Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Asignatura Edukasyong Pangkatawan Baitang 5

W4-6 Markahan Ikaapat Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Naipapamalas ang mga kakayahang kailangan sa pagsasayaw.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Kasanayang kailangan sa pagsasayaw
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: IKAAPAT NA LINGGO)

Mahilig ka bang sumayaw? Nararamdaman mo bang gumagalaw ang iyong katawan tuwing ikaw ay
nakaririnig ng musika o tugtog? Naranasan mo na bang gumawa ng iyong sariling sayaw habang nakikinig sa
musika?
Ang pagiging malikhain ay ang abilidad na bumuo ng sariling ideya, lalo na sa larangan ng sining. Isang
larangan ng sining ang sayaw.
Sa araling ito tatalakayin ang mga mahahalagang kasanayan upang makalikha ng isang orihinal na
sayaw. Sa paraang ganito, magagamit ng mag-aaral ang pagiging malikhain sa paraang makatutulong sa
kaniyang kalusugan at sa pakikipagkapwa tao.
Mahalagang bahagi ng araling ito ang isang pangkat ng gawain kung saan magkakaroon ng
pagkakataon ang mga mag-aaral na lumikha ng orihinal na sayaw. Malilinang din ang mahahalagang
kasanayang kaakibat ng pagsasayaw tulad ng pagpili ng musikang gagamitin at kasuotang babagay sa sayaw.
Pagsasanayan din ang paggamit ng angkop ng ekspresyon ng mukha.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Manood ng mga programa sa telebisyon o Internet ng mga makabagong sayaw. Makikita mo na ang mga
mananayaw ay nagtatanghal ng iba’t ibang klase ng sayaw. Bago nila magawa ito, pag-iisipan mula nila ang
kanilang mga galaw. Ang prosesong ito ay kinakailangan nang malikhaing pag-iisip. Alam mo ba kung anong
tawag sa gawaing ito?
_____________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: IKAAPAT NA LINGGO)

Ang choreography ay tumutukoy sa sining ng paglikha ng mga galaw at pattern para sa sayaw na
itatanghal ng mga mananayaw. Kailangang maging malikhain kung nanaising maging choreographer at
makalikha ng mga sayaw. Ang mga mananayaw ay gumagamit ng iba’t ibang galaw ng katawan, ekspresyon
ng mukha, mga emosyon tulad ng kasiyahan at kalungkutan, at mga ideya at aspirasyon upang
makapagsalaysay ng isang kuwento. Kung ikaw ay lilikha ng sayaw, kailangang maisagawa ang mga galaw
nang may tamang bilang sa musika. Sa paglikha ng mga galaw, ikaw ay nageeksperimento ng iba’t ibang
baryasyon at kombinasyon ng galaw ng katawan. Dito naipakikita ang iyong pagkamalikhain.
Ang iyong koordinasyon sa iba’t ibang parte ng katawan ay napabubuti rin, at nakatutulong sa
pagsasayaw.
Sa pag-choreograph, malalaman mo ang kapasidad ng flexibility ng iyong katawan. Nasusubukan mo ang
mga galaw na kayang gawin ng iyong katawan. Ang iyong muscular strength at endurance ay napabubuti rin
lalo na sa mga dance routine na may lifting, acrobatic movement, at iba pa.
Kapag tayo ay lilikha ng isang sayaw, may mga mahahalagang bagay na kailangan nating tandaan. Ang ilan
sa mga ito ang mga sumusunod:
Tema – Pag-isipan ang pangunahing ideya ng iyong sayaw. Lahat ng gagamitin – mula sa kasuotan, galaw
at props – kailangang magkaugnay sa tema. Mahalagang malaman ang layunin ng sayaw at mula rito,
makagagawa na ng angkop na plano para sa pagtatanghal.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Musika – Ang iyong pipiliing musika ay may mahalagang parte sa pagbuo ng iyong sayaw. Siguraduhing
ang musika ay angkop sa iyong tema kung posible tingnan din kung ang mga instrumentong gagamitin ay
angkop din sa iyong tema. Dapat ba itong maging mabagal o mabilis? Hiphop ba o jazz? Anuman ang iyong
piliin, siguraduhing ang kahulugan ng kanta ay nagbibigay ng magandang mensahe sa inyong manonood.
Iwasang gumamit ng musika na may bastos, malisyoso o di-magandang salita.
Ritmo – Ito ay nakatutulong sa paglikha ng mga galaw sa sayaw. Dito maipamamalas ang angking galling
sa pagsasayaw sa saliw ng musika.

Kwento -Ang ating katawan ay maaaring gamitin upang magpahayag ng isang kwento. Kung ikaw ay
gagawa ng isang interpretative dance, siguraduhing ipinapakita ng mga galaw ang nais na mensahe o kwento.
Bilang ng mananayaw - planuhin ang bilang ng mga mananayaw para sa pagtatanghal, maliit man o
malaki ang pagtatanghal.
Formation – maraming klaseng formation na maaaring pagpilian, gaya ng:
 Choral line
 Column line
 Serpentine line
Kasuotan – Ito ang unang nakikita ng mga manonood. Sa kasuotan nagkakaroon ng ideya ang manonood
kung anong klaseng sayaw ang itatanghal. Mabuting gumamit ng mga material na madaling makuha gaya ng
lumang damit. Maging malikhain sa paggawa ng inyong kasuotan upang maipakita ang pagkakaisa ng iyong
pagtatanghal
Props/Materyales -Pumili ng props o materyales na kinakailangan at angkop sa sayaw. Iwasang gumastos
nang malaki. Gumamit ng mga recyclable na materyales.

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: IKALIMANG LINGGO)

 Ang choreography ay isang sining ng pagdedesenyo ng galaw para sa mga mananayaw.


 Ang mga galaw ng katawan, ekspresyon ng mukha, at formation ay ginagamit upang magsalaysay ng
isang kwento.
 Ang pagiging malikhain ay ang abilidad na magpakita ng emosyon, lumikha ng orihinal na ideya.
 Ang pagsasayaw araw araw ay isang magandang klase ng ehersisyo.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Gawin ang mga sumusunod at ibidyo ang mga ito. Maaaring magpatulong sa nakatatandang kapatid
o kasamahan sa bahay . Pagkatapos sagutin ang mga katanungan. Isaalang- alang ang pamantayan sa
pagsasayaw na dapat sundin.
1. Head isolation, kanan kaliwa 8 bilang
2. Iunat ang braso, pataas, pull-up 8 bilang
3. Iunat ang binti. Baluktutin ang kanang tuhod at tumayo sa
kaliwang paa 8 bilang
Ulitin sa kaliwang tuhod at kanang paa 8 bilang
4. Lunges, pakanan, pakaliwa 8 bilang bawat isa

Ano ang iyong naramdaman pagkatapos maisagawa ang mga gawain?


Bakit kailangan nating malaman ang mga pangunahing kasanayang sa pagsasayaw ng makabagong sayaw?
Paano tayo makaiiwas sa mga sakunang dulot ng pagsasayaw?

Pamamaraan Napakahusay (3) Mahusay (2) Kailangan pang linangin (1)


Naipamalas ang kahusayan Naipamalas ang mga Hindi naipamalas ang mga
Pamamaraan ng
sa pagsasagawa pangunahing hakbang sa pagsayaw
pagsasagawa
kasanayan
Naipamalas ang kahusayan Naipamalas ng kaunti Hindi naisagawa ng may
sa postura at tiwala sa sarili ang kahusayan sa kahusayan at tiwala sa sarili ang
Tiwala sa sarli at
sa pagsasagawa ng mga postura at tiwala sa sarili mga kasanayan
postura
kasanayan sa pagsasagawa ng
mga kasanayan
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: IKALIMANG LINGGO)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Panuto: Subuking i-ehersisyo ang mga muscle sa iyong mukha. Gawin ang mga sumusunod na ekspresyon.
Ibidyo ang ito at maaaring magpatulong sa nakatatandang kapatid o kasamahan sa bahay . Pagkatapos
sagutin ang mga katanungan. Gamitin ang pamantayan sa pagsasayaw na dapat sundin.

1. Ngumiti ng todo 6. Umiyak


2. Tumawa 7. Sumimangot
3. Magmukhang malungkot 8. Ngumisi
4. Kunwaring nagulat 9. Natatakot
5. Magmukhang nahiya 10. Kinakabahan

Ano ang iyong naramdaman pagkatapos maisagawa ang mga gawain?


Anu-ano ang mga kahalagahan ng pagpapamalas ng tamang ekspresyon ng mukha habang nagsasayaw?

Pamamaraan Napakahusay (3) Mahusay (2) Kailangan pang linangin (1)


Naipamalas ang kahusayan Naipamalas ang mga Hindi naipamalas ang mga
Pamamaraan ng
sa pagsasagawa ng kasanayan sa kasanayan sa pagehersisyo
pagsasagawa
ehersisyo sa mukha pagehersisyo sa mukha. sa mukha.
Pagsasagawa ng Naisagawa ng buong husay Naipamalas ang lima sa Hindi naisagawa ng may
pageehersisyo ang lahat ng ehersisyo. mga ehersisyo sa mukha. kahusayan ang ehersisyo

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: IKAANIM NA LINGGO)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

Panuto: Bumuo ng isang sayaw na may 1 hanggang 2 minutong tugtog. Lumikha ng simpleng kombinasyon ng
mga galaw ng katawan at ekspresyon ng mukha sa isang sayaw. Pag-isipang mabuti ang iyong lilikhaing output.
Maaaring magpatulong sa nakatatandang kapatid o kasamahan sa bahay. Ibidyo ang iyong sayaw. Isaalang-
alang ang pamantayan sa sayaw na dapat gamitin.

Pamamaraan Napakahusay (5) Mahusay (3) Kailangan pang linangin


(1)
Musikang Angkop at napapanahon ang Angkop ang musikang ginamit Gumamit ng kahit
gagamitin musikang ginamit sa sayaw sa pagsasayaw anong musika

Naipamalas ang kahusayan Naipamalas ng kaunti ang Hindi naisagawa ng


Ekspresyon ng na may tamang ekspresyon kahusayan ang eksprresyon ng may kahusayan at
mukha ng mukha habang mukha habang nagsasayaw walang ekspresyon ang
nagsasayaw mukha
Gumamit ng tamang laki ng Gumamit ng kaunting espasyo Gumamit sobrang
Espasyong
espasyo sa pagsasayaw sa pagsasayaw kaunting espasyo sa
gagamitin
pagsasayaw
Gumamit ng iba’t ibang uri ng Gumamit ng galaw na may Gumamit ng galaw na
Galaw ng
galaw, maaaring likha ito o kaayusan walang kahusayan
sayaw
hindi.
Nagsuot ng angkop at Nagsuot ng kasuotang angkop Nagsuot ng kahit anong
Kasuotan tamang kasuotan sa sa pagsasayaw kasuotan sa
pagsasayaw pagsasayaw
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Sagutin ang sumusunod na tanong sa isang buong papel o kwaderno.
1. Ano ang iyong naramdaman habang bumubuo ng sayaw?
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
2. Bakit kailangang ipakita ang iba’t ibang uri ng galaw sa pagsasayaw?
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
3. Paano ito makakatulong sa iyong sarili?
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: _________)


Sa iyong Reflection Notebook, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang nang mga sumusunod na prompt:

Nauunawaan ko na ___________________________________________________
Nababatid ko na ______________________________________________________
Kailangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa ___________________.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP


Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN Aklat
Gatchalian,Helen G, Gezyl G. Ramos, Johannnsen C. Yap, Masigla at Malusog
na Katawan at Isipan 5: Batayang Aklat, Vibal GroupInc., 2016, pahina 112-
118
Inihanda ni: JOHN CHESTER C. MACATANGAY Sinuri nina: NAIDA C. PABELICO
SOFIA D. FABABAER
CYRUS T. FESTIJO
ANGUSTIA A. RASAY

You might also like