Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

8

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6
Tula at Kaantasan ng Wika

Tinipon at Inayos ni:

FELIBETH S. SALADINO
Guro I HINDI
Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod
Batac
Filipino Baitang 8
Nilikom at Muling Isinaayos na Modyul
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Tula at Kaantasan ng Wika
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa
man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwneto, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabras sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.
Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antoni
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Tagalikom: Felibeth S. Saladino
Editor: Mark Louie P. Duldulao Joycelyn B. Aspili
Hazel Bacnat Rochelle C. Dulig
Tagasuri: Aubrhey Marie R. Oasay, PhD Susan M. Aspili
Blesilda B. Antiporda John Ernest L. Medrano
Tagadisenyo sa Pabalat ng Modyul: Iris Gale T. Castro
Tagaguhit: Kenneth Irving Alexander T. Diric
Tagapamahala: Joel B. Lopez, EdD, CESO V Marilou B. Sales, EdD
Annie D. Pagdilao, EdD Aubrhey Marie R. Oasay, PhD
Jhon Rey D. Ortal, EdD
Susan M. Aspili

Inilimbag ng Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod Batac


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon I

Office Address: # 16S Quiling Sur, City of Batac, 2906 Ilocos Norte, Philippines
Telephone No.: (077) 677-1993
Website: www.csdbatac.com
E-mail: batac.city@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 na Nilikom at Muling Isinaayos
na Modyul 6 para sa araling Tula at Kaantasan ng Wika.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mga mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mga mag-aaral upang makamit
ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kailangan mo ring subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaang isinasagawa ang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahang mahikayat at magabayan mo ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 na Nilikom at Muling Isinaayos na


Modyul 6 para sa araling Tula at Kaantasan ng Wika.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
gumawa ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay
na kasanayan. Ang tagumpay mo sa aspektong pang-akademiko ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang pagkakataon para
matuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng marka o sulat
ang alinmang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
nakapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago simulan ang bawat pagsasanay.
4. Isaalang-alang ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa ibang pagsasanay.
6. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy pagkatapos sagutin
ang lahat ng gawain.

Kung may bahagi sa modyul na nahihirapan kang gawin, huwag mag-alangang


magtanong sa iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatandang kapatid o sa sinomang kasama sa bahay.
Laging tandaan na hindi ka nag-iisa.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makabuluhang pagkatuto at makakakuha nang malalim na pang-unawa sa mga
kaugnay na kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang kabuoan ng Modyul na ito ay naglalayong palawakin ang kaalaman


at kaisipan tungkol sa isang tulang pin amagatang Sandalangin na isinulat ni Joey
A. Arrogante.

Mapag-aaralan sa araling ito ang isang panitikang namayani sa noong


panahon ng mga Amerikano, Komonwelt, at kasalukuyan na kung saan ay higit na
naging maningning dahil sa nabigyan ng pagkakataong maging malaya ang mga
manunulat sa kanilang pagsulat.

Inaasahan na matutuhan mo lahat ang mga inihandang aralin sa modyul na


ito. Ito ay nahahati sa mga sumusunod na aralin:
Aralin 6: Tula (Sandalangin ni Joey A. Arrogante)
Kaantasan ng Wika

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


 Naipaliliwanag ang sariling kaisipan at pananaw nang malinaw at
makabuluhan. (F8PS-IIg-h-28)
 Nabibigyang-interpretesyon ang tulang nabasa. (F8PN-IIi-j-27)
 Naisusulat ang isang orihinal na tulang may apat o higit pang saknong
sa alinmang anyong tinalakay gamit ang paksang pag-ibig sa kapwa,
bayan, o kalikasan. (F8PU-IIi-j-29)
 Nagagamit nang wasto ang masining na antas ng wika sa pagsulat ng
tula. (F8WG-IIi-j-29)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang


mga sumusunod:
1. masasagot ang mga tanong tungkol sa tula at antas ng wika ;
2. maihahambing ang anyo at mga elemento ng tulang binasa sa iba
pang anyo ng tula;
3. matutukoy ang mga antas ng wika;
4. magagamit nang wasto ang masining na antas ng wika sa pagsulat ng
tula;
5. makikilala ang mga batayan sa pagsulat ng tula; at
6. makasusulat ang isang orihinal na tulang may apat o higit pang
saknong sa alinmang anyong tinalakay gamit ang paksang pag-ibig sa
kapwa, bayan, o kalikasan
Subukin 1

Bilang pagsisimula, sagutan mo ang mga tanong sa ibaba upang mataya ang iyong
kahandaan sa paksa.

Gawain 1: Paunang Pagtataya


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel
ang
letra ng wastong sagot.

1. Ito ay ginagamit sa paaralan at sa iba pang may kapaligirang intelektuwal.


A. Balbal C. Kolokyal
B. Pormal D. Di-pormal
2. Tila baliw siya sa sari-saring kasamaang kaniyang pinasok. Ano ang
kahulugan ng nasalungguhitang salita?
A. Siraulo C. Sising-alipin
B. Basa ang papel D. Pagbabalik-luhod
3. Ito ang salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap, at ginagamit
ng karamihang nag-aral ng wika.
A. Balbal C. Kolokyal
B. Pormal D. Di-pormal
4. Ito ay sumasaklaw sa pagbibigay-buhay sa damdaming ipinahahayag ng tula,
ayon sa tunay na nadarama ng sumulat.
A. Guhit C. Layunin
B. Pagpapaliwanag D. Interpretasyon
5. Ang katauhang pantanghalan ng mambibigkas ay kaagad naipakikilala sa
kaniyang ___________.
A. Tinig C. Himig
B. Tikas D. Pagbigkas
6. Ito ay mahalagang sangkap ng sining ng pagbigkas ng tula. Ginagamit ito
upang maihatid ang damdamin ng tula sa madla o mailarawan ang kaisipang
inilalahad nito.
A. Pagbigkas C. Layunin
B. Pagkumpas D. Panuonan ng Paningin
7. Ito ay karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap at
pakikipagsulatan sa mga kakilala o kaibigan.
A. Balbal C. Kolokyal
B. Pormal D. Di-pormal
8. Siya ang may-akda ng “Sandalangin”.
A. Ildefonso Santos C. Joey A. Arrogante
B. Amado Hernandez D. Genoveva Edroza-Matute
9. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang
malalim, makulay at masining.
A. Balbal 2 C. Lalawiganin
B. Pambansa D. Pampanitikan
10. Ang ___________ ng tulang bibigkasin ay dapat maunawaan nang ganap ng
isang mambibigkas.
A. Tinig C. Layunin
B. Tindig D. Pagkumpas
11. Ang ___________ ay mahalagang puhunan ng isang mambibigkas. Ito ay
nagbibigay-buhay sa tula.
A. Tinig C. Layunin
B. Tindig D. Pagkumpas
12. Ang mga nasa ibaba ay halimbawa ng nasa antas Pambansa, maliban sa isa.
Ano ito?
A. Ama C. Borlogs
B. Anak D. Kapitbahay
13. Ang ____________ ay mahalagang sangkap ng sining ng pagbigkas ng tula.
Ginagamit ito upang maihatid ang damdamin ng tula sa madla o mailarawan
ang kaisipang inilalahad nito.
A. Pagbigkas C. Layunin
B. Pagkumpas D. Panuonan ng Paningin
14. Sino ang kausap ng nagsasalita sa tulang “Sandalangin”?
A. Diyos C. Kaaway
B. Kaibigan D. Kapitbahay
15. “Gusto kong mawala ang masasamang gawi at palitan ito ng mabubuting
gawain.” Ano ang kasingkahulugan ng nasalungguhitang salita?
A. Heben C. Tsansa
B. Atraso D. Magdisapir

Isang malugod na pagbati! Matagumpay mong nasagutan ang mga


katanungan tungkol sa tula at kaantasan ng wika. Kaya sa puntong ito, atin
nang paunlarin pa ang iyong kaalaman at isipan tungkol sa mga paksang
ito.
Ang iyong dating kaalaman ay makatutulong sa iyo upang mahusay
mong maisagawa ang gawain sa bahagi ng tuklasin.
Aralin
Tula at
6
3

Kaantasan ng Wika

Balikan

Gawain 2: Tayo’y manalangin!


Likas sa mga Pilipino ang pagiging madasalin. Ano-ano ba ang mga dahilan kung
bakit nananalangin ang tao? Isulat ang alam mong dahilan o iba pang bagay na
may kaugnayan sa panalangin.
Tuklasin4

Alam mo ba…?

May mga ilang bagay na dapat tandaan sa pagbigkas ng tula ayon kay
Josefina V. Cruz.
Ang panitikan ay gamit ng wika na ang hantungan ay kasiyahan. Upang
maging kasiya-siya ito, nararapat na magkaroon ng kaugnayan sa bumabasa.
Kailangan madama at malaman ng bumabasa ang diwang ipinahihiwatig ng may-
akda at magagawa lamang ito sa pamamagitan ng iterpretasyon.
Ang interpretasyon ay sumasaklaw sa pagbibigay-buhay sa damdaming
ipinahahayag ng tula, ayon sa tunay na nadarama ng sumulat. Ang mambibigkas
ay nagsisikap na mapasok ang kaluluwa ng tula.

Mga Patnubay Sa Pagbigkas ng Tula


1. Layunin. Ano ang layunin ng tula?
Ang layunin ng tulang bibigkasin ay dapat maunawaan nang ganap ng
isang mambibigkas. Kailangang maisagawa niya ang layuning ito sa
pamamagitan ng pagbibigay-buhay sa tunay na kahulugan ng tula.
Karaniwang layunin ng tula ay:
a. Magpakilos tungo sa isang pagsasagawa
b. Tinagin ang madla
c. Magbigay ng mahalagang kaalaman tungkol sa isang paksa
d. Manghikayat upang mapaniwala sa isang katotohanang nais
ilahad
e. Magbigay-diin sa madla

Mahalagang maunawaan ng bibigkas ang tunay na layunin ng tula. Hindi


kailanman mabibigyang buhay ang pyesa kung hindi malinaw sa bibigkas ang
layunin nito.

2. Pagkakaugnay ng Mambibigkas at Madla. Paano masasabing epektibo ang


isang bumibigkas?
Masasabing epektibo ang bumibigkas kung natitinag niya ang nanonood.
May malakas siyang hikayat sa madla kung nagagawa niya itong patawanin o
paiyakin sang-ayon na rin sa diwang isinasaad ng tula.

5
3. Tikas o Tindig. Paano ba ang tamang tindig sa tanghalan?
Ang katauhang pantanghalan ng mambibigkas ay kaagad naipakikilala ng
kaniyang tikas—pagtindig, pagkilos o pagkumpas. Sa pagtindig, ang bigat ng
katawan ay nasa nauunang paa. Kadalasang kanan ang nauunang paa. Ngunit
kung patag ang tayo, ang bigat ng katawan ay nasa dalawang paa.

4.     Tinig. Paano ba ang tamang tinig sa tanghalan?


Ang tinig ay mahalagang puhunan ng isang mambibigkas. Ito ay
nagbibigay-buhay sa tula. Ang paglakas o paghina ng tinig ay dapat na naaayon
sa diwa ng piyesa. Sa makabagong paraan ng pagbigkas, ang isinasaalang-alang
ay ang diwa ng tula. Kaya’t ang tinig ay maaaring magbagu-bago ayon na rin sa
diwang isinasaad nito. Maaari rin naming pabulong o paanas. Ang mahalaga ay
alam ng bumibigkas kung kailan niya hihinaan o lalakasan ang tinig ayon sa
diwang ipinaaabot ng tula.

5. Panuonan ng Paningin. Mailalarawan mo ba ang tamang panuonan ng


paningin?
Isang kahinaan ng bumibigkas ang pagiging mailap ng kanyang mga mata.
Dapat itong maiwasan. Nagiging mabisa ang bumibigkas kung alam niya ang
pagtutuonan ng kanyang paningin. Karaniwang ang paningin ay nagsisimula sa
gitna sa gawing likuran. Maaari itong igawi sa kanan o kaliwa, ngunit hindi dapat
laktawan ang gitna.

6. Himig. Anong uri ng himig ang kailangan sa pagbigkas?


Ang isang dapat maiwasan sa pagbigkas ay ang himig na parang ibong
umaawit o parang pusang naglalampong. Kung minsan naman, ang tono o himig
ng bumibigkas ay naroong lumakas-humina; humina-lumakas. Ito ang tinatawag
na monotone. Hindi ito kahali-halina sa nakikinig. Ang mahalaga ay ang
pagsasaalang-alang sa diwa ng tula o talumpati.

7. Pagbigkas. Paano ba ang wastong pagbigkas?


Dapat maging malinaw ang pagbigkas o pagbitaw ng mga salita ayon sa
wastong diin at pagkakapantig nito. Ang mga pantig ay dapat na ipukol nang
malinaw lalo na ang mga salitang may impit na tunog.

8. Pagkumpas. Paano ba ang mahusay na pagkumpas?


Ang pagkumpas ay mahalagang sangkap ng sining ng pagbigkas ng tula.
Ginagamit ito upang maihatid ang damdamin ng tula sa madla o mailarawan ang
kaisipang inilalahad nito. Higit na maganda kung sa pagkumpas ay isinusunod
natin ang ating mata. Para bang hinahagod natin ng tingin ang direksyong
itinuturo. Dapat iwasan ang pabigla-bigla o pasulput-sulpot na kumpas. Tandaan
na ang bawat pagkumpas ay may layunin. Damhin kung ano ang nais ipahayag
ng tula o talumpati.

6
Kumusta ka? Nawa’y nasa maayos at komportable kang lugar ngayon upang
lalo mong maunawaan ang tulang iyong babasahin.

Suriin

Panuto: Basahin at unawain ang tula.

Sandalangin
ni Joey A. Arrogante

Heben, mulang ikosa Mo ako, kaya nagbabalik-luhod ako Sayo


sa pagkaklase ba. kahit basag na ang pula ko,
Pero nang magdisaper Ka, kahit basa na ang papel ko.
nagkawatak-watak lahat
Kasalanan ko! Isang pakiusap
Sinira ng pagwawala ko pakinggan Mo sana:
ang pagtitiwala Mo pabawiin Mo naman ako,
Pati ng barkada minsang tsansa na lang ba?
kaya sising-alipin ako.
Ang laki ng naging kapalit Itong-ito na lang!
sa binalewala kong pakikisama Mo, kailangang-kailangan ko kasi
nasugapa lalo ang buhay ko, at wala na akong matatakbuhang iba
nasira pati ulo ko na makikinig,
sa kamalasan,sa problema; na makakaintindi.
naging demonyo ako, Ikaw na lamang.
kaaway ng lahat-
ng bahay, ng gobyerno, ng simbahan. Sige na naman!
Ayoko na! Pagbigyan Mo na ako
Hindi na kaya para naman mahulug-hulugan ko
ng aking konsiyensiya. ang mga atraso ko Sayo
Ang hirap palang wala Ka! at sa kanilang lahat.
Sori Among!
Patawad! Kung gusto Mo, para mabawasan
ang galit Mo,
Alam kong di- mapipiyansahan ang pulbusin Mo ang dibdib ko
mga atraso nang maisuka ko na rin
ko sa 'Yo. ang lason sa katawan kong ito.
Alam ko ring walang duda matutukso
pa ako Maawa Ka na, Manong!
dahil di-mabunot-bunot ang sukal tulungan Mo ako!
na tumubo sa mundo ko pagalingin Mo ako!
na nagpapadilim sa tinatakbuhan ko,

7
baguhin Mo ako! Sige na naman!
ang toyo’t talangka sa ulo ko Ibigay mo na sa ‘kin ang adres Mo
pakialis Mo! at hahanapin ko ang bahay Mo
kahit papaano at oras na makita ko
makalakad lang uli ako nang diretso. ipinangangako ko Sayo:

Maawa Ka na, Manong! Sasambahin ang ngalan Mo,


Tanggapn Mo uli ako kahit di Susundin ang loob Mo,
nakakosa, Dito sa lupa…para…
Maski kakilala na lang basta. Patawad Diyos ko!

Magaling! Binabati kita sapagkat alam kong naintindihan mo nang


mabuti ang tula.
Ngayon ay magkakaroon ka ng maikling pagsasanay tungkol dito.

Pagyamanin

Gawain 3: Suriin mo!


Panuto: Basahin at suriin ang ilang taludtod na hango sa tulang binasa. Ibigay ang
iyong sariling interpretasyon o pagpapakahulugan sa mga ito. Isulat ang sagot sa
buong papel.
1. Heben, mulang ikosa Mo ako,
sa pagkaklase ba.
Pero nang magdisaper Ka,
nagkawatak-watak lahat
Kasalanan ko!

2. Ang laki ng naging kapalit


sa binalewala kong pakikisama Mo,
nasugapa lalo ang buhay ko,
nasira pati ulo ko

3. Alam kong di- mapipiyansahan ang


mga atraso ko sa 'Yo.
Alam ko ring walang duda

8
matutukso pa ako
dahil di-mabunot-bunot ang mga
damo na tumubo at sumakal sa
kalooban ko sa mundo ko

4. Kung gusto Mo, para mabawasan


ang galit Mo,
pulbusin Mo ang dibdib ko
nang maisuka ko na rin
ang lason sa katawan kong ito.

5. Maawa Ka na, Manong!


Tulungan Mo ako!
Pagalingin Mo ako!
Baguhin Mo ako!
Ang toyo’t talangka sa ulo ko
pakialis Mo!
Kahit papaano makalakad lang uli ako nang diretso.

Gawain 4: Sagutin mo!


Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong tungkol sa pagsulat at pagbigkas ng
tula. Isulat ito sa isang buong papel.

1. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang pag-aaral ng tula upang maging


mapanuri ka at magkaroon ng kritikal na pag-iisip?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagbigkas ng tula? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga mahahalagang kaalaman at kaisipang nabalikan at
nasaliksik tungkol sa tula?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Masasabi mo bang handa ka na sa pagsulat ng tula? Ipaliawanag ang iyong
sagot.
______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Bakit mahalagang mabigyang-pansin sa pag-aaral ang kasanayang ito?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

9
Gawain 5: Palalimin mo!
Panuto: Ang mga matatalinghagang salita sa kahon ay mababasa sa tula. Tukuyin
at isulat ang titik ng kahulugan ng nakahilig na salita o mga salita ayon sa
pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ito sa buong papel.

A. Sising-alipin
B. Siraulo
C. Pagbabalik-luhod
D. Pulbusin ang dibdib
E. Basa ang papel

1. Kapag sira ang reputasyon ng isang tao ay wala ng magtitiwala sa kaniya.


2. Huwag mo na siyang bugbugin o saktang mabuti para lamang magbago.
Kausapin mo muna.
3. Lubha siyang nagsisi o sising-sisi siya sa lahat ng kaniyang kasalanan.
4. Tila baliw siya sa sari-saring kasamaang kaniyang pinasok.
5. Pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos ang tangi niyang layunin.

Isaisip

ANTAS NG WIKA

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao


batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan,
panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.

1. Pormal – Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.


a. Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at
pambalarila para sa paaralan at pamahalaan
Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan, Ama, Ina
b. Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain
manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.
Halimbawa:
Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan
2. Di pormal - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw,
madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

10
a. Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan,
makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
b. Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang
kaunti, maari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.
Halimbawa:
Nasan, pa`no,sa’kin,kelan
Meron ka bang dala?
c. Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang
antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)

Ayos ka lang ba? Huwag kang mag-alala dahil malapit mo ng matapos


ang modyul na ito. Muli kitang hinihikayat na sagutin ang ilang pagsasanay
na nasa ibaba at maging handa ka sa mas malalim na pagsasanay. Galingan
mo!

Gawain 6: Tukuyin mo!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Tukuyin kung ano ang
isinasaad nito. Isulat ang wastong sagot sa sagutang papel.
____________1. Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng
nakararami.
____________2. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw,
madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
____________3. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at
pambalarilapara sa paaralan at pamahalaan.
____________4. Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita ay
karaniwang malalim, makulay at masining.
____________5. Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan,
makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
____________6. Ito ay pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang
kaunti,maaari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli
ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.
____________7. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa
ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.
____________8. Ito ay wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas
ang Filipino ang lingua franca ng mga tao.
____________9. Ang mga salita nito ay malalim, makulay at masining.
____________10. Ito ay isang antas ng wika na maaaring paikliin ang isa, dalawa, o
higit pang titik sa salita. 11

Gawain 7: Piliin mo!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakapaloob sa bawat bilang. Piliin kung ito
ay Lalawiganin, Pampanitikan, Pambansa, Kolokyal o Balbal na salita. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.
SALITA ANTAS NG WIKA
1. Buhay _________________
2. Todas _________________
3. Malakat _________________
4. Bokal _________________
5. penge _________________
6. Nanghihilakbot _________________
7. meron _________________
8. Panibugho _________________
9. Hinigugma _________________
10. musta _________________

Isagawa

Gawain 8: Magagawa mo!


Sa ating buhay, sadyang napakahalagang tayo ay matutong kumilala sa
ating pagkakamali at humingi ng tawad sa Diyos at maging sa taong ating nasaktan
o nagawan ng kasalanan.
Panuto: Bilang pagpapahalaga ay gumawa ng isang panalangin ng pagsisisi sa
mga kasalanang iyong nagawa noong nagdaang lingo sa Diyos at liham na
nagsasaad ng pagsisisi sa isang taong malapit sa iyong puso na iyong nasaktan at
nagawan ng kasalanan. Isulat ito sa tig isang bond paper at ilagay sa tig isang
sobre.

PANALANGIN LIHAM NG
PAGSISISI
Tayahin

Gawain 9: Pangwakas na Pagtataya


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa buong papel ang
letra ng wastong sagot.
1. Ang ___________ ng tulang bibigkasin ay dapat maunawaan nang ganap ng
isang mambibigkas.
A. Tinig C. Layunin
B. Tindig D. Pagkumpas
2. Ang ___________ ay mahalagang puhunan ng isang mambibigkas. Ito ay
nagbibigay-buhay sa tula.
A. Tinig C. Layunin
B. Tindig D. Pagkumpas
3. Ang mga nasa ibaba ay halimbawa ng nasa antas Pambansa, maliban sa isa.
Ano ito?
A. Ama C. Borlogs
B. Anak D. Kapitbahay
4. Ang ____________ ay mahalagang sangkap ng sining ng pagbigkas ng tula.
Ginagamit ito upang maihatid ang damdamin ng tula sa madla o mailarawan
ang kaisipang inilalahad nito
C. Pagbigkas C. Layunin
D. Pagkumpas D. Panuonan ng Paningin
5. Sino ang kausap ng nagsasalita sa tulang “Sandalangin”
A. Diyos C. Kaaway
B. Kaibigan D. Kapitbahay
6. “Gusto kong mawala ang masasamang gawi at palitan ito ng mabubuting
gawain.” Ano ang kasingkahulugan ng nasalungguhitang salita?
A. Heben C. Tsansa
B. Atraso D. Magdisaper
7. Ito ay ginagamit sa paaralan at sa iba pang may kapaligirang intelektuwal.
A. Balbal C. Kolokyal
B. Pormal D. Di-pormal
8. Tila baliw siya sa sari-saring kasamaang kaniyang pinasok. Ano ang
kahulugan ng nasalungguhitang salita?
A. Siraulo C. Sising-alipin
B. Basa ang papel D. Pagbabalik-luhod
9. Ito ang salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap, at ginagamit
ng karamihang nag-aral ng wika.
A. Balbal C. Kolokyal
B. Pormal D. Di-pormal

13
10. Ito ay sumasaklaw sa pagbibigay-buhay sa damdaming ipinahahayag ng tula,
ayon sa tunay na nadarama ng sumulat.
A. Guhit C. Layunin
B. Pagpapaliwanag D. Interpretasyon
11. Ang katauhang pantanghalan ng mambibigkas ay kaagad naipakikilala sa
kaniyang ___________.
A. Tinig C. Himig
B. Tikas D. Pagbigkas
12. “Ako ay isama at isali mo sa inyong samahang may mabuting adhikain para
patuloy akong maging mabuti.” Ano ang kasingkahulugan ng nasalungguhitang
salita batay sa pagkakagamit sa tula?
A. Ikosa C. Tsansa
B. Adres D. Magdisaper
13. Ang isang dapat maiwasan sa pagbigkas ay ang __________ na parang
ibong umaawit o parang pusang naglalampong.
A. Tinig C. Himig
B. Tikas D. Pagbigkas
14. Masasabing epektibo ang bumibigkas kung __________ niya ang nanonood.
A. Natitinag C. Napatutulala
B. Napapatulog D. Napalalayas
15. Ito ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay
sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan,
panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan
A. Wika C. Lenggwahe
B. Dialekto D. Komunikasyon

Mahusay! Napagtagumpayan mo nang tapusin ang modyul na ito.


Binabati kita nang malugod dahil lubos ang aking paniniwala na marami ka
na namang natutunan. Ipagpatuloy lamang!

Karagdagang Gawain

14
Gawain 10: tulaLOVE!
Panuto: Sumulat ng isang orihinal na tula na may apat o higit pang saknong sa
alinmang anyong tinalakay gamit ang paksang pag-ibig sa kapwa, bayan, o
kalikasan. Gamitin nang wasto ang masining na antas ng wika sa pagsulat ng tula.
Gamitin mo lahat ng natutuhan mong aralin at paksa sa mga tulang nabasa mo
upang makabuo ng isang magandang tula. Pag-isipan na kung malayang taludturan
o may sukat at tugma ang gagawing tula. Lagyan na rin ng sariling pamagat ito.
Pirmahan ito sa baba at papirmahan sa magulang.

Gamitin ang pamantayan sa ibaba para sa gawaing ito.

(4) (3) (2) (1)


Napakahusay Mahusay Katamtaman ang Kailangan pang
Husay Magsanay
Nakasulat ng Nakasulat ng Nakasulat ng Nakasulat ng
isang orihinal na isang orihinal na isang orihinal na isang orihinal na
tulang may apat o tulang may apat tulang kulang sa tula ngunit ito ay
higit pang saknong na saknong batay apat na saknong kulang sa
batay sa anyong sa anyong napili batay sa anyong hinihinging bilang
napili gamit ang gamit ang paksang napili bahagya ng saknong, hindi
paksang pag-ibig pag-ibig sa kapwa, lamang nakita ang mababanaag sa
sa kapwa, bayan, bayan, o kalikasan paksang pag-ibig tula ang paksang
o kalikasan, at ngunit may ilan sa kapwa, bayan, pag-ibig sa kapwa,
nagamit nang pang dapat ayusin o kalikasan at bayan, o kalikasan
wasto ang sa paggamit ng marami-raming at marami-raming
masining na antas wika. dapat ayusin sa dapat ayusin sa
ng wika sa paggamit ng wika. paggamit ng wika
pagsulat.

Interpretasyon:
4— 20 puntos
3— 15 puntos
2— 10 puntos
1— 5 puntos

________________________ ________________________
Lagda ng Mag-aaral Lagda ng Magulan

Susi sa Pagwawasto
15
Subukin Gawain 6 Tayahin
1. B 1. Pormal 1. A
2. A 2. Di pormal 2. A
3. C 3. C
3. Pambansa
4. B 4. D
5. D 4. Pampanitikan o
5. A
6. B Panretorika 6. D
7. C 5. Lalawiganin 7. B
8. C 6. Kolokyal 8. A
9. D 7. Balbal 9. B
10. C 10. D
8. Pampanitikan o
11. A 11. B
12. C Panretorika
12. A
13. B 9. Wika
13. A
14. A 10. Kolokyal 14. A
15. D 15. A

Pagyamanin Isagawa
Gawain 5 Gawain 7
1. E 1. Pambansa
2. D 2. Balbal
3. A 3. Lalawiganin
4. B 4. Balbal
5. C 5. Kilokyal
6. Panretorika
7. Kolokyal
8. Pampanitikan o Panretorika
9. Lalawiganin
10. Kolokyal

Sanggunian
16
Aklat:
Julian, Ailene et.al. Pinagyamang Pluma. Quezon City Avenue. Phoenix
Publishing House Inc. 2017.

Guimarie, Aida M. Pinagyamang Wika at Panitikan.Quezon City. Vibal Group,


Inc.2018.

Website:
Antas ng Wika. Retrieved from
https://christinejoyfacundo.wordpress.com/2016/11/26/mga-antas-ng-wika/

Ang Guryon. Retrieved from https://www.tagaloglang.com/ang-guryon/

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon I
Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod Batac

16S Quiling Sur, City of Batac


2906 Ilocos Norte, Philippines
Telephone No: (077) 677-1993
Website: www.csdbatac.com
E-mail: batac.city@deped.gov.ph

You might also like