Professional Documents
Culture Documents
Pangkat 3 - Pagsusuri NG Uri NG Panitikan
Pangkat 3 - Pagsusuri NG Uri NG Panitikan
Pampanitikan
Pangkat 3 (Herzberg)
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Binan Integrated National High School
Sto. Domingo, Binan, Laguna
Suring Basa sa akdang
"Ang Talinghaga ng Alibughang Anak"
- Akdang hango sa Bibliya
Lucas 15; 11-32
Miyembro:
Comonsad, Maxcine
Poche, Jemina
Faraon Angela
Vibar, Camille
Bandola, Raymond
Magpantay, Bianca
Acosta, Phoem
Legaspi, Prins
I. Panimula
Uri ng Panitikan
Ang Talinghaga ng Alibughang Anak ay isang akdang
pampanitikan na isang halimbawa ng parabula. Ito ay
isang akda na hango sa bibliya. Ang bawat mensahe na
ipinaparating mula dito ay tiyak na kapupulutan ng aral.
Bansang Pinagmulan
Ang akdang ito ay nagmula sa bansang Israel taong 65 C.E
Pagkilala sa May-akda
Ang akdang "Ang Talinghaga ng Alibughang Anak" ay hango sa bibliya kung
saan ito ay isinulat ni Lucas. Si Lucas ay isang manggagamot at isinugo ni
Hesukristo. Siya ang tanging manunulat sa Bagong Tipan na malinaw na
makikilala bilang isang Hentil o hindi Judio. Sinasabi rin na ito ay kasamahan ni
Pablo na isang ring Kristiyano. Kung mababasa ito sa bibliya, walang sapat na
impormasyon ang ibinigay tungkol dito ngunit nakatitiyak ang mga
mananaliksik na tapat na Kristiyano ito.
Layunin ng May-akda
Layunin nito na maipabatid sa mga mambabasa ang dakilang pagmamahal ng
isang ama sa kanyang anak. Ipinapabatid sa akdang ito ang mga nararanasan ng
isang suwail na anak sa kanyang magulang. Kaya naman, layunin din nito na
ipaalam sa mga mambasasa na hindi magandang pag-uugali ang maging suwail na
anak at magpakasasa sa yaman na meron ito. dahil sa huli ang lahat at
magtatapos at tunay na mamaranasan ang mga kabayaran nito.
II. Pagsusuring
Pangnilalaman
Tema o Paksa ng Akda
Ipinapakita sa akda ang pagiging suwail ng isang anak sa kanyang ama
at ang pag-alis nito sa kanilang tahanan upang magpakasasa sa
yaman galing sa kanyang ama. Ipinakita dito ang wagas na
pagmamahal at pagiging bukas ng ama sa kanyang anak. Kaya naman,
ito ay pumapaksa sa wagas na pagmamahal ng isang ama.
Tagpuan\ Panahon
Ang parabulang ito ay naganap sa tahanan ng kanilang ama kung saan
ito ang naging tagpuan sa pag-alis hanggang sa pagbabalik ng
alibughang anak. Isa na rin dito ay ang bukirin kung saan nagtrabaho
ang alibughang anak upang magpakain ng mga baboy. Ito ay nangyar
ng makaramdam na ng tag-gutom ang alibughang anak dahil sa
pagkakalusya nito sa kanyang mana.
Mga Tauhan\ Karakter sa Akda
Alibughang Anak Nakatatandang kapatid
- ang suwail na anak na ng alibughang anak
kinuha ang kanyang mana sa - Panganay na anak at
kanyang ama, lumayo at nagtatrabaho sa bukid
nilustay lahat ng ito. upang mag-alaga ng mga
tupa. Nagkaroon ng inggit
Ama sa kanyang nakababatang
kapatid.
- ang mapagmahal na ama
sa kanyang suwail na anak. Klaripikasyon:
Siya ang tumanggap at Ang mga tauhan sa parabula ay hindi
binigyan ng espesipikong pangalan
naghintay sa pagbabalik ng ayon sa nakatala sa akda.
kanyang mahal na anak.
Balangkas ng mga Pangyayari
A. Panimula
Nagsimula ito noong naisip ng alibughang anak na kunin
na ang kayang mana mula sa kanyang ama upang
magpakalayo at magpakasaya.
B. Saglit na Kakintalan
Lumapit ang alibughang anak sa kanyang ama at kinuha
nito ang lahat ng kanyang mana at tuluyan ng umalis.
C. Pataas na Aksyon
Nang makaalis, nilustay ng alibughang anak ang lahat ng
kanyang mana sa pagbibisyo, pagsusugal at pamabababae.
D. Kasukdulan
Sa pagpapakasasa, nagsimula ng makaranas ng gutom at
paghihirap ang alibughang anak. Naghanap ito ng trabaho at
naging tagapakain ng mga baboy. Sa sobrang gutom, naisip nya
na mabuti pa ang baboy ay may kinakain ngunit siya ay wala. Sa
sobrang gutom, pumasok na sa kanyang isip ang kainin ang
pagkain ng baboy na kanyang ipinapakain. Sa paghirap ng
kanyang sitwasyon, naisipan nyang bumalik sa piling ng kanyang
ama kahit ito ay may hiya at pagsisi. Natakot siya na sa kanyang
pagbalik ay hindi siya tanggapin ng kanyang ama ngunit
nagpatuloy siya.
E. Pababang Aksyon
Sa paghirap ng kanyang sitwasyon, naisipan nyang bumalik sa
piling ng kanyang ama kahit ito ay may hiya at pagsisi. Natakot
siya na sa kanyang pagbalik ay hindi siya tanggapin ng kanyang
ama ngunit nagpatuloy siya.
F. Wakas
Sa kanyang pagbalik, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.
Malayo pa man ay tanaw na nya ang ama na naghihintay sa kanyang
pagbalik. Sa paglapit nito, niyakap siya ng mahigpit ng kanyang ama
at pinaghandaan ng isang pagdiriwang. Dahil sa wagas na
pagmamahal ng ama, tinanggap parin nito ang kanyang anak sa kabila
ng mga kasalanan nito. Nakaramdam ng selos ang kanyang panganay
na kapatid ngunit agad naman itong pinaliwanagan ng ama na ang
lahat ng meron ang ama ay sa kanya rin. Sa huli, nagpaalala ang ama
na ang minsang nawala ay kusang magbabalik.
G. Tunggalian
Ang naging tunggalian sa akda ay ang panlabas na tunggalian na tao
laban sa tao dahil sa pagdaramdam ng selos ng panganay na kapatid
sa alibughang anak. Ito rin ang nagpapakita ng pagiging suwail ng
anak sa kanyang ama matapos nitong iwan ang puder ng ama.
Pumapasok din dito ang panloob na tunggalian gaya ng tao laban sa
sarili, dahil ang sarili desisyon ng alibughang anak ang naglagay sa
kanya sa kahirapan at pagdurusa.
Kulturang Masasalamin sa Akda
Masasalamin sa akda ang kultura ng mga Pilipino na
umalis o maglayas ng pamamamahay upang mapag-isa at
makapagsaya na sarili lamang nila. Ang ganitong kultura
ay kadalasang nangyayari sa mga kabataan na natututong
maglayas upang sumama sa barkada at magpakasasa,
lingid sa kanilang kaalaman na kahit ano man ang
mangyari, uuwi at babalik parin sila sa piling ng kanilang
pamilya at magulang. Masasalamin din dito ang kultura ng
mga Pilipino na pagpapakasasa sa yaman hanggang sa
ang mga ito ay malustay at mapunta sa kawalan. Ganun
pa man, ipinapaalala lamang ng akdang ito na kahit saang
direksyon man tayo magpunta, babalik at babalik tayo sa
ating pamilya.
Teoryang Pampanitikan
_ ang teoryang pampanitikan ng parabulang "Ang
Talinghaga ng Alibughang Anak" ay ang teoryang
realismo. Ipinapakita sa akda ang realidad na
nararansan ng mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan
na naglalayas upang magpakasaya ngunit sa huli, kapag
dumating ang oras na mawalan na ito ay babalik ito sa
kanyang pamilya at magulang upang magsisi.
Ipinapakita rin dito ang realidad na ang pagmamahal ng
isang ama ay laging bukas para sa kanyang mga anak.
Ito man ay umalis, patuloy na maghihintay ang ama sa
pagbabalik nito.
III. Pagsusuring Pagkaisipan
Mga Kaisipang\ Ideyang Taglay ng Akda
Naisulat ito ni Lucas upang maipabatid sa lahat na ang pagmamahal ng
isang ama ay laging bukas para sa kanyang mga anak. Dakila magmahal
ang isang ama gaya ng pagmamahal ng isang ina. Ang mapagmahal na
ama ay patuloy na tatanggapin ang kanyang anak na nagkasala, dahil ang
totoong pagmamahal ay marunong tumanggap at magpatawad.
Ipinapahiwatig din dito na ang ating yaman o mana ay nararapat lamang
gamitin sa mabubuting bagay at hindi sa pansariling kaligayahan. Sa
kabuuan, batid nito na ang ating pansariling kagustuhan ay
pansamantlanag kasiyahan lamang, ngunit ang pagmamahal ng isang
ama ay panghabang-buhay.
Estilo ng Pagkakasulat ng Akda
Ang akdang "Ang Talinghaga ng Alibughang Anak" ay isinalaysay sa
pamamagitan ng kabanata at bersikulo na estilo nito.
I V. Buod
Nagsimula ang lahat ng maisipan ng alibughang anak na hingin ang
kanyang mana sa kanyang ama upang lumayo at magpakasaya
mag-isa. Pinagbigyan naman ng ama ang kahilingan ng kanyang
anak at ito nga ay tuluyang nagpakalayo.
Sanggunian
- Potchi Marfil. (2015). Ang Alibughang Anak. Prezi,76-78.
https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas%2015%3A11-
32&version=SND
https://www.google.com/search?
q=alibughang+anak+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjniqeZsZj4AhUDUJQKHWhR
AHEQ2CegQIABAA&oq=alibughang+anak+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIFCAAQ
gAQ6BAgjECc6BAgAEEM6BAgAEBhQgwdYkxlgtR5oAHAAeACAAY8BiAHtCJIBA
zAuOZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=oLedYue6EoOg0Q
ToooGIBw&bih=824&biw=1280&rlz=1C1CHBF_enPH975PH975#imgrc=ndtiRZZne7Q
STM
https://prezi.com/e_cmo7kkay7m/ang-alibughang-anak/
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Binan Integrated National High School
Sto. Domingo, Binan, Laguna
Suring Basa sa akdang
"Alamat ng Bulkang Mayon"
na isinulat ni
Rene O. Villanueva
Miyembro:
Comonsad, Maxcine
Poche, Jemina
Faraon Angela
Vibar, Camille
Bandola, Raymond
Magpantay, Bianca
Acosta, Phoem
Legaspi, Prins
I. Panimula
a. Pagkilala sa May-akda
Si Rene O. Villanueva siya isinilang siya noong Setyembre 22,
1984 sa La Loma, Quezon City. Ang kanyang ama't ina ay sina Eduardo at
Vicenta Villanueva. Siya ay isang tanyag na manunulat ng mga librong
pambata, mga dula, at mga dayalogo sa telebisyon at pelikula. Nabibilang si
Rene Villanueva sa unang hanay ng mga manunulat na naisama sa Hall of Fame
ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.Nakapagtapos siya sa
paaralang Lyceum of the Philippine University noong 1975 sa larangang
Historya. Naging executive producer din siya ng Batibot at creative director ng
Philippines Children's Television Foundation, Namatay siya noong Disyembre 5,
2007 sa Philippine Heart Center dahil sa cardiac arrest.
b. Bansang Pinagmulan
Nagmula ang akdang “Alamat ng Bulkang
Mayon” sa Pilipinas. Matutukoy na ito’y tubo sa
Timog nayon ng Luzon, ang Bicol. Inilalarawan
nito ang kultura, pag-uugali at pamumuhay ng
mga mamamayan ng ka-Bikulan.
c. Uri ng Panitikan