Professional Documents
Culture Documents
Research
Research
Apat na Kayarian ng Pantig
1. P - isang patinig, tulad sa unang pantig ng salitang "aso" (P-KP) [na may dalawang pantig “a” (P) at
“so” (KP)]
2. KP - isang katinig at isang patinig, tingnan sa blg. 1
3. PK - isang patinig at isang katinig, tulad sa unang pantig ng salitang “astig” (PK-KPK) [na may
dalawang pantig “as” (PK) at “tig” (KPK)]
4. KPK - isang patinig sa gitna ng salawang katinig, tingnan sa blg. 3
Nang pumasok ang mga salitang Spanish, nagkaroon ng “kambal-katinig” (tulad ng BR sa salitang
“braso”, PL at TS sa salitang “plantsa” atbp.) o klaster sa Filipino. Nandyan ang KKP (”bra” ng salitang
braso) at KKPK (”tren”).
Sa Filipino, tanggap ang paggamit ng mga salitang hiram sa English at binaybay sa Filipino.
Pormasyon ng Pantig
1. P (Patinig) - pantig na binubuo ng patinig lamang, kaya't tinatawag na payak
Halimbawa:
a-ba-ka
I-go-rot
a-so
a-wit
e-le-men-tar-ya
Ang Pagpapantig
2. Ang magkasunod na katinig sa loob ng isang salita ay pinaghihiwalay, ang una ay kasama sa patinig
na sinusundan at ang ikalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
tukso > tuk - so
pandak > pan - dak
luksa > luk – sa
4. Sa pag-uulit ng pantig:
a. Ang patinig lamang ang inuulit kung ito ay unang tunog ng salitang ugat.
Halimbawa:
asa > a-a-sa
alsa > a-al-sa
ekstra > e-eks-tra
b. Kung ang unang pantig ng salitang ugat ay nagsisimula sa katinig-patinig ang katinig at kasunod na
patinig lamang ang inuulit
Halimbawa:
punta > pu-pun-ta
sulat > su-su-lat
prito > pi-prituhin
Ang tamang paggamit ng gitling (-)
=Proper use of hyphen (-)
a) Sa pag-uulit ng salitang ugat o mahigit na isang pantig ng salitang ugat.
=By repeating the root word or more than one syllable of the root word.
Halimbawa:
gabi-gabi
isa-isa
kani-kanila
sila-sila
kami-kami
b) Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na
kapag hindi ginigitlingan ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.
=If the prefix ends in a consonant and the word is preceded by a vowel that when not preceded has
a different meaning.
Halimbawa:
nag-isa
nag-ulat
pang-ako
c) Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
=When a word is missing between two words combined.
Halimabawa:
Pamatay ng daga - pamatay-daga
hayop sa gubat - hayop-gubat
kapit sa tuko - kapit-tuko
d) Kapag mayroong isang unlapi ang nag-iisang pangalan ng isang tao, lugar, tatak ng isang bagay
o kagamitan at sagisag . Ang nag-iisang pangalan ay walang pagbabago sa pagbaybay.
=When there is a prefix the only name of a person, place, brand of an object or equipment, and
emblem. The single name has no spelling change.
Halimbawa:
maka-nanay
maka-Diyos
mag-Jolibee
maka-Rizal
e) Sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang pantig (first syllable) ng isahan na pangngalan (singular
noun), ang gitling ay inililipat sa pagitan ng paulit-ulit na unang pantig ng isahan na pangngalan at
ng buong isahan na pangngalan.
=By repeating the first syllable of the singular noun, the hyphen is moved between the repeated first
syllable of the singular noun and of the whole singular noun.
Halimbawa:
Mag-Jolibee magjo-Jolibee
Mag-Fundador magfu-fundador
f) Kapag ang panlaping (suffix) ika- ay iniunlapi sa numero o tambilang.
=When the suffix ika- is prefixed to a number or digit.
Halimbawa:
ika-30 pahina
ika-4 na buwan
ika-5 palapag
g) Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraksyon.
=When fractional units are written.
Halimbawa:
Isang-kadalawa (1/2) lima’t dalawang-kaanim (5 2/6)
dalawa't isang-kadalawa (2 1/2)
h) Kapag nagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang asawa.
=When the surname of a woman and her husband is joined or combined.
Halimbawa:
Isabel Monson-Reyes Josefa Madrid-Ganzon
Gina Tan-Bello
i) Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.
=When a word is divided at the end of a line.
Halimbawa:
Tinuruan ni Jose si Dante ng wastong pag-luto ng adobo