Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Krysstel Mae S.

De La Cruz
Upgrade ng kahapon
Sa pagyabong ng makabagong panahon at mabilis na pag-usad ng teknolohiya,
Kalakip nito and malawakang pagbabago sa edukasyon. Ngunit hindi maikakaila
ang importansya ng mga nakagisnang pagtuturo ng ginamit muna noon hanggang
ngayon.
Sabi nga sa kasabihang Ingles, “when everything gets complicated, go back to
basic”. Hindi maikakaila na mas mainam talaga ang payak. Katulad na lamang sa
pagtuturo, sa kasagsagan ng pagbabago at pagdating ng tekonolohiya, ito ay
naapektuhan, Ngunit maipagpapatuloy natin ang kinagisnan na mga gawi sa
pamamagitan ng paggamit nito sa loob ng klase. Ang papel ng teknolohiya dito ay
mas pinaigting nito ang kinagisnan. Ngunit sa anong pamamaraan nito pinabuti at
ginawang epektibo ang nakaugalian?
Ang kinagisnang pagtuturo ay tumutukoy sa mga tradisyunal na estratihiya
katulad ng paper and pencil test, yeso at pisara at iba pa. Sa mga pamamaraang
ito, tila nauubos ang oras ng guro sa paghahanda lamang nito. Dito na papasok
ang papel ng teknolohiya. Ang teknolohiya ang magpapadali ng mga gawaing ito.
Kung noon isusulat pa ng guro sa manila paper o sa pisara, ngayon mayroon nang
tarpapel. Noon sa mga forms na kakailanganin, isusulat pa itode maghapon ng
mga guro, ngayon mag eencode na lamang sila nito sa kompyuter.
Sumakatuwid, malaki ang tulong ng teknolohiya sa paghahatid ng kaalaman,
kumbaga nagkaroon lamang tayo nga “upgrade” na hindi nalilimutan ang
kinagisnan.

You might also like