Professional Documents
Culture Documents
Heograpiya NG Daigdig
Heograpiya NG Daigdig
Dagat- Maalat na katubigan na bumubou sa malaking bahagi ng daigdig subalit higit na maliit sa karagatan
Iba’t-ibang Penomenon:
• El Niño - Ay matinding pagbabago ng panahon bunga ng interaksyon ng atmospera at Ocean currents. Matinding tag-
tuyot. Epekto rin ito ng Global Warming
• La Niña – Pagkatapos ng masamang epekto ng El Niño, kasunod nito ang La Niña na abnormal na kondisyon ng panahon
dulot ng global warming na nagdadala ng malakas na ulan at bagyo
• Greenhouse Effect - Isang natural na proseso kung saan ang init na nanggagaling sa araw aya nakakulong sa ibabang
bahagi ng daigdig kaya nananatili ang temperatura sa ibabaw ng daigdig.
Epekto Ng Klima
• Sa Porma ng Lupa- Pag-iiba ng temperatura, pagkatuyo,o pagkabasa ng lupa, pagkabou ng lupa at pagkasira.
• Sa Katubigan- Sukat ng ulan at dami ng tubig na nasa kalupaan na naaapektuhan din ng porma ng lupa
• Sa Behetasyon- Iba’t-ibang halaman ang tumutubo sa malamig o mainit na lugar.
• Sa Lupa- Iba’t-ibang uri ng lupa sa mainit o malamig na lugar.
Pisikal na Katangian ng Daigdig bilang panahanan ng Tao
Binubuo ang pisikal na katangian ng daigdig ng kalupaan, klima , katubigan, wild life, buhay hayop, lupa at
mineral. Naka impluwensya ang bawat isa sa isa’t isa.
Ang kontinente ay ang pinaka malaki at malawak na uri ng anyong lupa. Ito ay binubuo ng iba't ibang bansa na kadalasan
ay naisusukat o naitatangi dahil sa kultura tradisyon nito.
1. Teorya ng Dalawang Magkaibang Tipo Ng Bato - Sinasabi dito na humiwalay ang isang tipo ng bato sa ibang
bato habang lumalamig ito. Pumaitaas ang magaan at bumuo ng ibang masa ng lupain.
2. Wegener Thesis. Nagpanukala si Alfred L. Wegener, sumulat ng Origins of cContinents And Oceans, na dating
magkakasama ang lahat ng mga kontinente.Dahil sa pagkakauga ng mga bagay sa ilalim ng kalupaan, unti unting
umanod na pahiwalay ang mga kontinente.
Atlantic
Pacific
Indian
Ano ang Heograpiya?
Ang Heograpiya ay galing sa dalawang salitang griyego na"GEO" na ang ibig sabihin ay mundo at "GRAPHIEN" na ang
ibig sabihin ay paglalarawan. Ito rin ay ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig o mundo.