SUMMATIVE TEST in FILIPINO 12

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Summative Test

1. Wika - Ang wika ay isa sa mga ginagamit natin araw-araw upang makipag ugnayan sa
ibang tao ito rin ay nagsisilbing komunikasyon upang mag ka unawaan at magkaisa ang
bawat isa patungo sa kaunlaran.

2. Pagsulat - Ginagamit natin ang pag sulat upang ilabas o sabihin ang mga salita na hindi
natin kayang isaboses sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga impormasyon sa papel.

3. Abstrak - Ang abstrak ay ang maikling buod ng artikulo o sulat.Ito ay siksik na bersyon at
ipinaalam nito sa mga mambabasa ang paksa at kung ano ang aasahan nila sa
pagbabasa ng sulatin.

4. Deskriptibong Abstrak - Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing


ideya ng papel,nakapaloob rin dito kaligiran,layunin,at tuon ng papel.Karaniwan itong
ginagamit sa mga papel ng humanidades at agham panlipunan at sa mga sanaysay na
sikolohiya.

5. Impormatibong Abstrak - Ipinapahayag nito sa mga mambabasa ang mga


mahahalagang ideya ng papel,ibinu buod nito ang kaligiran,layunin,at
tuon,metodolohiya,resulta at konklusyon ng papel.Mas karaniwan itong ginagamit sa
larangan ng agham.

6. Sintesis - Ang sintesis ay ang pag sama-sama ng mga ideya at salita mula sa iba't ibang
datos na pinanggalingan nito tungo sa isang mas malinaw at maayos na ideya.

7. Introduksyon - Sa introduksyon makikita ang pangalan ng may akda,pamagat at


impormasyon tungkol sa may akda,teksto at paksa.

8. Katawan - Sa katawan nakapaloob ang mga pangunahing ideya,kailangan ring


siguraduhin na organisa ng mga ideya at walang pagkakapareho upang masiguro na
maayos at impormatibo ang mga impormasyon.

9. Konklusyon - Dito ibinubuod ang mga nakitang impormasyon at ang pangkalahatang


koneksyon ng iba't ibang pinag samang ideya.Maari ring mag bigay komento o kaya ay
isulat ang naging obserbasyon mula sa sulatin.

10. Sekwensyal - Ito ay ang pagkaka sunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na
ginagamitan ng panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng una,pangalawa at
huli.
11. Kronolohikal - Ito naman ay ang pag sunod-sunod ng mga impormasyon o mahalagang
detalye ayon sa pangyayari .

12. Prosidyural - Ito ay ang pag sunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa.

13. Bionote - Ang bionote ay isang maikling talang pag kilanlan sa pinaka mahalagang
katangian ng isang tao batay sa kanyang mga nagawa.Kalimitan itong naririnig o
nababasa upang ipakilala ang tagapagsalita ng palatuntunan.

14. Personal na Impormasyon - Nakapaloob sa bionote ang mga personal na Impormasyon


katulad ng petsa ng kapanganakan,lugar ng kapanganakan,kategorya ng
kinabibilangan,magulang at iba pang kamag anak na nasa larangan ng sining.

15. Karangalan - Kasama na rin sa paggawa ng bionote ay ang natapos mo sa iyong pag
aaral,mga natapos sa training workshop,mga likha ng sining at ang iyong mga natamong
pagkilala at gawad.

You might also like