Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 41

ANG BUHAY

NG TAO
Jose Corazon De Jesus
Ikapitong Linggo
PANIMULA
“Ang Buhay ng Tao” ay isang tula na isinulat at inilathala ng isang makata na si
Jose Corazon De Jesus. Si Jose Corazon De Jesus ay itinuturing na
pinakanangungunang makata sa panahon ng kolonyalismong amerikano sa
kadahilanan ng pagpapakita ng matinding nasyonalismo o pagmamahal sa bayan.
Patunay ito sa mga sinulat niyang tula sa tagalog na naghahayag ng pagnanasa ng
mga Pilipino na maging malaya mula sa pananakop ng bansang Estados Unidos pati
na rin sa matapang na pagtuligsa nito sa mga sakit ng lipunan na nalalahukan ng
bagong talinghaga sa pagtula.
ISANG MAIKLING KASAYSAYAN MULA SA
BUHAY NI JOSE CORAZON DE JESUS
– Si Jose Corazon De Jesus o kilala bilang “Huseng Batute” ay ipinanganak sa
Santa Cruz, Maynila noong 22 Nobyembre 1894 sa mag-asawang Vicente De
Jesus ng Sta. Maria, Bulacan na kinilala bilang unang director ng kagawaran ng
kalusugan at Susana Pangilinan ng Pampanga.
– Ang orihinal na pangalan ng makata ay Jose Cecilio De Jesus na kalauna’y
napalitan ng Corazon sa kadalihanang ang espanyol na kahulugan nito ay puso
na kung tatagalugin ang dulong pangalan na Corazon De Jesus ay magiging
“Puso ni Hesus”.
ISANG MAIKLING KASAYSAYAN MULA SA
BUHAY NI JOSE CORAZON DE JESUS
– Sa murang edad ay namulat si Jose Corazon De Jesus sa mga tulang tagalog,
awit, at korido na kalauna’y naging propesyon niya. Nag-aral siya sa Liceo de
Manila, at kumuha ng abogasiya sa Escuela de Derecho ngunit hindi niya ito
ipinagpatuloy sa halip ay naging isang tanyag na mamamahayag at manunula.
– Sa panahong din iyon ay nakilala niya si Asuncion Lacdan at ikinasal noong
1918 na kung saan biniyayaan sila ng tatlong anak.
ISANG MAIKLING KASAYSAYAN MULA SA
BUHAY NI JOSE CORAZON DE JESUS
– Si Jose Corazon De Jesus ay naging mamahayag sa isang patulang kolum sa
pahayagang Taliba na may titulong “Buhay Maynila” noong 1920 na kung saan
ginamit niya ang isa sa marami niyang sagisag at ito ay ang ‘Huseng Batute’.
– Noong taong 1924 ay napagpasyahan ng mga manunulat na magpalabas ng
duplo o isinadulang debate sa tula na uso noong araw, subalit hindi na ito
gaanong pinapansin ng mga tao.
ISANG MAIKLING KASAYSAYAN MULA SA
BUHAY NI JOSE CORAZON DE JESUS
– Pinalitan ang porma ng duplo at tinawag itong balagtasan bilang pagkilala kay
Francisco Balagtas, kilalang Filipinong makata. Nang sumunod na taon ay
tinagurian si Jose Corazon De Jesus bilang “Hari ng Balagtasan” matapos
manalo sa laban sa kanyang pangunahing katunggali na si Florentino Collantes.
Ang titulong iyon ay hinawakan niya hanggang siya ay mamatay taong 1932.
MAIKLING KASAYSAYAN SA TULA

Nang makilala si Jose Corazon De Jesus ay dinumog ng mga madla ang kanyang
pagbigkas ng tula na kung saan pinakapaborito ng taum-bayan ang mga tulang “Ang
Manggagawa” (1929), “Isang Punongka- hoy” (1932) at isa na rin dito ang tulang
pinamagatang “Ang Buhay ng Tao” na kabilang sa mahigit na apat na libong isinulat na tula
ni Jose Corazon de Jesus na itinuturing isa sa nagpagyaman ng kultura sa tagalog at
panitikang Filipino. Ang tula na ito ay tumatalakay o sumasalamin sa mga pangyayari na
pumamapaikot sa isang buhay ng tao. Ito ay binubuo ng walong saknong na may tig aapat na
taludtod. Ang tula ay may sukat na lalabindalawahin o may labing dalawang pantig bawat
taludtod.
LAYUNIN NG PAGSULAT

– Ang layunin sa pagsulat ng tulang may pamagat na “Ang Buhay ng Tao” ni


Jose Corazon De Jesus ay upang ipakita na ang buhay ay isa lamang yugto-
yugtong proseso mula sa pagsilang tungo sa iisang hantungan at iyon ay
kamatayan. Ang bawat saknong sa naturang tula ay may kalakip na mensahe na
tumutukoy sa mga proseso o mga pangyayari na maaaring pagdaanan sa isang
buhay ng tao. Ang prosesong ito ay maaaring sumalamin sa mga pagsubok na
hinaharap, mga desisyon sa buhay, tukso at iba pa.
LAYUNIN NG PAGSULAT
– Makikita rin sa huling saknong ng tula ang pangitain ng tiyak na destinasyon na
kung saan ang salitang "turumpong mabilog" ay angkop na simbolo sa kanyang
bisyon ng sirkular na takbo ng buhay. At kung bagaman isinasaad sa kasisiping
taludturan ang "pagbago ng kilos" upang hindi mabuwal sa kinatatayuan,
maliwanag din ang pagtanggap sa hindi matatakasang kamatayan.
PAG-ALIS NG
SAGABAL
MGA PANGUNGUSAP GAMIT ANG
SAGABAL

SAGABAL KAHULUGAN
Inakay Maliit na Bata
Mapagmalas Paninindigan

1. Mabagal na naglalakad ang bibe sa daan dahil kasama niya ang kanyang mga
inakay.
2. Mahirap makipagtalo kay Juan sapagkat sya ay mapagmalas sa kanyang mga
prinsipyo sa buhay.
MGA PANGUNGUSAP GAMIT ANG
SAGABAL

SAGABAL KAHULUGAN
Naglagpak Nagbagsak
Kinapopootan Kinagagalitan

3. Si Pedro ay naglagpak ng tatlong buko mula sa tuktok ng puno.


4. Kinapopootan ng taumbayan ang Globe dahil sa mabagal nilang internet
connection.
MGA PANGUNGUSAP GAMIT ANG
SAGABAL

SAGABAL KAHULUGAN
Mumo Tira-tira
Nabingwit Naloko

5. Mumo na lamang ang aking naabutan noong nahuli ako sa pagdating sa


hapag- kainan.
6. Dahil sa mabulaklak na bibig ng binata ay marami syang nabingwit na sumali
sa kanyang organisasyon.
MGA PANGUNGUSAP GAMIT ANG
SAGABAL

SAGABAL KAHULUGAN
Bangungot Masamang panaginip
Nanatak Natitira

7. Nagising ang buong pamilya sa sigaw ng binabangungot na si Armin.


8. Mahirap ang kursong Engineering kaya’t ang matitibay lamang ang nanatak
hanggang sa huli.
MGA PANGUNGUSAP GAMIT ANG
SAGABAL

SAGABAL KAHULUGAN
Luksa Malungkot
Ininug-inog Inikot-ikot

9. Nagluksa si Benjamin noong nalaman niyang hindi siya pumasa sa kinuha


nyang pagsusulit.
10. Ininug-inog na ni Sasha ang buong siyudad ngunit hindi niya pa rin makita si
Jose.
PAGBASA NG TULA
ANG BUHAY NG TAO
Tula ni Jose Corazon De Jesus

Inakay na munting naligaw sa gubat,


ang hinahanap ko’y ang sariling pugad;
ang dating pugad ko noong mapagmalas
nang uupan ko na ang laman ay ahas.

Oh! ganito pala itong Daigdigan,


marami ang sama kaysa kabutihan;
kung hahanapin mo ang iyong kaaway,
huwag kang lalayo’t katabi mo lamang.

Ako’y parang bato na ibinalibag,


ang buong akala’y sa langit aakyat;
nang sa himpapawid ako’y mapataas,
ay bigat ko na rin ang siyang naglagpak.
Mahirap nga pala ang gawang mabuhay,
sarili mong bigat ay paninimbangan,
kung ikaw’y mabuti’y kinaiinggitan,
kung ikaw’y masama’y kinapopootan.

At gaya ng isdang malaya sa turing


ang langit at lupa’y nainggit sa akin;
subalit sa isang mumo lang ng kanin,
ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain.

At sa pagkabigo’y nag-aral na akong


mangilag sa mga patibong sa mundo;
kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t
bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.
Ang buhay ng tao ay parang kandila
habang umiikli’y nanatak ang luha;
buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda,
ang luksang libinga’y laging nakahanda.

Ang palad ay parang turumpong mabilog,


lupa’y hinuhukay
sa ininug-inog;
subalit kung di ka babago ng kilos,
sa hinukayan mo’y doon mahuhulog.
PAGTALAKAY
PANGKAISIPAN
(1)
Inakay na munting naligaw sa gubat,
ang hinahanap ko’y ang sariling pugad;
ang dating pugad ko noong mapagmalas
nang uupan ko na ang laman ay ahas.

Ang pagkakamali ay parte ng ating buhay, di natin maiiwasang


madapa o magkamali sa ating desisyon dahil sa maling pagpili ng
kasama.

(2)
Oh! ganito pala itong Daigdigan,
marami ang sama kaysa kabutihan;
kung hahanapin mo ang iyong kaaway,
huwag kang lalayo’t katabi mo lamang.

Sa mundong ito, mas nananaig na ang kasamaan kaysa sa


kabutihan. Hindi natin namamalayan na ang mga kaaway ay nasa tabi-
tabi lang.
(3)
Ako’y parang bato na ibinalibag,
ang buong akala’y sa langit aakyat;
nang sa himpapawid ako’y mapataas,
ay bigat ko na rin ang siyang naglagpak.

Hindi sa lahat ng oras ay tayo’y paangat. May sari-sariili tayong


dinadalang bigat o problema. Mayroong nariyan na at mayroong
paparating pa na siyang hihila sa atin pababa kung hindi maaagapan.
(4)
Mahirap nga pala ang gawang mabuhay,
sarili mong bigat ay paninimbangan,
kung ikaw’y mabuti’y kinaiinggitan,
kung ikaw’y masama’y kinapopootan.

Sadyang mahirap ang mabuhay sapagkat ang ating mga problema


ay sarili nating pananagutan. Maging mabuti man tayo o masama’y,
parehas may masasabi ang sambanayan. Mahirap malaman kung saan
ka nga ba lulugar.
(5)
At gaya ng isdang malaya sa turing
ang langit at lupa’y nainggit sa akin;
subalit sa isang mumo lang ng kanin,
ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain.

Malaya tayong mamuhay sa kung anong nais natin. Nasa kamay


natin ang kapalaran na nanaisin natin. Kahit nasaan man ang ating
pinaroroonan, huwag nating kalimutan magpakumbaba at kung saan
tayo nagmula dahil sa oras na ito'y ating kalimutan, ang langit at lupa ay
magpapalit nang pwesto sa buhay natin.
(6)
At sa pagkabigo’y nag-aral na akong
mangilag sa mga patibong sa mundo;
kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t
bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.

Dahil sa mga pagsubok na dumating sa ating buhay ay unti-unti


tayong natututo – ito’y mga pagsubok lamang sa atin ng mundo. Subalit
huwag tayong masyadong makampante sa ating mga sarili sapagkat
maaari natin itong ikapahamak sa dulo.
(7)
Ang buhay ng tao ay parang kandila
habang umiikli’y nanatak ang luha;
buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda,
ang luksang libinga’y laging nakahanda.

Ang buhay ng tao ay parang kandila na may nakatakdang panahon


kung hanggang kailan lamang magbibigay ng liwanag – maaaring
matagal o kaya naman sandali lamang. Habang tumatanda ay
nalilimitahan na ang mga nagagawa natin sa buhay – dulot ng sakit,
panghihina, o kung ano pa man. Ito ang katotohanan sa buhay ng tao
kaya’t nararapat lamang na huwag natin itong sayangin. Tandaan natin
na kailangan natin tanggapin na lahat tayo ay may hanggangan.
(8)
Ang palad ay parang turumpong mabilog,
lupa’y hinuhukay
sa ininug-inog;
subalit kung di ka babago ng kilos,
sa hinukayan mo’y doon mahuhulog.

Ang kapalaran natin ay parang turumpong umiikot sa ibabaw ng


lupa. Kung ikaw ay mananatili sa iisang lugar lamang at hindi
magbabago ng direksyon sa buhay, tiyak na hindi ka uunlad – lulubog ka
lamang tulad ng paghukay ng matulis na bahagi ng isang turumpo sa
lupa.
PAGTALAKAY
PANGKAGANDAHAN
Sa aking pananaw, ang taludtod na nagpapakita ng matinding kultura
o sining na kaugalian ng isang Pilipino lalo na sa generasyon ngayon ay
ang taludtod na:

Mahirap nga pala ang gawang mabuhay,


sarili mong bigat ay paninimbangan,
kung ikaw’y mabuti’y kinaiinggitan,
kung ikaw’y masama’y kinapopootan.

Dahil isinasaad dito ang kaugalian ng isang Pilipino lalo sa lipunan


ngayon na kapag ikaw ay nagtagumpay o umasenso sa buhay, may mga
tao talaga na hindi tanggap sa nangyaring maganda sayo sa kadahilanan
ng pagkainggit. Kapag naman ay may nagawa kang mali, huhusgahan ka
na ng iba at masama na agad ang iisipin sayo. Ang pinaka importanteng
mensahe nito na dapat huwag magpaapekto sa mga humihila sa atin
pababa. Tayong mga tao ay may kanya-kanyang kaugalian. Mali man o
mabuti, magkakaiba ito kaya’t matuturi kong kaugalian na sining ng
pilipino ang pagkahinog o maturity ng ugali ng isang Pilipino na huwag
magpaapekto sa pagkainggit at paninira ng iba.
PAGBASA NG TULA
ANG BUHAY NG TAO
Tula ni Jose Corazon De Jesus

Inakay na munting naligaw sa gubat,


ang hinahanap ko’y ang sariling pugad;
ang dating pugad ko noong mapagmalas
nang uupan ko na ang laman ay ahas.

Oh! ganito pala itong Daigdigan,


marami ang sama kaysa kabutihan;
kung hahanapin mo ang iyong kaaway,
huwag kang lalayo’t katabi mo lamang.

Ako’y parang bato na ibinalibag,


ang buong akala’y sa langit aakyat;
nang sa himpapawid ako’y mapataas,
ay bigat ko na rin ang siyang naglagpak.
Mahirap nga pala ang gawang mabuhay,
sarili mong bigat ay paninimbangan,
kung ikaw’y mabuti’y kinaiinggitan,
kung ikaw’y masama’y kinapopootan.

At gaya ng isdang malaya sa turing


ang langit at lupa’y nainggit sa akin;
subalit sa isang mumo lang ng kanin,
ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain.

At sa pagkabigo’y nag-aral na akong


mangilag sa mga patibong sa mundo;
kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t
bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.
Ang buhay ng tao ay parang kandila
habang umiikli’y nanatak ang luha;
buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda,
ang luksang libinga’y laging nakahanda.

Ang palad ay parang turumpong mabilog,


lupa’y hinuhukay
sa ininug-inog;
subalit kung di ka babago ng kilos,
sa hinukayan mo’y doon mahuhulog.
PAGTALAKAY SA ETIKA
AT PANLIPUNAN
Pinapakita sa tulang ito ang kaugalian ng tao. Ayon sa tula, "kung
ikaw’y mabuti’y kinaiinggitan, kung ikaw’y masama’y kinapopootan." Ang
tao ay may iba't-ibang pananaw sa buhay. Iba't-ibang opinyon at
paninindigan. Hanggang sa panahon ngayon, makikita pa rin natin ang
panghuhusga na ginagawa sa sariling kapwa. Kahit na ano ang gawin,
mabuti o masama man, kung ito ay hindi naayon sa opinyon ng bawat
indibidwal ay patuloy pa ring mahuhusgahan.

Sinasalamin din nito ang pagsamantala ng isang tao sa isang


opurtunidad. May mga pagkakataon na mabuting opurtunidad ang
nakahain sa atin, ngunit mayroong mga tao na ginagamit itong
opurtunidad upang linlangin ang mga taong mabilis magtiwala. Ika nga sa
tula "At sa pagkabigo’y nag-aral na akong mangilag sa mga patibong sa
mundo;", kung titignan sa una ay aakalain mong ito'y isang pagtulong,
ngunit ito ay isa palang patibong at ika'y ginagamit lamang.
Ang aral na makukuha sa tula ay ang pagbigay halaga sa buhay ng
isang tao. Ito'y makikita sa ikatlo at ika-pitong saknong. Ang buhay ng tao
ay hindi perperkto. Ito'y parang gulong na kung minsan ay ika'y nasa itaas,
at minsa'y ikaw nasa ibaba. Minsan, may mga pagkakataong kapag tayo'y
nasa itaas na, ayaw na nating bumaba. Nakalimutang mayroong mga
problema na hihila sa atin pailalim. Ngunit katulad ng gulong, hindi
makakaabante at makakalayo kung hindi mararanasang mapunta sa ilalim
ng hindi lamang isang beses. Kailangan gumawa ng paraan upang patuloy
na mapaikot ang "gulong ng buhay" ng tao.

Sa ika-pitong saknong inihalintulad ang buhay ng tao sa isang kandila.


Bukod sa, ang ating buhay ay mayroong hangganan, ay sinindihan tayo ng
Diyos dahil tayo ay may layunin sa buhay. Layuning magbigay liwanag sa
mga nangangailangan. If the flame of the candle goes out, we need each
other to give us strength and to lead us again to the right path where the
light shines the brightest.
PAGBASA NG TULA
ANG BUHAY NG TAO
Tula ni Jose Corazon De Jesus

Inakay na munting naligaw sa gubat,


ang hinahanap ko’y ang sariling pugad;
ang dating pugad ko noong mapagmalas
nang uupan ko na ang laman ay ahas.

Oh! ganito pala itong Daigdigan,


marami ang sama kaysa kabutihan;
kung hahanapin mo ang iyong kaaway,
huwag kang lalayo’t katabi mo lamang.

Ako’y parang bato na ibinalibag,


ang buong akala’y sa langit aakyat;
nang sa himpapawid ako’y mapataas,
ay bigat ko na rin ang siyang naglagpak.
Mahirap nga pala ang gawang mabuhay,
sarili mong bigat ay paninimbangan,
kung ikaw’y mabuti’y kinaiinggitan,
kung ikaw’y masama’y kinapopootan.

At gaya ng isdang malaya sa turing


ang langit at lupa’y nainggit sa akin;
subalit sa isang mumo lang ng kanin,
ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain.

At sa pagkabigo’y nag-aral na akong


mangilag sa mga patibong sa mundo;
kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t
bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.
Ang buhay ng tao ay parang kandila
habang umiikli’y nanatak ang luha;
buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda,
ang luksang libinga’y laging nakahanda.

Ang palad ay parang turumpong mabilog,


lupa’y hinuhukay
sa ininug-inog;
subalit kung di ka babago ng kilos,
sa hinukayan mo’y doon mahuhulog.

You might also like