Professional Documents
Culture Documents
Ako Ay Isang Teenager
Ako Ay Isang Teenager
Ang “Adolescence” ay
ang panahon kung saan makararanas tayo
ng napakaraming pagbabago ano man ang kasarian na mayroon ang
isang tao. Maraming katanungan ang nabubuo, mga pangyayari na
hindi maintindihan, at kaguluhan sa isipan na masasagot lamang sa
muling pagusad ng panahon.
Marami ang hindi masaya sa
pagbabagong pisikal subalit
para sa akin ay ayos lang
naman ang mga iyon at
normal na pinagdadaanan ng
lahat. Madalas ay
nakararamdam ako ng mga
hindi maipaliwanag na
emosyon, pagkalito sa paggawa ng
desisyon, at kung minsan ay tila
nabibigla
sa mabigat
na
responsibilidad na dala ng
pagtanda. Ika nga nila, “hindi ka na bata
at dapat ay matuto ka nang maging
responsable sa iyong mga ginagawa”. Hindi
ko maipagkakaila na may hatid na
“pressure” kase mahirap ilugar ang edad ko. Hindi ako bata pero
hindi rin naman ako ganap na “adult”. Bukod doon, tunay na lalo
pang pinahirap ng panahon na ito ang pagiging isang teenager. Iyon
ay dahil mahirap gumalaw sa lipunan na puno mga
taong ginagawang normal ang pangmamaliit ng
kapwa. Subalit sa kabila ng lahat ng ito, ayoko
panghinaan ng loob sa pagiisip na hindi ko
kakayanin. Kakayanin ko dahil gusto ko at iyon
ang mahalaga. Mahirap at magulo ang daan
ngunit hindi iyon dahilan upang tumigil ka
sa paghakbang. Para sa akin, kung titibayan
mo ang iyong loob ay kakayanin
mong sumulong ilang bundok
man ang kailanagn
mong patagin.
Masasabi kong