Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: _____________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikatlong Markahan/ Unang Linggo/ Unang Araw

MELC: Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga


Pilipino mula 1946 hanggang 1972
LAYUNIN: Natatalakay ang suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng
digmaan at ang naging pagtugon sa mga suliranin

PANIMULANG IMPORMASYON

Ang pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng katakot-takot


na hirap, hindi lamang sa bansang Pilipinas kundi pati narin sa ilang bansang naging biktima ng mga
malupit na bansa sa daigdig.
Tinupad ni Heneral Douglas MacArthur ang kanyang pangako na babalik upang ipagtanggol ang
Pilipinas laban sa Japan. Isang malakas na pwersang Amerikano ang dumaong sa Leyte noong Oktubre 20,
1944. Kasama niya sa kanyang pagbabalik si Pangulong Sergio Osmeña na naging pangulo ng Pilipinas,
nang mamatay si Pangulong Quezon sa Saranac Lake Sanitarium, New York noong Agosto 1, 944
. Naging matagumpay ang pagsalakay ng mga Amerikano laban sa mga Hapones. Ang sagupaan sa
Golpo ng Leyte ay naganap noong Oktubre 23 hanggang Oktubre 26, 1944 at noong Pebrero 23, 1945
nilusob ng mga Amerikano ang Maynila, Sumuko ang mga Hapones noong Oktubre 23,1945
. Noong Oktubre 23, 1944, ipinahayag ni Heneral MacArthur ang pagbabalik ng pamahalaang
Komonwelt sa Tacloban, ang pansamantalang kabisera nito. Noong Pebrero 27, 1945 , nang mapalaya na
nag Maynila, inilipat ang kabisera ng Komonwelt ng Pilipinas.Ibinigay ng heneral kay Pangulong Osmeña
para sa Amerika ang lahat ng kapangyarihan at tungkulin ng Pamahalaang Komonwelt sa ilalaim ng
Saligang Batas
Pagmasdan ang mga larawan. Ano ang ipinapakita nito? Anu-ano ang mga
suliraning kinaharap ng bansa pagkatapos ng digmaan?

. https://en.wikipedia.org/wiki/Battle_of_Manila_(1945) philippineculturaleducation.com. makasaysayan.wordpress.com/tag/commonwe

SULIRANING PANGKABUHAYAN AT PANLIPUNAN


Nagdulot ng malaking kapinsalaan ang digmaan sa Pilipinas. Nag-iwan ito ng maraming suliraning
pangkabuhayan at panlipunan sa bansa.
Pagkasira ng Ekonomiya
 Nawasak ang 80 bahagdan ng mga gusali at kabuhayan sa lungsod.
 Marami ang nawalan ng tirahan, walang makain at walang mapasukang hanapbuhay.
 Nasira ang sistema ng transportasyon at komunikasyon.
 Pangalan:
Bumaba sa________________________________
65 bahagdan ang produksyon ng pagkain na sanhi ng malawakang
Baitang at Pangkat:taggutom
_________

Page 1 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: _____________

 Nakapagdulot ng pagkasira sa industriya ang digmaan, maging ang mga pagawaan at


pagkatiwangwang ng mga lupang pansakahan sa mga pook na rural.
PAGSASANAY
Nagkaroon ng1kakulangan ng paglilingkod pangkalusugan dahil sa pagkasira ng mga ospital at
kakulangan ng mga doktor
Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto
Kakapusan sa Pananalapi
ang pahayag at MALI kung hindi.
 Nagkaroon ng krisis sa pananalapi. Hindi makabayad ng buwis ang mga mamamayan. Tumaas
ang halaga ng mga bilihin.
 Kapayapaan
_____ 1. Ang Pilipinas ay nagtamo ng lubhang pinsala pagkatapos ng Ikalawang
at Kaayusan
 DagdagDigmaang
na suliraninPandaigdig.
ang pagpapanumbalik ng kapayapaan at katiwasayan sa bansa.
 Natuon ang tao sa pagnanakaw o pandarambong dulot ng kahirapan at kakapusan sa pagkain.
_____ 2. Tinupad ni Heneral MacArthur ang kanyang pangako na bumalik sa Pilipinas
 Isa pang suliranin ang muling pagtatayo ng mga institusyong pangkultura. Nasira ang mga
upang
paaralan, tulungan
aklatan, ang Pilipinas.
at institusyong pangkultura.
_____
Maraming
3. Nasamga tao sa probinsiya
50 bahagdan lamangang
anglumipat
nawasak sa na
Maynila sa pag-aakalang
mga gusali ditosa
at kabuhayan makikita ang
magandang buhay sa kabila ng malaking pinsala nito.Nagsikip ang Kamaynilaan at Lungsod ng
Quezon.lungsod
Nagingdulot ng digmaan.
laganap ang problema sa isyu ng squatting.
Pagbaba
_____ ng Moralidad ng produksiyon ng pagkain ng mga magsasaka kahit nasira
4. Nakapagpatuloy
 Ang isa pang suliranin ay ang pagpapanumbalik ng moralidad sa lipunan. Tumaas ang bilang
ang mga lupang taniman.
krimen
_____ 5. Labis ang kahirapan kaya marami ang
PAGTUGON nagnakaw
SA MGA at gumawa ng krimen.
SULIRANIN
Tinanggap ang tulong pinansiyal na ipinagkaloob ng Amerika sa pamamagitan ni Pangulong Roxas para
_____ 6. Hindi nagkaroon ng suluranin sa pananalapi dahil may perang naiwan ang
sa rehabilitasyon at pagsasaayos sa mga napinsala ng digmaan.
mga Hapon .
_____
Pinagtibay ang Philippine
7. Ang tulong pinansiyal Rehabilitation
ng Amerika angAct kung saan
nakatulong nangipagkakaloob
malaki sa sa Pilipinas ng
pamahalaang Amerikano ang halagang $620,000,000 .Ang $120 milyong halaga ay inilaan sa
pagpapagawa ng mga nasira ng digmaan.
pagpapaggawa ng mga kalsada, tulay at iba pang impraistukturang kailangan para maayos ang
_____ 8. Pinagtibay
pamumuhay ng mgaang ilang
tao. Angbatas sa panahon
$400 milyon ni Pangulong
ay gagamitin Roxas
sa iskolarship ng upang
mga Pilipinong ipadadala
sa Estados Unidos upang mag-aral.
makabangon muli ang Pilipinas.
 Pinagtibay ang Philippine Trade Act o kilalang Bell Trade Act -ang kasunduan sa malayang
_____ 9. Itinatag
kalakalan ang NARRA
sa pagitan upang
ng Amerika mangasiwa
at Pilipinas sa loobsang
paglilipat sa mga
walong taon informal
upang makuha settlers
ang halagang
$800milyon bilang bayad pinsala
na galing sa probinsiya. sa mga ari-arian ng mga sibilyang naapektuhan ng digmaan
kapalit ng pagsang-ayon ng Pilipinas sa kasunduang pangkalakalan na inaalok ng Amerika.
____ 10. Pina-unlad ang mga pook rural upang maganyak ang mga tao na bumalik at
 Upang masolusyunan ang squatting ng mga informal settlers, itinatag ng pamahalaan ang
tumira doon.
Pambansang Pangasiwaan ng Paglilipat-tirahan at Pag-sasaayos (National Resettlement
and Rehabiliation Administration o (NARRA). Ito ang nangasiwa sa sa paglilipat sa mga informal
settlers sa iba’t-ibang pook sa labas ng Maynila. Binigyang-tuon ang pagpaunlad sa rural na
komunidad. Ipinagawa ang mga kalsada, tulay at irigasyon para sa mga magsasaka.
Karagdagang Sanggunian sa Pag-aaral
Kayamanan 6 Batayan at Sanayang Aklat
Lakbay ng Lahing Pilipino 6 (2009)
PAGSASANAY 1
https://www.youtube.com/watch?v=CodlQTn4gYE
A. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang bunga ng pangyayari o sanhi sa Hanay A. Isulat
ang letra ng sagot sa nakalaang guhit bago ang mga bilang.

_____ 1. Ang ikalawang digmaang pandaigdig ay A. maipagawa ang mga


nagdulot ng ______. tulay, kalsada at iba pa.
_____ 2. Napabayaan ang pagsasaka kaya ____. B. marami ang nagutom.

Page 2 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: _____________

_____ 3. Dahil sa labis na kahirapan marami sa mga


C. krimen at nagnakaw.
Pilipino ang gumawa ng _____.
_____ 4. Marami pa rin ang lumipat sa Maynila kahit D. pagkawasak na ari-arian
malaki ang pinsala nito kaya _____. at pagkamatay ng marami.
_____ 5. Pinagtibay ang Philippine Rehabilitation Act E. nagsikip ang Maynila at
upang ______. Lungsod ng Quezon

PAGSASANAY 2

B. Panuto: Punan ang organizer ng dalawang suliranin at naging pagtugon sa mga ito
.

Pangkabuhayan Panlipunan

Suliraning Dulot
ng Digmaan

Pagtugon sa Suliranin

Page 3 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: _____________

ISAISIP

Ang Pilipinas ay sobrang napinsala bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Nag-iwan ito ng suliraning pangkabuhayan at panlipunan sa bansa.

PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin at bilugan ang letra ng tamang
sagot.

1.Maraming nawasak na tulay, kalsada, gusali, makinarya at ari-arian. Ilang bahagdan ang
naitalang nawasak na mga gusali at kabuhayan sa lungsod?
A. 75 B. 80 c. 85 D. 90

2. Alin ang dahilan na nagdulot ng malawakang taggutom sa mga mamamayan pagkatapos ng


digmaan?
A. ipinagbawal ang pagtatanim C. nasira ang mga lupang sakahan
B. iniwan ng mga magsasaka ang kanilang lupain D. namatay ang mga magsasaka

3. Isa sa mga suliranin ay ang pananalapi. Alin ng HINDI kasali sa naidulot ng krisis sa
pananalapi?
A. Hindi makabayad ng buwis ang mga mamamayan.
B. Tumaas ang halaga ng mga bilihin.
C. Walang halaga ang pera ng Hapon
D. Yumaman pa lalo ang mga Pilipino

4. Maraming mamamayan ang natuon sa pagnanakaw o pandarambong. Ano ang dahilan nito?
A. kahirapan C. kagutuman
B. kawalan ng trabaho D. lahat ay tama

5. Marami ang lumipat sa Maynila kahit malaki rin ang naging pinsala nito. Alin ang suliraning
dulot nito?
A. nagsikip ang Maynila C. nakapamuhay nang maayos
B. nagkaroon ng hanapbuhay D. yumaman sila

6. Nagkaroon ng kakulangan ng paglilingkod pangkalusugan dahil sa pagkasira ng mga ospital


at kakulangan ng mga doktor. Ano sa palagay ninyo ang nangyari sa maraming mamamayan?
A. nagkasakit ang marami C. sinisi ang pamahalaan
B. marami ang nagalit D. pumunta sila sa Amerika

Page 4 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: _____________

7. Nasira ang sistema ng transportasyon at komunikasyon. Ano ang naging epekto nito sa mga
tao?
A.Naputol ang balitaan C. Nabalam ang paglalakbay
B. Marami ang nahirapan D. Lahat ay naging epekto.

8. Ano ang pinagtibay sa pagitan ng Amerika at Pilipinas upang maipagawa ang mga kalsada,
tulay at iba pang impraistrukturang kailangan para maayos ang pamumuhay ng mga tao?
A. Bell Trade Act C. Philippine Rehabilitation Act
B. Malayang kalakalan D. Wala sa mga nabanggit

9. Anong kasunduan ang nilalaman ng Bell Trade Act kapalit ng pagsang-ayon ng Pilipinas sa
kasunduang na inaalok ng Amerika?
A. kapangyarihan C. malayang paglalakbay
B. malayang kalakalan D. lubos na kalayaan
10. Bakit itinatag ng pamahalaan ang Pambansang Pangasiwaan ng Paglilipat-tirahan at Pag-
sasaayos (National Resettlement and Rehabiliation Administration o NARRA)?
A. upang mapaalis ang mga galing sa lalawigan
B. upang mailipat sila ng tirahan nang maayos
C. upang lumuwag ang Maynila
D. upang sumaya sila

____________________________________________________________________________
Sanggunian:
1. Rama, Michael DC et al, Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap EdCrisch International, Inc Makati City,
2006
2. Tocuator,D., Gabuat,M., Isang Bansa Isang Lahi 6 Vibal Publishing House Inc. Q.C. 2013
3. Dimayuga, T. F. et al, Isang Bansa Isang Lahi 5, Vibal Pub House Q.C. Phils

Inihanda ni:
ROWENA R. JUNIO
Jose Rizal Elementary School

Page 5 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D2

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: _________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikatlong Markahan/ Unang Linggo/ Ikalawang Araw

MELC: Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga


Pilipino mula 1946 hanggang 1972
LAYUNIN: Natatalakay ang ugnayang Pilipino-Amerikano sa konteksto ng
kasunduang militar na nagbigay daan sa pagtayo ng base militar ng
Estados Unidos sa Pilipinas sa kasunduang militar

PANIMULANG IMPORMASYON

HALINA’T SIMULAN

Ang base militar ay isang pasilidad na direktang pagmamay-ari at pinamamahalaan at para


sa hukbong sandatahan. Naglalaman ang base militar ng mga kagamitan at tauhang militar at
dito nagsasagawa ng mga pagsasanay at operasyon. Sa pangkalahatan, nagsisilbing tirahan
o kampo para sa isa o higit pang pangkat ng mga sundalo ang base militar ngunit maaari rin
itong gawing sentro ng mga operasyong militar dahil dito matatagpuan ang mga pinunong
militar.

https://www.wikiwand.com/tl/Clark_Air_Base

Nagpatuloy ang kapangyarihan ng Amerika sa Pilipinas kahit naibigay na ang kasarinlan nito
sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga Base Militar sa bansa.
Nilagdaan ang kasunduan noong Marso 14, 1947 na tinawag na Military Bases Agreement
(MBA) ni Pangulong Manuel L. Quezon kasama si Embahador Paul McNutt ng Amerika.
Nakasaad sa kasunduang ito ang karapatan ng Amerika na manatili sa Pilipinas ang 23
Base Militar sa iba’t ibang sulok ng bansa at libreng paggamit ng mga ito sa loob ng siyamnapu’t
siyam (99) na taon.
Ayon sa mga Amerikano, kailangan ng mga Pilipino Base Militar para sa kaligtasan o
proteksyon nito.

Page 6 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D2

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: _________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ________

Nagkaroon ito ng pagbabago noong 1966 na ginawang 25 taon na lamang ang bisà at
noong 1979 na inililipat sa Pilipinas ang kapangyarihan sa mga base. Ibinasura naman ng
Senado ng Pilipinas ang balak na dagdagan ang taon ng pananatíli ng mga base ng Estados
Unidos noongika ika- 16 ng Setyembre, 1991.

Mga Itinatag na Base Militar ng mga Amerikano sa Pilipinas

1. Clark Field Air Base (Pampanga)


2.Fort Stotsenburg (Pampanga)
3. Mariveles Military Reservation
4. POL Terminal and Training Area (Bataan
5. Camp John Hay Leave and Recreation Center (Baguio)
6. United States Armed Forces Cemetery No. 2 (Rizal)
7. Angeles General Depot (Pampanga)
8. Leyte-Samar Naval Base
9. Subic Bay (Olongapo)
10. Tawi-Tawi Naval Anchor- age (Sulu)
11. Caiacao-Sangley Point Naval Base (Cavite)
12. Bagobantay Transmitter Area (Lungsod Quezon)
13. Taumpi- tao Point (Palawan)
14. Talampulan Island
15. Coast Guard No 354 (Palawan)
16. Naule Point (Zambales) at Castillejos
17. Coast Guard No 356 (Zambales).
18. Mactan Island Army and Navy Air Base (Cebu)
19. $Florida Blanca Base (Pampanga
20. Camp Wallace (La Union)
21. Puerto Princesa Army and Navy Air Base (Palawan)
22. Tawi-Tawi Naval Base (Sulu)
23. Aparri Naval Air Base
Ang U.S. Naval Base Subic Bay sa Olongapo, Zambales ang naging pangunahing pasilidad para
sa pag-aayos ng mga barko, pagpupuno ng suplay, at pahingahan ng hukbong pandagat ng Estados
Unidos.
Nilagdaan din ang Kasunduang Tulong Militar (Military Assistance Agreement ) na
unang nilagdaan noong Marso 21, 1947 dahil dito mas lalo pang lumakas ang pananatili ng
kapangyarihan ng Estados Unidos sa bansa. Ito ay nagbibigay ng karapatang tumulong sa
pamamahala at pagpaplano ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas gayundin ang pagtustos ng
mga armas at kagamitang pangmilitar.
Isa pang Kasunduan ang nilagdaan, ang Kasunduan sa Pagtatanggol sa Isa’t isa (US-
RP Mutual Defense Treaty)
Karagdagang Sanggunian sa Pag-aaral
Kayamanan 6 Batayan at Sanayang Aklat
Lakbay ng Lahing Pilipino 6 (2009)
https://www.facebook.com/groups/tagadepedakograde6/permalink/2458354437534598/

HANDA KA NA BA?

Malinaw na ba sa iyo ang aralin? Kung ikaw ay handa na, simulan mo na pagsagot
sa mga pagsasanay.

Page 7 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D2

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: _________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ________

PAGSASANAY 1

A. Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon para sa bawat pahayag. Isulat
ang letra ng iyong sagot sa unahan ng bilang.

A. base militar
B. Manuel L. Quezon
C. Military Assistance Agreement
D. Military Bases Agreement
E. Embahador Paul McNutt
F. US-RP Mutual Defense Treaty
1. Ito ay isang pasilidad na direktang pagmamay-ari at pinamamahalaan at para sa
hukbong sandatahan ng bansa.
2. Nilagdaan ang kasunduan ito sa pagitan ng Amerika at Pilipinas na nagsasaad ng .
karapatan ng Amerika na manatili sa Pilipinas ang 23 Base Militar sa iba’t ibang
sulok ng bansa.
3. Ang kasunduang ito may nilagdaan na nagbibigay ng karapatang tumulong sa
pamamahala at pagpaplano ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas gayundin ang
pagtustos ng mga armas at kagamitang pangmilitar.
4. Siya ang Amerikanong kasama sa paglagda sa kasunduan hinggil base militar sa
Pilipnas.
5. Siya ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas na lumagda sa kasunduang base
militar sa bansa.

B. Panuto: Punan ang patlang tungkol sa kasunduang base-militar.

1. Petsa ng paglagda sa kasunduang Military


________________________
Bases Agreement
2. Mga lumagda sa kasunduan ng MBA ________________________
3. Bilang ng base militar na ipinatayo sa
________________________
Pilipinas
4. Kilalang base-militar sa Baguio _________________________
5. Layunin ng pagtatayo ng base militar sa
_________________________
bansa

Page 8 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D2

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: _________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ________

PAGSASANAY 2

Panuto: Pag-ugnayin ang base militar na nasa Hanay A sa lugar nito sa Hanay B.
Isulat ang letra ng sagot sa unahan ng bilang.

Hanay A Hanay B
_____ 1. Aparri Naval Air Base A. Baguio
_____ 2. Coast Guard No 356 B. Cavite
_____ 3. Camp John Hay C. Cagayan
_____ 4. Clark Field Air Base D. Cebu
_____ 5. Camp Wallace E. Olongapo

_____ 6.
Mactan Island Army and Navy Air
F. La Union
Base
_____ 7. Sangley Point Naval Base G. Pampanga
_____ 8. Subic Bay H. Palawan
_____ Puerto Princesa Army and Naby Air
9. I. Sulu
Base
_____ 10. Tawi-Tawi Naval Base J. Zambales
.

ISAISIP

Ang mga kasunduang militar na nagbigay daan sa pagtayo ng base


militar ng Estados Unidos sa Pilipinas \

1. Military Bases Agreement (MBA) ni Pangulong Manuel L. Quezon


kasama si Embahador Paul McNutt noong Marso 14, 1947.
Nakasaad sa kasunduang ito ang karapatan ng Amerika na manatili
sa Pilipinas ang 23 Base Militar sa iba’t ibang sulok ng bansa

2. Kasunduang Tulong Militar (Military Assistance Agreement ) na


unang nilagdaan noong Marso 21, 1947. Ito ay nagbibigay ng karapatang
tumulong sa pamamahala at pagpaplano ng Hukbong Sandatahan ng
Pilipinas gayundin ang pagtustos ng mga armas at kagamitang pangmilitar.

Page 9 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D2

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: _________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ________

PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin at bilugan ang letra ng tamang
sagot.

1. Anong pasilidad na direktang pagmamay-ari at pinamamahalaan para sa


hukbong sandatahan na naglalaman ng mga kagamitan at tauhang
militar at dito nagsasagawa ng mga pagsasanay at operasyon?
A. base militar C. kasunduang militar
B. batas militar D. pamahalaang military
2. Anong kasunduan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas na nagsasaad ng .
karapatan ng Amerika na manatili sa Pilipinas ang Base Militar sa iba’t ibang
sulok ng bansa?
A. Military Bases Agreement C. US-RP Mutual Defense Treaty
B. Military Assistance Agreement D. Enhanced Defense Cooperation Agreement

3. Ilang base militar ang ipinatayo ng mga Amerikano sa iba’t ibang panig ng Pilipinas?
A. 20 B. 22 C. 23 D. 24
4. Kailan nilagdaan ang Military Bases Agreement (MBA) ay nilagdaan nina Pangulong
Manuel L. Quezon at Embahador Paul McNutt?
A. Marso 14, 1947 C. 1966
B. Marso 21, 1947 D. 1979
5. Alin ang HINDI nilalaman ng Kasunduang Tulong Militar (Military Assistance
Agreement na nilagdaan noong Marso 21, 1947?
A. pagtustos ng mga armas
B. pagtustos ng kagamitang pangmilitar
C.pagsakop sa mga lugar ng base militar
D. karapatang tumulong sa pamamahala at pagpaplano ng Hukbong
Sandatahan ng Pilipinas
5. Anong pagbabago ang naganap noong 1966 na ginawa bago inilipat noong 1979
sa Pilipinas ang kapangyarihan sa mga base?
A. 15 taon na lamang ang bisa C. 35 taon na lamang ang bisà
B. 25 taon na lamang ang bias D. 45 taon na lamang ang bisà
____________________________________________________________________________
Sanggunian:
1. Rama, Michael DC et al, Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap EdCrisch International, Inc Makati City,
2006
2. Tocuator,D., Gabuat,M., Isang Bansa Isang Lahi 6 Vibal Publishing House Inc. Q.C. 2013
3. https/philippineculturaleducation.com.ph/base-militar

Inihanda ni:
ROWENA R. JUNIO
Jose Rizal Elementary School

Page 10 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : _____________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikatlong Markahan/ Unang Linggo/Ikatlong Araw

MELC: Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga


Pilipino mula 1946 hanggang 1972
LAYUNIN: Natatalakay ang “parity rights” at ang ugnayang kalakalan sa Estados
Unidos
PANIMULANG IMPORMASYON

Isa sa mga kasunduan na nilagdaan ng Pilipinas at United States ang Treaty of General
Relations na nagkabisa noong Hulyo 4, 1946. Isinasaad dito ang pagpapahalaga ng bansang
Pilipinas at ang pag-aalis ng kapangyarihan at karapatan ng United States na makialam sa
pangangasiwa, pagsakop o pagkontrol sa teritoryo at mga mamamayan ng bansa.
Magugunita na sa Bell Trade Act o Batas Bell ng 1945 at tinawag na Philippine Trade
Act ay nakatakda ang malayang kalakalan ng dalawang bansa hanggang 1954. Pagkaraan nito
ay papatawan na ng 5% buwis ang mga produktong Pilipino na papasok sa United States. Taon-
taon ay tataasan ng 5% ang buwis na ito hanggang umabot sa 100% sa taong 1974.
Nakasaad din sa kasunduan na pawang mga hilaw na produkto lamang ang maaaring
iluwas ng Pilipinas sa USA tulad ng asukal, bigas, langis, perlas at iba pa. Samantala, Ang United
States of America ay malayang magpasok sa Pilipinas ng anumang uri ng produkto, kalakal at
walang kabayarang buwis.
Ang hindi parehas na tadhana ng Batas Bell ay naipatupad at sa bandang huli lamang
naunawaan ng mga Pilipino ang tunay na implikasyon nito.
Sa kabila ng kasunduan sa Treaty of General Relations at sa itinadhana ng Saligang
Batas, ay nagawa ng mga Amerikano na maipatupad ang Parity Rights.

Ano ang Parity Rights?


.

Ang Parity Rights ay isa sa mga probisyon ng Saligang Batas ng 1935.


 Ito ay nagbibigay ng pantay na karapatan ng mga Pilipino at Amerikano na
malinang ang mga likas na pinagkukunang-yaman tulad ng lupang sakahan,
pagmimina, pagtotroso, kasama ang mga kapakinabangan mula sa tubig,
mineral karbon, petrolyo, at iba pang likas na yaman ng Pilipinas

Karagdagang Sanggunian:

Page 11 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : _____________

 Kasama sa probisyon ang “karapatang maibenta, galugarin, paunlarin at gamitin ang


lahat ng lupang agrikultural, pangkabuhayan, at minahan ng bansa.”
 Nakalagay rin sa Parity Rights na pwedeng bumili ng mga lupain sa bansa ang mga
korporasyong pinamamahalaan ng mga Amerikano.
 Nabigyan din ng karapatan ang mga Amerikano na magpatakbo ng mga negosyo sa
bansa.

Ang probisyong ito ay labag sa Saligang Batas ng 1935 kaya’t kailangan pa ng pag-
amiyenda upang ito ay maipatupad. Ang mga hindi sumang-ayon ay sina Jose P. Laurel at Claro
M. Recto. Isinasaad sa Saligang Batas na may natatanging mga negosyo sa bansa na dapat 60%
nito ay pag-aari ng mga Pilipino. Kabilang sa mga negosyong ito ang ang nagbibigay ng serbisyo
publiko tulad ng edukasyon, telekomunikasyon, elektrisidad, media at iba pa. Naipatupad rin ito
sapagkat malaki ang pangangailangan ng pondo para sa pagbangon ng bansa mula sa digmaan

Ang pagtanggi dito ng mga Pilipino ay nangangahulugang pagtanggi din sa pagbibigay


ng sapat na tulong ng Estados Unidos na kailangan ng Pilipinas.
$
Kaugnay ng Batas sa Rehabilitasyon na nakatakda ng bayad pinsala sa mga nasira
noong panahon ng digmaan, nagpalabas ang pamahalaang Amerikano ng probisyon na
magbibigay lamang ng $500 milyon ang United States kung tatanggapin ng Pilipinas ang Parity
Rights. Napilitan ang mga Pilipino na sumang-ayon sa pagpasok sa susog o pagbabago sa
Konstitusyon (Salagang Batas ng 1935)., hinggil sa paglinang sa mga likas na yaman ng bansa.
Ito ang nagbigay sa mga Amerikano ng mga karapatang nakalaan lamang sa mga Pilipino.

Tanong;
Paano mo ilalarawan ang ugnayan ng mga Pilipino at Amerikano sa Parity Rights?
____________________________________________________________________________

Karagdagang Sanggunian sa Pag-aaral


Kayamanan 6 Batayan at Sanayang Aklat
Lakbay ng Lahing Pilipino 6 (2009)
https://www.facebook.com/groups/tagadepedakograde6/permalink/2458354437534598/

HANDA KA NA BA?

Malinaw na ba sa iyo ang aralin? Kung ikaw ay handa na, simulan mo nng gawin ang mga
pagsasanay.

Page 12 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : _____________

PAGSASANAY 1

Panuto: Katotohanan o Opinyon. Isulat sa patlang ang K kung ang isinasaad ng


pahayag ay katotohanan at O kung ito ay opinyon.

_____1. Makatutulong ang Parity Rights sa paggalugad at paglinang ng ating


pinagkukunang-yaman.
_____ 2. Ayon sa Saligang Batas ng 1935, labag ang pagpapatupad ng Parity Rights.
_____ 3. Tanging United States lamang ang makatutulong upang umunlad ang bansa.
_____ 4. Sumang-ayon ang lahat na mga Pilipino sa pagpapatupad ng Parity Rights.
_____ 5. Ang Parity Rights ay nagbibigay ng pantay na karapatan ng mga Pilipino at
Amerikano na malinang ang mga likas na pinagkukunang-yaman ng bansa.
_____ 6. Ang Bell Trade Act o Philippine Trade Act ay nakatakda ang malayang
kalakalan ng dalawang bansa hanggang 1954.
_____ 7. Nakasaad sa probisyon ng malayang kalakalan na aabot ng 100% na buwis
pagkatapos ng 20 taon.
_____ 8. Maaaring iluwas ng Pilipinas ang lahat ng produkto sa Amerika.
_____ 9. Patas ang mga nakasaad sa probisyon ng malayang kalakalan sa Bell
Trade Act.
____ 10. Ang United States of America ay malayang magpasok sa Pilipinas ng
anumang uri ng produkto, kalakal at walang kabayarang buwis.
PAGSASANAY 2
A. Panuto: Isulat ang hinahanap na sagot para sa bawat isa. Isulat ang sagot sa
patlang.
Ano ito?
1. Kasunduan na nilagdaan ng Pilipinas at United
States na nagkabisa noong Hulyo 4, 1946 ____________________
2. Buwis na ipapataw sa mga produktong Pilipino na
papasok sa United States ___________________
3. Halaga ng perang ibibgay ng Amerika kung
tatanggapin ng Pilipinas ang Parity Rights ____________________
4. Nagbibigay ng pantay na karapatan ng mga Pilipino
at Amerikano na malinang ang mga likas na ____________________
pinagkukunang-yaman ng Pilipinas.
5. Batas na kung saan labag ang Parity Rights. ____________________

Page 13 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : _____________

B. Panuto: Punan ang patlang nga tamang sagot.

1. Ang Parity Rights ay nagbibigay ng pantay na karapatan ng mga Pilipino at


Amerikano na malinang ang mga _____________________.
2. Maari ring bumili ang mga korporasyong pinamamahalaan ng mga Amerikano. ng mga
____________________ sa bansa.
3. Ang mga Amerikano ay nabigyan din ng karapatan na magpatakbo ng mga
________________ sa bansa.
4. Hindi sumang-ayon sa probisyon sina Jose P. Laurel at _________________.
5. Nagpalabas ang pamahalaang Amerikano ng probisyon na magbibigay lamang ang
United States ng _______ milyon kung tatanggapin ng Pilipinas ang Parity Rights.

Pagninilay
Kung ikaw ay may pag-aari, papayag ka ba sa pantay na karapatan sa paglinang
nito sa isang taong hindi mo kamag-anak? Bakit?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
.

ISAISIP

Ang Bell Trade Act o Batas Bell ng 1945 at tinawag na Philippine Trade
Act ay nakatakda ang malayang kalakalan ng dalawang bansa hanggang
1954.

Ang Parity Rights ay is sa mga probisyon ng Saligang Batas ng 1935.


Ito nagbibigay ng pantay na karapatan ng mga Pilipino at Amerikano na
malinang ang mga likas na pinagkukunang-yaman tulad ng lupang sakahan,
pagmimina, pagtotroso, kasama ang mga kapakinabangan mula sa tubig,
mineral karbon, petrolyo, at iba pang likas na yaman ng Pilipinas

Page 14 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : _____________

PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin at bilugan ang letra ng tamang
sagot.
1. Naisagawa ng mga Amrerikano ang Parity Rights sa kabila ng mga kasunduan sa mga
Pilipino. Ano ang Parity Rights?
A. Nagbibigay ng pantay na karapatan ng mga Pilipino at Amerikano na malinang
ang mga tao.
B. Nagbibigay ng pantay na karapatan ng mga Pilipino at Amerikano na malinang
ang mga likas na yaman ng bansa.
C. Nagbibigay ng buong karapatan ng mga Amerikano na malinang ang likas na
yaman ng Pilipinas.
D. Nagbibigay ng mas malaking karapatan ng mga Pilipino sa paglinang nga likas
na yaman ng basa kaysa sa mga Amerikano.
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maaaring gawin ng mga Amerikano sa mga
pinagkukunang yaman ng bansa?
A. galugarin C.paunlarin
B.maibenta D. sirain
3. Aling pinagkukunang yaman ng bansa ang maaring linangin ng mga Amerikano na
nakasaad sa kasundauan?
A. lupang sakahan C. troso
B. mineral D. lahat ng nabanggit ay tama
4. Bukod sa paglinang ng likas na yaman, ano pa ang karapatang naibigay sa mga
Amerikano?
1. bumili ng lupain
2. kunin lahat ang petolyo
3. magpatakbo ng negosyo
4. ubusin ang lahat ng mineral

A. 1 at 2 B. 1 at 3 C. 2 at 4 D. 3 at 4
5. Bakit kailangang magkaroon ng pag-amiyenda sa pagpapatupad ng Parity Rights sa
bansa?
A.Ito ay labag sa batas.
B. Nagustuhan ito ng mga tao.
C. Hindi pantay ang mga probisyon.
D. Hindi masaya ang mga Pilipino.
____________________________________________________________________________
Sanggunian:
1. Encabo, M, Battad, T. Pilipinas sa Ikadalawampu’t Isanag Siglo 6 The Bookmark Inc, 2017
2. Rama, Michael DC et al, Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap EdCrisch International, Inc Makati City,
2006
3. Tocuator,D., Gabuat,M., Isang Bansa Isang Lahi 6 Vibal Publishing House Inc. Q.C. 2013

Inihanda ni:
ROWENA R. JUNIO
Jose Rizal Elementary School

Page 15 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: _________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ______________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikatlong Markahan/ Unang Linggo/ Ikaapat Na Araw

MELC: Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga


Pilipino mula 1946 hanggang 1972
LAYUNIN: Naipapaliwanag ang naging epekto ng “colonial mentality” pagkatapos
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

PANIMULANG IMPORMASYON
Bili tayo!
Alin-alin ang pipiliin
mo?

https://www.slideshare.net/chololovesme/neokolonyalismo-46205312

Isa sa mga hamon din sa pag-unlad ng Pilipinas ang pagbabago sa pag-iisip at


pag-uugali ng mga Pilipino pagkatapos ng digmaan o panahon ng neo-kolonyanismo.
Nabuo ang kaisipan o paniniwala na higit na maganda, de-kalidad at mahusay ang mga
produkto at serbisyo ng mga banyaga kaysa sa sariling produkto ng bansa.

Ano ang tawag dito?

Colonial Mentality o kaisipang kolonyal. Tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga


produktong banyaga, o imported at ang pagkakaroon ng mga bagay na ito ay naging batayan
ng katayuan nila sa lipunan.
Mga Epekto ng Colonial Mentality
1. Nagbago ang pagpapahalaga ng mga Pilipino.
 Naiba ang pakikitungo sa mga magulang.
 Nawala ang pagmamano sa matatanda. Ang pagbati ng “Hi” ang ginamit kapalit sa
pagmamano.
 Naging maluwag ang pagkakabuklod ng pamilya.
 Sumulat sa wikang Ingles ang maraming Pilipino
 Nagbago ang pananamit ng mga Pilipino.
 Ang ilan sa mga pangalan ay galing din sa mga Amerikano.
 Ang ilan sa mga pagkain ay nagbago din. Nadagdag ang hot dog, corned beef,
softdrinks at marami pang iba.

Page 16 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: _________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ______________

2. Malaki rin ang naidulot nito sa pamahalaan lalo na sa ekonomiya at pangkabuhayan


ng bansa. Humina ang kita ng lokal na produkto at ng pamahalaan habang patuloy ang pag-
igting ng ekonomiya ng mga banyaga. Nabawasan ang salaping magagamit sa pagpapaayos ng
mga pinsala ng digmaan.
3. Maraming nagsilikas na mamamayan mula sa mga lalawigan patungo sa lungsod sa
pag-sasang nandito ang hinahangad na magandang buhay dahil na rin sa pagbabagong anyo ng
mga lungsod sa istilong banyaga.
4. Ang kaisipang ito ay naging hamon sa pagsasarili ng bansa na kinakailangang
paghusayan ng mga produkto ng ating bansa upang tangkililkin ng mga Pilipino. Higit na
pagpapaunlad ng pagsasaka sa pamamagitan ng paglinang at pagluwas ng mga dati at bagong
produktong may mataas na kalidad, pagtatayo ng mga bagong industriya gaya ng pagsasalata ng
pagkain, telang habing bulak na dating inaangkat pa ng bansa at pagpapaunlad at paggamit ng
likas na yaman sa tamang paraan.
5. Hinikayat ng pamahalaan ang mga Pilipino ang pagtangjkilik sa mga sariling produkto
ng bansa.
6. Mahalaga rin na isulong ang damdaming makabansa upang ipagmalaki ang sariling atin.

$
Tanong;

Paano nakaapekto sa kasalukuyan ang kaisipang kolonyal?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Karagdagang Sanggunian sa Pag-aaral


Kayamanan 6 Batayan at Sanayang Aklat
Lakbay ng Lahing Pilipino 6 (2009)

HANDA KA NA BA?

Malinaw na ba sa iyo ang aralin? Kung ikaw ay handa na, simulan mo na ang iyong
pagsasanay.

Page 17 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: _________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ______________

PAGSASANAY 1

Panuto: Isulat sa patlang sa unahan ng bilang ang tsek (  ) kung ito ay nagpapakita
ng colonial mentality at ekis (X) kung hindi.

_____ 1. Laging nagmamano si Ana sa kanyang mga magulang tuwing sila ay darating

sa bahay mula sa trabaho.

_____ 2. Nanay at Tatay ang tawag ng mga anak nina G. at Gng. Reyes sa kanila.

_____ 3. Paborito ni Lyka ang burger at french fries ng Mc Donalds.

_____ 4. Pagdating ng edad na 18 ay umalis na sa kanilang bahay si Rina.

_____ 5. Mahilig bumili ng surplus ang aming kapitbahay.

_____ 6. Wikang Ingles ang ginagamit sa loob ng bahay ng pamilya Ramos.

_____ 7. Malimit mamaili ng mga gamit sa Hongkong ang ilan sa mga mayayamang

Pilipino.

_____ 8. Kapeng barako ang iniinom na kape ng nanay at tatay ko.

_____ 9. Madalas manood ng pelikulang Ingles ang mga magkakaibigan.

_____ 10. Ang mga inihahanda nila tuwing kaarawan ng anank ay keyk, spaghetti,

burger at hotdog.

PAGSASANAY 2
Panuto: Isulat ang sagot ng bawat isa sa patlang.

A. Ano ang colonial mentality?


1. __________________________________________.
B. Sumulat ng halimbawa ng mga nagbago sa bawat isa.
2. Pagbati _ _______________________
3. Pananamit _______________________
4. Pagkain _______________________
5. Pangalan _______________________
C. Ano-ano ang mga epekto ng colonial mentality sa bansa pagkatapos ng digmaan?
6. ____________________________________________________________
7. ____________________________________________________________
8. ____________________________________________________________
9. ____________________________________________________________
10. ___________________________________________________________

Page 18 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: _________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ______________

Pagbubuo

Panuto: Gumawa ng islogan ng tungkol sa pagtangkilik sa sariling produkto.

.
Mga Pamantayan 5 4 3 2
Ang mensahe ay Di-gaanong Magulo ang Walang
Nilalaman mabisang naipakita. naipakita ang mensahe. mensaheng
mensahe. naipakita.
Napakaganda at Maganda at Maganda ngunit di- Di-Maganda at
napakaliwanag ang malinaw ang gaanong malinaw magulo ang
Pagkamalikhain
pagkakasulat ng pagkakasulat ng ang pagkakasulat ng pagkakasulat ng
mga titik. mga titik mga titik
mga titik
May malaking Di-gaanong may Kaunti lang Walang
Kaangkupan kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa paksa kaugnayan sa
paksa ng islogan. paksa ng islogan. ng islogan. paksa ng
islogan.
Kalinisan Malinis na malinis Malinis ang Di-gaanong malinis Marumi ang
ang pagkakabuo. pagkakabu. ang pagkakabuo. pagkakabuo.

ISAISIP

Colonial Mentaliy o kaisipang kolonyal. Tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga


produktong banyaga, o imported at ang pagkakaroon ng mga bagay na ito ay
naging batayan ng katayuan nila sa lipunan.
Mga Epekto ng Colonial Mentality
1. Nagbago ang pagpapahalaga ng mga Pilipino.
2. Malaki rin ang naidulot nito sa pamahalaan lalo na sa ekonomiya at
pangkabuhayan ng bansa.
3. Ang kaisipang ito ay naging hamon sa pagsasarili ng bansa na kinakailangang
paghusayan ng mga produkto ng ating bansa.
4. Hinikayat ng pamahalaan ang mga Pilipino ang pagtangjkilik sa mga sariling
produkto ng bansa.
5. Mahalaga rin na isulong ang damdaming makabansa upang ipagmalaki ang
sariling atin.
Tanong;

Page 19 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: _________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ______________

PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin at bilugan ang letra ng tamang
sagot.
1. Ano ang tawag sa pagtangkilik ng mga Pilipino ang mga produktong banyaga, o imported at
ang pagkakaroon ng mga bagay na ito na naging batayan ng katayuan nila sa lipunan?
A. colonial mentality C. mental health
B. crab mentality D. ningas cogon
2. Alin ang epekto ng kaisipang kolonyal sa ekonomiya ng bansa?
A. Humina ang kita ng mga Pilipino.
B. Nabawasan ang pera ng bayan.
C. Tumataas ang kita ng mga banyaga.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
3. Alin ang HINDI kasali sa pagbabago sa lipunan dulot ng kaisapang kolonyal?
A. Ang ilan sa mga pagkain ay nagbago din.
B. Ang ilan sa mga pangalan ay napalitan.
C. Nagbago ang pananamit ng mga Pilipino.
D. Patuloy na pagmamano sa magulang o nakatatanda.
4. Bakit umalis sa lalawigan ang maraming Pilipino patungo sa lungsod?
A. Magulo sa lalawigan.
B. Masaya sa lungsod.
C. Maraming tao sa siyudad.
D. Nangarap ng magandang buhay.
5. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang iaangat ang produktong Pilipino upang
tangkilikin ng ito ng mga mamamayan MALIBAN sa isa.
A. Higit na pagpapaunlad ng pagsasaka sa pamamagitan ng paglinang at
pagluwas ng mga dati at bagong produktong may mataas na kalidad,
B. Pagtatayo ng mga bagong industriya gaya ng pagsasalata ng pagkain, telang
habing bulak na dating inaangkat pa ng bansa.
C. Pagsasawalang bahala sa nangyayari sa pagdami ng imported sa bansa.
D. Pagpapaunlad at paggamit ng likas na yaman sa tamang paraan.
_____________________________________________________________________
Sanggunian:
1. Encabo, M, Battad, T. Pilipinas sa Ikadalawampu’t Isanag Siglo 6 The Bookmark Inc, 2017
2. Rama, Michael DC et al, Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap EdCrisch International, Inc Makati City,
2006
3. Tocuator,D., Gabuat,M., Isang Bansa Isang Lahi 6 Vibal Publishing House Inc. Q.C. 2013
4. https://www.slideshare.net/chololovesme/neokolonyalismo-46205312
Inihanda ni:

ROWENA R. JUNIO
Jose Rizal Elementary School

Page 20 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D5

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: _________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ______________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikatlong Markahan/ Unang Linggo/ Ikalimang Araw

MELC: Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga


Pilipino mula 1946 hanggang 1972
LAYUNIN: Nasusuri ang naging kalagayan ng kabuhayan ng mga Pilipino
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

PANIMULANG IMPORMASYON

Ano ang naiisip ninyong kalagayan ng mga tao pagkatapos ng digmaan?

https://www.pinterest.ph/pin/84336946770507703 https://xiaochua.net/tag/commonwealth/

Halinat Alamin
Malaking pinsala ang naidulot ng digmaan sa Pilipinas. Maraming buhay ang nawala,
malawak ang pinsala ng mga ari-arian kasama na rito ang mga hayop ng mga magsasaka,
industriya, pabrika at bahay-kalakal.
Mga Epekto.
 Lumaganap ang kahirapan dulot ng kawalan ng hanapbuhay.
 Hindi magamit ang mga pasilidad ng transportasyon.
 Nasira ang patubig at makinarya.
 Humina ang produksyon at naging suliranin ang pagkakaroon ng pagkain.

Malubhang suliranin ang kaayusan at kapayapaan sa bansa pagkatapos ng digmaan.


Dulot ng kakulangan ng mga hanapbuhay na maaaring pasukan at pagkakaabalahan natuon
ang mga tao sa madaling paraan ng pagkakakitaan.
 Lumaganap ang nakawan at hold-up sa mga lungsod at maging sa mga lalawigan.
 Nanganib ang buhay at mga ari-arian ng mga tao sa mga masasamang elemento.
 Marami sa mga magsasaka ang sumanib sa samahan ng mga Huk.

Page 21 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D5

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: _________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ______________

Matinding paghihikahos at pagdurusa ang naranasan ng mga Pilipino.


 Kapos sa pagkain ang mga mamamayan lalo na sa mga nasa sentro ng labanan.
 Nanirahan ang mga tao sa dikit-dikit at sira-sirang mga gusali at bahay.
 Buy and sell ang naging pangunahing hanapbuhay ng mga tao .
 Tumaas ang halaga ng bilihin.
 Nalimot ng marami ang kagandahang asal at bumaba ang moralidad.
 Nawalan ng tiwala ang mga tao sa isa’t isa.
 Lumaganap ang katiwaliaan sa pamahalaan.
 Lumaganap ang dayaan at suhulan sa pamahalaan.

Pagkatapos ng digmaan, dumanas ng krisis sa pananalapi ang bansa.


 Hindi makalikom ng buwis ang pamahalaan dahil karamihan ay walang hanapbuhay.
 Natigil ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa dahil nahinto ang pagtatanim ng mga
pananim na bigas, tabako, asukal, niyog at iba pa.

Tungkulin ng mga pinuno ang pagpapanumbalik ng tiwala ng mga to sa pamahalaan.


$
Tungkulin din nila ang pagsasaayos ng lipunan. Ngunit hindi lamang sila ang dapt gumanap ng
tungkuling ito. Bawat mamamayan ay may bahaging dapat gampanansa pagpapabuti ng lipunan
at pagtataas ng moralidad ng sarili.

Tanong;
Paano mo mailalarawan ang naging kabuhayan ng mga Pilipino pagkatapos ng digmaan?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Karagdagang Sanggunian sa Pag-aaral


Kayamanan 6 Batayan at Sanayang Aklat
Lakbay ng Lahing Pilipino 6 (2009)

HANDA KA NA BA?

Malinaw na ba sa iyo ang aralin? Kung ikaw ay handa na, simulan mo ng gawin ang mga
pagsasanay.

PAGSASANAY 1

Page 22 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D5

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: _________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ______________

Panuto: Suriin ang larawan ng lungsod pagkatapos ng digmaan. Sumulat ng limang (5)
paglalarawan sa kalagayan ng kabuhayan ng mga Pilipino pagkatapos ng ikalawang
digmaang pandaigdig.

https://xiaochua.net/2013/02/03/paggamot-sa-gitna-ng-paggahasa-ang-mga-pagamutan-bilang-pook-ng-brutalidad-
at-kabayanihan-noong-labanan

1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. __________________________________________________________
5. __________________________________________________________

PAGSASANAY 2
Panuto: Isulat sa loob ng bawat bahagi ng puzzle ang mga salitang naglalarawan ng
buhay ng mga Pilipino pagkatapos ng digmaan.

Page 23 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D5

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: _________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ______________

PAGNINILAY
Sagutin:

Nais mo bang maulit ang ganitong pangyayari sa Pilipinas? Bakit?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
.

ISAISIP

Ang naging kalagayan ng kabuhayan ng mga Pilipino pagkatapos


ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
 Lumaganap ang kahirapan dulot ng kawalan ng hanapbuhay.
 Hindi magamit ang mga pasilidad ng transportasyon,.
 Nasira ang patubig at makinarya.
 Humina ang produksyon at naging suliranin ang pagkakaroon ng
pagkain.
 Lumaganap ang nakawan at hold-up sa mga lungsod at maging
sa mga lalawigan.
 Nanganib ang buhay at mga ari-arian ng mga tao sa mga
masasamang elemento.
 Marami sa mga magsasaka ang sumanib sa samahan ng mga
Huk.
 Kapos sa pagkain ang mga mamamayan lalo na sa mga nasa
sentro ng labanan.
 Nanirahan ang mga tao sa dikit-dikit at sira-sirang mga gusali at
bahay.
 Buy and sell ang naging pangunahing hanapbuhay ng mga tao .
 Tumaas ang halaga ng bilihin.
 Nalimot ng marami ang kagandahang asal at bumaba ang
moralidad.

Page 24 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q3-W1-D5

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: _________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ______________

PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang TAMA sa patlang kung ito ay
tumutukoy sa kalagayan ng mga tao pagkatapos ng digmaan at MALI kung hindi.

_____1. Nakaranas ng kahirapan ang mga Pilipino pagkatapos ng digmaan.


_____ 2. Nagpatuloy ang kalakalan kahit wala ng produksyon ng mga magsasaka at
industriya.
_____ 3. Nanatiling mataas ang pagpapahalaga at moralidad ng mga tao.
_____ 4. Marami ang namatay dahil sa sakit at pagkagutom.
_____ 5. Natuto silang magnakaw gumawa ng kasamaan para lamang mabuhay.
_____ 6. Ang mga taga lalawigan ay tumungo sa lungsod sa pag-asang gumanda ang
buhay nila.
____ 7. Ang mga magsasaka na nawalan ng pag-asa ay sumali sa mga Huk sa
kabundukan.
____ 8. Ang mga presyo ng bilihin sa nanatiling mababa.
____ 9. Nawala ang transportasyon at komunikasyon dahil nasira ang mga ito ng
digmaan.
____ 10. Nakabangon agad ang mga Pilipino at nanirahan sa maayos na tahanan at
lugar.

____________________________________________________________________________
Sanggunian:
1. Dimayuga, t. et al, Isang Bansa, Isang Lahi 5, Vibal Publishing House Inc. QC 2000
2. Rama, Michael DC et al, Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap EdCrisch International, Inc Makati City,
2006
2. Tocuator,D., Gabuat,M., Isang Bansa Isang Lahi 6 Vibal Publishing House Inc. Q.C. 2013

Inihanda ni:

ROWENA R. JUNIO
Jose Rizal Elementary School

Page 25 of 25

You might also like