FIL10 Q4 W1 Kaligirang-Pangkasaysayan-ng-El-Filibusterismo Diosan Kalinga V4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Kaligirang

Pangkasaysayan ng
El Filibusterismo
Filipino 10
Ikaapat na Markahan - Modyul 1

LAUREANA C. DIOSAN
laureana.diosan001@deped.gov.ph/09365150796
Tagapaglinang

Department of Education • Cordillera Administrative Region

Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF KALINGA
Bulanao, Tabuk City, Kalinga

Inilathala ng:
Learning Resource Management and Development System

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI

2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon
ng karapatang - sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa maaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum sa

pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID) - Learning Resource
Management and Development System (LRMDS). Maaari itong kopyahin para sa
layuning pang - edukasyon at maaaring hilingin ang pahintulot sa nagmamay - ari nito.
Ang paghalaw o pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang karampatang
pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihintulutan ang paghalaw ng anumang likha
mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.

ii
SUBUKIN
Panuto: Isulat ang titik ng inyong sagot sa inyong sagutang papel o kuwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi katanggap-tanggap na katumbas sa pamagat ng

El Filibusterismo?
A. Paghahari ng Kasakiman
B. The Filibuster
C. Ang Kaaway ng Simbahan
D. The Reign of Greed

2. Ano ang tawag sa sinumang magtatangka at may layuning pabagsakin ang

pamahalaan noong panahon ng mga Espanyol?
A. Filibustero B. Erehe C. Indio D. Amigo

3. Kanino inalay ni Rizal ang kanyang ikalawang nobelang El Filibusterismo?

A. Ferdinand Blumentritt C. Valentin Ventura
B. Padre Gomez, Burgos, Zamora D. Sa Inang Bayan

4. Tinaguriang tagapagligtas ng nobelang El Filibusterismo dahil sa kaniyang

pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa pagpapalimbag ng nobela.
A. Ferdinand Blumentritt C. Valentin Ventura
B. Padre Gomez, Burgos, Zamora D. Jose Ma. Basa

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging inspirasyon ni Rizal upang isulat ang El
Flibusterismo?
A. Suliranin sa Edukasyon C. GOMBURZA
B. Mga usapin sa lupa D. Josephine Bracken

6. Ano ang ibig sabihin ng salitang “frailocracia”?

A. Paglahok ng mga prayle sa usaping legal, pulitikal, at sosyal ng pamahalaan
B. Paglahok ng mga prayle sa usaping moral at doktrina ng simbahan
C. Pang-uusig sa mga pari at relihiyoso mula sa mga Mason at protestante
D. Lahat ng nabanggit

7. Lugar kung saan sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo.

A. London C. Calamba
B. Ghent D. Paris

8. Taon Kung kailan sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo?

A. 1887 C. 1890
B. 1891 D. 1889
9. Binago ni Rizal ang banghay ng kanyang nobela sa lugar na ito.
A. London C. Calamba
B. Ghent D. Paris

4
10. Nailimbag ang unang kopya ng El Filibusterismo noong?
A. 1887 C. 1890
B. 1891 D. 1889

11. Dahilan kung bakit ang nobelang El Flibusterismo ay itinuturing na nobelang

pampulitika.
A. Sumasalamin sa politika na meron ang Pilipinas noong panahon ng mga
kastila.
B. Malaking bahagi ng nobela ay nagsasalaysay ng kalagayan ng Pilipinas sa
ilalim ng pamamahala ng mga kastila
C. Wala ni isa mang bahagi ng nobelang ito ang hindi nagbigay ng kalagayan ng
lipunan
D. Lahat nang nabanggit

12. Anong maling sistema sa lipunan ang binabatikos ni Rizal sa sitwasyong ito?
“ Ang mga Espanyol ay nakaupo sa harapang bahagi ng silid-aralan na may 400 na
kapasidad, samatalang ang mga Indiyo ay pinauupo sa likuran.”

A. Encomiendero C. kawalan ng hustisya

B. diskriminasyon D. kanser ng lipunan

13. Ang mga sumusunod na pangungusap ay MALI maliban sa isa.

A. Inalay ni Rizal ang kanyang nobelang El Filibusterismo sa tatlong paring
martir.
B. Mestizo at hindi mga Espanyol ang karaniwang kaaway ng mga purong
kayumanggi noong panahon ni Rizal.
C. Ang mga encomiendero at mga paring prayle ay hindi nagkakasundo
pagdating sa pamamahala sa mga lupain.
D. Kanser sa Lipunan ay tumutukoy sa mga sakit na dulot ng virus noong araw.

14. Bakit mahalagang magkahiwalay sa pamamahala ang simbahan at pamahalaan?

A. Mas mataas ang tungkulin ng simbahan kaysa sa pamahalaan.
B. Dahil magkaiba ang tungkulin ng bawat isa at magkakagulo kung
pagsasamahin.
C. Banal ang tungkulin na simbahan samantalang kabutuktutan ang sa
pamahalaan.
D. Ang pinuno ng simbahan ay para sa simbahan at ang mga politiko ay sa
pamahalaan.

15. Sa kasalukuyan alin ang maituturing nating kanser ng lipunan?

A. pagmamahal sa pera C. pagiging makasarili
B. Korapsiyon D. pagtalikod sa simbahan

Higit na pinagbuti, pinaganda, pinagaan, at pinagyaman ng iba’t ibang estratehiya ang

modyul na ito upang mapadali sa lalong ikalilinang ng kakayahan ng mga mag-aaral

5
upang mapaghandaan ang papel na dapat gampanan sa panahong may nakaambang
patibong sa sarili at sa kanyang bayan.

Sa paglisan sa paaralan na naging kanlungan ng kanyang pangarap na mabago ang

buhay ay maikintal at maimulat kung paano magpasya at tumayo sa sariling paa na
magdadala sa kanya sa rurok ng tagumpay.

BALIKAN
Gawain 1: Panuto: Piliin mula sa kahon ang tamang sagot at isulat sa bawat
patlang upang mabuo ang diwa ng kasaysayan ng Noli Me Tangere. Letra lamang
ang isulat sa sagutang papel o kuwaderno.

A. damdamin B. San Juan C. Uncle Tom’s Cabin

D. Kanser ng Lipunan E. Noli Me Tangere F. Huwag mo akong
salangin

1. ___________ ang unang nobelang isinulat ni Rizal. The Wandering Jew, Biblia at
2. ___________ ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang sulatin ang ito. Nabuo sa
kanyang puso na sumulat ng isang nobelang gigising sa natutulog na 3. ___________
ng mga Pilipino at puksain ang 4. ___________ ng lipunan. Ang pamagat na “Noli Me
Tangere” ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay 5. ___________ na hango sa
ebanghelyo ng San Juan.

TUKLASIN
Mga Butil ng Kaalaman…
Ang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman (The Filibuster o The Reign
of Greed) ay isang nobelang pampanitikan na pumapaksa sa pamamahala ng mga
Kastila. Ito ang ikalawang obra ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal at
karugtong ng Noli Me Tangere na nauna niyang isinulat. Inilathala ito sa salitang kastila
at binubuo nang 279 na pahina.

Etimolohiya ng Pamagat (El Filibusterismo)

Ang salita ay hindi pa gaanong kilala sa bansa nang isulat ang nobela. Una itong
narinig ni Rizal nang ginagarote ang tatlong paring martir. Ayon sa mga Espanyol at
mga peryodiko sa Maynila, filibustero ang sinumang [pilipinong] nagtatangka o
pinaghihinalaang nagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan.

Ang salita'y kaakibat ng katatakutan sa mga tao. Ang isang makabayang nagtatanggol
sa bayan ay mahahatulan ng kamatayan. Dahilan upang katakutan at iwasang bigkasin
ang salita at iwasan din ang mga gawaing maiuugnay rito.

6
Mga Dahilan sa Pagsulat ng Aklat
Sa pagsusulat ni Dr. Jose Rizal ng kaniyang ikalawang nobela, nagkaroon siya ng iba’t
ibang inspirasyon na hango sa kaniyang mga kinahaharap na isyu sa buhay. Ang mga
dahilan ni Rizal sa pagsulat ng akda ay ang mga sumusunod:

1. GOMBURZA
Noong Pebrero 17, 1872 isinagawa ang pagbitay sa talong paring martir na sina
Padre Gomez, Burgos at Zamora nang sila’y hatulang sangkot at utak ng pag-aaklas sa
Cavite. Sa isang malabo at lihim na paglilitis, nagbunga ng maling paniniwala ng
pamahalaan na humantong sa kanilang kamatayan. Sa kanyang pag-aalay, inilarawan ni
Rizal ang mga pari bilang “biktima ng walang hanggang kasamaan na layunin kong
tapusin.”

2. SULIRANIN SA EDUKASYON
Isa sa mga suliraning naranasan ni Rizal noong siya ay nag-aaral ay ang walang
katapusang diskriminasyon sa mga [kayumangging] pilipinong estudyante mula sa mga
[mapuputing] kastila at mestizo. Sa kanyang pag-aaral naman sa kolehiyo sa Unibersidad
ng Santo Tomas, napansin niya rin ang mababaw na sistema ng edukasyon na makikita
sa paraan ng kanilang pagtuturo – na hanggang teorya lamang at walang aplikasyon.

Sa nobela, sa mga karakter nila Placido Penitente na nawalan na nang ganang

mag-aral sa Santo Tomas at Padre Millon, tagapagturo sa assignaturang Pisika na
walang experiment, tinalakay ni Rizal ang mga ganitong isyu.

3. USAPIN SA LUPA
Ang ama ni Rizal, kagaya ng ibang karaniwang pilipinong magsasaka, ay
nakaranas ng pang-aabuso mula sa mga prayle at mayayamang encomiendero na
nagmamay-ari ng mga lupa noon sa Calamba. Matapos simulan ng ama ni Rizal ang
isang repormang pansakahan, naghiganti ang mga prayle at mayayamang encomiendero
sa pamamagitan ng pagtaas ng upa sa mga sakahan.
Si Kabesang Tales ang naging simbolo ni Rizal sa nobela pagdating sa ganitong
suliranin.

4. FRAILOCRACIA
Frailocracia (“pamahalaan ng prayle”) ang tawag sa paglahok ng mga prayle sa
mga usaping legal, pulitikal, at sosyal ng pamahalaan.

Inilarawan ito ni Rizal sa kanyang nobela sa pamamagitan nila Padre Fernandez,

Padre Irene at Padre Florentino sa panig ng kabutihan at si Padre Camorra sa panig
naman ng kasamaan.

5. KANSER NG LIPUNAN
Bukod sa mga tiwaling opisyal. Mariin din ang pagkayamot ni Rizal sa mga
pilipinong nakatataas at malakas ang impluwensiya, na kahit may kakayahang
maglunsad ng pagbabago sa pamahalaan ay pinipiling magbulag-bulagan at walang
pakialam.

7
Sila Don Custodio at Senor Pasta ang ilan sa mga simbolong karakter na
kumakatawan sa ganitong suliranin.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig, at

nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalagayan
at karapatan ng bayan.

Gawain 2: Panuto: Isulat sa graphic organizer ang mga salita o pahayag na may
kaugnayan sa salitang Filibusterismo.

FILIBUSTERISMO

SURIIN
TIMELINE NG KALIGIRANG KASAYSAYAN NG “EL FILIBUSTERISMO”

Marso 1887
Matagumpay na lumabas ang unang
nobela ni Rizal na Noli Me Tangere.
Agosto 1887
Bumalik sa Pilipinas si Rizal mula Espanya.
Oktubre 1887
Sinimulan ang akdang karugtong ng nauna
niyang nobela habang nagpapraktis
ng medisina sa Calamba.
Pebrero 3, 1888
Palihim na umalis ng Pilipinas si Rizal at nagtungo sa Amerika at Europa dahil sa nakaambang
panganib sa buhay ng kanyang mga mahal sa buhay. Ito’y pinatunayan ng isang katakut-takot na
pagbabanta, kaya pinayuhan ng gobernador na kailangang bumalik sa ibang bansa.
Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kanyang manuskrito habang naninirahan sa Paris,
Madrid at Bruselas.

1890
Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagbalangkas
ng nobela. Sa London niya nagawa ang
ilang mga pagbabago sa banghay ng
nobela at pagtatama ng mga natapos na
kabanata. Marso 29,1891

8
Natapos ni Rizal ang huling kabanata ng kanyang
ikalawang nobela. Sa kanyang sulat kay Blumetritt,
“Natapos ko ang libro, ngunit hindi ko isinulat para
sa paghihiganti sa aking mga kaaway, ngunit para
sa kabutihan ng mga nagdurusa, para sa Karapatan
ng buong lahing Tagalog, na kahit kayumanggi.
Mayo 30, 1891
Natapos ni Rizal ang mga huling rebisa sa
kanyang nobela. Sa kanyang sulat kay Jose
Ma. Basa, “Handa na ang aking lbro. Ang
unang dalawampung kabanata ay maaari
nang malimbag.” Setyembre 18, 1891

Naipalimbag at nailathala nang maayos ang aklat sa tulong ng isang kaibigang taga-Paris
walang iba kundi si Valentin Ventura. Ipinadala ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat
matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi. Inihandog ni Rizal ang nobela
bilang alaala sa tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos, at Zamora. Sa kanila inihandog
ang nobela sa kadahilanang hindi maalis sa isipan ni Rizal ang kawalan ng katarungan ng
kanilang kamatayan.

1925

Binili ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng nobela kay Valentin Ventura.

PAGYAMANIN

Gawain 3. Suriin Natin!

Panuto: Mula sa binasang timeline ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo, punan ang hinihinging impormasyon sa kahon.

Sanhi Bunga
Dahil sa nakaambang panganib sa buhay
ng kanyang mga mahal sa buhay

Inihandog ni Rizal ang nobelang El

Filibusterimo

Nangangailangan ng guguguling salapi

para sa pagpapalimbag

9
Gawain 4: Panuto: Batay sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo, suriin ang
mga larawan. Itala ang mga kondisyong ipinakikita sa mga larawan, mga pahayag na
nagpapakitang ang mga kondisyong ito ay naipakita sa akda, at ang layuning nag–udyok
upang maisulat ng may-akda ang akda.
Kondisyon
_________________________________________
_________________________________________
Encomendero _________________________________________
1. _________________________________________

Pahayag na magpapatunay mula sa akda

_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________

Layunin ng may – akda sa pagsulat

2. _________________________________________

10
Gawain 5: Panuto: Sa iyong sagutang papel o kuwaderno, pagsunod-sunurin ang mga
sumusunod na pangungusap na naaayon sa kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo. Gamitin bilang 1 -5 .

_____ 1. Noong Mayo 30, 1981 natapos ang pagsusulat at noong Setyembre 18, 1891
naipalimbag ang libro ni Rizal.
_____ 2. Nang matagumpay na nalimbag ang Noli Me Tangere, umuwi si Rizal sa Pilipinas
galing Espanya.
_____ 3. Dahil na rin sa banta sa kanyang buhay, pinayuhan siyang lisanin ang bansa at
magtungo sa Amerika at Europa.
_____ 4. Pagkauwi sa bayan niya sa Calamba, sinimulan ni Rizal ang El Filibusterismo habang
nagsasanay ng medisina.
_____ 5. Doon, ipinagpatuloy ang pagbalangkas sa nobela at nagkaroon ng pagwawasto sa
banghay sa London.

ISAISIP
Gawain 6: Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa inyong
kuwaderno.
1. Bilang isang mag-aaral bakit kailangan pag-aralan ang Kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo?
Bilang isang mag-aaral, Kailangan kong pag-aralan at matutunan ang tungkol sa Kaligirang
Kasaysayan ng El Filibusterismo dahil ____________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
2.Paano makatutulong ito sa aking buhay bilang Pilipino ?
Ang makatutulong ito sa aking buhay bilang Pilipino___________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

ISAGAWA
Gawain 7: Panuto: Magsulat ng timeline kung kailan at paano mo paplanuhin ang iyong
buhay upang ikaw ay maging matagumpay sa hinaharap. Gamit ang pormat na nasa
ibaba o maaaring magdisensyo ng sarili pormat sa presentasyon ng iyong timeline.

PETSA Mga Hakbangtungo sa aking tagumpay

11
TAYAHIN
Panuto: Isulat ang titik ng inyong sagot sa inyong sagutang papel o kuwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi katanggap-tanggap na katumbas sa pamagat ng

El Filibusterismo?
A. Paghahari ng Kasakiman
B. The Filibuster
C. Ang Kaaway ng Simbahan
D. The Reign of Greed

2. Ano ang tawag sa sinumang magtatangka at may layuning pabagsakin ang

pamahalaan noong panahon ng mga Espanyol?
A. Filibustero B. Erehe C. Indio D. Amigo

3. Kanino inalay ni Rizal ang kanyang ikalawang nobelang El Filibusterismo?

A. Ferdinand Blumentritt C. Valentin Ventura
B. Padre Gomez, Burgos, Zamora D. Sa Inang Bayan

4. Tinaguriang tagapagligtas ng nobelang El Filibusterismo dahil sa kaniyang

pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa pagpapalimbag ng nobela.
A. Ferdinand Blumentritt C. Valentin Ventura
B. Padre Gomez, Burgos, Zamora D. Jose Ma. Basa

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging inspirasyon ni Rizal upang isulat ang El
Flibusterismo?
A. Suliranin sa Edukasyon C. GOMBURZA
B. Mga usapin sa lupa D. Josephine Bracken

6. Ano ang ibig sabihin ng salitang “frailocracia”?

A. Paglahok ng mga prayle sa usaping legal, pulitikal, at sosyal ng pamahalaan
B. Paglahok ng mga prayle sa usaping moral at doktrina ng simbahan
C. Pang-uusig sa mga pari at relihiyoso mula sa mga Mason at protestante
D. Lahat ng nabanggit

7. Lugar kung saan sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo.

A. London C. Calamba
B. Ghent D. Paris

8. Taon Kung kailan sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo?

A. 1887 C. 1890
B. 1891 D. 1889

9. Binago ni Rizal ang banghay ng kanyang nobela sa lugar na ito.

A. London C. Calamba
B. Ghent D. Paris

12
10. Nailimbag ang unang kopya ng El Filibusterismo noong?
A. 1887 C. 1890
B. 1891 D. 1889

11. Dahilan kung bakit ang nobelang El Flibusterismo ay itinuturing na nobelang

pampulitika.
A. Sumasalamin sa politika na meron ang Pilipinas noong panahon ng mga
kastila.
B. Malaking bahagi ng nobela ay nagsasalaysay ng kalagayan ng Pilipinas sa
ilalim ng pamamahala ng mga kastila
C. Wala ni isa mang bahagi ng nobelang ito ang hindi nagbigay ng kalagayan ng
lipunan
D. Lahat nang nabanggit

12. Anong maling sistema sa lipunan ang binabatikos ni Rizal sa sitwasyong ito?
“ Ang mga Espanyol ay nakaupo sa harapang bahagi ng silid-aralan na may 400 na
kapasidad, samatalang ang mga Indiyo ay pinauupo sa likuran.”

A. Encomiendero C. kawalan ng hustisya

B. diskriminasyon D. kanser ng lipunan

13. Ang mga sumusunod na pangungusap ay MALI maliban sa isa.

A. Inalay ni Rizal ang kanyang nobelang El Filibusterismo sa tatlong paring
martir.
B. Mestizo at hindi mga Espanyol ang karaniwang kaaway ng mga purong
kayumanggi noong panahon ni Rizal.
C. Ang mga encomiendero at mga paring prayle ay hindi nagkakasundo
pagdating sa pamamahala sa mga lupain.
D. Kanser sa Lipunan ay tumutukoy sa mga sakit na dulot ng virus noong araw.

14. Bakit mahalagang magkahiwalay sa pamamahala ang simbahan at pamahalaan?

A. Mas mataas ang tungkulin ng simbahan kaysa sa pamahalaan.
B. Dahil magkaiba ang tungkulin ng bawat isa at magkakagulo kung
pagsasamahin.
C. Banal ang tungkulin na simbahan samantalang kabutuktutan ang sa
pamahalaan.
D. Ang pinuno ng simbahan ay para sa simbahan at ang mga politiko ay sa
pamahalaan.

15. Sa kasalukuyan alin ang maituturing nating kanser ng lipunan?

A. pagmamahal sa pera C. pagiging makasarili
B. Korapsiyon D. pagtalikod sa simbahan

13
14
SUBUKIN
PAGYAMANIN
Nang matagumpay na nalimbag 1. C
ang Noli Me Tangere, umuwi si Rizal sa 2. A
Pilipinas galing Espanya. Pagkauwi sa 3. B
bayan niya sa Calamba, sinimulan ni 4. C
Rizal ang El Filibusterismo habang 5. D
nagsasanay ng medisina. Dahil na rin sa 6. A
banta sa kanyang buhay, pinayuhan 7. C
siyang lisanin ang bansa at magtungo sa 8. A
Amerika at Europa. Doon, ipinagpatuloy 9. A
ang pagbalangkas sa nobela at 10. B
nagkaroon ng pagwawasto sa banghay 11. D
sa London. Noong Mayo 30, 1981 12. B
natapos ang pagsusulat at noong 13. A
Setyembre 18, 1891 naipalimbag ang 14. B
libro ni Rizal. 15. B
TAYAHIN BALIKAN
1. C 1. E
2. A 2. C
3. B 3. A
4. C 4. D
5. D 5. F
6. A
7. C
8. A
9. A
10. B
11. D
12. B
13. A
14. B
15. B
SUSI SA PAGWAWASTO
sakahan.
may karapatang magmay-ari ng lupang
mayayamang encomendero lamang ang Constitution
Halimbawa: Ang mga prayle at Article XII, Section 2, 1987 Philippine
Suliranin sa panahon ni Rizal Batas sa kasalukuyang panahon
kasalukuyan na lumulutas sa mga suliraning binanggit.
mga Espanyol at sa ikalawang kolumn ang mga batas o probisyon ng batas sa
Gawain 8: Isulat sa unang kolumn ang mga suliranin ng bansa noong panahon ng
KARAGDAGANG GAWAIN
MGA SANGGUNIAN

Panitikan.com. “El Filibusterismo” Accessed February 5, 2021.

https://www.panitikan.com.ph/el-filibusterismo-buod-300-words-maikling-maikli.

Panitikan.com. “Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo” Accessed February 5,

2021. https://www.panitikan.com.ph/kaligirang-pangkasaysayan-ng-el-
filibusterismo-buod .

Quizlet.com. “Mga Pnagyayari sa Buhay ni Rizal Habang Isinusulat ang El

Filibustreismo”. Accessed February 6, 2021. https://quizlet.com/196877736/mga-
pangyayari-sa-buhay-ni-rizal-habang-isinusulat-ang-el-filibusterismo.

Jose Rizal: Life, Works, and Writings of A Genius, Writer, Scientist, and National Hero,
Gregorio F. Zaide, Sonia m. Zaide, Second Edition
El Filibusterismo, ni Jose Rizal, Lolita T. Bandril, Loreto Z. Francia, 1998

15

You might also like