Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode


Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Paglalahad ng Sariling Pananaw Ukol sa Motibo ng
May-akda
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Noel Jay S. Pahayac, T – I

Reviewers: Gideon J. Pascubillo, HT – III


Marietess M. Santos, HT – I
Margene P. Caigan, T – III
Jessica G. Burlat, T – I
Roland Z. Lauron, T – I
Ariel A. Camingao, T – I
Ana M. Junio, T – I

Illustrator and Layout Artist: Noel Jay S. Pahayac, T – I

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III / DIC
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Paglalahad ng Sariling Pananaw Ukol sa
Motibo ng May-akda

Ang materyal sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda


at sinuri ng mga piling guro, punong guro, at Education Program
Supervisor sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng
Misamis Occidental. Hinihikayat ang mga guro at ibang nasa larangan
ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10 sa region10@deped.gov.ph.

Mahalaga ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 1 ukol


sa Paglalahad ng Sariling Pananaw Ukol sa Motibo ng May-akda

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
TALAAN NG NILALAMAN

Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 2

Aralin 1 ---------------- 3

Balikan ---------------- 3

Tuklasin ---------------- 4

Suriin ---------------- 12

Pagyamanin ---------------- 14

Isaisip ---------------- 14

Isagawa ---------------- 15

Tayahin ---------------- 16

Karagdagang Gawain ---------------- 19

Susi sa Pagwawasto ---------------- 21

Sanggunian ---------------- 22
Sa araling ito, pag-aaralan mo ang isang obra maestrang panitikang

Pilipinong pinamagatang “Ibong Adarna” na kinapalolooban ng mga ginintuang

aral. Ilan sa mga ito ang pagkakaroon ng mataas na pagpapahalaga sa

kapakanan ng pamilya, paggalang ng mga anak sa magulang, pagtulong sa mga

nangangailangan, pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap sa mga

pagsubok ng buhay at iba pa. Ang mga natatanging kaugalian at pagpapahalaga

ay inaasahang magdudulot ng kabutihan sa bawat kabataang Pilipinong matututo

at magsasabuhay ng mga ito.

Pagkatapos ng iyong pag-aaral, inaasahang ikaw ay makalalahad ng

sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa binasang bahagi ng

akda.

Layunin

A. Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa

bisa ng binasang bahagi ng akda (F7PB-Iva-b-20)

a. Natutukoy ang mga motibo ng mga tauhan sa binasang bahagi ng akda

1
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat sa sagutang papel ang
TAMA kung naglalahad ito ng dahilan ng manunulat sa pagsulat ng
isang akda at MALI naman kapag hindi naglalahad ng dahilan ang may-
akda.

1. Nais ng may-akda na may matutunang aral ang mga mambabasa.


2. Layunin niyang madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa.
3. Gusto ng may-akdang lubusang malito ang mga mambabasa.
4. Gusto ng manunulat na maging tanyag at ipagyabang sa lahat ang kaniyang
mga sinulat na akda.
5. Hangad ng may-akdang maramdaman ng mambabasa ang emosyong
nakapaloob sa binasa.
6. Nais ng manunulat na gabayan ang mga mambabasa sa kanilang desisyon sa
buhay.
7. Gusto niyang makulong ang isipan ng mga mambabasa sa mundo ng delusyon
at mahika.
8. Nais ng manunulat na lumawak pa ang imahinasyon ng mambabasa.
9. Layunin niyang hikayatin ang mga mambabasang maniwala sa mga maling
impormasyon.
10. Hangad niyang maiugnay ang pangyayari ng kuwento sa totoong buhay ng
mambabasa.
11. Hangad ng awtor na mahasa ang sariling kakayahan sa pagsulat ng akda.
12. Gusto ng manunulat na malinang ng mga mambabasa ang iba pang
kakayahan tulad ng paglalaro, pagsasayaw, pag-aarte, at iba pa.
13. Layunin ng may-akdang mabigyan ng agarang solusyon ang lahat ng
suliraning kinakaharap ng mga mambabasa.
14. Nais ng sumulat na magkaroon nang malalim na pag-unawa ang mga
mambabasa sa nilalaman ng binasa.
15. Nais ng sumulat na mapukaw ang interes ng mga mambabasa.

2
Aralin Paglalahad ng Sariling Pananaw
1 Ukol sa Motibo ng May-akda

Magandang buhay!
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay makalalahad ng sariling
pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa binasang bahagi ng
akda.
Alam kong handa ka na! Halina’t ating simulan.

Naniniwala ka ba sa mahika? Sa tingin mo, may ibon nga bang


nakapagpapagaling ng sakit? Nakakita ka na ba ng malaking ahas na may pitong
ulo? Kung hindi pa, pansinin mo ang mga larawan sa ibaba.
Gawain 1
Panuto: Pumili ng isang larawan mula sa apat na iyong nagustuhan. Ilahad ang
iyong sariling opinyon kung bakit ito ang iyong napili. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

https://www.viator.com/en-IE/tours/Munich/Neusch https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/

https://www.pinterest.co.uk/pin/292241463298098661/ https://www.inkedgaming.com/products/hydra-green

 Ano ang iyong nagustuhang larawan? Bakit ito ang iyong napili?
 Ang aking nagustuhang larawan ay ang ________________________
________________________________________________________

3
Pasukin ang mundo ng mahikang nababalutan ng hiwaga at aral. Basahin
ang nilalaman ng klasikong akdang “Ibong Adarna”. Nakapaloob dito ang mga
piling saknong ng akda mula sa unang pangyayari hanggang sa pag-umpisa ng
paglalakbay para mahanap ang mahiwagang ibon.
IBONG ADARNA
Obra Maestra sa Panitikang Filipino

Noong mga unang araw Ang pangatlo’y siyang bunso


sang-ayon sa kasaysayan, si Don Juan na ang puso
sa Berbanyang Kaharian sutlang kahit na mapugto
maputol
may haring hinahangaan. ay puso ring may pagsuyo.
pag-ibig / pagmamahal

Pangalan ng haring ito Ganito ang napagsapit


ay mabunying Don Fernando, ng haring kaibig-ibig
sa iba mang mga reyno kagalang-galang nang siya ay managinip
tinitingnang maginoo. isang gabing naiidlip.
asawa natutulog
Kabiyak ng puso niya Di umano’y si Don Juan
ay si Donya Valeriana, pinagtaksilan bunso niyang minamahal
ganda’y walang pangalawa ay nililo at pinatay
sa bait ay uliran pa. ng dalawang tampalasan.
huwaran /
modelo masamang tao napakalalim

Sila ay may tatlong anak Nang patay na’y inihulog


pagmamahalan
tatlong bunga ng pagliyag sa balong hindi matarok;
binata na’t magigilas, ang hari sa kanyang tulog
makikisig
sa reyno ay siyang lakas. nagising na nalulunos.
nalulungkot pumayat

Si Don Pedro ang panganay Dahil dito’y nangayayat


nanghina
may tindig na pagkainam, sa sakit naging parang buto’t balat,
gulang nito ay sinundan naratay na’t nababakas
mahinahon
ni Don Diegong malumanay. ang dating ng huling oras.

4
Sa kalooban ng Diyos May namasdang punongkahoy
madahon
may nakuhang manggagamot mga sanga mayamungmong
ito nga ang nakatalos nakaalam sa nagtubong naroroo’y
sa sakit ng haring bantog. bukod-tangi yaong dahon.
tanyag kalungkutan
“May isang ibong maganda Natira sa pamamanglaw
ang pangalan ay Adarna, at inip ng kalooban,
pag narinig mong kumanta yamang walang hinihintay
sa sakit ay giginhawa.” mamahinga ang mainam.
hari mabuti
“Kaya, mahal na Monarka, Tila naman isang tukso’t
kabiguan
iyan po ang ipakuha’t kasawian ni Don Pedro,
gagaling na walang sala ang Adarnang may engkanto
mahika
ang sakit mong dinadala.” dumating nang di naino.
namalayan
Nang sa haring mapakinggan Ugali nitong Adarna
ang hatol na kagamutan, matapos ang kanyang kanta,
agad-agad
kapagdaka’y inutusan ang siya’y magbawas muna
ang anak niyang panganay. bago matulog sa sanga.
sumunod
Si Don Pedro’y tumalima Sa masamang kapalaran
sa utos ng haring ama, si Don Pedro’y napatakan,
iginayak kapagdaka inihanda biglang naging batong-buhay
kabayong sasakyan niya. sa punong kinasandalan.

Sa masamang kapalaran Si Don Diego’y inatasang


napahamak
hindi sukat na asahan, hanapin ang naparawal;
nang sumapit sa ibabaw ang prinsipe’y di sumuway
kabayo niya’y namatay. at noon di’y nagpaalam.

Sa masamang kapalaran nakarating Hindi niya nalalamang


ang prinsipe’y nakatagal, siya pala’y nakadatal
matagumpay
narating ding mahinusay sa Tabor na sadyang pakay,
ganda
ang Tabor na kabundukan. dikit ay di ano lamang.

5
Noon niya napagmalas payagan “Ama ko’y iyong tulutan
ang puno ng Piedras Platas, napagmasdan ang bunso mo’y magpaalam,
daho’t sanga’y kumikintab ako ang hahanap naman
ginto pati mga ugat. ng iyo pong kagamutan.”

Nang ang gabi’y lumalim na “Bunso kong anak Don Juan”


maganda
kalangitan ay maaya, ang sagot ng haring mahal,
si Don Diego’y namahinga “kung ikaw pa’y mawawalay
sa batong doo’y nakita. ay lalo kong kamatayan.”

Sa upo’y di natagalan Si Don Jua’y lumuhod na


lungkot
ang prinsipeng naghihintay, sa haring may bagong dusa,
ibong Adarna’y dumatal “Bendisyon mo, aking ama,
dumating
mula sa malayong bayan. babaunin kong sandata.”
Basbas ng pagpapala
Sa lambing ng mga awit, Ang bendisyo’y iginawad
ang prinsipeng nakikinig, nang may luhang nalalaglag,
mahal
mga mata’y napapikit gayundin ang inang liyag
nakatulog
nakalimot sa daigdig. kalungkuta’y di masukat.

Matapos ang pagkokoplas Di gumamit ng kabayo


pag-awit
ang Adarna ay nagbawas, sa paglalakbay na ito,
si Don Diegong nasa tapat tumalaga nang totoo
inabot ng mga patak. sa hirap na matatamo.
makakamit

Katulad din ni Don Pedro Doo’y kanyang natagpuan


siya’y biglang naging bato, isang matandang sugatan,
magkatabi at animo’y sa hirap na tinataglay
mga puntod na may multo. ay lalambot pusong bakal.
matigas na kalooban
Nainip sa kahihintay Sa lalagya’y dinukot na
ang Berbanyang kaharian; yaong tinapay na dala,
ama’y hindi mapalagay iniabot nang masaya
lumubha ang karamdaman. sa matandang nagdurusa.

6
Muli’t muling pasalamat
mahalina
ang masayang binibigkas,
at sa nais makabayad
nagsabi
sa prinsipe’y nagpahayag.
mawawala
“Kaya ngayon ang bilin ko
payo
ay itanim sa puso mo,
mag-iingat kang totoo
at nang di ka maging bato.”

“Sa pook na natatanaw


ay may kahoy kang daratnan
dikit ay di ano lamang
kawili-wiling titigan.”
kaganda-ganda

“Doo’y huwag kang titigil


at sa ganda’y mahumaling,
sapagkat ang mararating
buhay mo’y magmamaliw.

“Sa ibabaw tumanaw ka


may bahay na makikita;
ang naroong tao’y siyang
magtuturo sa Adarna.”

7
(Mula sa Pinagyamang Pluma 7, pp.406-428)

Alam mo bang mayroong motibo


ang may-akda sa mga pangyayaring
nakapaloob sa kuwento? Gusto mo bang
malaman kung ano ang kaniyang
motibo? Kung oo, halina at suriin natin.
Pero bago ang lahat, alamin mo muna
ang kahulugan ng motibo.

https://www.pinterest.co.uk/pin/362680576234160549/

6
Ang motibo ay ang dahilan para gawin
shorturl.at/muPU0
ang isang bagay. Ito ay maaaring mangyari
bugso ng pangangailangan o sadyang
kagustuhan lamang ng may-gawa.

Ang motibo ng isang tao ay maaaring


mabuti o masama depende sa kaniyang
sitwasyon. Ito ay nakatuon sa pakay o balak ng
isang tao.

Mga Pahiwatig o Palatandaan sa Pagbibigay ng Motibo:


 Ang motibo . . .
 Ang dahilan . . .
 Ang pakay . . .
 Ang rason . . .
 Nais / Gusto / Ibig / Hangad na iparating . . .
 Nais / Gusto / Ibig / Hangad na ipabatid . . .
 Nais / Gusto / Ibig / Hangad na ipahayag . . .
 Nais / Gusto / Ibig / Hangad na ipaintindi . . .
 Nais / Gusto / Ibig / Hangad na ipaunawa . . .
 Nais / Gusto / Ibig / Hangad na ipakita . . .
 Nais / Gusto / Ibig / Hangad na ikintal sa isipan . . .

Halina’t basahin mo ang mga pangyayaring nakapaloob sa akdang “Ibong


Adarnang” naglalaman ng motibo o dahilan ng mga tauhan at may-akda.

8
“Ama ko’y iyong tulutan “Ngayon po’y tatlong taon na
ang bunso mo’y magpaalam, di pa bumabalik sila,
ako ang hahanap naman labis ko pong pag-alala
ng iyo pong kagamutan.” ang sakit mo’y lumubha pa.”

Motibo ng Tauhan Motibo ng May-akda


Ang motibo ni Don Juan kung Ang nais na iparating ng
bakit humingi siya ng pahintulot may-akda sa mambabasa ay
sa kaniyang ama ay para ang sobrang pagmamahal ng
hanapin ang lunas sa sakit ng anak sa kaniyang pamilya na
ama dahil habang tumatagal hindi mapapantayan.
ay lalo itong lumulubha.

Batay sa saknong na iyong nabasa, sino ba ang nagsasalita? Tama ka!


Ang bunsong anak ang taong tinutukoy rito. Muli nating balikan ang saknong at
alamin ang iyong pinagbabatayan sa pagkilala ng tauhan.
“Ama ko’y iyong tulutan
ang bunso mo’y magpaalam,
Makikita sa mga linyang ito na ang bunsong anak ay humihingi ng
pahintulot sa kaniyang amang hari.
Sino ba ang bunsong anak ng hari? Tumpak! Si Don Juan ang bunsong
anak ng hari. Sa madaling sabi, ang taong nagsasalita sa saknong ay si Don
Juan.
Bakit nga ba humingi ng pahintulot si Don Juan sa kaniyang ama?
“Ama ko’y iyong tulutan . . .
ako ang hahanap naman
ng iyo pong kagamutan
. . . labis ko pong pag-alala
ang sakit mo’y lumubha pa.”
Makikita sa saknong na humingi ng pahintulot si Don Juan sa kaniyang
ama para hanapin ang lunas sa sakit nito dahil habang tumatagal ay lalo itong
lumulubha.

9
Batay sa sagot na iyong nabuo, ito ngayon ang matatawag nating motibo
ng tauhan dahil nakatuon ito sa pakay o balak ng tauhan para gawin ang isang
bagay.

Sa tingin mo, ano kaya ang nais na iparating ng may-akda sa iyo bilang
mambabasa?
Ang gustong iparating ng may-akda sa mambabasa ay tunay na mahal
ng anak ang kaniyang magulang at pamilya dahil sadyang hindi matitiis ng anak
na makitang nahihirapan ang kaniyang pamilya lalong-lalo na sa panahong sila
ay may kinakaharap na problema.
Ito na ngayon ang matatawag nating motibo ng may-akda sapagkat
nakapokus ito sa dahilan ng may-akdang makuha ang aral at mensaheng nais
na matutunan ng mambabasa.

Naintindihan mo na ba ang motibo ng tauhan at may-akda sa binasang


“Ibong Adarna”? Kung oo, maaari mo ng simulan ang gawain sa Suriin. Kung
hindi naman, may inihanda akong iba pang halimbawa sa ibaba. Halina at
pag-aralan mo.

“Ako’y iyong kahabagan, Nang sa Birhe’y makatawag


Birheng kalinis-linisan ay sandaling namanatag,
nang akin ding matagalan lubusang nagpasalamat
itong matirik na daan!” sa Diyos, Haring mataas.

Motibo ng Tauhan Motibo ng May-akda


Ang dahilan ni Don Juan kung Ang nais iparating ng
bakit siya nanalangin sa Inang may-akda sa mambabasa
Birheng nasa Langit ay upang ay huwag kalimutang
patnubayan siya sa kaniyang manalangin sa Panginoon
mahabang paglalakbay nang sa lahat ng panahon.
sa gayon ay magtagumpay
siya sa kaniyang pakay.

10
Sino ba ang taong nanalangin sa Birheng nasa langit? Magaling!
Si Don Juan na siyang bunsong anak ng haring ama ang nagsasalita sa
saknong.
Upang malaman mo kung sino ang taong nakasaad sa saknong ay
kinakailangang nabasa at naunawaan mo ang akdang “Ibong Adarna” sapagkat
nakapaloob doon ang pagkakakilanlan ng tauhan.
Ano ba ang motibo o dahilan ni Don Juan na manalangin sa Birheng nasa
langit? Basahing muli ang saknong at unawain ang motibo ng tauhan.
“Ako’y iyong kahabagan,
Birheng kalinis-linisan
nang akin ding matagalan
itong matirik na daan!”

Mapapansin sa saknong na nanalangin si Don Juan sa Birheng nasa


langit upang magabayan at mabigyan siya ng ibayong lakas na makayanan ang
paglalakbay (motibo ng tauhan).

Sa iyong opinyon, ano kaya ang nakatagong aral na nais iparating ng


manunulat sa iyo bilang mambabasa?
Dapat palagi nating tandaan na sa oras ng problema, huwag nating
kalimutang lumapit at manalangin sa Panginoon. Siya ang sandigan natin sa
lahat ng problema. Ugaliing manalangin araw-araw at magpasalamat sa lahat ng
biyayang dumating sa ating buhay (motibo ng may-akda).

Malugod kitang binabati sa taglay mong galing sa pag-unawa sa motibo ng


tauhan at may-akda. Alam kong handa ka na para sagutin ang mga sumusunod
na gawaing malugod kong inihanda para sa iyo.
Kung sakali mang hindi mo pa masyadong nakuha ang motibo ng mga
tauhan at may-akda sa binasa, pag-aralan mo lang muli ang mga nilalaman ng
akdang nabasa sa Tuklasin hanggang sa maunawaan mo ito nang lubusan.
Alam kong handa ka na sa susunod na gawain. Simulan mo na!

11
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba. Suriin
kung ano ang motibo ng tauhan at may-akda sa mga piling saknong ng
akda. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.

Di umano’y si Don Juang


bunso niyang minamahal
ay nililo at pinatay
ng dalawang tampalasan.

1. Ano kaya ang motibo ng tauhan sa pagpatay ng dalawang tampalasan kay


Don Juan?
a. labis na pagmamahal c. labis na pagkainggit
b. labis na pag-aaruga d. labis na pagkagalit

Dahil dito’y nangayayat


naging parang buto’t balat
naratay na’t nababakas
ang dating ng huling oras.

2. Ano ang dahilan bakit naging parang buto’t balat ang kinahinatnan ng haring
ama?
a. sa sobrang galak c. sa sobrang pagdadalamhati
b. sa sobrang pagkabahala d. sa sobrang kawalan ng makakain

Si Don Pedro’y tumalima


sa utos ng haring ama,
iginayak kapagdaka
kabayong sinakyan niya.

3. Bakit agad na sumunod si Don Pedro sa utos ng haring ama?


a. dahil siya ang panganay na anak at gusto niyang gumaling ang ama

12
b. dahil nais niyang mahirang na bayani ng kaharian
c. dahil may pabuya siyang matatanggap
d. dahil wala siyang mapagpipilian
Si Don Diego’y inatasang
hanapin ang naparawal,
ang prinsipe’y di sumuway
at noon di’y nagpaalam.

4. Sa iyong opinyon, tama kaya ang motibo ng may-akda na dapat sumunod sa


utos ng magulang ang anak?
a. Oo, dahil ang pagsunod sa magulang ay nararapat lamang na gawin ng
mga anak.
b. Oo, dahil walang mapagpipilian ang anak kung hindi ang sumunod sa
magulang.
c. Hindi, dahil may karapatan ang anak na tumanggi sa kanilang utos.
d. Hindi, dahil hindi ito makatutulong sa buhay ng mga anak.

“Bunsong anak kong Don Juan,”


ang sagot ng haring mahal,
“kung ikaw pa’y mawawalay
ay lalo kong kamatayan.”

5. Sa iyong palagay, totoo bang ikamamatay ng magulang na mawalay ang


kaniyang anak?
a. Oo, sapagkat hindi magagawa ng magulang ang mga bagay kung wala ang
anak.
b. Oo, sapagkat biyaya ng Panginoon ang anak para sa magulang.
c. Hindi, sapagkat walang kinalaman ang anak sa buhay nila.
d. Hindi, sapagkat pabigat lamang ang anak.

Naunawaan mo na ba ang aralin? Kung oo, malugod kitang binabati. Alam


kong handa ka na sa susunod na gawain. Maaari mo na itong simulan.

13
Gawain 3
Panuto: Batay sa mga pahayag mula sa obra maestrang akdang “Ibong Adarna”,
basahin at dugtungan ang pahayag na nasa ibaba ng iyong sariling
pananaw tungkol sa motibo o dahilan ng may-akda. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang mga anak ay handang humarap sa pagsubok at ilagay sa panganib ang


sariling buhay para sa kanilang magulang.

Ang masasabi ko sa motibo ng may-akda sa pahayag na ito ay


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Pananalig sa Panginoon ang mas pagtibayin lalong-lalo na sa panahong ikaw


ay nahihirapan.

Ang pananaw ko sa motibo ng may-akda sa pahayag na ito ay


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Huwag basta-basta magpasilaw o mahumaling sa mga nakikita sa kapaligiran


upang makaiwas sa kapahamakan.

Ang opinyon ko sa motibo ng may-akda sa pahayag na ito ay


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Gawain 4
Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang tanong sa loob ng kahon na nasa
susunod na pahina. Dugtungan ito ng iyong sariling pananaw. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

14
 Paano nabago ng akda ang pananaw mo bilang isang mambabasa? Ano ba
ang naitulong ng pag-alam sa motibo ng tauhan at motibo ng may-akda sa
iyong buhay?

1. Malaki ang naitulong ng pag-alam ng motibo ng tauhan at may-akda sa aking


buhay sapagkat _________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Gawain 5
Panuto: Basahin ang saknong sa ibaba. Sagutin ang tanong na may kaugnayan
sa inilahad ng saknong. Gawing batayan ang rubrik na makikita sa
susunod na pahina. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

O, Birheng kaibig-ibig Kaya, Inang mapagmahal


Ina naming nasa langit ako’y iyong patnubayan
liwanagin yaring isip nang mawasto sa pagbanghay
nang sa layo’y di malihis. nitong kakathaing buhay.

Motibo ng May-akda
Nais niyang iparating sa mambabasa na
kailangan nating manalig at magkaroon ng
malapit na ugnayan sa Diyos sa lahat ng
panahon.

1. Batay sa saknong na nasa itaas, tama kaya ang motibo ng may-akda na


kailangang manalig sa Diyos sa lahat ng panahon? Ipaliwanag.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

15
BATAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS
5 4 3 2 1
Maayos at Maayos at Maayos Hindi Hindi maayos
may kaisahan may kaisahan ngunit wala masyadong at walang
ang ideya, ang ideya, masyadong maayos at kaisahan ang
wasto ang may kaunting kaisahan sa walang ideya,
paggamit ng kamalian sa ideya, may kaisahan ang maraming
gramatika at paggamit ng kaunting ideya, mali- kamalian sa
baybay, at gramatika at kamalian sa mali ang paggamit ng
madaling baybay ngunit paggamit ng paggamit ng gramatika at
maintindihan madaling gramatika at gramatika at baybay
ang maintindihan baybay ngunit baybay ngunit ngunit
nilalaman. ang naintindihan mayroong mayroong
nilalaman. ang kaunting ideya kaunting
nilalaman. sa nilalaman ideya sa
nilalaman.

I. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawain ang mga piling saknong sa ibaba. Tukuyin ang mga
sumusunod na motibo ng mga tauhan at may-akda ayon sa binasang
saknong. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.

Para sa bilang 1 – 2

“Yamang ngayo’y panahon nang Tugon nilang malumanay


kayong tatlo’y tumalaga sa magandang katanungan:
mili kayo sa dalawa: “Humawak ng kaharian
magpari o magkorona?” bayan nati’y paglingkuran.”

1. Ano ang motibo ni Haring Fernando sa saknong?


a. Wala siyang pakialam kung anoman ang gusto ng mga anak.
b. Nabahala ang hari sa magiging kahihinatnan ng pinili ng mga anak.

16
c. Binigyan ng hari ang kaniyang mga anak ng kalayaang pumili ng kanilang
nais.
d. Gusto ng hari na sundin ng mga anak ang kaniyang nais na sumunod sa
kaniyang trono.
2. Ano ang nais iparating ng may-akda sa mga mambabasa?
a. Magsawalang kibo at pabayaan na lamang ang mga anak.
b. Bigyan ng kalayaan ang mga anak na piliin ang kanilang gustong tahakin na
landas sa buhay.
c. Kinakailangang masunod ang gusto ng magulang para sa mga anak dahil
para ito sa kanilang ikabubuti.
d. Dapat na maging malupit na magulang para sa mga anak dahil ito’y paraan
ng pagpapakita ng pagmamahal.
Para sa bilang 3 – 4
Ngunit itong ating buhay Ganito ang napagsapit
talinghagang di malaman ng haring kaibig-ibig
matulog ka nang mahusay nang siya ay managinip
magigising nang may lumbay. isang gabing naiidlip.

3. Ano ang dahilan ng pagkalumbay ni Haring Fernando nang siya’y magising?


a. Nanaginip siya ng isang masamang pangitain.
b. Napanaginipan niyang may lulusob sa kanilang kaharian.
c. Napanaginipan niyang may magtatangkang pumatay sa kaniya.
d. Nanaginip siyang iiwanan nang mag-isa ng kaniyang mga mahal sa buhay.
4. Ano ang motibo ng may-akda sa saknong?
a. May mga panaginip na nangyayari sa totoong buhay.
b. Mag-ingat palagi dahil may magtatangka sa iyong buhay.
c. Magpakasaya ka hangga’t hindi pa dumarating ang kalungkutan.
d. Hindi sa lahat ng oras ay puro kasiyahan ang mararanasan, bagama’t may
kasama rin itong kalungkutan.
Para sa bilang 5 – 6

Pagkabigo’t pagtataka’y Natira sa pamamanglaw


kapwa nagbibigay-dusa at inip ng kalooban
hanggang pati ang pag-asa yamang walang hinihintay
sa sarili’y nawala na. mamahinga ang mainam.

17
5. Ano ang dahilan ng pamamahinga ni Don Pedro?
a. Nakatulog siya dahil sa labis na antok.
b. Sobra siyang napagod sa mahabang paglalakbay
c. Nawalan na siya ng pag-asa at nainip siya sa kahihintay sa mahiwagang
ibon.
d. Wala siyang makain at gutom na gutom na siya kaya mabilis siyang
nakatulog.
6. Ano ang nais ipahayag ng may-akda sa saknong?
a. Ang pagdurusa ay magdudulot sa iyo ng kaginhawaan.
b. Ang kabiguan ay magbubunga sa iyo ng kawalan ng pag-asa.
c. Ang pag-iisip nang sobra ay nakasasama sa iyong kalusugan.
d. Ang pagtulog ay mabisang paraan upang malimutan ang problema.
Para sa bilang 7 – 8

Gayong kayraming nagdaang Kaya ba’t ang kanyang wika,


mga ibong kawan-kawan, “Ano bang laking hiwaga,
walang dumapong isa man punong ganda’y tila tala
sa kahoy na kumikinang. di makaakit sa madla.”

7. Bakit laking pagtataka ang nadarama ni Don Diego sa punongkahoy?


a. sapagkat gumagalaw ito nang mag-isa
b. sapagkat marami itong bunga na iba-iba
c. sapagkat walang kahit na isang dahong tumutubo rito
d. sapagkat walang lumalapit at dumadapong ibon sa mga sanga nito
8. Ano ang motibo ng may-akda sa saknong?
a. Nakaaakit sa mata ang mga kumikinang na bagay.
b. Dapat maging mapanuri sa lahat ng bagay ang isang tao.
c. Huwag basta-basta magtitiwala sa iyong nakikita dahil maaaring nililinlang
ka lang nito.
d. Ang pagtitiwala ay kinakailangang itaguyod dahil mabisa itong ugnayan ng
pakikipagkapwa-tao.
Para sa bilang 9 – 10

Sa lalagya’t dinukot na Kaylaki ng katuwaan


yaong tinapay na dala, ng matanda kay Don Juan,
iniabot nang masaya halos ito’y kanyang hagkan
sa matandang nagdurusa. sa ganda ng kalooban.
.

18
9. Bakit binigyan ni Don Juan ng tinapay ang matanda?
a. dahil siya ay naaawa sa matanda
b. dahil marami pa siyang pagkaing dala
c. dahil may utang na loob siya sa matanda
d. dahil alam niyang tutulungan din siya ng matanda
10. Ano ang mensahe ng may-akda sa mga mambabasa?
a. Piliin ang taong gusto mong tulungan.
b. Tulungan ang taong nangangailangan.
c. Huwag basta-basta magtiwala sa taong hindi mo kilala.
d. Dapat tulungan lamang ang mga taong siyang makatutulong sa iyo.
II. Tama o Mali
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat sa sagutang papel ang
TAMA kung naglalahad ito ng dahilan ng manunulat sa pagsulat ng
akdang “Ibong Adarna” at MALI naman kapag hindi ito naglalahad ng
dahilan ng may-akda.
1. Nais ng manunulat na makulong ang isipan ng mambabasa sa mundo ng
ilusyon at mahika.
2. Gusto ng may-akda na makuha ng mambabasa ang mga motibo sa pagsulat
ng “Ibong Adarna”.
3. Layunin ng sumulat na magamit ng mga mambabasa ang kanilang natutunan
sa totoong buhay.
4. Hangad ng may-akda na iparating sa mga mambabasa na magpakatatag na
harapin ang pagsubok sa buhay.
5. Pinatutunayan ng manunulat sa mga mambabasang totoo ang Ibong Adarna
at hindi lang ito gawa-gawa lamang.

Gawain 6
Panuto: Maglahad ng limang (5) sariling motibo tungkol sa katanungang nasa
ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. May ibinigay na
halimbawa upang magsilbing gabay sa pagsagot.

19
 Bilang isang mambabasa, ano-ano ang iyong sariling motibo o dahilan sa
pagbabasa ng isang kuwento?
Halimbawa: Ang aking sariling motibo sa pagbabasa ng kuwento ay upang
may makukuha akong aral.

1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ______________________________________________________________
5. ______________________________________________________________

20
21
AKLAT
o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc,
2014.

MGA LARAWAN
o https://www.pinterest.co.uk/pin/362680576234160549/
o https://depositphotos.com/19289491/stock-illustration-cartoon-light-bulb-with-
an.html
o https://www.viator.com/en-IE/tours/Munich/Neuschwanstein-Castle-Tour-from-
Munich/d487-135081P2
o https://www.pinterest.co.uk/pin/292241463298098661/
o https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/cartoon-style-of-king-and-
queen-vector-13612362
o https://www.inkedgaming.com/products/hydra-green-playmat

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

You might also like