Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Spoken Poetry for Panitikang Filipino

Theme: Marcos Tyranny

ANG ANAK NG DIKTADOR

Sama-sama tayong Babangon Muli

Yan ang mga salitang binitawan ng isang kandidato sa atin

Pagkakaisa raw ang kanilang mithiin

Ngunit teka lang, balikan natin ang kasaysayan

Bakit ba na ang anak ng diktador ay atin pa ring hinahayaan

Hinahayaan na tumakbo at bumalik sa politika kahit na alam naman natin na hindi pagtulong ang layunin
nila

Bakit ba parang ambilis natin makalimot at magpatawad

Nakalimutan na agad ng taong bayan ang paglalapastangan

Paglalapastangan sa karapatan ng libo-libong pilipino noong panahon ng Martial Law

Nakalimutan na agad ng taong bayan ang pagnanakaw

Pagnanakaw ng milyon-milyong pera na galing sa bulsa ng masa

Nakalimutan na agad ng taong bayan ang mga ito

Kung kaya’t parang andali na lamang sa pamilyang ito na bumalik sa pulitika

na para bang wala silang mga kaso

Oo, mga kaso at nahatulan na may sala

Hahayaan na lang ba natin na tayo ay maloko muli?

Hahayan na lang ba natin na tayo ay nakawan muli?

Hahayaan na lang ba natin na tayo ay pamunaan ng korap muli?

Sana ang sagot ay hindi. Sana ang sagot mo ay Hindi.

Ang makakalimot sa kasaysayan ay tiyak na uulitin ito

Kaya naman sa panahon kung kelan naglilipana ang maling impormasyon

Naglilipana ang sarili nilang bersyon


Ng kasaysayan, ng katotohanan.

Alalahanin natin kung ano ang totoo, at kung ano ang tama

Para sa bayan, para sa masa.

You might also like