Professional Documents
Culture Documents
Edukasyon Sa Pagpapakatao: Ikaapat Na Markahan
Edukasyon Sa Pagpapakatao: Ikaapat Na Markahan
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan:
Ikapito at Ikawalong Linggo
1
Aralin
Mapanagutang Paglilingkod Tungo sa Kabutihang
Panlahat
MELC: Nahihinuha na ang kaniyang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay
dapat na nagsasalamin ng kaniyang pagiging natatanging nilalang na
nagpapasiya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat.
(EsP9PK-IVd-14.3)
Mga Layunin:
1. Nauunawaan ang kaugnayan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay sa
pagiging natatanging nilalang na nagpapasiya at kumikilos nang mapanagutan
tungo sa kabutihang panlahat
Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.
________1. Ayon kay Stephen Covey, paano nagkakaroon ng kapangyarihan ang
misyon natin sa buhay?
A. Kung kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kapuwa.
B. Kapag nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian.
C. Kapag nagagamit sa araw-araw nang mayroong pagpapahalaga.
D. Kung nagagampanan ng balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad.
2
_________4. Kung ang isang tao ay mayroong Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay, anong kabutihan ang maaari niyang ibahagi na may pananagutan?
A. Kabutihang pampamilya C. Kabutihang panlipunan
B. Kabutihang panlahat D. Kabutihang pansarili
_________5. Ayon kay Rev.Fr. Jerry Orbos, ang pangunahing sangkap para sa tunay
na kaligayahan ng tao ay magkaroon ng misyon sa paglilingkod sa Diyos at kapuwa.
Batay sa kaniyang paliwanag, ano ang naidudulot nito sa isang tao?
A. Kabutihan B. Kaligayahan C. Kaligtasan D. Kapayapaan
Paghawan ng Balakid
PPMB- Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Misyon - ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo
sa kaganapan.
Bokasyon - ito ay gampaning gawain o misyon na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat
tao.
Propesyon-ito ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay.
Ikaw ba ay nakapagpasiya na kung ano ang iyong Personal na Misyon sa Buhay?
Kung gayon ay mas malaki ang posibilidad na magiging mapanagutan ka upang
makapagbabahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
Sa araling ito ay ating tatalakayin ang kahalagahan ng iyong pag-iral sa mundo.
Batid mo ba na mayroon kang mahalagang misyon na dapat gampanan sa iyong
buhay?
Ang Iyong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa
buhay kung ito ay:
1. Mayroong kaugnayan sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan
niya bilang isang tao.
2. Nagagamit at naibabahagi nang tama nang may kahusayan bilang
pagpapahayag ng ating pagka-bukod tangi.
3. Nagagampanan nang may balanse ang mga tungkulin sa pamilya, trabaho,
pamayanan at iba pa.
4. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba.
3
May pagkakaiba ba ang propesyon sa bokasyon?
Ang propesyon ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ay
resulta ng kaniyang pinag aralan o matagal nang ginagawa at naging eksperto na siya
dito. Ito ay maaring gusto niya o hind ngunit kinakailangan niyang gawin sapagkat
ito ay pinagkukunan niya ng kaniyang ikabubuhay kaya maaring hindi siya
nagkakaroon ng ganap na kasiyahan.
Ang bokasyon naman ay katulad rin ng propesyon ngunit mas nagiging kawili-
wili ang paggawa para sa tao. Mas lalo siyang nasisiyahan at hindi nababagot
sapagkat nagagamit niya ang kaniyang talento at hilig sa kaniyang ginagawa. Hindi
nakukumpleto ang araw kung hindi ito magagawa dahil nagdudulot ito ng kasiyahan
sa kaniyang buhay. Hindi lamang simpleng trabaho ang kaniyang ginagawa kundi
isang misyon na nagiging isang bokasyon. Dito nagkakaroon ng tunay pananagutan
sapagkat naibabahagi niya ang kaniyang sarili at kumikilos siya para sa kabutihang
panlahat.
Kaya napakahalaga para sa isang tao lalo na sa iyo bilang kabataan na bumuo
ng PPMB dahil ito ang makapagbibigay ng direksiyon sa iyong buhay. Maging bahagi
ng PPMB ang pagbibigay halaga sa kapuwa sa pamamagitan ng pagtulong sa abot ng
sariling kakayahan. Ito ay makatutulong upang sa pagtahak mo ng iyong misyon
patungo sa iyong bokasyon ay magiging malinaw na nakapagbibigay ito sa iyo ng
kaganapan bilang tao.
Wika nga ni Fr. Jerry Orbos: ang pangunahing sangkap para sa tunay na kaligayahan
ng tao ay magkaroon ng misyon. Aniya, ang misyon ay hindi lamang para kumita ng
pera, maging mayaman at magiging kilala o tanyag kundi ang tunay na misyon ay
maglingkod. Ang paglilingkod sa Diyos at sa kapuwa ang magbibigay sa tao ng tunay
na kaligayahan at kaganapan sa buhay.
4
Misyon sa Buhay ng isang Mag-aaral o Walang
May Kugnayan
Kabataan Kaugnayan
1. Pag-aaral nang mabuti upang makamit
ang pangarap sa buhay.
2. Tumutulong sa kapuwa ayon sa sariling
kakayahan
3. Pagsama sa mga kaibigan sa pagbabahagi
ng tulong sa mga kabaranggay upang
makakuha ng mas maraming rasyon.
4. Pakikiisa sa panalangin para sa mga may
karamdaman.
5. Itinatala ang mga gagawin o nagawa na
upang magsilbing inspirasyon.
5
_____1. Masigasig na doktor si Dr. Jordan Cruz sa pampublikong ospital.
Sinisigurado niyang nalalapatan ng lunas at naaasikaso ang lahat ng kaniyang
pasyente.
_____2. Nag-aaral nang mabuti si Joana. Sinisikap niyang mapataas ang marka at
makapagtapos sa pag-aaral na may karangalan.
_____3. Maagang naghahanda sa kaniyang “online class” si Gng. Reyes dahil
nasasabik siyang ibahagi ang kaniyang kaalaman at talento sa mga estudyante.
_____4. Masusing pinag-aralan ni Joel ang Banal na Aklat at bukal sa kaniyang puso
6
ang pagbabahagi Salita ng Diyos sa mga tao.
_____5. Sa kabila na may pandemya, araw-araw na nag-eensayo si Raquel. Nais niyang
maging kampeon sa larangan ng gymnastic upang lalo siyang makilala ng mga tao.
Ayon kay 4. (Stephen Covey, Fr. Jerry Orbos), ang misyon ay hindi lamang para
kumita ng pera, maging mayaman at maging tanyag, kundi ang tunay na misyon ay
5. (maglingkod, magtagumpay) sa Diyos at sa kapuwa.
Susi sa Pagwawasto
Subukin Pagkapareho:
1. D 2. A 3. B 4. B 5. B A. Paggamit ng tao sa kanyang talento at hilig.
Tayo’y Magsanay Bokasyon:
Gawain 1 C. Gampaning misyon na ipinagkaloob ng Diyos sa
1. Tsek 2. Tsek 3. Ekis 4. Tsek 5. Tsek bawat tao.
Gawain 2 D. Mas kawili-wili at nagdudulot ng kasiyahan sa
1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Mali 5. Tama buhay ang paggawa para sa tao.
Ating Pagyamanin Gawain 2
Gawain 1 1. Puso 2. Bituin 3. Puso 4. Puso 5. Bituin
Propesyon: Ang Aking Natutuhan
B.Trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. 1. Misyon 2. propesyon 3. di-gusto 4. Fr. Jerry Orbos 5.
E. Resulta ng pinag aralan o matagal nang ginagawa at maglingkod
naging eksperto na siya dito.
7
FEEDBACK SLIP
A. PARA SA MAG-AARAL
3. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung Opo, ano ito
at bakit?)
Wala
PANGALAN NG PAARALAN: