Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

PAARALAN EMA EMITS BAITANG/ Grade 10

College Philippines ANTAS

GURO: Bb. Maria Florence DISIPLINA: Filipino


D. Mendoza
PANG-ARAW-ARAW ORAS/PETSA 8:00-9:00 n.u./ \ MARKAHAN: Ikalawang
NA BANGHAY ARALIN NG Markahan
SA FILIPINO PAGTUTURO

LAYUNIN: Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay na


Kurikulum.Sundin ang pamamaraan upang matamo ang layunin,maaari ring magdagdag ng iba pang gawain
sa paglinang ng Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan.Tinataya ito gamit ang istratehiya ng Formation
Assessment.Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin
dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa Gabay ng Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at
nilalaman.
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
Pangnilalaman pampanitikan ng mga bansang kanluranin.
B. Pamatayan sa Ang mag-aaral aynakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social
Pagganap media)
C. Mga Kasanayan Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
sa Pagkatuto a)
II. NILALAMAN:
Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay
sa Kurikulum. Maaari itong tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.
a.Paksa PANITIKAN: Ang Kamatayan ni Ivan Ilych
WIKA: Pokus ng Pandiwa: Tagaganap at Layon
III. KAGAMITANG PANTURO
Itala ang mga kagamitang panturo ng gagamitan sa bawat araw.Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang
higit na mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
a. Sanggunian PUNLA: Mga Akdang Pampanitikan ng Daigdig at El Filibusterismo
1. Mga pahina ng
Gabay ng Guro
2. Mga pahina ng
Kagamitang
Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa 138-145
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula
sa portal ng
Learning
Resources (LR)
b. Iba pang Kagamitang biswal at ICT
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN: Gawin ang mga pamamaraang ito ng buong linggo at tiyakin na may gawain sa
bawat araw. Para sa holistikong pagkahubog, gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga istratehiya ng
Formative Assessment. Magbigay ng maraming pagkakataon sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag -isip ng
analitikal at kusang magtaya ng dating kaalaman na iuugnay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL


A..Balik – aral sa A.Panimulang Gawain
nakaraang aralin o
pagsisimula ng  Magsitayo ang lahat. Itungo ang ulo at
bagong aralin ipikit ang mata damhin ang presensiya
ng panginoon…Amen

 Magandang umaga sa inyong lahat.


Ako muli ang magiging guro ninyo sa
araw na ito.  Magandang umaga din po Bb. Maria
Florence
 Maari bang pakiayos muna ng linya ng
inyong mga upuan at pakipulot na rin
ng mga kalat sa inyong tapat.

 Sarra may liban ba sa iyong mga


kaklase ngayong araw.
 Wala pong liban sa klase.

 Ang ating natalakay nang nakaraan ay


tungkol saan nga Martin?
 Sa Maikling Kwento po
 Tama. Ano namang Maikling Kwento
ang ating tinalakay nang nakaraan
Sara?  Pagtatapos ng Teatro

 Mahusay
B. Paghahabi sa Ang ating gagawin sa umagang ito ay
Layunin ng Aralin hulaan ng unang pangalan. Sa hulaan na
ating gagawin ay mabubuo natin ang ating
tatalakayin sa araw na ito.
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-
M aaral ay inaasahang:
a) naitatala ang mga salitang
magkakatulad at magkakaugnay sa
kahulugan (F10PT-IIe-73);
b) naibabahagi ang sariling kaalaman
batay sa maikling kwentong binasa;
c) nagbibigay reaksyon ang pagiging
makatotoohanan/di-
makatotoohanan ng mga pangyayari
sa maikling kwento (F10PB-IIe-
76);
d) nasusuri ang pokus ng pandiwa:
tagaganap/layon;
e) nagagamit ang pokus ng pandiwa:
tagaganap/layon sa isinulat na
sariling kwento (F10WG-IIe-d-68);
at
f) naipahahayag nang may
katalinuhan ang mga sagot sa ilang
katanungan.
C. Pag – uugnay ng Bago tayo magsimula ay may nakahanda
mga halimbawa akong katanungan.
sa aralin
Maaari mo bang basahin ang panuto.
Panuto: Pagtatambal-tambalin ang
magkakasingkahulugan salita na nasa
kahon.

umusbong malumbay tumilamsik itago


iniladlad biglang-lukso Sumilang nakatingin
nakatunghay Mag-alinlangan Walang-katiyakan
ikubli
kahambugan Malungkot kayabangan Nilugay

Ilan lamang ang aking tatawagin upang


sagutan ang mga katanungan.
Mariel,ano ang magkasitambal?

Mahusay! Alhea ano ang sumunod Kahambugan at Kayabangan


magkasitambal?
Umusbong at Sumilang
Mahusay! Laiza ano ang sumunod
magkasitambal?
Nakatunghay at Nakatingin
Mahusay! Aireen ano ang sumunod
magkasitambal?
Malumbay at Malungkot
Mahusay! Sidnhey ano ang sumunod
magkasitambal?
Inilugay at Iniladlad
Mahusay! Analyn ano ang sumunod
magkasitambal?
Ikubli at Itago
Mahusay! Anja ano ang sumunod
magkasitambal?
Mag-alinlangan at Walang katiyakan
Mahusay! Antonette ano ang sumunod
magkasitambal?
Tumilamsik at Biglang lukso
D. Pagtalakay ng Ngayon ay ating tunghayan at pakinggang
bagong konsepto ang Maikling Kwento na pinamagatang
at paglalahad ng “Pagkatapos ng Teatro” saknong 126-
bagong kasanayan 147. Pakinggang mabuti ang Maikling
Kwento.
(binabasa ng tahimik)

Pagtatapos ng Teatro

Kababalik lamang ni Nadya Zelenin


kasama ang kanyang ina mula teatro ung
saan napanood niya ang pagtatanghal ni
Yevgeny Onyegin. Pagkadating niya sa
kanyang bahay ay agad na nagsulat sa
kanyang lamesa na suot lamang ang
kanyang panloob,
“Iniibig kita”, ang kanyang
pasimula,”ngunit di mo ako iniibig, “di
mo ako iniibig”. Isinulat niya ito at
napatawa. 16 na taon palang si Nadya at
di pa niya nararanasang umibig. Kilala
niya si Gorny na opisyal at Gruzdev na
isang mag-aaral na kapuwa iniibig. Nag-
aalinlangan siya sa mga ito sapagkat
napanood niya ang isang opera na Ang
hindi ibigin at maging malumbay.
Masakit ang umibig, nakakatawag
pansin si Onyegin dahil hindi siya tunay
na umiibig si Tatyana ang nakakahanga
dahil siya marubdob na umiibig Kung
parehong nag-iibigan si Onyegin at
Tatyana ay wala ng iiba pa.
“Ihinto mo ang pagsasabing mahal
mo ako” iniisip ni Nadya si Gorny na
matalino, maginoo, seryoso, napakalaki
na iyong talento at marahil na maganda
ang iyong kinabukasan samantalang
ako’y isang karaniwang babae lamang at
walang halaga na maaaring
makahadlang sa iyong buhay. Totoong
naiisip mong ako ang kapilas ng iyong
puso, ngunit ito ay kamalian at ngayon
ay itatanong mo kong bakit mo nakilala
ang babaeng ito.
Nakaradam siya ng lungkot, lumuha
at nagpatuloy sa pagsusulat ." Bumalik
kay Nadya ang mga pinong pananalita,
pangungusap na malumanay at
nakapang-aakit, at di maitagong
damdamin, na nakikita sa mukha ng
opisyal nang may isang nakipagtalo rito
tungkol sa musika, at ang pagsisikap
nitong pigilin sa kanyang tinig ang
kanyang pagtalikod sa kanyang nais
kung hindi nga Iamang sa kanyang
pagsanib sa hukbong sandatahan,
marahil isa na Siya ngayong tanyag na
musikero. Natuyo ang mga luha sa mga
mata ni Nadya. Bumalik kay Nadya ang
alaalang nagtapat ng pag-ibig si Gorny
sa isang konsiyerto ng simponiya, sa
hagdan kung saan naroon ang sabitan ng
mga sambalilo ay humihihip sa lahat ng
direksyon ang malakas na simoy ng
hangin. "Napakasaya ko na sa wakas ay
nagkakilala kayo ni Gruzdev, ang ating
kaibigan na isang mag-aaral," patuloy
niya sa pagsulat. "Matalino siya, at
sigurado akong magkakasundo kayo.
Dumating Siya kahapon at upang makita
tayo ay naghintay hanggang ika-2 ng
hapon.
Hindi ba't mainam din naman, sa
abilang banda, na sulatan si Gruzdev?
May kasiyahang umusbong sa anyang
kaibuturan na wala namang dahilan o
anuman, sa simula'y maliit, gumugulong
na tulad ng isang bolang goma (galing
India), ang kanyang wa'y tila nagbuhol-
buhol, lumaki nang lumaki, tumungong
bisig at kanyang binti, at tila may
magaan, malamig na simoy na
humahaplos sa kanyang ulo at
iginagalaw ang kanyang buhok.
"Hindi, higit kong dapat na ibigin si
Gruzdev," pasya ni Nadya, habang
pinupunit ang liham para kay Gorny.
Natuon ang kanyang pag-iisip sa mag-
aaral, sa pag-ibig nito, sa kanyang pag-
ibig para rito; ngunit ang mga alaala sa
kanyang isipan ay nagpumilit na
dumaloy, at naisip niya ang lahat—ang
tungkol sa kanyang ina, ang kalye, ang
tungkol sa lapis, ang piyano.Darating
ang tagsibol at ang tag-init. maaaring
magtungo roon si Gorny para sa isang
bakasyon, lalakad sa hardin na kasama
Siva, at makikipagniig sa kanya.
Maaaring si Gruzdev ay magtungo rin
doon. Maglalaro ito ng croquet at
skittles (laro ng mga mamamayang
Ingles) kasama niya, at magkukuwento
ng mga kahanga-hangang bagay.

Lubos bang nauwaan ang maikling


kwento na ating binasa? Opo

Sino ang sumulat ng liham sa kaniyang


iniibig, Sherly? Si Nadya Zelenin po

Mariel,Sino ang unang sinulatan ng liham


ni Nadya? Si Gorny po

Anja, Sino daw ang maginoo, matalino,


seryoso, maraming talento at magaling
tumugtog ng piano? Si Gorny po

Analyn, Sino nga si Gruzdev? Siya po ay isang mag-aaral at kababata


na may gusto kay Nadya.

Sa iyong palagay Jhomar,


makatotoohanan o di makatotoohanan? Sa palagay ko po ito ay makatotoohanan
sapagkat po noon pa mang panahon lagi
pong sa liham sila nakikipagpalit ng
usapan. Sa palagay ko din po posibleng
may pangyayari na 16 taon ka pa lang
ay may nagkakagusto na sa iyo.

Mahusay! Jhomar, Lubos niyong


naunawaan ang ating Maikling Kwento.
E. Pagtalakay ng Ngayon ay dumako naman tayo sa Pokus
bagong konsepto ng Pandiwa: Tagaganap at Layon
paglalahad ng
bagong Pokus ng Pandiwa: Tagaganap at
kasanayan # 2 Layon

Pokus ang tawag sa gampaning semantiko


ng simuno o relasyong pansemantika ng
pandiwa sa simuno ng pangungusap.
Ginagampanan ng panlapi na tinataglay
ng pandiwa ang pagpapakita sa relasyong
ito.

Layon o Tinig-Layon

Naitatakda ng panlaping-in ang tinig-


layon. Ang layon ang siyang binibigyang-
diin sa pangungusap
 Niluto ni Lola ang ulam
 Ginamit ang mga lumang diyaryo na
pantapal

Aktor/Tagaganap/Tagagawa

Nasa pokus na ito ang pandiwa kapag ang


paksa ng pangungusap ang gaganap ng
kilos na ipinapahayag ng pandiwa o
siyang nagsimula at gumagawa ng
aksiyon.

 Nagdala si Brian ng sandwich


 Tumulong ang presidente sa mga
nasalanta ng bagyo
F. Paglinang sa May hinanda akong pangkatang gawain sa
kabihasaan inyo. Bumilang muli ng 1,2,3,3,2,1 para
(Tungo sa sa pangkatang gawain.
Formative
Assessment) Pumunta sa kanya kanyang grupo.
(tahimik na pumunta sa kanilang mga
grupo)

Gina Maaari mo bang basahin ang ating


panuto?

Panuto: Pumili lamang ng isang larawan


sa kahon at bumuo ng isang maikling
kwento na maiisip niyo mula sa napiling
bahagi. Ihahalintulad niyo ito sa
kasalukuyang panahon. Gumamit ng
Pokus ng Pandiwa: Tagaganap at Layon.

Pamantayan:

5 4 3 1
Nilalaman
Kaayusan
Presentasyon
Kooperasyon
Kabuuan

Salamat Gina. Bibigyan ko lamang kayo


ng limang minuto para gawain ang ating
pangkatang gawain. Maaari na kayong
magsimula.

(natapos ang limang minuto)

Pangkat isa para sa pagbabahagi ng


presentasyon.

Maraming salamat pangkat isa. Bigyan ng (pagbabahagi ng presentasyon)


sampung palapak.

Sunod na pangkat dalawa (klap 10x)

Pangkat dalawa para sa pagbabahagi ng


presentasyon.

Maraming salamat pangkat dalawa. (pagbabahagi ng presentasyon)


Bigyan ng sampung palapak.

Sunod ay ang huling pangkat (klap 10x)

Pangkat tatlo para sa pagbabahagi ng


presentasyon.

Maraming salamat pangkat . Bigyan ng (pagbabahagi ng presentasyon)


sampung palapak.

Mahuhusay ang presentayon na lang lahat. (klap 10x)


Sabihin sa iyong katabi na ang mahusay
ka!.
(Mahusay ka!)
G. Paglalapat ng Alhea, Sa iyong buong buhay anong
Aralin sa Pang- pandiwa ang kadalasan mong ginagamit?
araw – araw na Magbigay ng ilang pangungusap rito.
buhay  Uminom ako ng tubig
 Natulog ako maghapo
 Maghapon din ang pag-iyak ng
kapatid ko
 Naligo kaming dagat kahapon

Antonette, Sa kwentong Pagkatapos ng


Teatro sing tauhan ang maaari mong
ihambing sa iyong sarili?
Yung kay Tatyana po, dahil pareho po
kaming nagmamahal.
Mula sa akda ng “Pagtatapos ng Teatro,
anong masasabi ninyo sa akda na ito?
Malungkot, kasi kahit alam natin na
may mahal tayo at alam niyang minahal
din tayo pero dadating nga yung
panahon na lilisanin din tayo.
Kung kayo ang nasa bata na nasa akda
gagayahin nyo ba si Nadya Zelenin? Bakit
Sa akin lang po hindi, sapagkat ang
pagsasabi ng pagmamahal ay sinasabi
mo sa taong gusto mo. Tulad niya
dinaan niya lang sa pagsulat tapos ayon
wala na.
H. Paglalahat ng Sa ating tinalakay na “Pagtatapos ng
Aralin Teatro”.

Ahlea, Maaari mo bang ibigay ang


pangunahing tauhan?
Ito po ay si Nadya, Gorny at Gruzdev.
Mahusay! Anja, Sa anong paraan
nagpapahayag ng kanyang damdamin si
Nadya? Sa pagsulat po ng Tula
Mahusay! Analyn, ilang taon na si
Nandya?
16 po
Mahusay! Sheryl, Sino naman ang
mahusay tumugtog sa piano?
Si Gorny po

Mahusay! Jhomar Sino ang nakita ni


Nadya sa pagtatanghal?

Si Onyegin po
Laiza, ano naman ang dalawang uri ng
Pokus ng pandiwa?
Ito po ay ang Tagaganap at layon

Mahusay at lubos niyong nauwaan ang


ating Maikling Kwento at Ang Pokus ng
Pandiwa

I. Pagtataya ng Makinig ng mabuti at sagutan ng naayon.


aralin Pakinggan niyo na lamang ang ating
pagtataya at bibigyan ko lamang kayo ng
apat na minuto para sagutan ito.

Naiintindihan ba?
Opo
Magsimula ng magsagot
(tahimik na nagsasagot)

Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat


sa malinis na papel.

1. Pamagat ng Maikling Kwento.


a. Pagtatapos ng Teatro
b. Pagkatapos ng Teatro

2. Babaeng nagugustuhan ng dalawang


lalaki.
a. Tatyana
b. Nadya

3. Ano ang sinulat niya?


a. Tula
b. Maikling kwento

4. Katangian ni Gorny
a. Matalino
b. Isang mag-aaral

5. Katangian ni Gruzdev
a. Matalino
b. Isang mag-aaral

6. Buong Pangalan ni Nadya


a. Zelenen
b. Zelenin

7. Ilang taon na si Nadya?


a. 15
b. 16

8. Sino ang nakita ni Nadya sa


pagtatanghal?
a. Onyegin
b. Gorny

9. Kanino inihambing ni Nadya ang


kanyang liham?
a. Gorny
b. Tatyana

10. Anong naramdaman ni Nadya sa


huling bahagi ng maikling kwento?
a. Naiinis at Nalulungkot
b. Natutuwaa at Nagagalak
Tapos na ang nakatakdang oras at ipasa na
sa akin muli ang mga papel
J. Karagdagang Takdang Aralin:
Gawain at Takdang-
Aralin 1. Maghanap sa internet ng ibang
Maikling Kwento na salin sa Filipino.
2. Ilagay sa kwaderno ang Tauhan at
buod.
3. Sa huli lagyan ng moral lesson.
V. MUNGKAHI

VI. REPLEKSYON: Magnilay sa iyong mga istratehiyang panturo.Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa
bawat lingggo.Paano mo naisakatuparan .Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y matulunga ? Tukuyin
ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong supebisor sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo sa inyong
pagkikita.
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% resulta ng
pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng paggabay
ng guro (bawat pangkat)
C. Nakatutulong ba ang
remedyasyo sa pagkatuto ng
mag-aaral?
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remedyasyon
E. Alin sa aking mga estratehiya
ang epektibong gamitin? Bakit
nasabing ito ay epektibo?
F. Anong mga kahinaan ang
aking naranasan?
G. Anong inobasyon o local na
kagamitan sa pagtuturo ang
iyong ginamit o tinuklas na
maaari mong ibahagi sa iba
ang guro?

Mga Komento at Mungkahi


Inihanda ni:
Maria Florence D. Mendoza
Gurong Nagsasanay
Iniwasto ni: Mga Komento at Mungkahi

G. Lichfield Velasquez, LPT


Gurong Tagapagsanay
Sinuri ni:
G. Lichfield Velasquez, LPT
Tagapag-ugnay ng Asignatura (Filipino)

You might also like