Hazel Dolor

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

EPEKTO NG LINGGUHANG PAGYUDYURNAL SA PAGPAPAUNLAD NG KASANAYAN

SA PAGSULAT NG SANAYSAY NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO 10

HAZEL Z. DOLOR
Dagupan City National High School
SDO- Dagupan City

Abstrak
Isa sa limang makrong kasanayang nililinang ng asignaturang Filipino bilang asignaturang
pangkumunikasyon ang kasanayan sa pagsulat. Natuklasan na mababa ang kasanayan ng mga mag-
aaral sa pagsulat ng sanaysay sa baitang sampu(grade 10) ng Pambansang Mataas na Paaralan ng
Lungsod ng Dagupan. Layunin nitong paunlarin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng
sanaysay sa gamit ang estratehiyang lingguhang pagdyudyurnal. Piniling gumamit ng mananaliksik ng
estratehiyang lingguhang pagdyudyurnal bilang solusyon sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-
aaral sa pagsulat ng sanaysay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng lingguhang pagdyudyurnal sa mga
araling tinalakay sa klase.Tinalakay rin ang paggamit ng wastong bantas at wastong salita sa
pangugusap. Pagkatapos isagawa ang mga gawain sa klase at paggamit ng interbensyon ay nakitang
nagkaroon ng pag-unlad sa kasanayan ng mga mag-aaral sa kanilang kakayahan sa pagsulat ng
sanaysay. Gumamit rin ng mga research tools tulad ng sarvey at pagsusulit (pretest) upang tukuyin ang
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay Gumamit ng isangdaang mag-aaral (100) na taga-
tugon sa pag-aaral na tumagal ng anim na buwan. Lumabas rin sa resulta ng t test na may significant na
defirens. Batay sa resulta, nagbigay ang mananaliksik ng konklusiyon na nagsasabing nakatulong ang
estratehiyang lingguhang pagdyudyurnal sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat
ng sanaysay.

Mga susing salita: pagdyudyurnal, kasanayan sa pagsulat, pretest, posttest, wastong bantas, wastong
salita

1. Panimula
Ang wika, pasalita man o pasulat ay ginagamit na behikulo sa pagpapahayag ng ating mga
nadarama at mga pangangailangan. Bilang mga gawaing komunikatibo, kailangang sundin ng bawat
nagsasalita o sumusulat ang pagkakaroon ng kamalayan sa pakikipag-ugnayang panlipunan at ang
paggamit ng decorum sa pasalita man o pasulat na diskurso. Ang mga ito ang magiging gabay ng
tagapagsalita o manunulat sa pagpili ng angkop na wikang gagamitin sa iba’t ibang panahon. Pagdating
sa pagsulat, hindi lang ang angkop na wikang gagamitin sa iba’t ibang panahon ang isinasaalang-alang.
Mahalaga sa pagsulat ang wastong gamit ng mga salitang gagamitin upang makuha ang nais sabihin ng
manunulat.
Ang pananaliksik na ito ay naka-focus sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat gamit ang
pagdyu-dyurnal. Marami ng sumubok na gumamit ng dyurnaling upang mapaunlad ang gramatikal na
kasanayan (The use of Journals to develop grammatical accuracy in writing –Puengpipattrakul (2009).
Dito, ginamit ni Puengpipattrakul ang pagsulat ng dyurnal upang mapaunlad ang kasanayan ng mga
Thailanders na mag-aaral at maiugnay ito sa repleksyon sa buhay ng mga ito kasama ang mahusay na
gramatika sa pagsulat sa wikang Ingles.Ginamit niya ang apat (4) na bahagi ng pagdyudyurnal—
1.Pagpaplano (planning); 2.Aksyon (acting); 3.Pagmamasid (observing) at 4.Repleksyon (reflecting)
Isa ring pananaliksik ang gumamit ng pagdyudyunal bilang istratehiya sa pagpapaunlad ng
kasanayan sa pagsulat(Improving Tenth-grade students’Five-paragraph Essay in Using Various Writing
Strategies,Guided Assignments,and Portfolios for Growth-Carolyn Hopkins 2002).Ayon sa
pananaliksik na ito,naging informative at akma sa pagtuturo ng wastong pamamaraan ng pagsulat sa
mga mag-aaral ng sekondarya ang “Five-Paragraph Essay(2002)”.Nagkaroon din ng malawak na
kaalaman ang mga mag-aaral sa kanilang wikang pambansa at wikang panlabas na Ingles.
Ayon din kay Lis Tsu (2014) sa kanyang thesis, “Ang epektibong pagpapahayag sa sariling
pananaw, opinion at ideya tungkol sa isang paksa sa pasulat na anyo gamit an gating sariling wika at
isang kasanayan na dapat malinang sa bawat mag-aaral”. Ito ang huhubog ng tiwala nilang
makipagtalastasan na lubhang mahalaga sa pag-unlad ng bawat kabataan at/o mag-aaral. Subalit sa
kasalukuyan,nakakaranas ang mga mag-aaral ng alalahanin kung paano sisimulan ang kanilang talata
ukol sa paksang susulatin kasabay ng maling gamit ng mga salita at bantas na siyang suliranin naman
sa aspeto ng grammatika.Nakatatak na sa isip ng mga mag-aaral na dahil ang wikang gagamitin sa
pagsulat ay sariling wikang pambansa,kampante ang mga ito.Hindi nila matanto sa umpisa ang maling
grammatika , maligoy at paulit-ulit ng kaisipan kaya hindi maayos ang pagkakasulat at walang kaisipan
ang awtput na talata.
Ayon kay Badayos (1999), ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyong
interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinusulat o inuukit sa isang makinis na bagay tulad ng papel,
tela o di kaya’y isang malapad at makapal ng tipak ng bato,
Ayon naman kay Rivers (1975), ang pagsulat ay isang gawaing nag-uugat mula sa pagtatamo
ng kasanayan hanggang sa ang mga kasanayang ito ay aktuwal na magagamit. Sa Kagawaran ng
Edukasyon, nakalahad sa Batayang Konseptuwal sa Balangkas sa pagtuturo ng Filipino K to 12 ang
pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 ang makalinang ng isang buo at ganap na Filipinong
may kapaki-pakinabang na literasi. Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1)
kakayahang komunikatibo, (2) replektibo/mapanuring na pag-iisip at, (3) pagpapahalagang
pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa
pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang
makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.
Habang iwinawasto ng mananaliksik ang mga gawain ng mga aaral na may kinalaman sa
pagsulat ay napansin niyang marami sa mga mag-aaral ang may kamalian sa wastong paggamit ng mga
bantas at gamit ng mga salita sa kanilang mga sulatin, kaya’t itinala ng mananaliksik ang bilang ng mga
mag-aaral na may kamalian sa paggamit ng wastong bantas at lumabas sa kaniyang talaan na may
siyamnapu’t tatlong bahagdan (93%) o siyamnapu’t tatlo (93) na mag-aaral sa kabuuang isaang daan
(100) ang hindi maayos ang paggamit ng mga bantas sa kanilang sulatin. Ang hindi maayos na paggamit
ng mga mag-aaral ng wastong bantas at gamit ng mga salita ay nagbubunsod sa kanila upang hindi
mayos na makapagsulat ng kanilang mga sulatin lalong-lalo na sa pagsulat ng mga sanaysay. Dahil sa
naobserbahan suliranin ay minabuti ng mananaliksik na magsagawa ng isang sarvey upang malaman
ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga bantas sa pagsulat ng sanaysay at
lumabas sa resulta ng marami sa kanila ang may bahagyang kaalaman lamang sa paggamit ng mga
bantas. Napakahalaga ang paggamit ng wastong bantas sa pagsulat sapagkat mas pinalilinaw nito ng
bawat mensahe at ideya na isinusulat ng may akda nito at kapag natamo ang layuning ito, ang mga mag-
aaral ay tiyak na magkakaroon ng ganap at lubusang pagkatuto sa larangan ng pagsulat na mahalagang
dapat natutunan ng mga mag-aaral upang makapagsulat ng sanaysay na bahagi ng sistema ng
pagmamarka sa bagong kurikulum.
Sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa Baitang Sampu (Grade 10), kapansin-pansin ang mga
lingguhang awtput ng mga mag-aaral sa larangan ng komunikatibong kakayahan na pasulat. Kadalasan,
mali ang wastong gamit ng mga salitang ginagamit. Pati na rin ang mga wastong bantas na ginagamit.
Kung susuriin ang Modyul para sa Mag-aaral ng Baitang Sampu (grade 10) na siyang nagsisilbing
batayan ng aralin na itinuturo sa mga mag-aaral, walang leksiyon sa wastong gamit ng mga salita at
wastong gamit ng mga bantas. Sa kabilang banda, kapansin-pansin ang pangkalahatang pamantayan ng
K to 12.
Maganda ang mithiin ng K to 12 subalit kung susuriin ang modyul ng mag-aaral nawala ang
pagtuturo ng retorika na naka-fokus sa wastong gamit ng salita at wastong gamit ng mga bantas. Dahil
sa ganitong obserbasyon, minabuti ng mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral ukol sa kahinaan ng
mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay na may wastong gamit ng salita at bantas. Aalamin ng mananaliksik
kung mayroon bang pagbabago sa lingguhang awtput na pasulat ng dyurnal mga mag-aaral kapag
isinama sa leksiyon/aralin ang wastong gamit ng salita at bantas sa Filipino gamit ang pagdyuyurnal na
magpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng talata. Ang Pagdyudyurnal bilang interbensyong ginamit
ng mananalilsik sa pag-aaral na kanyang ginawa ay kaiba sa iba-pang kahalintulad na pananaliksik
sapagkat binago ng mananaliksik ang proseso ng paggamit nito sa pamamagitan ng pagpapasulat sa
mga mag-aaral ng dyurnal lingo- linggo at kanya itong iwinawasto, itinatala ang mga kamalian at
inilalagay ang fidbak sa mga sulatin ng mga mag-aaral upang kanilang sundin para sa muling pagsulat
nito hanggang sa maging maayos na ang sulatin ng mga mag-aaral.
2. Metod
2.1 Disensyo ng Pananaliksik
Gumamit ang mananaliksik ng Pretest Posttest Experimental na disenyo ng pananaliksik.Ito ay
ginamit upang malaman ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa kasanayan sa pagsulat ng
sanaysay gamit ang lingguhang pagdyudyurnal bilang interbensyon.
2.2 Partisipant
Gumamit ng purposive sampling sa pagpili ng participant sa pamatnubay ng mananaliksik. Ang
mga partisipant sa ginawang pag-aaral ay binubuo ng sandaang (100) mag-aaral mula sa Grade 10-3 at
grade 10-4, mga klaseng nagmula sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Dagupan bilang
mga taga-tugon sa gagawing pag-aaral. Ang Grade 10-3 na binubuo ng limampu (50) na mag-aaral ay
ginamit bilang control group at ang grade 10-4 na may limampu (50) na mga mag-aaral ay ginamit
expiremental group. Hinati sa dalawang pangkat ang mga respondents, ang grade 10-3 na binubuo ng
limampung (50) mag-aaral ay ginamit bilang control group at ang grade 10-4 na binubuo ng limampung
(50) mag-aaral ay nagsilbi naming experimental group. Sumailalim sa pagtuturo ng wastong gamit ng
salita at bantas ang mga mag-aaral na nasa experimental group. Pagkatapos ng interbensyong
linnguhang pagdyudyurnal ay ipinasagot yaong panghuling pagtataya (posttest) na katulad ng paunang
pagtataya(pretest) at tinaya kung may pagbabago o significant na defirens ba iskor ng mga mag-aaral
at ininterpret ang resulta.
2.3 Instrumentasyon
Ang unang isinagawang gawain ng mananaliksik ay ang tseklis sarbey sa katanungang may
kinalaman sa kakayahan ng mga mag-aaral sa wastong gamit ng mga salita at mga bantas na sasagutin
sa pamamagitan ng paglalagay ng mga mag-aaral ng tsek o ekis sa bawat katanungan at ipinasagot sa
mga mag-aaral na siyang ginamit sa pag-aaral. Layunin nitong matukoy kung talagang may kaalaman
na silang natamo bago ng pananaliksik sa larangan ng wastong bantas at gamit ng salita at ginamit ng
mananaliksik ito sa pagproseso ng pag-aaral. Pagkatapos, nagsagawa ng pretest tungkol sa wastong
gamit ng bantas at salita. Sinuri ang resulta ng pretest, mula rito itinuro ng mananaliksik ang wastong
gamit ng salita at bantas. Ginamit ang lingguhang pagdyudyurnal upang mapaghusay at mapaunlad ang
kakayahan sa pagsulat ng sanaysay na siyang focus ng pag-aaral. Gumawa rin ang mananaliksik ng
teacher made test na may talahanayan ng espisipikasyon ng paunang pagtataya na naka-fokus sa
wastong gamit ng salita at bantas para sagutin ng control at expiremental na grupo. Ang pagtataya ay
ipinavalideyt sa mga guro ng Filipino sa grade 10, Puno ng kagawaran ng Filipino at tagamasid
pansangay sa Learning Resource.
2.4 Pag-aanalisa ng mga Datos
Ang Microsoft Excel Data Analysis Toolpack ang ginamit sa pagkompyut ng independent t test
of Two- Sample Assuming Equal Variances. Ang pretest ang siyang unang isinagawa upang makita at
masuri ang kahinaan ng mag-aaral sa kasanayan sa pagsulat lalo sa wastong gamit ng salita at bantas.
Sa naging resulta ng pretest, nagsagawa ng interbensiyon ang mananaliksik gamit ang lingguhang
pagdyudyurnal. Itinuro ng mananaliksik sa mga mag-aaral ang wastong gamit ng salita at bantas.
Pagkatapos na naisagawa ang interbensiyon, nagbigay ng posttest ang mananaliksik upang makita kung
may pag-unlad na naganap sa isinagawang pag-aaral. Nakita sa posttest na nagkaroon ng pagbabago
batay na rin sa iskor ng mga nasa experimental group.

3. Resulta
Ang bahaging ito ay naglalaman ng paglalahad ng mga datos na nakalap sapretest at posttest
na nagpapakita ng kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wastong gamit ng salita at bantas sa
pangungusap gamit ang lingguhang pagdyuyurnal upang mapaunlad at mapahusay ang kakayahan ng
mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay. Ang mga datos ay nakolekta sa focus group discussion na
nailahad ang hinggil sa kahinaan ngmga mag-aaral sa paggamit ng wastong bantas at salita upang
makapagsulat ng sanaysay sa lingguhang pagdyudyurnal.
Talahanayan 1Sarvey sa kaalamang panggramatika (wastong gamit ng bantas at salita)
Pangkat Tatlo (Grade 10-3)
Tanong bilang May higit na kaalaman May bagyang kaalaman
tsek( /) ekis (x)
1 16 34
2 18 32
3 16 34
4 20 30
5 20 30
Kabuuan 90 160

Pangkat Apat (Grade10-4)


Tanong bilang May higit na kaalaman May bagyang kaalaman
tsek( /) ekis (x)
1 15 35
2 17 33
3 20 30
4 16 34
5 20 30
Kabuuan 88 162

Talahanayan 2 Ang resulta ng pretest at posttest ng control na grupo -Grade 10-3 na hindi itinuro ang
wastong gamit ng salita at bantas
Difference Critical
Mean Control
Between Means
group Value t value
7.04
Pretest 15.78 1.98 12.4

Posttest 22.82

Ang talahanayan 2 ay nagpapakita sa significant defirens ng pretest at posttest ng experimental na


grupo. Makikita ang pagtaas ng t value sa critical value ng 1.98. May bahagyang pagtaas ng significant
defirens.

Talahanayan 3 Ang resulta ng pretest at posttest ng experimental na grupo-Grade 10-4 na itinuro ang
wastong gamit ng salita at bantas

Difference Critical
Mean Control
Between Means
group Value t value
Pretest 13.34
15.74 1.98 26.11
Posttest
29.08
Ang talahanayan 3 ay nagpapakita sa significant defirens ng pretest at posttest ng experimental
na grupo. Makikita ang pagtaas ng t value sa critical value ng 1.98.Malayong mas malaki ang significant
defirens.

Talahanayan 4 Summary ng Resulta ng Pretest at Posttest ng Control at Experimental Group

Mean Difference Critical value


Mean
Between t value
Experimental Control 1.984
Means
Pretest 0.06
15.74 15.78 1.984
0.04
Posttest 12.94
29.08 22.82 6.26

Ang talahayan 4 ay nagpapakita sa kangkalahatang resulta ng pretest at posttest ng control at


experimental na grupo. May significant defirens sa dalawang grupo subalit mas may pagtaas sa resulta
ng mean ng experimental na grupo. Nagpapakita ito na ang interbensyong pagdyudyurnal ay epektibo
sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.

4. Pagtalakay
Batay sa resulta ng sarvey sa talahanayan 1, lumalabas na may tatlong daan tatlumpo’t
dalawang ekis (322) kabuuan ng mga mag-aaral sa pangkat 3 at 4 na may bahagyang kaalamang
panggramatika sa wastong gamit ng bantas at salita. Sa kabilang banda, may kabuuang
isangdaanpitumpo’twalong tsek (178) na may higit na kaalamang panggramatika sa wastong gamit ng
bantas at salita.
Sa talahanayan 2, makikita ng kinalabasan ng pretest at posttest ng limampung (50) mag- aaral
sa pangkat tatlo (section 3) na hindi dumaan sa pagtuturo ng wastong bantas at salita, nakadepende
lamang sila sa dating kaalaman (prior knowledge) ukol dito. Lumabas na may bahagyang pagtaas ng
iskor kung ang pagbabatayan ay ang kani-kaniyang iskor. Ibig ipahiwatig nito na may pagkatuto subalit
hindi ganoong kataas ang pagkakaiba ng kinalabasan ng pretest at posttest sa control na grupo pagtaas
sa mean. Nangangahulugan lamang na ang mga mag-aaral na hindi ginamitan ng interbensyon ay may
mas mababang pagkatuto pagdating sa kakayahang sumulat ng sanaysay.
Sa talahanayan 3, makikita naman kinalabasan ng pretest at posttest ng limampung (50) mag-
aaral sa Grade 10- 4 na dumaan sa pagtuturo ng wastong bantas at salita. Lumabas na may kaunting
pagtaas ng iskor subalit hindi gaanong mataas kung ang pagbabatanyan ay ang kani-kaniyang iskor.
Ngunit mayroon bahagyang pagtaas ng mean. Ibig ipahiwatig nito na may pagkatuto dahil sa
pagkakaiba ng kinalabasan ng pretest at post test sa experimental na grupo na ito.
Sa ginawang pag-aaral ng mananaliksik, kung paghahambingin ang naging resulta ng
Talahanayan 2 at 3, lumalabas na mas higit ang pagkatuto ng mga mag-aaral ng Grade 10-4 na tinuruan
ng wastong gamit ng bantas at salita na ginamit sa lingguhang pagdyudyurnal. Ayon pa sa mga mag-
aaral, mas higit nilang kinagiliwan ang pagsusulat ng sanaysay dahil ganap ang kaalaman nila sa
panggramatikal na gamit ng bantas at salita.Sa gayon,papabilis at magiging maganda ang kanilang
sanaysay dahil hindi na sila mangangamba sa kanilang isinusulat at maayos ang pagkakasunod-sunod
ng kanilang ideya na isa ring sangkap sa pagsusulat ng sanaysay.Naibigan din nila ang mga paksang
ibinigay ng mananaliksik dahil ito’y batay sa buhay at pangyayaring nagaganap sa araw-araw. Ika
nga’y, “ang karanasan ng tao ang siyang magtuturo sa kanya”. Kapansin-pansin din ang pagkakaiba
at pagbabago ng mga nakuha ng mga mag-aaral ng grade 10-4 mula sa mean ng pretest at posttest.
Hindi gaanong mataas subalit di hamak na mas mataas kaysa sa resulta ng mean ng Grade 10-3 mula
sa pretest at post test na siyang pinapatunayan at maipaghahambing ang resulta ng pananaliksik.
Sa talahanayan 4, makikita sa ang resulta ng pretest ng mga mag-aaral ang bahagyang mean
defirens na mas mataas ang resulta ng posttest.Upang malaman kung ang mga mean ay may significant
defirens ang t-value ay kinumpyut sa pamamagitan ng Microsoft Excel Data Analysis Toolpack sa
pagkompyut ng independent t test of Two- Sample Assuming Equal Variances .Naggpapakita lamang
nito na may pag-unlad sa kasanayan sa pagsulay ng sanaysay kung itinuro ang wastong gamit ng bantas
at salita sa pagdyudyurnal na interbensyon. May pagkagiliw ang pagsulay ng sanaysay sa paggamit ng
mga napapanahong paksa at naaayon sa pang-araw-araw na pamumuhay.

5. Konklusyon
Ang nabuong konklusyon ng mananaliksik batay sa naging resulta ng lingguhang pagdyudyurnal sa
pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral sa seksyon 3 at 4 ng Filipino 10
ay ang mga sumusunod: una, kailangang ituro at isali sa leksiyon sa Filipino 10 ang wastong gamit ng
salita at bantas upang maging maayos at mahusay ang pagsulat ng sanaysay; ikalawa,may pagtaas sa
lebel ng pagkatuto lalo sa kasanayan sa pagsulat ng sanaysay na isa sa makro-kasanayang dapat linangin
at taglayin ng isang mag-aaral bukod pa sa ito’y bahagi ng sistema ng pagmamarka sa K to
12;ikatlo,magiging madali sa mga mag-aaral ang pagbuo ng sanaysay sapagkat may kaalaman na sila
sa gagamiting wastong gamit ng salita at bantas.Magiging interesado na silang sumulat ng sanaysay na
taglay ang wastong grammatika at retorikang aspeto ng isang pangugusap at talata. Sa bahagi ng guro,
mapagaan rin ang kanilang pagwawasto ng sanaysay dahil mahusay na ito sa gramatikal na aspeto isama
na ang organisasyon at nilalaman; at magiging interesado na magsulat ng sanaysay ang mga mag-aaral.

Referens
Badayos, P. B. (1999). Metodolohiya ng Pagtuturo ng Wika. Makati City: Granwater Publications and
Research Corporation.
Hopkins, Carolyn (n.d.) Improving Tenth-Grade Students Five-Paragraph Essay using Various Writing
Strategies, Guided Assignments and Portfolios for Growth,2002.http://eric.ed.gov./?id:ED471633.
Puengpittrakul, W (n.d.). The use of Journals to Develop Grammatikal Accuracy in
Writing.Lecture,Language Institute, Chulalongkorn University,Bangkok Thailang, 2009.
Rivers,G.1(975)._documnets.tips/documents/kasanayan-sa-pagsulat-562e64a01c53e.html
Tsu, Liz. Thesis format orig & edited.http//www.slideshare.net/analsalas923/thesis-ni-liz-tsu-format-
orig-edited.

You might also like