Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Pangasinan State University


Sta. Maria Campus
Topic/Title: Masustansiyang Pagkain ng Mag-anak
Grade Level: Grade 4
Time Allotment:50 minute

Banghay Aralin sa EPP 4

I.Layunin
1. Napapangkat ang mga pagkain ayon sa Go, Grow, at Glow food
2. Nasusuri ang sustansiyang taglay ng mga pagkain sa almusal gamit ang food pyramid
guide at ang pangkat ng mga pagkain
3. Nakagagawa ng plano ng ilulutong pagkain
4. Nasusunod ang mga alituntuning pangkaligtasan at pangkalusugan sa paghahanda,
pagluluto, at paghahain ng pagkain
5. Nakapagluluto at nakapaghahain ng pagkain nang kaaya-aya

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Masustansiyang Pagkain ng Mag-anak
Sanggunian: Modyul sa EPP, Aralin 18 K to 12 EPP4HE- Oi-14 at Oj-15
Kagamitan: mga larawan ng pagkain, larawan ng food pyramid guide, colored paper,
manila paper, pentel pen, kahon na walang lamaN.
A. Panimulang gawain

Gawaing Guro Gawaing Magaaral

1. Pagbati
Magandang umaga mga Bata!

Magandang Araw teacher ,Magandang


Kamusta ang inyong araw? Araw classmate!

Masaya akong Malaman na Mabuti po teacher!


maayos kayo.
2.Panalangin
Bago natin umpisahan ang
ating aralin ngayong araw na
ito,tayo Muna ay humungi Ng (Ang mga Bata ay manalangin)
patnubay sa Panginoon.Iyuko Amen
natin ang ating mga ulo,ipikit
Ang mga mata at tayo ay
Manalangin

3.Pagtala ng lumiban klase

Mga bata Meron bang lumiban


sa klase ngayong araw?
Mahusay!Dahil walang lumiban Wala po!
sa Araw na ito, bigyan natin
ang ating sarili ng palakpak

B.Engage

Pakitaas nga ang kaliwang kamay ng


kumakain ng masustansyang pagkain? (Ang mga magaaral na kumakain ng
masustansyang pagkain ay itataas ang
Magaling! kamay.)

Ang isang batang tulad mo ay


nangangailangan ng malusog na
pangangatawan, upang magampanan ang
mga pang-araw-araw na gawain Ang mga
masusustansiyang pagkain ang
makapagbibigay nito sa iyo. Magiging
masigla at malakas ang iyong katawan at ito
ang paraan upang ikaw ay makaiwas sa
sakit. Kung ang bawat kasapi ng pamilya ay
malakas at malusog, madali nilang
magagawa ang kani-kanilang tungkulin nang
masaya.
Nararapat lang na kumain ngmasustansyang
pagkain, Sa mga hindi pakumakain ng mga
pagkaing masustansya aymakinig at buksan
ang inyong isipan sahapong ito.Sa
pagtatapos ng klase ngayonghapon, kayo ay
inaasahang magawa ang mgasumusunod:

Ipapakita ng guro ang mga layunin) (Babasahin nang sabay-sabay ang mga
layunin.)

Handa na ba kayong makinig at matuto? Opo!


Para sa ating unang Gawain, hahatiin
natinang klase sa tatlong pangkat. Maari
nangmagsama-sama ang bawat grupo.
Pero bago tayo magsimula, kailangan (Ang klase ay mahahati sa tatlong pangkat.)
niyongisaalang-alang
ang mga sumusunod:

1.Ang bawat kasapi sa pangkat aykailangang


makilahok.

2.Panatilihin ang tamang gawi.

3.Igalang ang opinyon ng bawat


isa.Angmgaitoaymakakatulongupangmapana
tili o maisagawa ng maayos ang
bawatpangkatang gawain.

C.Explore

Ngaun naman mga bata meron ako ditto


ginupit na colored paper(apat na kulay na
may parehong bilang) sa ibat ibang hugis.

Lahat ng may pareparehong kulay


magkakasama .

Meron ditong pinaghalo halong larawan ng


mga pagkain na nasa mesa,( (Tandaan na
ang mga larawan ng pagkaing nakalagay sa
mesa ay may pagkakikilanlan na. Halimbawa:
nakadikit sa berdeng papel ang mga Go food,
sa asul ang Grow food at dilaw ang Glow
food.)

Gamit ang kahong walang laman, ang lider


ng bawat pangkat ay pupunta sa mesa at
mamimili ng mga pagkain. Bigyan sila ng
dalawang minuto para gawin ito.

Babalik ang lider ng grupo at ang pinamiling


pagkain ay kailangang pangkatin ayon sa
kulay ng papel kung saan ito nakadikit.
Ipagawa sa loob lamang ng limang minuto.

Bigyan ng premyo ang grupo na may


pinakamaraming tamang sagot.

D.Exlplain
Alam niyo ba na ang mga pagkain ay
napapangkat sa tatlo?

Sino ang nakakalam nito mga bata?


Boby? (taas ng kamay)
Go,grow, glow po teacher!
Mahusay!

Tatlong Pangkat ng Pagkain

Pangkat 1- Mga pagkaing nagbibigay ng


enerhiya, lakas, at sigla o Go Foods

mga bata magbigay nga ng halimbawa ng go


foods.
Andy?
Tinapay po teacher!
Mahusay!
Ano pa?
Mahusay! (tin, mais po teacher)

Ang mga nasa larawan ay halimbawa ng go


foods.
Ang mga pagkaing ito ang pinagkukunan ng
mga sustansiyang carbohydrates, taba, at
langis. Nagbibigay ang mga ito ng
enerhiyang nagpapalakas at nagpapasigla ng
katawan. Kapag kumakain ka ng mga ito,
ikaw ay magiging masigla at malakas Ikaw ay
makapaglalaro, makapag-aaral, at
makagagawa ng iba't ibang Gawain.

Ang mga pagkaing ito ang pinagkukunan ng


mga sustansiyang carbohydrates, taba, at
langis. Nagbibigay ang mga ito ng
enerhiyang nagpapalakas at nagpapasigla ng
katawan. Kapag kumakain ka ng mga ito,
ikaw ay magiging masigla at malakas Ikaw ay
makapaglalaro, makapag-aaral, at
makagagawa ng iba't ibang Gawain

Pangkat II - Mga pagkaing tumutulong sa


paglaki ng katawan o Grow Foods

Mayaman sa protina ang mga pagkaing ito.


Ang protina ay responsable sa pagpapalaki
ng mga kalamnan at ng buong katawan. Ito
ay nagpapalakas din ng mga buto at
nakatutulong sa pagpapalakas ng katawan,
kung ang isang tao ay galing sa
pagkakasakit. Sa sumusunod na pagkain
makukuha ang sustansiyang protina: karne
ng baboy, baka at manok, isda, itlog, at
gatas. Pinagkukunan din ng protina ang mga
pagkaing galing sa butil, tulad ng monggo,
mani, kadyos, sitaw, bataw, at sitsaro.
Mayaman din sa protina ang mga lamang
dagat gaya ng alimango, alimasag, hipon,
dilis, halaan, tulya, tahong, talaba, at
talangka. Kasama din sa pangkat na ito ang
hamon, bacon, tocino, at longganisa.

Pangkat III - Mga pagkaing pananggalang sa


sakit at impeksiyon o Glow Foods

Ang mga pagkaing ito ay pinagkukunan ng


bitamina at mineral. Ang mga bitamina A, B-
1, 6, 12, C at mga mineral tulad ng iron,
calcium, yodo (iodine), phosphorus, at
potassium ang mga sustansiyang
nagsisilbing pananggalang sa sakit at
impeksiyon. Ang mga prutas at gulay na
mayaman sa bitamina at mineral ay
nagsasaayos ng mga bahagi ng katawan.
Makukuha ang bitamina at mineral sa mga
sumusunod na pagkain.

1. Madahong gulay, madilaw, at maberde


tulad ng petsay, malunggay, talbos ng
kamote, talbos ng sayote at kalabasa. Ang
saluyot, ispinats, alugbati, celery, kintsay,
carrot, at kangkong ay mayaman sa bitamina
A, calcium, at iron. Ang mga sustansiyang
nakatutulong sa pangangalaga at
pagpapalusog ng mga mata, ngipin, at buto.
Kapag sapat ang taglay na iron, ang katawan
ay malakas at maganda. Ito rin ay
nakatutulong sa pamumuo ng dugo kapag
nasugatan at madaling nakapagpapagaling
ng sugat.

2. Ang mga maaasim at makakatas na gulay


at prutas tulad ng dalanghita, suha, bayabas,
kamyas, mangga, pipino, at kamatis ay
mayaman sa Bitamina C. Ito ay
nagpapalakas ng katawan laban sa
impeksiyon at sipon. Nakabubuti rin ito sa
ngipin at gilagid.

3. Ang mga prutas tulad ng tsiko, santol,


duhat, pakwan, kaimito, langka, saging at
mga gulay na tulad ng okra, sitaw, talong, at
sigarilyas ay tumutulong sa pagtunaw ng
kinakain at sa pagbawas ng dumi. Nililinis
nito ang mga bituka at tiyan upang maging
laging maayos at mahusay ang mga ito.
Ano ang napapansin niyo sa larawan?
Hugis tatsulok teacher!
Mahusay!

Alam niyo ba ang tawag dito? Food pyramid po!


Mahusay!
Ito ang tinatawag natin na food pyramid.

Tandaan na:

Ang tatlong pangkat ng pagkain ay dapat


gamiting patnubay sa pagpaplano ng
ihahandang pagkain ng mag-anak sa araw
araw. Ang agahan, tanghalian at hapunan ay
dapat nagtataglay ng pagkain sa bawat
pangkat.

Ang larawan ng food pyramid guide na


makikita sa ibaba ay magsisilbing gabay
kung gaano karami ang pagkain na
manggagaling sa bawat pangkat. Ito ang
patnubay tungo sa isang Balanced Diet na
nagtataglay ng tamang uri at sukat ng
pagkain.

E.Elaborate

Gawin natin:

Panuto :Tingnan ang dayagram sa ibaba,


isulat sa dulo ng bawat guhit ang mga
pagkain na kabilang sa bawat pangkat.

go food

grow foods

glow foods

F.Evaluate

Panuto: Iguhit ang trayanggulo kung ang mga


sumusunod na pagkain ay mainam kainin sa
agahan at hugis bilog kung hindi. Iguhit ito
sa iyongkwaderno

1.Daing na may kamatis


_______ 2. Kilawin na isda
_______ 3. Champorado
_______ 4. Ice cream
_______ 5. Hinog na papaya
6. HaloHalo
_______7. Nilagang itlog
_______ 8. Bulalo
_______ 9. Pritong isda
_______ 10. Tinolang Manok

Tapos naba mga bata?

May natutunan ba kayo sa araw na ito mga Opo teacher!


bata?
Opo teacher!
Mahusay!

Maaring ipasa na sa inyong harapan ang


inyong mga papel.
Paalam teacher paalam classmate!
Tayoy tumayo na,
Paalam mga bata?

You might also like