Ce 101 - Bautista, Aktibiti 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BAUTISTA, MARK GIRON C.

BSE FILIPINO – 3B

SAGUTAN ANG MGA SUMUSUNOD NA KATANUNGAN:

1. Sa mga uri ng akademikong pagsulat, Alin ang higit na ginagamit sa mundo ng

paaralan at sa mundo ng empleyo? Ipaliwanag.

SAGOT: Base sa aking sariling karanasan, sa loob ng higit 15 taon na ako ay

nagaaral ay ang REPLEKTIBONG SANAYSAY ang pinaka-ginagamit na uri ng

akademikong pagsulat. Marahil, iyon ay dahil ang pinaka-layunin ng edukasyon ay

ang mailabas ng isang estudyante ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng iba’t-ibang

ehersisyo kagaya ng pagiisip at pagsusulat. Tunay ng ana ang itinuturo ng institusyon

sa mga kabataan ay ang mag-isip, hindi kung ano ang dapat isipin.

Samantala, mas ginagamit naman ang AGENDA at PANUKALANG PROYEKTO sa

mundo ng empleyo dahil ang mga ito ay ginagamit sa mga pormal na transaksyon ng

mga amo at empleyado, kompanya sa kompanya, at pamilihan.

2. Alin sa mga akademikong sulatin ang interesante ka na matutunan o gawin?


SAGOT: Ang Personal kong hilig ay ang PICTORIAL ESSAY . Interesado ako sa mga

larawan. Naniniwala ako na hindi masama na kumuha ng larawaan upang may biswal

na preserbasyon sa mga kaganapan, hindi lang tanging ang memory na may

posibilidad na kumupas. Natutuwa ako kung paaanong mas pinabibisa ng mga imahe

ang mensahe ng mga sanaysay na aking isinusulat.

3. Bakit mahalaga ang akademikong sulatin sa buhay ng isang mag-aaral?

SAGOT: Ang akademikong sulatin ay parte na ng buhay-estudyante. Pagpapakita ito

ng antas ng kaalaman ng isang tao. Isa pa, isang pagsasasanay ng kakayahang

magisip ng kritikal ang pagsulat. Ang sikolohiya ng pagsusulat ay may Biswal kang

nakikita --- ang iyong isinusulat na produkto ng iyong pagiisip. Sa pagsusulat, nakikita

mo ang pagdaloy ng iyong diskusyon sa sarili. Isa pa, nagagawa mo ring ipakita ang

iyong kuro-kuro, opinion, o dunong sa iba sa pamamagitan ng paglathala ng iyong

isinulat.

You might also like