Professional Documents
Culture Documents
Filipino10 q1 Mod2 Mgaakdangpampanitikanngmediterraneanparabula v5-2
Filipino10 q1 Mod2 Mgaakdangpampanitikanngmediterraneanparabula v5-2
Filipino10 q1 Mod2 Mgaakdangpampanitikanngmediterraneanparabula v5-2
1
Aralin
Parabula at Mga Elemento Nito
1
Pangkalahatang Ideya
1
Ang parabula ay realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga
parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo.
Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
Halimbawa ng mga Parabula:
Ang Alibughang Anak
Ang Mabuting Samaritano
Parabula ng Nawawalang Tupa
Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa
Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano
Pagbuo ng Konsepto
Ngayong alam mo na ang parabula at may natuklasan ka nang bagong
kaalaman ukol dito, ikaw ay handa na para sa ating talakayan.
Ang parabula ay isang salaysay na hinango sa Bibliya/Banal na Kasulatan.
Naglalaman ito ng magandang aral.
Katulad ng ibang akdang pampanitikan ang parabula ay binubuo ng elemento
katulad ng tauhan, tagpuan, banghay at aral o magandang kaisipan. Kinakailangan
ito upang masundan mo ang mga pangyayari sa parabula. Marami kang
makukuhang parabula sa Bibliya tulad ng mga Ang Alibughang Anak, Parabula ng
Sampung Dalaga, Ang Mabuting Samaritano, Parabula ng Nawawalang Tupa,
Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa at iba pa.
Sa parabula nangangailangan ng isang tauhan sapagkat ang isang kuwento
ay walang kabuluhan kung wala itong tauhan. Sila ang nagbibigay buhay sa
kuwento. Sila ang gumaganap sa estorya. Hindi mabubuo ang kuwento kung
walang tauhan at ito ang naglalahad ng emosyon.Ang parabula ay
nangangailangan din ng tagpuan kung saan dito nangyayari ang kuwento. Ang isang
kuwento ay puwede ring may higit sa isang pinangyarihan o tagpuan.
2
Kinakailangan din sa isang kuwento ang banghay, ito ang pagkakasunod-
sunod ng pangyayari. Wala kang makikita na kuwento na hindi nagkakasunod-
sunod ang pangyayari. Sa banghay kailangang may simula kung saan dito
magsisimula ang kuwento. Kailangan din ng gitna kung saan dito inilalahad ang
lahat ng pangyayari at paliwanag kung ano ang nangyari sa kuwento. Siyempre
kung may simula, gitna, nangangailangan din ito ng wakas. Hindi maaaring walang
wakas ang kuwento dahil dito mo makikita ang katapusan.
PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Akdang pampanitikan na nagsasalaysay at nagtuturo ng kinikilalang
pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Bibliya.
A. maikling kuwento B. parabula C. sanaysay D. tula
2. Sila ang gumaganap o ang mga gumaganap sa isang kuwento na hinango sa
banal na Bibliya na maaaring makapagbigay ng magandang aral.
A. aral B. banghay C. tagpuan D. tauhan
3. Ito ang paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng pangyayaring naganap
sa kuwento.
A. aral B. banghay C. tagpuan D. tauhan
4. Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa
lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.
A. aral B. banghay C. tagpuan D. tauhan
5. Ito ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kuwento.
A. aral B. banghay C. tagpuan D. tauhan
6. Ito‟y mga halimbawa ng parabula maliban sa isa.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon
B. Ang Mabuting Samaritano D. Ang pagong at ang kuneho
3
7. Ang banghay at ang mga tauhan ay tao.
A. feminism B. moralistiko C. realistiko D. romantiko
8. Ang parabula ay isang maikling salaysay na maaaring nasa anyong__________ o
prosa
A. pakanta B. patula C. realistiko D. sanaysay
9. Ang mga parabula ay ang mga kuwento na hinango sa ___________.
A. Bibliya B. komiks C. magazine D. pahayagan
10. Kuwentong parabula tungkol sa isang taong matulungin kahit hindi niya ito
kaano-ano.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon
B. Ang Mabuting Samaritano D. Parabula ng Nawawalang Tupa
Aralin
Panitikan: Ang Tusong Katiwala
2
Pangkalahatang Ideya
4
Ang Tusong Katiwala
(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society
Mababasa at makikita sa: PANITIKANG PANDAIGDIGAN: FILIPINO 10,
PAHINA 47-48 o sa Bible, imternet.
Pagbuo ng Konsepto
Ang pagtitiwala ang isa sa pinakamahirap na mawala sa isang tao. Kapag ito
ay mawala hindi ka na sigurado kung pagkakatiwalaan ka pang muli.
Sa kuwentong “Ang Tusong Katiwala” ipinapakita sa atin na huwag maging
manloloko. Ang kanyang katiwala ay nilustay ang ari-arian ng kanyang amo. Dahil
dito ay pinagdudahan siya ng kanyang amo.
Ipinakita ni Hesus sa kanyang mga apostol at sa atin na kailangan gamitin
ang ating kayamanan sa tama. Huwag lokohin ang taong nagtitiwala sa iyo. Ibig
ipahatid ni Hesus na ang tao ay mas madaling gawin ang makamundong gawain
kaysa sumunod sa utos ng Diyos. Mahirap kasi maging totoo kaysa magsinungaling.
Minsan madali din nating nabubulag ang mga taong sa atin ay may tiwala.
Sinabi rin ni Hesus na walang katiwala na magsisilbi sa dalawang amo. Dahil
ang isa ay pupurihin niya at ang isa ay ipagkakanulo niya. Ibig sabihin nito hindi
puwedeng pagsabayin ang dalawa. Ang salapi at pagsisilbi sa Panginoon. Minsan
kasi ang tao ay mas gusto pang kumita ng pera kaysa pumunta sa simbahan.
Kapag panahon na ng pagpunta sa simbahan, marami na tayong ginagawa.
Nasisilaw tayo sa pera kaya minsan nalilimutan na nating magsilbi sa Diyos. Sa
panahon ngayon mas nakikita natin na kaunti lamang ang nagsisimba dahil ang iba
ay abala sa pagpapalago ng kanilang negosyo. Hindi lingid sa ating kaalaman na sa
oras ng kagipitan lamang tayo tumatawag sa Panginoon.
Huwag nating hayaan na maging alipin tayo ng salapi. Piliin natin nang
maayos ang desisyon na ating gagawin dahil nasa huli ang pagsisi.
Mga Gawain
Gawain. Iba ka: Ilahad ang nilalaman, elemento at kakayahan ng parabulang “Ang
Tusong Katiwala”. Gamitin ang grapikong presentasyon.
Kakayahan
Parabulang “Ang
Tusong Katiwala”
Nilalaman Elemento
PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Saan sa Bibliya makikita ang kuwento ng “Ang Tusong Katiwala”?
A. Lukas 16:1-15 B. Lukas 19:1-15 C. Lukas 18:1-15 D. Lukas 20:1-15
5
2. “Ang pangit na „yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan?
A. Malupit ang amo sa kanyang alipin
B. Mausisa ang amo ang sa kanyang alipin
C. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin
D. Mapanlait ang amo sa kanyang alipin dahil sa pangit na anyo.
3. Kung ang isang tao ay may katiwala anong antas ng pamumuhay mayroon siya?
A. dukha B. mahirap C. marangya D. matiwasay
4. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa
malaking bagay”. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap?
A. Maging matapat ka sa lahat ng bagay.
B. Ibigay ang hindi para sa iyo.
C. Maging masunurin sa lahat ng oras.
D. Huwag maging sakim sa kapwa.
5. Ano ang ginawa ng katiwala sa ari-arian ng amo?
A. nilustay B. ibinigay C. pinundar D. tinago
6. Sino ang nagkuwento sa “Ang Tusong Katiwala”?
A. Hesus B. David C. Pedro D. Moises
7. “Nagpapanggap kayong _____ sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang
nilalaman ng inyong mga puso? Punan ang nawalang salita.
A. mahirap B. matalino C. matuwid D. masipag
8. Magkano ang utang ng una sa kanyang amo?
A. Isandaang kabang bigas C. Isandaang tapayang alak po
B. Isandaang kabang trigo D. Isandaang tapayang langis po
9. Magkano ang utang ng ikalawa sa kanyang amo?
A. Isandaang kabang bigas C. Isandaang tapayang alak po
B. Isandaang kabang trigo D. Isandaang tapayang langis po
10. “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon.
Anong ibig sabihin nito?
A. malungkot B. nagmamalaki C. pagmamahal D. sakim
Aralin
Pagsasalaysay at Pang-ugnay
3
Pangkalahatang Ideya
Sinasaklaw ng araling ito ang tungkol sa pagsasalaysay. Ang mabisang
pagsasalaysay ay ginagamitan ng mga pang-ugnay. Ang mga pang-ugnay ang
magsisilbing tagapag-ugnay ng mga pangyayaring nais isalaysay ng isang
mananalaysay. Dahil sa mga pang-ugnay na ginamit, mas naipapahayag nang
malinaw ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda at mas madaling
maintindihan ng mga mambabasa.
Layunin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw bilang mag-aaral ay inaasahang:
1. naipakikita ang kakayahan sa pagsasalita sa paggamit ng mga berbal at di berbal
na estratehiya (F10PS-Ib-c-65); at
2. nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsismula,
6
pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas) ( F10WG-Ib-c-58).
Dating Kaalaman
Sa nakaraang aralin ay tinalakay natin ang tungkol sa parabulang “Ang
Tusong Katiwala.” Nalaman din natin kung gaano kahalaga ang pagtitiwala
Tinalakay din natin na dapat gamitin sa mabuti ang kayamanan na ating makukuha.
Huwag balewalain kung anoman ang meron tayo, huwag magpapadala sa pagiging
sakim sa pera. Hindi natin kayang magsilbi sa dalawang panginoon sapagkat
kailangan nating pumili kung kanino tayo magiging tapat.
Paglalahad
Pagbuo ng Konsepto
Ang Manok at ang Gintong Itlog
Alam mo ba na...
ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang
pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito:
a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang
mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa
pa, at gayon din.
7
Mga Gawain
Gawain 1 Panuto: Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula
at piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay .
Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik lamang sa iyong kuwaderno.
8
6. Dahil sa gusto ng babae na mangitlog ang manok ng ginto, pinakain niya ang
manok hanggang sa ito ay nabundat at namatay. Anong ugali meron ang babae?
A. mapagbigay B. mapagmahal C matapobre D. sakim
7. __________, katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala. Ano
ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap.
A. Dahil sa B. Ganoon din C. Kung ganoon D. Sapagkat
8. Laking gulat niya nang mangitlog ito. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay
ginto!. Anong damdamin ang nangibabaw sa babae?
A. gulat B. lungkot C. panibugho D. tuwa
9. Pinakain niya nang pinakain ang manok __________ ito ay namatay.
A. dahil sa B. kung kaya‟t C. saka D. tuloy
10. Ano ang kulay ng itlog ng manok?
A. ginto B. pilak C. pula D. tanso
Aralin
Mensahe ng Butil ng Kape
4
Pangkalahatang Ideya
Marunong dapat tayong maging kontento kung ano man ang ibinigay sa atin
ng Diyos. Puwede namang mangarap pero hindi masyadong sobra-sobra.
Kung gusto mong umasenso sa buhay huwag itong madaliin dahil walang taong
nagtagumpay na hindi nakakaranas ng hirap. Ang pagiging matagumpay ay
sumusunod sa hakbang, hindi pupwedeng lumaktaw.
9
Kung gustong umangat sa buhay magsikap nang mabuti at kumayod. Huwag
iasa sa iba ang iyong kapalaran. Hawak mo ito at ikaw ang nagmamaneho. Ikaw ang
tumatahak sa sarili momg landas.
Ang ikalawa ay ang itlog kung saan may mga taong akala natin sila ay may
mabuting puso at madaling magpatawad. Ngunit kapag darating na ang mga
sulirinan lalo na kapag sigalot sa pamilya, kaibigan o kakilala, mahirap na para sa
kanila ang magpatawad. Ang pinakahuli ay ang kape, kung saan ang tubig na
nilagyan nito ay nag-iba ang kulay. Ibig sabihin dapat maging matatag ka sa lahat ng
mga suliranin na dumating sa iyo. Ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok.
Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo.
Walang suliraning ibibigay ang Panginoon na hindi natin kaya. Ikaw ang
nagdadala ng iyong sarili, ikaw ang gumagawa ng desisyon, huwag iasa sa iba ang
takbo ng iyong buhay. Gaya ng sabi nila “ikaw ang may hawak ng manibela, ikaw
10
ang nagpapatakbo ng sarili mong buhay”. Maging isang kape ka na sa lahat ng mga
problema na dumating ay nakapagpabago sa kumukulong tubig.
Pag dumating ang mga suliranin sa iyong buhay dapat maging matatag ka.
Huwag kang padidikta sa iyong suliranin. Harapin mo ito at maging matatag ka. Ang
buhay ay hindi puro matiwasay at masaya, kailangan mong sumuong sa maraming
problema para maging matatag at maging matagumpay balang araw.
Mga Gawain
Gawain 1: Magbigay ng pangyayari sa iyong buhay na may kaugnayan sa naging
kalagayan ng mga tauhan sa binasang kuwento.
Carrots
Mensahe ng Butil
ng Kape Itlog
Butil ng Kape
PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang tiik ng tamang sagot at isulat sa kuwaderno.
1. Sa kuwentong ang “Mensahe ng Butil na Kape”, ano ang ginamit ng ama para
pakuluan ang tubig?
A. banga B. kaldero C. kawali D. palayok
2. Ano ang sinisimbolo ng mainit na tubig?
A. Kayamanan B. Pag-ibig C. Pangarap D. Suliranin
3. Ang carrots ay matigas noong una, nang ito‟y inilagay na sa kumukulong tubig,
naging malambot na. Ano ang kinakatawan nito?
A. kumakatawan sa kahinaan
B. magiging matatag sa oras ng pagsubok
C. nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
D. huwag pa apekto sa suliranin
4. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob
nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Ano ang ipinapahiwatig nito?
A. kumakatawan sa kahinaan
B. magiging matatag sa oras ng pagsubok
C. nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
D. huwag paapekto sa suliranin
5. Ang butil ng kape nang ito ay maihalo sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit
kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito. Ano ang ibig
ipahiwatig ng pangungusap?
A. kumakatawan sa kahinaan
B. magiging matatag sa oras ng pagsubok
C. nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago
D. huwag paapekto sa suliranin
6. Anong dahilan kung bakit ang ama ay nagbigay ng halimbawa tungkol sa carrots,
itlog at kape? Narinig niyang _____
A. kumakanta ang kanyang anak na lalaki.
B. nagmamaka-awa ang kanyang anak na lalaki.
C. nagmamaktol ang kanyang anak na lalaki.
D. sumisigaw ang kanyang anak na lalaki.
11
7. Sa mensahe ng butil na kape. Ano ang pinili ng anak para harapin ang mga
suliranin sa buhay?
A. maging butil ng kape C. maging itlog
B. maging carrots D. maging mainit na tubig
8. Saan nagtatrabaho ang mag-ama?
A. bukirin B. ilog C. bayan D. bahay
9. Maging isa kang butil ng kape para balang araw ikaw ay magiging _______?
A. malakas B. matalino C. matatag D. masaya
10. Ano ang idinagdag sa mainit na tubig para magkaroon ito ng kulay?
A. asin B. carrots C. itlog D. kape
Susi sa Pagwawasto
Aralin -1 Aralin -2
1. B 6. D 1. A 6. A
2. D 7. C 2. A 7. C
3. B 8. B 3. C 8. B
4. C 9. A 4. .A 9. B
5. A 10. A 5. A 10. D
Aralin - 3 Aralin - 4
Mga Gawain Mga Gawain
– nasa guro ang pagpasya – nasa guro ang pagpasya
sa mga sagot. sa mga sagot.
1. C 6. D 1. C 6. C
2. B 7. A 2. D 7. A
3. A 8. A 3. B 8. A
4. D 9.B 4. C 9. C
5. C 10. A 5. D 10. D
12