Professional Documents
Culture Documents
Edfil 1 Week 5 Module
Edfil 1 Week 5 Module
LEARNING MODULE
FOR
EDFIL 1: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA(ESTRUKTURA AT
GAMIT NG WIKANG FILIPINO)
___________________________________________________
WEEK 5
September , 2020
Ang NESC (New Elementary School Curriculum) ay nabuo sa pamamagitan ng mga sunud-
sunod na pagpapalitang-kuro at talakayan, mga pagpupulong at mga sesyon ng iba-ibang
pangkat na dalubhasa sa kurikulum at ng mga taong may kinalaman sa edukasyon.
Sa ilalim ng NESC, ang una at ikalawang baitang na siyang itinuturing na pundasyon ng pag-
aaral ay magkakaroon ng apat na lawak ng pag-aaral: Pilipino, Ingles, Matematika at Sibika at
kultura.
Ika-IV hanggang ika-VI na baiting, ang lawak ng pag-aaral ay bubuuin ng Pitong (7) yunit:
Pilipino, Ingles, Matematika, Kasaysayan/Heograpiya/Sibika, Agham at Kalusugan, mga Sining
at ang edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan, at Sining at ang Pangkabuhayan, Ang buod
o lagom ng mga asignaturang ukol sa Baitang I-VI ay gaya ng sumusunod:
Isa sa mahalagang kasangkapan ng guro ang wika sa pagsasagawa ng iba’t ibang tungkulin
sa pagtuturo. Dapat maunawaan ng sinumang guro ang iba’t ibang tungkulin ng wika o
isinasagawa niya sa silid-aralan ilan dito ang sumusunod:
1. Pagnanatili ng interes at pagkuha ng atensiyon ng mga bata
2. Pagbibigay o pagtangging magbigay ng pahintulot
3. Pagganyak sa pag-aaral
4. Pagtatanong tungkol sa aralin
5. Pagpapahalaga sa kasagutan ng mga mag-aaral
6. Pagsesermon/pagpapadala sa mag-aaral
Ang mga gurong di-tuwiran ay nakahihikayat sa mga mag-aaral. nagbibiro siya upang
mabawasan ang tensiyon at gumagamit siya ng mga galaw ng katawan at ekspresyon ng
mukha upang ipahiwatig ang nais niyang sabihin. Natatanong siya at tumatanggap ng mga
ideya nang hindi natatakot o naaalangann ang mag-aaral.
Isa-isahin natin ang mga tungkuling pangwika ng guro at ang ilang mga mungkahing
pormularyo sa pagsasagawa nito.
1. Pagganyak sa mga bata
Unang tungkulin ng guro na pukawin ang interes ng mga bata bago niya ilahad ang aralin.
Sinasabi na kapag nagtagumpay raw sa pagganyak ang guro, ang iba pang suliranin sa
pagtuturo ay halos nalutas na.
Tulad ng nasabi na maaring gumagamit ng larawan ang guro. Magpakita siya ng larawan
Ng Ibong Adarna at ganyakin ang mga mag-aaral nang ganito:
Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Ang nakalarawan ay ang Ibon Adarna.
Ang Ibong ito ay pambihira. Mayroon siyang nagagawang higit kaysa
karaniwang ibon.
Narito ang ilang mga mungkahi upang higit na mabisang mapanatili ang interes ng mga
mag-aaral.
2.1. Pananatilihin ang eye contact sa mga mag-aaral habang nagtuturo. Magagawa
lamang ito kung ang guro ay may ganap na kaalaman sa kniyang ituturo. Mahalaga
na pananatili ng guro na nakatingin ang mag-aaral.
2.2. Obserbahan ang reaksiyon ng mga bata habang isinasagawa ang aralin. Makikita
sa bukas at ekspreswyon ng kanilang maukha kung sila’y nasisiyahan o
nababagot.
Karaniwan nang nagsisimula ang tanong sa Ano, Alin, Saan o Sino. Maari ring singitin ng
Bakit, Paano, Patunayan, Ipaliwanag upang malinang ang higit na malalaim na pag-iisip.
4.2. Kung medyo tama ang sagot subalit nangangailan pa ng kaunting kaliwanagan,
maaring sabihin ang mga sumusunod:
a. Pwede rin. Mayroon ba kayong maidaragda?
b. malapit diyan ang tamang sagot.
c. Medyo tama ang kasagutan pero may iba pang higit ang sagot mo.
d. Sino ang makapagbibigay ng karagdagan sa kanyang sagot?