Professional Documents
Culture Documents
10-Converted LAS 2ND QT
10-Converted LAS 2ND QT
Department of Education
GAWAING PAMPAGKATUTO
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKASAMPUNG BAITANG
Ikalawang Markahan
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Itiman ang bilog ng letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay ang kilos kung saan ang tao ay walang kaalaman kung kaya’t
walang pagsang-ayon sa kilos. Anong uri ng kilos ito ayon sa kapanagutan?
A. Likas na kilos C. Di kusang-loob
B. Kusang-loob D. Walang kusang-loob
2. Ito ay ang mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa
kanyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Anong uri ng
kilos ito?
A. Likas na Kilos C. Kilos ng Tao (Act of Man)
B. Totoong Kilos D. Makataong Kilos (Human Act)
4. Kung ibabase ang kilos ayon sa kapanagutan, aling kilos ang ipinapakita ng
isang taong may sakit sa pag-iisip na inutusang hablutin ang pitaka ng isang
matandang babae?
A. Kusang-loob C. Walang kusang-loob
B. Di kusang-loob D. Makataong Kilos (Human Act)
11. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman
ang papel ng kilos-loob?
A. Tumulong sa kilos ng isang tao.
B. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.
C. Umunawa at magsuri ng impormasyon.
D. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.
12. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
A. Isaisip ang mga posibilidad
B. Magkalap ng patunay
C. Tingnan ang kalooban
D. Maghanap ng ibang kaalaman
13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na yugto ng makataong pagkilos?
A. Kamalayan (Awareness)
B. Pagkakaroon ng interes sa nakikitang mga pangyayari (Interest)
C. Pagpapasiya (Decision Making)
D. Paghuhusga (Judgement)
16. Alin sa mga sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan
ang kilos dahil sa karahasan?
A. dahil malakas na impluwensiya sa kilos.
B. dahil sa kahinaan ng isang tao.
C. dahil hindi kayang maapektuhan ang isip.
D. dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob.
2
17. Dahil sa isip at kilos-loob ng tao,kasabay ang iba pang pakultad na kaniyang
taglay tulad ng kalayaan,siya ay may kapangyarihang kumilos ayon sa kanyang .
A. nais at katuwiran C. nais at pananagutan
B. nais at Kalayaan D. nais at tungkulin
18. Ang tao ay inaasahan na dapat palaging gumagawa ng mabuting kilos. Anuman
ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin
sa lahat ng pagkakataon?
A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihang panlahat.
B. Hindi dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
C. Oo, dahil ang hindi nito pagsasakatuparan ay isang maling gawain.
D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung
hindi pagsasakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga.
21. Isang matandang babae ang nagpapalit ng malaking pera sa isang sari-sari
store. Ngunit walang barya na maaring ipalit sa kanyang pera. Ngunit ang totoo ay
mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang tindahan. Ang tindera ay
nagsinungaling. Anong salik ang nakakaapekto sa sitwasyong ito?
A. kamangmangan C. masidhing damdamin
B. karahasan D. takot
24. Ayon kay Aristoteles ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung
masama o mabuti. Ang pagiging mabuti o masama nito ay nakasalalay sa _.
A. Intensyon kung bakit ginawa. C. Kaganapan sa mga ginawa
B. Paghuhusga ng Gawain D. Pagsusuri ng ginawa
3
26. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka
nang umuwi galling sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa
iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
A. Tama, dahil hindi ko naman hinihingi ang sagot, kusa ko naman
itong nakita.
B. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.
C. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
D. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat
na sagot sa pagsusulit.
28. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Maria. Simula sa araw nang siya ay
manalo, ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad.
Ano kayang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
A. Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
B. Ang sirkumstansiya maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa
masamang kilos at bagong masamang hangarin at sa masamang
kilos.
C. Ang sirkumstansya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan
sa masamang kilos at bagong masamang hangarin sa masamang
kilos.
D. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
32. Anong paninindigan ang hindi ipinapakita kung tamad ang isang tao na mag-aral.
A. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan.
B. Ang pag-aaral ay para sa mga nagnanais yumaman
C. Ang pag-aaral ay nakatutulong sa pagtuklas sa katotohanan.
D. Ang pag-aaral ay para sa mga matatalino at masisipag na pumasok
sa paaralan.
4
33. Niyaya si Juan ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na
lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Juan bagkus ito ay
kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling
magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang
ginamit ni Juan?
A. Isaisip ang mga posibilidad
B. Maghanap ng ibang kaalaman
C. Tingnan ang kalooban
D. Magkalap ng patunay
38. Nahuli ni Maria ang kanyang mga kaklase na nangongodigo sa exam. Kahit
natatakot siyang awayin ng mga ito ay napagdesisyunan niyang sabihin ang nakita
niya sa kanilang guro. Anong yugto ng makataong kilos ang ipinakita ni Maria?
A. Kamalayan
B. Pagkilos
C. pagpapasiya
D. pagkakaroon ng interes
41. May babae na nagustuhan at minahal si Juan ngunit ang babaeng ito ay
mayroon ng asawa. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang
pagmamahal sa babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. Ano kayang
prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon?
A. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti
o masama.
B. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
D. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
42. Kaarawan ni Mang Juan, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay
nagsaya. Humiram sila ng videoke at sila ay nagkantahan hanggang umabot sila ng
madaling- araw. Naiinis na ang kniyang mga kapit-bahay dahil sa ingay na dulot
nito. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita
rito?
A. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
B. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti
o masama.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama.
D. Ang sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos.
43. Isang araw habang wala sa bahay ang magulang ni Ben ay pumasok siya sa
kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang
pera nila. Ang pagkuha ni Ben ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong
kasamaan ang kaniyang ginawa dahil .
A. kinuha niya ito ng walang paalam
B. kinuha niya ito ng wala ang kaniyang mga magulang
C. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
D. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto
45. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit hindi maituturing na isang paninindigan
ang pangongopya tuwing may pagsusulit o sa paggawa ng takdang-aralin maliban
sa:
A. Hindi ito patas sa mga kaklaseng nag-aaral nang mabuti.
B. Hindi ito katanggap-tanggap sa mga guro na gumaganap sa
kanilang tungkulin.
C. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na pumasa at makakuha
ng mataas na marka.
D. Nawawalan ng saysay ang pag-aaral, pagsusulit at paglikha ng orihinal
na Bagay.
6
46. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating
pagkilos?
A. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya.
B. Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo.
C. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo.
D. Lahat ng nabanggit
7
Susi ng Pagwawasto
1. D 26. D
2. C 27. A
3. D 28. A
4. C 29. B
5. B 30. C
6. C 31. C
7. C 32. A
8. C 33. A
9. D 34. B
10. A 35. D
11. D 36. D
12. D 37. A
13. D 38. C
14. B 39. B
15. D 40. D
16. B 41. A
17. A 42. B
18. A 43. D
19. B 44. A
20. A 45. C
21. A 46. D
22. D 47. C
23. A 48. B
24. A 49. D
25. D 50. B