Document

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa isang tahimik at payapang lugar na bayan ng Sta Cruz naninirahan ang mag-ama na sina Jerick at

Rafael. Sila ay nagbihis ng magara upang magtungo sa simbahan “Tay, tapos na po akong mag-ayos”
wika rafael sa kanyang Ama, “O siya sige, halika na at pumunta na tayo sa simbahan” sagot naman ng
kanyang ama. Sumakay ng tricycle ang mag-ama upang makarating sa simbahan. Pagkarating nila ay
makikita ang mga samu’t saring mga paninda sa labas ng Simbahan ang pumukaw sa atensiyon ni Rafael

“Tay, puwede niyo po ba akong bilhan ng laruan?” Hiling ni Rafael sa kanyang ama. Malungkot na
tumugon ang kanyang ama sa kanya at sinabing “Pasensiya na anak ngunit hindi sapat ang aking pera
upang bumili ng laruan, pero hayaan mo at mag-iipon ako upang maibili na kita ng laruan sa susunod”.
Sumagot naman si Rafael “Hindi na po kailangan tay, naiintindihan ko naman po”. Ngumiti si Tatay Jerick
at sinabing “Napakabait mo talaga anak”. Pumasok ang mag-ama sa loob ng simbahan at taimtim na
nagdasal.

Lumipas ang ilang araw habang nanonood ang mag-ama sa telebisyon, ng biglang lumabas sa balita na
may isang nakakahawang sakit na tinatawag na Covid-19, na nagmula sa bansang Wuhan-China. At ito’y
kumalat narin sa iba pang bansa, at hanggang ito ay umabot na sa kanilang bayan. Kaya naman laking
takot ang naramdaman ni Jerick sa pangyayaring ito. “Tay, kailangan nating mamalengke at bumili ng
mga kakailanganin natin” ani Rafael bakas sa boses nito ang takot. “Oo nga anak, sandali at maghahanda
lamang ako upang makapunta na tayo sa palengke” wika ng kanyang Ama. Dali-daling naligo at nagbihis
ang mag-ama at agad pumunta sa palengke upang mamili ng kakailanganin nila. Habang namamalengke
ang mag-ama ay nakita ulit ni Adel ang pabirito niyang laruan na gustong ipabili sa ama, ngunit naisip
niya na hindi naman nila ito kakailanganin kaya ipinagsawalang bahala na lang niya ito. Nakita ito ng
kanyang ama, kaya tinignan niya din kung saan ito nakatitig at nakitang ito ay ang laruang nais ng
kanyang anak.

Kinabukasan, ipinahayag ng kanilang barangay na magkakaroon ng community quarantine sa kanilang


lugar para narin sa kanilang kaligtasan. Malungkot si Rafael nang kanyang marinig ang balitang ito
sapagkat hindi na siya makakalabas ng bahay at hindi narin siya makakapunta ng palengke kasama ang
kanyang ama. Napansin ni Tatay Jerick ang kalungkutan ni Rafael kaya nilapitan niya ito “Anak…” tawag
niya dito, Tumingin naman si Rafael sa kanyang ama.” Huwag kang mag-alala, mawawala din ang sakit
na ito basta’t magtiwala lang tayo sa Panginoon” pagpapatuloy ng ama. Ngumiti naman ang kanyang
anak at sinabing “Sana nga po tay” ang dasal ng mag-ama sa Panginoon na sana ay mawala na ang sakit
na ito.

Pagkaraan ng ilang araw ay unti-unti nang nababawasan ang kaso ng mga taong nagkakaroon ng sakit na
tinatawag na Covid-19. “Sana naman ay tuluyan ng mawala ang sakit na ito” ani Tatay Jerick “Sana nga
po tay” sang-ayon ni Rafael.

Dumating ang araw na pinakahihintay ng mag-ama, Sa wakas anak maari na tayong makalabas ng bahay
wika ni Tatay Jerick. Talaga po ita’y! sabik na wika ni Rafael. Ngayon ay maibibili ko na rin ang paborito
mong laruan alam ko na ka'y tagal mo itong hinihintay kaya naman nagtrabaho mabili ko lamang ang
inaasam mong laruan, wika ni Tatay Jerick sa kanyang anak. Mahigpit na niyakap ni Rafael ang kanyang
ama at sinabing...Salamat po Tay naluluhang wika ni Rafael.

You might also like