Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon V
SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 10
Kuwarter 3 Bilang 3

Pangalan ng Mag-aaral ____________________________________________________


Baitang/Seksiyon : ______________________________Petsa:___________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang anekdota ay isang pagsasalaysay ng isang makatawag-pansin o
nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao na kadalasa’y kilala o
tanyag. Ang pagsasalaysay ay karaniwang maikli lamang na hinango sa
totoong pangyayari sa buhay ng isang tao.Maaari rin namang likhang-isip
lamang subalit nahahawig sa katotohanan.
Layon nito na makapagpabatid ng isang magandang karanasan na
kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o
pangyayari ay makatotohanan.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Nasusuri ang binasang anekdota batay sa : paksa, tauhan, tagpuan,motibo
ng awtor,paraan ng pagsulat at iba pa. (F10PB-lllb-81)

III. MGA GAWAIN

A.PAGBALIK-ARALAN MO!
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa iyong
kaalaman o karanasan bilang bahagi ng lipunan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Maituturing mo bang mabuti ang pamumuno ng lider sa inyong barangay
/lugar? Ano-ano ang kanyang mga katangian bilang isang mabuting pinuno?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________.

1
2.May kilala ka bang masamang lider o pinuno? Ano-ano ang kanyang
masasamang katangian na nakita mo sa kanya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________.
3. Magbigay ng limang paraan para makatiyak ang mga mamamayan na
mabuting pinuno ang mailuluklok sa puwesto.
a.__________________________________________________________________
b.__________________________________________________________________
c.__________________________________________________________________
d.__________________________________________________________________
e.__________________________________________________________________

B. PAG-ARALAN MO!
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat
pangungusap ay kukuha ng interes ng mambabasa.Dapat na ang
panimulang pangungusap ay kapana-panabik.Ang isang magandang
panimula ay magbibigay ng pagganyak sa mambabasa at mahihikayat na
ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.

Narito ang ilang katangian ng anekdota:

a. May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa


pagsulat ng anekdota .Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng
kahulugan sa ideyang nais ilahad.
b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa
kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa.Di-dapat mag-iwan ng
anumang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.
TI.answer.com/o/Ano_ibig_sabihin_ng
_anekdota

C. PAGSANAYAN MO!
MONGHENG MOHAMETANO SA KANYANG PAG-IISA
(Mula sa mga anekdota ni SAADI ng Persia o Iran)
Ni: Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni: Roderic P. Urgelles
Isang araw, ang Mongheng Mohametano ay nag-iisa at
nananampalataya sa disyerto. Ang Sultan naman ay namamaybay sa
kanyang ruta, sa kaniyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga

2
tao.Nakita niya na hindi nagtaas ng kanyang ulo ang Mongheng Mohametano
habang dumadaan siya.
Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang
pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng pagggalang at
kababaang loob”.
Kung kaya ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mohametano!
Ang Sultan ng buong mundo ay dumaan sa iyong harapan .Bakit di mo siya
binigyan ng kaukulang pagggalang?”
Sumagot ang Mongheng Mohametano,”Hayaan mong ang Sultan ang
magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang
magandang gawa. Sabihin mo sa kanya, ang hari ay nilikha para sa
kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para
paglingkuran ang Sultan”.
(Mula sa Elements Of Literature nina Holt et.al.2008, Texas, USA)

Panuto: Sagutin ang sumusunod na gabay na tanong. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.

1. Ilarawan ang Mongheng Mohametano.

2. Anong katangian ng Mongheng Mohametano ang naibigan mo? Bakit?

3. Ipaliwanag “Ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kanyang


nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang
Sultan’.

4. Kung ikaw ang Mongheng Mohametano, ano ang iyong gagawin kung
dumaan sa iyong harapan ang Sultan habang ikaw ay nananampalataya?

5. Anong pangunahing kaisipan ang nais ihatid ng anekdota sa mga


mambabasa?

6. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang anekdota


anong paksa ang nais mong isulat?

D. TANDAAN MO!

o Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa


kakaiba o kakatuwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala,
sikat o tanyag na tao.
o Ang pangunahing layon ng isang anekdota ay ang makapaghatid ng
isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito ay magagawa
lamang kung ang karanasan o pangyayari ay makatotohanan.

3
o Ang isang magandang anekdota ay nagdudulot ng ganap na
pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Di-
dapat mag-iwan ito ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na may mga
susunod pang mangyayari.

IV. PAGTATAYA
Panuto. Basahin at suriin ang anekdota Sagutin ang mga gabay na tanong
sa ibaba.
“Nagpaligsahan Sila”
Batid ng lahat na magaling na pintor si Dr. Jose P. Rizal . Gayon
man,higit na kilala sa husay magpinta ng larawan si Juan Luna.Noong nag-
aaral sa Madrid ang dalawang ito, madalas silang magkasama sa kahit anong
lakaran. Doon ay naging magkaibigan sila.
Isang araw,naisipan ni Jose Rizal na gumuhit ng silya sa dingding.
Nang dumating si Juan Luna, kanya itong inanyayahang maupo sa silyang
iginuhit sa dingding. Hindi marahil pinagmasdan ni Juan Luna ang silya bago
siya naupo kaya bumagsak siya sa lapag.Ang lahat ng naroroon ay
nagkatawanan.
Isang umaga naman, gumuhit si Juan Luna ng pintong nakabukas
sa dingding. Nang dumating si Jose Rizal ay pinapasok siya ni Juan Luna sa
naturang pinto. Tuloy-tuloy na pumasok si Rizal sa buong pag-aakalang
bukas na pinto nga iyon. Ang lakas ng kalabog ng pagkakauntog ni Jose Rizal
sa dingding! Nagkaroon siya ng bukol sa noo.

1. Ano ang paksa ng anekdota?


2. Ano ang kahusayang ipinamalas ng dalawang tauhan sa salaysay?
3. Anong pag-uugali mayroon ang dalawang tauhan sa kuwento?
4. Ano ang natutuhan mo sa anekdotang nabasa?
5. Batay sa iyong mga nabasang mga akda tungkol sa kanila, ano-ano ang
mga katangi-tanging obra na kanilang ginawa?

V. SUSI SA PAGWAWASTO
PAGBALIK-ARALAN MO!
- Subhetibo ang sagot
PAGSANANAYAN MO!
(Subhetibo ang sagot)
1. Ang Mongheng Mohametano ay matalino

4
2. Isa sa katangian ng Mongheng Mohametano na naibigan ko ay ang
kanyang pagiging matatag sa kanyang paninindigan at hindi siya
natakot sa Sultan dahil mas mahalaga sa kanya ang pamamanata.
3. Ang hari o lider ng isang bansa ay inihalal ng mga mamamayan upang
magsilbi sa taumbayan. Ito ang tungkulin na iniatang sa kanila na
dapat nilang gampanan kaya hindi dapat sila maghangad na
pagsilbihan ng mamamayan.
4. Katulad ng Mongheng Mohametano, sa oras ng pananampalataya o
pagdarasal kahit sino pa ang dumaan sa aking harapan uunahin ko
ang pamamanata sa Diyos.
5. Ang pangunahing kaisipan sa anekdotang ito ay ang ipakita o ilarawan
kung ano ang tungkulin ng mamamayan at ng pinuno sa lipunan.
6. Kung ako ang mabibigyan ng pagkakataon na gumawa ng anekdota
ang magiging paksa ay tungkol sa mabuting pag-uugali o
kagandahang-asal. Dahil ito ang higit na kailangan ngayon ng mga
mambabasa.

PAGTATAYA
-subhetibo ang sagot

VI. SANGGUNIAN
Magdalena O. Jocson, (2015), FILIPINO 10 Panitikang
Pandaigdig, Modyul para sa Mag-aaral. Department of Education-
Institutional Materials Council Secretariat (depEd-IMCS), 5th Floor Mabini
Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City.

Pinagyamang Pluma 10 , Ikalawang Edisyon,Phoenix Publishing House

Inihanda ni:

MARK JON-JON F. NAVIDA, Guro 1


Tandaay High School
Nabua West District

Tiniyak ang kalidad ni:

JAYCEL P. LAURENTE, MT 1
Nabua National High School
Nabua East District

You might also like