Saumay, Hamdan - FIL103 - Repleksyon

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Saumay, Hamdan Ismael P.

Subject & Seksyon : FIL103 -Hh


Gawain: REPLEKSYON

Ang aking mga natutunan sa kursong ito ay una ang Filipino sa Korespondensya. Ito ay
mga liham nasa opisina o nasa iba pang lugar ng pagtatrabaho na nagsusulat bilang gamit
pangtransaksiyon. Natutunan kung kilalanin ang mga parte ng isang liham at kung paano ito
isinulat gamit ang mga tamang desinyo, espasyo, dagli, mga senyales katulad ng kulomn at iba
pang parte ng liham. Naisasa-alang alang din ang gagamiting mga salita sa bating pambungad at
pamitagang pangwakas ng isang liham maging paggamit ng angkop at karapat-dapat nga salitang
paggalang sa posisyon at estado ng tao sa buhay. Natutunan ko din ang isang liham ay katulad
din ng personal na pakikipag-usap na kababakasan ng tunay na personalidad ng taong sumusulat.
Naisakatuparan dito ang mga katangian ng liham kung ito'y pormal at di pormal, at ang mga uri
ng liham na dapat gamitin sa iba't ibang sitwasyon katulad ng paghahanap ng mapapasukan,
liham na humihingi ng paumanhin, paggalang, pasasalamat, pangrekomendasyon at iba pa.

Ang isa din na natutunan ko ay ang pagsasaling wika kung saan ito ay kasintanda halos
ang kaligirang pangkasaysayan. Dahil sa pagbabago ng mundo, nagbabago ang mga lingguhawe
na ginagamit ng isang tao o isang pook kaya sa paglipas ng panahon ay dumarami na ang
pagsasalin. Sa kasalukuyan, lahat halos ng bansa ay nagsasalin sa mga kilalang akda mula sa
iba’t ibang kultura at bansa. Nakatulong rin ang pagsasalin sa pagpapalaganap ng bagong
kaalaman. Natutunan ko na ang pagsasalin ay isang Agham at Sining. Matatawag na agham ng
pagsasalin kung ito ay pagbibigay diin sa katumpakang teknikal, pagsunod sa anyo, at literal na
pagpapakahulugan. Sining ang gawaing pagsasalin halimbawa'y kapag ang tula ay isinalin ng
isang karaniwang tagapagsalin sa paraang tuluyan. Sa pagsasalin, naisasa-alang alang ang mga
katangian ng isang salita kung paano ito isasalin sa patunguhang lingguhawe kung ito ay
ibabaybay lamang, isasalin ng sansalita-sa-salita, teknikal ba o malikhaing pagsasalin at marami
pang iba. Dito nasusukat ang kakayahan ng tao na mag-aral at lawakan pa lalo ang kanyang
pagiging bilinggwal at pagtuklas ng mga kultura at kasanayan ng isang tao na gumagamit ng
nasabing lingguhawe na siyang dapat isa sa mga pag-aangkop ng pagsasaling wika.

Ang mga ganitong kaalaman ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral


na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Dahil makakatulong ito upang umasenso ang
isang bansa at ang mga naninirahan nito. Masasabi kung ang ganitong mga kaalaman ay ang mga
kaalaman na nais payabungin ni Dr. Jose Rizal noon paman. Isinusulong niya ang kaalaman
kaugnay sa korespondensya at pagsasaling teksto ng mga akdang pampanitikan upang ang
Pilipino ay magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga nangyayari sa mundo ngunit hindi
hinihikayat ni Rizal na talikuran natin ang nakagisnang wika bagkus dapat natin itong ipreserba
upang magamit pa sa mga susunod na henerasyon.

You might also like