Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ikalawang Gawain

Kurso: Fil. 102: Panimulang Lingwistika

Deskripsyon ng Kurso:
Naipakikita ang pag-unawa sa nilalaman sa mga batayang kaalaman at makaagham na pag-aaral
ng wika. Binibigyangdiin nito ang palatunugan, palabuuan at palaugnayan ng wika.

Tiyak na Paksa:
Ang Linggwistika
1. Kahulugan at Kahalagahan ng Linggwistika sa Guro ng Wika
2. Kasaysayan ng Linggwistika sa Daigdig,
3. Kasaysayan ng Linggwistika sa Pilipinas,
4. Ang Linggwistika sa Paglinang sa Wikang Filipino

Tiyak na layunin:

 Naipakikita ang kaalaman sa pagtalakay sa kahulugan, kahalagahan ng linggwistika sa


guro ng wika.
 Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng linggwistika sa daigdig at sa
Pilipinas.
 Naipaliliwanag ang mga batayang kaalaman ng linggwistika sa paglinang ng wikang
Filipino.

Lingwistika

Maagham na paraan ng pag-aaral ng wika. Ito ay isang maagham na paraan sa pagtuklas ng


impormasyon at kaalaman tungkol sa wika. Mahusay magsagawa ng maagham na pagsusuri sa mga wika
ang isang lingwista ngunit hindi dapat ashana gkatulad siya ng isang mananalumpati, mambabalagtas,
mananalaysay, at manunula. Dapat alalahanin, masusuri ng isang lingwista ang isang wika kahit hindi
siya marunong magsalita nito, sa pamamagitan lamang ng paggamit o pagtulong ng mga impormante,
isang gawaing hindi nagagawa ng isang karaniwang mananalumpati o mananalaysay. Ang isang polyglot
naman ay siang taong maalam p nakapagsasalita ng iba’t ibang wiak ngunit yaon ay hindi
nangngahulugang siya ay isa nang lingwista.

PROSESO SA MAAGHAM NA PARAAN SA PAGTUKLAS NG IMPORMASYON TUNGKOL SA WIKA:

1. Proseso ng pagmamasid
Sa wika, ang pagmamasid ay maaaring tungkol sa mga katangian ng wika-tungkol sa mga
tunog, paraan ng pagsama-sama ng mga tunog upang bumuo ng pantig, paraan ng pagsasama-
sama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap at pagbabagu-bago ng tunog dahil sa
impluwensiya ng kaligiran.
Maaari ring ang pagamamasid ay tungkol naman sa nagiging epekto ng wika sa tao-sa
ating mga gawi, paniniwala at kung an gating pagbibigay-kahulugan sag ma bagay-bagay at
pangyayari sa ating paligid ay nasasalamin sa wika.
2. Proseso ng pagtatanong
Ang tinatangka lamang itanong ng isang lingwista at ang mga tanong na masasagot niya
sa pamamagitan ng maagham na paraan a tsa kanyang paglalahad ng mga tanong o suliranin,
pinipili niyang katawagan o terminong may tiyak at malinaw na kahulugan upang siya’y
maunawaan ng mga tao.

3. Proseso ng pag-uuri-uri
Sa prosesong ito layunin ng lingwista na maisaaayos ang resulta o bunga ng kanyang
pananaliksik o pagsusuri sa isang sistematikaong paraan

4. Proseso ng pagbubuo ng mga teorya


Ang pangangalap, pagtitipon ng mga datos at ang pakaklasipika sa mga ito ay kailangang
humantong sa pagbubuo ng mga haypotesis, at teorya, humantong sa paglalahat. Abg proseso
ng pagkaklasipika at pag-iiba-iba ay dapat humantong sa pagbuo ng nasabing mga abtrasyon
ayon s anaging resulta o kinalabasan ng obserbasyon at pagsusuring isinagawa sa mga datos.

5. Proseso ng pagmumodipika at pagrebisa


Anumang teorya, haypotesis at paglalahat na nabuo ng isang lingwista ay kailangan
patuloy na mapailalim sa pagsubok upang mamodipika o marebisa kung kinakailangan . Alam ng
isang lingwista na maaaring mabago o mamodipika ang isang pagallapat dahil sa mga bagong
datos na maparagdag sa dating kalipuanan ng mga datos.

Mga Gawain:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa loob ng kahon ang inyong sagot.
(encoded)

 Paano nalilinang ng Lingwistika ang Wikang Filipino?


 Bakit mahalaga ang pagmamasid bilang maagham na paraan ng pagtuklas ng
kabatiran tungkol sa wika?

You might also like