Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

1

Aralin Filipino 6-Q4-W5


Impormasyong Inilahad sa Dayagram,
5 Tsart, Mapa at Graph

Mga Inaasahan

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang


kasanayang:
• Nakapagtatanong tungkol sa impormasyong inilahad sa
dayagram, tsart, mapa at graph (F6PB-IVg-20)

Sasagutan mo ang mga pagsasanay at gawain sa nakalaang sagutang


papel.

Paunang Pagsubok

Pag-aralan ang graph at isagawa ang kasunod na gawain.

Bumuo ng tanong kaugnay ng graph gamit ang sumusunod na


impormasyon:
1. Pamagat ng graph
2. Mga bilang ng mag-aaral sa unang baitang na kumukuha ng computer
course
3. Mga bilang ng mga mag-aaral na kumukuha ng computer course sa
ikalawang baitang

Modyul sa Filipino 6
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
2

4. Baitang na may pinakamaraming bilang na kumukuha ng computer


course
5. Baitang na may pinakakaunting bilang na kumukuha ng computer
course
Bago ka magpatuloy ay alamin muna natin kung natandaan mo ang iyong
aralin tungkol sa pagkilala sa mga magkakaugnay na mga salita.

Makikilala mo ba kung ang pahayag na may salungguhit ay sanhi o


bunga? Iguhit ang masayang emoji kung ito ay sanhi at nagulat na emoji kung
ito ay bunga.

1. “Ang galing-galing talaga ni Kuya Caloy kaya idolo ko siya.”

2. “May tiwala ako sa iyo Caloy kaya sasamahan kita sa anomang laban

mo.”

3. “Magsisisi siya dahil sa pakikialam niya sa mga ginagawa ko.”

4. “Kailangan nilang magbayad dahil may pananagutan sila sa batas.”

5. “Ipagtatanggol ko si Kuya Caloy dahil mahalaga siya sa akin.”

Pagpapakilala sa Aralin

Ngayon ay pag-aaralan mo ang impormasyong inilahad sa dayagram, tsart,


mapa at graph. Ngunit bago yan, basahin mo muna ang maikling sanaysay sa
ibaba.
Ang basura ang isa sa mga problema ng ating lipunan. Kadalasan ay
nagiging sanhi ito ng pagkakasakit kapag hindi ito naitapon nang maayos. Sa
mga nagdaang bagyo, isa sa mga dahilan ng pagbaha na naranasan dito sa
Metro Manila ay dahil sa pagbara ng mga estero at daluyan ng tubig ng mga
basura.
Ang Bagong Silang Elementary School 4th Ave ay naglunsad ng programa
upang hikayatin ang mga mag-aaral sa tamang pagtatapon nang basura. Ang
programang ito ay na tinawag na “Basura ko, Iuuwi Ko”. Layon din nito na
turuan sila na aspekto ng 3 r’s o reduce, reuse at recycle. Ang bawat klase ay
may dalawang basurahan na may label na PAPEL at PLASTIC BOTTLES. Ang
mga basura naman na pwedeng pakinabangan gaya ng plastic na bote ay iiwan
sa basurahang may label na PLASTIC BOTTLES at ang mga scrap ay ilalagay
naman sa basurahang may label na PAPEL. Ito ang diagram na nagpapakita ng
proseso ng 3R’s.

Modyul sa Filipino 6
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
3

https://dr282zn36sxxg.cloudfront.net/datastreams/f-
d%3A69ac37d72d2f7ceba6009d5bada94eabdc6ea3ad5bcdfd488ba7a5d1%2BIMAGE_TINY%2BIMAGE_TINY.1

Makikita naman sa graph na ito ang kanilang naipon na basura.

Mga Bahagi ng Bar Grap


1. Pamagat – ito ay nagbibigay ng maiikling impormasyon kung tungkol saan
ang grap.
2. Label- nagbibigay impormasyon tungkol sa mga baryante.
3. Bar- nagpapakita ng mga bilang batay sa taas. Kung mas mahaba o
mataas ang bar nangangahulugan ito ng mas mataas na bilang.
4. Grid Lines- tumutulong upang makita agad ang sukat ng bar.
5. Mga Aksis na Pahiga at Patayo (Horizontal and Vertical Axis)- Dito
makikita ang mga datos na mahalaga para sa pagbibigay- kahulugan sa
bar grap.

A. Bumuo ng mga tanong mula sa grap sa itaas gamit ang sumususunod na


impormasyon:
Halimbawa:
1. Mga naipong basura ng mga mag-aaral ng BSES4th.
Tanong: Tungkol saan ang grap?
Ipagpatuloy mo.
2. Mga tala ng naipong basura
3. Timbang ng mga naipong basura ng mga mag-aaral ng BSES4TH.
4. Ang pinakakaunting basura na naipon ng mga mag-aaral ay ang gamit
na bondpaper.
5. Ang mga naipong mga basura ng mga mag-aaral ng BSES ay boteng
plastic na may ginupit na plastic sa loob, boteng plastic, karton,
lumang dyaryo, at gamit na bond paper.

Modyul sa Filipino 6
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
4

Mga Paraan ng Pagbibigay-Interpretasyon


➢ Basahin at unawain ang pamagat at sab-seksyon ng teksto upang
matukoy ang layunin nito.
➢ Pansinin at unawain ang legend at scales na ginamit.
➢ Tingnan kung ang grap ay mayroong nakasaad na mga tala sa paligid,
itaas o ibabang bahagi. Tuklasin ang mga kahulugan nito batay sa legend.
➢ Suriing mabuti ang bawat bahagi.
Paggamit ng Wasto sa Mapa
Makikita sa mapa ang iba’t ibang lungsod at bayan sa NCR. Ang Caloocan
ang ikatlo sa pinakamalaking lungsod sa NCR. Base sa mapa, ang Caloocan ay
may dalawang bahagi; ang Hilagang Caloocan (North) at Caloocan (South) o
Timog.
Ang mapa ay naglalarawan ng iba’t ibang lugar kasama ang kapaligian
tulad ng lupa’t dagat. Ginagamit ang mapa sa paghahanap ng iba’t ibang lugar
sa iba’t ibang direksyon. Iba’t ibang pananda ang ginagamit upang kumatawan
sa mga lugar tulad ng guhit, tuldok, o kulay.
B. Pag-aralan ang mapa ng Metro Manila o NCR at bumuo ng mga tanong
kaugnay nito gamit ang sumusunod na impormasyon
1. lungsod ang nasa timog ng Metro Manila
2. bahagi ng tubig ang makikita sa mapa
3. bayan o lungsod ang pinakamalaki? ang pinakamaliit
4. lungsod ang matatagpuan sa dakong silangan ng Metro Manila
5. bayan mayroon ang Metro Manila

Modyul sa Filipino 6
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
5

Mga Gawain

Gawain 1.1
Sa tulong ng mga impormasyon sa bar graph bumuo ng tatlong tanong
ukol dito.

Bilang

ng

Mag-aaral

Rubrik sa Pagwawasto Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Nakabuo ng tatlong tanong na angkop 5 – taglay ang 3 pamantayan.
sa aralin. 3 – kapag 2 sa pamantayan ang nagawa.
Maayos ang pagbuo sa mga 1- kapag 1 sa pamantayan ang nagawa.
pangungusap.
Malinis ang gawain

Gawain 1. 2
Gumuhit ng sariling mapa. Ilarawan ang inyong paaralan bilang sentro
ng lugar. Huwag kalimutang isulat ang ngalan ng mahahalagang kalye at iba
pang palatandaang mapagkikilanlan dito. Bumuo ng tatlong tanong kaugnay
ng mapang ginawa.

Ikaw ay bibigyan ng puntos ayon sa nakasaad na pamantayan sa ibaba.

Rubrik sa Pagwawasto Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Naiguhit ang konsepto ng aralin. 5 – taglay ang 3 pamantayan
Kumpleto ang detalye ng gawain. 3 – kapag 2 sa pamantayan ang nagawa
Nakabuo ng 5 tanong kaugnay ng 1 – kapag 1 sa pamanatayan ang nagawa.
mapang ginawa

Modyul sa Filipino 6
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
6

Tandaan

Mga gabay sa pagbuo ng tanong kaugnay ng impormasyong taglay ng


graph, mapa at iba.
➢ Ang pagbuo ng tanong kaunay ng graph ay base sa impormasyong
makikita sa bahagi nito.
➢ Makakatulong din sa pagbuo ng tanong kaugnay ng mapa ang
impormasyong nakasaad dito gaya ng direksyon ng mga lugar at
pananda na kumakatawan sa mga lugar.

Mga Paraan ng Pagbibigay-Interpretasyon

➢ Basahin at unawain ang pamagat at sab-seksyon ng teksto upang


matukoy ang layunin nito.
➢ Pansinin at unawain ang legend at scales na ginamit.
➢ Tingnan kung ang grap ay mayroong nakasaad na mga tala sa
paligid, itaas o ibabang bahagi. Tuklasin ang mga kahulugan nito
batay sa legend.
➢ Suriing mabuti ang bawat bahagi.
Ang mapa ay naglalarawan ng iba’t ibang lugar kasama ang kapaligiran
tulad ng lupa at dagat. Ginagamit ang mapa sa paghahanap ng iba’t ibang lugar
sa iba’t ibang direksyon. Iba’t ibang pananda ang ginagamit upang kumatawan
sa mga lugar tulad ng guhit, tuldok, o kulay.
Upang ganap mong masanay ang iyong sarili sa pagbuo ng tanong tungkol sa
impormasyong inilahad sa dayagram, tsart, mapa at grap, gawin ang sumusunod
na pagsasanay.

Pag-alam sa Natutuhan

Pag-aralan ang tsart. Bumuo ng limang tanong tungkol dito

Ikaw ay bibigyan ng puntos ayon sa nakasaad na pamantayan sa ibaba.

Modyul sa Filipino 6
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
7

Rubrik sa Pagwawasto Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Wasto ang pagkakabuo ng mga 5 – taglay ang 3 pamantayan
tanong. 3 – kapag 2 sa pamantayan ang nagawa
Ankop ang mga tanong sa tsart. 1 – kapag 1 sa pamanatayan ang nagawa.
Nakabuo ng limang tanong tungkol sa
tsart.

Ikaw ay nasa huling bahagi na ng modyul. Sagutin ang sumusunod


upang ganap na masukat ang iyong pag-unawa sa mga aralin mo ngayon.

Pangwakas na Pagsusulit

Gumawa mg buwanang budget ng inyong pamilya. Gumawa ng bar graph


at bumuo ng tatlong tanong ukol dito.
Rubrik sa Pagwawasto Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:
Naiguhit ang konsepto ng aralin. 5 – taglay ang 3 pamantayan
Kumpleto ang detalye ng gawain. 3 – kapag 2 sa pamantayan ang nagawa
Nakabuo ng tatlong tanong tungkol sa 1 – kapag 1 sa pamanatayan ang nagawa.
graph na ginawa

Pagninilay

uoin ang dayagram sa pamamagitan ng mga patapong bagay na maaring i-


recycle.

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroong


bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan
ka sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 6
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
8

FILIPINO 6
SAGUTANG PAPEL
Ikaapat na Markahan- Ikalimang Linggo

Pangalan: _________________________________ Guro: ______________

Baitang at Seksyon: _______________________ Iskor: _____________

Paunang Pagsubok
1
2
3
4
5
Balik – tanaw

1
2
3
4
5
Pagpapakilala sa Aralin

A.
1.

2.

3.

4.

5.

B.

1.

2.

3.

4.

5.

Mga Gawain

Gawain 1.1

1.

2.

3.

Modyul sa Filipino 6
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo
9

Gawain 1.2

Pag-alam sa Natutuhan

1.

2.

3.

4.

5.

Pangwakas na Pagsusulit

Pagninilay

Modyul sa Filipino 6
Ikaapat na Markahan: Ikalimang Linggo

You might also like