Professional Documents
Culture Documents
Ap9 Q4 Module3 Bahagingginagampananngagrikulturapangingisdaatpaggugubatsaekonomiya Corrected
Ap9 Q4 Module3 Bahagingginagampananngagrikulturapangingisdaatpaggugubatsaekonomiya Corrected
Ap9 Q4 Module3 Bahagingginagampananngagrikulturapangingisdaatpaggugubatsaekonomiya Corrected
Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Bahaging Ginagampanan ng
Agrikultura, Pangingisda at
Paggugubat sa Ekonomiya
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Ang Bahaging Ginagampanan ng Agrikultura,
Pangingisda at Paggugubat sa Ekonomiya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Subukin
1
Subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin.
Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga pahayag sa bawat bilang. Suriin
ang mga impormasyon sa ibaba at tukuyin ang mga isinasaad nito. Piliin ang titik
ng wastong sagot at itala sa iyong sagutang papel.
2
6. Sa kabilang banda ito ay uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka
na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing
pangkalakalan o pagnenegosyo?
a. Komersyal
b. Aquaculture
c. Munisipal
d. Wala sa nabanggit
7. “Ang agrikultura ay bahagi ng buhay ng tao”, batay sa iyong pagkaunawa
ano ang nais ipahayag ng talatang ito?
a. Sa agrikultura nakukuha ang mga pangunahing pangangailangan ng
mga tao.
b. Ang agrikultura ay binubuo ng mga gampanin ng mga magsasaka,
mga tagapag-alaga ng mga hayop tulad ng kambing, baka at kalabaw,
at mangingisda.
c. Sa agrikultura nakadepende ang malaking bahagi ng ekonomiya
upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at produksiyon.
d. Lahat ng nabanggit.
8. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagproseso ng mga
hilaw na materyales upang ito ay maging isang produkto?
a. Agrikultura
b. Industriya
c. Paglilingkod
d. Impormal na sektor
9. Ang mga pangunahing pananim ng bansa ang mga palay, mais, niyog,
tubo, saging, pinya, kape, mangga, tobacco at abaka ay bahagi sa anong
sektor ng agrikultura?
a. Paghahayupan
b. Pangisdaan
c. Paghahalaman
d. Paggugubat
10. Sa anong sektor ng agrikultura na ang pangunahing inaalagaan ang mga
kalabaw, baka, kambing, baboy, manok at bibi (pato)?
a. Paghahayupan
b. Pangisdaan
c. Paghahalaman
d. Paggugubat
3
12. Isa sa bahagi ng sektor ng agrikultura ito na ang pangunahing nakukuha
dito ang mga yamang mineral, yamang di-metal at enerhiya na
matatagpuan sa mga bundok, kapatagan, baybayin at maging sa
karagatan, saang sektor ng agrikultura nabibilang?
a. Paghahayupan
b. Pangisdaan
c. Paghahalaman
d. Paggugubat
13. Bahagi ito ng sektor ng agrikultura na kung saan dito nakukuha ang
mga hilaw na materyales tulad ng troso, tabla, plywood, veneer at mga
produktong gubat tulad ng rattan, nipa, anahaw,pulot-pukyutan at dagta
ng almaciga.
a. Paghahayupan
b. Pangisdaan
c. Paghahalaman
d. Paggugubat
14. Mahalaga ang bahagi ng sektor ng agrikultura sa pagpapaunlad
ekonomiya ng bansa. Ipinakikita ng sumusunod ang mga kalagahan ng
agrikultura sa ating ekonomiya MALIBAN sa isa.
a. Pangunahing pinagmumulan ng hanapbuhay.
b. Nagsisilbing ‘market’ o pamilihan ng mga produkto sa Industriya.
c. Hindi nakakatulong sa ibang sektor ng ekonomiya.
d. Pinagkukunan ng kitang panlabas.
15. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang
mithiing kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon
ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang
isang mag- aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong
sa bansa?
a. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
b. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong
pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
c. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
d. Lahat ng nabanggit.
Ang Bahaging
Aralin
Ginagampanan ng
1 Agrikultura, Pangingisda at
Paggugubat sa Ekonomiya
4
Isang bagong bukas na libro ng kaalaman ang iyong kakaharapin ngayon.
Ang mga aral sa ekonomiks nawa’y maging gabay mo upang makatulong sa
pagunlad pa ng iyong kaalaman. Tara, huwag kang matakot na ipagpatuloy ang
pagaaral ng bagong mukha ng Araling Panlipunan.
Balikan
Tuklasin
5
Gawain 1: Pic-suri
Panuto: Pumili ng isang larawan at suriing mabuti upang masukat ang
panimulang kaalaman at sagutin ang gabay na tanong. Itala ang sagot sa sagutang
papel.
1. 2.
3. 4.
Mga gabay na tanong Sagot
Mula sa apat na larawan, anong bilang ang iyong napili?
Nakakita ka na ba ng ganitong senaryo? Saan?
Nakaranas ka na ba ng ganitong gawain? Bakit?
Anong nadarama mo habang ginagawa mo ang gawaing ito?
May kahalagahan ba ito sa pamumuhay ng tao? Ipaliwanag.
Sa iyong palagay, saang sektor ng ekonomiya ito nabibilang?
Gawain 2: Hanap-salita
Panuto: Hanapin ang sumusunod na salita sa word box. Ang mga ito ay maaaring
nasa anyong pababa, pahalang, pataas o pabaliktad. Pagkatapos hanapin ang mga
salita, sagutin ang mga tanong sa ibaba na siyang mag-uugnay sa araling iyong
tatalakayin. Itala ang sagot sa sagutang papel.
N A P U Y A H A H G A P A
I P A G S A S A K A A S G
K C B A Y I M O N O K E R
6
A M B V X A D G H J K L I
P A G H A H A L A M A N K
C H R Y I P S F J D L Z U
S K A L A B A W S E R Y L
E S D Y N S M I Z S A G T
K F A W S A G I N G H U U
T G G Q B N B U N D O K R
O J A S I L O G B I S D A
R L T G N Y A J E H M A P
J K N K A H O Y I N S D L
T A B U G U G G A P A B I
P E G A M P A N I N S V S
Suriin
SEKTOR NG AGRIKULTURA
Isang kritikal na sektor sa ekonomiya na nangangailangan ng masusing pansin ng
pamahalaan ang sektor ng agrikultura. Sa lahat ng sektor na nagtataguyod sa
ekonomiya, hindi ito gaanong umaasa sa pag-aangkat. Malaki ang naitulong nito
sa kaunlaran ng bansa dahil sagana ang Pilipinas sa likas na yaman at yamang
tao.
Mahalaga ang bahagi ng sektor ng agrikultura sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa
bansa. Mahalagang maunawaan ang bahaging ginagampanan ng agrikultura
upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa gampanin nito sa pangaraw-araw na
buhay ng tao. Ito ay naglalayong maisulong at mapabuti ang kalagayan ng mga
taong kalahok dito at mapaunlad ang antas ng kanilang gawain.
7
lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan
sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.
Paghahalaman
8
Paghahayupan
Pangingisda
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga
pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong
mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga
huling isda ay matatagpuan sa ating bansa. Ang
pangingisda ay nauuri sa tatlo- komersiyal,
munisipal at aquaculture.
Ang komersyal na pangingisda ay
tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng
mga bangka na may kapasidad na hihigit sa
tatlong tonelada para sa mga gawaing
pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng
operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang
bayan. Ang munisipal na pangingisda ay
nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka
na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi
nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel. Ang pangisdang aquaculture
naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito
mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan–fresh (tabang), brackish (maalat-alat)
at marine (maalat) (BOI, 2011). Sa mga ito, ang aquaculture ang pinakamalaki ang
naitala sa kabuuang produksiyon ng pangisdaan kasunod nito ang pangisdang
munisipal at komersyal. Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang paghuhuli ng
hipon, sugpo at pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa ng
gulaman.
Paggugubat
9
produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-
pukyutan at dagta ng almaciga.
10
Sa pangkalahatan, ipinapakita nito na ang sektor ng agrikultura ay isang
mahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa. Katuwang ito ng pamahalaan
sa pagpapalakas at pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng
mamamayan mula sa mga pagkain hanggang sa mga sangkap ng produksiyon. Ang
kasiguraduhang sapat ang kalakasang pisikal at kasaganaan sa bawat tahanan ay
maaaring may positibong epekto sa isang bansa. Samantala, kung hihigit sa
pangangailangan ng bayan ang magagawa, maaari itong maging mga produkto na
ikakalakal sa labas ng bansa. Sa gayon, ang sektor ay magiging isang matibay na
sandigan ng bayan upang makamit ang inaasam nitong kaunlaran.
Pagyamanin
Ang agrikultura ay
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
11
B. Panuto: Mapapansin na ang mga sumusunod na salita sa Hanay A ay mga
bumubuo sa sektor ng agrikultura. Sa gawaing ito ay kinakailangang suriin
ang mga salita na nasa Hanay A at hanapin ang katambal nito sa Hanay B
upang mapag-ugnay ang dalawang (2) hanay. Itala ang wastong kasagutan sa
sagutang papel.
HANAY A HANAY B
Gabay na tanong:
1. Sa ilang bahagi nahahati ang sektor ng agrikultura? Isa-isahin ang mga ito.
2. Ibigay ang sariling pagpapakahulugan batay sa binasang teksto.
3. Ano-ano ang mga gampanin ng bawat sektor ng agrikultura?
2.
3.
4.
12
D. Panuto: Matapos mong naisa-isa ang bumubuo sa sektor ng agrikultura,
ngayon naman ay isa-isahin mo ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga
sekondaryang Sektor ng Agrikultura gamit ang istratehiyang Venn Diagram.
Itala ang iyong kasagutan sa sagutang papel.
Pagkakaiba
Pagsasaka Paghahayupan
__________________ __________________
__________________ __________________
Pagkakapareho
_________________
___________
Pangingisda
Paggugubat
__________________ ___________________
__________________
___________________
Kahalagahan ng Agrikultura
13
F. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang PM kung pinakamainam, M kung
mainam, at DM kung di mainam ang mga sumusunod na gampanin ng
agrikutura sa ekonomiya.
Isaisip
14
5. Ang __________________ ay tumutukoy sa pag-aalaga ng hayop gaya ng baka,
kalabaw, manok at iba pa.
Isagawa
BUNGA NG KASIPAGAN
Sulat ni Reajoy B. Gallegos
Bago pa magbukang-liwayway, si Mang Dante ay nasa kanyang bukirin na.
Habang binabagtas nito ang pilapil ng bukid ay kanya itong pinagmamasdan
dahil sa ikatlong araw ay maari nang mag- ani sa kanyang palayan. Gumuhit
ang ngiti sa labi, at ang alaala ng nakaraan ay nabaliktanaw.
15
Nang sila ay bata pa, tinuruan sila ng kanilang magulang na magbungkal ng
lupa at magtanim ng mga palay at gulay tulad ng sitaw, kalabasa, okra, talong
at iba pa. Nagtatanim din sila ng mga punong kahoy at prutas gaya ng
lansones, bayabas, guyabano, papaya at iba pa. Ang kanilang pananim ay
nakatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pagkain .Bagaman ang kanilang
tirahan ay malapit sa ilog, tinuruan din sila ng kanilang ama na mangisda
gamit ang lambat at mga ginawang kawil. Sa pangangalap ng isda sa ilog, at
kung may mahuli ka, masuwerte at may pang–ulam na.
Mga Tanong:
1. Base sa iyong naitala na mga gampanin, bakit nga ba mahalaga ang mga
gawain na ito?
3. Sa iyong palagay, ano ang mangyayari kung hindi matutunan ang mga
gawaing ito?
16
Tayahin
Panuto: Muling susubukin ang iyong natutunan sa araling ito. Basahin nang may
pang- unawa ang mga pahayag sa bawat bilang. Suriin ang mga impormasyon sa
ibaba at tukuyin ang mga isinasaad nito. Piliin ang titik ng wastong sagot at itala
sa iyong sagutang papel.
4. Ang mga pangunahing pananim ng bansa ang mga palay, mais, niyog, tubo,
saging, pinya, kape, mangga, tobacco at abaka ay bahagi sa anong sektor ng
agrikultura?
a. Paghahayupan
b. Pangisdaan
c. Paghahalaman
d. Paggugubat
17
b. Pangisdaan
c. Paghahalaman
d. Paggugubat
18
b. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong
pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
c. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
d. Lahat ng nabanggit.
19
c. Sa agrikultura nakadepende ang malaking bahagi ng ekonomiya upang
matugunan ang pangangailangan sa pagkain at produksiyon.
d. Lahat ng nabanggit.
Karagdagang Gawain
Gabay na tanong:
1. Anong bahagi sa sektor ng agrikultura ang iyong napiling larawan?
2. Ano–anong kahalagahan nito sa bahaging ginagampanan sa sektor ng
agrikultura?
3. Bilang isang mamayan, paano ito makatutulong sa paglago ng gampanin ng
sektor ng agrikultura?
20
4. Paano nakatutulong ang napiling sektor ng agrikultura sa pamumuhay ng tao?
5. Ibigay ang gampanin ng napiling larawan sa pagkamit ng kaunlaran ng
ekonomiya sa bansa.
21
Sanggunian
22
Mondejar. 2015. Ekonomiks Araling Panlipunan (Modyul para sa
Magaaral). Pasig City.Vibal Group, Inc.
23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag
: sa