Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kabanata 1: Ang Pagtitipon

Naghanda ng isang magarbong salusalo si Don Santiago de los Santos o mas kilala bilang Kapitan Tiago.
Dahil mabuting tao at kilala sa buong Maynila, agad na kumalat ang balita tungkol sa pagtitipong gagawin
sa Kalye Anluwagi.

Nang gabi ng pagititpon, dumagsa ang mga bisita na iniistima naman ni Tiya Isabel, pinsan ni Tiago.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, mag-asawang Dr. de Espadaña at Donya
Victorina, Padre Damaso, at isang kararating lamang na dayuhan sa Pilipinas.

Matanong ang dayuhan tungkol sa mga Pilipino, kabilang ang mga Indio. Nang mabanggit ang monopolyo
sa tabako, dito nagsalita nang di maganda si Padre Damaso tungkol sa mga Indio. Hinamak niya ang mga
ito at iniba naman ni Padre Sabyla ang usapan.

Napag-usapan ang pagkakaalis ni Padre Damaso bilang kura-paroko ng San Diego. Sabi ni Damaso, hindi
raw dapat nangingialam ang hari ng Espanya sa pagbibigay-parusa sa mga erehe. Sinabi naman ni Tinyente
na nararapat lamang ang parusa.

Inilahad ni Tinyente ang tunay na dahilan na pagkakalipat niya sa iba pang parokya. Ito raw ay dahil
ipinahukay niya ang bangkay ng isang marangal na lalaking napagbintangang isang erehe dahil ayaw
lamang mangumpisal.

Nagalit naman si Padre Damaso dahil sa sinabi ng Tinyente. Lumapit si Padre Sybila upang pakalmahin ang
kapuwa prayle. Naaalala rin kasi ni Damaso ang nawawalang mahahalagang dokumento.

Kumalma ang magkabilang panig at umalis na sa umpukan si Tinyente. Nagpatuloy naman ang talakayan at
kuwentuhan ng mga bisita noong gabi.

Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra


Sa pangalawang kabanata ng Noli Me Tangere, naka-pokus ang kwento sa pagpunta ni Kapitan Tiyago at
Ibarra sa isang kasaluhan at kasiyahan sa kanyang bayan.

Nakipagkamayan si Kapitan sa lahat ng kanyang bisita at panauhin, kasali si Padre Damaso, na biglang
namutla ng makita si Ibarra.

Pinakilala ni Kapitan si Ibarra bilang anak ng isang kakilala na nag-aral sa Europa. Tinangkang kamayan ni
Ibarra si Padre Damaso pero agad itong tumalikod.

Si Padre Damaso ay matalik na kaibigan ng ama ni Ibarra. Dahil sa biglang pagtalikod ni Padre Damaso ay
nakaharap siya sa tinyenteng kanina pa namgmamasid sa kanila ni Ibarra.

Nag-usap si Ibarra at si Tinyente sinabing ikinagagalak nila na makita siya sa kasiyahan na yun. Halos
mangiyak-iyak sa tuwa ang Tinyente habang nag-uusap kay Ibarra.

Ayon din sa kanya, kilala ang ama ni Ibarra sa kanyang lubos na kabaitan. Nang nalaman ito, napawi ng
binata ang masamang hinala nito sa masamang hinala ng pagkamatay ng kanyang ama.Ng malapit ng
maghapunan, inimbita ni Kapitan Tinong si Ibarra ng pananghalian kinabukasan.
Kabanata 3: Ang Hapunan
Sa kabanata na ito tungkol sa hapunan na dinayuhan ni Ibarra. Sa pagsasalo na ito ay nakita niya si Pari
Sybyla at Padre Damaso. Kitang-kita sa pagmumukha ni Pari Sybyla ang kasiyahan niya sa pagdalo,
samantala, so Padre Damaso naman ay mukhang banas na banas.

Ang lahat ay nagsisiyahan at giliw na giliw sa pagsasalo. Pinupuri ng mga bisita ni Kapitan Tiyago ang mga
masasarap na pagkain na kanyang inihanda. Dumalo rin ang Tinyente, na kung saan kinainisan siya ni
Donya Victoria dahil sa pagmamasid nito sa kanyang buhok.

Umupo si Ibarra sa may kabisera. Sa kabilang dulo naman ng lamesa ay nakikipagtalunan ang dalawang
pari kung sino ang tatabi sakanya. Ng inihanda na ang pagkain, nagsimula ng magsalo ang mga panauhin.
Nakipag usap si Ibarra sa mga panauhin at kinwento sakanila kung saan ang kaniyang kinaroroonan.

Nalaman ng mga kausap ni Ibarra ang kanyang mga napuntahan sa mga nakaraang taon ng kanyang
pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Sinabi niya rin ang kanyang mga natututunan, bukod sa wika, tulad ng
iba’t ibang kasaysayan ng bansa ng kanyang pinuntahan.

Kabanata 4: Erehe At Pilibustero


Nagpatuloy si Ibarra sa kanyang paglalakbay. Isang araw, nabatid niya na di niya na tiyak kung saang
destinasyon na siya napadpad. Ito ay hanggang sa nakaabot siya sa may Binundok ng Liwasan.

Nakita niya na wala masyadong nagbago; ang dating kanyang kinalakihan ay parehong-pareho pa rin sa
dati. Inilaan niya ang kanyang atensyon sa paligid, nagmasid-masid sa kanyang kapaligiran, habang iniisip
ang mga alaala niya sa lugar na yun.

Naisalaysay ni Tinyente Guevarra ang tungkol sa kanyang ama at ang mapait na sinapit nito. Isang taon
bago bumalik si Ibarra sa Pilipinas ay nakatanggap siya ng sulat sa kanyang ama. Binilin ng ama niya na si
Don Rafael sa kanya ng isang sulat na nagsasabing di siya dapat mag abala.

Kinwento ng tinyente kay Ibarra ang lahat ng detalye sa buhay ng kanyang ama. Kung bakit siya nakulong
at maraming galit sa kanya, ang rason ng kanyang pagkabilanggo, ang mga pinaratang sakanya noong siya
ay nasa kulungan, hanggang sa kanyang pagkalaya sakanyang mga kaso. Sapagkat nung siya ay dapat ng
makalabas, siya ay binawian ng buhay sa loob ng kulungan.

You might also like