Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pagsulat -> ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral

Ang pagsulat ayon kina:


Cecilia Austera et. Al. 2009 [Komunikasyon sa Akademikong Filipino]
 ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais
ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe
Edwin Mabilin et al. 2012 [Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino]
 ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay
naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng
kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan

Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat


Royo (2001)
 pagbasa, pagsulat at pananaliksik, Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog
sa damdamin at isipan ng tao
Edwin Mabilin et al. 2012 [Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino]
 personal o ekspresibo - nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o
nadarama ng manunulat
 panlipunan o sosyal - makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan

Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benepisyong maaaring makuha sa


pagsusulat:
1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa
pamamagitan ng obhetibong paraan
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng
pagiging obhetibo sa paglatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na
impormasyon
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos sa kakailanganin sa pagsulat
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng
kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang
batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat


1. Wika --- ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan,
kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong
nais sumulat.

2. Paksa --- mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat.

3. Layunin --- ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong
isusulat.

4. Pamamaraan ng pagsulat --- may limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat upang


mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng
pagsusulat.
 Paraang impormatibo – ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng
impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa
 Paraang ekspresibo – ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng
sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman
 Pamaraang naratibo – ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o
magsalaysay ng mga pangyayari
 Pamaraang deskriptibo – ang pangunahing pakay ng pagsulat ay
maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis, ng mga bagay o pangyayari
 Pamaraang Argumentatibo – ang pagsulat ay naglalayong manghikayat
at mangumbinsi sa mga mambabasa

5. Kasanayang pampag-iisip --- dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa


o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga
impormasyong dapat isama sa akdang isusulat
6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat --- dapat ding isaalang-alang sa
pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika

7. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin --- tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang
mga kaisipan at impormasyon

Mga Uri ng Pagsulat


1. Malikhaing Pagsulat [Creative Writing ]

2. Teknikal na Pagsulat [Technical Writing]

3. Propesyonal na Pagsulat [Professional Writing]

4. Dyornalistik na Pagsulat [Journalistic Writing]

5. Reperensiyal na Pagsulat [Referential Writing]

6. Akademikong Pagsulat [Academic Writing]

You might also like