Morillo, Venice Gawain1 Midterm

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

1. Tungkol saan ang awit?

Ang awit ay patungkol sa buhay ng mga taong nakatira sa iisang barangay.


Tinatalakay sa awitin na ito ang mga tao, tambay at ang taong iniibig ng
kumanta. Naisaad rito ang mga tungkol sa buhay at pangyayari sa barangay na
iyon.
2. Ilarawan ang lugar na pinangyarihan ng “kasaysayang nalalaman” na
binanggit ng awit?
Ang lugar na ito ay matatawag na isang barangay. Ang ibig sabihin ay bawat
barangay o lugar na ating pinanggalingan ay may kaniya-kaniyang pinagmulan at
naglalaman ito ng mga kwento patungkol sa pangyayari sa mga buhay ng taong
nakatira rio.
3. Batay sa awit, sino-sino ang mga nasa lugar na tulad ng Umbuyan at Kalye
Pitong Gatang? Ilarawan sila.
Batay sa awit, mayroong iba’t ibang klase ng tao na nag-uumpukan sa
komunidad na ito. May mga pilyong istambay na walang hanapbuhay.
4. Ano-ano marahil ang pinag-uusapan sa ganitong lugar? Magbigay ng
halimbawa.
Maaring ang pinag-uusapan sa ganitong lugar ay patungkol rin sa mga
pangyayari sa buhay-buhay ng mga taong nakatira rito. Minsan ay naidadala ito
sa pag-usisa sa kaniya-kaniyang buhay ng mga taong nakatira rito.
5. Ipaliwanag ang bahagi ng awit na: “Impossible ang maglihim, kung ikaw ay
mayroong secret. Sa pitong gating lahat naririnig at kung ibig mong
mabuhay nang tahimik na tahimik, magpataypatayan ka kahit saglit.”
Dahil nga’y sila ay nakatira sa iisang barangay lamang, imposible ang paglilihim
at ang hindi pagkalat ng sikreto dahil malalaman at malalaman pa rin ito. Dahil
hindi natin maiiwasan ang pagkakaroon ng mga taong ganito sa isang barangay.
Mayroon pa rin talagang pupuna sa mga ginagawa mo, ang mahalaga ay matuto
tayong iwasan at wag silang pansinin.
6. Sa paanong paraan kaya maaaring maibsan o matigil ang tulad ng mga
nangyayari sa Kalye Pitong Gatang? Maglahad ng mga paraan at
ipaliwanag.
Para sa akin, maiibsan ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pumupuna sa
atin. Lagi dapat nating tandaan na mayroon tayong sari-sariling buhay na dapat
intindihin. Nararapat rin na respetuhin natin ang “privacy” o ang sariling
pamumuhay ng mga taong nakapaligid sa atin. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay
dapat tayong pumuna at pag-usapan ang kapuwa. Hindi sa lahat ng oras ay
kailangan nating alamin ang mga pangyayari sa buhay ng mga taong nakapaligid
sa atin.

You might also like