Pagsusuri NG Babasahin

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Pagsusuri ng

Babasahin
GNED 14 (PANITIKANG PANLIPUNAN NG
PILIPINAS)

Taguan
ni Rolando A. Bernales

Ipinasa ni: Ipinasa kay:


MA. ANGELIKA C. TOLENTINO Bb. SHEIRILYN BEJO

Kurso at Seksyon:
BSP 2 – 2
I. Panimula

▪ A. Pamagat:

TAGUAN

Pangatlong Gantimpala, Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, 1995

▪ B. May Akda:

Rolando A. Bernales

▪ C. Mga Tauhan:

Openg Aling Ima

Kristal Aling Pinang

Noknok Aling Beth

Nanay Milet

Tatay Castor

▪ D. Tagpuan:

Lumang eskwelahan Kung saan-saang kalsada

Makikitid na eskinita Harap ng bahay

Barung-barong Presinto
II. Buod

Ang kwentong tagpuan ay patungkol sa paglalarawan ng buhay ng magkapatid


na nagngangalang Openg at Kristal. Nagsimula ang kwento noong si Openg ay
nananaginip na sila ni Kristal ay nagtatagu-taguan, kadalasan ang mga
napapaniginipan ni Openg ay ang mga pangyayari sa totoong buhay nilang
magkapatid. Sa kabilang banda ng kwento ay nababanggit din ni Openg ang kanyang
mga hinaing sa kanyang buhay katulad ng pag tigil niya sa pag-aaral kahit kagustuhan
niya talaga ang maging titser balang araw, ang hirap na dinadanas ng kanyang ina sa
araw-araw, ang kanyang itay na lasinggero, at ang mga iba pa niyang dinadalang
hirap sa buhay. Sa kalagitnaan ng kwento ay nabanggit ni Openg sa kanyang nanay
ang ikinuwentong karanasan ni Kristal sa kanyang tatay na hindi pinaniwalaan ng
kanyang nanay at pinipilit na huwag paniwalaan ngunit noong sila ay makauwi sa
kanilang tahanan, ang kanilang hinihiniling na sana ay hindi totoo ay pinakita mismo
sa harap ng kanilang mga mata at doon na naganap ang huling parte ng kwento. Ang
huling parte ng kwento ay inilahad kung paano napuno si Openg at nakagawa ng hindi
inaasahang paraan ng paglalabas ng kanyang mga hinaing sa buhay.
III. Panunuri

▪ A. Nilalaman:

Ang nilalaman ng kwentong Taguan ay patungkol sa mga pangyayari sa


buhay ng dalawang magkapatid na hindi gaanong pinalad sa buhay. Sila ay
dumadanas ng iba’t ibang kahirapan sa buhay sa murang edad pa lamang at
may mga kaganapan din na inaakala natin sa kwentong lamang ito lumalabas
ngunit nangyayari naman talaga sa totoong buhay. Ang taguan ay
interpretasyon na hindi lahat ay pare-pareho ang pinagdadaanan, hindi lahat
ay may magandang karanasan at hindi lahat ay nakakakuha ang kanilang gusto
sa buhay.

▪ B. Simbolismo:

Para sa akin ang simbolismo ng kwentong ito ay ang kutsilyo na ginamit


ni Openg sapagkat naniniwala ako na ang kutsilyong iyon ang nag labas ng
mga hinaing sa buhay ni Openg simula noong siya ay bata pa. Bukod sa mga
hinaing niya sa kanyang personal na buhay ay yun din ang nagging daan upang
maipaghiganti niya ang kanyang mga kaibigan na may pinagdaraanan din sa
kanilang buhay. Ang kutsilyong iyon ang nakapagpalaya sa bigat na dinadala
ng mga hindi magandang bagay na naranasan nilang magkapatid kahit sila ay
nasa mga murang edad pa lamang.

▪ C. Teoryang Pampanitikan:

Teoryang Realismo

Sa aking palagay ay ito ang nararapat na teorya para sa maiksing


kwentong ito sapagkat, katulad ng aking nabanggit sa unahang parte ng
pagsusuri ay inilalahad ng kwentong ito ang realidad ng buhay para sa mga
taong hindi gaanong sinuwerte ng pag angat sa buhay. Inilalarawan ang mga
pangyayaring nagaganap talaga sa isang tahanan na akala ng iba ay sa mga
kwento o panoorin lamang nangyayari ngunit sa kwentong ito ay namulat ang
mga babasahin sa tunay na mundo ng ating mga ibang mamamayan.
▪ D. Kakintalan:

Para sa akin, ang mensahe o aral na nais iwan ng kwentong ito sa


kanyang mga mamababasa ay hindi lahat ay pare-pareho ang pinagdadaanan
sa buhay kaya piliin natin maging mabuti at mapangunawa sa kapwa tao.
Huwag natin ikumpara ang paghihirap natin sa paghihirap ng ibang tao lalo na
kung hindi naman natin sila lubos na kilala sapagkat hindi naman natin alam
ang tunay nanangyayari sa kanilang buhay, hindi natin alam ang kanilang mga
problema na kinahaharap at hindi rin natin nararanasan ang mga bagay na
kanilang nararanasan.
IV. Pangwakas

▪ A. Paglalahad ng Kabuoang Reaksyon:

Ako ay humanga sa nag sulat ng kwentong ito sapagkat napaganda ng


kanyang pagsasalaysay. Ang daloy ng kwento ay mahusay na naipakita kung
kaya’t noong nandoon na sa dulo ay hindi mo inaasahan na ganoon pala ang
mangyayari. Kahit na ito ay maikling kwento lamang, ako ay naantig sa kwento
ng magkapatid at lalo na sa mga sakripisyo ni Openg sa murang edad pa
lamang. Tinalikuran niya ang kanyang sariling pangarap para tumulong sa
kanyang nanay ng hindi nagrereklamo at naniniwala rin ako na naging sobrang
buti niyang kapatid kay Kristal at naging mabuting kaibigan kila Noknok at Milet
sapagkat naramdaman din niya ang kanilang paghihirap at kasama rin sila
noong nailabas niya lahat ng kanyang mabibigat na dalang saloobin.

▪ B. Layunin ng nag-Akda:

Sa tingin ko ang layunin ng nag-akda ay buksan ang ating isipan sa


mgabagay nanangyayari sa tunay na mundo. Ito ay para ipakita sa mga
mambabasa na ang mga ganoong bagay na hindi natin inaaakala ay talagang
nangyayari sa mga iilang pamilya kahit hindi nila gustuhin. At may mga bagay
din talaga sa buhay na hindi natin nakukuha kahit gustuhin man natin, maaaring
hindi ito para sa atin o baka hindi pa lamang umaakma ang panahon.

▪ C. Mungkahi/Rekomendasyon:

Base sa aking pagbabasa ay wala na akong mungkahi o


rekomendasyon sapagkat ako ay sapat na sa aking nabasa. Sobra akong
nagandahan sa takbo ng kwento, sa pagsasalaysay at lalo na ang aral na
matutunan sa pagbabasa ng maikling kwentong ito. Ang mairerekomenda ko
nalang siguro ay ang makapaggawa pa ng mga ganitong klaseng istorya na
nagsasalarawan ng realidad ng mga tao na paniguradong may mapupulot na
aral na magagamit sa pang araw-araw.

You might also like