Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG

ARALING PANLIPUNAN 8 :
HEYOGRAPIYA

I. Mga Layunin

Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig

II. Paksang Aralin

Paksa:

Sanggunian: Araling Panlipunan Modyul (Ekonomiks) ph. 84-89

Kagamitan: Mga larawan, Chart, Pentel Pen, Manila Paper / PowerPoint


Presentation

III. Pamamaraan

1. Panimulang Gawain
 Pagdarasal
 Pagbati
 Pagtatala ng mga lumiban sa klase

2. Pagganyak (Motivation)
 Magpapakita ng mga larawan sa iba’t ibang uri ng organisasyon.
 (Pamprosesong Tanong) Magbibigay ako ng sumusunod na katanungan:
a) Tungkol saan ang larawang nakikita n’yo sa harapan?
b) Ano ang ibig sabihin sa salitang negosyo?
c) Sino sa inyo ang may karanasan na sa pagnenegosyo?
d) Pare-pareho ba ang mga negosyo? Kung hindi, ano-ano ang mga
kaibahan ng mga uri ng negosyo?

3. Mga Gawain (Activities)


 (Pangkatang Gawain) Sabihan ang mga mag-aaral na magbilang ng isa
hanggang apat, uli-ulitin ang proseso hanggang sa lahat ng mag-aaral ay
may nakuhang numero.

~1~
 Ipangkat ang mga mag-aaral na nakakuha ng magkaparehong numero –
Pangkat 1, Pangkat 2, Pangkat 3, at Pangkat 4

 Pangkat 1 - Sole Proprietorship o Isahang Pagmamay-ari


a) Magbigay ng mga katangian ng negosyong ito
b) Ipaliwanag ang sagot sa klase
 Pangkat 2 - Partnership o Sosyohan
a) Ipapakita sa pamamagitan ng pagsasadula ang kahulugan
ng Partnership or Sosyohan
 Pangkat 3 - Corporation o Korporasyon
a) Magbigay ng tigdalawang kahinaan at kalakasan sa
negosyong ito
b) Ipaliwanag ang sagot sa klase
 Pangkat 4 - Cooperative o Kooperatiba
a) Ipapakita sa pamamagitan ng pagguhit ang kahulugan ng
Cooperative o Kooperatiba

4. Paunlarin (Analysis)
 Pag-uunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pinaka-akmang sagot sa mga sumusunod na katanungan:
a. Ano ang pinakakomplikadong uri ng negosyo?
b. Anung uri ng negosyo ang pinakamadaling gawin?

5. Pagnilayan at Unawain (Abstraction)


 Paghikayat ng pang-unawa sa mga mag-aaral sa paksang natalakay sa
pamamagitan ng mga sumusunod na katanungan:
a) Ano sa tingin ninyo ang rason kung bakit kailangan natin
malaman at pag-aralan ang iba’t ibang uri ngnegosyo?
b) Paano makakatulong ang kaalaman sa iba’t ibang uri ng
negosyo upang mapa-unlad ang kabuhayan ng isang tao?

6. Isabuhay (Application)

 Tanong - Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na magnegosyo, anung


uri ang pipiliin nyo? Ipaliwanag ang sagot.

IV. Mga Gawain (Activities)

“Business as Usual”

a) Hahatiin ang klase sa apat na pangkat


b) Sa loob ng 30 segundo
c) Ang bawat pangkat ay bibigyan ng pangalan ng organisasyon

~2~
d) Idikit ito sa larawan ayon sa kanilang kaalaman
e) Ang unang pangkat na makakasagot ng tama ay syang panalo.

V. Pagtataya (Evaluation)
 Sabihan ang mga mag-aaral na kumuha ng ¼ na piraso ng papel para sa isang
pagsusulit.

Mga katanungan:
1) (#1-4) Anu-ano ang apat na uri ng organisasyon ng negosyo?
2) (#5-8) Magbigay ng tig-isang katangian sa bawat uri ng organisasyon ng
negosyo.
3) (#9-10) Magbigay ng tig-isang kalakasan at kahinaan ng Korporasyon.

VI. Takdang Aralin

1) Isulat sa ½ na piraso ng papel ang iba’t ibang negosyo na makikita sa ating


komunidad, magbigay ng 5 hanggang 10 na pangalan ng negosyo, at
2) Tukuyin kung anung uri ito ng organisasyon ng negosyo.

Inihanda ni:

CRISPAULO H. EBRADA

~3~

You might also like