento ng Ingles at Komparatibong
Panitikan sa Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP Diliman, at Katuwang na Bise Presidente para sa
Ugnayang Pampubliko (Panloob na Komunikasyon at Mga Programang Pangkultura) ng kabuoang UP
System.

Dekolonyal na Elastisidad sa Salaysay


ng Paglalakbay at na Naglalakbay ng
Makatang Filipinong Transnasyonal:
Mga Pakikipagsapalarang Malikhain at
Kritikal
Merlinda Bobis

Talumpati( panimula)

Ang caracoa (o korakora) ay isang “double-ended war vessel” mula sa ika-16 na siglong Pilipinas na
ginamit din para sa mga kargamento at pakikipagkalakalan, ayon sa historyador na si William Henry
Scott sa kaniyang aklat na Boat Building and Seamanship in Philippine Classical Society (5). Bilang
madaling nakaaangkop, nagagawang makatawid ng caracoa maging sa “reef-filled waters and dangerous
currents”; at bilang higit ding matulin kaysa galyong Español, “it was a ship for sailing any place they
wanted,” tulad na rin sa idinetalye ng di-kilalang tala mula sa 1565 na ekspedisyon sa Pilipinas ng
kongkistador na si Miguel Lopez de Legazpi (6-7). Ang pangalang caracoa ay inangkop bilang pamagat ng
lathalaing pampanulaan ng Philippine Literary Arts Council

Ang Filipino Bilang Disiplina: Sakop,


Lawak, at Potensiya ng Pagtuturo ng
Panitikan Kaugnay ng Bagong
Kurikulum Bunsod ng K to 12
Rebecca T. Añonuevo

Replektibong sanaysay
Kayâ, nariyan ang panitikan, kahit tila naghihingalo pa. Kung hindi rin lang isususpinde ng Korte Suprema
ang K to 12 at nasa publikong paaralan ako, hindi ako makasusunod sa mga todo-pasang modyul na
ginagawa ngayon para lang may magamit sa klase. Kailangan ang ibayong pagbabasa, pagsasaliksik,
pagsusuri, pagtatanong, muli at muling pagwawasto kung saan ang mali, at nang hindi ako makadagdag
sa laganap na katangahan sa pamumuno ng DepEd. Kung nasa kolehiyo ako at bibigyan ng ituturo sa SHS
para sa nilagom na panitikan ng Filipinas at ng daigdig, hindi ako papayag kung tatanggalin din agad-
agad ang security of tenure na pinaghirapan ko at pinag-alayan nang lubos ng sarili. Pero dahil panitikan
ang pinag-aralan ko sa mula’t mula, hindi ko ikatatakot ang anumang panukalang pautot na maiisip pa o
maangkat ng mga promotor ng UBD o OBE o spiral approach. Hindi pa nila naimbento ang mga salita ay
natupad na iyan ng mga guro ko noon at ginagawa ko pala at ng maraming gurong kilala kong may
respeto sa propesyon ng pagtuturo. Pero dahil nagsasalita nga ako ay mapanganib sa payapang paligid.
Hindi ko alam kung saang kangkungan ko dadamputin ang sarili pagdating ng panahon, pero itinuro ng
panitikan sa akin na mabuhay, at manindigan sa tangi at marangal na paraan, para mabuhay.

You might also like