Wk1 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Learning Activity Worksheets

Edukasyon sa Pagpapakatao
Grade 10

Pangalan:_________________________ Petsa: _________Marka:____________

Ang Makataong Kilos

Week 1

GAWAIN 1

PANUTO: Ano ang unang pumapasok sa iyong isipan kapag naririnig o nababasa ang
salitang MAKATAONG KILOS? Sumulat ng sampung mga salita o kaisipan na iyong mga
kasagutan. Mula sa mga salita o kaisipang iyong isinulat, bumuo ng sariling pakahulugan.
Isulat at sagutin ito sa hiwalay na malinis na papel gamit ang pormat sa ibaba

MAKATAONG KILOS

___________________________ ____________________________

1
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao
__________________________________________________________________________________
GAWAIN 2

PANUTO: Tingnan at suriin ang mga sumusunod na larawan. Alamin ang pinahihiwatig
nito at ayusin ang mga ginulong letra sa ibaba upang mabuo ang salita o mga salita na
tumutukoy rito. Matapos nito ay bigyang pakahulugan ang mga salitang nabuo.

OATAMNAGK SIOKL

______________________________________

ISOLK GN OAT

____________________________________
__________________________________________________________________________________________
Unang Linggo
1. Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa
kalooban na malayang isinasagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman
2. Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan.

Note to the Teacher: Ipaliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung

nagmumula ito sa kalooban na malayang isinasagawa sa pamamatnubay ng
isip/kaalaman.
(Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili)
2
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao
__________________________________________________________________________________

GAWAIN 3

PANUTO: Suriin ang kaso sa ibaba. Sundin ang mga sumusunod na katanungan gamit
ang pormat sa ibaba.
Si Jose ay isang tipikal na kabataan na dumaranas ng kahirapan. Sa murang edad ay
maaga siyang nakapaghanapbuhay. Bilang panganay, inako na niya ang lahat ng
responsibilidad na iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang. Namatay ang kanyang
ina sa sakit ng may ilang taon na ang nakakalipas.
Ang kanyang ama naman ay sumama sa ibang babae at hindi na sila inintindi pa. May
tatlo siyang kapatid na pinagsikapan niyang itaguyod. Isang araw, ginulat siya ng isang
balita, ang kanyang nakababatang kapatid ay naaksidente. Nasagasaan ito ng isang
rumaragasang sasakyan at kailangan ang dagliang operasyon. Isang kakilala ang nag-
alok sa kanya ng tulong. Ngunit ito ay nangangahulugan ng pagbebenta niya ng
ipinagbabawal na gamot. Wala na siyang ibang mapagkukunan ng pera panustos sa
operasyon ng kanyang kapatid na nasa bingit ng kamatayan, kaya napilitan siyang
tanggapin ang alok na tulong kahit na hindi mabuti ang kapalit nito.

Pagnilayan ang kaso ni Jose batay sa mga sumusunod na katanungan.

Ano ang isyung Makatwiran ba ang Ano ang naging Ano ang naging
ipinahihiwatig sa ginawa ni Jose? saloobi n mo sa batayan ni Jose sa
kaso ni Jose? Magbigay ng mga ginawa ni kanyang naging
dahilan kung may Jose? pagkilos?
katwiran.

__________________________________________________________________________________________
Unang Linggo
1. Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa
kalooban na malayang isinasagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman
2. Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan.

Note to the Teacher: Ipaliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung

nagmumula ito sa kalooban na malayang isinasagawa sa pamamatnubay ng
isip/kaalaman.
(Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili)
3
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao
__________________________________________________________________________________

GAWAIN 4

PANUTO: Gamit ang Gawain 3, bumuo ng pangkat na may tig-limang kasapi at sikaping
bumuo ng isang video presentation na nagpapakita ng pagsusuri sa naging kaso ni Jose.
Ang video presentation ay hindi hihigit sa tatlong minute at nagpapakita ng pag-uulat ng
lagom ng mga kasagutan mula sa mga katanungan sa ibaba.

1. Naging mapanagutan ba si Jose sa kanyang pagkilos?

2. Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan, ano ang gagawin mo?
3. Bakit kailangan maging mapanuri ang isang kabataang tulad mo sa iyong
ginagawang pagkilos? Pangatwiran.

Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng
Edukasyon, Republika ng Pilipinas, 2012

• Pagpapakatao 10, Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Sekondarya ni Twila G.

Punsalan et al., 2017

Inihanda ni:
Dyna Marie A. Bedeo
Las Piñas National High School-Almanza

__________________________________________________________________________________________
Unang Linggo
1. Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa
kalooban na malayang isinasagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman
2. Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan.

Note to the Teacher: Ipaliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung

nagmumula ito sa kalooban na malayang isinasagawa sa pamamatnubay ng
isip/kaalaman.
(Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili)
4
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao
__________________________________________________________________________________

Ang Makataong Kilos

Week 2

GAWAIN 1

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat kung ito ay
TAMA o MALI. Bigyan ng pagpapatunay ang iyong sagot. Sagutin ito sa isang hiwalay
na malinis na papel.
__________1. May sapat na kontrol ang tao upang isipin niya ang maaaring
kahihinatnan ng kanyang pagkilos.

__________ 2. Ang tao ay hindi maaaring sisihin o panagutin sa kanyang ginawang

pagkilos kung siya ay walang sapat na kaalaman sa maaaring kahihinatnan nito.

__________3. Ang maling pagkilos laban sa Batas ng Diyos ay hindi maaaring maging
tama kahit ano pa ang dahilan o motibo nito

__________ 4. Maaaring mali ang pagpapasya o pagkilos ng isang tao dahil sa

pagsunod sa kanyang sariling paniniwala.

___________ 5. Tama ang maaaring gawing pagkilos kung ito ay nagbibigay lamang
ng kasiyahan sa katawan at maaaring mapakinabangan.

GAWAIN 2

PANUTO: Isulat ang repleksiyon sa awiting “Anak” sa lima o higit pang

pangungusap. Isulat sa hiwalay na sagutang papel.

ANAK
Freddie Aguilar

Nang isilang ka sa mundong ito laking tuwa ng magulang mo

At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
__________________________________________________________________________________________
Ikalawang Linggo
3. Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao
ang makataong kilos; kaya pananagutan niya ang kawastuhan at kamalian
nito
4. Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng
paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos.

Note to the Teacher: Ipaliwanag kung paano suriin ang sariling kilos na may
pananagutan.
(Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili)
5
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao
__________________________________________________________________________________
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na nais mo'y maging malaya di man sila payag
Walang magagawa Ikaw nga ay biglang nagbago Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo
Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo'y naligaw

Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan?"
At ang iyong mata'y biglang lumuha ng di mo pinapansin

Nagsisisi at sa isip mo'y nalaman mong ika'y nagkamali

Nagsisisi at sa isip mo'y Nalaman mong ika'y nagkamali

Repleksyon:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________
Ikalawang Linggo
1. Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao
ang makataong kilos; kaya pananagutan niya ang kawastuhan at kamalian
nito
2. Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng
paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos.

Note to the Teacher: Ipaliwanag kung paano suriin ang sariling kilos na may
pananagutan.
(Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili)
8
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao
__________________________________________________________________________________

GAWAIN 3

PANUTO: Gumawa ng sariling paalala o kasabihan ukol sa tamang batayan ng

pagpapasya at pagkilos. Matapos nito ay gawan ito ng poster. Sa harapan ay ang
poster at sa likuran naman ay ang paliwanag kung ano ang mensahe nito at bakit ito
ang iyong napiling iguhit. Sikaping maging malikhain sa presentasyon.

__________________________________________________________________________________________
Ikalawang Linggo
1. Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao
ang makataong kilos; kaya pananagutan niya ang kawastuhan at kamalian
nito
2. Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng
paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos.

Note to the Teacher: Ipaliwanag kung paano suriin ang sariling kilos na may
pananagutan.
(Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili)
8
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao
__________________________________________________________________________________

GAWAIN 4

PANUTO: Balikan ang iyong mga naging kilos at gawi. Itala sa isang hiwalay na malinis
na papel ang mga kilos o gawi na nais mong maiwasan at gumawa ng isang panata
para sa mabuting gawa. Gawing simple ngunit kayang gawin ang iyong panata.
Imonitor ang iyong sarili na maisakatuparan ito sa loob ng isang linggo. Itala sa likod ng
papel ang talahanayan ng araw at petsa sa loob ng isang linggo matapos itong isulat.
Lagyan ng tsek ang hanay kung nagawa o hindi nagawa ang panata. Sundin ang
pormat sa ibaba.

Ang Aking Panata para sa Mabuting Gawa

Petsa at araw Nagawa Hindi nagawa