Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

El Filibusterismo

ni Dr Jose P. Rizal

Buod ng Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta

Buwan ng Disyembre noon at naglalakbay ang Bapor Tabo sa Ilog Pasig galing Maynila
patungong Laguna. Pabilog at hugis tabo ang bapor na kadalasang sinasalimbayan ng malakas na
ingay bilang pagbibigay-hudyat at paghahari-harian. Panay rin ang pagbubuga nito nang maitim
na usok. Halata na ang katandaan nito dahil sa kalawang sa iilang parte ng bapor na tila pilit na
binalot ng putting pintura upang magmukhang bago.
Ang bapor na ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga reverendos, ilustrisimos at
kawani ng pamamahalaan. Mabigat ang bapor dahil sa dami ng mga kargamento at pasahero.
Lalong pinabagal ang paglalakbay nito dahil sa maputik na tubig.
May hirarkiya ang mga pasahero sa Bapor Tabo. Ang mga Intsik at Indiyo ay nasa ilalim
ng kubyerta kasama ang mga kalakal at kargamento. Ang mga kawani ng pamahalaan, prayle, at
manlalakbay ay nasa ibabaw naman ng kubyerta. Ang ilang mga prayle ay nakaupo sa
magagarang upuan at ang ilan sa mga manlalakbay ay nakadamit Europeo.
Makailang ulit na sumadsad ang bapor sa mababaw na bahagi ng ilog na pulos putik.
Labis itong nagpahihirap sa timonel na may hawak ng tikim. Maging ang kapitan ay naghihirap
sa pagdiskarte sapagkat sa kanya nagmumula ang utos kung kailan pahihintuin at muling
paaandarin ang bapor upang makaiwas sa mas mababaw at mas maputik na bahagi ng ilog.
Lulan din ng bapor si Donya Victorina na panay ang reklamo nito tungkol sa mga
labandera na naglalaba sa ilog at mga naliligo. Siya ang tanging ginang na nakiumpok sa pangkat
ng mga kalalakihan. Si Donya Victorina ang ginang na binabalak hanapin ang asawa na si Don
Tiburcio de Espadaña na isang pekeng doctor. Tumakas ito dahil hindi na natiis pa ang
pagmalalabis ng ginang. Kung kaya’t naiwan siyang tagapangasiwa ng pamangkin ni Don
Tiburcio na si Paulita Gomez, isang dalagang maganda at napakayaman.
Si Don Custodio ay nagpapahinga sa kaniyang kabin matapos makipag-usap sa mga
prayle. Si Padre Irene ay pusturang pustura at nangingibabaw ang panlabas na kaanyuan. Si
Simoun ay naroon din, isang lalaking balbas sarado at may bigote, nakasalamin na animo’y
bulag, puti ang mga buhok, nakasuot ng amerikana at hitsurang Europeo. Si Simoun ay si
Crisostomo Ibarra na ngayon ay nagbabalatkayong isang dayuhang mag-aalahas na naging
tagapayo ng Kapitan Heneral.
Bunga ng paliko-likong agos ng ilog ay napag-usapan ang pagtutuwid nito upang hindi
maging sagabal sa paglalakbay.
Nakipagtatalo si Ben Zayb, isang kastilang mamamahayag kay Padre Camorra, isang
batang pari na mukhang artilyero. Nakisabat si Padre Salvi na isang paring Franciscano at
nagbahagi ng kaalaman ukol sa napagawang tulay sa lalawigan ng Puente del Capricho.
Mula sa pagpapalitan ng kuro-kuro ay may ipinanukalang si Simoun.
“Madali lamang solusyunan iyan at hindi na kailangan pang gumasta ng salapi. Humukay
ng tuwid na kanal patungong Maynila para sa paglalakbay.”
“Gamitin ang mga bilanggo sa pagtatrabaho, matatanda at bata. Huwag bayaran ang
kanilang trabaho nang makatipid ang pamahalaan.”
Ang panukalang ito ay nagbigay kalituhan sa mga nakikinig dahil nangangailangan ito ng
napakalaking halaga at nangangahulugan nang pagkasira ng ilang kabahayan sa tabi ng ilog.
Batid din ng mga nakikinig na magbubunga ito ng kaguluhan dahil magigipit ang mga taga-Ilog
Pasig kung kaya’t hindi ito sinang-ayunan ni Padre Sibyla.
Nagdulot ito ng tensyon dahil pinagdududahan nila ang panukala ng isang mag-aalahas
na walang alam sa gawaing naval. Dahil rito ay hindi natiis ni Don Custodio na magmungkahi ng
isa pang panukala, “Kung mag-aalaga ng itik ang lahat ay mapalalalim ang ilog dahil sa paghuli
ng susong ipakakain sa mga pato.” Ani ni Don Custodio
Nangangahulugan lamang na hindi na kailangan pang magpalabas ng salapi sapagkat
mapipilitan ang lahat na sumunod sa kung anumang ipinag-uutos ng pamahalaan. Nag-alok
naman si Ben Zayb na kung maaari ay siya na ang magsusulat ng artikulo ukol sa panukalang
iyon. Ani niya, “Kung maaari ay pahintulutan ninyo ako sapagkat sa bayang ito ay bihira ang
nag-iisip.”
Pagkatapos niya itong masambit ay sumingit si Donya Victorina, “Pero Don Custodio,
kung ang lahat ay mag-aalaga ng itik ay dadami ang balot.. ay nakadidiri! Mabuti pa ay
matabunan na nga ng buhangin!”

You might also like