Prayer Meeting 12.08.21

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Prayer Meeting 12.08.

2021
SERMON RECAP
Title: “Magnify Christ by Serving Others”
I. Opening Prayer
II. Praise and Worship – Mahal na Mahal na Kita Panginoon

III. Scipture Reading: Filipos 1:20-26


20 
Ang aking pinakananais at inaasahan ay ang hindi ako mapahiya sa anumang bagay; kundi sa lahat ng
panahon, at lalo na ngayon, ay buong tapang kong maparangalan si Cristo sa buhay man o sa
kamatayan. 21 Sapagkat para sa akin, ang buhay ay para kay Cristo at ang kamatayan ay pakinabang. 22 Kung
ako'y mananatiling buháy, ito'y kapaki-pakinabang sapagkat marami pa akong magagawang mabubuting
bagay. Hindi ko ngayon malaman kung alin ang aking pipiliin. 23 May pagtatalo sa loob ko; nais ko nang
pumanaw sa mundong ito upang makapiling ni Cristo, sapagkat ito ang lalong mabuti. 24 Ngunit alang-
alang sa inyo, mas kailangan pang manatili ako sa buhay na ito. 25 Dahil dito, natitiyak kong ako'y
mabubuhay pa at makakasama ninyong lahat upang matulungan kayong magpatuloy nang may kagalakan
sa inyong pananalig sa Panginoon. 26 Kung magkagayon, lalo ninyo akong maipagmamalaki at lalo ninyong
pupurihin si Cristo Jesus dahil sa aking pagbabalik sa inyo.

(PURIHIN PO ANG BANAL NA KASULATAN NG PANGINOON. AMEN)

Greetings:
Mapagpalang Hapon po sa ating lahat.
Pinagpala po ba ang hapon ng bawat isa sa atin na kasama natin ngayon,
sa pinakamahalagang gawaing ito ng Panginoon?

Kumusta po ang ating mga naging buhay nitong nakaraang araw?


Wala naman po bang mga problema sa ating bahay, pag-aaral o trabaho, etc.?

Nagkaroon po ba kayo ng pagsasabuhay sa Salita ng Panginoon na inyong natanggap noong


nakaraang Lord’s day?

II. Message

Bago po tayo tuluyang dumako sa ating pananalangin sa hapong ito,


magkaroon po muna tayo ng short recap sa mensahe na ating natanggap noong nakaraang linggo.
Do we still remember God’s important message to us? (Ask the members)

After you receive God’s message,


*Inyo po bang naparangalan ang Panginoon sa inyong buhay sa pamamagitan ng inyong paglilingkod
sa inyong kapwa from Lord’s day hanggang today?
*Were you able to live as Christians magnifying Christ in your life, by serving others?

*Sa paanong simpleng paraan po natin napaglingkuran ang ating pamilya, kaibigan higit sa lahat mga
kapatid sa pananamapalataya? Maaari niyo po ba itong ibahagi sa iba nating mga kapatid, nang sa
gayon sila mandin po ay magkaroon ng determinasyon upang isabuhay ang bagay na ito?
(Let them answer)

Sa hapon pong ito, ating muling balikan ang mensahe na ito ng Panginoon,
na siyang lubos na makakatulong sa ating ganapin ang layunin ng ating buhay.
At ano nga po ulit ang layunin (PURPOSE/GOAL) ng ating buhay base sa message last Lord’s day?
(Let them answer)
Tama po. That is to give glory to God, o parangalan si Cristo.

Ngunit, ayon sa mensaheng ating napakinggan,


Marami sa mga tao ang mayroong VISION DEFICIENCY (do we still remember this?)
Ipinaliwanag pa nga po ni Pastor Shane ang layunin ng pagsusuot ng eyeglass at ng kaugnayan or
relation nito sa pagkakaroon ng vision deficiency.
Mayroon ang marami sa mga tao na vision deficiency sapagkat hindi nila nakikita ang pangangailangan
at problema ng ibang tao around them dahil sa kanilang mga sariling paghihirap at problema.
And EVEN CHRISTIANS, had also this VISION DEFICIENCY, sapagkat they can’t see clearly the needs
and the problems of many people around them especially ng mga KAPATID sa PANANAMPALATAYA.
Para sa kanilang pananampalataya

Actually ang mensahe po noong nakaraang linggo ay isa sa pinakamahalagang mensahe na


napapanahong mapakinggan natin sa ngayon muli, why? Dahil kahit na ito ay paulit ulit na nating
napapakinggan, still marami parin po sa ating mga Kristiyano ang nakakalimot sa bagay na ito,
At sila ay tuluyang namumuhay ng mayroong malabong layunin sa kanilang buhay bilang mga
mananamapalataya. Ganito rin po ba tayo?

Ating patuloy na siyasatin at alalahanin ang mensahe ng Panginoon.

Sa sulat ni Apostol Pablo para sa mga taga-Filipo, in vv. 12-18, patuloy niyang inihahayag ang kanyang
kagalakan because despite of his being imprisoned, they continually do their good work for the glory
of the Lord.
-he also expresses to them, na ang kanyang pagkakakulong ay may kapakinabangan, upang madaling
maipalaganap ang Mabuting Balita.
-also despite sa mga nagrise up na preachers that time, na nangangaral tungkol kay Cristo out of their
jealousy and being quarrelsome, nagkaroon parin siya ng kagalakan sapagkat sinambit niya in v.18, na
“ngunit walang anuman sa akin ang lahat ng iyon. Ikinagagalak ko pa nga na si Cristo ay
naipangangaral, maging tapat man o hindi ang hangarin ng ibang mga nangangaral.”

And in vv. 20-26, na siyang main point ng mensahe last Lord’s day, ipinakita ni Apostle Paul ang
kanyang passion to Magnify Christ, malinaw sa kanya kung ano ang kalooban ng PAnginoon sa
kanyang buhay, and that is to passionately serve other people sa kabila ng kanyang situation, at
paghihirap mula sa kanyang mga taga-usig at kaaway.
Patuloy na naging malinaw ang kanyang paningin sa pangangailangan ng ibang mga
mananampalataya para sa pananampalataya ng mga ito.
Dahil para kay Apostol Pablo, malinaw na ang layunin ng kanyang buhay ay ang MAPARANGALAN SI
CRISTO HESUS.
At one way of giving glory to Christ, ay ang paglilingkod sa kanyang kapwa mananampalataya.

Ito po ang bagay na gustong ituro ni Apostol Pablo sa Filipos church, na sa kabila ng paghihirap na
kanilang pinagdaraanan, ay patuloy nilang maparangalan ang Panginoon, GAMIT ang kanilang buhay.
How? Sa pamamagitan po ng paglilingkod sa kanilang kapwa mananampalataya, para sa ikabubuti ng
pananampalataya ng bawat isa.

At bilang mga namumuhay kay Cristo, ito rin po ang nais ituro sa atin ng Salita ng Panginoon,
Gaya nga po ng nabanggit sa message sa atin last Lord’s day, ang bawat Cristiano ay may vision
deficiency, including us na andito, tama po ba?

We can’t see clearly the needs of our fellow brothers and sisters in Christ,
Why? Dahil masyado po tayong nakatuon sa ating sariling mga paghihirap lamang
Nakakalimutan na nating iparamdam yung care natin sa kanila, ang kamustahin ang kalagayan nila, o
kung may mga paghihirap o problema ba silang kinakaharap sa ngayon.
At madalas, hindi narin po natin naipapanalangin an gating mga kapatid sa pananampalataya.
we often forgot that they have also needs for the growth of their faith as Christians.

Dahil, ang main reason po ay madalas kapag mahirap po ang ating buhay, yung vision natin para sa
paglilingkod sa iba ay nagiging Malabo narin.

And Sadly, nawawala na yung passion natin na mamuhay para sa layunin ng ating buhay.
Kung kaya, kahit tayong mga Kristiyano kinakailangan din natin ng eyeglass, for us to see clearly the
meaning and direction of our life.
At ang nagsisilbing eyeglass na kailangan natin ay ang pagbibigay karangalan sa Panginoon.

Ito po mga kapatid ang nais ipahatid sa atin ng Panginoon sa Kanyang mensahe,
Tayo ay mga Kristiyano na nakatanggap ng pagtutubos at kaligtasan mula sa ating Panginoong Hesus,
Kung kaya ng dahil po sa habag Niyang ito, we are no longer living for our own only, tayo po ay
namumuhay na para kay CRISTO.

At ang pamumuhay ng para kay Cristo, ay ibig sabihin po, we serve others.

Muli, what kind of service that God is pertaining in the Bible that could give glory to Him?
Ito po ba ay sa pamamagitan ng pagluluto, paglalaba o mga gawaing bahay para sa ating Pamilya
lamang?
O di kaya naman thru pera?
Hindi po mga kapatid, ito po ay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng GOSPEL/ evangelism.

Through sharing the gospel, about Jesus Christ, we could serve others, we could share to them the
good news sa kabila ng estado natin bilang mga kasalanan.

Through sharing to them how good God in their lives, and how God wants to use their lives,

Maaaring sila mandin ay magkaroon ng kaligtasan katulad natin.

Ngunit, if wala naman po tayong oras sa pagbubukas ng ating mga Bibliya, how we could know kung
ano ang mga bagay na nararapat po nating ibahagi sa ating kapatid, kaibigan, and even bro and
sisters in Christ?

If nakatuon lamang po tayo sa ating sariling estado, emosyon, mood,

In short, our own desire, how could we serve our brothers and sisters in Christ?
-

And Now, how we could serve others even tayo ay nasa mahirap na sitwasyon,

At Tila ba yung paligid natin ay ayaw umayon sa paglilingkod na nais sa atin ng Panginoon,

Kapatid, gaya po ng paalala sa atin noong nakaraang Linggo,

The message wants us to submit to the will of God in our life, na kahit na tayo ay may mga sariling
desires, isantabi natin ito para sa kalooban ng Panginoon sa ating buhay.

We find the things na ating magagawa upang mapaglingkuran ang ating Kapwa,

Hindi lamang po pagtayo sa harapan, being pastors, ministers or part of the Worship Team,

In simple things mga kapatid kaya nating ganapin ang layunin ng ating buhay at yon po ay uulitin ko
ang maparangalan ang ating Panginoong Hesus.

Ipagamit po natin yung buhay natin sa mga gawaing makakapagbigay karangalan sa Panginoon.

Do not hesitate na ilaan yung oras po natin sa mga espirtwal na gawain para sa Diyos..

Ipanalangin po natin na ang Salita ng Diyos na ito ay laging kumilos po sa ating buhay,

Ito nawayung maging tema ng ating pananalangin sa hapong ito.

Sa ating patuloy po na paglilingkod sa bawat isa, kahit na ang ating buhay ay puro kahirapan,
kapaguran, kaguluhan atbp.

Isaisip lamang po natin na ang patuloy na imagnify si Hesus through serving others especially kapwa
mananampalaaya ay isa pong kaparaanan upang maparangalan natin ang Panginoong Hesus.

Sa lahat nawa ng bagay na inyong ginagawa o gagawin ay we do it for Christ’s glory.

Mamuhay nawa po tayo ng para sa ating Panginoong Hesus lamang. Para sa kanyang karangalan
lamang. Amen?

Sing I Give You my Heart


This is my desire to honor You
Lord, with all my heart, I worship You
All I have within me, I give You praise
All that I adore is in You

Lord, I give You my heart


I give You my soul, I live for You alone
Every breath that I take, every moment I'm awake
Lord, have Your way in me
IV. PRAYER REQUEST

REPENTANCE:

In this time po, alam ko po na walang aksidente sa Panginoon na kayo ay kasama naming ngayon sa
pananalanging ito, at ibig sabihin kayo din po ay mayroong layunin sa inyong buhay in this time, a
ministry in simple ways, pagsshare ng Gospel ng Panginoon.

Ngunit, kung minsan ito po ay atin nang nakakalimutan bilang mga mananampalataya,

Kaya Sa hapon pong ito, tayo ay lumapit at iconfess po natin sa Panginoon kung patuloy parin po
nating nakakalimutan ang bagay na ito, ang kahalagahan ng pagbabahagi ng Gospel, ng Salita ng
Diyos.

And kung sa tingin niyo po, wala pa po kayong ministry, you ask God na ipakita Niya po sainyo kung
anong ministry Niya kayo tinatawag at nais pakagamitin para sa kaluguran Niya.

PRAY TO HAVE DETERMINATION TO APPLY GOD’S WORDS:

Pangalawa, magpasalamat tayo sa biyaya kalakip ng Kanyang mga Salita,


na ating natanggap last Lord’s day.
Ipanalangin po natin na bigyan tayo ng kalakasan at gabay ng Banal na Espiritu upang patuloy na
makapamuhay na minamagnify ang Panginoong Hesus sa ating mga buhay. At mamuhay ng may
kasapatan at kapayapaan dahil sa Magandang Balitang hatid ni Hesu-Cristo.

(Sing I Give You my Heart, chorus)

CHURCH ACTIVITIES:

1. Ngayon naman po ay ipanalangin natin na bigyan ng Panginoon ang bawat miyembro ng


pagmamahal sa lahat ng gawain, mula sa ating Pagsamba, Pananalangin every Wednesday and even
Bible Study,

2. Isama din po natin sa ating pananalangin ang nalalapit nating gawain sa Christmas Celebration,
Humingi po tayo ng kagabayan sa Diyos para sa gawain nating ito, mula po sa buhay ng mga
Nangunguna, we pray that their hearts and mind ay nakasentro lamang sa pagbibigay kapurihan at
kagalakan sa ating nagiisang Diyos. And may through this activity for God ay magkaroon din ng
paglago ang kanilang mga pananampalatay, also we pray sa preparation ng lahat ng miyembro for this
activity na sa lahat ng kanilang pagdedesisyunan ay manguna ang kalooban ng Diyos sa lahat ng
bagay.

ipanalangin nating likhain ng Panginoon ang puso ng bawat isa na may kanaisan para sa lahat ng
gawain na ito ng Panginoon, at sama-samang mabigyan natin ng kapurihan at pagsamba ang ating
nagiisang Diyos.

(Sing I Give You my Heart, chorus)

INDIVIDUAL PRAYER:

In this time po, alam ko po na bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang mga personal na pananalangin.
Buong puso nawa natin itong isambit sa ating DIyos.
At Isama nawa po natin sa ating indibidwal na pananalangin ang ating mga kapatid sa
Pananampalataya na siyang nagkaroon ng determination na isabuhay ang mga Salitang kanilang
napakinggan. Hilingin natin na sila mandin ay bigyan ng LAKAS at GABAYAN ng Banal na Espiritu.
Let us pray for our individual prayer.

(“Yet Not I but through Christ in Me” – background music)

V. Closing Prayer
Ama, maraming salamat po sa patuloy mong pagpapaalala sa amin na ang layunin ng pagkalikha ng
aming buhay ay upang maparangalan ang nagiisa naming Diyos.
Kailangan ka po naming sa aming buhay, higit sa lahat ang lakas at paggabay mo sa amin, upang
tuluyang makapamuhay ng may paglilingkod sa aming kapwa despite of hard situations we have
now.

Nawa po sa oras na ito, patuloy ka po naming nabigyan ng Kapurihan sa pagtitiwala namin ng lahat
ng bagay na aming idinulog sa iyo ngayong hapon.
Panginoon, nawa sa pagbalik namin sa aming mga buhay ay patuloy naming maranasan ang iyong
kaluwalhatian at kabutihan. At nawa ay magkaroon po kami ng lakas na patuloy mamuhay sa iyong
kabanalan.

Sayo na po namin ipinagkakatiwala ang lahat ng bagay na aming dinulog sa hapong ito, mula po sa
aming repentance prayer at paghingi ng gabay upang iapply ang Iyo pong mga Salita, sa lahat po ng
gawain ng Iglesiya, maging an gaming nalalapit po na gawain at maging sa aming mga personal na
pananalangin. Ikaw po ang lubos na nakakaalam ng laman ng lahat ng bagay na ito,
Ano man po iyong kalooban sa lahat po ng ito, ay patuloy naming ninanais na maging kalooban din
po namin.
Sayo po ang lahat ng papuri at aming pasasalamat.
Ito po ang aming samo’t dalangin sa Pangalan ni Hesus, Amen.

You might also like