Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Sangay ng Masbate

Pambansang Mataas na Paaralan ng Aroroy

Papel- Pananaliksik sa
Pagbasa at Pagsusuri ng
Teksto tungo sa
Pananaliksik

Ipinasa ng:
Pangkat I- Google

Ipinasa kay:
Conrado M. Calvario
Dalubguro- II
Pamagat ng Pananaliksik Pamamahala sa Oras sa Pagsagot
ng Modyul sa Bagong Normal

I. Mga Mananaliksik:1. Abalayan, Julia Nono


2. Bartolay, Sharmaine
Garaez
3. Altajeros, Jedrick
Curimao
4. Balbuena, John Mark
5. Besim, Mary Grace
Rosela
6. Borgonia, Gweneth
7. Bocado, Joshua Labajo
8. Toledo, Alona Amor
II. Respondents Modyular
Segoviana mga mag-aaral
T.P. 2022-2023

III. Saklaw at Limitasyon


Saklaw na pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralan ng
Aroroy sa Ambolong, Aroroy, Masbate na may bilang na 25 na mag-aaral na magbigay ng kani-
kanilang sagot kung paano ang pamamahala sa oras sa pagsagot ng modyul sa Bagong
Normal sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Messenger at Facebook.

IV. Rastyunal
Mahalaga ang pamamahala sa paggamit ng oras para mas mapaglaanan natin ng tamang
oras sa mga gawaing ating gagawin tulad ng pagsagot ng mga modyul kung may pamamahala
tayo sa oras maiiwasan natin ang pagmamadali sa mga gawain na ang magiging resulta ay
mas maayos at mas kapakipakinabang. Kung pamamahala natin sa paggamit ng oras wala
tayong sasayangin na oras sa bawat gawain at ang paggamit ng oras ay magkakaroon tayo ng
oras sa pamamahinga dahil mas maaga nating nagawa at natapos ang pagsagot ng modyuls.

V. Layunin
1. Maipabatid ang kahalagahan ng pagbadyet ng oras sa pagsagot ng modyul.
2. Malaman kung ilang oras ang ginugugol ng mag-aaral sa pagsagot ng modyul.
3. Malaman kung ilang asignatura ang natatapos sa isang linggo.
VI. Paglalahad ng Suliranin
Sasagutin sa pag-aaral ang mga sumusunod:
1. Ano-ano ang kahalagahan ng oras sa mag-aaral sa pagsagot sa modyul ngayong
Bagong Normal?
2. Ilang oras ang ginugugol mo sa pagsagot ng mga modyul sa isang araw?
3. Ilang asignatura ang natatapos sa isang linggo?

VII. Kahalagahan ng Pag-aaral


Ang hangarin ng mananaliksik ay kung ano ang kahalagahan ng oras sa pagsagot ng
modyul ngayong Bagong Normal. Ito ay mahalaga sa mga sumusunod:
Sa Mag-aaral- Bilang mag-aaral mahalaga ito dahil magkakaroon ng sapat na kaalaman sa
pag-iintindi ng pinag-aralan, matatapos ng maayos at maaga.
Sa Magulang- Bilang magulang mahalaga ito dahil magiging produktibo ang mga bata,
makakatulong sa mga gawaing bahay, at may oras sa pamamahinga.
Sa Guro- Bilang guro mahalaga ito dahil magkakaroon ng tamang panahon, pang-unawa,
tamang sagot at magugugol pa ang ibang natitirang oras sa isang araw para sa mahahalagang
gawain na makatulong sa pag-unlad ng isang mag-aaral.

VIII. Presentansyon ng mga Datos

Talatanungan 1
Kahalagahan ng Oras sa Mag-aaral sa pagsagot ng modyul ngayong Bagong Normal
n=25

Bilang ng Aytem Bilang ng Sumagot Ranggo

1 23 1

2 22 2

3 20 3

4 12 4

5 0 5
Lumalabas sa pag-aaral na nanguna ay aytem 1, 2, at 3 na binubuo ng mga maipasa ng
sakto sa dedlayn, masagutan ng maayos at wasto, at mabalanse ang mga gawain na dapat
matapos. Nasa mababang ranggo ang aytem 4 at 5 na binubuo ng mga makampante at hindi
mangamba sa pagsagot at pagpasa at iba pa. Nanguna ang aytem 1 dahil importante sa mag-
aaral na maipasa ito sa takdang panahon.

Talatanungan 2
Oras na ginugugol sa pagsagot ng mga modyul sa isang araw.
n=25

Bilang ng Aytem Bilang nang Sumagot Ranggo

1 15 1

2 10 2

Lumalabas sa pag-aaral na nanguna ay aytem 1 na binubuo ng 1-3 na oras. Nasa


mababang ranggo ang aytem 2 na binubuo ng 4-6 na oras. Nanguna ang aytem 1 dahil 1
hanggang 3 oras ang ginugugol ng mag-aaral sa pagsagot ng modyul.

Talatanungan 3
Asignatura na natatapos sa isang linggo.
n=25

Bilang ng Aytem Bilang nang Sumagot Ranggo

1 7 2

2 18 1
Lumalabas sa pag-aaral na nanguna ay aytem 2 na binubuo ng 4-6 na asignatura. Nasa
mababang ranggo ang aytem 1 na binubuo ng 1-3 na asignatura. Nanguna ang aytem 2 dahil 4
hanggang 6 na asignatura ang natatapos sa isang linggo ng mga mag-aaral.

IX. Kongklusyon:
Batay sa natuklasan tungkol sa Paggamit ng Oras sa Pagsagot sa modyul sa Bagong
Normal, nabuo ang sumusunod na kongklusyon:

1. Maipasa ng sakto sa dedlyn ang kahalagahan ng pamamahala sa pagsagot ng modyul


ngayong Bagong Normal,
2. 1-3 oras ang ginugugol sa isang araw sa pagsagot ng modyul,
3. 4-6 na asignatura ang nasasagot sa isang linggo.

Sangay ng Masbate
Pambansang Mataas na Paaralan ng Aroroy
Ambolong, Aroroy, Masbate

Pangalan:
Baitang at Pangkat:

Talatanungan 1

Ang Kahalagahan ng Oras sa Mag-aaral sa pagsagot ng Modyul ngayong Bagong Normal


Panuto: Pakitsek sa mga aytem kung ang iyong sagot ay nasa pagpipilian.

__ 1. Maipasa ng sakto sa dedlyn.


__ 2.Masagutan ng maayus at wasto.
__ 3.Mabalanse ang mga gawain na dapat matapos.
__ 4.Makampante at hindi mangamba sa pagsagot at pagpasa.
__ 5.iba pa.

Talatanungan 2

Oras ang ginugugol ng mag-aaral sa pagsagot ng modyul sa isang araw?


Panuto: Pakitsek sa mga aytem kung ang iyong sagot ay nasa pagpipilian at sa baba ng tsek
kung ilan.

1-3 4-6
___ ___
___ ___

Talatanungan 3

Asignatura na natatapos sa isang linggo


Panuto: Pakitsek sa mga aytem kung ang iyong sagot ay nasa pagpipilian at sa baba ng tsek
kung ilan.

1-3 4-6
___ ___
___ ___

You might also like