Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

ST. VINCENT DE FERRER COLLEGE OF CAMARIN, INC.

Camarin, North Caloocan

Parico,Aldren
Address: 2851 Yellowbell street, Camarin, Caloocan City
Mobile No.: 09100526140
E-mail Address: paricoaldren13@gmail.com

Personal Information
Nickname: Age
Name: Aldren Parico
Age: 21 Years. Old
Birthday: February 13, 2001
Civil Status: Single
Religion: Christian
Nationality: Filipino
Fathers Name: Pablo A. Dalipe
Mothers Name: Cynthia M. Parico

Educational Attainment

2020 – 2021– COLLEGE, St. Vincent de Ferrer College of Camarin. INC. (KIKO, Camarin, Caloocan
City)

2017 - 2019 – SENIOR HIGH SCHOOL, St. Francis Technical Institute (Zapote Road, Barangay
178, Camarin, Caloocan City

2013 - 2017 – JUNIOR HIGH SCHOOL, Camarin High School (Cadena de Amor Street, Barangay
174, Camarin, Caloocan City)

2007 - 2013 - ELEMENTARY, Camarin D. Elementary School (Area D. Camarin Caloocan City)

Training/Seminar Attended

October 21 – 22, 2019 Disaster Risk Readiness and Reduction Management (DRRRM), Mataas na
Kahoy, Batangas City
ST. VINCENT DE FERRER COLLEGE OF CAMARIN, INC.
Camarin, North Caloocan

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

Inihanda ni:

Aldren Parico

2nd Year Bachelor of Secondary Education Major In Filipino

Binigyang pansin ni:

Gng. Jackelyn Legaspi

Pakitang turo sa Asignaturang:

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG (FIL110)


ST. VINCENT DE FERRER COLLEGE OF CAMARIN, INC.
Camarin, North Caloocan

I. LAYUNIN
 Napapalawak ang kaalaman sa pagsulat ng Lathalain
 Nagbibigay ng mga kasanayan sa Pagbuo ng Lathalain
 Nagpapabuti ng mga kasanayan sa komunikasyon.

II. PAKSANG ARALIN


A. PAKSA
 Uri ng Lathalain
 Layunin ng Lathalain
 At Kaibahan Ng Tanging Lathalain Sa Ibang Artikulo
B. Sanggunian:
 Internet
C. KAGAMITAN
 Laptop, Powerpoint Presentation, Mga larawang di- gumagalaw.
III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN:
1. Panalangin
- Tatawag ang guro ng isang estudyante upang manguna sa
pambungad na panalangin.

2. Pagbati
- Babatiin ng guro ang mga estudyante.

3. Pagtatala ng mga liban sa klase


- Pagpapabukas ng kamera ng mga estudyante upang malaman ang
umatend sa klase.

4. Balik-aral
- Magtatanong ang guro patungkol sa nakaraang natalakay.

5. Layunin ng Pagaaral
- Ibibigay ng guro sa klase ang layunin nito sa pagtatalakayan

B. PAGGANYAK
- May inihandang Laro ang guro na pasasagutan sa mga magaaral.
- Pinamagatan na “AYUSIN MO AKO!”
ST. VINCENT DE FERRER COLLEGE OF CAMARIN, INC.
Camarin, North Caloocan
- Dito ay huhulaan ng mga estudyante kung ano ang tamang salita
na nakagulo at sasabihin sa guro.

C. PAGLALAHAD

- Pagkatapos magbigay ang guro ng pagganyak. Kanyang tatanungin ang


mga mag-aaral kung ano ang pagaaralan sa araw na iyon.
-Pagkatapos marinig ng guro ang ilan sa mga kasagutan ng mga mag-
aaral, ay tatanungin ng guro ang mga magaaral kung ano ang alam nila
sa Lathalain.
- At pagkatapos nilang sumagot ay ibibigay na ng guro ang mga
pagaaralan.

D. PAGTATALAKAY NG ARALIN
- Tatalakayin ang kahulugan na ng guro ang Uri ng Lathalain,
Layunin ng Lathatain at Kaibahan Ng Tanging Lathalain Sa Ibang
Artikulo

E. PAGLALAPAT
- May ilang katanungan ang guro kung may naintindihan ba ang mga
magaaral sa isinagawang pagtatalakay.

F. PAGLALAHAT
- Magtatanong ang guro “Klas bakit mahalagang Pagaralan ang
Lathalain?”

G. PAGTATAYA
- May hinandang mga tanong ang guro upang sagutan ng mga mag-
aaral

IV. TAKDANG ARALIN


- Magsasalikisik ang mga magaaral ng mga halimbawa ng Lathalain
ST. VINCENT DE FERRER COLLEGE OF CAMARIN, INC.
Camarin, North Caloocan

Written Report
PANALANGIN

Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay ninyong panibagong pagkakataon


upang kami ay matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas na isip upang maipasok
namin ang mga itinuturo sa amin at maunawaan ang mga aralin na makatutulong sa
amin sa pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen……..

BALIK ARAL

AYUSIN MO AKOO!!!!!

1. Lgniaaltha Patialba

- Lathalaing Pabalita

2. Lgniaaltha Pmayanaipakik

- Lathalaing Pakikipanayam

3. Mnagibanl

- Manlibang

4. Mayopga

- Magpayo

5. Lgniaaltha Pgnalibna

-Lathalaing Panlibang
ST. VINCENT DE FERRER COLLEGE OF CAMARIN, INC.
Camarin, North Caloocan

TANGING LATHALAIN

LAYUNIN NG PAG-AARAL:

Sa pagtatapos ng ating talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Matukoy ang mga Uri ng Tanging Lathalain.

2. Maunawaan ang pagkakaiba ng Lathalain sa ibang artikulo.

3. Masuri kung ano ang layunin sa pagsusulat ng Lathalain.

“MGA URI NG TANGING LATHALAIN”

1. Lathalaing Nagpapabatid (Informative Feature)

- Ito’y nagbibigay ng kapaki-pakinabang na ulat, nagdaragdag ng kaalaman o


karunungan at may layuning magturo o magpayo.

Halimbawa:

Ang mga dapat gawin kapag may malakas na lindol

2. Lathalaing Pabalita (News Feature)

- Ito’y batay sa isang balitang nakapupukaw ng damdamin. Pinapalawak nito ang


bahagi ng balita na may pangyayaring di-pangkaraniwan, may kababalaghan, o
makabagong likha na nakapagbigay sa mambabasa ng kaalaman, simpatiya o
kawilihan.

Halimbawa:

Ang Tagtuyot sa Timog Luzon

3. Pangkatauhang Lathalaing Dagli (Personality or Character Sketch)

- Ang paksa nito’y ang paglalarawan ng mga kilalang tao, ang kanilang buhay,
karanasan, gawain, patakaran sa buhay at dahilan ng kanilang tagumpay o kabiguan.
ST. VINCENT DE FERRER COLLEGE OF CAMARIN, INC.
Camarin, North Caloocan

Halimbawa:

Lathalain ukol sa isang artista, manlalaro o mang-aawit.

4. Lathalaing Pangkasaysayan (Historical Feature)

- Nahahawig sa lathalaing nagpapabatid subalit ang pinakapaksa nito ay isang


kasaysayan ng tao, bagay o lunan.

Halimbawa:

Ang Ebolusyon ng Bandilang Filipino at Ang Edsa Rebolusyon

5. Lathalaing Pansariling Karanasan (Personal Experience or Adventure)

– Ito’y nauukol sa mga di-pangkaraniwang karanasan ng manunulat ng ibang tao


ayon sa pagkakasalaysay ng may-akda.

Halimbawa:

Pakikipagsapalaran ng isang tao sa ibang bansa

6. Lathalaing Pakikipanayam (Feature Interview)

– Ang paksa nito ay ang kuru-kuro at kaisipan ng isang kilalang tao. Ang ulat
hinggil sa mga kuru-kurong ito ay nakuha sa pamamagitan ng pakikipanayam.

Halimbawa:

Pakikipagusap sa isang sikat na perosonalidad

7. Lathalaing Panlibang (Entertainment Feature)

– Dahilan sa ang layunin nito’y magbigay kaaliwan, pinakapili ang paksa


upang magsilbing gamot sa mga taong nalulumbay o pampalipas sa oras ng mga taong
nais maglibang.

Halimbawa:

Ang kahulugan ng Halik


ST. VINCENT DE FERRER COLLEGE OF CAMARIN, INC.
Camarin, North Caloocan

“LAYUNIN NG LATHALAIN”

Ang lathalain ay may apat na layunin:

1. Magpabatid

2. Magturo

3. Magpayo

4. Manlibang

“KAIBAHAN NG TANGING LATHALAIN SA IBANG ARTIKULO”

- Nagsasaad ng isang katotohanang batay sa isang ulat samantalang ang maikling


kwento, kung bagamat hango sa mga makatotohanang pangyayari, ay maaaring
bungang-isip lamang ng may-akda.

- Naglalaman ng mga kuru-kuro o pagpapakahulugan ng may-akda tungkol sa isang


balitang nailathala, ngunit ang binibigyangdiin ay ang mga nalikom na tala at ulat, kayat
naiiba sa pangulong tudling.

- Nagtataglay ng kuru-kuro ng mayakda sa anyo ng pagpapaliwanag,


pagpapakahulugan o puna kayat naiiba sa balita na nag-uulat lamang kung ano ang
mga nangyayari.

- Tulad ng isang sanaysay o salaysay na pampanitikan, subalit nagtataglay ng higit


pang katangian tulad ng malalim na kahulugan at malawak na paksa.

- Nasa pagitan ng balita at ng pangulong tudling.


ST. VINCENT DE FERRER COLLEGE OF CAMARIN, INC.
Camarin, North Caloocan

GAWAIN: Basahing mabuti ang tanong at Isulat ang wastong sagot sa isang papel.
Ipasa sa akin sa messenger.

1. Ito’y nagbibigay ng kapaki-pakinabang na ulat.

2. Ito’y nauukol sa mga di-pangkaraniwang karanasan ng manunulat ng ibang tao ayon


sa pagkakasalaysay ng may-akda.

3. Layunin nito’y magbigay kaaliwan, pinakapili ang paksa upang magsilbing gamot sa
mga taong nalulumbay.

4. Nahahawig sa lathalaing nagpapabatid subalit ang pinakapaksa nito ay isang


kasaysayan ng tao, bagay o lunan.

5. Ang paksa nito’y ang paglalarawan ng mga kilalang tao.

6. Ito’y batay sa isang balitang nakapupukaw ng damdamin.

7-10. Ibigay ang Apat na layunin ng Lathalain.

SANGGUNIAN:

https://www.slideshare.net/ghiemaritana/pagsulat-ng-tanging-lathalain?
fbclid=IwAR3xGOVlBEcpVOadWX5vEg44eVPgjkB0hvDL0FWQSPSUEo2KTjkkk3N-
RJ4
ST. VINCENT DE FERRER COLLEGE OF CAMARIN, INC.
Camarin, North Caloocan

You might also like