Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education

GAWAING PAMPAGKATUTO
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKASAMPUNG BAITANG
Ikalawang Markahan

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Itiman ang bilog ng letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay ang kilos kung saan ang tao ay walang kaalaman kung kaya’t walang
pagsang-ayon sa kilos. Anong uri ng kilos ito ayon sa kapanagutan?
A. Likas na kilos C. Di kusang-loob
B. Kusang-loob D. Walang kusang-loob

2. Ito ay ang mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa
kanyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Anong uri ng
kilos ito?
A. Likas na Kilos C. Kilos ng Tao (Act of Man)
B. Totoong Kilos D. Makataong Kilos (Human Act)

3. Ito ay ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Anong uri ng kilos ito
ayon sa kapanagutan?
A. Kusang-loob C. May pagsang-ayon na kilos
B. Kilos na ginusto D. Makataong Kilos (Human Act)

4. Kung ibabase ang kilos ayon sa kapanagutan, aling kilos ang ipinapakita ng
isang taong may sakit sa pag-iisip na inutusang hablutin ang pitaka ng isang
matandang babae?
A. Kusang-loob C. Walang kusang-loob
B. Di kusang-loob D. Makataong Kilos (Human Act)

5. Nagpaalala ang inyong guro na may pagsusulit kayo kinabukasan. Kaarawan


ng isa mong kaibigan kaya’t niyayaya kang magkipag-inuman. Tinanggihan mo ito at
mas piniling mag-aral na lamang para sa inyong pagsusulit bukas. Anong uri ng kilos
ito ayon sa kapanagutan?
A. Kusang-loob C. Walang kusang-loob
B. Di kusang-loob D. Makataong Kilos (Human Act)

6. Alin sa mga ito ang HINDI maituturing na gawi?


A. Pagkain ng almusal.
B. Pagpasok nang maaga.
C. Maalimpungatan sa gabi.
D. Panghihikayat ng pagsusugal sa mga kaklase.
7. Ito ay ang kilos na kung saan ang tao may paggamit ng kaalaman ngunit kulang
ang pagsang-ayon. Anong uri ng kilos ito ayon sa kapangutan?
A. Likas na kilos C. Di kusang-loob
B. Kusang-loob D. Walang kusang-loob

8. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang


layunin?
A. Kahihinatnan C. Paraan
B. Layunin D. Sirkumstansya
9. Ito ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao.
A. Damdamin C. Layunin
B. Kilos-loob D. Makataong Kilos

10. Ipaliwanag ang pahayag na “Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na


makatao.
A. Kung ano tayo at kung ano ang kalalabasan ng ating kilos ay batay sa
ating pagpapasiya.
B. Kung ano tayo at kung ano ang kalalabasan ng ating kilos ay batay sa
ating naisin.
C. Kung ano tayo at kung ano ang kalalabasan ng ating kilos batay sa ating
kagustuhan.
D. Kung ano tayo at kung ano ang kalalabasan ng ating kilos batay sa ating
kalayaan.

11. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman
ang papel ng kilos-loob?
A. Tumulong sa kilos ng isang tao.
B. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.
C. Umunawa at magsuri ng impormasyon.
D. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.

12. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
A. Isaisip ang mga posibilidad
B. Magkalap ng patunay
C. Tingnan ang kalooban
D. Maghanap ng ibang kaalaman

13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na yugto ng makataong pagkilos?
A. Kamalayan (Awareness)
B. Pagkakaroon ng interes sa nakikitang mga pangyayari (Interest)
C. Pagpapasiya (Decision Making)
D. Paghuhusga (Judgement)

14. Alin sa mga sumusunod na yugto ng makataong kilos ang nagpapakita ng


kamalayan sa kung ano ang dahilan ng isang pangyayari, posibleng solusyon sa mga
suliranin at ang pagdedesisyon na magbigay lunas o magsawalang-bahala?
A. Kamalayan (Awareness)
B. Pagkakaroon ng interes sa nakikitang mga pangyayari (Interest)
C. Pagpapasiya (Decision Making)
D. Pagkilos(Action)

15. Nayong panahon ng ng COVID 19, pinaiiral ng pamahalaan ang pananatili sa loob
ng tahanan ng mga mamayan,ngunit ang iyong matalik na kaibigan ay palaging nasa
lansangan dahil ayaw mautusan ng gawaing bahay.Tukuyin ang kahihinatnan ng
kanyang kilos batay sa layunin,paraan, sirkumstasiya at kahihinatnan.
A. Maaari siyang dapuan ng virus
B. Maaari siyang hindi makatapos ang mga gawaing pampaaralan
C. Maaari siyang palaging mapagalitan ng kanyang magulang.
D. Lahat ng nabanggit

16. Alin sa mga sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan
ang kilos dahil sa karahasan?
A. dahil malakas na impluwensiya sa kilos.
B. dahil sa kahinaan ng isang tao.
C. dahil hindi kayang maapektuhan ang isip.
D. dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob.

2
17. Dahil sa isip at kilos-loob ng tao,kasabay ang iba pang pakultad na kaniyang taglay
tulad ng kalayaan,siya ay may kapangyarihang kumilos ayon sa kanyang_________.
A. nais at katuwiran C. nais at pananagutan
B. nais at Kalayaan D. nais at tungkulin

18. Ang tao ay inaasahan na dapat palaging gumagawa ng mabuting kilos. Anuman
ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin
sa lahat ng pagkakataon?
A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihang panlahat.
B. Hindi dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
C. Oo, dahil ang hindi nito pagsasakatuparan ay isang maling gawain.
D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung hindi
pagsasakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga.

19. Ikaw ay naupong opisyal sa bilangan ng boto sa eleksyon. Pinagbantaan ka ng


isang tumatakbong mayor na malalagay sa peligro ang iyong pamilya kung hindi mo
dadayain ang bilang at siya ang ipapanalo. Dahil sa takot mo kaya sinunod mo ito.
Anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang naging aksyon?
A. Kusang-loob C. Kilos ng Tao (Act of Man)
B. Di kusang-loob D. Makataong Kilos (Human Act)

20. Si Zophia ay mahilig magbabad sa Facebook kaya’t lagi niyang nakakalimutan ang
kanyang mga takdang aralin. Alin sa mga sumusunod na sirkumstansya ang
nakakasakop sa sitwasyon na ito?
A. sino at kailan C. paano at kailan
B. ano at paano D. sino at saan

21. Isang matandang babae ang nagpapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store.
Ngunit walang barya na maaring ipalit sa kanyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon
naman dahil maraming benta ang kanilang tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling.
Anong salik ang nakakaapekto sa sitwasyong ito?
A. kamangmangan C. masidhing damdamin
B. karahasan D. takot

22. Ito ay pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta


sa kaniyang buhay o mahal sa buhay.
A. kamangmangan C. masidhing damdamin
B. karahasan D. takot

23. Anong salik na nakaapekto sa makataong kilos ang pagmumura na nagging pang-
araw araw na ekspresyon ng isang tao at nakasanayan na lamang?
A. gawi C. masidhing damdamin
B. karahasan D. takot

24. Ayon kay Aristoteles ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama
o mabuti. Ang pagiging mabuti o masama nito ay nakasalalay sa _______________.
A. Intensyon kung bakit ginawa. C. Kaganapan sa mga ginawa
B. Paghuhusga ng Gawain D. Pagsusuri ng ginawa

25. Si Gene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay


kung anong gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doktor na
hindi lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may magandang idudulot sa mga
pasyenteng iinom nito. Alin sa mga salik na nag-uugnay sa makataong kilos ang
ipinakita ni Gene?
A. layunin C. sirkumstansiya
B. kilos D. kahihinatnan

3
26. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka
nang umuwi galling sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa
iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
A. Tama, dahil hindi ko naman hinihingi ang sagot, kusa ko naman itong
nakita.
B. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.
C. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
D. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na
sagot sa pagsusulit.

27. Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?


A. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos,
kahit mabuti ang panlabas.
B. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.
C. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
D. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.

28. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Maria. Simula sa araw nang siya ay
manalo, ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano
kayang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
A. Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
B. Ang sirkumstansiya maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa
masamang kilos at bagong masamang hangarin at sa masamang kilos.
C. Ang sirkumstansya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa
masamang kilos at bagong masamang hangarin sa masamang kilos.
D. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.

29. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon
kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Sanhi at Bunga C. Paghuhusga at pagpili
B. Isip at Kilos-loob D. Intensyon at layunin

30. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidududlot ng


pasiya?
A. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
B. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
C. Dahil bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
D. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kasiguruhan sa kaniyang pagpili.

31. Masipag at matalinong mag-aaral ni Juan. Sa talakayan at pangkatang gawain ay


hindi siya nagpapahuli. Marami syang mga gawain na nagpapatunay ng kaniyang
galling. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang
nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba si Juan
kung bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?
A. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.
B. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
C. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
D. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.

32. Anong paninindigan ang hindi ipinapakita kung tamad ang isang tao na mag-aral.
A. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan.
B. Ang pag-aaral ay para sa mga nagnanais yumaman
C. Ang pag-aaral ay nakatutulong sa pagtuklas sa katotohanan.
D. Ang pag-aaral ay para sa mga matatalino at masisipag na pumasok sa
paaralan.

4
33. Niyaya si Juan ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na
lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Juan bagkus ito ay
kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling
magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang
ginamit ni Juan?
A. Isaisip ang mga posibilidad
B. Maghanap ng ibang kaalaman
C. Tingnan ang kalooban
D. Magkalap ng patunay

34. Habang naglalakad sa mall si Maria ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na


niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-
isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong
kilos si Maria?
A. Intensiyon ng layunin
B. Nais ng layunin
C. Pagkaunawa sa layunin
D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili

35. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya sa tao?


A. Upang magsilbing gabay sa buhay.
B. Upang magsilbing paalala sa mga gawain.
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

36. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Juan ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong
ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan?
Sa iyong palagay, nasaan kaya bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Juan?
A. Tingnan ang kalooban
B. Isaisip ang posibilidad
C. Maghanap ng ibang kaalaman
D. Umasa at magtiwala sa Diyos

37. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?


A. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay
ng takdang-aralin ang kanilang guro.
B. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok.
C. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa
pagpasok ang kanilang guro.
D. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro
ng araw na iyon.

38. Nahuli ni Maria ang kanyang mga kaklase na nangongodigo sa exam. Kahit
natatakot siyang awayin ng mga ito ay napagdesisyunan niyang sabihin ang nakita
niya sa kanilang guro. Anong yugto ng makataong kilos ang ipinakita ni Maria?
A. Kamalayan
B. Pagkilos
C. pagpapasiya
D. pagkakaroon ng interes

39. Si Juan ay lumaki sa pambubugbog ng kanyang ama. Hindi niya magawang


magsumbong sa mga pulis dahil natatakot siyang mamuhay nang mag-isa kaya araw-
araw nalang siyang nagtitiis. Anong yugto ng makataong kilos ang ipinakita ni Juan?
A. Kamalayan
B. pagkakaroon ng interes
C. pagpapasiya
D. pagkilos

5
40. Si Juan ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na
mahal siyang kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga
tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong niya sa
kaniyang nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Juan?
A. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
B. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
C. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kanyang itinutulong.
D. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang
panloob na kilos.

41. May babae na nagustuhan at minahal si Juan ngunit ang babaeng ito ay mayroon
ng asawa. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pagmamahal
sa babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. Ano kayang prinsipyo ang
sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon?
A. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o
masama.
B. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
D. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.

42. Kaarawan ni Mang Juan, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya.
Humiram sila ng videoke at sila ay nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling-
araw. Naiinis na ang kniyang mga kapit-bahay dahil sa ingay na dulot nito. Ano kayang
prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
A. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
B. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o
masama.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama.
D. Ang sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos.

43. Isang araw habang wala sa bahay ang magulang ni Ben ay pumasok siya sa
kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera
nila. Ang pagkuha ni Ben ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong
kasamaan ang kaniyang ginawa dahil _________.
A. kinuha niya ito ng walang paalam
B. kinuha niya ito ng wala ang kaniyang mga magulang
C. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
D. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto

44. Magaling sa asignaturang Matemetika si Glenda. Siya ang panlaban sa paaralan


sa mga kompetisyon at palagi siyang nanalo. Siya ang nagtuturo sa kapuwa niya mag-
aaral na mahina sa asignaturang Matematika tuwing hapon bago siya umuwi.Tukuyin
ang layunin sa ipinakitang kilos.
A. Makatulong sa kapuwa kamag-aral na mahina sa asignaturag matematika
B. Tuwing hapon bago sya umuwi ay nagtuturo sya
C. Ginawa nila ito sa paaralan.
D. Palagi siyang nanalo sa kumpetisyon

45. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit hindi maituturing na isang paninindigan ang
pangongopya tuwing may pagsusulit o sa paggawa ng takdang-aralin maliban sa:
A. Hindi ito patas sa mga kaklaseng nag-aaral nang mabuti.
B. Hindi ito katanggap-tanggap sa mga guro na gumaganap sa kanilang
tungkulin.
C. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na pumasa at makakuha ng
mataas na marka.
D. Nawawalan ng saysay ang pag-aaral, pagsusulit at paglikha ng orihinal na
Bagay.

6
46. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating pagkilos?
A. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya.
B. Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo.
C. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo.
D. Lahat ng nabanggit

47. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod


ang nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga?
A. Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila.
B. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa sarili.
C. Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod.
D. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama.

48. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan


ng kilos maliban sa _________
A. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan,batayan,at kaakibat
na pananagutan.
B. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.
C. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa.
D. Ang kilos ay kailangan ng sapat ng pagpaplano upang makita ang mga
bagay na dapat isaalang-alang.

49. Ang nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng isang


kilos ay tinatawag na __________.
A. kahihinatnan C. paraan
B. layunin D. sirkumstansiya

50. “Kilos ay suriin, mabuti lagi ang _______”.


A. Isipin C. planuhin
B. Piliin D. suriin

7
Susi ng Pagwawasto

1. D 26. D
2. C 27. A
3. D 28. A
4. C 29. B
5. B 30. C
6. C 31. C
7. C 32. A
8. C 33. A
9. D 34. B
10. A 35. D
11. D 36. D
12. D 37. A
13. D 38. C
14. B 39. B
15. D 40. D
16. B 41. A
17. A 42. B
18. A 43. D
19. B 44. A
20. A 45. C
21. A 46. D
22. D 47. C
23. A 48. B
24. A 49. D
25. D 50. B

You might also like