Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Filipino Play Script

Filipino play
Part 1
Scene 1
Narrator: Isang mahirap na bata na nagngangalang Bruno ang nakatira sa isang
barong-barong na bahay dahil sa kahirapan at nakakakuha lamang sila ng pera
dahil sa paglilimos ni Bruno. Minsan ay sinasaktan sya nga kanyang mga
magulang kapag kunti lang ang kanyang nalimos. Dumating siya sa bahay nila at
naabutan niya ang kaniyang ina na nagsusugal. (An impoverished boy named
Bruno is living in a shack because of poverty and earns money by
begging. There are times that he gets mistreated by his parents
whenever he does not get much from begging.
He went home and saw his mother gambling.)
Gab: Inay! Narito na po ako. (Mother, I am now here.)
Gab: Mano po, Inay.
Elisha: Oh! Sha.. nasaan na ang nalimos mo? (Oh! Where is your lot?)
Inay: Pasensya na po pero... (Biglang sinabunutan si Bruno) (I am sorry ....
(Suddenly his hair was pulled))
Elisha: Sa susunod, ramiramihan mo ang paghingi ng limos kundi hindi kita
papakainin! Wala ka talagang pakinabang! Walang kwenta! (Next time, beg for
more or else i won’t feed you. You are really worthless!)
Gab: Pasensa na po Inay! Tama na po! Pakiusap! ( I am sorry Inay! Stop. Please)
Narrator: Habang umiiyak si Bruno ay dumating na ang kanyang tatay na lasing.
(While crying, his father came in drunk.)
Gab: Mano po tay.
Josh: Ano! Umiiyak ka nanaman, lumayo ka nga sa akin, ayoko sa mga bakla!
(What? You are crying again. Stay Away from me. I don’t want gays!)
Narrator: Habang umiiyak si Bruno ay sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na
siya paaapi kahit kanino. (While crying, Bruno said to himseld that he would no
longer allow anyone to oppress him.)
Gab: Hindi na ako magpapaapi kahit kanino, makikita nila.  (I won’t let anyone
oppress me, they’ll see.)
Narrator: At doon nagsimula ang pagbago ng ugali ni Bruno.
Part 2
Scene 1
Narrator: Si Fery lou naman ay iniinsulto ng kanyang mga kaklase dahil sa
kahirapan niya. Tinatago niya ang kaniyang baon na isang piraso ng tinapay
lamang dahil alam niya na kapag nakita ito ng kaniyang mga kaklase ay
mapapahiya nanaman siya. (Ferry Lou is being insulted by her classmates because
she was poor. She is hiding her snack of 1 piece of bread because if her classmates
see it, she will be shamed again.)
Loren: Hahaha!  Isang piraso ng tinapay lamang ang kaniyang baon. (Hahaha! She
only have 1 piece of bread for snack.)
Paola: Hahaha! Kawawa naman! Hahaha! (Hahaha! Poor thing!)
Narrator: Si Fery lou ay palaging nag-iisa sa paaralan at wala siyang kaibigan.
Isang araw ang nakaisip sya ng paraan. (Ferry Lou was always alone and does not
have friends. One day she thought of a plan...)
Narrator: Si Nemo ay isang batang papel na ginawa lamang ng isang estudyante
para sa isang proyekto sa kanyang paaralan na gumawa ng isang gamit na galing sa
isang bagay o mas tinatawag nating Recycled Materials.
Danica: Aking mga kaklase dahil absent si Ma’am ay ako ang in-charge sa inyo
bilang presidente. Meron daw tayong bagong proyekto. Gagawa tayo ng
isang recycled material.
Clemente: Yes! May bagong proyekto. Sana hindi makagawa ang isa dito ng
proyekto sa pagkakataon ngayon.
Narrator: At pagkatapos ng klase...
Frivaldo: Kaya ko to may na-isip na ako. (Pabulong na sabi ni Fery lou)
Scene 2
Narrator: Gumawa si Fery lou ng proyekto na isang batang papel at pinangalanan
itong Nemo. Pinag-isipan nya rin kung ano ang sasabihin nya sa kanyang mga
magulang.
Frivaldo: Yehey! Tapos na rin ako. Alam ko na kong anong sasabihin ko sa aking
mga kaklase.
Scene 3
Narrator: Hindi ipinakita ni Fery lou ang kanyang proyekto at baka tuksuhin
nanaman siya.
Fery lou: Ipapasa ko ito agad kay Ma’am (Ipinasa ang proyekto ni Fery lou sa
kanyang guro)
Narrator: Pagkatapos niyang ipasa ang kanyang proyekto ay pumunta sya sa
kanyang mga kaklase.
Frivaldo: Alam nyo ba na ma sandaang damit ako?
Loren: Weeee! Ba’t di mo dala?
Frivaldo: Dahil ayaw kong madumihan iyon.
Narrator: Sinabi ni Fery lou kung ano ang uri ng kanyang sandaang damit. Iginuhit
nya ito at sinabi nya kung anong uri ng tela ang ginamit para mabuo ang kanyang
sandaang damit.
Scene 4
Narrator: Minahal siya ng kaniyang mga kaklase mula noon, Hangang sa may
mahangin na araw.
Narrator: Hindi muling nakita si Fery lou, at siya ay naging palaboy.
Narrator: Sa parehong oras na mahangi ay nahanginan rin ang proyekto ni Fery lou
na si Nemo at doon nagsimula ang paglalakbay ni Nemo at Fer lou.    
Part 3
Scene 1
Narrator: Dalawang bata na ininiwan ng kanilang mga magulang dahil sa
matinding kahirapan nila na bumuhay ng kahit isang tao at may utang pa sila sa
isang mayaman na tumutulong sa kanila para mabuhay ang anak nila at hindi pa
nila nababayaran sila.  
Audrey: Mahirap na talaga ang buhay Nikko.
Nikko: Pero kawawa naman ang ating mga anak.
Audrey: Iwanan muna natin sila sa bahay ampunan para doon sila mabuhay ng
maayos.
Audrey: Gumawa ako ng sulat sa mga madre doon, para walang umampon sa
kanila maliban sa atin.
Nikko: Ito lang ang maiibigay ko sa kanila. (Iniabot ni Nikko ang kuwintas kay
Audrey) Gumawa pa ako ng isa para rin sa atin.
Audrey: Halika na umalis na tayo.
Narrator: Umalis na sila at idinala ang kanilang dalawang anak sa ampunan.
Audrey: Mga anak, Sana mapunta kayo sa mga mabubuting kamay. Heto na ang
kuwintas ninyo. Huwag sana mawala ito sa inyo.
Scene 2
Narrator: Hindi ang mga madre na nakatira sa bahay ampunan ang nakakuha sa
bata. Isang matandang babae na nag-iisa ang nakakita sa mga sanggol, naawa ito
kaya kinuha nito ang mga bata.
Corinne: Kawawa naman ang mga batang ito, bata palang iniwan na. Halika
papalakihin kita ng mabuti.
Narrator: Nakita ni Corinne ang sulat pero itinago ito dahil baka kong anong
mangyaring masama pag-iniwan nya rin ito. 
Corinne: Ano ba to? (Binasa nya at itinago sa bulsa)
Narrator: Pinalaki sila ng mabuting matanda at tinuruan ng mabubuting asal,
tinapat nya rin sa bata na ampun lang sila para hindi sila masaktan pagnalaman nila
sa ibang tao ang totoo at ikinuwento ng matanda kung ano ang nangyari sa mga
magulang nila.
Corrine: Mga bata, buhay pa ang mga magulang ninyo. Hindi nila kayo kayang
buhayin dahil sa kahirapan, sana hindi kayo magalit sa kanila.
Jericho: Opo lola, para po sayo gagawin namin ito.
Corinne: Hindi para sa akin mga bata, para sa mga magulang ninyo.
Marian: Opo, lola.
Scene 3
Narrator: Isang araw ng malalaki na ang mga bata ay namatay ang kawawang
matanda dahil nahimatay sa init at pagkawalan ng pera.
Jericho: Lola, huwag ka munang mamatay kailangan pa namin ikaw, hahanapin
namin kung sino ang mga tunay naming magulang para sa kanila basta mabuhay ka
Lola! Lola! Lola!
Marian: Opo, lola, gagawin namin ito para sa kanila! Lola!
Narrator: Napakalungkot ng mga bata, tanging pag-alala ng mga salita ng kanilang
lola ang pumukaw sa kanila para mabuhay parin kahit wala na ang kanilang lola.
Jericho: Ano na ba ang gagawin natin, sana nandito si lola para gabayin tayo.
Marian: Oo, nga sana nandito si lola.
Scene 4
Narrator: Naging palaboy ang mga bata. Nakakakain lang sila dahil sa paglimos,
minsan ay ayaw ng mga tao na lumapit sa kanila.
Marian: Ate, pwede po palimos naman po kami.
Loren: Umalis ka nga kayo dito ang baho-baho ninyo at lalapit kayo sa akin ano
kayo! Heto! Ang pera saksak ninyo sa baga ninyo, mahiya  naman kayo! Halika ka
na nga Paola.
Paola: Oo nga, punta na tayo sa shop.
Narrator: Minsan rin ay kinukuha ni Bruno at ang kanyang mga kaibigan, ang
nalimos nilang pera.
Gab: Hoy, bata sa amin  na nga ang pera mo kung ayaw mong masaktan.
Jericho: Heto na ang pera, huwag ninyo siyang sasaktan.
Marian: Salamat aking kapatid.
Jericho: Walang ano man, basta mag-ingat ka sa kanila, ha. Halika na.
Scene 5
Narrator: Isang araw hindi mapakali si Jericho at Marian dahil nagdadalawang isip
sila kung hahanapin parin nila ang kanilang mga magulang na umiwan sa kanila
dahil sa galit na iniwan sila ng mga magulang nila kahit sanggol pa lamang, pero
napagisip-isip nila ang sinabi ng kanilang lola sa kanila kaya hinanap nila ang
kanilang mga magulang.
Jericho:  Nagdadalawang isip ako kung hahanapin parin natin ang ating mga
magulang o hindi.
Marian: Ako rin nagdadalawang isip sa paghahanap sa kanila. Pero kailangan rin
natin silang hanapin para sa ating pangako kay lola.
Jericho: Sa Bagay tama ka. Tanging ito lang kuwintas na ito ang ibinigay na alala
nila.
Marian: Dapat natin itong ingatan.
Jericho: Halika ka na, simulan nating maghanap sa kanila.
Scene 6
Narrator: Nang hinahanap nila ang kanilang mga magulang, nakahanap rin sila ng
mga bagong kaibigan sa kalye.
Frivaldo: Sino ba kayo?  
Marian: Ako si Marian at siya naman ang aking kapatid si Jericho, at sino ka
naman?
Frivaldo: Ako nga pala si Ferry lou, masaya sana ako noong nakuha ko ang loob
ng aking mga kaklase at hindi na nila ako sinasaktan dahil sa pagsabi na may
sandaang damit ako, pero namatay ang aking mga magulang.
Marian: Pasensya na Fery lou, ayos lang yan, kami rin naranasan namin iyan pero
hindi namin niloko ang aming mga kaklase. Pero ganito kami, hinahanap namin
ang aming mga  magulang.
Frivaldo: Pasensya na kung narinig ko ito.
Marian: Ayos lang yun.
Frivaldo: Hali kayo, doon tayo sa lugar kung saan ako nagpapahinga para rin
makapagpahinga kayo sa paghiga sa mga masasakit na bato.
Jericho: Salamat Ferry lou, ha.
Frivaldo: Walang ano man tumutulong lang ako sa mga kagaya ko para makaiwas
sa batang si Bruno.
Jericho: Sino ba si Bruno?
Frivaldo: Si Bruno ay kumukuha ng pera ng mga batang katulad natin lalo na si
Adong.
Scene 7
Narrator: Dinala ni Ferry Lou si Jericho at si Marian sa isang lugar kung saan siya
nagpapahinga, pero hindi kanais-nais ang nakita nila.
Gab: Adong! Tatakas ka pa. Ibigay mo na sa akin ang limos mo o masasaktan ka!
Jorge: Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!
Gab: Aah! Lumalaban ka na! Itong sayo!
Marian: Tama na nga yan, malapit tayo sa simbahan at nakikipag-away
ka.Tatawag  ako ng pulis kong hindi ka titigil.
Narrator: Natakot dito si Bruno kaya nagpasya sya na umalis.
Jorge: Salamat ha, ako nga pala si Adong, sino naman kayo?
Marian: Ako si Marian at siya naman ang aking kapatid na si Jericho.
Jorge: Salamat uli ha. Halika kana Fery lou, Pumunta na tayo sa ating lugar para
makakain na, naghihintay na si Nemo doon.
Fery lou: Sasama sila sa atin kung pwede lang.
Jorge: Oo, Syempre, hali na kayo.
Narrator: Dinala ni Fery lou at Adong si Jericho at Marian sa kanilang lugar.
Felix: O, nandito na pala kayo at sino naman sila?
Fery lou: Sila nga pala si Marian at Jericho.
Felix: Nasan na ba yung pagkain naghihintay na rin ang aking mga kaibigan.
Jorge: O, heto na ang pagkain mo.
Felix: Salamat ha.
Scene 8
Narrator: Nagsama-sama sila sa isang lugar na matutulugan nila. Isang araw nang
naglilimos sila nakita nila na ninanakaw ng mga kasama ni Bruno ang cellphone ng
babae. Nakilala ni Fery lou yung mga nanakawan kaya nagtago ito.
Paola: Tulong! kinuha nila ang cellphone ko!
Narrator: Hinabol nila ito at nabawi ang cellphone ng babae at ibinigay pabalik ito.
Felix: Tara habulin natin.
Jorge: Hoy! Tigil!
Jericho: Sa akin na nga yan! (Kinuha ni Jericho ang celllphone nang babae sa
magnanakaw)
Paola: Nasaan na ang cellphone ko?!
Jericho: Heto po ang cellphone nyo.
Paola: Heto ang pera ninyo, mga palaboy, wag nakayong mahiya dahil wala naman
kayong hiya.
Paola: Ayaw nyo, kunin nyo! (Tinapon ni Paola ang pera.)
Felix: Ang sama naman ng babaeng iyun. Kunin na nga natin ang pera
kakailanganin pa natin ito.
Scene 9
Narrator: Isang gabi ng tumutulog na ang mga kasama ni Jericho at Marian ay
hindi sila makatulog at malungkot. Naisip nila ang kanilang mga magulang hawak-
hawak ang kuwintas na ibinigay ng kanilang mga magulang.
Jericho: Ang saya-saya nga dito sa kalsada kasama ang ating mga kaibigan ay wala
naman ang ating mga magulang.
Marian: Oo, nga hindi ko na kayang matiis na wala sila sa ating piling.
Jericho: Mabuti naman ay nandito ka, kahit papaano hindi ako nag-iisa sa pamilya.
Marian: Salamat rin at nandito ka kasama ko.
Scene 10
Narrator: At sa mga magulang nila umuutang parin sila sa mayamang pinag-
uutangan nila na patay na, kaya ang pinag-uutangan na lang nila ay ang dalawang
anak nito.
Audrey: Madam, pautang naman po kailangan po namin maawa po kayo sa amin!
Paola: Ang mga magulang mo kasi anak ng anak kaya mahirap kayo.
Falcon: Tama, dapat sisihin ang mga magulang ninyo.
Nikko: Tatanggapin namin kahit anong masasakit na salita, kailangan talaga namin
ng pera.
Paola: O! Ito, isaksak mo sa baga mo!
Nikko: Salamat po!
Scene 11
Narrator: Dahil sa kalakihan ng halaga nito ay naisip nila na idiposito ang pera sa
Banko hanggang sa mataas na ang halaga nito dahil sa interest. Iginastos nila ito sa
pagnenegosyo para makaahun sa hirap at mampon ang kanilang dalawang anak.
Audrey: Salamat sa Diyos! Binigyan nya tayo ng pagkakataung mabuhay ng
masagana at maaampun na rin natin ang ating dalawang anak.
Narrator: Aampunin na sana nila ang dalawang anak nila, kaya lang napagtanto
nila na hindi nakuha ng madre doon, ang kanilang mga anak. Kaya hinanap nila ito
sa kung saan-saang lupalop.
Scene 12
Narrator: Nang palakad si Jericho at Marian papunta sa kanyang mga kaibigan nila
ay nakasalubong nila ang mga batang masasama na hinabol nila. May dala itong
baril dahil nais nilang bumawi sa kanila sa ginawang pagbawi ng cellphone at nasis
rin nitong makuha ang itinatagong pera nila na bigay ng babae na tinulungan nila.
Dumating ang mga kaibigan nila at nakita nila ang dala ng mga masasamang bata,
natakot sila pero hindi sila makatakas. Binigyang pagkakataong mabuhay ang bata
kung ibibigay sa kanila ang lahat ng pera nito o tumakas sa sampung sekundo
lamang.
Gab: Bibigyan kita ng pagkakataong mabuhay bata, kung ibibigay mo ang lahat ng
perang tago ninyo o tumakas sa loob lamang ng sampung sekundo.
Jericho: Ano ba ang desisyon natin tumakas o ibigay natin ang pera.
Jorge: Tumakas na lang tayo, pinaghirapan naman natin ito eh.
Marian: Sana walang masaktan sa atin kahit isa.
Frivaldo: Sangayon ako kay Felix.
Jericho: Simulan na natin isa, dalawa, tatlo, takbo!
Gab: Hoy! Sandali.
Scene 13
Narrator: Tumakas nga sila pero natamaan ng bala si Jericho. Kinalaban ng mga
kaibigan ni Jericho ang mga masasamang bata, dahil wala nang ipuputok pa ang
baril nila dahil isa lang ang bala nito. Natalo ang mga masasamang bata
at  humingi sila ng tulong na ikarga si Jericho papuntang ospital.
Frivaldo: Ang sama ninyo!
Marian: Kailangan natin ng tulong!
Jorge: Bilis, halina kayo!
Scene 14
Narrator: Naging papel muli si Nemo kasama ang kanyang mga kaibigan sa kalye
ng humiling sila.
Felix at ang iba pa: Bituin, bituin, tuparin ngayon din lahat kami ay gawing batang
masayahin.  
Narrator: Nakita ni Audrey at Nikko si Jericho papuntang sa ospital. Naawa sila
kay Jericho kaya tinulungan nila ito dahil sa pag-alala ng kanilang iniwang anak.
Nikko: Kawawa naman ang batang iyon.
Audrey: Halika tulungan natin meron pa naman tayong pera para sa anak natin.
Scene 15
Narrator: Tinulungan nga ni Audrey at Nikko na manumbalik ang lakas ni Jericho
at may naramdaman sila na kakaiba kay Jericho at Marian sa pagtingin palang ng
kuwintas na suot nila.
Audrey: Halika Nikko, pumunta tayo sa isa sa mga kuwarto dito para mag-usap
tungkol sa ating anak.
Audrey: Si Jericho at Marian ang ating anak.
Nikko: Paano mo naman mapapatunayan.
Audrey: Naroon sa kanila ang kuwintas na ibinigay nila at tama ang edad nila.

Scene 16
Narrator: Narinig  at nakita ito ng bata dahil sa nakalimutang isarado ng mabuti
ang pintuan. Nagalit nito ang bata, pero sumama parin ito sa magulang nya hindi
dahil mahal nya sila kundi ay naaawa sya sa kanila.
Jericho: Ano po, anak ninyo kami?
Audrey: Oo, anak.
Jericho: Bakit ninyo kami iniwan kahit sanggol pa lamang kami?! Mga walang
puso!
Marian: Tama na!
Audrey: Patawarin mo ako anak. Hayaan mo babawi ako sayo.
Jericho: Hindi na po kailangan, masaya naman kami sa buhay namin sa kalsada.
Marian: Tama na aking kapatid!
Audrey: Patawarin mo ako anak, Patawarin mo ako anak!. Hindi ko kaya ang
kahirapan kaya ko to nagawa may plano rin naman kami ng ama mo na kunin ka
kapag nakaahun kami sa hirap.
Jericho: Sige, sasama kami hindi dahil pinapatawad kita kundi dahil naaawa kami
sayo!
Audrey: Ayos lang yan sa aking anak, basta makasama kayo.
Scene 17
Narrator: Ginawa ng mga magulang ang lahat para mapamahal ang anak nila sa
kanila.
Narrator:Isang araw napag-alaman ng bata na ginawa ng mga magulang nya ang
mga ito dahil sa kahirapan pero hindi nila kinalimutan sya maliban lang ng
naaksidente sila.
Jericho: Alam  na namin po ang lahat ng nangyari, mahal nyo rin pala kami.
Audrey: Oo anak mahal ko kayong dalawa.
Narrator: Tinulungan ni Jericho ang kanyang mga kaibigan na makaahun rin sa
kahirapan sa pamamagitan ng pag-ampun sa kanila at pinalago pa nila ang negosyo
nila.
Frivaldo at Jorge: Salamat Jericho! Salamat rin Marian!
Jericho: Walang ano man, hali na kayo para kumain.
Marian: Ito ooh! Masarap to
Narrator: Nakaahon na rin sina Ferry lou at Adong sa kahirapan at nakatakas na rin
si Adong sa mabangis na lungsod at naging batang masayahin narin si Nemo. At
dito nagtatapos ang storya ng mga uri ng kahirapan. Salamat po!  
http://playingscript.blogspot.com/2012/08/filipino-play-script.html

THURSDAY, AUGUST 30, 2012

Jericho(blogger)

Pagsubok
Natasha Liv Uy
Tagapagsalaysay: Bagong lipat lang sila Evren sa lungsod ng Baybay.
Dahil dito kailangan din niyang lumipat ng paaralan. Sa pasukan ay
hindi naging problema sa kanya ang pakikihalubilo sa iba dahil sadyang
pala-kaibigan ang binata. Sa unang markahan ay isa siya sa mga top
students ng kanilang klase. ( Evren were new in the city of Baybay. And
because of this, he has to transfer school. During start of classes, he did
not find any difficulty of mingling with others because he is such a
friendly guy. During the first quarter of grading, he is one of the top
students in their class.)
Masipag kasi siyang mag-aral at ito ay ang una sa listahan niya ng mga
prioridad. (He is a hardworking student and studying is on top of his
priorities.)

Guro: Congratulations sa’yo Evren!

Evren: Salamat po sir!


Tagapagsalaysay: Nang humantong ang ikalawang markahan ay patuloy
pa rin siyang nagsusunog ng kilay kada gabi. Ngunit isang araw, habang
pauwi na siya kasama ang kanyang barkada ay kinulit siya ng mga ito na
maglaro ng dota na matagal na niyang hini-hindian. (Second quarter
came in and he continues to study hard at night. However, one day,
while walking home with his friends, they were insisting him to play
DOTA which he has been avoiding for a long time. )

Valerian: Pre kahit isang laro lang. Subukan mo lang naman. (Buddy,
just one game. Try it.)

Lath: Oo nga pre. Tara!

Tagapagsalaysay: Hinatak siya agad ng kanyang mga kaibigan kaya


wala na siyang ibang nagawa kundi sumama. (He was quickly pulled by
his friends that is why he was not able to do anything but join them.)

Evren: Isang laro lang pre ah. Mag-aaral pa kasi ako para sa pasulit natin
bukas. (Just one game. I still need to study for the test tomorrow)

Lath: O sige. (Ok)

Tagapagsalaysay: Nagsimula na silang maglaro ng dota. Ang sinabing


isang laro ni Evren ay nasundan pa ng isa hanggang sa sila ay naabutan
na ng gabi. Ang pag-aaral para sa kanilang pasulit ay nawaglit na sa
kanyang isipan.

Tagapagsalaysay: Kinabukasan ay kalahati lang ang nakuha niyang


tamang sagot  sa kanilang pasulit. Sa puntong iyon nagsimula ang
pagbaba ng grado ni Evren at ang pagka-adik niya sa dota. Napansin ito
ng kaniyang guro kaya kina-usap siya nito pagkatapos ng klase.

Guro: Evren, napapansin ko na bumababa na ang iyong mga grado at


hindi ka na nakakakuha ng mataas na iskor sa mga pasulit ko.
Evren: Pasensiya na po sir. Hindi na po kasi ako nakakapag-aral ng
maayos sa gabi.

Guro: At bakit naman?

Evren: Eh kasi sir naglalaro po kami ng mga kaibigan ko ng dota at


minsan naaabutan na kami ng gabi.

Guro: Hindi talaga mabuti iyang paglalaro niyo niyan eh naaapektuhan


ang pag-aaral niyo. Kaya simula ngayon unahin mo muna ang iyong
pag-aaral kesa diyan sa dota.

Evren: Opo sir

Guro: Kaya mo ‘yan pagsubok lang yan Evren. Sige na pumunta ka na


sa aklatan tutulungan ka ng isa mong kaklase.

Evren: Ho? Sino po?

Guro: Basta sige na pumunta ka na doon baka naiinip na ‘yon.

Tagapagsalaysay: Habang papunta si Evren sa aklatan ay lingid sa


kanyang kaalaman na si Faith ang tutulong sa kanya na mag-aral. Ito ay
isa rin sa mga top students ng kanilang klase at unang araw pa lang ng
pasukan ay nagandahan na talaga siya dito pero hindi niya ito
masyadong pinansin dahil inuna niya ang kanyang pag-aaral.

Faith: O Evren, andiyan ka na pala.

Evren: Faith?

Faith: Ako nga. Halika na simulan na natin para maaga tayong maka-
uwi.

Evren: Okay lang naman kung ako lang mag-isa ang mag-aaral baka
naaabala kita.
Faith: Hindi naman, tsaka pinapabantayan ka sa ‘kin ni sir baka daw kasi
hindi ka mag-aaral at pupunta ka lang sa kompyuter shop para magdota.

Evren: Ah sige.

Tagapagsalaysay: Iyon ang simula ng pagtaas ulit ng grado ni Evren at


ang pagiging magkaibigan nila ni Faith. Isang araw hindi na talaga kaya
ni Evren na hindi siya nakakapaglaro ng dota kaya inilabas niya ang
kaniyang frustrasyon sa kaibigan.

Evren: Faith talaga bang hindi ako pwedeng maglaro ng dota? Alam ko
na importante ang pag-aaral pero tao din naman ako may karapatan din
akong sumaya.

Faith: Hindi naman sa ganon. Pwede ka namang maglaro pero gawin mo


sa tamang oras. Maglaan ka ng oras sa pag-aaral at paglalaro.

Evren: Sige gagawin ko ‘yan

Tagapagsalaysay: Natutunan ni Evren ang pagdisiplina sa sarili at kung


paano ibalanse ang kanyang oras sa pag-aaral at paglalaro. Natapos niya
ang High School bilang salutatorian at si Faith naman ang valedictorian.
Lahat tayo ay dumadaan sa mga pagsubok nasa iyo lang kung haharapin
mo ito o magpapatalo ka lang. Magtiwala ka sa iyong sarili.
Malalampasan mo ito kung ikaw ay pursigido at may tiwala sa Diyos.
https://lifebloggersorg.wordpress.com/2016/10/13/dula-dulaan/

Ambisyon
Karla May Vidal
          Isang mahirap na bata si Mia na nangangarap na maging abogado
balang araw. Pero sadyang kay lupit ng tadhana dahil pagkatapos niya
ng highschool ay wala silang kakayahan na makapag-aral siya ng
kolehiyo. Kahit ganun ang nangyari, hindi pa rin siya nawalan ng pag-
asa na makapag-aral ng kolehiyo. (
Lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran sa buhay. Naghanap
siya ng trabaho para maypang-bayad siya sa kolehiyo at matustusan ang
kanyang mga pangangailangan. Nakahanap naman ng trabaho si Mia.
Nagtatrabaho siya sa umaga at paggabi naman ay pumapasok siya sa
pampublikong paaralan sa kursong gustong-gusto niya, ang pag-
aabogado. Kahit nasa pampublikong paaralan siya ay may malaking
bayarin at hindi na niya kinaya ang mga gastos, hindi na kasya ang
kanyang pang-araw-araw na pangangailangan sa kanyang sahod. Kaya
huminto muna siya sa  pag-aaral, at nagdesisyong mag-iipon muna siya.

Para kay Mia, hindi hadlang ang kahirapan sap ag-abot ng kanyang mga
pangarap. Kaya naghanap ng ibang trabaho si Mia na mas maganda at
malaki ang sahod. Namasukan siyang katulong sa mag-asawang pilipina
at amerikano. Maayos naman ang trabaho ni Mia sa mag-asawa,
mababait ang kanyang amo. Nang napag-usapan nila ang buhay ni Mia,
nasabi din niya sa kanyang amo tungkol sa kanyang pangarap na
makapag-kolehiyo at makapagtapos ng abogasya. Mapalad naman si
Mia dahil naghandog naman ang kanyang amo na pag-aralin siya ng
kolehiyo kapalit ng pagsisilbi niya sa kanila. Sobrang saya ni Mia sa
nangyari kaya nagpapasalamat si Mia sa kanila dahil matutupad na rin
ang kanyang pangarap.

Nagsipag at minabuti ni Mia ang kanyang pag-aaral para makatapos na


siya ng kolehiyo sa pag-aabogasya. Nag-aral siya ng mabuti, hindi niya
sinayang ang oportunidad na binigay ng tadhana sa kanya. May mga
pagsubok din siyang dinaanan pero hindi iyon hadlang sa kanyang pag-
aaral.

Nakatapos si Mia sa pag-aaral bilang Cum Laude, dahil sa sipag at


tiyaga niya. Laking pasasalamat niya sa kanyang amo dahil pinag-aral
siya ng kolehiyo. Ngayon, isa na siyang sikat na abogado sa kanilang
lugar. Sinabi ni Mia sa kanyang sarili na kahit gaano kahirap ang buhay,
basta’t guto moa ng isang bagay, magagawa at makukuha mo iyon kung
pagsisikapan mga ng mga ito.
https://lifebloggersorg.wordpress.com/2016/10/13/dula-dulaan/
Usok
Ramdam na ramdam ko ang hagod ng usok mula sa labi ko, lalamunan at sa baga ko
pero hindi natapos ang paglalakbay ng usok na yun. Mula sa baga ko, dumaloy
papuntang lalamunan, at palabas ng labi ko. Hindi na masyadong malinaw ang usok
na binubuga ko. Pero malinaw ang una kong tikim ng usok na ito. Limang taon na ang
nakakaraan. (I COULD FEEL THE BRUSH OF SMOKE FROM MY LIPS,
THROAT AND LUNGS BUT THE SMOKE STILL LINGERS. FROM MY
LUNGS, UP TO MY THROAT AND OUT OF LIPS. THE SMOG WAS NOT AS
CLEAR AS I PUFF IT OUT BUT WHAT IS APPARENT IS THAT IT WAS MY
FIRST TASTE OF THIS SMOG. FIVE YEARS HAVE ALREADY PASSED.)
Usok. (SMOKE)
Ulap. (CLOUD)
Himpapawid.
“Sigurado kang effective to para magpuyat?” (“ARE YOU SURE THAT THIS IS
EFFECTIVE FOR AN ALL-NIGHTER?”)
“Tess, oo naman! Sobra! ”(“OFCOURSE. VERY SURE.”)
“Alam mo, ayoko neto Diane. Makakasama ‘to sa’tin, at dapat alam mo yun”.
(“YOU KNOW WHAT DIANE I NEVER WANTED THIS. THIS IS BAD FOR US,
YOU KNOW THAT.”)

“Depende naman sa paggamit yan eh. Kung kaya mong dalhin ang sarili mo, hindi
naman talaga grabe ang epekto. Bigyan kita ng tip, una, wag kang
magpapagutom,unless na lang kung gusto mong mag-diyeta. Pangalawa
magpahinga ka matapos mong magpuyat. Pangatlo, wag magpapahuli sa pulis.
Hahah” (“IT DEPENDS ON HOW IT IS USED. IF YOU CAN CARRY
YOURSELF WELL, THERE IS NO SERIOUS EFFECT. I’LL GIVE YOU A TIP;
FIRST TAKE A FULL STOMACH UNLESS YOU ARE ON A DIET. SECOND,
REST WELL AFTER STAYING UP ALL NIGHT. AND THIRD, NEVER GET
CAUGHT BY THE POLICE. HAHAH.”)

“Gaga. Sigurado ka?” (“YOU FOOL. ARE YOU SURE?”)


“Oo naman, kita mo ako? Dalawang taon ng humihithit ng bato, obvious ba?
Hindi naman ah.OAlang yung iba kung makapagreact ,tsaka ok naman grades ko
di’ba? Efficient pa nga kasi kaya magpuyat para magdamagang duty. Try mo,
libre ko ngayon.”
(“OF COURSE, CAN’T YOU SEE? I HAVE BEEN TAKING DRUGS FOR TWO
YEARS AND MY GRADES ARE QUITE GOOD, RIGHT? IT IS ALSO EFFICIENT
FOR STAYING UP ALL NIGHT FOR NIGHT-LONG DUTY. TRY IT, MY
TREAT.”)
“Ok, isa lang, pagkatapos,kakalimutan kong minsan mo akong inalok ng droga,
gaga ka.” (“OK, JUST ONE THEN I’LL FORGET THAT ONCE YOU OFFERED
ME DRUGS, YOU FOOL!”)
Masyadong mainit, pero hindi mainit dahil sa sikat ng araw, dahil wala namang
sikat ng araw na pumapasok sa kwartong kinaroroonan ko. Isang bombilya lang
ang nagsisilbing liwanag, dilaw na liwanang. Pinahid ko ng likod ng palad ko ang
namumuong butil ng pawis sa noo ko. Mainit dahil sa hangin, malagkit na hangin,
mabigat na hangin. Dahil na rin siguro sa usok na binubuga ko, sa init ng
bombilya, at marahil dahil sa nagsisiksikan kami dito ng kahati ko sa usok na ‘to.
Walang hiyang Benjie, parang ayaw magtira ah. ( IT WAS VERY HOT BUT NOT
BECAUSE OF THE SUN BECAUSE THERE WAS NO RAY OF SUNSHINE
ENTERING THE ROOM WHERE I AM AT. THE ONLY LIGHT IN THE
ROOM WAS THE LIGHTBULB. I WIPED THE ACCUMULATED SWEAT ON
MY FOREHEAD WITH THE BACK OF MY HAND. THE AIR HAD A WARM
FEEL, HUMID WIND AND HEAVY. AND MAYBE BECAUSE OF THE
SMOKE THAT I AM PUFFING, THE HEAT OF THE LIGHBULB AND
MAYBE BECAUSE WERE TOO CROWDED, ME AND MY PARTNER IN
THIS POT SESSION. THAT SHAMELESS BENJIE, IT SEEMS THAT HE
DOES NOT WANT TO SHARE.)

“Meron ba kayo ngayon aling Melba?”


“Di mo ba nabalitaan Tess? Ni-raid kahapon ang isang laboratoryo, kaya medyo
mahina ngayon, medyo mas mahal. Magkano ba sana kukunin mo ?”
“One fourth ho.”
“Por handred Tess.”
“Ay nakow, 250 lang yan di’ba? Ba’t ang mahal?” Three hundred lang dala ko
eh,pamasahe ko pa ang singkwenta.”
“Ay, pasensya na Tess, kilala mo naman ako, Hindi ako nagdadamot pero gipit din
ako ngayon eh. Kung gusto mo, hati kayo niyang si Benjie. Medyo magkilala
naman kayo diba? Naghihintay lang din yan ng pwedeng humati sa kanya eh. Tu
handred lang kasi ang dala.”
(“DO YOU HAVE ONE THERE ALING MELBA?”)
DIDN’T YOU HEAR THE NEWS, TESS? THERE WAS A RAID IN ONE OF THE
LABORATORIES THAT IS WHY IT IS QUITE SCANT TODAY, AND QUITE
EXPENSIVE. HOW MUCH WERE YOU SUPPOSE TO GET?
ONE FOURTH ONLY. IT’S FOUR HUNDERED PESOS, TESS.
ISN’T IT SUPPOSE TO BE 250 PESOS ONLY? WHY TOO PRICEY? I ONLY
HAVE 300 AT HAND AND 50 FOR MY FARE.
SO SORRY TESS, YOU KNOW ME. I AM NOT THE STINGY TYPE BUT I AM IN
A TIGHT SITUATION AS WELL. IF YOU WANT, YOU CAN SHARE WITH
BENJIE. YOU KNOW EACH OTHER QUITE WELL, RIGHT? HE IS ALSO JUST
WAITING FOR SOMEONE TO SHARE WITH. HE ONLY HAS TWO HUNDRED
PESOS WITH HIM.

Huling higop na lang para sa’kin. Pumikit ako. Gustong namnamin sa bibig ko ang
panghuli kong pagsinghot sa usok na to. Minsan ko ng tinalikuran ‘to…pero nung
huling taon lang, binalikan ko ang sinimulan ko nung kolehiyo.
Usok.
Ulap.
Himpapawid.
(ONE LAST SIP FOR ME. I CLOSED MY EYES. I WANT TO SAVOR WITH
MY MOUTH MY LAST SNIFF OF THIS SMOKE. THERE ARE TIMES THAT
I WANT TO TURN MY BACK FROM THIS…BUT IT WAS ONLY LAST
YEAR WHEN I WENT I STARTED ONCE MORE WHAT I STARTED IN
COLLEGE.)

“Hon, gusto ko sanang magtrabaho. Alam mo na, kumita ng extra para sa’tin.”
(HON, I WANT TO WORK. YOU KNOW TO EARN SOMETHING EXTRA FOR
US.)

“Tess, Honey, hindi na ba sapat ang kinikita ko?”(TESS, HONEY, AM I NO


EARNING ENOUGH?)

“Di naman sa ganun Hon, medyo nakakainip lang kasi dito sa bahay. Parang
paulit-ulit na lang kasi ang mga ginagawa ko dito. Sayang naman, nag-graduate
pa ako ng nursing, di ko naman magagamit. Para rin makatulong sa gastusin,
para rin naman sa”
(THAT’S NOT IT HON BUT BECAUSE IT IS QUITE BORING HERE IN THE
HOUSE.

“Hon, ako ang lalaki, ako na ang dapat namomroblema sa mga gastusin. Meron
din naman tayong sapat ah? Kung gusto mo, bibilhan na lang kita ng bagong
washing machine tsaka vacuum cleaner para di ka masyadong mahirapan dito sa
bahay. At para di ka mainip,bibigyan kita ng budget, pang-shopping, bumili ka ng
sapatos, bag at kung anu-ano pang gusto mo, para di ka mainip.”
(HON, I AM THE MAN OF THE HOUSE. I SHOULD BE THE ONE TO
HANDLE THE EXPENSES. WE DO HAVE ENOUGH RIGHT? IF YOU WANT
I’LL JUST BUY YOU A NEW WASHING MACHINE AND VACUUM
CLEANER SO YOU WON’T HAVE IT HARD HERE IN THE HOUSE. AND
SO YOU WON’T GET BORED, I’LL GIVE YOU MONEY FOR SHOPPING,
YOU CAN BUY SHOES, BAG AND WHATEVER YOU WANT JUST SO YOU
WON’ GET BORED.)

“Hon, hindi naman para pang-shopping ang traba-“ (HON, IT’S NOT ABOUT
SHOPPING, I WANT TO WORK…)

“Sssshhh. Tess, please.” (SSSSHHH, TESS PLEASE)

“Hon, pakinggan mo naman kasi ako.”(WILL YOU PLEASE LISTEN TO ME.)

“Tess,please. Matulog na tayo.Mag-aalas dos na ng umaga. May trabaho pa ako


bukas.” (TESS PLEASE, LET’S SLEEP. IT’S ALREADY TWO O’CLOCK IN THE
MORNING. I STILL HAVE WORK TOMORROW.)

Minulat ko ang mata ko, matapos ang ilang sandali, lumabas na ako ng kwarto.
Sumunod si Benjie. Pagkatapos namaalam na siya kay Aling Melba. Baka raw
hinahanap na siya ng magulang niya, di daw nakapagpaalam ng maayos. Oo,
tumitira pa rin sa magulang ang gago. Medyo nandyan pa ang epekto kaya
namahinga muna ako ng konti. (I OPENED MY EYES AFTERAWHILE, WENT
OUT OF THE BEDROOM. BENJIE FOLLOWED. AFTER HE WENT TO SAY
GOODBYE TO ALING MELBA. MAYBE HIS PARENTS WERE LOOKING
FOR HIM AND WAS NOT ABLE TO SAY GOODBYE PROPERLY. THE
FOOL IS STILL LIVING WITH HIS PARENTS. THE EFFECT WAS STILL
THERE SO I RESTED FOR AWHILE.)

“Tess, may electric fan diyan, paikutin mo lang para abutin ka ng hangin”, alok ni
Aling Melba sa’kin. (TESS, THERE IS AN ELECTRIC FAN THERE.

Nasa loob lang siya sa isang kwarto pa nila na bukas ang pintuan kaya kitang-kita
siya mula sa sala. Medyo may may pagkamalusog si Aling Melba, mga 5 feet ang
tangkad at may pagkamestisa ang ang kulay. (SHE WAS INSIDE THE OTHER
BEDROOM WITH THE DOOR OPEN WHERE SHE IS SEEN FROM THE
LIVINGROOM. ALING MELBA IS QUITE CHUBBY, AROUND

Paraphernallas
Parapernallas

“Salamat aling Melba”,

inabot ko ang electric fan tsaka pinindot ang sa likod nito, para umikot. Medyo
masarap ang pakiramdam ng malamig na hangin kaya sinabayan ko na lang ng
pagluluwag ng kwelyo ko.
Hindi ko namalayang nanunuod pala ng TV ang bunsong anak ni Aling Melba, si
Badeth, bunso sa anim. Nakapig-tails ang bata, medyo may pagka-chubby,
mestisa, may dimples ang dalawang pisngi at bungi ang dalawang ipin sa
harap. Pero sa susunod, makukuha na ang korona niya bilang bunso. Buntis si
Aling Melba ng limang buwan at sabi pa nga niya, magiging ninang daw ako na
kinatuwa ko naman.

“Badeth, laro tayo”, saad ng kararating lang, ang panglima sa anak ni Aling Melba,
si Joseph. Grade two na raw sa susunod na pasukan. Medyo payat si Joseph, at
sumunod sa kulay ng tatay nilang moreno.
` “Ay, ikaw pala Maam Tess” Pahiya niyang bati sa’kin ng makita niya ako.
“Oo naman Joseph. Sino pa ba?” nginitian ko siya. Medyo matagal na ako dito
gumagamit sa bahay nila ni Aling Melba kaya kilala na ako ng mga anak
nila.Kabuhayan na nilang mag-asawa ‘to matapos sibakin si Mang Berting bilang
official driver ng lungsod. Hindi kasi nanalo sa eleksyon ang alkaldeng
sinuportahan ni Mang Berting, dalawang eleksyon na ang lumipas.
“Kuya, ayokong maglaro, manonood na muna ako ng TV. Paborito ko tong palabas
eh”.
Isang noontime show ang palabas. Nasa portion na ata na “Pera o Bayong”.
Nakapili na ang contestant ng bayong niya at inaalok na ng isang daang libong
piso. Bayong kaya pipiliin niya? O pera?
“Bayong! Bayong!” sigaw ni Badeth.
“Pera na! Pera!” saad naman ni Joseph.
At mukhang narinig ng contestant si Joseph dahil nagpera na ito. Bubuksan na ang
laman ng bayong at inunti-unti ang pagpapakita ng digits. May zero, isa pa, tatlong
zero, pang-apat,lima, anim at… isang 1, isang milyon pala ang laman.
Nagcommercial agad pagkatapos maghinayang at magpasalamat ng contestant.
“Sabi ko na eh! Bayong eh! Ang tigas ng ulo niya. Di nakinig saken,” saad ni
Badeth.
“Asus! Tsamba!O sige, ibang laro na lang Badeth. Hulaanna lang tayo ng mga
commercials. Pagkatapos, ang hindi maka-hula, pipitikin,” alok naman ni Joseph.
“Oo buh, mas magaling ata ako sa’yo. Game”, sambit ni Badeth na nakangiti pa
kaya kitang-kita ang bungi niyang ipin.
“Sali ako diyan”, singit ko naman na nakangiti pa.
Kung sana meron akong anak, hindi na sana ako nanabik na makipaglaro ng
ganito. Baka matagal ko na ring iniwan ang bisyong ito. Minsan natatakot rin ako.
Paano kung lumabas na abnormal ang anak ko dahil sa hinihithit kong droga? May
nakita din naman akong pumupunta dito, kasama ang mga anak nila, normal
naman sila, nakkikipaglaro pa nga sa mga anak ni Aling Melba. Pangako ko, kung
magkakaanak na kami ni Marion,titigilan ko na ‘to.
“Creamsilk shampoo”, sigaw ni Badeth kaya naman medyo nagising ako mula sa
kung anong iniisip ko.
“Mali. Creamsilk conditioner yan!” sagot naman ni Joseph.
“Anong kaibahan? Pareho lang naman yang nilalagay sa buhok kuya. Wag kang
madaya, nauna ako”.
Medyo natawa ako sa pinag-awayan nila kaya naman pumagitna na ako.
“Yung shampoo,Badeth, pampalinis ng buhok, yan para naman extra ganda ang
buhok”, saad ko pero para lang malaman ni Badeth na may kaibahan ang dalawa,
kahit hindi ko talaga alam kung paano ipapaliwanag ng maayos.
“O sige, dahil lang yan sabi yan ni Ma’am Tess ha?”
Ma’am tawag nila sakin, ewan ko kung bakit, baka ka-edad ko ang mga nagtuturo
sa school nila. Mabuti pa yung kaedad kong teacher nila, may trabaho. Ako, wala
umaasa sa asawang engineer, na anim na taon na mas nakakatanda. Sa asawang,
mahal na mahal ako. Kahit minsan, iniisip ko kung ano kaya kung hindi ako
nagmadaling iwan ang pamilya kong pinipilit akong magnursing at sagipin ang
pamilya mula sa kahirapan? Baka may trabaho na ako sa ibang bansa, baka may
sariling bahay at kotse na ako. Baka may mahigit limang libong piso na akong
sweldo kada buwan at pinapadalhan ko na ang pamilya ko bilang kabayaran sa
kung ano mang sakripisyo nila . At pagkatapos ng ilang taon, naglilibot na ako sa
buong mundo. Sa himpapawid.
Mahal ko din naman yung asawa ko, kaya nangako ako sa sarili kong titigalan na
ang bisyo ko nung nagpakasal kami, dalawang taon na ang nakakaraan,pero may
mga bagay lang talagang mahirap talikuran.
“Alam mo kuya, bibili din ako ng maraming konisyener, para gumanda buhok ko,
at mapapansin na ako ng crush ko.”
` “May crush ka na pala Badeth?Ang bata mo para diyan ah?” tukso ko kay
Badeth.
“Oo naman. Sino ba naman ang walang crush? Sabi ng classmate ko, abnormal
lang daw ang walang crush. At para mapansin ako ng crush ko, kailangan maganda
ako, maganda buhok ko, maputi ako, matangkad tsaka sexy.”
“Hindi naman siguro Badeth-
“Medicol!” sigaw ni Joseph kaya medyo nawala ako sa kung ano sana ang
sasabihin ko kay Badeth. Halatang nagco-concentrate ang bata sa laro nila kaya
hindi na nakikinig sa kapatid.
“Di yun counted kuya, nag-uusap kami ni Ma’am tess eh. ”
Sa kabila ng protesta ng kapatid niya, pinitik pa rin ni Joseph ang daliri ni Badeth.
Gaganti sana si Badeth pero biglang three o’clock prayer na ang lumabas sa
telebisyon. Bigla namang pumikit ang dalawang bata, at pinormang ang dalawang
kamay na parang nananalangin. Medyo sumilip pa ng tingin si Badeth sa kuya
niya. Naalala ko tuloy kung paano kong nakilala si Benjie.
“Bago ka rito?”
“Kina Aling Melba? Hindi. Nawala lang ng isang taon, “balikbayan” kumbaga.
Ikaw? Ngayon lang kita nakita ha.”
“Medyo ilang buwan pa lang ako dito eh. Kakalabas lang ng kumbento..”
“Kumbento? Pari ka?!”
“Hindi. Hindi pa.. at hindi na magiging pari. Nag-quit ako, hindi lang naman ako
ang nag-quit sa’min, hindi ako ang una, at posibleng hindi rin ang huli.”
“Bakit naman? “
“Gusto ko rin naman siguro. O baka gusto ng mga magulang ko,pero parang okey
lang din naman sana, kaya lang, kaya lang..baka hindi talaga pagpapapari gusto
ko eh.”
“Kaya imbes na pagdadasal ang pinag-aralan mo eh iba ang dinadasalan mo.
Hahah”
“Hahah. Hindi naman ako nananakit ng iba eh,hindi ako nang-rape, hindi ako
nakapatay, kaya kong kontrolin sarili ko..ito lang talaga. Alam mo yun.”
“Ganun? Tess nga pala. Sayang, kung magpapari ka sana, eh di, libre na ang
pabinyag sakaling biyayaan ako ng baby”
“Misis ka na pala? Ako nga pala si Benjie.”
Di ko namalayang natapos na ang three o’clock prayer.. at medyo ilang
commercial na pala ang hinulaan ng dalawa. Tinitigan ko ang relos nila, mga 3:30
na. Oo nga pala, parang late pala yung mga three o’clock prayers.
May lumabas na balita sa telebisyon. Breaking news. Binitay na raw ang tatlong
pinoy na nakitaan ng pakete ng droga sa China. Hindi na napakiusapan ng
pamahalaan ng Pilipinas. Mas mahigpit daw ang pamahalaang Tsina eh. Tinignan
ko si aling Melba, na abala sa pagpakete ng ilang gramo. Tumakbo naman ang
dalawang bata papunta sa kanya.
“Mama, ano ba ibig sabihin ng binitay?” narinig kong tanong ni Badeth.
“Ay, ibig sabihin, pinarusahan anak. Bilang kabayaran sa masamang ginawa.”
“Mama, masama po pala ang ginagawa niyo ni papa? Bibitayin ka rin ba?” tanong
naman ni Joseph, na parang naiintindihan na ata kung ano talaga ang hanapbuhay
ng mga magulang niya.
“Ay, ano ba naman yan Joseph? Wag kang magsalita ng ganyan,” medyo tumaas
ang tono at boses ni aling Melba.
` “Aling Melba, nag-aalala lang siguro yang si Joseph” singit ko sa usapan nila.
“Hindi dapat sila mag-alala kasi kaya naming lusutan yan. Kasi alam namin ni
Berting kung paano mag-ingat. Nakwento ko na ba sayo Tess kung paanong
nakalusot yung asawa kong si Berting?” tinigilan ni Aling Melba ang ginagawa
niya, lumapit at tumabi sa’kin.
“Ay,opo. Yung nilunok niya ang isang pakete. hahah ” medyo napatawa ako ng
konti kaya tinakpan ko ang bibig ko.
“Ay naku, alam mo ba, kinabahan ang gagong yun. Sabi ko naman sa kanya, wag
magpapahalata, para hindi sitahin. Pero ayun, mabuti na lang at naisipang lunukin,
pero sayang din yun ha. Payb handred pa yun. Sayang, tinae lang ng gago .”
“Hindi mo naman,masisisi si Mang Berting aling Melba, kung kayo yun? Ano
kaya ginawa niyo?”
“Ay kung ako yun, nilagay ko sa panty ko. Kasi may mga panty namang may bulsa
eh. Alangan namang kapkapin ng NarCom ang ano ko,” lumingon mo na siya sa
mga anak niya, “Sa alam mo na yun. Aba’y NarComanyak na yun. Hahah.”
“May point ka diyan aling Melba.hahah”
“Teka, di’ba binigyan kita nun Tess? Regalo ko sayo nung Birthday mo. “
“Nasa akin pa po. Ginawa kong collection. Hahah. Siyanga pala aling Melba,
pwede ba akong umutang? One fourth lang, take-out na lang muna kasi kailangan
ko pang maghanda ng hapunan.”
“Hmmm, sus, kung di ka lang malakas sa’kin eh,pero bayaran mo Tess ha? Por
handred pa naman yan ngayon. ”
“Oo Aling Melba.Promise”
“Tsaka mag-ingat ka. Medyo mainit ngayon ang mga parak. Alam mo naman ang
mga porma nung mga nun, medyo malalaki, basta kung kutubin ka, alam mo na
ang gagawin mo.”
“Yes Aling Melba”. Panigurado ko naman sa kanya. Pumasok siya sa kwarto,
kumuha ng isang pakete at binigay sakin. Nilagay ko sa lalagyan ng sigarilyo ko.
Niyakap ko siya bilang pasasalamat, nagpaalam sa kanya at sa mga bata.
“Bye Ma’am tess”, sabay na pagpaalam ng dalawang bata.
` Bumili muna ako ng kendi sa isang tindahang nadaanan ko.
“Maxx nga po”, sabi ko.
“Tatlo, dalawang piso”
“Isang Malboro po”,medyo mababa at bilog ang boses. Mula lang sa likuran ko.
Kinabahan ako. Pero di ako nagpahalata. Tinignan ko ang pinagmumulan ng boses,
isang lalaking maskuladong naka-shades at naka-sombrero. Medyo mestiso at
halatang di taga-rito. Binigay na sa akin ang kendi kaya dali-dali naman akong
umalis na.
Medyo masikip ang eskinitang pinasukan ko. Ito lang daw ang daan papuntang
labasan eh. Nawawala pa ako nun, dahil andami-daming daan, parang maze lang
ng isang daga. Medyo madilim dahil sa nagtataasan at halos magkakadikit na
bahay. Ang tanging ilaw ay ang liwanag mula sa itaas, sa araw, sa araw ng alas
kwatro ng hapon. Tumingala ako, para makita ang pinagmulan ng ilaw, ang sinag
ng araw na lumulusot sa pagitan ng mga bahay. Lumingon ako. Nakita ko ang
lalaking nasa tindahan kanina.
Kinabahan uli ako. Sinusundan niya ba ako? Baka naman hindi, pero nagpatuloy
pa rin ako sa paglalakad. Pero ngayon, medyo mabilis na ang paglalakad ko.
Lumingon uli ako, at napansin kong binilisan din niya ang paglalakad niya.
Kung sakaling pulis siya, siguradong titignan niya ang bag ko, at baka makita at
kunin ang lalagyan ng sigarilyo ko at hindi ko na alam kung ano ang magiging
kapalaran ko. Kaya naman binuksan ko bag ko, kinuha ang lalagyan ng sigarilyo,
binuksan, kinuha ang pakete. Binalik ang lalagyan ng sigarilyo sa bag.
Medyo bumibilis na rin ang paglalakad niya. Mga labinglimang talampakan na
lang ang layo niya. Tatakbo ba ako? Baka magsuspetsa agad, at tumakbo na rin
siya, at maabutan agad ako. May namumuo ng pawis sa noo ko, at bumibilis na
ang pintig ng puso ko.
Sampung talampakan. Nasa kamay ko pa ang pakete.
Siyam.
May isang likuan sa eskinta. Naisipan kong lumiko, meron akong tsansang
maitapon ang pakete, nang hindi niya makikita ang akto,pero makikita niya ang
pakete.
Kahit di ko na siya nakikita dahil sa paglikong ginawa ko, alam kong malapit na
talaga siya. Mga walong talampakan na lang.
Pito.
Anim.
Anong gagawin ko? Lulunukin ko na lang ba? O itatago sa panty ko…
Lima.
Andyan na naman siya.
Apat na talampakan.
Tatlo.
“Miss, pwede bang tumigil ka muna”, parang pasigaw na sabi niya.
Lintik.
https://kwentonikat.wordpress.com/tag/droga/

You might also like