Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

🧩ISAISIP

Sagot:

1. Ano ang kahalagahan ng konseptong papel sa pananaliksik?

Ang konseptong papel ay mahalaga sa isang pananalisik sapagkat ito ay nag sisilbing taga organisa at
taga balangkas ng mga ideya sa gagawing pananaliksik. Bukod dito, makakatulong rin ang konseptong
papel upang lalo pang maisayos at matuguna ang mga nakaambang problema at kakulangan na maaring
harapin sa pag gawa ng pananaliksik

2. Ibigay ang bahagi ng konseptong papel at ilahad ang gagawin sa bawat bahagi nitó?

• Pahinang nagpapakita ng paksa – naglalarawan ng pinakabuod ng manuskito

• Rationale – ito ay bahagi na nagsasaad ng kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang
isang paksa

• Layunin – bahagi na mababasa ang hangarin o nais na makamit ng pananaliksik base sa paksa na
napili

• Metholohiya – Dito inilalahad ang pamamaraan na gagamitin ng isang mananaliksik sa pangangalap


ng datos

• Inaasahang output o resulta – inilalahad dito ang inaasahang kalalabsan o resulta ng pananaliksik

• Sanggunian – sa bahaging ito inililista ang sanggunian ginamit sa pagkuha ng paunang mga
impormasyon, nabanggit sa mga kaugnay napag-aaral.

3. Ano ang dapat isagawa kapag ang konsepto ay malawak? Bakit?

Kung ang isang konsepto ay malawak pa, dapat itong paikliin at gawin espisipiko dahil dapat ang
gagawing paksa sa pananaliksik ay nakatuon lamang sa iisang kosepto. Kung ang konsepto ay malawak,
mahihirapan ang mga mananaliksik na kumuha ng isang paksa na pagtutuunan.

4. Ano ang dapat gawin ng isang mananaliksik upang maging maganda ang kinalabasan ng kaniyang
gagawing konseptong papel?

Unang una ay dapat natukoy niya na ang paksa na kanyang gagamitin. Dapat rin ay konkreto na ang
kanyang layunin sa gagawing paksa ang ang pinaka mahalaga ay dapat nakapag saliksik na siya ng mga
impormasyon ukol sa kanyang paksa lalong lalo na sa mga pamamaraan na gagamitin, mga instrumento
at iba pa na maaring makita ng mananaliksik sa iba pang mga pag aaral na may kaugnayan sa paksang
napili.

🧩ISAGAWA

Sagot:

Paksa: Pagtugon ng gobyerno sa mga suliraning ukol sa pandemya (COVID-19 response)

Rationale: Hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami ang mga suliranin at epekto na dulot ng pandemya
sa bansa. Dahil dito, isa sa mga maiinit at mahahalagang usapin ay ang mga isinasagawang pagtugon ng
pamahalaan upang masolusyunan ang mga problemang ito pati na rin ang mga naidudulot nito sa
mamamayanan. Sa pamamagitan ng masusing pag-aaral sa mga naisakatuparang solusyon at programa
magkakaroon ang mamamayan ng malawak na pag-intindi sa pandemya at mabibigyan ng gabay ang
pamahalaan sa kung ano pa ang maaring gawin upang mas maging epektibo ang agtugon sa problema.

Layunin:

1. Alamin problemang idinulot ng pandemya sa mamamayan at sa bansa at ang kalubhaan ng mga


ito

2. Suriin ang mga naisagawa o sinasagawang hakbangin ng pamahalaan sa pagtugon sa pandemya

3.Tukuyin ang pagiging epektibo ng mga programa o polisiyang itinakda ng pamahalaan

Metodolohiya: kwalitatibong pananaliksik (panayam at pagkalap ng impormasyon mula sa mga artikulo)

Inaasahang Aytput o Resulta: Komprehensibong konseptong papel ukol sa mga programa, polisya, at
hakbangin ng gobyerno ukol sa pandemya

Sanggunian:
●COVID-19 pandemic: Latest situation in the Philippines – May 2021. (2021, May 29). Retrieved from
rappler.com: https://www.rappler.com/nation/covid-19-pandemic-latest-situation-in-the-philippines-
may-2021

●COVID-19 situation reports. (2021, February 27). Retrieved from World Health Organizations:
https://www.who.int/philippines/emergencies/covid-19-response-in-the-philippines/situation-reports

●Hapal, K. (2021). The Philippines’ COVID-19 Response: Securitising the Pandemic and Disciplining the
Pasaway. Journal of Current Southeast Asian Affairs.

●ILO, F. I. (2020, October 13). Impact of COVID-19 on people’s livelihoods, their health and our food
systems. Retrieved from World Health Organization: https://www.who.int/news/item/13-10-2020-
impact-of-covid-19-on-people’s-livelihoods-their-health-and-our-food-systems?
__cf_chl_captcha_tk__=fbae288324aa98cfce4e8e450a8c9b05ca29586c-1622361762-0-
AaaJaJPXpi2LVdkrGQHmq66J3FWLdtb3tpcyBWIGf3b4lvfVW83sGZXiBIP8A

●Staff, C. P. (2021, May 4). CNN Philippines. Retrieved from cnnphilippines.com:


https://www.cnnphilippines.com/news/2021/5/4/Duterte-PH-COVID-19-response-.html

🧩TAYAHIN

You might also like